Hidden Pages

Por Chencheniah

4 3 0

ANDRIANA KATE HERMOSA slash Bookworm. Babaeng handang ipagpalit ang lahat para lang sa libro. Parang baliw na... Más

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 10

0 0 0
Por Chencheniah

Chapter 10

Maingat ko pang binuksan ang pinto nitong apartment namin at sinilip-silip pa muna ang salas kung nandito ba si Trevor. Laking pasasalamat ko naman dahil wala siya kaya dumiretso kaagad ako rito sa kwarto ko. Tuloy ay napahinga ako ng maluwag.

Parang mali naman yata itong ginagawa ko? Iiwasan ko siya dahil lang doon sa sinabi niya? Parang kawawa naman yata ang tao. Wala na ngang ibang kakilala tapos iiwasan ko pa. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nagbibihis ng damit.

Sino ba naman ang hindi mababaliw kung isang Trevor na ang umamin sa akin? Oo na at crush ko siya. Hiniling ko pa nga noon na sana magkaroon ako ng isang Trevor—

Hiniling ko siya noon. Tama! Napahinto ako sapag-aayos nitong buhok ko at napaupo rito sa kama. Paano kung nagkatotoo nga iyong hiling ko? Tsk! Bakit ngayon ko lang ito naisip! Napahilamos ako at hindi na malaman kung ano ang gagawin.

Napalakad-lakad ako at pabalik-palik. Minsan pa nga ay muling mapaupo sa kama, mapasandal sa vanity table, mapaharap sa bintana at mapaupo sa sahig. Kung may nakatingin lang talaga sa akin dito ay mapagkamalan akong baliw. Sino ba ang hindi sasakit ang ulo nito na ako lang naman pala ang may pakanan nitong lahat. Nagulat pa ako pero iyon naman pala ay ako lang ang humiling. Tsk!

I didnt mind it naman kasi. Sino ba naman ang mag-aakala na magkatotoo. eh sabi-sabi lang naman iyon, wika ko na naman kahit wala akong kausap.

So ngayon, panibagong problem ana naman ba ito? Anong klaseng buhay ba to, puro problema. Maliit na bagay lang naman ito pero parang nakakasakit lang ng ulo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin at paano ko sisimulan. Kung pwede lang sana na ipagawa ito sa iba kagaya ng mga school project ay pinagawa ko na. Iyong tipong sila lang muna bahala sa buhay ko pansamantala at para na rin makapag-relax ako.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako lumalabas nitong kwarto.Wala pa rin naman akong napapansing may ingay sa salas at baka siguro natutulog lang si Trevor. Mabuti nga lang din iyon para makapag-isip pa ako ng mga bagay na dapat kong gawin. Kung paano ko i-explain sa kanya.

Andriana? maya-mayang tawag sa akin ni Venzyl. Siguro ngayon lang siya nakauwi.

Maingat ko namang binuksan ang pinto saka ulo ko lang ang kaunting inilabas ko para makita siya. Bakit? pabulong na sagot ko at nakita ko namang nangunot ang kanyang noo.

Anong nangyari sa iyo? taas-kilay na aniya saka lumapit rito at walang pasabing itinulak ang pinto para mas mabuksan pa. May tinatago ka ba rito? May lalaki ka bang tinatago? O tinatago mo ba rito si Trevor? sunod-sunod na tanong niya at doon lang ako napatigil sa huli niyang tanong.

Anong tinatago ko si Trevor? Iyang bibig mo rin eh, saway ko sa kanya pero pinanliitan niya lang ako ng kanyang mga mata.

Wala si Trevor doon sa salas at wala rin doon sa kusina. Alangan namang nasa kwarto ko, hindi ba? aniya saka pumasok pa rito sa kwarto ko at tiningnan bawat sulok, cabinet, at banyo. Saan mo siya tinatago? Pinapalayas mob a o ano?

Aligaga naman akong lumabas papuntang salas at wala akong nakitang Trevor pero nandito pa naman ang mga gamit niya. Pati rito sa kusina ay wala rin siya. Saan siya nagpunta?

Ikaw ang nauna sa ating dalawa rito kaya dapat ako ang magtanong sa iyo ng ganyan, aniya at napasapo na lang ako ng aking noo. Pag-uwi mo ba ay nandito siya?

Umiling-iling naman ako. Hindi ko alam. Dumiretso lang ako rito sa kwarto ko eh.

Oh, eh nasaan na siya ngayon? Dont tell me na bumalik na siya sa mundo nila?

Huwag mo ngang sabihin iyan, wala sa sariling saway ko sa kanya.

Ayaw mo? Eh di ba dapat maging masaya ka kung iyon ang nangyari kasi natupad na ang pangarap nung tao. Nangungulila rin siya sa pamilya niya kaya dapat maging masaya na rin tayo para sa kanya, sabi pa ni Venzyl at hindi ko maiwasang masaktan habang iniisip ko iyon.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang main door kaya kaagad kaming tumingin doon ni Venzyl at hinihintay kung sino ang papasok. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang malaman kong si Trevor pala ito. Nakatatawa lang din naman kasi parehas kami ng reaction. Matagal pa nga bago siya tuluyang pumasok.

Akala naming bumalik ka na sa mundo ninyo—hala ano iyang nasa likod mo? Diretso pang lumapit si Venzyl kay Trevor at sinilip-silip ang likod nito. Bakit may flowers kang dala? Para kanino iyan at para saan? usisa pa niya.

Tumingin pa sa akin si Trevor at ganoon na rin ang kaibigan kong mausisa. I bought this for her, sagot naman niya habang nakatingin pa rin sa akin hanggang sa nagsimula na itong humakbang papunta rito sa kinaruruonan ko. Tuloy ay hindi na mapalagay ang lahat ng laman ko. I realized that it is better to make it in formal. I planned how I make a proposal for you in a whole day and now, I guess this is the time and I just wanted to make Venzyl as our witness, seryosong aniya at napatingin naman ako sa kaibigan kong namimilog na ang mga mata habang tinatakpan ng kanyang mga kamay ang bibig. I-I dont know if you will say yes or not. Ang sa akin lang ay masabi ko sa iyo ng pormal ngayon na gusto kita at gusto mo rin ba ko, Andriana? diretsong tanong niya dahilan para mapatitig lang ako sa kanya. All I need is your honest answer, Andriana. If you like me too, then say yes. But if not, youre free to say no. Ganoon naman talaga, minsan kailangan mong mag-take risk para lang malaman mo ang kasagutan kahit may posibilidad na masaktan ka. And now, if I failed eh di tatanggapin ko—

Paano kungmag-take risk din ako? sabi ko at tinititigan niya lang ako na para bang hinihintay ang idudugtong kong salita. Alam ko na hindi ka taga-rito. Alam ko na normal na tao ako at isa kang fictional character na napadpad sa mundo namin. Alam ko na posibleng maglalaho ka rin dito pero hindi ko alam kung kalian. Alam ko na may posibilidad na iiwan mo ko. Pero alam mo ang hindi ko alam? Ngayon ko lang mas natitigan ang mga maganda niyang mga mata. Hindi ko alam kung magwo-work ba ang relasyon natin kung magiging tayo.

Ill make it to work, then. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko.

Hindi ko alam kung magwo-work ba ang relasyon natin kung magiging tayo pero gusto kong subukan. Gusto rin naman kita kaya gusto ko ring subukan, Trevor. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman at kung tama ba ang sinasabi ko. Napasinghap na lang ako ng hangin nang bigla niya akong niyakap.

You have no idea how happy I am right now, Andriana. Mas hinigpitan pa niya lalo ang pagyakap sa akin na tila bay binibigyan niya lang ako ng kaunting daanan ng hangin.

Well, congratulations! biglang singit ni Venzyl at napatingin naman ako sa kanya. Kinukuhanan pa talaga niya kami ng video kaya pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Sige, guys, Ill end this live na. Nagagalit na kasi ang ateng ate na mahaba ang hair. Bye!

Narinig ko naman ang tawa ni Trevor saka pa lang kumalas sa yakap. Thank you for taking a video, Venzyl. Mas naging bongga pa ang proposal ko dahil maraming nakakita, aniya saka tinignan ako na may kasamang kindat.

Youre welcome. Dinamay ko na ang mga nagtatambay online sa kilig. Alangan naman na ako lang mag-isang tatambling rito sa kilig hindi ba? wika pa nitong kaibigan ko na mas namumula pa kaysa sa akin. Again, congratulations sa inyo! Finally, may boyfriend na rin ang kaibigan ko! Hindi ko inaasahan ang patakbong paglapit niya sa akin at niyakap ng sobrang higpit ang aking leeg. Para akong nasusuka na kahit kaluluwa ko ay kaunti na lang lalabas na. Kayo talaga. Nasa iisang bubong lang tayo tapos ngayon ninyo lang nasabi sa isat-isa ang nararamdaman ninyo. Sarap ninyong pigain eh no? Inabot pa ng kanyang isang kamay si Trevor at iginapos rin sa kanyang maliit pero sobrang higpit kung kumapit na mga braso. Paalala ko lang sa inyo na huwag muna kayong gagawa ng melagro ha? Relax lang muna kayo. Hanggang halik lang okay na. Pero iyong halik sa taas lang at bawal nang bumaba. Gets? bulong pa niya sa amin kaya pilit kong makawala.

Napabuga pa ako ng hangin nang makawala ako. Muntikan na akong maagawan ng buhay dahil lang sa isang yakap. Maghinay-hinay ka nga riyan sa mga pinagsasabi mo, saway ko sa kanya.

Dont worry, I respect her and I know my boundaries, sabi pa nitong si Trevor at hindi man lang inalis kahit isng segundo ang kanyang paningin sa akin.

Additional points ka riyan, Trevor. Respetohin mo talaga iyang kaibigan ko dahil kung hindi, ako ang kakalbo sa iyo, banta pa nitong si Venzyl. Pero joke lang. Okay lang naman na hihiling ka minsan pero nasa kay Andriana na iyon kung papaya siya. Ang sa akin lang, if you go beyond your boundaries, make sure youre ready to face the possible result. Nakita ko pa kung paano naging seryoso ang mukha ni Venzyl.

Venzyl, tama na nga iyan. Bakit ba ganyan ang topic mo? pasiring na sabi ko at natawa pa talaga sila pareho.

Nasa iisang bubong na tayo eh. Posibleng mangyari iyong ganoon, pagdidepensa pa niya. Hindi na tayo mga bata para maging inosente sa mga ganoong bagay. Nasa tamang edad na tayo, oo, pero it doesnt mean na pwede na nating gawin iyon. May tamang oras para gawin iyon pero ngayon, hindi pa. This is just a reminder lang and please, guys, be responsible ha?

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapatango na lang bilang pagsang-ayon. Napatingin naman ako kay Trevor pero napaiwas na lang ako kaagad dahil sa nakakatunaw niyang tingin sa akin. Baka magsawa ka na sa akin mamaya dahil sa katititig mo, wika ko at narinig ko naman siyang pasinghal na natawa.

Napailing na lang ako at hindi maiwasang masabi sa sarili na this is unexpected kasi noon pinaplano ko kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Pero ito, itong magkaroon ng isang Trevor ay wala ito sa isipan ko noon. Love is very unpredictable.

Seguir leyendo

También te gustarán

739K 25.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
803K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...