Fools In Love (SELF-PUBLISHED)

Av pajama_addict

36.5K 1.5K 242

Lovefools Book 2 Mer

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 3

754 54 1
Av pajama_addict

I'd usually be home before 7:30 in the evening unless there were fraternity-related activities that I needed to be present in.

When she'd know that I'd be home late, my wife would arrange and then rearrange the entire first floor of our apartment out of sheer boredom.

Tonight wasn't an exception.

"Uy, ano ito, sa sala na tayo kakain?" I asked after I gave her a kiss. "Bakit nandito sa sala ang dining table?"

"Hindi ko pa naibabalik kasi. I wanted to repaint the kitchen cabinets earlier kaya lang naalala kong ayoko nga pala ang amoy ng pintura."

"Baka sa susunod, Lalabs, babakbakin mo na 'yung mga tiles natin 'tapos papalitan mo ng bago, ha."

"Pwede rin," she replied.

I laughed as I lifted one end of the table to drag it back to the kitchen.

"Akin na tulungan na kita," my wife said lifting the other end.

"Lalabs, ako na."

"Ano ka ba, I'm not some weak damsel-in-distress. Nabuhat ko nga 'to mag-isa, eh."

"Ayokong nagbubuhat ka ng mabigat kung nandito naman ako."

"Sir, mas mabigat ka pa po rito sa mesa pero gabi-gabi naman kinakaya ko ang pagdagan-dagan mo sa akin."

"Lalabs, nagrereklamo ka na ba?" I asked pretending to look hurt. "'Tsaka masarap naman 'yung ginagawa natin, 'di ba?"

"Masarap po. Masarap po kayo..." my wife replied with a naughty grin.

I was laughing as we carried the dining table.

"Dito ba 'to?" I asked.

"Usog nang kaunti sa right...kaunti pa...'yan d'yan."

We put the table down.

"Lalabs, kung anu-ano na lang ang pinaggagawa mo. Mamaya n'yan ay tototohanin mo na 'yung mga plano mo noon na mag-aaral kang mag-gantsilyo. Baka magugulat na lang ako kasi bigla akong magkakaroon ng bagong gantsilyong boxers."

"Uy, that's a great idea. I will crochet a matching necktie for you 'tapos 'yun lang isuot mo." She playfully winked at me. "Siguro ang sexy-sexy tingnan ng asawa ko."

"Sexy naman talaga ako, ah. Bakit may kasamang salitang siguro?"

"Lalabs, alam nating dalawa kung gaano ako na-si-sexy-han sa'yo, kaya h'wag ka nang magpasuyo d'yan."

"Grabe ka sa akin, Lalabs. Pero, ang tanong, bakit may necktie at boxers pa akong suot-suot, eh, pwede namang wala?"

"Kasi tatanggalin ko 'yung sinulid isa-isa para naman exciting."

We fell about laughing.

"Lalabs, 'yung imagination mo sobra nang wild. Baka magising na lang ako na nakatali na ako sa kama n'yan."

"Ayaw mo n'un, spicy tayo? Mrs. Grey is ready to see you now..."

"Anong Mrs. Grey?" I scowled. "You're my Mrs. Yu."

"It's just in reference to the movie, ikaw naman."

"Ayokong tawagin mong Mrs. Whatever ang sarili mo. You're just Mrs. Yu."

"Naks naman. 'Yan ang problema sa'yo, Lalabs, eh. Masyado mo akong pinapakilig."

"Tara tulog na tayo..." I lecherously said. "Gusto kong humigop ng sabaw."

"Iinitin ko muna 'yung ulam para mas masarap 'yung sabaw," she replied.

I laughed again.

"Gutom na gutom ako..." She pouted.

"Umupo ka lang d'yan, ako na ang mag-iinit ng ulam at maghahanda ng mesa. Pasensya ka na kasi pasado alas nueve na akong nakauwi."

"Sanay na," she replied, a hint of sadness in her voice. "Sige na nang makakain na—"

I pulled her into my embrace. "Nagtatampo na naman ba ang asawa ko?"

"Hindi. Pero, gutom na gutom na kasi ako, eh."

"Sana nauna ka na lang kumain."

"Gusto kitang kasabay. Sobrang lungkot kayang kumain mag-isa. Sa laki ng pamilya ko, hindi talaga ako sanay kumain mag-isa."

I sighed. "Hindi bale, after this school year ay back to normal na ang schedule natin. Kailangan ko lang kasi talagang ayusin 'to, Mrs. Yu, eh. Ang daming problemang iniwan ng nakaraang set of officers ng frat at gusto kong bago man lang matapos 'yung termino ko ay maayos ko na lahat ng 'yun."

"Hindi mo kayang ayusin lahat, Redley. Besides, bakit ba ikaw ang nag-aayos, eh, problema 'yun ng ibang tao? Tingnan mo naman, lahat ng past officers ay graduate na, sinong hahabulin n'yo?"

"Lalabs, kaya nga fraternity, 'di ba, kasi kapatiran? 'Yung kalat ng kapatid mo, kailangan mong linisin at hindi pwedeng pabayaan mo lang dahil dala-dala n'yong lahat ang pangalan ng fraternity n'yo."

"Ang swerte ng mga 'yun dahil gan'yan ka mag-isip. Eh, sila ba naisip nila 'yung kalat na iniwan nila?"

"I learned from one of the frat's best LCs. 'Yun kaya ang turo sa akin ni Dad."

"Ay, naku, matawagan nga 'yang tatay ko at kung anu-anong itinatanim d'yan sa utak mo."

I fondly rumpled her hair. "H'wag na mainit ang ulo, Mrs. Yu. O, sige na, maupo ka muna at ihahanda ko na 'yung hapunan natin."

I reheated our dinner and set the table before I called my wife to the kitchen. She was unusually quiet which had me worrying.

"May problema ba?" I asked.

She shook her head.

"Bakit ang tahimik mo? Kanina naman okay ka."

"Nag-iisip lang."

"Tungkol saan?"

"Ewan ko..."

"Lalabs, sabihin mo sa akin. Para naman gumaan-gaan 'yang pakiramdam mo."

She sighed. "Ang totoo sobrang bored ako rito sa bahay. Is it too late to join an organization? Para naman may iba akong pagkakaabalahan? Kasi maaga nga akong umuuwi pero mga anim na oras pa rin naman akong maghihintay sa'yo. Sakit na ng ulo ko sa kakahiga. Sobra na akong naging studious kasi basa lang ako nang basa. Tingnan mo naman itong buong bahay, kung anu-ano na lang inaayos ko rito. Ayaw mo rin namang lumabas akong mag-isa, eh, nababaliw na ako rito sa apartment."

"Okay," I noncommittally said.

"Okay, what?"

"Okay, pwede kang sumali ng org..."

"Bakit parang napipilitan ka? Ayaw mo ba na sumali ako ng org?"

"Hindi naman sa ayaw. Kung 'yun ang gusto mo, okay lang sa akin."

"Pero?"

"Hindi ko alam. Hindi lang ako ready na uuwi ako rito 'tapos wala ka kasi may activities ka. Ang selfish pakinggan, ano?"

"Hindi naman ginagabi 'yung orgs, eh. Kung gagabihin man hindi parati. Unlike d'yan sa frat n'yo na sobrang dibdiban. Gusto ko lang na meron akong matambayan pagkatapos ng klase ko. Minsan kasi mahigit isang oras 'yung pagitan between my classes. Gusto kong meron akong nakakausap habang naghihintay ng next period. Sawang-sawa na ako sa katatambay sa library."

"Okay. Okay lang sa akin, Lalabs. Basta, tatandaan mo palaging may asawa ka na, ha. Ayokong may ka-close kang lalaki kasi alam mo namang sobrang seloso ako."

"Eh, 'di wow. Ganda ko, ha."

"Maganda ka naman talaga."

"Oo, alam ko," she glibly replied. "Pero, hindi naman ako malandi, 'di ba?"

"Hindi nga, pero, alam mo na, iwasan lang natin 'yung mga gan'ung bagay which might cause a strain in our relationship. Alam ko namang matino kang babae, eh, parang ako matino akong lalaki, pero, hindi ba hindi naman natin maiwasang magselos kung may aali-aligid?"

"Sige. I promise wala akong kakausaping lalaki, wala akong magiging close na lalaki, at hindi pa man nila itatanong ay sasabihin ko na kaagad na may asawa na ako."

"Good. Saan mo ba gustong sumali na org?"

"Sa ­U.P. BAAS."

I frowned at her. "Hindi ba org 'yan n'ung Gian?"

"He's one of the members, yes."

"Wala na bang iba?"

"Lalabs, September na, start ng classes usually nagsisimula ang recruitment ng karamihan ng orgs sa U.P. Itong BAAS na lang ang tumatanggap pa ng applicants."

"Imposibleng sila lang. Maghanap ka ng iba. Ayokong kasama mo sa org 'yung lalaking 'yun. Hanggang ngayon ay mainit pa rin dugo ko sa kanya."

"Wala naman s'yang kasalanan sa atin."

"Pinormahan ka n'ya dati."

"Dati 'yun. Diyos ko naman. May girlfriend na 'yung tao. Sa gwapo n'un imposibleng hindi naman 'yun agad-agad magkakaroon ng girlfriend—" she stopped talking when she saw me scowl.

"Ah, so, gwapo s'ya?"

She flashed me a peace sign. "Mas gwapo ka."

"Hindi 'yan 'yung usapan dito, eh. Sinabi mong gwapo s'ya. Crush mo 'yun dati, 'di ba? Hanggang ngayon ba crush mo pa rin 'yun?"

"Ano ka ba? Ang tagal na n'un, ano."

"Sigurado ka ba?"

She put her spoon and fork down. "Pucha naman, Redley. Ako gusto ko lang sumali ng org hindi para makipaglandian kundi dahil sobrang batung-bato na ako sa buhay ko. Mabuti dahil may mundo ka maliban dito sa mundo nating dalawa. Ako, burung-buro na ako rito."

"Talaga bang burung-buro ka lang dito o baka naman burung-buro ka na sa akin?"

"Tangna, ha, h'wag mo akong sisimulan..." She pushed to her feet and then left the table.

I stared at the seat she vacated before following her to our bedroom.

She was sitting on the bed staring at her feet, her back against the headboard.

"Lalabs..."

She did not reply.

"Sorry..." I murmured. "Lalabs, sorry na..."

"Okay lang..." she quietly said.

"Hindi okay. Alam ko. Pag-usapan natin, please..."

"Walang dapat pag-usapan."

"Green..."

"What's the point na pag-usapan pa natin, Redley? Ilang linggo natin 'tong pinag-awayan dati, may nagbago ba? Hindi ba, wala naman?"

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gawin mo lang kung ano ang gusto mo," she said.

"Green, come on..."

She looked at me with hurt and anger in her eyes. "Talagang magseselos ka kay Gian? Talagang gagamitin mo 'yung pagiging member n'ya ng BAAS para hindi ako sumali? Ginamit ko ba kahit kailan laban sa'yo 'yung Gem na 'yun kahit na alam naman n'yang kasal na tayo pero dikit pa rin s'ya nang dikit sa'yo hanggang first sem last school year? Hindi ba wala kang narinig? Kasi may tiwala ako sa'yo, eh. At kung nagalit man ako, hindi sa'yo kundi sa kanya."

"Kahit kailan hindi ko s'ya in-entertain."

"Kahit kailan never kong in-entertain si Gian. Not that he's like Gem na todo kung magpapansin kasi 'yung taong 'yun mula n'ung nalaman n'yang tayo ay lumayo nang kusa."

"Paano kung lumapit s'ya sa'yo ngayon?"

"Lintek naman, Redley, ano ba ang gusto mong palabasin?"

"Pinoprotektahan ko lang kung ano ang akin."

"Ibig sabihin ay wala kang tiwala sa akin?"

"Meron, malaki. But, I seriously do not understand why what we have is not enough for you."

"What?"

"Green, my mother is a stay-at-home Mom. Wala s'yang ginawa kundi ang alagaan kami at hintayin si Daddy na umuwi galing sa trabaho, but she never did once complain."

"Hindi ako ang nanay mo, Redley!" She looked at me in disbelief. "Anong ibig mong sabihin, even after we graduate ay hindi ako pwedeng maghanap ng trabaho dahil dapat nasa bahay lang ako dahil ako ang babae?"

"No, no, Lalabs, that came across differently."

"That better be the case. My mother worked as hard as my dad. At kahit kailan ay hindi 'yun naging issue sa kanilang dalawa. Kaya h'wag mo akong ikukumpara sa Mommy mo because as much as I love her like I love my own mother, I will not welcome the comparison!"

"Mali ako. Oo, mali ang pagkakasabi ko. I'm sorry. Hindi 'yun ang ibig kong palabasin."

"Hindi 'yun ang ibig mong palabasin pero 'yun ang lumabas. Ibig sabihin that idea has been at the back of your mind all this time!"

"No..."

I sighed. "The truth is natatakot ako."

"Saan? Kanino? Don't tell me kay Gian dahil sasapakin na talaga kita—"

"Partly, oo. Pero, natatakot ako na magkaroon ka ng mundo kung saan wala ako. Natatakot ako na sa sobrang busy ko ay may iba nang magpapasaya sa'yo. Natatakot ako na baka magkaroon ng ibang taong pupuno d'un sa mga pagkukulang ko. Natatakot ako, Green, kasi mahal na mahal kita..."

"Did I ever show any inclination na maghahanap ako ng iba? Gan'un ba ang dating sa'yo kapag sinasabi kong na-mi-miss na kita?"

"Hindi. But I am just like this because I know that lately, I have not been a great husband – that you deserve better than this lame partner that I have turned into. Alam kong busy ako, Green, and as selfish as it sounds, I still want you waiting for me every time I get home. I still want you texting me endlessly because you're worried. I still want to be the only sun your world revolves around."

"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, ha, talagang sun kita, ano?" she asked.

"Hindi ba?"

"Hindi, ah..."

"Oo kaya. You're my sun, too. You're my muse, my security blanket, the balm that keeps my soul at peace. Please, hintayin mo naman ako. Hindi naman ako nawala sa tabi mo, eh, at hinding-hindi ako mawawala. Ayokong humanap ka ng ibang mundong gagalawan. Makuntento ka naman sa akin, please. I promise, babawi ako. Sige naman na, o, Mrs. Yu."

She crossed her arms over her chest. "You sound so selfish..."

"Sorry—"

"Gusto kitang saktan kasi napaka-backward ng pag-iisip mo at sa totoo lang, the self-reliant and independent woman in me is raising her fist to rebel against your traditional notions—"

"I know but that's how I feel. I love the self-reliant and independent woman that you are but I want my wife to need me. Kailanganin mo naman ako, Mrs. Yu..."

She looked at me with an unreadable expression on her face.

"Gusto kitang ipagdamot. Akin ka lang, 'di ba? At oo, patay na patay ako sa'yo or else hindi ako magkakaganito. At oo alam ko rin how controlling this sounds and I am really trying to loosen my grip on you pero hindi ko kaya. Baka in two, maybe three, years ay kaya ko nang baguhin..."

I heaved another sigh. "Sorry..."

"I know how some feminists would frown at what I am going to say next pero shit, bakit kinikilig ako sa sinabi mo? Ang lakas makaganda ng mga paghigpit-higpit mong gan'yan. Pero, hindi tama 'yan, Redley, that's not healthy. At hindi rin tama na basta ko na lang tatanggapin 'yung kaungasan mong gan'yan."

"I promise, babaguhin ko 'to. Mag-a-adjust ako, I swear. Importante lang kasi sa akin na alam mo 'yung nararamdaman ko."

"Alam ko..."

"I know you can relate, patay na patay ka rin kaya sa akin..."

She instantly frowned. "Ay, grabe, nandamay talaga s'ya sa kahibangan n'ya. Kakaiba."

I smiled before kissing the top of her head. "Hayaan mo namang sa akin lang muna umikot ang mundo mo tulad nang walang-sawang pag-ikot ng mundo ko sa'yo..."

"Ay, sa akin lang daw...h'wag ka na nga. Sa dami ng iniikutan ngayon ng mundo mo, buong planetary system na ng galaxy natin ang nadalaw mo."

I chuckled. "Lalabs, this position that's keeping me busy is temporary. But the position that you hold in my life is perpetual, undeviating, undying, and eternal..."

She groaned out loud. "Nand'yan na naman 'yang eternal na 'yan, eh..."

"'Yun ang totoo, eh..."

She held my gaze before she sighed. "Ito yata talaga ang destiny ko..."

"Ang ano?" I asked.

"Ang mag-aral mag-gantsilyo..."

I laughingly kissed her on the lips.

Fortsett å les

You'll Also Like

26.1K 1.6K 6
The ties we're bound to...
2.9M 23.6K 5
Loving you to a fault...
343K 5.3K 23
Dice and Madisson
198K 18.5K 8
Love. Life. And beyond.