The Billionaire's Bedwarmer...

By justcallmesenyorita

7.9K 264 9

There are just boundaries we shouldn't cross, kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31

Kabanata 13

239 8 0
By justcallmesenyorita

They are not totally okay with each other, but at least they are civil. Iyon ang importante ngayon para kay Almirah.

Nabawasan ang bangayan, pero may mga pagkakataon pa ring mayroong silent war sa pagitan nilang dalawa. Most of the times, it's because of petty reasons pero walang petty petty sa kanila kung pareho nilang ayaw magpatalo sa isa't isa.

"Hindi ko naman sinabing papaliguan ko 'di ba? Ang sabi ko lang ay babantayan ko! Bakit ba nagsisimula ka na naman ng away diyan?" Asik ni Almirah kay Lazarus nang pigilin siya nito sa pagsama sa kanilang anak para maligo.

Napahilamos na lang ng palad sa mukha si Lazarus. Siya na naman ang may kasalanan gayong nagpapaliwanag lang naman siya.

"Inaaway ba kita? Hindi naman 'di ba? All I was just saying is that our daughter is very independent at ayaw niyang tinutulungan siya sa anumang bagay lalo na kapag kaya niya namang gawin mag-isa," he explained once again pero sadya yatang hindi maganda ang gising ni Almirah dahil inirapan lang siya nito bago iniwang mag-isa sa kanilang silid.

Sinundan niya ito dahil paniguradong pupuntahan na naman nito ang anak nila.

"Amirah," he called her name nang namataan niya ito sa hallway. Tama nga ang hinala niya dahil papunta sa kwarto ni Almiah ang daang tinatahak nito.

"Tapos na siyang maligo kaya hayaan mo na ako. Pupuntahan ko lang dahil magpapaalam akong may pupuntahan mamaya habang nasa school siya," anito habang mas lumalaki at bumibilis ang bawat hakbang.

"Saan ka pupunta, kung gan'on?" Binilisan din nito ang lakad para masabayan siya.

"May kailangan lang akong asikasuhin pero hindi ko sasabihin kung ano at saan. I trust na hindi mo naman itatakas ang anak ko habang nasa school siya kaya confident akong umalis ngayon. Besides, papabantayan ko rin," dagdag pa nito habang palapit na sila sa silid ng anak.

"Ano'ng oras ka babalik?" Mas kalmadong tanong ni Lazarus ngayon.

Nasa tapat na sila ng pinto ng silid ni Almiah nang lingunin niya ito. "I don't know," she replied. "Pero baka hindi ako makabalik kaagad dahil importante iyong pupuntahan ko. Iiwan ko rito si Teri kasama ng dalawang bodyguard para makasigurado na nandito pa rin kayo pagbalik ko."

Hindi kaagad nakapagsalita si Lazarus habang si Almirah naman ay kumatok muna bago sinimulang pihitin ang knob ng pinto para mabuksan iyon. When she successfully opened the door, she was greeted by silence. Pumasok siya roon at tinawag ang pangalan ng anak.

"Yes, Mommy?" Biglang lumitaw ang bata mula sa banyo. Nakapagbihis na ito ng uniform nang lapitan siya nito.

"I have something to tell you," panimula nito. Sinalubong niya ang anak at nang nakalapit na ay lumuhod ito sa harap niya. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso saka pinakatitigan sa mga mata.

"Mommy has to leave for an important errand, but I promise to be back. Will that be okay to you?"

Sandaling nag-isip ang bata bago ito napabaling sa likod ni Almirah. Alam niyang nasa likod lang niya si Lazarus kaya hindi na siya nag-abalang lumingon pa. She just patiently waited for her daughter's answer.

"Will it take you long to finish that errand, Mommy?" Sa halip na sagutin ay isang tanong ang ibinato nito sa kaniya.

Napaisip din siya. She calculated the days she's going to spend for that errand. Kung tama ang kalkulasyon niya at magiging maayos ang lahat, kakayanin iyon ng dalawang araw lang, maximum na iyon kaya maaaring mas mapa-aga pa.

"Two days, baby..." she answered and her daughter pouted. She expected her to say no but then she nodded.

"Okay po... just come back here after you're done with your errands, okay?" Almiah sadly said.

Sunod-sunod siyang tumango pagkatapos ay hinila nito ang kaniyang anak palapit sa kaniya para sa isang mahigpit na yakap. Parang may kung anong malambot na humaplos sa kaniyang puso nang yakapin siya pabalik. g bata. Nanatili lamang silang gan'on hanggang sa kinailangan na nitong umalis dahil mahuhuli na ito sa klase.

Si Lazarus lang dapat ang maghahatid pero dahil aalis siya mamaya ay sumama na rin si Almirah. She sat on the passenger's seat while their daughter was at the backseat.

Tahimik lamang ang buong byahe. Paminsan-minsan ay nag-iingay dahil sa mga tanong ni Almiah tungkol sa pag-alis niya. After that, it goes silent again. Iniiwasan na nga lang ni Almirah na mapatingin sa rearview mirror dahil kapag tumitingin siya roon ay nagtatama ang tingin nila ni Lazarus. Whenever their eyes would meet, it was as if he wants to ask her a question but he's doing controlling himself not to because their child was with them.

Pero panigurado si Almirah na kapag naihatid na nila ang bata mamaya, hindi na naman siya titigilan ni Lazarus sa mga walang katapusang tanong nito.

"Bye, Mommy! Bye, Daddy!" The kid said with full enthusiasm. Malapad ang ngiti nito na para bang walang bakas ng lungkot mula kanina.

After kissing them both goodbye, tumakbo na ito papasok sa gate ng kanilang school. Before she could finally enter the building, muli pa itong lumingon sa kanila pagkatapos ay kumaway. They waved back to their daughter before she finally entered the school premises.

Ngayon, silang dalawa na lang ulit ang magkasama. Almirah reminded himself to remain calm. Pinaalala niya sa sarili niya dapat ay hindi niya bigyan ng rason si Lazarus para ilayo sa kaniya ang bata. May tiwala naman siya kahit paano na hindi nito iyon gagawin pero kailangan niya pa ring makasigurado.

"Balik na muna tayo sa bahay dahil may kukunin pa ako. Magpapasundo na lang din ako mamayang paalis," Almirah said as he started the engine.

"Ihahatid na kita," he offered na kaagad tinanggihan ni Almirah.

"I appreciate your kind offer, but no need. Ayoko na ring makaabala pa dahil alam kong marami kang gagawin. Pinauwi ko na kasi iyong sasakyan ko noong nakaraan kaya ngayon ay naabala pa kita. Kung walang available na car para masundo ako, I can just commute. But again, thank you..." she politely declined his offer.

"Is that two days, max? Is it that important na iiwan mo na naman kami..." he paused for a moment before he continues. "...ang anak natin?"

She let out a loud sigh. "I really need to leave, at oo... importante 'tong lakad na 'to. Isa pa, pumayag naman na ang bata kaya wala akong makitang problema ngayon. Babalik din naman ako pagkatapos n'on."

Nag-iwas ng tingin si Lazarus. Kanina pa naka-start ang makina ng sasakyan pero hindi pa sila nakakaalis.

"Tss. Babalik..." bulong bulong pa nito habang nakatingin sa labas at ang kamay ay nasa manibela ng sasakyan.

"Are you saying something?"

"Wala!" Padabog nitong sinabi saka nito ibinaling ang tingin sa harap.

"Oh, e bakit parang galit ka?"

"I'm not." He hissed. Mas humigpit ang hawak nito sa manibela. "Give me your number so I can call you when our daughter wants to talk to you," dagdag pa nito saka inabot sa kaniyang ang cellphone nito.

Dahil reasonable naman para Almirah iyon ay mabilis niyang kinuha iyon at itinipa ang kaniyang numero, nang natapos ah ibinalik niya ito kaagad sa naghihintay nitong palad.

"Kailangan ko rin ng number mo so I could call to ask for an update about my daughter," anito pagkatapos ilahad ang kaniyang bukas na palad.

Lazarus dropped his phone on Almirah's palm. Mabilis niya namang nabuksan dahil wala namang lock pero ibinalik niya iyon kay Lazarus dahil ayaw niyang may makita siyang kung ano. She doesn't want to invade his privacy.

"You can dictate it na lang. Baka may kung ano pa akong makita riyan na hindi ko dapat makita," she said as she handed him back the phone pero hindi niya naman iyon tinanggap.

"Wala kang makikita riyan. You can go to my contacts and search for my number," anito bago nagsimulang magmaneho.

"Your contacts are private, and I don't want to see it," she insisted.

"I'm driving, Almirah. Unless gusto mong mabangga tayo para lang maipakita ko sa'yo ang number na hinihingi mo?" He said without looking at her. Napairap na lang si Almirah.

"You should've memorized it para hindi na ganito," reklamo pa ni Almirah habang hinahanap ang contacts sa phone ni Lazarus. Wala rin namang gaanong applications doon, only the important ones kaya mabilis niyang nahanap iyon.

She sighed when she finally saw his number. Nasa pinakauna rin naman kasi iyon. She took out her phone to book his number dahil alam niyang makakalimutan niya iyon kapag sinaulo lang.

As she was typing his number on her phone, nahagip ng mata niya ang pangalan niya sa ibaba ng main number. Iyon ang dati niyang numero na ngayon ay hindi na niya ginagamit.

Mapait siyang napalunok. Mariin siyang pumikit para iwaksi ang nasa isip. She cleared her throat first bago niya ibinalik ang cellphone kay Lazarus.

"T-Tapos na," her voice trembled. Para itago iyon, nagkunwari na lang siyang may kung anong tinitingnan sa kaniyang cellphone.

For years, she thought he has forgotten her. Ang unang yugto ng pagkalimot sa isang tao ay ang pagbura sa mga naging bakas nito. He could've deleted her number on her phone dahil wala naman na silang koneksyon sa isa't isa because that's what she did.

Nang sabihin sa kaniya na wala na ang kaniyang anak, nawalan na rin siya ng rason para makipag-ugnayan pa kay Lazarus. Umalis na siya noon, kaya wala nang rason para bumalik pa siya gayong wala na ang nag-iisang dahilan para magkita pa sila ulit.

Tahimik lang ang byahe hanggang sa makabalik sila sa bahay ni Lazarus. Kaagad na bumaba si Almirah para makapagbihis na at makuha ang iilang mga gamit na kailangan niya katulad ng passport at ilan pang mga kailangan.

As she was putting her things into her bag, naabutan siya ni Lazarus habang sinisilid ang mga dokumentong kailangan niya sa kaniyang bag.

"Do you really have plans on coming back? Mukhang dinadala mo na lahat ng gamit mo," puna ni Lazarus kaya siya pansamantalang tumigil para malingon ito.

Ayaw niyang makipagtalo rito kaya sa halip na barahin na naman ay pinili niyang kausapin ito nang maayos.

"Babalik ako. These are just some important documents that I need for my travel. Passport, valid IDs..." she reiterated.

Lazarus' reaction immediately caught her.

"Passport?" Ulit nito sa sinabi niya. "You'll be out of the country?"

Tipid siyang tumango bago ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Kailangan niya nang magmadali bago pa siya mahuli sa flight niyang ibinook para sa kaniya ng sekretarya ng kaniyang ama.

"For what reason? Babalik ka ba talaga o iiwan mo ulit kami ng anak natin ng ilang taon?" She could taste the bitterness in his voice. Hindi siya nag-abala pang lingunin ito dahil ayaw niyang maantala pa ang kaniyang lakad.

As much as she wants to explain everything to him, she knows that she needs to go or else she'll miss her flight.

"I promise, babalik ako. It's just two days max. Kung aayon sa akin ang lahat, I'll be here earlier than two days," hirap na hirap niyang paliwanag.

Lazarus'jaw clenched tightly. Nag-iwas pa ito ng tingin para lang pigilin ang sarili sa nagbabadyang emosyon. "Ganiyan din ang sinabi mo noon bago ka nawala ng ilang taon."

Hindi makapaniwalang umiling si Almirah sa sinabing iyon ni Lazarus. "I can't argue with you right now. I really need to go, Lazarus. Maiiwan na ako ng flight ko," nagmamadali niyang sinabi saka nito isa-isang dinampot ang kaniyang mga gamit, but as she was about to walk pass Lazarus, he stopped her.

"Sasama ako," he firmly said as if his words has to be the last say on a conversation or an argument.

Almira's mouth dropped open. Her eyes widened at what she just heard from him.

"Hindi puwede! You are not needed there so ako lang ang pupunta."

Inisang hakbang ni Lazarus ang pagitan nilang dalawa. Napasinghap si Almirah sa biglaang paglapit nito sa kaniya. He was now towering over her with his piercing eyes and haw tightly clenched.

"I can't risk it again, Almirah. You're done running away from me kaya dalawa lang ang puwedeng mangyari ngayon. Either you'll leave with me, or no one will leave this house at all."

She swallowed the bile on her throat. The way he said those words, it was full of authority and sincerity.

"A-Ano ba, Lazarus? Babalik naman ako—"

"Then we'll leave together. Pareho lang naman tayo ng uuwian pagkatapos. Babalik ka rin naman pala, e 'di isama mo ako," he cuts her off.

"Hindi nga puwede, Lazarus! Oh my goodness, late na ako sa flight ko. I don't have the time to argue with you, so please let me leave." Then she tried to push him so she could get through, pero naibalik lang ulit siya kinatatayuan niya dahil hindi man lang natinag si Lazarus nang itulak niya ito.

"Sabihin mo sa akin kung saan tayo pupunta and you don't even need to rush to catch your flight."

For the nth time, she shut her eyes close. She needed to gather as much peace she needs para hindi makapagsabi ng kung ano.

"Bakit ba sasama ka pa? Sinong maiiwan sa anak natin kung gan'on?"

Kahit pa kaunti na lang ay mapipigtas na ang pasensiya ni Lazarus para makumbinsi si Almirah na isama siya sa pupuntahan nito, isang sabi lang nito ng mga katagang "anak natin" ay parang yelong natunaw ang galit niya.

To hear it from her means a lot to him. Ibig sabihin lang noon para kay Lazarus ay tinatanggap siya nito bilang ama ng anak nila.

"Ibibilin ko muna kina Marah," tugon nito ba para bang sanay na ito sa ganoong set-up.

"Mang-aabala ka pa ng iba para lang masunod ang gusto mo. Hindi ka man lang nagpaalam nang maayos sa bata," she uttered.

"Maiintindihan naman ng anak natin na kailangan kitang samahan."

Sa huli ay bumuntonghininga na lang si Almirah. Kahit naman ano'ng kumbinsi niya may Lazarus, wala ring mangyayari dahil ipipilit lang nito ang gusto niya.

Ngayon, nabigyan pa tuloy siya ng responsibilidad na ipakilala ito sa tunay niyang mga magulang na naghihintay sa kaniya sa Italy.

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.5M 58.3K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...