DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

802K 26.8K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 21

17.5K 609 37
By lhiamaya

Jolene

"NAKAKATUWA talaga yang mag ama mo. Laging magkadikit at hindi mapaghiwalay." Wika ni Aling Luding ang kapitbahay namin.

"Ikaw ba naman ilang taon nasa abroad ang tatay kaya natural lang na halos di sila mapaghiwalay." Ani Ka Nena ang may ari ng tindahan na binibilhan ko ngayon.

Mula kasi dito sa tindahan nya ay kitang kita ang apartment na inuupahan namin at nasa labas nga ang mag ama at naglalaro ng basketball. Binilhan kasi ni Atlas ng maliit na ring ang anak at bola. Siguradong pawisan na naman si Jeremiah mamaya.

Ang alam ng mga kapitbahay ko ay ofw si Atlas. Yun kasi ang laging sinasabi ni Jeremiah kapag may nagtatanong sa kanya kung nasaan ang papa nya. Hindi naman ako nagkukwento sa mga kapitbahay ko. Si Leah lang naman ang mahilig makipagchismisan pero di naman nya kinukwento ang tungkol sa akin at sa ama ni Jeremiah.

"Baka naman masundan nyo na yan si Jeremiah." Nanunukso pang sambit ni Aling Luding na ikinainit ng aking mukha.

"N-Naku hindi na po. O-Ok na po sa akin si Jeremiah." Nauutal na sabi ko.

"Kuh, di ka sigurado dyan Jolene. Bata ka pa, maganda at seksing seksi. Saka ang gwapo gwapo ng asawa mo o. Sayang naman ang lahi." Segunda pa ni Ka Nena.

"Kaya pala poging bata at malaking bulas tong si Jeremiah kasi ang gwapo ng tatay at malaking tao. Pero mukhang mayaman ang asawa mo ang gara nga ng kotse sa labas. Bakit kayo nagtitiis mangupahan?" Usisa ni Aling Luding.

"N-Naku yung piniprito ko po pa lang isda baka nasunog na. Excuse lang po Aling Luding, Ka Nena." Nagmamadaling kinuha ko na ang bote ng mantika at malalaki ang hakbang na umalis ng tindahan. Siguradong hindi nila ako titigilan sa paguusisa kung hindi pa ako aalis.

"Mama!" Sinalubong ako ng yakap ni Jeremiah. Akala mo naman ang tagal kong nawala at sa malayo ako pumunta.

Kinapa kapa ko ang likod nya. "Pawis na pawis ka na ah. Tama na ang laro.".

Ngumuso si Jeremiah. "Nagpi-play pa po kami ni papa."

"Kanina pa kayo nagpi-play, pawis na pawis ka na o. At pagabi na."

"Bukas na lang ulit tayo magplay anak." Sabi ni Atlas at lumapit bitbit ang bola. "Ako ng bahala maglinis sa anak natin sugar." At inakay na nya sa loob ng bahay si Jeremiah.

Pumasok na rin ako at dumiretso sa kusina para iprito ang tilapya. Paborito kasi namin ito ni Jeremiah. Si Leah hindi kumakain nito magara daw ang lasa. Ewan ko lang kung kakain nito si Atlas. Pero nagluto din naman ako ng isa pang ulam. Tinolang manok para naman may sabaw.

Nangingiting pinagmamasdan ko ang mag ama na maingay sa maliit naming banyo. Nililinisan na kasi ni Atlas ang anak at naghaharutan pa sila. Sa kabutihang palad ay nasanay na dito sa bahay si Atlas. Wala syang reklamo kung wala kaming aircon at electric fan lang. Wala kaming shower at de buhos lang ang toilet. Wala din syang reklamo kung sa sala lang sya natutulog. Hindi rin sya maarte sa pagkain. Pinagsabihan ko na kasi syang wag araw araw puro deliver ang pagkain iba pa rin syempre ang lutong bahay.

Pinatay ko na ang kalan at kumuha na ng mga plato at kutsara sa pamingganan.

"I'm home!"

Nag angat ako ng tingin kay Leah na bagong dating at may bitbit na supot. Lumapit sya sa kusina at nilapag ang supot sa mesa. Siguradong galing yun kay Nana.

"Ano yan insan?"

Nilabas ni Leah ang container sa supot at binuksan. "Tsaran! Ang specialty'ng lumpia ni Nana."

"Wow!" Natakam ako bigla at di ko na napigilan na dumampot ng isang piraso at kumagat. Iba talaga ang lumpia ni Nana. The best sa lahat.

"Tita Leah!" Bati ni Jeremiah kay Leah at humalik sa pisngi nito. Kalalabas lang nya ng banyo at balot na balot ng tuwalya. Ang ama naman nya ay basa ang harapan ng damit.

"Aba, mabango na naman si kulit ah."

"Syempre po bagong wash ako."

"Sige na magbihis na kayong dalawa at kakain na tayo." Utos ko sa mag ama.

"Yes sugar."

"Opo mama."

Sinundan ko ng tingin ang mag ama na nasa sala. Tinutuyo ni Atlas ng tuwalya ang katawan ni Jeremiah pagkatapos ay pinulbusan nya ito saka binihisan. Pagkatapos ay sya naman ang naghubad ng damit. Bumagal ang pagnguya ko habang nakamasid sa katawan ni Atlas. Sa nakalipas na limang taon mas lalo pang gumanda at lumaki ang katawan nya. Halos mamutok na ang naglalakihan nyang mga masel sa braso. Mas lalo pang lumapad at umumbok ang kanyang dibdib. Ang dating six pack abs nya ay walo na ngayon.

Tumikhim si Leah kaya napatingin ako sa kanya. May nanunuksong ngiti sa labi nya. Naginit naman ang mukha ko dahil nahuli nya akong nakatingin kay Atlas. 

"Obvious na obvious ka insan. May tinatago ka pang pagnanasa sa ex mong papable."

Kunwaring inirapan ko si Leah. "W-Wala no! Ikaw talaga kung ano ano ang napapansin mo. Magbihis ka na nga para makakain na tayo."

"Oo na po." Kunwaring inirapan din nya ako at pumasok na sa kwarto namin para magbihis.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang malakas na kabog ng dibdib.

Tinawag ko na ang mag ama na kakain na.

.

.

**

UMAWANG ang labi ko at namangha sa naabutan sa harap ng bahay naming naglalawa sa tubig at bula. Naglalaba ang mag ama. May mga nakahanger ng mga damit na hindi pa ayos ang pagkakahanger. May baliktad at hindi. Mga nakasuksok pa ang mga bulsa ng pantalon. May mga damit pang nasa basket at umiikot ang single na washing machine. Nakita ko pa ngang hawak hawak ni Atlas ang kulay beige kong bra at bina-brush ito sa tabla sa may planggana. Siguradong maghihimulmol iyon. Si Jeremiah naman ay kinukusot ng maliit nyang kamay ang kanyang medyas.

"Anong ginagawa nyo?" Pasitang tanong ko sa mag ama.

Sabay pa silang lumingon sa akin.

"Mama laba kami ni papa." Proud pang sabi ni Jeremiah na tumayo pa at inusli ang nguso. Yumuko naman ako para makahalik sya sa pisngi ko. Agad din syang bumalik sa pagkukusot ng medyas nya.

"Bakit kayo naglalaba?"

"Wala kasi kaming ginagawa sugar. Kaya naisipan kong maglaba na lang para di ka na maglaba bukas at magpahinga ka na lang." Wika ni Atlas.

"Marunong kang maglaba?" Manghang tanong ko.

Nagkibit balikat sya. "Madali lang naman. Medyo masakit nga lang sa likod."

Kinabahan ako bigla dahil baka pinagsama nya ang mga de color at mga puti. Siguradong maghahawa yun. Tarantang sinilip ko ang nakasalang sa washing. Mga puti naman lahat yun at malinis ang tubig mukhang bagong palit. Pero lumalangitngit na ang makina ng washing at halos di na makaikot dahil maraming laman.

"Di po runong ti papa maglaba mama, turuan ko lang po sya. Tabi ko po hiwalay ang puti at may kulay para di hawa hawa." Sabi ng anak ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at tinuruan ni Jeremiah ang ama nya. Pagnaglalaba kasi kami ni Leah ay sumasali sya at nakikita nyang hinihiwalay namin ang mga de kulay sa puti.

"Good boy anak." Sabi ko at ginulo ang bubok ni Jeremiah.

Kakamot kamot naman sa ulo si Atlas. "Sya nga pala sugar bukas bibili tayo ng automatic washing machine para hindi ka na mahirapang maglaba."

Napataas ang kilay ko. Aba, pangarap kong washing machine yun.

"Ikaw ang bahala." Sabi ko na lang at pumasok na sa loob ng bahay. Napaawang pa ang labi ko ng makitang malinis nga ang loob ng bahay at walang mga kalat. Maayos na nakalagay ang mga laruan ni Jeremiah sa basket at nasa estante naman ang mga laruan nyang de remote.

Pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Sabado ngayon kaya half day lang ako at bukas naman ay wala akong pasok. Tutulungan ko ng maglaba si Atlas para matapos na. Pero sa totoo lang parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko na nage-effort sya para sa akin, para sa amin ng anak nya. Kaunting kaunti na lang malapit na rin akong bumigay.

"Magsa-shopping ulit tayo bukas papa?" Dinig kong tanong ni Jeremiah sa labas.

"Yes baby, may gusto ka bang bilhin?"

"Yung promise mo po ta akin papa na car na pede ko takyan."

"Oo nga pala, bukas na bukas bibilhin na natin yan."

"Yehey!" Excited na sambit ng anak ko.

Napailing iling naman ako. Masyadong ng ini-spoiled ni Atlas ang anak. Lahat ng gusto nito binibigay nya. Mapagsabihan nga mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto at tinali pataas ang buhok.

Naginit ang mukha ko ng makitang ang panty ko na ang nilalabhan ni Atlas.

"Ako na dyan Atlas." Saad ko sabay kuha ng panty kong hawak hawak nya. Nagulat naman sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit nandito ka sugar? Doon ka na lang sa loob at magpahinga. Kaya ko na to." Ani Atlas sabay hablot ng panty ko sa aking kamay.

"Oo nga po mama, kaya na po namin ni papa to." Segunda pa ng anak ko na akala mo matanda na.

"Hindi, tutulong na ako para mabilis matapos. Akin na nga yang panty ko." Hinablot ko ulit ang panty ko sa kanya at umupo sa bangkito na binigay ni Jeremiah.

Pero napaawang ang labi ko ng muli nyang hablutin ang panty sa aking kamay.

"Ako na ang tatapos nyan naumpisan ko na eh." Nilatag nya sa tabla ang panty ko at brinush. Halatang di sya marunong. Madiin pa ang pagkaka-brush nya kaya siguradong maghihimulmol din ang panty ko.

"Hindi, ako na." Inagaw ko ulit sa kanya ang panty ko at kinusutan ko ito.

Ngumisi si Atlas. "Nahihiya ka lang eh." Panunukso nya.

Nagiinit ang pisnging inirapan ko sya. "Mali kasi ang ginagawa mo. Hindi naman talaga dapat bina-brush ang mga underwear dahil maghihimulmol. Kinukusot lang to." Hindi naman bago sa akin na hinahawakan nya ang panty ko. Bumabalik lang kasi sa alaala ko ang intimate moments namin noon.

Ngumiwi sya. "Ganun ba, sorry di ko alam."

Hindi na ako nagulat na hindi nya alam dahil hindi naman sya naglalaba. Mayaman sya at marami syang tagalaba. Naalala ko pa nga noon pinapa-laundry lang nya ang mga damit nya.

Para matapos na kami ay sya na ang pinagbanlaw ko dahil mas malakas syang pumiga. Tinuturuan ko na lang sya ng tamang pagpiga. Wala kasi kaming dryer. Sinama ko na rin sa paglaba ang damit ni Leah para hindi na rin sya maglaba.

"Phew! Ang hirap din palang maglaba. Hindi rin pala basta basta." Bulalas ni Atlas ng matapos na kami. Pasado alas dos na kami natapos maglaba. Siguradong hindi matutuyo ang mga sinampay pero di bale na ang importante makatulo at mukhang hindi naman uulan mamayang gabi. Niligpit na rin namin ang mga batya, timba at hose.

"O ngayon alam mo na. Di ka na siguro uulit." Sambit ko. Malamang madala na sya.

Ngumisi sya. "Willing akong ipaglaba ka habang buhay sugar."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Talaga lang ha."

"Talagang talaga. Pero bukas bibili talaga ako ng automatic washing machine tapos pagaaralan ko na lang kung paano gagamitin."

Mukhang seryoso nga talaga sya.

"Papa yung car ko po wag nyo po kalimutan." Singit ni Jeremiah.

"Of course naman baby ko."

Tumikhim ako. "Mag usap pala tayo mamaya Atlas."

Kunot noong bumaling sa akin si Atlas. "Tungkol saan sugar?"

"Basta mamaya. Pumasok na tayo sa loob." Inakay ko na si Jeremiah na pumasok sa loob. Basa ang mga damit nya kaya idederetso ligo ko na lang sya.

"Papa gugutom na po ako." Ungot ni Jeremiah sa ama nya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba kayo kumain ng tanghalian?"

"Kumain sugar, ang dami ngang nakain ng anak natin eh."

"Meryenda po mama. Gutom na po ako eh." Nakangusong wika ng anak ko at hinimas himas pa ang tiyan.

Oo nga pala, mag a-alas tres na. Ganito ang oras ng meryenda nya.

"Anong gusto mong meryenda?"

"Gusto ko po ng tulon saka soft drinks."

"Hindi pwede ang soft drinks anak."

Nanghaba ang nguso ni Jeremiah. "Tagal na po ako di nakakainom ng soft drinks mama."

Bumuntong hininga ako. Oo nga naman. Di kasi sya sinasanay na palaging uminom ng softdrinks.

"O sige, pero ngayon lang ha."

Ngumiti naman ang anak ko. "Opo mama."

"Ako na ang bibili sa labas sugar. Anong gusto mo?" Presinta ni Atlas.

"Bahala ka na. Basta yung kaya lang natin kainin baka madami na naman ang bilhin mo." Paalala ko sa kanya.

Ngumisi lang sya at kinuha ang wallet na nakapatong sa ibabaw ng drawer at nagpalaam sa anak na lalabas saglit.

Ako naman ay pinaliguan na si Jeremiah para malinis na sya bago kumain.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1M 29.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...