All About Her (Published unde...

By bluekisses

2.8M 52.1K 2.2K

(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call... More

One: The Girl
Two: The Past
Three: After All
Four: Whose Engagement?
Five: The Betrayal
Six: Her Decision
Seven: Wedding Day
Eight: The Bride's Escape
Nine: Bitching Around
Ten: Home Wrecker
Eleven: Her Conscience
Twelve: He's Here
Thirteen: I'm Doomed
Fourteen: The Punishment
Fifteen: Living in Hell
Sixteen: His Other Side
Seventeen: Getting to Know Him
Eighteen: Getting Closer
Nineteen: Undefined Attraction
Twenty: The Sweet Surrender
Twenty One: Late Honeymoon
Twenty Two: The Perfect Wife
Twenty Three: Married Couple
Twenty Four: Sixth Monthsary
Twenty Five: Not Yet
Twenty Six: Birthday & Phone Call
Twenty Seven: One Last Time
Twenty Eight: Dozen of Tears
Twenty Nine: All About Him
Thirty: I Truly Do
Thirty One: Four Years
Thirty Two: Reminiscing the Past
Thirty Three: The Confession
Thirty Four: My Era
Thirty Six: Cold Stares
Thirty Seven: Your Baby
Thirty Eight: Wedding Anniversary
Thirty Nine: An Explanation
Forty: He Cares
Forty One: Disappointed
Forty Two: No More Chance
Forty Three: Thinking of You
Forty Four: Era's Dad
Forty Five: Era and Sebastian
Forty Six: Third Birthday Celebration
Forty Seven: Cheating
Forty Eight: Fixing Things
Forty Nine: A Fight for Love
Fifty: A Surprise
Epilogue
All About Her (Published)

Thirty Five: Business Meeting

44.4K 882 56
By bluekisses

Thirty Five: Business Meeting


NAPANGITI ako nang makakita ako ng isang pirasong rose sa table ko. Kahit sinundo ako ni Arthur alam ko na sa kanya 'yan galing. Yes, pumayag ako na magpaligaw. Last week bouquet ang binibigay niya pero nahihiya ako dahil napag-uusapan na kami sa buong opisina. Alam na kasi nila ang tunay na score sa 'min ni Arthur. Kaya ayan, isang pirasong rose lang every morning.


Ang sweet niya, 'yan ang mga bagay na hindi ko naranasan sa huli kong relasyon. And that was the things my first boyfriend ER did to me. Speaking of him, kamusta na kaya siya? Nalungkot ako bigla nung maalala ko ang ginawa ko sa kanila ng asawa niya. Tuluyan lang sigurong mawawala ang guilt ko kung makakabalita ako sa kanila. And I guess I've already paid for the things I've done to them.


Napailing na pilit ko 'yong inalis sa isip ko. Baka malungkot lang ako maghapon kapag inisip ko iyon ng inisip. Tinignan ko nalang ang picture ni Era na nakapatong sa table ko. She's the reason why I can still continue my life. She is my life, my happiness.


Inabala ko nalang ang sarili ko maghapon sa mga kailangan kong tapusin. Arthur is not around dahil palapit na ng palapit ang meeting niya with his new business partners. Kaya nag-lunch na lang ako sa cafeteria ng office.


I know he was busy, kaya nagulat ako sa pagtawag niya. "Hello." There was a big smile on my face. "Hello, I missed you," halos hindi na maalis-alis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "O bakit 'di ka na sumagot?" Tanong niya nung hindi ako nagsalita sa huli niyang sinabi. "Siguro kinikilig ka na 'no?"


Napatawa ako ng malakas. "Excuse Mister Marcial pero hindi po." Ang kulit niya talaga. "Bakit ka pala tumawag? Busy ka 'di ba?" Seryosong tanong ko na, ayoko kasing naabala ko siya. "Na-miss nga kita. "'Yun lang talaga? Naku, siningit mo pa ako sa mga gawain mo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagsasalita niya.


"Hindi kita sinisingit, you're one of my priority." He's too sweet kaya hindi na rin ako nagdalawang-isip pa na payagan siyang ligawan ako. "Okay, o sige na may gagawin pa ako, and you need to focus on your work too." Naiilang pa din kasi ako sa mga act niya, 'di ko nga alam kung kailan ako masasanay e.


"O sige na nga, see you later," ibaba niya na sana ang phone pero nagsalita ako.


"Later?" He laughed on the other line. "I'll pick you up at 6."


Wala na akong nai-angal dahil nababa niya na ang tawag. Nailing nalang ako sa kakulitan ni Arthur.



"GOOD EVENING SUNSHINE." Bungad ni Arthur pagkalabas ko ng office, nandito na pala siya, dumaan siguro sa office niya. "Sunshine? Gabi na kaya." Naguguluhang komento ko, na nagpatawa sa kanya. Wala nang nakakatawa sa sinabi ko.


"You're my sunshine in the night." Napayuko ako dahil sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay pinamulhan ako ng pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa mga ka-cheesyhan nya.


"Why?" Tanong niya na inangat ang baba ko, gamit ang dalawa niyang daliri.


"Are you shy again? Bakit ka ba nahihiya? Alam ko namang lahat ng mga sinasabi ko sa 'yo ay totoo."


"Hindi ka pa rin sanay? Masanay ka na dahil hindi ako magsasawang sabihin sa iyo ang totoo. That you are perfect Eunice."


"Thank you." Naiilang na sagot ko nalang, "'Yan ang gusto ko. Tara na?"


Tumango ako at nagtungo na kami sa elevator, papunta sa parking.


Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya as usual ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako sa pagsakay. Isinara niya na ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat.


Minaniobra niya na ang sasakyan palabas ng building. Bago siya nagsalita muli.


"Get ready for tomorrow." Kunot-noomg mapatingin ako sa kanya. "Tomorrow will be the big day, I will be meeting Simon's son, hindi daw kasi siya makakapunta ng Pinas, due to some important matters." Paliwanag niya, pero hindi ko pa maintindihan.


"Sino si Simon?"


"Simon is my business partner, at bukas nga magaganap ang contract signing pero ang anak niya lang ang pupunta." Napatango ako sa sinabi niya.


"Congratulations, pero bakit kailangan mo pa ako isama?" He glance at me and pinch my left cheek. "I want you to listen, I know you'll get a great idea from that, and I am trusting you to be my representative to that project whenever I'm out of town." Kumindat pa siya sa 'kin.


Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Nanlaki pa muna ang mata ko at matagal na tumitig sa kanya. "Is that for real? You'll let me handle that international project?"


"Uhuh, not just handle, you'll be involved." Sa sobrang tuwa ko ay parang gusto kong yakapin at halikan sa pisngi si Arthur kung hindi lang siya nagmamaneho. Unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap ko sa career ko. "Really?"


"Yes, I know that you are capable of doing that, and I am trusting you with this project."


"Oh my god, Arthur! Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan for everything." Grabe, feeling ko maaaiiyak ako sa trust niya sa 'kin.


"Uhm, pwede mo naman akong sagutin." Seryosong sabi niya habang seryoso sa pagmamaneho, kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. Humarap siya sa 'kin. "Kidding, makita lang kita araw-araw solved na, and besides you deserve all of these, it is the fruit of your dedication and hard work." Nakahinga naman ako sa sinabi niya, I thought he was serious. Kasi sa totoo lang kahit close na kami, kahit pinayagan ko siya manligaw, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko, kaya hindi ko siya pwedeng sagutin nalang basta-basta.


"We've talked about this, alam mong ayaw kitang paasahin.You also know that I am trying, alam mo naman ang nangyari sa past ko, kahit halos apat na taon na ang lumipas, hindi ko pa rin sigurado kung kaya ko pang mag-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil sa pagputol niya.


"Yes, I understand that. As of now, I am happy and satisfied sa kung ano'ng meron tayo."


"Thank you."


Ngumiti nalang ako sa kanya, pero after that talk medyo naging awkward sa loob ng sasakyan, hanggang sa makarating kami sa bahay.


"We're here." Mahinang sabi niya. "Sorry." Sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami, in the end pareho kaming tumawa. "Are you coming for dinner or magpapahinga ka na?" Tanong ko sa kanya.


"Hmmmm, gusto ko ng luto ni Nanay Azon. And I miss my princess." Napangiti ako sa huling sinabi niya. Mula kasi nang pumayag ako sa panliligaw niya, madalas na rin silang may bonding time ni Era, kasi every time na ihahatid niya ako ay bumababa siya to visit Nanay Azon at para makipagkulitan kay Era.


"Oh yeah, I'm sure excited 'yong makita ka." I think, kasama na 'yon sa instinct ni Era, na magkaroon ng father figure sa katauhan ni Arthur. I know Era was too young to ask for his Dad, kaya siguro at her young age, comfortable siya sa presence ni Arthur. Paano naman kasi, apat kaming puro babae sa bahay na nagpapalaki kay Era.


"Mama..." Malakas na tili ni Era pagkakita niya sa 'kin. "Oopss, careful, baka madapa ka." Saway ko sa kanya nung tumakbo siya papunta sa 'kin. "I miss you Mama," she said as she kiss me on my lips. "Aaahhh, ang sweet ng baby ko, na-miss ka din ni Mama."


"Mama, what is sweet?" Napangiti ako sa tanong niya, "It's you sweetie, your sweet." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "I'm sweet Mama?" Paniniguro niya pa. "Yes your sweet, pa-kiss nga sa sweet Era ko." I kissed her on her neck amd she giggled wildly.


"Papa Ayt..." Tili niya na nagkukumawag. Lumingon ako, masa likod ko na pala si Arthur, nagparknpa kasi siya ng sasakyan. Mula nung nagkapalagayang loob silang dalawa ay naging Papa Art na ang tawag ni Era sa kanya. Si Arthur ang nagturo kay Era na tawagin siyang ganun.


"Hi my princess." Kinuha naman sa 'kin ni Arthur si Era na agad sumama sa kanya.


Iniwan ko na muna sila para tulungan sina Nanay Azon sa paghahain. Nagmano ako sa kanya nung makita ko siya sa kusina. "Kaawaan ka ng Diyos. Nariyan ba si Art?"


"Opo Nay." Sagot ko sa kanya, na kinuha ang mga hawak niyang plato.


"Sinagot mo na ba?" Natawa ako sa tanong niya. "Nay naman, hindi pa po, ayoko naman po siyang sagutin na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko." Alam din kasi ni Nanay ang agam-agam ko.


"Pero Hija, wag mo na siyang pakawalan, napaka-swerte mo na kay Art, gwapo na, mabait pa, at isa pa ay kasundo na siya ng anak mo." Alam ko naman ang mga bagay na iyon, pero pakiramdam ko 'pag galing kay Nanay Azon ay bias 'yon, syempre kilala niya si Arthur mula pagkabata.


"Alam ko po 'yon Nay, o sige na po at tatawagin ko na sila para kumain." Palusot ko nalang para makaiwas na din ako sa usapan.


Kumain na nga kami, as usual ay masaya ang kwentuhan. Mahilig kasi itong si Arthur magpatawa, kaya halos lahat kami ay tumatawa sa tuwing kasabay namin siya. Matapos ang dinner ay nagpaalam na din siya. Dahil madami pa siyang aasikasuhin. Hindi ko na daw kailangan pumasok bukas, para makapaghanda ako, sa meeting bukas ng hapon. I-email niya nalang sa 'kin yung mga dapat kong pag-aralan.



"MA'AM ako po yung driver na pinadala ni Sir Art." Pinasundo nalang kasi ako ni Arthur dahil wala na siyang time para sunduin ako, may tinrabaho kasi siya ngayon sa Manila, at hassle pa kung babalik siya sa Cavite, just to pick me up.

Sumakay na nga ako, dahil baka malate pa ako sa meeting, alas-kwatro na, I still have two hours before six.


Habang nasa biyahe ay kinakabahan ako, prepared naman ako, pero kakaiba yung kaba ko ngayon. Well maybe, ganito talaga kapag first time. I know I can do this, makikipagmeet lang naman kami for the contract signing and syempre for some talk for the project.


Medyo ma-traffic ang naging byahe, kaya hindi ako magkamayaw sa pag-text kay Arthur, nakakahiya naman kasi sa kausap niya, sabit na nga lang ako, pa-special pa, naku, nakakahiya naman sa ka-meeting namin.


Akala ko talaga ay male-late ako, hindi ko naman kasi tantyado ang oras ng byahe pa-Maynila. Dumaan muna ako sa restroom, bago ako tumuloy sa reservation nila Arthur.


Humarap ako sa salamin para tignan ang hitsura ko, I retouch my make-up, light lang naman ito, dahil hindi talaga ako mahilig mag-make-up, I am wearing a red lipstick, na nagpapusyaw pa lalo ng kutis ko.


I am wearing a corset styled dress na kulay itim, kaya mas naging well defined ang curves ko epekto ng motherhood. Mula kasi nung makabawi ako sa panganganak kay Era ay mas naging malapad ang katawan ko. May breast become more bigger, pero sakto lang naman sa katawan ko, proportion lang. I partnered my dress with a nude stiletto. Simple lang ang ayos ko.


Pagkalabas ko sa restroom ay nagtanong ako sa receptionist. "Table under Mr. Arthur Marcial." ngumiti sa 'kin ang recpetionist.


"This way Ma'am, " sumunod nalang ako sa kanya. I saw Arthur, in front of him were two mens. Yung kaharap niya ay may broad shoulders, na naka maroon long sleeved polo. Yung isa ay mas maliit ang katawan, he is wearing a peach long sleeved polo.


"Ako nalang lalapit, thank you." tumango naman yung sumama sa 'kin. Palapit na ako nung mapansin ako ni Arthur. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila, kaya kinkabahan ako habang palapit ako. "There she is." alanganing napangiti ako, lalo na nung tumayo si Arthur para lapitan ako, parang nailang ako.


Then, lumingon yung naka peach na lalaki. Nakalapit na sa 'kin si Arthur nung lumingon naman yung isa pang lalaki. At pakiramdam ko ay nanigas ako sa kintatayuan.


--


Thanks! Binago ko pala yung tawag ni Era kay Eunice.. Mama pala, I like it that way! :)


Any conclusions and suspetya? medyo busy e. Bye...


~leyn

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 80.9K 60
"Why can't you accept it? Hindi kita magagawang mahalin. It's always been Katrina."
2.5M 29.7K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
247K 5.2K 30
Lyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big...
368K 7.2K 30
SG: 4th He believes in love. The annoying feeling of that skipping heartbeat whenever that lucky woman was around. He want to meet that green jealou...