Broken Promises (Under Editin...

By luvelyris

353 112 7

Nikkola Irish Evangelista and Adiel Sanchez are in a relationship. Will their promises to each other will be... More

BROKEN PROMISES
PROLOUGE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 09

19 7 1
By luvelyris

"Birthday sex," paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang salitang binitawan niya.

Papayag ba ako sa gusto niya? Alam ko sa sarili ko na gusto kong gawin ang bagay na 'yon kasama siya pero hindi pa naman ngayon. Ang nasa isip ko kasi ay masiyado pa kaming bata para sa gano'ng bagay. Siguro kapag tapos na lang naming grumaduate.

"Mukha kang natatae," he said bursting out into uncontrollable laughter.

"Bwisit ka!" Mahina ko siyang sinapak sa dibdib.

"I'm just kidding. You know that I can wait naman." Lumapit siya sa akin para halikan ang noo ko.

"Gusto mo rin e!" pambawing asar ko.

"Siyempre gusto ko pero hindi ko naman ipipilit kung hindi ka pa handa," maingat ang bawat salitang bigkas niya.

Gulat akong nagtaas ng tingin sa kaniya. "You imagine us doing that thing!?"

"Oo naman. Why? You're not comfortable with it? I'll try to stop imagining those things," parang humihingi ng despensang saad niya. "Mukhang kailangan ko ng bagong hobby para mabaling sa iba ang iniisip ko," tumatawang dagdag pa niya.

"Hindi naman." Akala ko kasi ako lang. Hindi ko na sinabi ang huling linyang pumasok sa isip ko. Hindi naman dahil babae ako ay hindi ko na iniisip ang mga gano'ng bagay 'no!

"So, is it fine with you if I imagine it myself?" malokong tanong niya.

"Bahala ka sa buhay mo. Hanggang imagine ka lang naman," pang-aasar ko.

"Alam kong ikaw din naman," sapaw na asar niya pa.

Nabigla ako pero hindi ko 'yun pinahalata. Hindi puwedeng isipin niya na guilty ako!

"Kaya pala inuungol mo ang pangalan ko nung natutulog ka," nakangising sambit ko.

Nakita ko ang gulat at hiya sa mukha niya. "What? When did I do that!?"

"Nung may sakit ka. Akala ko nga binabangungot ka pero nagulat na lang nung bigla mong inungol ang pangalan ko!" detailed na kwento ko sa kaniya.

"It's not me! Maybe it's a devil that possessed my body," nahihiyang paliwanag niya.

"Sus. Sabi mo pa nga u-ughh Irish." Ginaya ko pa ang ekspresyon niyang nasasarapan.

"Maybe it's not what you think it is."

"Anong tingin mo ang iisipin kong ginagawa natin sa panaginip mo aber!? E sarap na sarap ka nga sa pag-ungol ng pangalan ko," proud kong turan para mas lalo pa siyang maasar.

"Stop it. Wala naman akong naaalala na ginawa ko 'yan," depensa niya sa sarili.

"Paano mo maaalala? E tulog ka nga!" katwiran ko.

"Other personality ko 'yon," birong pangungumbinsi niya. Parehas naman kaming natawa dahil sa sinabi niya.

"Well, thankful naman ako na narinig at nakita ko 'yon. At least alam kong moanable ang pangalan ko," malokong biro ko.

"Let's stop talking about that. You're turning me on."

Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako. Pasimple kong tinignan ang babang parte ng katawan niya at nakumpirma kong totoo nga ang sinabi niya. Pinamulahan naman ako ng mukha sa naisip.

"Kumain na nga tayo." Lumayo ako sa kaniya at bumalik sa pagkakaupo.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos ay halos maubos na namin ang inihanda ko. Nilagay ko na lang sa refrigerator ang ibang natira.

"Mag-prepare ka na. Ako na ang maglilinis nito." Isa-isa niyang kinuha ang pinagkainan namin at naglakad papunta sa lababo. Sinundan ko naman siya.

"Birthday mo ngayon kaya ako dapat ang nagsisilbi sa 'yo," nakangusong paliwanag ko sa kaniya kahit hindi niya naman ako nakikita dahil nakatalikod siya.

Nakangiti niya akong hinarap. "Wag ka ng makulit. Isang oras na lang ang meron tayo kaya mas matatagalan pa kung ikaw pa ang maglilinis. Isa pa, hindi mo naman kailangan na pagsilbihan ako."

"Eh sa gusto kong pagsilbihan ka e! May magagawa ka ba?"

"Wala. Kaya nga sinusuklian ko ang lahat ng ginagawa mo. May magagawa ka rin ba?" panggagaya niya sa akin.

"Oh siya sige, kung saan ka masaya."

Hindi ko na lang siya pinilit dahil mas matatagalan naman talaga kami at wala naman siyang balak magpaawat. Mabilis lang akong naglinis ng sarili dahil naligo naman na ako kanina. I am wearing a button-down shirt which is knotted at the bottom to create a croptop appearance, along with a long skirt featuring a slit. Sa loob naman ay suot ko na ang two-piece black bikini. Hapit na hapit sa katawan ko ang suot kaya mas lalong nakita ang hubog ng katawan ko. I put on perfume and wore the gold necklace that Adi gave me before with an infinite pendant. Nang matapos ay lumabas din ako agad.

Kumikinang ang mga matang tumayo si Adi mula sa pagkakaupo sa sofa. "You look fabulous," pagpuri niya sa akin.

"I know right. Kaya nga baliw na baliw ka sa 'kin," taas-noo kong turan.

"Hala bakit alam mo?" kunwaring gulat niyang tanong. Natawa naman kaming pareho dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Tara na nga. Mali-late pa tayo sa kalandian mo!" pigil ang ngiting saad ko. Mas lumapit siya sa akin at inikot ang braso sa bewang ko.

Umalis na kami ng condo. Dadaan muna kami sa apartment niya para magpalit siya ng isusuot niya.

As soon as he stepped out, I immediately sensed his manly scent. He solely dress in a white loose oversized button-up shirt and black cargo swim trunks. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya kaya nakikita ang bahagi ng dibdib nito. May suot din siyang shades na mas lalong nagpaguwapo sa kaniya.

"Pogi mo," puri ko sa kaniya.

Pigil naman siyang ngumiti. "I love you, baby." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Pogi mo talaga. Ang swerte ko talaga," nakangiting turan ko.

"Baka lumaki ang ulo ko n'yan." Tumawa siya at mahinang kinurot ang ilong ko.

"Hindi naman lumalaki," pilosopong tugon ko.

"Yung sa baba kasi," sambit niya at humalakhak.

"Gago."

Natapos ang usapan namin at dumeretso na kami sa villa nila. Upon entering the gate, the garden and large pool can immediately be seen. It is a modern villa with minimalist designs and a pristine appearance.

"Pumasok muna tayo sa loob," saad ni Adi na sinuklian ko lang ng tango.

Habang papasok kami sa loob ay maraming bumabati sa kaniya. Unting batian at kamustahan lang naman ang nangyari.

"Nay Myrna, where's mom and dad?" tanong ni Adi.

"Nasa kusina sila. Inaayos pa ang ibang mga hindi pa nahahanda sa labas," sagot ni Aling Mryna, isa sa mga kasambahay. Malapit ang loob namin ni Adi sa kaniya.

"Good evening po." Lumapit ako at nagmano sa kaniya.

Mahina naman itong tumawa. "Pagpalain ka nawa."

"Punta ho muna kami kay nila mom," paalam ni Adi.

Tumango naman si Aling Myrna. "Happy birthday nga pala. Parang dati lang ay sinusuotan pa kita ng salawal," tumatawang aniya.

Natawa naman ako at tinignan ang nahihiyang ekspresyon ni Adi. "Nay! Nandito ang girlfriend ko. 'Wag niyo po ako ipahiya." Kumamot pa siya sa ulo at nahihiyang yumuko.

Natawa naman kaming pareho ng matanda. "Oh sige na. Pasensya nga pala dahil wala akong regalo, nag-iipon kasi ako ng pambayad ng tuition para sa anak ko," nahihiyang aniya.

"Nay, hindi naman na po kailangan no'n. Masaya ako na nandito kayo para i-celebrate ang birthday ko."

"Ang bait mo talagang bata. Hala't pumunta na kayo sa mama mo dahil may mga aasikasuhin pa ako."

"Sige po, babye!" magiliw na sambit ni Adi.

Ngumiti rin ako at nagbigay ng paalam sa kaniya. Dumeretso agad kami sa kusina para salubungin ang magulang niya.

"Oh, nandito na pala kayo. Gusto niyo bang kumain muna?" tanong ni Tita Emily nang makita kami.

"Hindi na, mommy. Kakatapos lang din po naming kumain ni Irish," magalang na saad ni Adi.

"Good evening po, tita, tito." Lumapit ako sa kanila para magbeso.

"Good evening din, hija," nakangiting bati ni Tita Emily.

"How are you guys doing? Medyo matagal na rin nung huli kayong napadalaw dito," tanong ni Tito Evan.

"Ayos lang naman, dad. Walang bago, baliw na baliw pa rin sa girlfriend ko," tumatawang pambobola ni Adi.

Siniko ko siya nang mahina sa tagiliran. Pati sa harap ng parents niya, pinapakita niya ang kaharutan niyang taglay!

Natawa naman silang dalawa. "Ganiyan na ganiyan din sa akin ang daddy mo noon. May pinagmanahan nga talaga," tumatawang sambit ni Tita.

"Hon..." tutol ni Tito.

Pinandilatan siya ng mata ni Tita. "At bakit? Aangal ka?"

"Anong noon lang? Hanggang ngayon kaya," nagtatampos ang boses na tugon nito at niyakap ang asawa.

Napuno ng tawanan ang kusina dahil sa sinabi ni Tito. Pabiro naman siyang hinampas ni Tita habang namumula ang pisngi.

"Hindi pa ba kayo lalabas para asikasuhin ang mga bisita?" pag-iiba ng usapan ni Tita.

"Asus. Gusto mo lang solohin ako kaya pinapaalis mo na agad ang anak natin at si Irish," nakakalokong biro pa ng asawa niya.

"Tumigil ka nga, Evan! Nandito ang mga bata tapos ganiyan ang ipinapakita mo," suway ni Tita.

Tumawa naman kami ni Adi. "Sige na po. Lalabas na po kami ni Adi," pagpapaalam ko.

"Happy birthday, anak. Nakalagay na sa bank account mo ang regalo ko," nakangiting sambit ni Tito.

"Dad, you don't have to. May trabaho naman ako e," daing ni Adi.

"It's just a small gift. Tanggapin mo na dahil baka magtampo pa ako," biro ni Tito. Napabuntong-hininga na lang si Adi dahil wala naman na siyang magagawa.

"Mag-enjoy kayo at happy birthday ulit, anak. Binati na kita sa fb kanina pero hindi ka pa nag-rereact!" kunwaring tampo ng matanda.

Mahina namang tumawa si Adi. "I'm sorry, mom. I'll check it later. Alam mo namang minsan lang ako magbukas ng social media accounts ko," pagpapaliwanag pa niya.

Tuluyan na kaming nagpaalam ni Adi. Pumunta muna ako sa comfort room para hubarin ang suot ko. Bumalandra sa harap ng salamin ang suot kong two-piece black bikini. I was wearing a plunge top and a high-cut panty for my bottom. My cleavage is very prominent and the shape of my body is very visible. I love how I look tonight. Nang maayos ang sarili ay lumabas din ako agad.

"Ayos lang ba?" tanong ko kay Adi na naghihintay kanina pa sa labas.

Natameme siya at kalaunan ay parang aligaga.

"Hoy! Anyare sa 'yo?"

Nabalik siya sa ulirat nang yugyugin ko siya sa balikat. "N-nothing, baby. I'm just fascinated on how you look tonight. You look stunning," he praised me with a smile.

"Okay lang ba?"

"You exposed too much skin but I don't think it's necessary for me to worry about it. Enrolled na yata 'to sa anti-selos class," tumatawang biro niya.

Mahina ko naman siyang sinabunutan.

"Pero kidding aside, may magagawa ba ako kung may ma-aattract na iba sa girlfriend ko? Hindi ko naman hawak ang utak nila 24/7 at sabihan sila na 'wag kang gustuhin kasi lahat naman sa 'yo ay kagusto-gusto. All I can do is watch over you and protect you from people who intend to harm you."

Masuyo akong yumakap ako sa kaniya. "I love you," bulong ko.

Nakita kong namula ang tenga niya at pigil na ngumiti. Pinasadahan niya ng kamay ang bewang ko. "I love you too. Tara na nga, masiyado mo na akong pinapakilig e," tumatawang asik niya kaya pabiro ko siyang sinapak sa tagiliran.

"Irish!" sigaw ni Liz nang makita kaming lumabas.

Nakasuot siya ng microkini. Aba kinabog pa ako!

"Baby, alis muna ako. Makikipag-usap lang ako sa mga bisita," bulong niya sa akin na tinanguan ko na lang.

Nilingon ko si Liz. "Oh ano na naman?" kunwaring iritado kong tanong.

"Ang dami palang chupapi dito. Grabe kahit gabi at ganito ang suot ko, nag-iinit ako!" malakas na sambit niya at tumawa.

Mahina kong tinapik ang bibig niya dahil baka marinig ng iba ang sinabi niya kahit na malakas naman ang music. Nilingon ko ang paligid kung may nakarinig ba sa amin pero mukhang wala naman dahil may kaniya-kaniya silang ginagawa sa buhay. Ang iba ay sumasayaw, umiinom ng alak, kumakain, at naglalaro ng chicken fight sa pool. The pool area boasts vibrant lighting which adds to the wild and energetic atmosphere. There are loungers by the side of the pool and pool floaties in the water. There are also accessible finger snacks such barbeque, hotdogs, chips, etc.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Kian kaya tinatawag ko siya. Lumapit naman ito sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging necklace at swim trunks lang ang suot.

"Ang pogi jusko! Ireto mo ako d'yan, Irish," impit na bulong sa akin ni Liz. Mahina ko lang naman siyang tinawanan.

"Where's your boyfriend?" tanong niya sa akin nang tuluyang nakalapit.

Sasabihin ko na sana na nag-asikaso lang ng bisita ngunit hindi natuloy dahil may biglang kamay na dumausdos sa bewang ko. Agad namang nag-react ang mga kulisap sa tiyan ko.

"I'm here," malamig ang boses na saad ni Adi.

Nilingon ko ito at nagulat ako nang wala na rin itong suot na shirt. Aba mukhang ayaw magpatalo!

"Happy birthday, pre! Nilagay ko na ang regalo ko sa loob. Nakakahiya naman kung pupunta ako dito ng walang dala," kaswal na turan ni Kian. Para bang matagal na silang magkaibigan.

"Ay required ba dapat na may regalo? Akala ko makikikain lang," singit ni Liz. Tinawanan naman namin ang sinabi niya.

"Bye muna. Hahanapin ko lang ang the one ko," tumatawang biro ni Kian.

"Me na 'yan," mahinang tugon ni Liz kaya hindi siya narinig.

"Sama ako!" sigaw pa niya nang tuluyang umalis si Kian.

I glanced at the person beside me with squinted eyes. "Bakit ka naman nakahubad?"

Nagkibit-balikat siya. "I just want to show off my body. Masama ba?" nakangising tanong niya.

"Kanino mo naman ipapakita ha!?"

"Sa 'yo at sa mga lalaking nagpapapansin sa 'yo."

"Wala namang nagpapapansin sa akin!" depensa ko.

"Gusto mo ba meron?" nakasimangot na tanong niya.

"Gusto ko ikaw lang ang nagpapapansin sa 'kin," malambing kong turan. Niyakap niya lang ako nang mahigpit sa mga bisig niya.

Ilang minuto na akong nalangoy sa swimming pool habang si Adi ay nakaupo lang sa pool lounge at parang may tinitipa sa cellphone. Sino namang kausap nito?

Agad akong umahon at tumabi sa kaniya. "Ano 'yan?" curious kong tanong.

"I'm just responding to my mom's greeting. I don't want her to feel upset," nakangiting saad niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Binati rin kaya kita sa Facebook," kunwaring nagtatampo kong sabi.

"Nag-react at comment na rin po ako. Mas nauna nga 'yung sa 'yo e. And also, pinost ko 'yung video mo kanina na kumakanta," pigil ang ngiting turan niya.

I groaned. "Ang pangit ng boses ko ro'n!"

"Maganda kaya."

"Mag-swimming na lang tayo para mahimasmasan ka." Kinuha at nilapag ko cellphone niya sa lounge at hinigit siya para tumayo.

Nagsimula na kaming lumangoy at puro tawanan lang kami habang nagbabasaan ng tubig. Habang mas lumalalim ang gabi, mas lalong nagiging agresibo ang lahat. Nagsimula na rin kaming uminom. Alam ko namang mababa ang alcohol tolerance pero marami pa rin akong iniinom. Ngayon na lang naman ulit kaya sinusulit ko na. Si Adi ang unti lang uminom dahil maliban sa hindi siya sanay, kailangan niya rin akong ihatid sa condo kahit na puwede namang dito na lang kami magpalipas ng gabi.

"Talo kayo!" malakas kong sigaw habang tumatawa.

Naglalaro kasi kami ng chicken fight. Mag-partner kaming dalawa ni Adi habang si Kiel at Liz naman.

"Mga mahihina! Talo kayo ng boyfriend ko!" pang-aasar ko sa kanila.

Nakipaglaban pa kami sa ibang couple hanggang sa matalo kami.

"Such a weak," asar sa akin ng babaeng hindi ko kilala. Basta sila ang nakatalo sa amin.

Alam ko namang biro lang 'yon pero nagpantig ang tenga ko.

"Anong sabi mo!?" Akmang susugudin ko na sana siya pero inawat ako ni Adi.

"You're already drunk. Ihatid muna kita sa taas," puno ng lambing ang boses na turan niya. Mabilis akong umiling pero wala na akong nagawa ng buhatin niya ako.

Narinig ko pa na nanghingi siya ng pasensya sa muntikan ko ng awayin kanina.

Habang buhat niya ako ay may nakita akong naghahalikan sa likod ng puno. Pilit kong sinisipat ang mga mata ko kahit lasing na lasing na. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Diana iyon. Hindi ko malaman kung sino ang kahalikan niya dahil nakatagilid sila pero parang namumukhaan ko. Bakit siya nandito? Hindi naman siya invited!

"D-diana," mahinang bulong ko. Tumigil naman sa paglalakad si Adi, marahil ay narinig niya ang sinabi ko.

"What are you saying?" kunot-noong tanong niya.

"Si Diana may kahalikan," parang batang sumbong ko.

"And it's none of our business." Tumuloy siya sa paglalakad.

"Hindi naman siya invited 'tsaka parang kilala ko 'yung lalaki," nakangusong sambit ko.

Huminto ulit siya dahil mga kaibigan niya lang naman ang invited. Karamihan ay kasama ang partner o ka-fling nila. Napasinghap ako nang makitang magkasama si Diana at Russel naglalampungan. Sila kaya 'yung kanina? E sa pagkakaalam ko ay girlfriend nito ang kaibigan ni Adi na si Mich.

Nakita rin ito ni Adi. Marahan niya akong binaba at pumunta sa dalawa.

"Oh, here comes the birthday boy!" aliw na asik ni Diana nang makita kami.

"What is this?" tiim ang bagang na tanong ni Adi. Halatang nagpipigil siya ng galit.

"We're in a relationship!" nakangiting saad ng assumera.

"Diana, umalis ka muna. Ako na ang bahala dito," pakiusap ni Russel. Tumango naman ang babae at hinalikan siya sa pisngi bago umalis.

"You broke up with Mich because of her?" inis na tanong ni Adi.

"I didn't."

"Eh ano 'tong nakita ni Irish na naghahalikan daw kayong dalawa!?"

"I didn't broke up with Mich. Kami pa rin, sidechick ko lang 'yang si Diana. Hindi siya makakapunta dito kaya siya na lang ang sinama ko. Alam mo na, pampalipas oras habang wala pa ang tunay," nakangising pagyayabang niya.

"Eh gago ka pala e!" Malakas niyang tinulak ang lalaki at sinuntok sa pisngi. Napahawak naman sa panga si Russel at binawian ng suntok si Adi.

"Tumigil kayo!" matigas kong sigaw na tila ba nawala ang kalasingan dahil sa nangyayari.

Nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa harap namin. Marahil ay nagtataka kung bakit sila nag-aaway.

"Sana kung ayaw mo na sa kaibigan ko, nakipag-break ka na lang. Hindi 'yung lolokohin mo pa 'yung tao!"

"Naiinggit ka ba? Gusto mo bang tikman din si Diana? Sure bro, alam mo namang hindi ako madamot," nakangising asar niya kay Adi.

Bago pa siya ambahan ng suntok ni Adi ay malakas ko na itong nasampal.

"Wag na 'wag mong igagaya sa 'yo ang boyfriend ko!" sigaw ko sa kaniya.

Malagkit niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "Mukhang may bago na akong titikman," asik niya at nakangising ngumiti sa akin. Nakahithit ba siya?

"Tanginamong tarantado ka!" sigaw niya at ilang beses sinuntok si Adi. Tinadyakan niya pa ito sa mukha at tiyan. Pinatungan ito ni Adi at tinadtad ng suntok ang mukha niya.

"Tumawag kayo ng guard!" utos ko sa mga nanonood dahil mukhang mahihirapan ako na awatin sila.

Dumalo rin ang mga kaibigan namin para awatin silang dalawa. Hinawakan nila sa braso ang dalawa pero pilit pa rin ang sugod nila sa isa't isa.

"Hinding-hindi makakaligtas sa akin 'tong ginawa mo. Sisiguraduhin ko na makakarating 'to kay Mich."

"Then tell her! I don't care. Natikman ko naman na kaya wala akong pake," nakangising sambit pa niya.

Akmang susugudin pa sana siya ni Adi pero wala siyang magawa dahil may humahawak sa braso niya.

"Baby, stop na!" suway ko kay Adi.

Ang kaninang galit ay malamlam ang mga matang tumingin sa akin. Tinignan niya ang mga humahawak sa kaniya, tila pinapahiwatig na wala siyang gagawing masama kaya pinakawalan siya ng mga ito. Lumapit siya papunta sa direksyon ko.

"I'm so sorry. Ayos ka lang?" tanong niya na tinanguan ko lang.

"What's happening?" histerikal na tanong ni Diana. "OMG! Babe, are you okay?" tanong niya kay Russel at dinaluhan ito. Pataboy niyang inalis ang kamay ng babae nang tutulungan sana siya nitong tumayo.

Dumating naman ang mga guard para ligpitin silang dalawa.

"Bakit kasama ako? Hindi naman ako kasama sa gulo!" sigaw ni Diana sa mga guard. Akmang hahawakan niya si Adi pero umiwas na agad ang boyfriend ko.

"Umalis na kayong dalawa dito!" malakas na sigaw ni Adi na nagpagulat sa kaniya.

Wala naman silang magawa kung hindi sumama na lang sa guard.

Pumunta kami ni Adi sa kusina para gamutin ang maliit na sugat na natamo niya.

"Ah, aray," napapangiwing sambit niya. Mas lalo ko namang diniinan ang paglapat ng ice bag sa kaniya at sinamangutan niya naman ako.

"Sorry, napaaway ka pa tuloy."

"Bakit ka nag-sosorry? Hindi mo naman kasalanan," malumanay ang boses na turan niya.

"Kung hindi ko nakita 'yon, hindi naman kayo mag-aaway."

"No, baby. Buti nga ay nakita mo dahil baka tuloy-tuloy lang niyang lokohin si Mich. Silang dalawa ang may kasalanan, hindi ikaw. Normal lang na gano'n ang maging reaksyon ko dahil niloloko nila ang kaibigan ko."

"Nga pala, paano mo masasabi ngayon 'yan kay Mich? Matagal na sila kaya paniguradong masasaktan siya."

"Hindi ko rin alam pero at least malalayo na siya sa lalaking 'yon. Hindi ako makapaniwala na naging kaibigan ko ang hinayupak na 'yon."

"Bibig mo," suway ko.

"Kiss mo," aniya at ngumuso pa.

Pinag-usapan pa namin ang tungkol sa kung paano sasabihin kay Mich ang nangyari at pagkatapos ay bumalik din kami agad sa labas. Paglabas ay tuloy pa rin ang kasiyahan na para bang walang nangyari kanina. Nakisabay na lang kaming dalawa kahit na medyo inaalala pa namin ang nangyari kanina.

"Happy birthday, Adiel!" sigaw naming lahat at nag-cheers ng mga baso namin para inumin. Sunod-sunod ang pag-inom namin ng alak.

Sumasayaw kaming dalawa ni Liz habang pinapatugtog ang malakas na tugtog. Gumigiling lang kaming dalawa habang natawa.

"Ang tigas ng katawan mo!" tumatawang sigaw niya dahil sobrang ingay na ng paligid.

"Kung puwede lang tayong magpalit ng kaluluwa, makikita mo na mas matigas kang sumayaw!" asar ko pabalik na tinawanan lang namin.

Nag-twerk siya at pinapalo-palo ko ang pwetan niya.

"Ey! Ey! Ey! Ey!" sigaw ko at ng mga taong nanonood.

Nagulat kami ng biglang may nanghigit sa amin, sina Adi at Kiel. Panira naman ng moment!

"Umalis lang kami saglit kung ano-ano ng pinaggagawa niyo," suway sa amin ni Adi.

Pumunta kasi sila sa loob para magdala pa ng pagkain kaya naisipan naming sumayaw ni Liz.

"Sumasayaw lang naman kami," nakangusong tugon ko.

"Okay sana kung magaling kayong sumayaw pero mukha kayong mga bulateng binudburan ng asin do'n," tumatawang pang-aasar ni Kiel.

Inis ko lang siyang tinignan at nag-make face.

"Lasing ka na. I think we need to go ahead," sambit ni Adi.

Lumingon siya kay Kiel at Liz. "Mauuna na kami. Ihatid mo na rin si Liz dahil hindi na safe kung mag-isa lang siyang uuwi. Kumuha ka na rin ng masusuot niya sa guest room, nasa second floor 'yon. Itanong mo na lang sa mga kasambahay," bilin niya kay Kiel.

Tinanguan siya ni Kiel. "Plano ko naman talaga siyang ihatid. Mag-iingat kayo."

"Ingat din." Isang tango ang binigay ni Adi para magpaalam.

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na pangyayari. Namalayan ko na lang na nakasakay na ako sa kotse niya. Nakarating na rin kami sa condo at inalalayan niya ako para makalakad nang maayos.

Pagkapasok ng kwarto ay marahan niya akong hiniga sa kama at agad ko naman siyang hinigit para siilin ng malalim na halik. Mabilis siyang lumayo sa akin.

"What are you doing?" naguguluhang tanong niya.

"Granting your birthday wish. Don't you want it?" maakit na tanong ko sa kaniya.

Akmang hahalikan ko ulit sana siya pero lumayo ito. "Stop tempting me," asik niya at nakita ko sa mukha niya ang pagkabalisa.

"But you're hard," I said dizzily.

"Baby, please stop."

"Why? Kung kailan ako nagkalakas ng loob magsabi, ikaw naman 'yung aayaw!" parang bata kong sumbat sa kaniya.

"Because you're drunk. 'Tsaka mo sabihin 'yan kapag nasa tamang katinuan ka na," malamyos pa rin ang boses na paliwanag niya.

"Bakit ha!? Kaya ko p-pa naman. H-hindi pa n-naman ako lashing!" sumisinok na saad ko.

"I don't have consent from you. I don't want to take advantage of you."

"Yun lang pala e, akin na cellphone mo. I-video mo ako dali! Angkinin mo ang lahat sa akin, Adi, please! Pumapayag akong makipag-sex sa ’yo! Oh ayan na 'yung consent, okay na ba? Tara na kasi!" pangungulit ko sa kaniya. Papikit-pikit na sabi ko dahil inaantok na.

"Dapat talaga hindi kita pinainom ng marami e. You're cute but too hard to handle." Mahina siyang humalakhak.

"Tabi tayo!" sambit ko at hinigit ang kamay niya para mapahiga sa ibabaw ko. Mahigpit ko siyang niyakap para hindi siya kumawala.

"Mamaya na, Irish. Lilinisan muna kita, okay?" mahinahon niyang tanong. Tumango naman ako na parang bata at nginunguso pa ang labi.

Tinignan ko ang katawan ko at nakita kong nakasuot na ako ng sweater at pants. "Bakit nakadamit na 'ko?" I asked him with a narrowed eyes.

"Hindi pala lasing ah? Sinuotan kita kanina nung paalis na tayo sa villa."

"Hindi nga ako lasing, makakalimutin lang ako! Try mo, kaya ko pa five rounds," tumatawang saad ko at kinindatan siya.

Natatawa itong umiling. Sinimulan niya ng hubarin ang sweater at pants ko para punasan ako. Inuna niyang punasan ang mukha ko. Bigla kong tinanggal ang clasp ng bra ko at hinubad kaya kitang-kita na ang hinaharap ko.

"What the fuck are you doing, Irish!?"

"Ang init," reklamo ko.

"Isuot mo ulit 'yan. Lalakasan ko ang aircon kapag tapos na akong punasan ka," parang boss na saad niya.

"Basa na rin 'to kasi naligo ako kanina. Gusto mo ba akong magkasakit?"

"Okay, fine." Pumunta siya sa wardrobe ko para kuhanin siguro ang bra ko.

"Wear it."

"Ikaw ang magsuot," nakangusong utos ko.

"Ikaw na," pilit niya at pilit iniiwas ang tingin.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng boobs at ganiyan ang reaksyon mo? Hindi ka nanonood ng porn?" kunwaring gulat kong tanong.

"Your words are too vulgar. Paniguradong pagsisisihan mo ang mga pinagsasasabi mo bukas," tumatawang aniya.

"Isuot mo na lang kasi!"

"Oo na po." Lumapit siya sa akin para isuot na ang bra ko. Umupo ako para tuluyan niya itong masuot. Naramdaman ko na dumadampi ang mainit niyang palad sa hinaharap ko.

"Why are you touching my boobs, huh?" pang-aasar ko.

"I'm not!"

"Yes, you are," pang-aasar ko pa at inilingan niya na lang ako. Maybe he's thinking that I'm hopeless right now.

"Balik tayo sa villa," bigla kong sabi.

"Huh? Why?"

"Hindi ako nagpaalam kay nila Tita. Waaah baka ayawan na nila ako, Adi!" umiiyak kong asik.

Malakas naman itong tumawa. "Nagpaalam na ako sa kanila. Tawa nga nang tawa nang makita ang itsura mo. Muntikan mo pang sukahan si mommy," umiiling-iling na kwento niya pero nakangiti.

"Baka na-turn off sila, Adi. Let's go back there, manghihingi ako ng sorry." Mas lumakas ang paghikbi ko.

"You don't need to worry, baby. They love you. Believe me, okay?" puno ng lambing niyang sabi at hinalikan ang buhok ko. Parang bata naman akong tumango sa kaniya.

"Sleep now dahil may pasok pa tayo bukas," utos niya pagkatapos punasan ang buong katawan ko.

"Pasukin mo muna ako."

Napabuntong-hininga na naman siya. Akala siguro ay tapos na ako sa mga walang hiya kong pinagsasabi. "Baby! Stop being naughty."

Tumigil na ako sa mga sinasabi ko dahil inaantok na rin. Humiga na kaming pareho sa kama dahil hiniling ko na dito na lang siya matulog.

"Let's cuddle," ani ko at hinigit siya para yakapin. Mabilis naman siyang nagpadala sa paghigit ko.

"Cuddle lang?" tanong niya.

"Why? You want more?" maloko kong tanong at sinimangutan niya lang ako.

"You're wild when you're drunk. Talagang hindi na kita papayagan uminom ng marami kung ganiyan ka kapag lasing," tumatawang turan niya.

Hindi ko na siya sinagot at tuluyan ng natulog dahil sa antok at kalasingan.

***********

This chapter is dedicated to
Tinapay_san, Janijeje, DispairingWindOfTale, lunaa_javuu, IzyblackYuki, Dinasayo, glaixx

Thank you so much for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 31.5K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.4M 139K 46
SIS (Social Issue Series) #1: Objectifying Women Over protectiveness of boyfriends are often romanticized as cute and caring nowadays. To the point t...
2M 92.2K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
72.5K 2.6K 23
He seems to be something more than I originally expected. He is quiet, yet somehow confident. Intimidating for sure. I have been viewing him, as of n...