Miss Super High Standards (Se...

By AteBae_Bae

4.6K 504 37

Is it possible if Czarianne is still alive even if they see her own body... lying inside the coffin. Will All... More

Disclaimer
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHARTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE
♡Special Chapter: CzaLlen♡

CHAPTER 55

30 2 0
By AteBae_Bae


Czarianne POV

Sumapit ang gabi at kanina pa ako palakad-lakad sa harapan ng bahay namin at nag-aalala na dahil hanggang ngayon wala pa din si Allen.

"'nak, pumasok ka na." Tawag saakin ni mama mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya na may pag-aalala sa mukha.

"Wala pa po kasi si Allen, ang sabi niya babalik siya ngayong gabi" nag-aalala kong sabi.

Hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko bago siya ngumiti ng bahagya saakin. "'wag kang mag-alala, maya-maya nanjan na 'yon. Baka nagabihan lang sa practice nila, tsaka bukas na yung event diba?" Sabi niya kaya tumango naman ako. "Uuwi na lang 'yon, nag-text na ba sa 'yo?" Tanong niya.

Tumango naman ako. "Opo. Pero kanina pa 'yon" sabi ko bago ako yumuko saka bumuntong hininga para ikalma ang sarili ko.

Nag-aalala lang talaga ako dahil bukod sa inaalala ko kung kumain na ba siya, baka pagod na pagod na 'yon ngayon.

"Ano sabi niya?" Tanong ni mama saakin kaya tinignan ko naman ang cellphone ko bago ako nagsalita ulit.

"Baka gabihin daw po siya ng uwi" sagot ko bago bumuntong hininga ulit.

"Iyon naman pala, sige na pumasok na tayo. Sa loob ka na lang maghintay" sabi ni mama kaya sumama naman ako sakanya maglakad papasok.

"Naalala ko noon mama, si papa kapag umuuwi ng gabing-gabi na, galit na galit ka" biglang sabi ko dahil naaalala ko yung mga araw na 'yon.

Eh si mama kasi likha ata talagang pinanganak na selosa kaya tuwing gabing-gabi na wala pa rin si papa, grabe na ang tumatakbo sa utak niya. Ehh sadyang pilyo daw noon si papa, kaya si mama naman todo overthink. Keso daw may ibang babaeng kinikita si papa, may hinahatid-sundo daw si papa ganon ganon.

"Ehh alam mo namang napakapilyo ng tatay mo noon, panong hindi magagalit. Ikaw ba naman pag-isipin ng grabe" natatawang sabi ni mama kaya napailing na lang ako habang nakangiti.

Pero buti na lang kahit ganon sila noon na halos dumadating pa sa point na nagigising ako ng hating gabi dahil sa away nila, tapos to the point na nakakarinig na ako ng masasakit na salita mula sakanila at halos mugto pa ang mata ko paggising ko. Pero pasalamat ako dahil hanggang ngayon magkasama pa rin sila.

*Kringg* *Kringgg*

Napatingin naman ako bigla sa cellphone ko ng bigla etong umilaw at tumunog.

"Si mistisong hilaw, tumatawag" sabi ko kay mama. "Sagutin ko lang po" paalam ko sakanya kaya tinanguan niya naman ako bago ako naglakad papunta sa dati kong pwesto kanina.

"Mistisong hilaw, si Allen?" Agad na tanong ko pagsagot ko sa tawag niya.

"Ako yung tumatawag, yung asawa mo ang hinahanap mo" nagtatampo niyang sabi. At pustahan tayo, nakanguso na naman 'to. "Ano ba namang buhay 'to oo, nabuhay na lang ata ako para maging witness sa pagmamahalan ninyong lahat–"

"Manahimik ka, ang drama mo" putol ko sa pagda-drama niya.

"Sabi ko nga" sabi niya. "Tch. Good evening diba?" Sarkastiko niyang sabi kaya napairap na lang ako.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko.

"'yon na nga. Napatawag ako kasi mukhang hindi makakauwi si Allen" sabi niya kaya agad naman akong nagsalita.

"Bakit!? Anong nangyare? May nangyare ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kalma pards, kalma. Wala, walang nangyare kay Allen, ayos lang siya. Mukhang pagod lang ata dahil eto nakatulog dito sa sofa" sabi niya sa malumanay na boses kaya huminga ako ng maluwag.

"Hindi ba kayo uuwi?" Malumanay kong tanong.

"Ehh... H-hindi kami makakauwi kasi kailangan namin magtrabaho Czar, ok lang ba 'yon sa 'yo? Ayaw naman namin gisingin si Allen dahil mukhang pagod na pagod na talaga" sabi niya kaya bigla namang kinurot ang puso ko.

Sinasabi pa lang ni mistisong hilaw na tulog si Allen at mukhang pagod na pagod, na i-imagine ko na ang itsura ngayon ni Allen.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa malumanay na boses.

"Tapos na pards, 'wag ka din mag-alala dahil pinakain namin ng maayos si Allen, at wala din siyang sinusunod na diet plans" sabi niya kaya napatango na lang ako.

"Mabuti kung ganon" sabi ko at natahimik sandali dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko ganong hindi makakauwi si Allen.

Ngayon pa lang, pakiramdam ko hindi ako makakatulog ng maayos dahil wala siya dito.

"May gusto ka bang sabihin kay Allen? Ako na bahala magsabi paggising niya" sabi ulit ni mistisong hilaw.

"P-pakisabi, tumawag siya o mag-text saakin bukas ng umaga o kaya kapag nagising siya mamaya. Nag-aalala ako ehh" malumanay kong sabi.

"Sige, makakarating" masiglang sabi ni mistisong hilaw. "Alam mo Czar, 'di ako sanay sa ganyang kalumanay mong boses, sumigaw ka nga" natatawa niyang sabi kaya tumaas ng bahagya ang gilid ng itaas kong labi.

"Tigilan mo ako mistisong hilaw ahh" pagbabanta ko sakanya.

"'di joke lang pards. Sige na matulog ka na, kailangan mo pa naman ng lakas para bukas" sabi niya kaya doon ko pang bigla naalala yung pinag-usapan namin nung isang araw.

"Ano pala ang gagawin ko bukas–" naputol ko naman ang sasabihin ko ng bigla na lang naputol ang linya kaya tinignan ko ang phone ko at napangiwi na lang dahil pinatay nga ni mistisong hilaw ang tawag.

"Napakabastos talaga, kinakausap pa babaan ba naman ako" kausap ko sa sarili ko bago ako pailing-iling na pumasok ulit sa loob ng bahay.

"Hindi daw po makakauwi sina Allen" balita ko kay mama nang madaanan ko siya sa may sala. "Sa taas na po ako, sasamahan ko na yung kambal sa pagtulog. Goodnight po" matamlay kong sabi sakanila.

"Pahinga ka na din 'nak" rinig kong sabi ni papa kaya tumango naman ako bgo pumanhik sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob, tulog na tulog na ang dalawa kong anak kaya tumabi naman ako kay Czallie bago ko bahagyang sinuklay ang buhok niya bago ako nahiga.

Pero bago ako tuluyang matulog, nagpadala muna ako ng message kay Allen bago tuluyang natulog.

*****

Kinabukasan, kinapa ko agad ang hinihigaan ko ng maramdaman ko na wala na akong katabi. Napaupo na lang ako bigla saka ko iginala ang mata ko sa paligid.

"Czallen? Czallie?" Tawag ko sa dalawang anak ko bago ko sinuot ang tsinelas ko at naglakad palabas ng kwarto.

"Ma?" Tawag ko kay mama habang pababa ako ng hagdan

Nasa ikalawang baitang na ako ng hagdan at napahinto ako ng makitang nakasarado ang pintuan pati na ang bintana at wala akong naririnig na ingay mula sa kusina.

"Pejay?" Tawag ko sa kapatid ko habang naglalakad ako pabalik sa taas.

Isa-isa kong binuksan ang pintuan ng kwarto ng mga kapatid ko pero wala sila sa kanya-kanya nilang kwarto kaya bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko.

Agad kong tinawagan ang numero ni Pejay, pero habang nagro-ring ang cellphone ko, bumalik ako sa baba at nagbabakasakaling may tao doon.

*Tot* *tot* *tot*

"Nasaan ba sila?" Nababalisa kong sabi at sinubukan ko ulit tawagan si Pejay pero hindi pa rin ako sinasagot.

Binuksan ko naman ang messages, pero ni isa sa mga kaibigan ko ay wala man lang nag-text. Ganon din kay Allen na siyang inaasahan ko na mag_message o tumawag saakin.

Abala ako sa tawag sa mga kapatid ko ng bigla na lang may kumatok sa may pintuan kaya biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa kaba.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may bintana para tanawin ang taong kumatok sa pintuan namin.

Kumunot agad ang noo ko ng makita ang tatlong babae na pare-parehong nakasuot na white t-shirts at black pants habang may dala-dalang paper bags. At sa nakikita ko, mukhang mga stylist sila dahil sa mga itsura nila kaya nakahinga ako ng konti dahil akala ko kung sino na ang kumakatok.

Agad ko namang binuksan ang pintuan at binati sila bago ko sila tinanong. "Sino ho k-kayo?" Magalang kong tanong sakanila.

Nginitian naman ako nung isa bago siya nagsalita. "Good morning, Atr Czarianne. Kami ho yung mag-aayos sainyo, pinapasundo po kayo saamin ni Kuya Mark" nakangiti niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

"Si Mark Jade?" Nagtataka kong tanong.

Bakit siya ang nagpapasundo saakin?

"Opo" sagot niya.

"B-bakit ang aga naman ata–" hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

At nang makita ko ang napakalaking pangalan ni Mark Jade sa screen ng cellphone ko kaya agad ko 'yon sinagot.

"Hoy nasaan ang mga anak–"

"Sumama ka na lang sakanila kung ayaw mo ipakaladkad kita palabas jan sa bahay niyo" mabilis niyang sabi sabay patay ulit ng tawag kaya naiinis ko namang tinignan ang cellphone ko.

"Aba't bastos" mahina kong sabi bago tinignan ang tatlong babae sa harapan ko bago ako ngumiti ulit sakanila.

"Uhm... Tanong ko lang, baka sakaling alam niyo hehehe, nasaan ang mga kasama ko dito sa bahay?" nahihiya kong tanong.

Iwan ba naman kasi ako mag-isa dito sa bahay(⁠T__T⁠)

"Ah oo nga po pala, pinapasabi din ni Sir Jellian na 'wag mo daw po hanapin ang mga kasama niyo dito sa bahay dahil umalis daw po sila" sabi naman nung isamg babae sa kaliwa kaya literal na kumunot ng sobra ang noo ko.

At saan naman pupunta ang mga 'yon ng hindi man lang nagpapaalam!? Humanda talaga sila saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 377K 41
• who the hell is texting me? • © futuoharry •
1.5M 75.3K 42
Officially now a series! Watch all episodes now on mewatch. [BOOK ONE] Highest Rank Thriller: #1 (4.12.17) "Whatever he does, whatever he throws at m...
45.9K 749 29
"We have our ups and downs, but love finds a way." ~ Taron Egerton x Reader ~ ~ Highest ranking: #1 in "englishloveaffairs" (November 23, 2018) ~ ~ G...
59.2K 2.5K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.