Sinking Deep (GL)

By Thyloniahx

1.1M 30.4K 11.1K

GL-Sapphic Diclaimer: This story is written in Taglish. Rhea Blee Isfaela, an art professor at Silvestre Univ... More

𝕾𝖎𝖓𝖐𝖎𝖓𝖌 𝕯𝖊𝖊𝖕
𝕾𝖞𝖓𝖔𝖕𝖘𝖎𝖘
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
OTHER CHARACTERS (PORTS)
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II

CHAPTER 8

17.3K 621 113
By Thyloniahx

It's Saturday in the morning, I was getting ready to head out. As we recall, Ma'am Rhea joined me and Ma'am Vivien for lunch. The lunch was quite intense, but I found joy in her actions. She advised me that if I wanted to avoid failing and remove my restrictions, I needed to meet her at the university. Wala akong idea kung ano ang ipapagawa niya sakin but I need to. Pagbaba ko ng hagdanan nag-aantay ang parents ko sakin para mag breakfast but I didn't told them kagabi na may pasok ako ngayon.

"Saan ka pupunta, Frey?" tanong ni dad.

"I have a class, Dad." I answered.

"It's Saturday, may pasok ba?" mom added.

"Yes mom, may ipapagawa ang professor namin ngayon that's why may schedule kami." I lied. Ayaw ko kasi sabihin na na-restrict ako dahil sa pagbutas ko sa papel baka pagalitan ako.

"Okay but first eat your breakfast," dad said.

Umupo na ako saka kumain. Nagluto ng friend rice si Mom tapos tinimplahan naman ako ng kape ni dad, wala kasi silang work ngayon kasi rest day nila pareho at aalis rin sila mamaya para bilhin ang rest house malapit sa beach sa lugar kung saan lumaki si dad. Gagawin daw naming pasyalan doon pag may events or kung ma-bored kami dito, malaki rin ang rest house at may dalawang kubo rin na kasali sa ibebenta kaya kinuha na nila agad baka maunahan pa ng iba.

"Drive safe anak, okayy?" dad said, hinatid niya ako sa kotse ko at siya na rin ang nagdala ng bag ko.

"Ingat rin po kayo dad and have fun with mom," I replied then I kissed his cheek tapos pumasok na sa kotse.

Pinaandar ko na ang Mercedes tapos umalis na. It's already 8 o'clock in the morning and sure akong hindi naman yata ako late o baka mas maaga pa nga. Matatagalan ng uwi sila dad at aabutin sila ng isang araw bago umabot roon sa pupuntahan nila, sobrang layo kasi, at maiiwan lang ako sa bahay mamaya for two nights.

As I arrived at the university, I noticed that the parking lot had only a few cars, and there were only a handful of students wandering around. The campus felt eerily quiet, as if it were almost empty. Bumaba ako sa parking lot dala ang bag kong nilagay ko lang sa balikat ang isang sling. Pumasok ako sa building at gumamit nalang ng hagdanan kasi maaga pa naman at wala akong hahabulin na klase. Nakarating ako sa room na akala ko walang tao pero may ibang student na nandun, hindi ko lang kilala kasi hindi ko naman mga classmate. Tumingin ako kung sino ang nasa harap and there I found her again, she's teaching the students with her sophisticated poise, and authoritative voice.

Naknang, akala ko ba ako lang ang student tapos pagkarating ko dito mayroon pala siyang class, that means... LATE NA NAMAN AKO!!

Nagdadalawang isip man pero kumatok ako na may halong hiya at takot, tumingin siya sakin kasabay ng pagtingin ng mga student na nasa loob. There are numerous student in the classroom and all of them is staring at me. Papasok na sana ako but the professor warned.

"Where do you think you're heading?" she inquired, her voice firm and commanding.

"P-paso-ok po," kinakabahan kong sagot.

"I thought you had already learned your lesson from being late in my class," she stated, raising an eyebrow and crossing her arms with a stern expression. "Repeat it again," she demanded.

Feeling timid, scared, I complied with her order and went outside to apologize once more. Ang confident ko pang walang pasok kanina tapos ganito ang maaabutan ko, nakakahiya.

"I'm sorry for being late, Ma'am Rhea." I said. Nahihiya akong nakatayo sa labas ng pintuan habang pinagtitinginan ng lahat, may iba ring nangchi-chismis habang nakatingin sakin.

Tumingin ako sa masungit na professor saka pinapasok ako nito by just looking at me with her cold gaze. She then proceed to continue to the lesson. As I was looking at her, discussing in front, I realize na parang hindi naman about sa course namin ang tinuturo niya...It was a business course, ibang-iba sa art course. Nagtataka ako kung namali ba ako ng pasok o hindi ito ang dapat kong pasukan o namali lang ng turo si Ma'am Rhea. Naguguluhan man ay nakinig rin ako sa pagdi-discuss niya, it was clear, concise, and professional teaching. Kahit saan siya ilagay she's surely good, she's good at everything.

Except for handling her temper.

"After covering the topic of financial management and exploring financial analysis," she asked the students in the room, including myself, "What lessons did you learned from my discussion," she inquired.

A heavy silence filled the classroom, and no one dared to answer her question. Paano ba kasi napakasama niya tumitig sa kahit na sino.

"So, none of you were paying attention?" she asked again, her voice carrying an air of intensity that seemed to sap the confidence of the students. Mas lalong walang sumagot sa kanya.

I raised my hand to offer an answer, as no one else seemed willing to respond.

Tumingin siya sakin with her piercing looks again, she raised her eyebrows at me. "Ms. Mercedez?" she asked.

"Ahm...delving into financial management and exploring financial analysis, I realize the crucial roles these concepts play in the business world." Sabi habang dumadaloy sa katawan ko ang kaba dahil nakatingin lang siya sakin, with those eyes.

"Gaining an understanding of financial statements, performance indicators, and ratios has provided me with valuable insights into a company's financial health." As I glanced at everyone, their amazement reflected in their eyes, I confidently added, "Even though I'm not a business student, I have learned that making informed decisions based on accurate data is of utmost importance."

"She's not a business student?"
"Anong ginagawa niya rito?"

Rinig ko sa mga student na business student naman kaso hindi naman makasagot.

"I believe that attentive studying about the business more empowers you to assess risks, plan for growth, and identify areas for improvement. Thank you," I concluded.

Observing the professor's emotionless gaze, I sensed no satisfaction with my response, wala talaga. Some students joined in with applause, expressing their contentment with my answer, but some are not.

"Okay, anyone??" tanong niya ulit samin.

Hindi pa pala siya kontento sa sagot ko?

Akala ko wala nang sasagot dahil sa tono ng pananalita ng propesora pero maya-maya ay itinaas ng isang babae ang kamay niya.

"C-cat..??" I abruptly said, squinting my eyes.

Hindi ako nagkakamali, ito ʼyong babaeng nakabangga ko nung first day ko dito, and I recall she's a business student. Hindi ko siya napansin kanina.

Tumingin si Ma'am Rhea sa dito, "Ms. Adair?"

Tumayo si Cat at nagwika,"Financial management is like steering a ship, it involves skillfully managing a company's financial resources to reach its desired financial goals and objectives. This vital aspect plays a significant role in the world of business. On the other hand, exploring financial analysis is like being a detective, it allows us to uncover valuable insights about a company's financial well-being by carefully examining and understanding its financial statements, performance indicators, and ratios." She answered.

I was amazed by her smart answer, and even our professor was impressed, although she didn't show it clearly pero halata namang na-impressed siya kay Cat.

Hindi man lang siya nasatisfied sa answer ko e parehas lang naman kami ng sagot.

"Favoritism, tsss" I mentally said.

After Cat provided her response, she glanced at her laptop, ngayon ko lang napansin ang suot niyang bagay na nagay sa kanya. She looked very professional in her outfit, wearing a white V-neck top combined with a long brown waffle coat and well-fitted black pants, which suited her perfectly. May nakasabit rin na glasses sa v-neck niya which is perfectly suited with her long and flawless neck. Nabibighani na naman ako sa ganda niya.

Kahit wala siyang gawin, I always find myself falling for her.

"Attention, everyone," she declared, "I have a task for you. Create an advertisement about anything you can think of, and next Saturday, present it in front of your peers and me."

Nagkatinginan ang mga student sa room, may iba ding masaya, may ibang hindi, may iba ring tulala lang kasi siguro iniisip na nila kung ano ang gagawin nila.

Hindi naman yata ako kasali because I'm not a business student tsaka wala akong kaalam-alam d'yan.

"I want everyone, without exception, in this classroom to complete the task I assigned," she reiterated, directing her intense gaze at me, as though I am the one she is specifically addressing.

Wait, so kasali akong gagawa ng advertisement? papaano? hindi ko alammmm..

Nakita kong niligpit na niya ang mga gamit sa table kaya nang palabas na siya ay lumabas ako para e-clarify kung kasali ba ako sa task na ipapagawa niya. As she's walking through the hallway tumakbo naman ako saka tinawag siya.

"Ma'am Rhea? wait Ma'am!" tawag ko sa kanya.

Nang marinig niya ang boses ko huminto ito at tumingin sakin with her malditang poise and look.

"What?" She asked.

"I just want to clarify Ma'am if kasali ba ako sa gagawin na task?"

"Of course, that's why you're here." She answered.

"Ma'am, alam niyo naman pong hindi business ang course ko at wala akong kaalam-alam dito." I stated.

She slightly composed her position and raised her eyebrows at me, "I don't care, that's your problem."

"But-

"You responded to me in there, and it was a concise answer, but you and I had an agreement," she stated, her face displaying constant irritation.

Agreement? kailan pa? I don't remember me agreeing with her.

"You expect me to remove your restrictions and ensure you don't fail, right?" she inquired, her expression stoic.

Oo nga pala, ayon nga pala ang dahilan kung bakit andito ako. She's will lift my restrictions kung susunod ako sa kanya pero hindi ko naman alam na ganito mararanasan ko.

"Yes Ma'am," I answered, defeated.

Butasan mo pa, Frey.

"Then complete the task I assigned, or you'll have to face the consequences," she replied, striding away with a confident gait, resembling a model.

Naiwan akong nakatingin lang sa kanya habang papalayo. Problema na naman ang pinapagawa niya sakin, may subject pa ako sa kanya, what if may ipapagawa siya na task sa fine art tapos may ipapagawa pa ang iba, tapos may business task pa.

Tulungan niyo po ako sige na po, pleaseeee...

Bumalik ako sa room para kunin ang bag ko kasi tapos naman ang time ni Prof. Rhea kaya tapos na rin ang oras ko, siya lang naman ang pinunta ko dito e. Kukunin ko na sana ang bag ko nang biglang lumapit sakin si Catalina.

"Frey? that's you, right?" tanong niya sakin. "Tama nga ako ikaw ʼyan!"

"Catalina, right?" tanong ko sa kanya.

"Yes, ʼyong nakabangga mo last Monday." Natatawang sagot niya.

"Kaya pala pamilyar ka sakin kanina pero hindi kita nakita kaagad," I answered.

"Not me hesitating kung namali ba ako ng pagkakilala sayo pero nung nagsalita ka, sure akong ikaw na talaga." She replied.

Nakatayo lang kaming dalawa habang nag-uusap. Tapos nasa balikat ko na rin ang bag ko.

"Me too, nung tumayo ka para sumagot doon lang kita nakita." I replied.

"Ano pala ginagawa mo dito?" she asked, "Diba you're an art student?" dagdag niya.

I sighed, "Ni-restrict ako ni Ma'am Rhea sa subject niya kasi binutasan ko ʼyong papel ko."

"Bakit mo naman ginawa ʼyon?" natatawa niyang tanong.

"Sabi niya kasi no erasures e," padabog kong sagot.

"HAHAHAHAHAHA don't stress her too much kasi," she laughingly said.

Nakita niyang hindi ako ngumiti kaya hinawakan niya ang kamay ko to comfort me, "Hey, that's okay, malalagpasan mo rin ʼto." She said.

I looked at her eyes, it's warm and peaceful. Iba sa mata nung babaeng gusto ko, parang ang comfortable niyang tumingin. Her eyes filled with peace and gentleness, nagkakasala ba ang babaeng ʼto?

Hindi pa niya binibitawan ang kamay ko nang biglang may humatak sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko...

"What are you two doing?" A familiar voice spoke.

"Sav?" I abruptly said.

Nakatingin ito nang masama sakin saka inilipat ang tingin kay Cat, galit na galit.

"Bakit ka andito?" tanong ni Cat kay Sav.

"What? why don't you explain why she's holding your hand?" sigaw na tanong ni Sav kay Cat while pointing at me.

Tumingin samin ang lahat ng student sa room na kasama namin kanina, mga hindi bababa sa 14 ka student ang nasa room at lahat ng mata nila nasaʼmin nakatingin.

"I'm not holding her hand, Sav. What are you talking about?" sagot ko kay Sav.

"Really? Then, why did you stare at her like that?" galit na sagot sakin ni Sav.

"Sav, stop!" pagpupumiglas ni Cat kasi hinawakan siya sa kamay ni Sav. "She's not doing anything," Cat said.

"I saw you both!" Sav shouted.

Mas lalong naging intense ang action ni Sav towards kay Cat.

"You're wrong! Sav! you're wrong!" Cat shouted trying to remove Sav's hand in her wrist.

"Bitawan mo siya, Sav. You're hurting her!" sigaw ko kay Sav na halos ayaw na bitawan ang braso ni Cat.

"Fuck! shut up, Frey!" Sigaw ni Sav sakin, "Explain what I saw!" sigaw niya kay Cat sabay bitaw sa wrist nito.

Namula ang wrist ni Cat dahil sa lakas ng paghawak nito ni Sav. Nakatayo lang ako, kaharap sila. Cat composed herself pagkatapos ay isang sampal ang natamo ni Sav galing sa kanya. Malakas, masakit, ang sampal ni Cat sa kanya dahil umalingawngaw ito sa loob ng room.

Sav held her face. Napayuko ito habang hawak ang pisngi niyang nakatanggap ng malakas na sampal.

"You always act without thinking, Sav!" naiiyak na sabi ni Cat sa kanya. "Pag may nagawa kang mali, sinasaktan ba kita? bakit ganito ang trato mo sakin? Am I still your toy?" she added, crying.

Toy?

"Pumayag ako sa lahat ng gusto mo, tiniis ko lahat kahit pagod na ako, for your own happiness." Cat said, bursting in tears.

"C-cat..." Utal ni Sav.

Natulala akong nakatingin sa dalawa, witnessing their drama. Ano kaya ang pinagdadaanan nila at what's their relationship?

Mabilis na umalis si Cat at iniwan si Sav na nakahawak sa mukha niyang sinampal ni Cat. Tumingin ito sakin at umalis na para siguro sundan si Cat, pero pinabayaan ko na sila. Ayaw kong makisali sa gulo nila, pinagbintangan pa ako e wala naman akong ginagawang masama.

Tumingin ako sa mga student sa room at halata naman sa mga mukha nila ang pagkabigla dahil sa nakita nila kanina, kahit naman ako nabigla rin, paano ba naman hinawakan lang kamay ko nagselos agad. Pero sana walang mangyaring masama sa dalawa at sana maayos nila agad ang problema nila, ayaw kong makasagabal sa kung ano mang relasyon nila.

Lumabas na ako ng room na walang pake sa pinagsasabi ng mga student, hindi ko naman sila colleagues e bahala na sila kung ano ang sasabihin nila. Nag-antay ako na bumaba ang elevator kasi tinatamad akong gamitin ang hagdanan. Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas ang elevator, nanlumo ako nang nakita ko ang dalawang familiar na mukha, sumikip ang dibdib ko. It's them again, Ma'am Rhea and Montejo, magkasama. Naisip kong umalis nalang pero ang bastos naman, and they're both staring at me. Nakatayo lang ang babaeng gusto ko samantala hawak naman ng kumag na si Montejo ang waist niya. Hindi ko sila kayang tingnan pero pumasok pa rin ako sa loob saka tumayo sa pinaka-gilid na parte ng elevator, malayo sa kanila.

Palagi nalang ba ganito ang dadanasin ko sa university na ʼto?

Nakatayo lang ako, titig na titig sa pintuan ng elevator, nag-aantay kung kelan bubukas. While waiting, nagsalita si Montejo, kinausap niya si Ma'am Rhea.

"Whereʼd you want to eat, babe?" Sir Montejo spoke.

Babe? wh-what? tama ba narinig ko? babe???

Mas nag-iba ang pakiramdam ko, tila ba parang sinuntok ni hulk ang dibdib ko sa sobrang sakit. Babe huh? so all this time umasa ako sa wala? may boyfriend pala siya bakit nakalagay sa fb niya "single"

All this time I thought there's no one, may nagmamay-ari na pala ng buhay niya. Guni-guni ko lang siguro ʼyong nagsasabi na nagselos si Ma'am Rhea kahapon.

"Anywhere you want," tipid na sagot niya sa lalaki.

Sana hindi na ako sumabay sa elevator kung ganito lang naman masasaksihan ko. Hindi ko mapigilang hindi masaktan, she's the reason why nag transfer ako dito.

I hoped for nothing.

But I can't back out, I need to continue.

"Lunch is on me," sabi ni Montejo sa kanya. Hinigpitan nito ang hawak sa bewang ni Ma'am Rhea at napansin ko medyo lumalayo siya at hindi comfortable sa ginagawa ng lalaki. Hindi ko nalang pinansin, baka nahihiya lang siya kasi andito ako.

Bakit ang bagal bumaba ng elevator, pansin ko lang. Siguro sinasadya ʼto ng tadhana or kung sino mang multo ang nasa loob na nase-sense ang nararamdaman ko.

Bumukas ang elevator at nauna akong lumabas, ayaw ko namang mauna sila tapos makikita ko na naman mga imahe nilang naglalandotan. Papunta na ako sa parking lot kasi gusto ko ng umuwi, pumasok ako sa kotse ko at pinaandar na ang makina. Sa hindi kalayuan, natatanaw ko ang dalawang professor na nakasabay ko kanina sa elevator, parang nag-aaway. I squint my eyes kung sila Ma'am Rhea at Montejo ba and confirmed, sila ulit.

Palagi nalang ako pinagtitripan ng tadhana, oh.

Naglakad si Ma'am Rhea habang sinusundan naman siya ni Montejo, tumigil lang ito nung nakasakay na sa kotse si Ma'am at naiwan siyang nakatingin lang sa paalis na sasakyan.

Ngumisi ako sa nakita ko, hindi ko mapigilang matuwa.

Buti nga sayo.

Pagkatapos ng nakita ko, umalis na ako at nagpasyang sa bahay nalang kumain total wala naman na akong pupuntahan.

Hindi nagpaparamdam sakin si Charlotte pati na rin si Raya, sabagay kasi Saturday naman. Si Sav rin na hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sakin sa Lunes, galit na galit sakin nung hinawakan ako ni Cat e siya naman ʼtong babaera.

Nakarating ako sa bahay malapit na mag 1pm at kumakalam na ang tiyan ko dahil sa gutom kaya dali-dali akong nagluto ng fried egg kasi wala na akong maisip na mas madaling lutuin, ayaw ko rin ng canned foods, gusto ko luto lahat. Pagkatapos ko kumain naghugas ako ng pinggan tapos pumunta sa balcony para aralin ang ipinapagawa sakin ng masungit na propesora. Wala pa din akong kaalam-alam paano gumawa ng advertisement tsaka sumagot lang naman ako sa kanya kasi naintindihan ko ang diniscuss niya.

Dala ang laptop, cellphone, earpods, at kape. Sinimulan ko na aralin kung paano gumawa ng advertising, pinaplano ko na rin kung anong bagay ang e-advertise ko. Hindi ko namalayang mag-gagabi na pala kasi sobrang fucos ako sa ginagawa ko. Nang napagtantong bumababa na ang araw ay pumasok na ako dala ang ginamit ko tapos hinatid ko sa kwarto. Nakaramdam ako ng antok kaya I decided na matulog muna saglit tapos mamaya na magluto pang dinner. Naka-open lang ang data ng phone ko para kung sakali tumawag sila Dad para makipag-video call.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan I then closed my eyes. Bigla nalang akong hindi makahinga pagkatapos kong ipikit ang mga mata, para bang, parang nalulunod ako.

I struggled to open my eyes, gasping for breath. With a shaky hand, I reached out, desperately trying to find some air. I can't open my eyes, madilim ang tanging nakikita ko, at onti-onti kong nararamdaman g binabalot na ako ng tubig, nalulunod.

Pinilit kong ibuka ang mga mata ko, when my eyes finally opened, I discovered that I was in the midst of the vast ocean, utterly alone. Andito na naman ako, mag-isang lumalangoy sa puso ng dagat.

"Tulong!" sigaw ko.

"Help! somebody help me!" I shouted again, desperately asking for help.

I tried to shout once again but the current, the current pulled me in the depths, as my body became weak, I surrendered to it.

"AAAAAAHHHH!" biglang sigaw ko nang magising ako.

I'm currently struggling to breath. Balot na balot ako ng pawis. Iyon na naman, umulit ang panaginip ko nung nakaraang gabi. Nalulunod na naman ako at hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang panaginip ko.

I got out from my room dala ang phone ko tapos bumaba, uminom ako ng tubig tsaka umupo sa couch, tulala. Hindi ko pa rin alam kung ano ang kahulugan ng panaginip na ʼyon.

"Shit," bulalas ko ng tiningnan ang orasan, 9pm na pala at hindi pa ako nakakaluto ng dinner.

Pupunta na sana ako sa kitchen nang tumunog ang phone ko, tiningnan ko ito at tama, si Charlotte nga.

She's calling me though messenger kaya sinagot ko.
Nang itinapat ko ang phone sa tenga ko ay bungad ang nakakabinging tunog, paniguradong nasa bar na naman ʼtong gagang ʼto.

"Oh bakit?" sagot ko sa kabilang linya.

"Grabe wala pa nga e, I missed youuuu!!" sigaw nito.

"What do you want?" tanong ko.

"Punta ka ditoo!!" sigaw ulit nito.

"I can't,"

"It is because of your parents? takasan mo nalang kahit ngayon lang!" sagot nito.

"Wala dito parents ko but I'm not interested," I answered.

"Wala naman pala, dali na! Raya is here waiting for you! have fun with us!!"

"Dating bar?" tanong ko.

"Yes babyy! someone is waiting for you here, we'll wait!" sagot nito sabay baba ng tawag.

Someone? sino naman? what if si Sav tapos pagtutulungan nila ako roon, charot. Hindi naman sila ganun.

Hindi na ako nagdalawang isip na umakyat saka naligo pagkatapos ay nagbihis. Wala naman kasi ang parents ko walang magbabawal tsaka this is my first time. Kaya ko din manipulahin ang cctv sa bahay kaya walang magiging problema. After magbihis lumabas agad ako at sumakay ng kotse.

I'm dressed in a basic black t-shirt tucked into long black pants, giving me a boyish look with my outfit. Nakarating ako sa dating pinuntahan ko nung sinundo ko sila, pumasok ako sa restaurant na kaonti lang ang tao tapos lumiko, nakita ko ang pulang pintuan saka kumatok ng dalawang beses. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay napatakip nalang ako ng tenga dahil sa napakalakas na ingay mula sa speaker. First time kong makakita ng maraming taong sumasayaw kasabay ng maingay na tugtug.

Pumasok ako at pinagtinginan ng ibang kababaihan at kalalakihan, they're staring at me na para bang isa akong artistang pumasok. May kumaway na ilang kababaihan na kasing edad ko lang, meron ding mga lalaki. Hinahanap ng mata ko kung nasaan sila Charlotte at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang dalawang babaeng naghahalikan sa isang table. I can't believe what I saw, wala ba silang pake na maraming tao sa loob? and they're kissing like there's no tomorrow.

"Elieeee!!" tawag ng isang pamilyar na boses sakin.

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko si Charlotte kumaway-kaway sakin habang nakangiti, nakainom na siguro ang gaga. Pumunta ako sa table nila at naghihintay rin si Raya.

"Freyyy!! buti at nakarating ka," sabi nito habang nakangisi.

"Saan si Sav?" tanong ko.

Nagtinginan muna ang dalawa, "She's not picking her phone," Charlotte answered.

"We didn't see her for a couple of days now, and hindi na rin siya pumupunta rito." Raya added.

I sighed, "We have a misunderstanding, Sav and me." I stated.

"Palagi naman kayong nag-aaway, may magbabago ba sa inyo?" natatawang sagot ni Charlotte.

"Spill mo, we'll listen." Sagot ni Raya. She's smoking.

"I was restricted for two days from Prof. Isfaela's subject," I said, "She said na aalisin niya ang restriction ko pag sinunod ko siya,"

"Mhmm? so what happened?" tanong ni Raya.

"I didn't know na papasok pala ako sa class niya in different course which is business course tapos na meet ko ʼyong babaeng nakilala ko nung first day ko sa university, she's a business student and we had a little chitchat," pagkukwento ko, "Cat holds my hand kasi she's comforting after she heard my situation but then Sav suddenly appears at nagalit saming dalawa."

"Ohhh, I see," Charlotte said, drinking a liquor.

"Catalina Adair, right? that girl you've meet." Raya asked.

"Yeah, h-how did you know?" I replied.

After taking a drag of her cigarette, she exhaled the smoke and responded,

"That's Savannah's wife."

Continue Reading

You'll Also Like

980 62 76
This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names characters, business, places, events and incidents in this book are either...
86.2K 2.1K 42
NOT MINE ORIGINAL TITLE: 豪门女配不想破产 AUTHOR: 扇墨竹 Fu Lichuan has become the white, rich and beautiful love-brained female partner in the book. She has a...
173K 5.6K 19
A/N I suggest you watch "Maleficent: Mistress of evil" before you read this story Maleficent was flying through the city when she heard a weeping chi...
3.6M 151K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...