Daddy's Little Playtime (Boyx...

By ProudSilent

147K 2.3K 203

Ito ay kwento ng dalawang ama at kung paano sila matupok ng apoy ng pagnanasa. Hanggang kailan tatagal ang ka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Special Chapter
Chapter 25
Not an update
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Not an update
Chapter 31
Chapter 32
Not an update
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 19

3K 51 5
By ProudSilent

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 19

Jun 01 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~


HURRICANE (POINT OF VIEW)


Ngayon ko napatunayan na ako at ang pagsisinungaling ay hindi pwedeng pagsamahin.

Araw ng sabado.

Namili sa palengke ang asawa kong si Melody ngayong araw kaya noong dumating ito ay tinutulungan ko naman siya sa kaniyang mga dalahin.

Papasok na kami sa loob ng aming bahay noong napahinto ito at mukhang may naalala.

Siguro ay mayroon na naman siyang nakalimutang bilhin sa palengke.

"Hon?" tawag nito sa akin.

Nauuna kasi ako sa kaniya kaya naman lumingon pa ako dito upang malaman kung ano ang kailangan niya.

"Ano iyon Hon?" takang tanong tanong ko naman.

"Nagkikita ba kayong dalawa ni Mr Takeguchi nitong mga nakaraang araw?"

Halos huminto naman ang aking paghinga sa kaniyang tanong.

Ito na nga ba ang pinaka kinatatakutan kong mangyari.

Dumating na ba ang panahon na malalaman ni Melody ang sikreto ko.

Mabuti na lamang talaga at ako ang nauuna at si Melody ang nasa likod.

Kaya mabilis akong tumalikod upang hindi niya makita ang pagkagulat sa aking mukha.

Ito na nga ba sinasabi ko eh!

Ano ang isasagot ko sa kaniya?

Hindi pa naman ako magaling sa pagsisinungaling at pagtatago ng sikreto sa aking asawa.

Baka mabulol ako at maisiwalat ko sa kaniya ang aking sikreto.

Ang sikretong kami lamang ni Yamato ang nakakaalam.

"Ba-Bakit m-mo na-naitanong Hon?"

Mahahalata naman ang kaba sa aking boses.

Dapat pala noong una palang ay hindi na ako nakipagkita pa kay Yamato.

Dapat pala ay hindi ko na nasabi ang tanong na iyon.

Dapat pala ay hindi ko na pinatulan ang mga pangaakit niya sa akin.

Dapat pala ay hindi ko na siya pinapasok sa buhay ko.

Ngunit wala na akong magagawa pa sa mga nangyari na at hindi ko rin dapat sisihin si Yamato dahil pareho naming pinasok ang gulong ito.

Ngayon tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin.

"So totoo nga?"

"Nagkikita nga kayong dalawa?"

Pilit kong binabasa ang mukha ni Melody habang nagsasalita ito ngunit wala akong makitang ano mang emosyon sa kaniyang mukha kaya't mas lalo lang akong kinakabahan.

Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano habang tinatanong niya ako.

"Mi-Minsan lang kami nagkitang dalawa, doon sa may 7/11." ang napapalunok laway ko namang sagot.

Siguro ay kitang-kita na ngayon ang takot sa aking mukha.

"Kaya pala tuwang tuwa ang asawa niyang si Ma'am Karen noong makita ko ito sa palengke kanina."

"Ang sabi ni Ma'am Karen ay hindi daw sinasadya ang pagkikita niyong dalawa ni Mr Takeguchi at naging abala daw ang asawa niya sayo."

"Tinulungan mo daw si Mr Takeguchi na resolbahin ang problema nito sa trabaho."

"Kaya't sobrang laki naman ng pasasalamat sayo ni Ma'am Karen."

Nakahinga naman ako ng maluwag at parang bumalik ang lahat ng kulay sa aking mukha dahil sa mga narinig.

Iyon lang pala ang sasabihin niya.

Ang akala ko talaga ay nalaman na ni Melody ang sikreto namin ni Yamato.

Ngunit problema?

Hindi ba't nagkita kami doon upang isauli ko sa kaniya ang kaniyang wallet.

Siguro ay iyon na lamang ang dinahilan niya sa kaniyang asawa.

"Ito ba iyong nakaraang gabi na late kanang nakauwi at hindi na nakasabay sa hapunan?" ang tanong pa ni Melody.

"O-Oo yun iyon, pasensya kana talaga doon." ang nahihiya ko namang sagot dito.

Late na akong nakauwi noon at hindi na nakasabay sa hapunan kaya naman isangkatutak na mga tanong ang inulan sa akin ni Melody noon at syempre ay wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang magdahilan.

"Bakit hindi mo pa sinabi sa akin na nakita mo pala ang asawa ni Ma'am Karen, hindi naman ako magagalit."

Hindi ko kasi sinabi sa kaniya ang pagkikita naming dalawa ni Yamato sa may 7/11.

Ang dinahilan ko kasi noon ay marami akong ginawa sa aming opisina at na stuck naman ako sa mahabang traffic pauwi kaya nalate akong umuwi.

Kung alam ko lang na makikita ni Melody ang asawa ni Yamato ay di sana sinabi ko nalang ang totoo.

Nakakaasar naman kasi si Yamato!

Hindi sinabi sa akin na sasabihin pala nito ang totoo sa asawa niya.

"Sorry." ang wika ko na walang tunog at ang mga labi ko lamang ang tanging gumagalaw.

"Sa susunod ay sabihin mo nalang sa akin ang totoo at hindi naman ako magagalit."

"Mabuti nga iyon at nagkakaroon kana ng kaibigan at hindi nalang puro computer games ang inaatupag mo."

Mahilig rin kasi akong maglaro ng mga computer games kapag wala akong trabaho at may libre akong oras.

Iyon rin ang naging dahilan kung bakit maagang lumabo ang mga mata ko at kinailangan ko ng magsuot ng salamin ngayon.

Tumango na lamang ako dito at nahihiyang ngumiti.

Sabihin ang totoo?

Kailan ko kaya masasabi ang totoo?

Mapapatawad niya kaya ako?

Kapag nalaman niya ang sikreto ko.

Magpapatuloy na sana ako sa pagpasok sa loob ng bahay noong muli kong marinig ang boses ni Melody.

"Oo nga pala!"

Muli ko naman itong nilingon at hinintay kung may sasabihin pa ba siya.

Nakita ko itong kinuha ang kaniyang bag at hinalukay ang loob noon na para bang may hinahanap na kung ano.

"Binigay sa akin ito ni Ma'am Karen pasasalamat daw ito ni Mr Takeguchi sayo." ang wika ni Melody at may inabot sa aking kapirasong papel.

Tiningnan ko naman at binasa.

"Mr. Takeguchi massage parlor." ang basa ko sa kapirasong papel na isa palang ticket sa isang masssage parlor.

Takeguchi?

Parang pamilyar.

Nakita kong tumawa si Melody.

"Nagulat ka ba?"

"Nagulat rin ako noong malaman kong isa palang big time na tao ang asawa ni Ma'am Karen." ang tumatawang wika ni Melody.

Kung ganoon ay pagmamayari pala ni Yamato ang massage parlor na ito.

Ang akala ko noon ay parehas lang kaming nagtatrabaho sa office.

Iyon pala ay mas big time pa ito at nagmamayari ng isang business.

Hindi ko ito nahalata dahil wala naman sa itsura at paguugali ni Yamato ang pagiging isang businessman.

Ang nakikita ko sa kaniya ay isang simpleng lalaki lamang at isang ama sa kaniyang dalawang anak.

Doon mo malalaman na pinalaki siyang mabuti ng kaniyang mga magulang dahil kahit na mas nakakaangat ito sa akin ay hindi man lang ito nagyabang kahit na kailan.

"Magpunta ka daw diyan kapag may free time ka upang marelax ka." ang huling wika ni Melody bago ito mauna ng pumasok sa loob ng aming bahay.

Marelax huh?

Kapag si Yamato ang pinaguusapan ay ibang pagrerelax ang pumapasok sa aking utak.

Ano ba naman ito!

Kalibugan na naman ang pumapasok sa utak ko.

Sa tingin ko ay impluwensya ito ni Yamato sa akin.

Kaya't nagiging madumi na rin ng ganito ang aking utak.

Ang dasal ko lang talaga ay wala na sanang mangyaring kaganapan kapag nagtungo ako doon sa massage parlor ni Yamato na maari na namang magpalabas sa isa ko pang katauhan.

Ang bago kong katauhan na nabuo dahil sa makamundong pagnanasa naming dalawa ni Yamato.

Sana ay hindi na ako muling matukso sa kalibugang dala ni Yamato.

Itutuloy...


A/N: Isa na namang maikling update mga bebeh! At Happy 20k reads sa inyo mga accla! Maraming salamat sa patuloy niyong pagbabasa sa kwentong 'to. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinapasaya! Vote at Comment lang mga ses! Arigathanks! Mwah!

Continue Reading

You'll Also Like

249K 3.2K 27
Sa kaniyang pagbibinata ay may mga taong pupukaw sa natutulog na pagnanasa. Ang tipong init na lumulukob sa pagkatao na mahirap pigilan. Samahan nat...
54.4K 2.1K 81
Glen Lopez fell in love with his Tito/Uncle (Carlo Navarrete). Surprisingly, Carlo felt the same way as his nephew, and they agreed to have an intima...
2.5M 19.5K 34
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Wild Series Read at your own risk. Simple lang naman ang araw ni Daddy Edward sa tuwing wala s...