Azalea Princess

By btgkoorin

941 61 34

Upang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang a... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Simula🌸

461 18 2
By btgkoorin

Upang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasayan ngunit nag-iwan ng sakuna, ang Azalea.

Ang dalagang mapipili ay tatawaging Azalea Princess.

*****

Ang Terrania ay isang bayang nakapaloob sa kontinente ng Elementia. Ang kontinente ng Elementia ay nahahati sa apat na bayan; ang Fiore, Wisteria, Terrania, at ang Aerra.

Ang bayan ng Terrania ay tirahan ng mga taong may kapangyarihang kontrolin ang bulaklak, halaman, puno, bato, at lupa. Ang bawat mamamayan dito ay nahahati sa bawat angkang kinabibilangan ayon sa uri ng bulaklak na kanilang marka sa kanilang katawan mula nang isinilang.

Sa lahat ng angkan, ang Rhoswen ang pamilyang makapangyarihan at may-ari ng trono sa buong bayan. Magkakapantay naman ang katayuan ng Mirasol, Lilium, Nucifera, at Orhideja. Sa mga angkan na ito ay may iba't ibang antas ng buhay na nagdidikta ng kanilang katayuan sa lipunan. Kabaligtaran ng Rhoswen na angkan ay ang Azalea. Hindi na itinuturing na bahagi ng bayan ang angkan ngunit nabubuhay pa rin ito at walang nakakaalam kung saan ito matatagpuan sa bayan.

Ang paniniwala ay isinumpa ng Hemera o ang makapangyarihang pamilya ng Azalea ang bayan ng Terrania dahil sa sinapit nito sa natitirang angkan. Itinuturing silang lason at malas sa bayan kung kaya't pilit silang winala. Naglaho ang angkan na ito ngunit nag-iwan ng sumpa, tutubuan ng malalaking tinik sa hita at binti ang lahat ng ina sa bayan at hindi makakalakad sa tuwing ika-unang araw at huli ng buwan, at ang lahat ng unang anak, babae man o lalaki sa bawat pamilya na marunong gumamit ng kapangyarihan ay magiging itim at walang buhay ang kalahating katawan sa tuwing sasapit ang ika-walo ng gabi sa parehong araw. Sampung taon na ang sumpa ngunit hindi pa rin ito nalulunasan.

Buhay na buhay ang kulay ng bayan. Sa gitnang bahagi ay ang palasyo na napapalibutan ng hardin ng pulang rosas na sumisimbolo sa bulaklak ng pamilyang Rhoswen at mataas na pader. Napakalawak ng espasyo ang nasa pagitan ng palasyo at sa mga tahanan na nakapalibot rito.

Sa hilagang bahagi ay kinaroroonan ng Mirasol, sa kanan ay Lilium, sa kaliwa ay Nucifera, at sa timog ang Orhideja. Ang dating kinaroronan ng Azalea ay sa pagitan ng Mirasol at Lilium na ngayon ay isang malawak na kagubatan at kinaroroonan ng pinakamalaking lawa sa bayan.

Nasa sentro rin ang buhay na buhay na parte ng bayan, ang pamilihan at pasyalan.

Madaling malaman kung saang angkan kabilang ang mga tao base sa kanilang kasuotan dahil ang bawat angkan ay may sariling bulaklak at kulay na pinipresenta. Ang Mirasol ay kulay dilaw at kahel, sa Lilium ay puti at kalimbahin (pink), sa Nucifera ay lila at asul, at sa Orhideja ay luntian at kayumanggi. Nag-iisa lang ang kulay sa Rhoswen at iyon ay pula.

Suot ang kalimbahin na kasuotang bestida ay mag-isang naglalakad sa malawak na pamilihan ang dalagang si Viana. Ito ang hiniling niya sa kanyang ama, ang makapag-aliw sa bayan nang mag-isa. Hindi man pumayag ang kanyang ina at nakakatandang kapatid ay wala na itong nagawa dahil sa ika-labing siyam na kaarawan niya ngayon at kinumbinse ito ng kanyang ama. Siya lang ang nag-ayos sa sarili dahil hindi naman maganda ang pakikitungo sa kanya ng sariling ina at ate. Sinuot niya naman ang kanyang nag-iisang may kamahalan at magandang bestida na iniregalo ng kanyang mapagmahal na ama.

Ang pamilya niya o ang Amerson ay nabibilang sa mababang antas sa angkan ng Lilium. Ang kanyang ina at ama ay tagapagbantay lamang ng tindahan ng isang maharlikang pamilya sa kaparehong angkan. Ang kanyang ate ay nasa kanilang tahanan lamang dahil sa hindi ito pwedi magtrabaho sapagkat ay sakitin.

Nang madaanan ang tindahan ng paboritong meryenda ay bumili siya at tumuloy na sa bandang pasyalan na nasa pagitan ng palasyo at pamilihan.

Humanap siya ng pwesto na nasisilungan ng puno at nakangiting umupo. Habang kumakain ay pinagmamasdan niya ang malaking palasyo.

Ang sabi sa kanya ay ang mga maharlikang pamilya lamang ang nakakapasok dito lalo na kapag may pagdiriwang. Sa loob ng palasyo rin nag-aaral ang mga anak nito.

Isa lang sa bawat anak ng mga maharlikang pamilya ang pinapayagang makapag-aral rito upang turuan gumamit ng kapangyarihang kontrolin ang bulaklak, halaman, puno, bato, at lupa. Tinuturuan din ang panganay na anak sa mga mababang antas ng pamilya sa buong bayan ngunit pangunahing kaalaman lamang ito hindi tulad ng sa tinuturo mismo sa palasyo, mataas na antas ng paggamit ng kapangyarihan.

Marunong siya ng pangunahing kaalaman sa pagkontrol ng bulaklak sa kakapanood sa ate niya at hindi niya iyon ipinaalam sa kanyang pamilya dahil papagalitan siya, ang ate niya lang dapat ang marunong sa kanilang magkapatid.

"Hindi kita nakikita sa palasyo. Sa itsura mo ay isa kang anak ng maharlika."

Napabalikwas siya sa kanyang kinauupuan at napahawak sa dibdib nang lingunin ang pinanggalingan ng boses.

Isang grupo ng mga kalalakihan na kabilang sa angkan ng Nucifera. Maging ito ay mababakasan ng pagkagulat sa pagharap niya. Kumunot ang noo niya nang hindi pa nasusundan ang sinabi ng sa pinakaunahang lalaki. Naestatwa ito sa harap niya.

"Pasensya na po." Aniya at yumuko sa mga ito.

Ang unang pumasok sa isip niya ay umiwas rito at umalis. Ginawa niya iyon ngunit hindi pa siya nakakalayo ay tilian ng mga kababaihan ang nagpagulat na naman sa kanya.

Ngayon niya lang napansin na ang halos na nasa pasyalan ay mga anak ng maharlikang pamilya kung pagbabatayan sa mga palamuti nito sa katawan.

Nagtataka siya kung paano siya pagkakamalang anak ng maharlika kung simpleng polseras at hikaw na gawa sa mumurahing puting bato lamang ang palamuti niya.

Natigilan siya nang makita ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

Isang grupo ng mga kalalakihan na mula sa iba't ibang angkan at ang sa gitna nila ay ang Mahal na Prinsipe.

Hindi niya akalaing makikita niya ang Mahal na Prinsipe sa kanyang kaarawan dahil hindi naman ito halos lumalabas ng palasyo. Nang umikot ito ng tingin sa paligid nito at nang madaan ang kanya ay yumuko siya bilang paggalang at agad na iniangat ang tingin upang pagmasdan ang prinsipe.

Nasisinagan ng araw ang buhok nito kung kaya't kitang kita ang kulay pulang buhok na humalo sa itim nitong buhok. Maputi. Matangos ang ilong. Magandang mga mata. Manipis na mga labi. Matangkad. Hindi man lang ito mababakasan ng ibang emosyon maliban sa pagiging seryoso.

Luumakas ang tibok ng puso niya nang mapagtantong dadaan ito sa harapan niya.
Nang hindi matagalan ang kaba ay dumako ang tingin niya sa mga kasama nito. Maliban sa Mahal na Prinsipe ay ang kumuha pa na atensyon niya ay ang katabi nitong may olandes na kulay ng buhok. Malakas rin ang dating nito, seryoso at gwapo rin tulad ng Mahal na Prinsipe. Sa kasuotan nito ay mula ito sa angkan ng Mirasol.

Nang makalampas ang mga ito ay akala niya ay makakahinga na siya ng maayos ngunit natigilan siya nang may huminto sa harap niya.

"Via?" Tanong nito at kinikilala siya.

Hindi siya pweding magkamali, kilala niya ito at kilala siya nito dahil mula sila sa parehong angkan. Ang pinagkaiba lang nila ay ang antas ng pamumuhay.

"Via, ikaw ba 'yan?"

Napaatras siya ngunit lumapit ito sa kanya. Si Darem Lazero. Ang pamilyang Lazero ang pinakamayaman sa buong angkan ng Lilium kung kaya't lumalayo siya rito. Nakilala niya ito dahil sa nakabangga niya ito sa pamilihan ng hindi sinasadya.

Nakuha na nila ang atensyon ng karamihan at ramdam niyang nakatingin na rin sa kanya ang kasamahan nito. Nararamdaman niya ang mabigat na presensya ng Mahal na Prinsepe na sa palagay niya ay nakatingin rin sa kanya.

Sa halip na magsalita ay yumuko lamang siya at mabilis na umalis.

Hanggang sa pag-uwi ay malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. Sa sunod siguro niyang makasalamuha ang mga ito lalo na ang Mahal na Prinsipe ay mawawalan siya ng malay sa kaba na nararamdaman.

Pagkabukas ng pintuan ng kanilang tahanan ay nagulat siyang may ibang tao maliban sa kanyang ama, ina, at ate. Sa uri ng pananamit ay isa itong tagapagbantay sa palasyo.

Sinenyasan siya ng kanyang ama na tumabi siya rito na agad niyang sinunod.

"Ayon sa inilabas na utos mula sa Palasyo, ang inyong panganay na babaeng anak ay makikibahagi sa pilian na magaganap sa tapat ng palasyo, ika-walo ng umaga tatlong araw mula ngayon. Ang makakapasa ay papayagang makapag-aral sa palasyo. Ang pagtanggi o ang hindi pagsipot sa nasabing pilian ay papatawan ng dobleng pagbayad ng buwis ng isang linggo." Ani nito at umalis na.

"Isang araw mula ngayon ay unang araw ng panibagong buwan. Bukas ay huling araw nitong buwan. Hindi pwedi!" Malakas na pahayag ng ina nila.

Lumapit at niyakap nito ang anak na panganay. Hindi ito makakapunta sa nasabing pilian dahil sa tuwing nangyayari ang sumpa ay nagkakasakit ito at ilang araw pa bago gumaling ulit.

"Ang pangarap kong makapasok ka sa palasyo ay maglalaho dahil sa kalagayan mo." Naluluha ang kanilang ina na agad dinaluhan ng kanilang ama.

Naawa man ay wala siyang magawa. Hindi pa naalis ang sumpa. Patuloy pa ring nagdudusa ang kanyang ina at ate sa sakit na nararanasan nito sa nasabing dalawang araw.

"Hindi natin kayang magbayad ng dobleng buwis. Paano? Anong gagawin natin?"

"Ina ako na lang ang pumunta at mag representa kay ate." Suhestiyon niya dala ng matinding awa sa sitwasyon nila.

"Narinig mo ba na ang panganay dapat? Hindi ka rin papayagan roon dahil hindi ka marunong gumamit ng kapangyarihan. Wala kang silbi sa pilian. Tumigil ka na lamang at umisip ng paraan upang mabayaran natin ang dobleng buwis na ipapataw sa atin!"

Nasaktan siya sa sinabi nito at napayuko na lamang. Hindi rin ito maawat ng kanyang ama.

"Masusunod po." Tugon niya sa mababang boses. Nang senyasan siya ng kanyang ama na pumunta na sa silid niya ay agad siyang sumunod.

Natapos ang gabi ng kanyang kaarawan na may luha siya sa kanyang mga mata.

*****

Azalea Princess by btgkoorin

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products or imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Ang inyong mababasa ay purong kathang-isip lamang at walang katotohanan o hindi nangyayari sa totoong buhay. Ang bawat impormasyon sa loob ng kwento ay tanging gawa-gawa lamang ng aking isipan.

Ito po ang ikalima kong fantasy story at sana tulad ng pagsuporta sa mga nauna kong kwento ay ganun rin dito. Maraming salamat po.

Almost 2 years akong walang update dito sa wattpad. Marami lang talagang nangyari sa buhay ko kaya ngayon lang ako nagkaroon ulit ng lakas magsulat haha.

It's my birthday today. This update is my gift to you!♡

- btgkoorin

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
6.5M 232K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
4.1M 193K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...