DG Series #3: Never Gonna Let...

lhiamaya által

800K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Több

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 19

17.9K 637 43
lhiamaya által

Jolene

NAPAAWANG ang labi ko ng pagpasok ko ng bahay naabutan ko ang mag ama na naghaharutan sa sala. Nakalatag ang kutson at nakahiga si Atlas habang nakasakay naman sa tiyan nya si Jeremiah. Kinikiliti ni Atlas sa tiyan ang anak na ngayon ay halos di na makahinga sa kakatawa.

"Papa ayaw ko na po ahahahaha!"

"Hindi, gusto mo pa eh."

Inangat ni Atlas ang katawan ni Jeremiah at dinapa sa mukha nya. Nakadagan ngayon ang tiyan ni Jeremiah sa kanyang mukha. Ginalaw galaw nya ang bibig sa tiyan ng anak.

"Ahahahaha papa! Ayaw ko na po talaga ahahahaha!"

Tumikhim ako ng malakas para kunin ang atensyon ng mag ama. Tumigil naman sila sa harutan at tumingin sa akin.

"Mama!" Bumangon si Jeremiah at tumakbo palapit sa akin. Yumuko ako para makahalik sya sa aking pisngi. Ako naman ang humalik sa ulo nya. Medyo pawisan na sya. Kinuha ko ang bimpo sa kanyang likod at pinunasan ang pawis nya sa mukha at leeg.

"Heto may pasalubong ako sayo." Inabot ko sa kanya ang supot na may lamang tatlong pirasong donut. Paborito nya kasi ang donut.

"Wow donut! Pero madami pa pong donut ta ref mama. Dami nga po ulit natin pagkain eh."

Napakunot ang noo ko at tumingin kay Atlas na bumangon na. Nakakhaki shorts sya at t-shirt na puti.

Tumikhim sya. "Welcome home sugar." Malambing na bati ni Atlas.

Iningusan ko lang sya.

"Bumili ka na naman ng mga pagkain? Lumabas kayo ni Jeremiah?"

"Hindi kami lumabas, nagpadeliver lang ako."

"Ah, mabuti naman. Akala ko lumabas kayo eh."

Bumuntong hininga sya. "Bakit ba parang lagi kang walang tiwala sa akin? Hindi ko naman itatakas ang anak natin. Hindi ko sya ilalayo sayo. Hindi ko magagawa yun." Bagsak ang balikat na sabi nya.

Napanguso naman ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Alam kong hindi nya magagawa yun. Gusto ko lang subukan ang pasensya sya. Gusto ko lang syang asarin. Makabawi man lang ako sa mga paghihirap ko noon noong wala sya.

"Ano namang pagkain ang mga pinagoorder mo? Baka puro fast food yan at junk food." Nasabi ko na lang.

"Nagpadeliver ako kanina ng fast food dahil yun ang gustong meryenda ng anak natin pero kaunti lang naman ang pinadineliver ko. Pero kaninang tanghali nagpadeliver ako ng lutong pagkain sa restaurant. Marami pang natira nasa ref. Magpapadeliver na lang din ako ng pagkain para sa hapunan natin. Ano bang gusto mo?"

Bumuntong hininga ako. Sa mag iisang linggo na nyang patambay tambay dito sa amin ay puro sya padeliver ng pagkain. Palibhasa marami syang pera.

"Wag na, puro na lang deliver. Magluluto na lang ako iinitin ko na lang yung natirang ulam. Teka, nagsaing ka na ba?"

"Nagsaing na ako sa rice cooker."

"Mabuti naman. Pasok muna ako sa kwarto magbibihis lang ako."

"Gusto mong tulungan na kitang magbihis?" Pilyong sabi nya na ikinainit ng aking mukha.

"Heh! Dyan ka lang bantayan mo si Jeremiah." Inirapan ko sya at nagmamartsang pumasok na sa kwarto baon ang kumakalabog na dibdib.

Pagpasok ko sa kwarto ay nilock ko ang pinto. Baka mamaya bigla nya akong pasukin at akitin. Nanghihina pa naman ang tuhod ko kapag nasa malapit lang sya.

Wala pa akong sagot sa hinihingi nyang isa pang chance. Di ko kasi alam ang isasagot ko. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Gusto ng isip ko na wag na syang bigyan ng pagkakataon dahil baka mabigo lang ulit ako. Pero ang isip ko naman ay gustong gusto syang bigyan ng pagkakataon. Pero nitong mga huling araw parang sumasangayon na rin ang isip ko sa puso ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at nagbihis na. Magluluto pa ako dahil mag aalas sais na. Wala pa si Leah dahil sinamahan nya si Nana sa hospital. Sinugod kasi si Tata kanina sa hospital dahil bigla itong nabuwal sa kusina. Hinihintay kong makauwi si Leah para makibalita. Nag aalala din ako kay Tata.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang dalawa na nakasalampak na sa kutson. Nakakandong si Jeremiah sa kandungan ni Atlas habang nanonood sila ng cartoons sa flat screen tv na nakasabit sa dingding na hindi naman kalakihan. Kumakain pa ng donut na uwi ko si Jeremiah.

"Baby isang donut lang ang kainin mo ha malapit na tayong maghapunan baka hindi ka makakain nyan." Paalala ko sa anak.

Tumingin sa akin si Jeremiah. "Opo mama." Binigay nya ang supot ng donut sa papa nya.

Tumungo na ako ng kusina. Binuksan ko ang hindi namin kalakihang ref. Puno ito ng pagkain. Maraming diposable container ang nasa ref na puro pagkain ang laman at may box pa ng donut. Simula ng nagtatambay dito si Atlas laging puno ang ref namin. Madalas na rin kaming mapanisan. Mapagsabihan nga sya mamaya. Nagsasayang lang sya ng pera at pagkain.

Nilabas ko ang mga container at nilagay sa mesa. Iinitin ko ang mga yun at yun ang kakainin namin ngayong gabi. Baka masira pa ang mga ito kapag pinatagal sa ref.

Binuksan ko isa isa ang mga container. Puro ulam ang laman. Wala pang bawas ang iba. Ang dalawang container ay kaunti lang ang bawas. Sinaksak ko ang maliit na oven na bigay pa ni Nana at nilagay doon ang isang ulam na sinalin ko sa mangkok. Ang iba naman ay sa kawali ko na ininit.

Pagkatapos kong initin ang mga ulam ay naghain na ako at tinawag na ang mag ama. Si Leah ay nag text na mamaya pa uuwi.

"Atlas." Untag ko kay Atlas sa gitna ng hapunan namin. Nag angat sya ng tingin sa akin mula sa paghihimay ng karne para kay Jeremiah.

"Yes sugar?"

Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig. "Pwede bang wag kang masyadong bumibili ng maraming pagkain. Napapanis yung iba sayang lang."

Ngumiti sya. "Sure sugar."

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain. Ganyan naman sya. Lagi lang syang oo sa mga sinasabi ko.

"Sya nga pala sugar, pwede bang lumabas tayong tatlo sa linggo."

Kunot noong nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

"Wala lang, gusto ko lang lumabas tayong tatlo. Ipasyal natin sa mall sa Jeremiah."

"Talaga po papa? Mamasyal tayo ta linggo?" Excited na tanong ni Jeremiah.

"Yes baby, kung papayag si mama."

Tumingin sa akin si Jeremiah at nagpuppy eyes pa na may kasamang pagnguso.

"Sige na po mama payag ka na please." Lambing ng anak ko.

Bumuntong hininga ako. "Oo na sige na." Pagpayag ko. Para sa anak ko naman yun.

"Yehey! Mamatyal kami ta linggo." Tuwang sabi ni Jeremiah. Ginulo pa ng ama nya ang kanyang buhok.

Tumingin sa akin si Atlas at ngumiti.

"Sige na ubusin mo na yang pagkain mo."

"Yes po mama."

.

.

Atlas

MAAYOS kong nilagay ang mga nakatupi kong damit sa duffel bag. Pang ilang araw na damit ang nilagay ko. Hindi pwedeng isuksuk ko na lang basta sa bag ang mga damit ko dahil kapag nakita yun ni Jolene na magulo ay papagalitan lang ako nun. Ayaw kasi nya ng burara sa gamit. Mabuti nga at hindi na nya ako tinataboy sa bahay nila. Hinahayaan na rin nya akong matulog doon kahit sa sala lang katabi ang anak namin.

Napangiti ako ng maalala ang anak. Ang bibong bibo na makulit at malambing kong anak. Thirty minutes pa lang simula ng ihatid ko sya sa school ay namimiss ko na sya. Ganito pala ang pakiramdam na may anak. Parang sa kanila na lang umiikot ang mundo mo at ibibigay mo ang lahat mapasaya lang sila. Excited na rin ako na ipasyal ang mag ina ko sa linggo.

Ngayon pa nga lang marami na akong plano para sa mag ina ko. Pero uunahin ko munang makuha muli ang loob ni Jolene. Alam kong labis syang nasaktan dahil sa pag aakalang inabandona ko sya. Ako rin naman nasaktan sa pagaakalang kinalimutan na nya ako. Pero alam kong mas nasaktan sya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng limang taon. Nakakapanghinayang na wala ako sa kanyang tabi noong panahong nagbubuntis sya at nanganak. Kaya pinapangako kong babawi ako sa kanya at sa anak namin. Bubuuhin ko ang pamilya namin.

Binitbit ko na ang duffel bag at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko sa sala si Ava na prenteng nakahiga habang nakatutok ang mata sa hawak na ipad. May nakapasak pang airpod sa kanyang tenga. Pero agad syang bumangon ng makita ako. Tinanggal nya ang airpod.

"Kuya, saan ka na naman pupunta at may dala kang duffel bag. Mukhang marami raming damit yan ah. Wag mong sabihing mag a-out of town ka na naman." Nakangusong wika ni Ava. Ang daldal talaga nya.

"Parang ganun na nga." Sabi ko na lang.

"Panay ka gala. Ang sabi ni mommy hindi ka raw pumapasok sa opisina mo ilang araw na. Baka malugi na ang kumpanyan natin nyan. Lagot ka kay daddy multuhin ka nun."

"Tsk, dami mong alam. Hindi malulugi ang kumpanya natin kahit sampung akong hindi pumasok sa opisina. Kaya wag kang magalala hindi maghihingalo ang atm mo. Si mommy pala?"

"Nasa clubhouse kasama ang mga amiga nya nagzuzumba."

"Eh bakit ikaw nandito sa bahay? Wala kang pasok?"

"Wala kaming pasok ngayon kuya."

"Kaya panay hilata at gadget ang inaatupag mo. Dapat sumama ka kanila mommy magzumba. Bumibilog ka na o."

Sinipat sipat naman ng kapatid ang mga braso nya at hinimas pa ang tiyan.

"Hindi naman. Kaunti na nga lang ako kumain eh." Nakangusong turan nya.

Ngumisi naman ako. "Kaunti nga pero ilang beses ka namang kumain sa isang araw."

"Eh sa nagugutom ako eh. Alangan namang tiisin ko ang sarili ko."

Napailing iling na lang ako. Wala namang problema sa akin kung tumaba sya ang importante malusog sya. Pang asar ko lamg naman sa kanya na nanaba sya.

"Alis na ako pakisabi na lang kay mommy." Paalam ko sa kapatid.

"Kelan ka na naman uuwi kuya?"

"Basta uuwi uwi din ako. Tatawag naman ako palagi." Sinilip ko ang oras sa relo. Maaga aga pa naman para sunduin si Jeremiah. Sasaglit muna ako sa office ni Kester.

"Alis na ko." Iniwan ko na ang kapatid sa sala.

"Wait lang kuya."

Kunot noong nilingon ko ang kapatid. "Bakit na naman?"

Ngiting ngiti na nilahad nya ang kamay. "Baka may cash ka dyan."

Kumamot ako sa ulo at dinukot ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon. Binuksan ko ito at dumukot ng limang libo sabay abot sa kanya.

Mabilis nya iyong kinuha. "Thank you kuya! Ingat ka sa pupuntahan. Lagi kang magcocondom ha baka makabuntis ka ng wala sa oras."

"Bunganga mo Ava." Parehas talaga sila ng bibig ni mommy walang preno.

"Nagpapaalala lang kuya, sige na umalis ka na."

Iiling iling na lang ako at malalaki ang hakbang na lumabas na ng bahay bago pa humirit ang kapatid. Bago ako sumakay sa kotse ay tinawag ko ang dalawang driver at tatlong tauhan na nakabantay sa gate. Binilinan ko muna sila para sa safety ng bahay at ng ina at kapatid ko.

-

"Saan ka ba naglalagi nitong mga nakaraang araw pare? Aba'y di ka namin mahagilap ah." Tanong ni Kester.

"Basta importante itong ginagawa ko."

"Ano na naman ba yan? Bagong negosyo o bagong babae? Baka naman may binabahay ka ng babae." Nakangising turan ni Kester.

"Ulul." Tanging nasabi ko na lang. Hindi ko muna sasabihin ang tungkol sa mag ina ko dahil siguradong mangungulit sila at maraming tanong. Saka ko na sasabihin kapag ayos na kami ni Jolene.

"Bakit ka ba napadaan dito sa opisina ko?"

"May hihingiin sana akong pabor."

Kumunot ang noo nya. "About what?"

"Baka pwedeng ikaw muna ang makipag meet kay Mr. Crispino sa linggo bilang representative ko."

"Ano? Hindi ako pwede ng linggo pare may date ako." Tanggi nya.

"Sige na pare. Hindi talaga ako pwede sa linggo dahil may importante akong gagawin. Ayaw din namang ipamove ni Mr. Crispino sa ibang araw ang meeting namin gusto nya sa linggo dahil yun lang ang maluwag na araw nya."

"Tsk! Baka pwedeng si Luigi o Matias na lang pare. Baka magtampo sa akin si Jenica."

"Eh di pakiusapan mo muna si Jenica. Pwede namang magdate kayo pagkatapos ng date nyo ni Mr. Crispino. Ala ala una naman yun ng tanghali eh. Hindi pwedeng si Luigi ang ipaharap ko hindi papayag yun dahil busy yun sa asawa. Si Matias naman maiksi ang pasensya."

Bumuntong hininga si Kester. "Sige na nga. Pero utang mo to sa akin ha. Sisingilin kita."

Nakahinga ako ng maluwang. Importanteng kliyente kasi si Mr. Crispino.

"Salamat naman at pumayag ka pare. I promise you babawi din ako sayo." Tumayo na ako mula sa couch. "I-send ko na lang sayo ang details sa email."

"Oo na, sige na umalis ka na at marami pa akong trabaho." Minuwestra nya ang mga patong patong na folder.

Natawa naman ako dahil salubong na ang kilay nya.

"Thanks par, una na ko."

Tinanguan lang nya ako habang nakatutok na ang kanyang mata sa papeles.

Lumabas na ako ng opisina nya. Binati pa ako ng kanyang sekretarya. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang elevator.

Sinilip ko ang oras sa relo. Malapit na ang uwian ni Jeremiah.

Sumibol ang pananabik sa aking dibdib na makita ang anak.

*****

Olvasás folytatása

You'll Also Like

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...