Memories Of The Past

By dianamarieberro9

8.9K 565 18

Timeless Romance #1 In the midst of her unbearable present-day life, Snow Millicent unexpectedly found hersel... More

Prologue
1 Going back to the past
02 Realization
03 First time meet
04 Family
05 Old Manila
06 Still Adjusting
07 Finding Home
08 Circle of Friends
09 Father's Love
10 Broken Families
11 Special Treatment
12 Meeting Yvonne
13 Catch the Cheater
14 Moving On
15 Heart vs Brain
16 Revenge
17 Hidden Agenda
18 Assumptions
19 Magic of Christmas
20 Surprise Visitor
21 Flirtationship or Situatonship?
22 Welcome to MLQU!
23 Marites and Marisol
24 The Insects
25 Introducing Carlos
26 Bad Decisions
27 Using Eric
28 Friendship over Relationship?
29 Fake Relationships
30 Star City
31 Snow's Savior
32 Unconditional Love
33 Torpe si Spencer
34 Pursuing Snow
35 Yvonne is a Dela Vega
36 Cotton
37 Manila Yacht Club
38 True Love
39 Siargao
40 Love Under The Sunset
41 Pinky Promises
42 Jealous
43 Church Date
44 In Denial
45 Predictions
46 Unexpected Meet
47 Aligned Hearts
48 Wife Material
50 Hopeless And Desperate
51 Unfamiliarity
52 Spencer's Painful Past
53 Where Are You, Josephine?
54 Disinformation
55 Suspicions

49 A Traitor's Comeback

82 5 1
By dianamarieberro9

I've been preparing a lot for next school year, hinahanda ko na din yung mga kailangan ko para hindi na ko magiging abala sa pag enroll don, sabi ulit ni tito na nakausap nya ulit yung may ari ng university kaya napagbigyan ulit akong makapasok ng mlqu kahit sobrang kulang at hindi sapat yung requirements ko para makapag enroll sa university kaya I'm very thankful of it, iba talaga ang nagagawa ng mga connections lalo na sa mayayaman.

"Snow please pakigising ulit si mam Josephine hanggang ngayon di parin nagigising, ala una na di pa yun kumakain malilipasan na yun ng gutom." Utos ulit ni ate Dolores. "Ano bang ginawa nun kagabi? Bakit tanghali na kung magising?" Tanong ko.

"Edi ano pa nag lasing ulit, kapag wala ang mommy at daddy nyan aalis yan sa gabi para bumili ng alak at mag lasing, buti nga naitapon ko yung mga bote agad kagabi kundi nahuli yan ng daddy nya." Sagot ni ate Dolores at nagulat ako.

"What do you mean? Does she sneak some alcohol at night kapag wala dito sila tito at tita? Pang ilang beses na ba to ate Dolores?" Inis na tanong ko, di ko alam na ginagawa nya pala yon nang hindi nagsasabi sakin kasi alam nyang ayokong umiinom sya at naninigarilyo kaya di din pinaalam sakin.

"Maraming beses na no, inaabuso na nga nya yun kasi palaging wala dito ang magulang nya palaging nasa trabaho, kaya ayun nalang ang kaligayahan nya alam naman nya kase na hindi sya mahuhuli eh." Sagot ni ate Dolores at agad agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Josephine at nadatnan ko syang tulog mantika, sumilip ako sa ilalim ng kama nya at may naiwang isang bote ng red horse don at kinuha ko agad yon, jusko, todo ingat ako sa kalusugan ni Josephine sya naman tong walang pakielam sa katawan nya.

Inalog alog ko sya nang malala para magising sya pero kahit anong gawin ko hindi talaga sya magising gising, parang alam ko na kung gano kalala lasing neto para hindi magising sa tanghali, kaya kahit anong pag gising ko talaga sa kanya she has no single respond, hindi man lang gumalaw kaya nagduda ako bigla na patay na to sa kakainom nya, pero hindi kasi may pulso pa, wala na kong choice kundi tumigil nalang at bumaba ulit.

"Ate Dolores ilang bote po ng alak ang binili nya? May nakita pa kasi akong isang bote sa ilalim ng kama nya." Tanong ko at inabot ko sakanya ang boteng nakuha ko at kinuha nya yon. 

"Dalawang bote yung nakuha ko kahapon, akala ko dalawa lang kasi di ko yan nakita, ibig sabihin umubos sya ng tatlong bote ng red horse beer." Sagot nya at bigla akong kinapos ng hininga, putcha naubos nya yung tatlong red horse sa isang gabi?!! 

"Huwatt? Tatlong red horse sa isang gabi?" Gulat na tanong ko. "Oo pero hindi ako sigurado baka hindi nya yan pinag sabay sabay inumin sa isang gabi, baka nung ibang araw pa nya yan ininom hindi lang nya naitapon agad, sutil talaga yung batang yon." Sagot ni ate Dolores.

"Hayaan mo na Snow papagsabihan ko nalang yung batang yan mamaya pagkagising, sa ngayon hayaan mo nalang sya matulog minsan kasi mainit ang ulo non pag ginigising eh." Saad ni ate Dolores.

"Ok teh, as if naman na madadaan mo yung bruhang yon sa pakiusap, ikaw na nagsabing sutil yung bruhang yon, una na ko sa gawain babu!" Sambit ko at nagpatuloy ulit sa gawaing bahay.

---

"Omg what is happening? L-lumilindol ba?" Tanong nya habang pinipilit nyang gisingin ang sarili nya. "Alam mo gaga ka talaga no, di ka lang gaga bruhilda ka rin, you're sneaking alcohol into your room na hindi namin nalalaman?" Inis na sabi ko pero bangag parin yung kausap ko.

"I-I did what?" Gulat na tanong nya. 

"You're sneaking alcohol into your room Josephine, may nakita kaming tatlong bote sa ilalim ng kama mo at lahat yon simot, halika dito mag jojogging tayo para magising ka na kasi hindi ka pwedeng madatnang ganyan nila tito at tita, kundi lagot talaga tayong dalawa!" Usal ko at hinila ko sya patayo sa kama nya at lumabas kami ng kwarto nya para patakbuhin sya sa backyard, hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya para siguradong hindi to hihiwalay or madadapa.

"Snow stop! That's enough hindi ko na kaya!" Reklamo nya kahit pababa palang kami ng hagdan, pinilit ko talaga syang hilain papuntang backyard at sabay kaming tumakbo ng iilang  laps sa backyard. 

"There's no way Josephine, kailangan mong magising kasi anytime pwedeng umuwi ang mga magulang mo dahil baka mapatay ka ng tatay mo kapag nakita kang ganyang kalasing, bruha ka talaga!" Inis na sabi ko at pinilit ko ding tumakbo kahit medyo napagod din ako ng konti pero mas kailangan ko paring gisingin tong si Josephine.

"Hoy anong ginagawa nyo?" Tanong ni ate Shiela nang makita kaming nagtatatakbo sa backyard. "Gigisingin ko lang tong si Josephine may hang over kasi to eh nag ubos nanaman ng isang bote ng redhorse." Sagot ko at tinitigan lang kami ni ate Shiela habang hindi ko pinapatigil sa pagtakbo si Josephine tapos sya reklamo nang reklamo.

"Snow that's enough! Oo na sige na gising na ko pero di ko na kaya yung pinapagawa mo! Sa ginagawa mo para akong baka na pinag aararo mo sa taniman!" Inis na sabi nya at bumitaw sya sa hawak ko habang hingal na hingal sya pero wala pa kami sa kalahating laps, dapat doble sweldo ko dito eh kasi parang binebabysit ko ng libre tong si Josephine! Spoiled bratinella as always.

"Oh yan mabuting gising ka na kasi alas cinco na ng hapon sobrang bangag ka parin, maaga daw uuwi sila tito at tita ngayon may kasamang bisita daw hindi ka pwedeng tutulog tulog no." Sambit ko.

"Sinong bwisita ang dadating nanaman dito?" Inis na tanong nya. "Ewan ko wala daw kasing sinabi kung sino pero kailangan mong umayos sa harap ng bisita daw." Sagot ko habang pinupunasan ang pawis ko dahil medyo tirik ang arawan.

"Bakit hindi ko naman kailangan magpakita sakanila ha? Eh kapag may bwisita dito sa bahay hindi naman ako hinahanap para makita nila kung malaki na daw ba ako kung ano, bwisit talaga." Asik nya at halatang mainit ang ulo nyo kaya medyo natawa nalang ako.

"Aba malay ko! Binilin lang naman sakin yan ni ate Dolores eh kasi importante daw yung bibisita mamaya dahil hahanapin ka daw nila and they also need to talk to you, buti nga hindi nagsumbong yung mga katulong sa magulang mo na lasing na lasing ka eh, kundi patay ka nanaman sa daddy mo." Sagot ko at umirap nalang. 

"Anong oras daw sila dadating?" Tanong nya. "Mamayang ala sais na daw, mag ayos ka na sa kwarto mo dahil kahit wala na yung hang over mo mukha ka paring bangag." Sagot ko at agad din kaming bumalik sa kwarto nya, naligo sya at nag ayos ng sarili nya, mabilis lang din syang natapos at hinintay nalang namin na umuwi dito sila tito at tita.

"Josephine anong pumasok sa isip mo para laklakin yung tatlong bote ng redhorse?" Tanong ko. "Wala lang I missed clubbing kase, nakakamiss din uminom at umuwing lasing, siguro nasarapan lang ako sa red horse kaya di ko napansin na naubos ko pala sila." Sagot nya.

"Ano yon nag takas ka ng red horse para hindi ko malaman yun no kasi alam mong ayaw kitang umiinom?" Tanong ko at natawa nalang sya.

"Ikaw naman kasi eh normal lang naman samin yun mga kolehiyo na mag inom at walang masama don, tinigil ko na nga yung paninigarilyo ko dahil ayaw mo pero sa pag inom naman ayaw mo din akong payagan, nanay ba kita?" Sarkastikong tanong nya, haha lol it's the other way around.

"Hindi no inaalagaan ko lang kalusugan mo, bata ka pa inaabuso mo na." Sagot ko at may biglang kumatok sa pinto at napatigil kami. "Mam Josephine nasa baba na po yung bisita hinihintay na po kayo." Alam kong kay Rita ang boses na yon at agad din na bumaba na kami ni Josephine at dumeretso sya sa dining dumeretso naman ako sa kusina. 

"Sino daw yung bisita?" Tanong ko. "Hindi ko alam eh, di ko tinignan tsaka isa pa di ko rin naman makikilala kung sino yung mga yon." Sagot ni ate Monique at bigla kaming nagulat nang marinig naming napasigaw si Josephine.

"Oh my god what are you doing here?" Sigaw ni Josephine at nagkatinginan kami agad ni ate Monique being curious of what is going on there kaya napapaisip ako bigla if I'll eavesdrop on the conversation.

"Josephine be nice to our guest, kahit ngayon lang maging mabait ka sakanila because importante ang mapapagusapan natin at kailangan mong makinig samin, alam kong gulat ka but later on maiintindihan mo rin." Malakas na pagkakasabi ni lolo at nagkatinginan ulit kami ni ate Monique, feeling ko talaga may hindi tama na mangyayari dito.

"Ano kayang nangyayari? Bakit naging ganun agad yung reaksyon ni mam Josephine eh kapupunta lang nya ng dining area eh?" Tanong ni ate Monique.

"Kaya nga eh, gusto kong makichismis para malaman ko kasi feeling ko rin may hindi tama eh." Sambit ko. "By the way nabigyan nyo na ba yung mga guests ng kakainin nila kaya wala na dito yung ibang katulong na mag seserve sakanila?" Tanong ko.

"Oo kinumpleto na nila agad ang hapag kainan para wala nang problema, kung gusto mo magbantay ako sa labas para makichismis ka sa nangyayare dyan?" Tanong ni ate Monique at agad agad akong tumango, sinabi ko lang na senyasan nya ko kung may dadating na katulong sa kitchen para di nila malaman na makikichismis ako .

Merong dual purpose door dito sa kitchen na kapag binuksan mo didiretso ka kaagad sa hapag kainan, binuksan ko ng konti ang pinto at sinigurado ko na rin na walang makakapansin sakin na nakikinig ako sa importanteng pinag uusapan nila. 

Nang makasilip ako ng konti ay sobrang laking gulat ko nang nakaupo sa hapag kainan si Christopher pati ang tatay nyang si Ambrosyo! Oh sabihin kong lolo ko sa side ni papa!

Putcha anong ginagawa nila dito? Bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari dito? Anong gagawin nila at bakit pumayag sila lolo na makipag usap sakanila eh alam na nga nila na kung sino mang makipag trabaho sakanila eh nasasangkot sa gulo nila! Anong pumasok sa kokote ng lolo ko! 

"Dad what is the meaning of this? Bakit sila nandito? I thought you already cut them off then eh ano to?" Di makapaniwalang tanong ni Josephine. 

"Josephine I know di mo agad naintindihan ang ibig sabihin nito pero magkakaron kami ng partnership ni tito Ambrosyo mo, gusto lang namin ayusin ang mga gusot at gulong nangyari sa kompanya natin at nila." Sagot ni lolo.

"Partnership? Eh wala na nga yung kompanya nila diba sarado na? What are you talking about dad?" Tanong ni Josephine at napapatanong din ako sa sarili ko, partnership? Sa paluging kompanya?

"Josephine our company isn't fully closed, our company is to be reopened kapag okay na ang partnership namin and we can start again at hindi na maisasarado pa ulit ang Dela Vega Group Of Companies, kaya wag kang mag alala Josephine, alam namin na you and Christopher didn't end of a good note." Sagot ni Ambrosyo, hindi ko sya kayang tawaging lolo kasi sigurado ako na isa pa tong gago katulad ng tatay ko, oo di ako natatakot murahin sya.

"Dad, mom how can you trust them? You're putting our business into the line! I know hindi pa sapat ang kaalaman ko sa mundo ng pagnenegosyo pero kung ako sainyo hindi ako gagawa ng katangahan." Sarkastikong sabi ni Josephine at biglang tumawa sila lolo at Ambrosyo kasabay din ni Tope.

"Hindi mo pa nga naiintindihan sa ngayon Josephine, pero tutulungan kami nila tito Alfred na maibangon ulit ang kompanya namin at kapag ayos na ang lahat, dun kami babawi dahil yun ang pinagkasunduan nilang dalawa kaya wag kang mag aalala Josephine, hindi namin kayo isasama sa hukay kung hindi man yon magtatagumpay." Mahinahong sabi ni Christopher at hinawakan nya ang kamay ni Josephine pero agad din nito binawi ang kamay. 

"Don't you dare touch me, I've been through hell because of you so why would I trust you? Sino ka ba?" Sarkastikong sabi ni Josephine at hindi natuwa sila lolo at lola sa inakto nya.

"Josephine pwede ba! Pakingan mo muna kami!" Pabulong na sabi ni lola at napa cross arms nalang si Josephine at napa sandal.

"Okay I'm sorry Christopher sa inakto ng anak ko pero maiintindihan nya rin kayo balang araw, gulat lang siguro si Josephine sa nangyayari ngayon kaya pagbigyan nyo nalang muna." Pagpapatawad ni lolo, kung ako ang nasa situation ni Josephine walang pinag kaiba ang reaksyon namin, sana hindi sila magsisi sa gagawin nila.

"Teh! Papunta dito si ate Dolores!" Pinagkakalabit ako ni ate Monique at bigla akong napabalikwas at kunwaring nag pupunas ng lababo dahil hindi nya pwedeng malaman na nakikinig ako sa usapan ng pamilya nila.

"Ano pang ginagawa nyo dito? Hindi kayo pwede dito oy pag kayo nakita nila sir Alfred malalagot kayo!" Banta ni ate Dolores at nag katinginan kami ni ate Monique habang nag iisip ng idadahilan.

"Ah wala, naglilinis lang kami dito kasi akala namin di pa to linis eh." Pagdadahilan ni ate Monique. "Hindi nyo naman kailangan linisin yan ng sobra, pwede naman mamaya na gawin, ang sabi ni sir Alfred kailangan walang tao dito sa kusina o kahit saan mang malapit sa hapag kainan dahil pribado ang mapag uusapan nila sir, umalis na kayo dyan bago pa kayo makita." Sambit ni ate Dolores.

"Kailangan ba talaga? Eh wala naman interesado samin sa mapapagusapan nila sir ha?" Tanong ko pa. "Oo nga alam ko pero hindi nga kayo pwede dyan dahil yun ang sabi ni sir Alfred." Usal pa ni ate Dolores at pinagpilitan kaming paalisin sa kusina kaya wala kaming choice kundi umalis nalang, sobrang kailangan kong mapakinggan ang mapapag usapan nila!

"Pano yan Snow di ka na makakachismis?" Tanong ni ate Monique. "Hayaan mo ate Monique hahanap ako ng paraan, sa ngayon di ko pwedeng ipaalam kay ate Dolores na may nalaman ako, sige na mauna ka na sa quarters at aakyat na ko." Sagot ko at agad akong umakyat sa kwarto ni Josephine at hinintay ko syang umakyat dito.

Oras oras ang lumipas at padabog na pumasok si Josephine sa kwarto habang nanghihingal sa inis at galit kaya napatayo ako upang tanungin sya sa kung anong nangyari.

"Josephine what happened?" Nag aalalang tanong ko at napa hawi ng buhok si Josephine sa sobrang sama ng loob nya.

"I can't believe dad! Parang suicide mission itong ginagawa nya! Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng tatay ko para pautangin ng malaking halaga sila tito Ambrosyo para makabangon ang kompanya nila!" She shouted and in that words I felt my whole body ran cold and my heart sank into the deepest, no!

P-pinautang? Ng malaking halaga? 

"A-ano? P-pinautang sila ng m-malaking halaga?" Nauutal na tanong ko at parang nanghina ako kaya napaupo ako sa kama habang nakahawak sa dibdib dahil sa hindi makapaniwalang bagay, pinautang ni lolo sila Ambrosyo-

Ibig sabihin ba nito, eto na ang simula ng paghihirap namin? D-dito ito nagsimula??!

"Oo Snow pinautang nila dad at mom sila tito Ambrosyo ng malaking halaga nang hindi na kinakailangan ng confirmation ko! Anong pangbibilog ng utak ang ginawa nila sa magulang ko?!" Sigaw ni Josephine habang hindi rin makapaniwala sa ginawa ng magulang nya, ni ako hindi rin ako makapaniwala sa ginawa ng sarili kong lolo at lola, tama si Josephine, parang suicide mission ang ginagawa nila kung iisipin mo.

"Nahulog sa patibong ang mga magulang mo." Walang emosyong sabi ko at unti unting naluluha si Josephine. 

"At isa pang malala nito, gusto nila akong ipakasal kay Tope at gusto nilang sooner or later after I graduate ay maging engaged na kami, ayoko kay Tope ayoko sakanya! Nilason nila ang isipan ng mga magulang ko para gawin nila ito sakanila at saakin, kaya hindi ako magtataka kung sa ilang buwan lang ay maghihirap na kami at wala na rin kaming maipapasweldo sainyo.

"At wala akong magagawa don dahil hindi nila ako pinapakinggan sa sinasabi ko dahil ayaw na nilang maniwala sakin!" Lumuluhang sabi ni Josephine at napa upo nalang sya sa kama at niyakap ko sya ng mahigpit, sa oras na to isang yakap lang ang kaya kong ibigay sakanya para patahanin ang sarili namin sa nalaman.

Ano nang mangyayari sa pamilya ko? Kung hindi ako kikilos agad agad ay siguradong mangyayari ulit ang lahat ng mga pasakit na ginawa ng mundo sa pamilya ko, nandito ako para baguhin ang lahat at wala ako dito para panuorin lang mangyari ulit ang nangyari na, para sa lolo at lola ko, at lalong lalo na para sa nanay ko, gagawin ko ang lahat para iligtas sya sa kanyang mapait na tadhana.

"Wag kang mag aalala Josephine, hangga't nandito ako gagawin ko ang lahat para iligtas kayo sa pamilyang yon, mga demonyo sila, at gaganti tayo sakanila." Unti unting tumulo ang luha ko habang binabanggit ko ang mga salitang yon, sigurado akong gagawin ko na ang lahat para maibago ko ang nakatadhana sa pamilya ko, at determinado ako para tuparin yon.

"Tulungan mo ko Snow, sa ngayon ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong, pakiusapan si daddy na wag ituloy ang kasal at bawiin lahat ng ibinigay sakanila, please tulungan mo ko." Pagmamakaawa ni Josephine habang hindi mapigil ang pagdaloy ng luha nya sa kanyang pisngi at kita ko ang nararamdamang takot nya nang dahil sa kilos na ginawa ni lolo.

"Subukan mong kausapin ang daddy mo Josephine, mukhang wala naman na sila Tope dyan, baka sakaling mag bago ang isip nila." Sambit ko at nag punas sya ng luha.

"Sige susubukan kong kausapin si daddy, pag hindi nagbago ang isip nya maglalayas ako, hindi ko hahayaan magawa sakin ni daddy ang gusto nyang gawin." Sagot nya at pinunasan nya ang mga tumulong luha, tumayo sya at lumabas sya ng kwarto at dumeretso sa salas para kausapin si lolo habang ako ay nag tatago sa hagdanan dahil kailangan kong makita kung anong mangyayari.

"Dad, hindi ka ba naaawa sakin? Ipapakasal mo ko sa anak ng may criminal records ng murder and theft? Hindi ka ba natatakot na masasangkot tayo sa dumi at gulo ni tito Ambrosyo? Bakit kung gumawa ka ng kilos ay ganun ganun nalang? Ilang beses ko nang sinabi sayo na nanakawan nga tayo nila tito Ambrosyo!" Sigaw ni Josephine mula sa salas.

"Josephine don't talk like that to your dad!"

"No mom, alam nating lahat dito na madadamay tayo sa dumi ni tito Ambrosyo once na makipag tulungan ka sakanya, he did a lot of dirty and criminal works! Halos lahat ng negosyante sa Pilipinas alam yon kaya walang nakikipag tulungan sakanya! At alam kong alam mo din yun dad hindi ka tanga para makipag partnership ka sa paluging kompanya nila!" Usal ni Josephine at rinig na rinig mo sa tono nya ang gigil nya.

"Wala kang alam Josephine kaya wag mo kong didiktahan sa kung anong kailangan kong gawin, marami na kong pinagdaanan sa mundo ng negosyo kaya ang isang tulad mong walang alam sa mundo ng negosyo ay walang karapatan para diktahan ako sa susunod na kilos ko, maingat si Ambrosyo at alam kong walang mali ang makipagtrabaho sakanya, at alam ko rin na matutulungan nya tayong mas mapabuti pa ang Fairmont Grand Hyatt kaya maniwala ka sakin Josephine, para sa pamilya natin ang ginagawa ko." Wika ni lolo at halata sakanya na mataas ang kumpyansa nya sa ginagawa nya ngayon dahil sa tono ng pananalita nya.

"No dad! Mas maigi nang makipagtulungan ka nalang sa father ni Carlos dahil alam ko rin na magiging maganda ang partnership nyo sakanya kaysa sa Dela Vega Group of Companies!" Sigaw ni Josephine.

"No Josephine that is not going to happen, nainvolve ang pamilya nila Carlos sa issue ng pagnanakaw sa isang executive department sa gobyerno at kalat yon sa mga balita at dyaryo, pinupuntirya na rin ang pamilya nila ng media at kung makikipag tulungan man tayo sakanila mapapahiya tayo dahil ayokong nasasangkot tayo sa issue ng mga politiko, kaya tama lang ang ginawa ko Josephine, sana maintindihan mo yon dahil para sayo din ang ginagawa ko di lang para satin." Mayabang na pagsagot ni lolo, totoo ngang binilog ni Ambrosyo ang utak ni lolo dahil alam ko sa sarili ko na hindi sya ganyan katanga.

"Ah so okay lang sayo na madamay tayo sa gulo ni Ambrosyo kaysa mamantsahan ang pangalan natin at ng kompanya natin sa pakikipagtulungan natin sa pamilya ni Carlos? Mas ayos lang sayong ipahamak ang buong kompanya natin para lang hindi tayo madungisan ganun ba? Ano nalang ang iisipin ng mga tao kung nalaman nila na nakikipag tulungan tayo sa pamilya ng Dela Vega?

"Hindi ko lubusang maisip na mas ayos lang sayo na mapahamak tayo, ang negosyo natin at ang buhay natin nang dahil lang sa takot na takot kang dungisan ang pangalan natin ganun ba dad? I can't believe you! Mabilis makalimot ang mga tao tungkol sa mga issue ng gobyerno kaya ayos lang madumihan ang pangalan natin, kesa buong buhay natin ang mapahamak dito!" Sigaw ni Josephine at hindi ko nanaman namalayan na lumuluha nanaman ako, hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin para lang ma persuade si lolo na bawiin lahat ng tulong na binigay nya kela Ambrosyo.

"Wala kang alam sa sinasabi mo Josephine! Kaya pwede bang tumigil ka na? Kaya ko lang naman tinulungan si Ambrosyo kasi sya palagi ang tumutulong satin noon kapag nangangailangan ako ng tulong at sya lang ang nandyan para tumulong satin kahit kailan natin kailangan! 

"Hindi ko rin lubos maisip kung bakit naging madali sakin na maniwala nalang sa maling sabi sabi sakanila kahit hindi naman yon totoo, bumabawi lang ako sa mga tulong na naibigay nila satin nung nangangailangan tayo ng tulong bumabawi lang ako sa kanila dahil napunta din tayo sa situation nila at tutulungan ko sila hanggat kaya ko, utang na loob ang tawag don." 

"Josephine sundin mo nalang ang daddy mo, walang mali sa ginagawa ng ama mo nagbibigay utang na loob lang tayo sakanila, nakakahiya naman kung hindi natin sila magagawang matulungan kung ang ginawa lang nila ay tulungan tayo, Josephine for your knowledge, without their help we will not be this successful like before, we won't have this house and luxurious life anymore if it isn't for them.

"Kaya please Josephine, walang masama kung tutulungan natin sila, dahil tutulungan din nila tayo kapag dumating ang oras na walang wala na tayo, sana maintindihan mo na walang mali sa ginagawa natin, ikaw ang tagapagmana ng kompanya natin at wala nang iba, dahil pagdating ng oras na ikaw na ang nakaupo sa posisyon ngayon ng ama mo, at tsaka mo maiintindihan ang ginagawa namin ngayon." Wika ni lola at napatakip na lamang ako ng bibig. 

This is their scheme, this is not helping it's just their ways to scam business owners, aabusuhin nila kami kapag kuhang kuha na nila ang tiwala nila at wala na silang magagawa don once na bumigay na sila sakanila, ni hindi nga ma persuade ni Josephine si lolo eh, ano naman mangyayari kung ako ang mag pepersuade sakanila?

I still remember what lolo told me, tiwala ang sumira sakanya at tiwala ang sisira sa mga tao, hindi ko na alam ang gagawin ko and I am totally helpless, at sarili ko lamang ang mahihingan ko ng tulong sa mga oras na to kasi naniniwala ako na kaya kong baguhin ang nakaraan ng pamilya ko, at yun ang dahilan kung bakit ako nandidito.

"Sige dad tignan lang natin kung anong mangyayari sa tiwala mo sakanila! Hindi sapat na dahilan ang utang na loob para mahulog sa patibong nila just because they helped you through out your struggles to keep the company alive when the company went through a lot without needing their help or anybody's help! Sana wag kayong magsisi sa ginawa ninyo dad, and I am leaving this house right now because I cannot handle your decisions anymore at hinding hindi ako papayag na magawa nyo sakin ang gusto nyong mangyari." Kalmadong wika ni Josephine na parang pagod nang makipag away pa at dali dali syang umakyat para mag impake ng mga gamit nya to leave this house and I held her arm to stop her.

"Josephine please don't do this to me, don't do this to us please don't leave." Wika ko hababg hindi mapigilang lumuha, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala si Josephine, and I am very scared baka mamaya may masamang mangyari sakanya habang wala sya dito.

"I'm sorry Snow kung kailangan kong gawin to dahil ito lang ang pwedeng paraan para magbago ang isip ni daddy, I'm sorry kung kailangan kitang iwan, I hope you understand." Mahinahong sagot nya at inalis nya ang hawak ko sa braso nya at mabilisan syang pumunta sa kwarto nya at hinabol ko sya pero agad nya kong pinagsaraduhan ng pinto at paulit ulit akong kumatok sa kwarto nya pero nothing happened so I cannot help it to have a breakdown.

Bakit kailangan nyang umalis? Bakit hindi ko sya nagawang pigilan agad? I felt weak immediately when I knew that she is serious about it, hindi ko mapigilang mag alala kung anong mangyayari sakanya kapag wala na sya dito, I cannot lose her anymore and I am going to protect her for all I can because I will not lose her for the second time around!

"Please Josephine open the door! Hindi ka pwedeng umalis baka mamaya kung anong mangyari sayo! Don't do this to me Josephine wag mo kong pag alalahanin sayo, please Josephine don't do this!" I shouted while pleading Josephine, I cannot stop it but to cry so loud because I cannot stop overthinking of what will happen to her.

"Hija, just let her do whatever she wants, hindi independent si Josephine and she cannot leave because she cannot take care of herself alone, if she will leave expect her to comeback, dahil walang ibang kukupkop sakanya kundi kami lang kaya don't worry about her." Wika ni lolo habang pilit akong pinapatahan.

"No tito you don't understand it! Totoo ang sinasabi ni Josephine and I have encountered a lots of fights with Christopher and totoo din na what their doing now is a scheme! Their helping you para mapautang mo sila and they are making you guilty for not helping them in the times of their lowest, oo katulong lang ako dito, hindi ako nanghihimasok sa negosyo nyo pero sana mag ingat kayo tito, dahil matalino si Ambrosyo." At that point I literally thought that I could change their minds by saying this to him but instead he just laughed at me.

"You don't know what you're talking about Snow, kaya wag ka nang magalala babalik at babalik si Josephine anytime she wants dahil sigurado akong magbabago ang isip nyan pagkatapos nyang umapak papalabas ng bahay na to-"

"No tito ikaw dito ang hindi alam ang sinasabi mo, Josephine learn on how to be independent kasi kayo ang palaging wala dito, that you're not giving her enough quality time and bond kahit minsan pero kahit kailan hindi sya nag reklamong palagi kayong wala sa tabi nya pero alam ko sa isip isip ko na hinahanap hanap nya kayo palagi dito kaya kaya nyang mabuhay ng wala kayo! I'm sorry tito kung nanghihimasok ako sa family issues nyo.

"I just have to let you understand that all her life she can live without you dahil sanay syang hindi kayo naabutang umuwi at hindi kayo naabutan palagi, kaya wag nyong sasabihin na hindi nya kayang mamuhay ng walang pag aalaga nyo-"

Agad akong napatigil sa pagsasalita nang padabog buksan ni Josephine at pinto nya at tuloy tuloy syang naglakad pababa dala dala ng mga gamit nya, sinusubukan ko syang pigilan at hinabol sya para pigilang umalis but she didn't even respond, sila lolo, lola at ang mga katulong ay nanood lang at walang ginawa para tulungan ako sa pagpigil kay Josephine umalis.

"Josephine please don't do this! Please wag kang umalis Josephine don't do this to me wag mo kong pag alalahanin sayo! Josephine please nagmamakaawa ako sayo wag mo na tong ituloy baka anong mangyari sayo please stop right there!" I shouted while crying so hard and she stopped walking, she faced me with a sad face and tears in her eyes.

"I'm sorry Snow, pero naniniwala akong ito lang ang paraan, wag kang mag alala malaki na ko Snow I can handle myself, hindi ako sigurado kung kailan ako babalik but I promise we will see each other again." She calmly said at tuluyan na talaga syang umalis at wala nalang akong nagawa kundi mapaiyak nalang.

"H-hindi ito ang gusto kong mangyari! Pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan kita pero pakiramdam ko wala akong ibang magawa dahil hindi sumasangayon sakin ang tadhana." 

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 421 17
Rebecca Patricia Armstrong is a well- known psychiatrist in UK, she got a call from a mental hospital in thailand that they want her to work for the...
861K 76K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
Riptide By V

Teen Fiction

325K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
165K 7.4K 59
แ€แ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€žแ€™แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Šแ€ญแ€ฏ ร— แ€žแ€…แ€นแ€…แ€ฌแ€™แ€พแ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€”แ€บ แ€กแ€›แ€ฑแ€ธแ€กแ€žแ€ฌแ€ธแ€™แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธแŠ[+]แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€™แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€…แ€ฝแ€ฌแ€•แ€ซแ€แ€„แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€ทแ€บแ€กแ€แ€ฝแ€€แ€บแ€˜แ€ฌแ€กแ€€แ€ปแ€ญแ€ฏแ€ธแ€™แ€พแ€›แ€™แ€Šแ€บแ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€…แ€ฌแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บแ€”แ€พแ€„แ€ทแ€บแ€กแ€Šแ€ฎ แ€™แ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€œแ€ป...