YOU are The ONE

By Ynzobrielle

52K 1K 22

What if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng... More

PROLOGUE
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER IX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
Chapter XXII
CHAPTER XXIII
CHATPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
Chapter XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER- L
CHAPTER -LI
CHAPTER -LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
SPECIAL CHAPTER
EPILOGUE

Chapter III

1.5K 27 0
By Ynzobrielle

Louise POV

" HOY BABAE GISING ! " halos mabingi ako sa sigaw na yun . Unti - unti kong minulat mata ko . 

Bumungad sakin ang mukha ng kaibigan ko at girlfriend na galit na galit . Ano na naman ba ginawa ko sa kanila.

" Anong ginagawa nyo dito ? " tanong ko sa kanila , uupo sana ako kaso nakaramdam ako ng sakit sa ulo. 

" Sinong may sabing uminom ka ! " inis na sabi ni kiera at binato ako ng unan  sa mukha.

" Fuck " mahinang mura ko , pero narinig pa rin nila yun.

" Hindi ka pumasok, tapos malalaman ko na nag inom ka , may kasama ka pang babae ! " inis na sabi ni kiera at kulang na lang ay patayin nya ako sa tingin nya . Tumingin ako kay xai na parang humihingi ng tulong pero ang bruha nginitian lang ako .

Ngayon ko lang napansin ang suot nila . Naka uniform pa pala sila at mukhang dinaanan lang nila ako dito .

" Mag luluto lang ako " aniya ni xai at umupo naman sa tabi ko si kiera.

" Inaapoy ka ng lagnat " aniya nya at sinipat ang noo ko at leeg . " Inom pa !"  hinampas nya ako na kinasimangot ko .

" Huwag kana muna masyado lumapit ang baho ko " aniya ko .

" Tsk ako nga niyayakap mo kahit hindi naliligo eh " aniya nya at inirapan pa ako.

" Kahit na tsaka may sakit ako baka mahawa ka " aniya ko at unti-unti umupo , inalalayan nya naman ako .

" Nag chat ako sayo kagabi " aniya nya .

" Mag lilinis muna ako ng katawan " aniya ko at bumaba na sa kama . Kahit  mabaho ako ay inalalayan pa rin nya ako hanggang cr .

Naligo ako kahit inaapoy ako ng lagnat dahil na rin siguro sa amoy ng alak . Hindi ko naman ini expect na mag kakaganito eh. Napag hampas tuloy ako. Wala akong maalala na may kasama akong babae kagabi , siguro lasing na lasing ako nun.

After kong maligo ay nakita ko si kiera na nakahiga sa kama at natutulog . Kumuha ako ng susuotin ko at agad agad nag bihis at humiga sa tabi nya at niyakap sya.

" I love you " bulong ko sa kanya.  Hindi ko talaga inaakalang pupunta sya dito.

" Tapos kana pala ,halika na kanina pa tayo hinihintay ng kaibigan mo " aniya nya at umiling ako.

" Ayokong kumain " aniya ko kaya naman naka tikim ako ng hampas mula sa kanya.

" Dadalhan na lang kita dito " aniya nya at tumayo na .

" Ito na yung food love birds " bumukas ang pinto at niluwa nito si xai na naka apron pa . May dala dala itong  tray . Akala ko kung ano yung niluto nya lugaw lang pala .

" Oh bakit ganyan mukha mo ah ? " masungit na tanong ni xai sakin.

" Akala ko kung ano niluto aroskaldo lang pala " natatawang sabi ni kiera.

" Sorry ito lang afford ko eh " tumawa naman itong bruhang ito.

Medyo close naman kasi silang dalawa palagi pa akong sinusumbong ni xai kay kiera , siguro sya ang nag sumbong kay kiera .

Umupo na ako at kumuha ng isang bowl na aros ,grabe BSHRM pa naman course nya akala ko talaga kanin at ulam lulutuin nya eh, pero masarap naman yung luto nya hindi na lugi kapag nag tayo sya ng lugawan store .

" Ano ba kasing ginagawa nyo dito ? " tanong ko sa dalawa.

" Paulit ulit  ka , sino muna yung babaeng kasama mo ?" huminga ako ng malalim at inalala yung nangyari kagabi kaso wala talaga akong matandaan na may kasama akong babae, baka naman kasi guni guni lang nila.

" Wala akong maalala na may kasama akong babae kagabi " aniya ko. Humiga na ako ng maayos at tumingin ako kay kiera ng tumayo ito.

" Aalis na ako , hinahanap na ako ni mama " aniya nya , nag katinginan kami ni xai at sumimangot naman ako.

" Ganun po ba , hindi kita maiihatid " aniya ko.

" Ayos lang sasakay na lang ako , mag iingat ka " aniya nya at lumabas na, wala man lang kiss or hug bago sya umalis eh , grabe jowa ko ba talaga yun.

" Selos yun " aniya ni xai." Umalis sya eh alam nyang masama pakiramdam mo ano ako na naman doctor mo " pahabol pa nya.

" Iwan mo na ko " seryosong sabi ko at nag talukbong ng kumot.

" Hindi naman kita pwedeng iwan , wala kang kasama dito "  aniya nya .

" Sanay naman ako " sabi ko .

" Ehem sanay daw style mo bulok " napangiwi ako ng hampasin nya ako ng malakas , kabigat ng kamay ng babaeng ito grabe.

" Aray naman ! , kabigat bigat ng kamay mo ineng may pag hampas ka pa " reklamo ko , kaibigan ko ba talaga sya alam ng masama pakiramdam ng tao eh.

" Masakit ba ? , mas masakit pa dyan na malaman nyang may kasama kang babae " aniya nito.

" Wala akong maalala na may babae akong kasama tsaka alam mo naman kung bakit ako nag iinom diba " aniya ko sa kanya.

Humiga sya sa tabi ko at may pag yakap pa sakin . Oo na sya na yung sweet na kaibigan . Alam nyang need ko ng body heat kapag masama pakiramdam ko o nilalamig ako kahit inis sya ay binibigyan nya ako ng yakap kahit hindi ko sabihin.

Daig pa naming mag girlfriend kesa mag kaibigan hahaha oo na masama ikumpara ang girlfriend sa iba pero kapag si kiera kasi niyayakap lang ako kapag naiyak ako ,nasaktan ako ,kapag nakakagawa sya na ikinagagalit ko minsan need ko pang sabihin na yakapin nya ako at halikan grabe hahaha.

" Oo nga pala tumawag si tita sakin , mag e-excuse ka pala ng one week ay kasama pala ako alam mo na business partner magulang natin trip yatang pahirapan tayo " natatawang sabi nya.

" Kaya siguro ako nag kasakit kasi tinatamad ako " pabirong sabi ko. Alam ko naman na need naming gawin yun dahil company ng magulang namin yun pero baka tinambakan kami ng gagawin mababaliw ako nun hahahaha.

" What if may nag ka crush sayo o nag kagusto ano gagawin mo? " biglang tanong nya.

" Edi congrats sa kanya kasi c-crush back ko sya madali ako kausap crush lang pala eh " natatawang sabi ko.

" Seryoso kasi " aniya nga at may pag kurot pa kaya naman napangiwi ako sa sakit.

" Alam mong may jowa ako diba , tsaka ayoko ng makasakit ng feelings ng iba " seryosong sabi ko. Tumango -tango naman sya na parang na iintindihin nya agad ang ibig kong sabihin .

" Mabait kana pala " aniya nya .



*******After 4 days ago*******

Gawa  dito, gawa doon . Ayan ang ginagawa namin ngayon dito sa office hindi ko ineexpect na mas madami pa ito sa nasa isip ko jusko kaya pala excuse kami ng one week dahil dito bakit kasi pinabayaan eh ayan tuloy . Sana naman sinabi ni mommy na ganito ang gagawin namin. Napahinto ako sa isang papers na hindi naman pamilyar sakin.

" Khenny panot come here  " tawag ko sa secretary ko dito sa company . Iba kasi yung secretary ko sa isang company eh .

" Yes po ma'am " aniya at tinignan pa ako ng malagkit kaya napairap na lang ako sa loob loob ko.

" Bakit may ganito dito ? " tanong ko sa kanya.

" Engagement contract po ito diba , baka po si madam ang nag lagay " aniya nya.

" Engagement contract pala paki tapon na lang nyan o di kaya sayo na yan hindi kailangan nyan dito " seryosong sabi ko

" Masusunod po " aniya at umalis na sya dala dala ang papel na engagement contract daw kuno.

Balak pa yatang ipakasal ako eh buti na lang hindi ko binasta basta ang pag  pirma dito sa mga papel na nakatambak sa harap ko . Ang bata bata ko pa para ikasal tsaka problemado na nga ako sa jowa ko malimit na talaga kami makapag usap hays bwisit na buhay ito nag away pa kami last last night hahaha  about sa simpleng bagay aba nag papalambing lang naman ako tapos pag open ko wala na yung nickname ko at nickname nya sa messenger gosh .

Nag kaayos naman kami kinabukasan dahil nga marupok ako then sinabi ko na parehas sila ng ex ko kapag naiinis tinatanggal yung nickname namin sa messenger gosh.

" Excuse ms. Alfonzo " napaangat ang timgin ko sa babaeng nasa harapan ko , bakit hindi ko napansin yun ampt.

" Ms. Aguirre " aniya ko at inirapan sya.

" Beh tara lalamon gutom na ako , balita ko may siopao sa canteen my treat " aniya nito.

" Xai bili mo na lang ako ang dami pa oh " aniya ko .

" Pumunta ako dito para yayain ka hindi para utusan ako ! " pag tataray nya .

" Okay fine tamad mo eh " kinuha ko yung ballpen ko at tumayo na.

" Namayat ka ah " puna nito sakin ,  wehh namayat ako seryoso ba sya parang hindi naman ah para ngang walang nag bago sakin eh.

" Talaga ? Baka naman guni-guni mo lang yun ah " natawa naman sya sa sinabi ko , pero totoo naman ang sinabi nya na pumayat ako iilang oras lang ang tulog ko at minsan ay nakakalimutan ko ng kumain dahil sa sobrang daming trabaho . Sumabay pa yung samin ni kiera ewan ko na lang kung hindi ako mamayat nito hahahaha.

Habang nag lalakad kami papuntang canteen nitong company ay hindi ko maiwasang hindi mailang  dahil sa mga tingin nila samin ni xai.

" Feeling ko artista ako " tumatawang sabi nya , napangiti naman ako dahil dun.

" Xai matanong ko lang bakit wala ka pang nagiging jowa ? " tanong ko sa kanya. NBSB kasi sya sabi nya yun hahaha . Halata naman na para syang iritado kapag nakakakita ng lalaki o babae na manliligaw sa kanya hahahaha. Binabasted nya agad sasabihin nya study first sya .

" Wala akong time para mag jowa tsaka sayo pa nga lang nasakit na ulo ko tapos mag jojowa pa ako " napasimangot naman ako sabihin nya yun grabe talaga sya sakin.

" Order mo na akong siopao isa lang kakain kasi ako ng kanin ng mag kalaman naman ang tiyan ko minsan kasi nag sasawa na ako sa siopao" aniya ko.

Medyo nag loading pa yata ang sinabi ko sa kanya na kinatawa ko na lang ng mahina hindi nya yata ine expect na sasabihin ko yun lalo na siopao ang usapan para kasing nasusuka na ako kapag nakain ako ng madaming siopao parang mas gusto ko na lang mag ice cream .

" Louise is that you ? " napangiwi ako ng marinig ang boses na yun , dito nga pala sya nag tatrabaho bwisit na yan.

" Hesia " banggit ko sa pangalan nya.

" Yeah it's me kamusta " may pag kawit pa ito sa braso . Buti na lang at wala si xai at umoorder na ng pag kain namin.

" Okay lang ako " seryosong sabi ko sa kanya.

" Sino sya ? " napalingon ako kay xai na may dala ng pag kain namin.

" Sya diba si xaimine itatarget lock ko na gosh " natawa na lang ako sa binulong ni hesia dahil pinamukha nyang adik sya sa mobile legend hahaha.

" Ahh xai si hesia kapatid ng secretary ko sa kabilang company " aniya at nginitian si xai na parang bwisit na bwisit na dahil sa babaeng kaharap nya hahahaha.

" Masakit na braso ko louise tara na " seryosong sabi ni xai na ikinalunok ko bigla . Mukhang mababatukan ako nito kapag nag kamali ako ng sasabihin.

" Sama ako sa inyo ms. Xai " singit ni hesia.

" Don't you dare " malamig na sabi nito kay hesia.

" Paano hesia una na kami ah masama magalit yan " aniya ko at inalis na ang pag kawit nya sa braso ko .

Kinuha ko naman agad yung ibang dala ni xai at binigay nya naman ito ng maayos , masama magalit ang isang babaeng masayahin baka ipasalvage ako nito eh hahahaha.

" Nambabae ka na naman " biglang sabi nya .

" Kaibigan ko lang yun " aniya ko at umupo na .

" Kung maka lingkis sayo daig pang ahas " natawa ako sa sinabi nyang yun , grabe naman sya ahas talaga kung alam nya lang na type sya ni hesia haynako hahahaha.

" Grabe ka naman sa kaibigan ko " aniya ko.

" Kumain ka na lang dyan " aniya nya na ginawa ko naman .

Tahimik kaming kumakain at mga walang balak na mag sayang ng laway grabe ayoko ng ganitong tahimik para akong mamatay charrr . Napatingin ako kay xai na seryoso lang sa pag kain at parang may malalim na iniisip dahil halos gutay-gutayin nya na yung chicken na binili nya .

" Alam mo ba sila yung mga boss natin na hindi maarte"

" Kaya nga tapos nakikihubilo pa sila satin na parang normal lang sa kanila yun "

" Sana ganyan lahat ng mga boss diba "

" Nakakainlove silang dalawa "

Natawa ako ng mabulunan si xai pffft sa dami daming sasabihin nila yun pa talaga tapos ito namang isang ito grabe maka react ayan tuloy nabulunan hahahaha.

After namin kumain ay bumalik na kami sa sari-sarili naming office  . Pinag patuloy ko na ang pag pirma ko sa mga papeles na nasa table ko  na parang hindi nababawasan sobrang dami putik na yan hahahah.

Continue Reading

You'll Also Like

69.7K 3.2K 74
❤️
281K 13.2K 61
ပုံတိုင်းဆောင် +ရာချီဒွေး သူကြီးသားလေးနဲ့ အပေါင်ဆိုင်သားလေးတို့ကိုဖတ်ပေးကြပါအုန်းရှင့် တောရွာပုံစံလေးကိုမှ ကြိုက်နှစ်သက်ရင်တော့ဒါလေးဖတ်ဖို့တောင်းဆိုပ...
39K 1.2K 8
សាច់រឿងមិនសាកសមសម្រាប់ក្មេងក្រោម(18+)មានពាក្យរោលរាលអាសអាភាស🔞
269K 7.8K 133
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."