DG Series #3: Never Gonna Let...

lhiamaya tarafından

798K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Daha Fazla

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 20

18.8K 676 36
lhiamaya tarafından

Jolene

NAKANGITI ako habang panay ang click sa camera ng cellphone. Ang sarap kasi kuhanan ng pictures ng mag ama na masayang naglalaro sa malawak na damuhan dito sa park. Ang sarap pa sa tenga ng malulutong at buhay na buhay nilang tawa.

Maraming tao sa park dahil linggo ngayon. Pasyalan talaga ito ng mga tao at tambayan, pwede ring magpicnic dito. May mag kasintahan na namamasyal pero mas marami ang magpamilya. Maganda naman kasi ang park. Maraming puno at halaman hindi pa mainit. May mga palaruan din para sa mga bata. Lagi kong pinapasyal dito si Jeremiah kahit kaming dalawa lang. Masaya naman sya pero iba nga lang ang saya nya ngayon, parang triple pa dahil kasama na nya ang ama nya.

Bumuntong hininga ako. Malaki ang naging galit ko kay Atlas noong inabandona nya ako. At wala sa isip ko na darating ang araw na ito na magkakasama kami at makakabonding nya ang anak namin. Nakaprogram na kasi sa isip ko na kaming dalawa lang ni Jeremiah ang magkasama hanggang sa pagtanda ko. Palalakihin ko lang sya ng mag isa at walang kinikilalang ama. Tapos isang gabi biglang sumulpot ang ama nya at nagbago na ang lahat sa buhay namin.

"Pahinga muna tayo anak, napagod ako." Hingal na sabi ni Atlas at umupo sa bench. Dinampot nya ang bote ng mineral water at ininom.

Si Jeremiah naman ay may energy pa kahit pawisan na. Kinuha ko ang bimpo sa shoulder bag at pinunasan ang pawis nya sa mukha, leeg at likod.

"Grabe ang bilis tumakbo niyang anak natin sugar. Pinaglihi mo ba yan kay Usain Bolt?" Wika ni Atlas.

Ngumisi ako. "Ang sabihin mo matanda ka na. Mahina na ang tuhod mo."

Eleven years ang tanda nya sa akin. Twenty four na ako ngayon sya naman ay thirty five na malapit na rin syang magthirty six.

Umawang ang labi ni Atlas pero agad din syang ngumisi. "Matanda pala at mahina ang tuhod ha. Kayang kaya ko pang umisang dosena sugar. Gusto mong subukan?"

Nagets ko ang ibig nyang sabihin kaya nag init ang mukha ko.

"Heh! Isang dosenang sapak gusto mo? Akala mo ang dali daling manganak? Ang hirap manganak no lalo na kapag mag isa ka lang." Singhal ko sa kanya.

Anong akala nya sa akin parang pusa manganak. Eh pagkatapos ko ngang ipanganak noon si Jeremiah nawalan ako ng malay eh. Mabuti na lang nandyan si Leah.

Natahimik naman sya at nabura ang ngisi sa labi. Bumuntong hininga sya.

"Pangako sugar kapag nanganak ka ulit nasa tabi mo na ko. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan." Sambit nya.

Naumid naman ang dila ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya.

"Buntis po ikaw mama? Magkakaroon na po ako ng kapatid?" Biglang sabat ni Jeremiah na namimilog pa ang mata.

Sabay na umawang ang labi namin ni Atlas at tumingin sa anak na bakas ang excitement sa mukha.

Tumikhim ako. "Hindi anak. Hindi buntis si mama."

Ngumuso si Jeremiah. "Ay, akala ko magkakaroon na ako ng kapatid."

Tumawa si Atlas at pinalapit nya sa kanya si Jeremiah. Lumapit naman ang anak.

"Magkakaroon ka rin ng kapatid pero hindi pa ngayon -- aw!" Daing ni Atlas ng batukan ko sya. Hihimas himas sa ulong tumingin sya sa akin.

Pinandilatan ko naman sya ng mata. Kung ano ano ang sinasabi sa anak kaya kung ano ano rin ang hinihingi eh. Pero ang hudyo tinawanan lang ako at may binulong sa anak. Ngiting ngiti naman si Jeremiah na tumatango tango pa.

"Ano na naman yang binubulong mo sa anak mo? Baka puro kalokohan yan ha." Sita ko kay Atlas.

"Hindi ah! Pero secret na namin yun ni baby." Nakangising turan ni Atlas.

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Jeremiah anak, anong binubulong ng papa mo?"

Humahagikgik na umiling iling si Jeremiah. "Bawal po tabihin mama for boys only."

Nginisihan ako ni Atlas.

Sumimangot naman ako. Lugi ako ah. Pinagtutulungan ako ng mag ama. At itong anak ko naman na ito maiksing panahon pa lang silang nagkakakilala ng ama sobrang close na nila. Mas gusto na nyang sumama sa ama kesa sa akin. Hindi na nga sya tumatabi sa pagtulog sa akin sa gabi eh kundi sa ama na nya na natutulog sa sala. At bago sila matulog naghaharutan muna.

Pagkatapos naming tumambay at mamasyal sa park ay nag aya namang kumain sa mall si Jeremiah.

Sa loob ng malaking mall ay para kaming isang masaya at buong pamilyang tatlo. Hawak namin ni Atlas sa magkabilaang kamay si Jeremiah na kumakanta pa ng children song nila sa school. Masayang masaya ang anak ko kaya masaya na rin ako. Wala namang ibang makakapagpasaya na puso ng isang ina kundi makitang masaya ang anak.

Tumingin ako kay Atlas. Nagtama ang mga mata namin dahil nakatingin din pala sya sa akin. Ngumisi sya. Irap naman ang ginanti ko sa kanya.

Pumasok kami sa paboritong fast food chain ni Jeremiah. Lahat naman yata ng bata paborito si bubuyog. Pumila kami sa counter at namili ng oorderin, syempre nauna sa pagpili ang anak namin. Ang paboritong chicken at spaghetti ang pinili nya saka sundae. Ako naman kanin at chicken at sinamahan ko na rin ng drinks at mangoe pie. Ganun din ang inorder ni Atlas.

Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa bakanteng mesa bitbit ang numero namin. Habang hinihintay ang order namin ay nagkukulitan pa ang mag ama at panay din ang picture. Minsan sinasama nila ako. Maya maya ay dumating na ang order namin at kumain na kami. Parehas malakas kumain ang mag ama. Habang pinagmamasdan ko sila malaki talaga ang similarities nilang mag ama sa kanilang mga kilos. Parehas nilang ugali na sinisipsip ang thump nila na may bakas ng pagkain. Parehas din sila kung paano ngumuya pati pagtaas ng kilay.

Matapos ang ilang minuto ay simot ang pinagkainan ng mag ama. Samantalang ako ay may tira tira pa. Sundae naman ngayon ang binanatan ni Jeremiah. Pinupunasan naman ni Atlas ang gilid ng bibig nitong may naiiwang bakas ng sundae.

Nag ikot ikot naman kami sa mall hanggang sa napadaan kami sa isang toy store at nagturo na si Jeremiah. Akmang magsasalita ako na wala pa akong sahod ay pumasok naman ang mag ama. Oo nga pala maraming pera si Atlas kaya sya na ang bahala sa mga gusto ng anak tutal gusto naman nyang bumawi.

Sinusundan ko lang ang mag ama na namimili ng mga laruan. Tumingin tingin din ako ng mga laruan at tiningnan ang presyo. Napangiwi ako sa presyo. Ang mamahal. Nabibilhan ko naman ng laruan si Jeremiah sa mall paminsan minsan kapag bagong sweldo. Syempre ang binibili ko ay ang afford lang at paisa isa lang. Minsan naawa pa ako sa anak kapag hindi nabibili ang gusto nya mismong laruan. Eh kasi naman sobrang mahal at hindi talaga kaya ng bulsa ang apat na digit na presyo ng laruan. Pero pinapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit hindi namin yun nabibili at nauunawaan naman nya. Doon naman ako bilib na bilib kay Jeremiah masaya sya sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Talaga po papa ibibili mo po yan para ta akin?"

"Oo naman, kahit anong laruan pa ang magustuhan mo anak bibilhin yun ni papa."

"Yehey! Mama mama!"

Nilingon ko si Jeremiah na tinatawag ako. Pinapalapit nya ako sa kanya.

"Bakit anak?" Tanong ko ng makalapit. Malaki ang ngiti nya sa labi.

"Ibibili po ako ni papa ng truck truck na may remote control." Masayang sambit nya at tinuro ang may kalakihang box na may lamang laruan na truck na kulay dilaw may kasama pa itong remote. Para talaga syang totoong truck pero maliit. Sa hitsura pa lang halatang mahal na. Dinampot ko ito at tiningnan. Muntik ko ng mabitawan ang box ng makita ang presyo. Pumapalo lang naman ng limang libo.

"Ang mahal pala nito anak." Bulalas ko.

"Ayos lang sugar. Kukunin natin yan pero ite-testing muna natin kung ok ba." Tinawag ni Atlas ang isang sales person at nagpa-assist para i-testing ang laruan. Excited na excited naman si Jeremiah.

Wala na akong nagawa kundi manood na lang sa kanila. Wala naman akong karapatan kumontra dahil si Atlas naman ang magbabayad.

Tinesting na nga ang luruang truck at pinaandar ito gamit ang remote. Lalong natuwa si Jeremiah ng sa kanya naman ipatesting ang remote. Tinuturuan pa sya ng ama.

Kumuha pa ng ibang laruan si Atlas na puro de remote din. Backhoe, bulldozer, loader at towing truck. Talagang kinumpleto na nya. Mas mahal pa ang iba sa truck na laruan. Kitang kita naman ang labis na saya sa mukha ni Jeremiah na napapayakap pa sa aming dalawa ni Atlas.

"Happy?" Tanong ko sa anak ng yumakap sya sa bewang ko.

Tumango sya. "Opo mama, sobrang happy po ako ang dami kong toys yung mga dream toys ko pa."

Ngumiti ako at hinaplos haplos ang buhok nya. "Deserve mo yan anak dahil mabait kang bata. Happy din si mama para sayo. Mag thank you kay papa kasi sya ang bumili nyan."

Bumitaw sya sa akin ng yakap at muling yumakap sa ama.

"Thank you po papa ta maraming toys." Malambing na sambit nya.

Ginulo naman ni Atlas ang buhok ng anak. "Anything for you son. May iba ka pa bang toys na gusto? Mamili ka pa ng iba bibilhin ni papa."

Umiling iling si Jeremiah. "Happy'ng happy na po ako ta mga toys papa. Dami na po iyan baka ubos na pera mo po."

Parehas kaming natawa ni Atlas. Pati nga ang dalawang sales person na nag assist ay natawa din.

Pinanggigilan ni Atlas ang pisngi ni Jeremiah. "Magwo-work si papa ng maigi para di maubos ang pera para lahat ng gusto mo mabibili ko."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Atlas. Ramdam kong sinsero sya sa mga sinasabi nya. Mabuti syang ama kay Jeremiah. Kunsabagay kahit noong magnobyo pa lang kami halos paulanan din nya ako noon ng regalo.

"Ikaw sugar, may laruan ka din bang gusto?" Hirit ni Atlas.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Anong tingin mo sa akin bata?"

Nginisihan nya ako. "Kiss ko gusto mo?"

"Sapak ko gusto mo?" Tinaas ko ang nakakuyom na kamao.

Tumawa lang sya at tinulak na ang cart na halos mapuno na ng mga naka-box na laruan papuntang counter. Napaawang na lang ang labi ko ng matotal na ang lahat ng laruan. Halos umabot ito ng fifty thousand at parang wala lang na inabot ni Atlas ang card sa kahera.

Sunod namin kaming pumunta sa isang clothing store. Damit naman ngayon ang binibili ni Atlas para sa anak. Sya pa ang namimili. May taste naman sya sa pagpili ng damit at lahat iyon ay nagugustuhan ni Jeremiah. Kunsabagay parehas silang lalaki. Pati nga ako ay pinapapili din nya ng damit para sa sarili ko. Tumanggi naman ako. Sinasabi kong marami na akong damit. Marami naman talaga akong damit mumurahin nga lang at sa divi ko pa binibili pero magaganda naman ang kalidad. Doon ko rin binibilhan ng damit si Jeremiah dahil kung sa mall ako bibili ay siguradong mamumulubi ako.

Sunod naman naming pinuntahan ang supermarket at naggrocery kami. Yung mga kailangan lang sa bahay ang mga kinukuha ko. Syempre hindi ko rin kinakalimutan ang gatas at paboritong chocolate powder drink ni Jeremiah. Isang malaking box ng gatas at malaking pack ng chocolate powder ang kinuha ko pero si Atlas ay dinagdagan pa yun ng tig dalawa para hindi daw mabitin ang anak. Hinayaan ko na lang sya, sya naman ang magbabayad.

Makalipas ang halos isang oras ay punong puno ang dalawang malaking cart namin. Paano kung ano anong pinagdadampot ng mag ama. Si Jeremiah nga sinasaway ko na kapag nakikita kong puro junk foods ang kinukuha.

"Thank you po papa ng marami nipasyal mo ko taka nibili ng maraming toys." Masayang sabi ni Jeremiah na nakaupo na sa baby car seat sa back seat.

"You're welcome son at hindi ito ang huli dahil madalas na tayong mamamasyal."

"Yehey! I love you papa!" Nagflying kiss pa si Jeremiah sa ama.

"I love you too son, always." Nakangiting sambit ni Atlas.

"I love you din po mama." Ako naman binigyan nya ng flying kiss.

"I love you too baby."

Pinaandar na ni Atlas ang kotse. Tumingin muna sya sa akin at ngumiti.

"Thank you sugar at pinagbigyan mo ko."

"Para kay Jeremiah, gagawin ko ang lahat para sumaya."

Tumango tango sya at pinausad na ang kotse.

*****

Plz follow my fb page and dreame account. Same name at same profile lang din po. Thank u in advance 😘

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
135K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...