The Rare Ones

By EvasiveSpecter

118K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 34

1.6K 47 1
By EvasiveSpecter

Kabanata 34. Girlfriend?

Luna's Point of View

Nabuksan ko na ang maliit na notebook ng great grandmother ko. Nalaman ko kung anong laman nito at ito ay patungkol sa lahat ng pagsubok niya bilang miyembro ng Ixtal Mafia Organization.

She became a scientist to herself. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya dito sa isinulat niya. May isinulat siya dito na hindi ko masyadong naintindihan.

‘Find it and take care of it. Do not give it to anyone. Destroy that thing and no one else will be victimized. You are my only hope, my granddaughter.’

Nalito tuloy ako kung anong 'thing' na naman ang tinutukoy niya dito. Hindi ko alam kung iyon bang ibinigay sa'kin ng babae na hinahanap din ng lahat o kaya naman may iba pa siyang tinutukoy.

Naisipan kong magpunta sa main mansion para magtanong kay lolo patungkol sa nakasulat sa maliit na notebook na ito. Tanging si lolo lang ang nakakaalam na nagkapalit kami ng katawan ni Gianna noon.

Hindi pa rin ako sure kung mayroon pa bang ibang nakakaalam kasi pagbukas ko sa maliit na notebook ay may isa pang mas maliit na notebook na nasa loob doon na naka-lock din. Mas maliit ang susi na kailangan nito kaya hindi ko ito nabuksan kanina.

Nasa main gate na ako ng paaralan at nag-aabang ng masasakyan.

“Gianna…”

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nang makita ko kung sino ito ay kusang nag-iba ang ekspresyon ng aking mukha.

Lumapit siya sa'kin, “P'wede ba kitang maka-usap? Kahit saglit lang?” nakapmulsa pa niyang tanong sa'kin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Anong gusto mong pag-usapan natin? 'Yong biglaan mong paghalik sa'kin? Kung 'yon lang naman ay wag na. Nagsasayang lang ako ng oras sa'yo.”

“No, I-I have another thing to talk to you. If you'll spare me a—”

“Hey, where have you been?”

Bigla namang sumulpot si Zyriex sa kung saan kaya hindi naituloy ni Damonn 'yung sinasabi niya. Masama ko namang tiningnan ang kakarating lang na si Zyriex.

'Ba naman 'to! Kung kailan ako busy tsaka naman eeksena ang dalawang 'to.

Bigla naman akong hinawakan ni Zyriex sa pulsuhan ko at hinila niya ako.

“We need to talk,” malamig ang boses niya na ramdam mo ang pagkaseryoso nito.

Nakaisang hakbang pa nga lang ako ay may humila na naman sa kabilang pulsuhan ko.

“Let her go,” malamig rin na wika ni Damonn.

Masama namang nagkatinginan ang dalawa habang hawak pa rin nila ang kamay ko. Pinag-aagawan ba ako ng dalawang matatangkad na lalaki na 'to? Jusko, dagdag lang sila sa sakit ng ulo.

“No. You, let her go.” monotone na wika ni Zyriex tsaka hinila niya ako papalapit sa kaniya.

“No, sa'kin siya sasama.”

Marahas naman akong hinila ni Damonn kaya nabitawan na ako ni Zyriex. Putrag*s naman 'tong mga lalaki na 'to. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila. P'wede naman nila ako kausapin ng sabay.

“Ano ba! P'wede niyo naman ako kausapin ng sabay a! Ba't pinag-aagawan niyo pa ako.” Singhal ko sa kanila.

“Kaano-ano ka ba niya, ah?” seryoso na tanong ni Damonn kay Zyriex at mababatid sa tono niya ang inis.

Hinawakan muli ni Zyriex ang pulsuhan ko't hinila na naman niya ako papalit sa kaniya at si Damonn na naman ang bumitaw sa'kin. Kaunti na lang at masasapak ko na ang dalawang 'to.

“Mas may karapatan ako sa kaniya kaya sa'kin siya sasama.” Mariin na wika ni Zyriex.

Muli na na naman akong hinila ni Damonn ngunit sa pagkakataon na ito ay mas mahigpit na na medyo masakit na sa kamay ko. Marahas niya akong hinila papalayo kay Zyriex at naglakad na.

“Just spare me a minute, Gianna. A minute will do.” Mariin ang boses niya na para bang galit siya.

“Aray! Bitawan mo ako Damonn, masiyadong mahigpit.” Reklamo ko dahil sa kamay niyang humigpit talaga at nasasaktan ako sa ginagawa niya.

Nang paglingon ni Damonn sa'kin ay napasinghap ako sa pagkagulat. Bigla na lang tumilapon si Damonn dahil sinuntok siya ni Zyriex.

Putang*na! Bakit dito pa sila sa main gate nag-aaway?

“Hoy! Itigil niyo nga 'yan!” Pag-aawat ko sa kanilang dalawa nang magsimula na silang magsuntukan.

“She said let her go!” asik ni Zyriex habang sinusuntok niya si Damonn.

Gumanti naman ng suntok si Damonn, “Karapatan ba gusto mong pag-usapan pagdating sa kaniya? Mas may karapatan ako kaysa sa'yo, g*go!”

“Kaklase ka lang niya, g*go ka rin!”

Lumapit na ako sa kanila at akmang aawatin sila ng matigil ako sa sinabi ni Damonn. Nagmistula akong estatwa sa kaniyang sinabi.

“Anong kaklase? Wag mong baliktarin! She's my girlfriend, you dumb*ss!”

Natigil din ang kamao ni Zyriex sa ere no'ng sinabi iyon ni Damonn na ikinagulat ko rin talaga.

Girlfriend? Ako? Girlfriend niya ako? Paano?

Bumagsak ang balikat ko nang may mapagtanto. Naging jowa ko ba siya nung hindi pa ako mawalan ng ala-ala? P-Pumatol si Lola sa lalaking mas bata sa kaniya?

Lola Gianna, paano ko paniniwalaan ang bagay na 'to? Huh, huh, huh?

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ang dalawa. Tumigil na sila sa pagsusuntukan. Napatitig lang ako kay Damonn nang dahil sa sinabi niya.

Hindi siya nagsisinungaling. Nakikita ko iyon sa mga mata niya na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin.

“Gianna, just one minute. Pagkatapos no'n ay p'wede ka ng sumama sa gag*ng 'yan.” Sabi pa ni Damonn sa'kin.

Binalingan ko ng tingin si Zyriex. Mariin lang siya nakatingin sa'kin habang nakapamulsa na ngayon na para bang walang nangyaring suntukan kanina. Buti na lang talaga at wala masiyadong tao rito ngayon kaya walang nakakita sa pagsusuntukan nila kanina.

Kailangan ko ng tapusin ang kagaguhan ng dalawang 'to. Dami-dami namang babae diyan, ba't ako pa ang pinag-aagawan nila.

“Go with him and we're done.” Mariin na wika ni Zyriex sa'kin.

Aba! Ang kapal ng mukha? Hindi ko naman siya totoong nobyo. Ako pa tinakot niya.

Masama ko siyang tiningnan. Hinawakan naman uli ako ni Damonn sa aking pulsuhan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya ako hinila. Mukhang hinihintay niya ako na maglakad.

“Look at your phone,” malamig na utos ni Zyriex sa'kin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kinuha ko naman kaagad ang cellphone ko na nasa bulsa. Nang matingnan ko ang screen gamit lang ang isa kong kamay ay muli na namang bumagsak ang balikat ko.

Thirty missed calls from Dad.
Twenty messages from Arabella.
Two messages from Mom.

Nag pop-up ang message ni Mom sa screen kaya nabasa ko ang mensaheng ipinadala niya sa'kin.

••••••
Mommy:
Luna, where are you? Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka sa hospital? You'll be meeting your new fiance today. You're Dad is so mad right now. Please, Luna, ayoko na mag-away na naman kami ng ama mo dahil hindi namin mapagkasunduan ang nais mo.

•••••••

Malalim akong bumuntong hininga at muling tiningnan si Zyriex. He wins. Kahit na gusto kong kausapin si Damonn ay ayoko naman na matapos kaming dalawa ni Zyriex. Siya lang ang pag-asa ko para hindi matuloy ang arrange marriage na pinipilit nila ina at ama.

Tiningnan ko si Damonn. Tumingala pa ako sa kaniya kasi nga medyo matangkad siya sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan iyong tinanggal sa pulsuhan ko.

If what he said earlier is true. Then I'm really sorry, Damonn. Maybe next time. Next time kapag wala si Zyriex sa paningin nating dalawa.

Hinayaan naman niya akong tanggalin ang kamay niya sa pulsuhan ko. Without further hesitation ay naglakad ako patungo kay Zyriex. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko ang he intertwined our hands bago niya ako hinila sa kung saan.

Iniwan namin doon si Damonn na sigurado akong nakatingin lang sa'min na papaalis. I don't know. Bigla akong naawa kay Damonn. Mukhang totoo ang sinabi niya kanina kasi nakatatak sa mukha niya ang pagkakadismaya sa ginawa ko sa kaniya kanina.

Huminto kami ni Zyriex sa isang eskinita. Marahas kong inagaw ang kamay ko sa kaniya at malutong ko siyang sinampal. Hindi rin naman niya iyon mararamdaman e.

Galit ko siyang tiningnan, “Walang ginagawa sa'yo 'yong tao tapos bigla mo na lang susuntukin! Matino ba talaga pag-iisip mo?” asik ko sa kaniya.

“I told you. I want you to be my wife. You need me too, right?”

Hindi ko maintindihan kung ano talagang motibo niya sa'kin. Wala na, kinansela na ang arranged marriage naming dalawa. Ano pa't sinasabi niya na gusto niya akong maging asawa?

“I know what you're thinking. Just like what you saw on your phone. My family also found a replacement.” He said and then scoffed.

“You need me, then I need you too.” Mahinahon ngunit seryoso niya itong sinabi sa'kin.

“Would you agree or not?”

Tinitigan ko naman siya. Napansin ko ang maliit na dugo sa labi niya. Nasugatan na naman siya. Walang pasabi ko iyong hinawakan at tsaka pinunasan ang dugo doon.

Mabilis naman niyang nakuha ang kamay ko na ikinagulat ko. Ibinaba niya ito ng marahan.

“Can you please answer me, Luna?” Anas niya sa'kin.

Kilala niya ako. Kailan pa?

“Hanggang kailan ba?” tanong ko.

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya.

“Hanggang tumigil sila. No, not until you'll remember me.”

May sinabi pa siya sa huli ngunit hindi ko na iyon narinig pa kasi mukhang sinadya niyang hinaan ang boses niya. Binalot naman kami ng saglit na katahimikan. Pero ako na ang unang nagsalita.

“Bakit mo ginawa 'yon?” kalmado kong tanong sa kaniya.

Pero bumalik na siya sa dati niyang postura at tanging titig na lang ang iginawad niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagsasalita lang siya kapag gusto niya. Napaka walang modo naman pala ng lalaking 'to.

“Hoy! Bingi ka ba?”

“Let me go to your house. Introduce me to your family as what—”

Inunahan ko na siya, “Hindi lang tama ng baril ang makukuha mo sa pamilya ko, Zyriex. At pakiusap, wag mo akong tawaging Luna. Gianna ang pangalan ko, Gianna.”

“I know…” sagot niya sa'kin na nakapamulsa pa.

Nakatayo lang siya at nakatanaw sa mga taong naglalakad sa kalsada. Mukhang wala siyang balak na umalis kaya inunahan ko na siya. Nagsimula na akong maglakad ngunit naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin.

Nilingon ko siya at masama ko siyang tiningnan. “Ba't ka sumusunod?”

“I want to go with you. You're my wife after all.” Aniya na ikinawit pa ang kamay sa braso ko.

Mabilis ko naman iyong tinanggal tsaka lumayo ako sa kaniya ng bahagya.

“Tigilan mo ako lalaki! You're wife ka d'yan! Fake girlfriend lang. Wag mo namang career-in.” Asik ko sa kaniya sabay irap.

Umiling naman siya, “You can't stop me,” he said as if he's challenging me.

Tumaas naman ang sulok ng labi ko sa sinabi niya. Muli ay tinangka niyang ikawit muli ang kamay niya sa braso ko kaya sa inis ko ay nagamitan ko siya ng kapangyarihan kaya bigla na lang siyang tumilapon.

Nanlaki pa ang mata ko ng tumama siya sa basurahan at natumba siya doon. May iilan pang mga tao na nakakita sa ginawa ko ngunit hindi ko na iyon inabala pa.

Naglakad na ako't iniwan ko siya doon. Ano siya, sinuswerte? Muntik na nga niya akong magalawa e. Muntik pa niya akong mapatay. Kulang pa nga 'yong ginawa ko sa kaniya sa lahat ng ginawa niya sa'kin.

Natigil naman ako sa paglalakad nang aksidente kong marinig ang isang boses ng bata.

“Hala! Mama, tingnan niyo po. May patay, Mama! Kawawa po si kuyang pogi. Ma, tulungan po natin siya Ma, baka po buhay pa.”

Napapikit ako nang dahil sa inis. Putrag*s naman talaga 'tong lalaki na 'to. Napabuntong hininga ako bago ako patakbong bumalik doon.

“Pasensya na po ma'am. Lasing lang ho 'yang kasama ko. Huwag po kayong mag-alala sa kaniya.” Nakangiti kong salita sa mag-ina.

Tinalikuran ko na sila at saka hinarap ang ga*ong Zyriex na 'to. Putrag*s, sakit lang sa ulo!  Payag na lang kaya ako na ipakasal sa napili nila Mom at Dad. Mukhang hindi ako makakatagal sa lalaking 'to e. Nababanas na ako.

“Tumayo ka diyan, uyy! Hindi bagay sa'yo!” asik ko sa kaniya.

Niyugyog ko siya gamit ang paa ko. Nakahandusay kasi siya ngayon sa sahig. I bent down nang hindi siya nakinig sa'kin. At sa paghawi ko pa sa kaniya patihaya ay nakakita ako ng dugo.

Sh*t! Dugo! Seryoso pala ang ga*go! Nawalan ng malay. Seriously?

Wala akong nagawa at binuhat ko siya kahit na mas malaki pa siya sa'kin. Ang bigat p*ta!

Nakailang mura na ba ako?

“Argh! For god sake, ba't ba kita nakilala.”

Akay-akay ko siya nang may huminto na sasakyan sa harap namin. May biglang bumaba doon at gayon na lamang ang saya ko nang makita kong si Matt ito.

Yes!

“Matt…”

“Anong nangyari sa kaniya?” bungad niyang tanong sa'kin.

Binuksan niya ang backseat at inalalayan kaagad si Zyriex papasok sa backseat ng sasakyan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maipasok namin siya.

“What happened?” muling tanong niya sa'kin.

“Nag-away lang kami tapos, ayan nakuha niya kasi nagmatigas siya.”

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Halatang hindi niya naintindihan ang pinupunto ko.

“Saan ba siya nasugatan?”

“Sa ulo niya ata,” sagot ko.

“Pumasok ka na rin,” sabi niya.

Umiling ako, “Hindi na, ikaw na ang bahala sa kan— Hoy!”

Kinarga ba naman ako tapos hinagis sa loob. Kainis! Padabog pa niyang sinara ang pintuan ng kotse at mabilis siyang naglakad papunta sa driver's seat.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan. Nang makapasok siya ay masama ko siyang tiningnan.

Mga lalaki sa panahon ngayon ay para ng mga baliw. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inis ko ngayon.

“Buksan mo 'to!”

“Alagaan mo siya. Ihahatid ko kayo sa bahay nila. Ikaw na mag-alaga sa kaniya kasi may lakad ako ngayon.” Mariin niyang wika sa'kin.

“Mukha ba akong maid ng lalaking 'to?”

“May sinabi ba akong gano'n?” Aniya at pinaharurot na niya ang sasakyan.

Humalikipkip na lang ako at wala ng nagawa pa. Pumikit na lang ako para maibsan man lang ang inis na nararamdaman ko ngayon.

Marahas naman siyang lumiko kaya mabilis kong hinawakan ang ulo ni Zyriex para hindi siya mauntog. Muli ay masama kong tiningnan si Matt sa kaniyang ginawa.

“Dahan-dahan naman! May pasyente ka sa likod!” Asik ko sa kaniya.

Kinuha ko pa ang ulo ng gag*ong Zyriex na 'to at isinandal ko sa balikat ko.

Mahina namang tumawa si Matt sa kaniyang ginawa. Aba't natuwa pa. Tsk! Baliw!






Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
47K 1.3K 49
We all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could yo...
142K 7.1K 56
A single but stable woman got in a car accident and found herself in a Duchess' body who will die at the age of hundred twenty six due to the curse o...
10.6K 415 25
A story about a woman who holds the biggest responsibility, LIFE. "We just wanted to love, but we were unable to just love. That's our tragedy." Toge...