QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧...

By Gamatoki

2.2M 56.1K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]

31.7K 740 83
By Gamatoki


 Santillan



 "Can somebody explain to me as to why out of twenty-five students, lima lang sa inyo ang nakapasa sa exam ko?!" Kapapasok palang ng classroom ni Prof Robles, ayan agad ang bungad niya sa amin. Nagkatinginan kaming magkakaklase. Kabado na agad.


Hindi niya na po kami binigyan ng pagkakataong i-greet man lang siya. Hindi niya na din binigyan ng chance makapag dispersed ng maayos yung mga classmates ko na nag umpukan sa likod na akala ko'y may on-going FlipTop battle dahil saksakan ng ingay ng mga bunganga.


 Well, kung sabagay. Base na rin sa tono at volume ng boses, isama mo na rin ang makapanindig balahibong facial expression niya ngayon. Hindi talaga angkop ang Good sa 'Good Afternoon, Sir.' Baka lalo lang siya mag-alboroto. Ayaw lang namin makakita ng lumilipad na armchair. Manahimik nalang tayo.



 "Saan part doon ang hindi natin pinag-aralan? Sige nga, sabihin niyo sa akin. Bilis!" sigaw niya pa sa aming mga estudyante niya na busy na sa pakikipag titigan sa sahig. Umiwas na din ako ng tingin sa kaniya kahit na hindi naman ako kasali sa mga bumagsak. Exempted ako sa exam eh. Mahirap na ano. Baka mapag initan pa.


Walang sumasagot. Walang gumagalaw. Contrary sa malamig na panahon ng February, parang nakakapaso ata ang temperature sa building ng BSA ngayon. Specifically dito po sa Room 221A sa subject na Accountancy 2. Lahat parang nasa hot seat. Pinag papawisan na ng malapot yan.

Eto yung mga klase ng sitwasyon na ipinag papasalamat ko na hindi ako nakaupo sa unahan. Wala ako sa sentro ng ... delubyo? Dito talaga ako sa likod pumwesto. Daming vacant chairs eh. Buti nalang at madaming absent ngayon. Isama mo na si Klang, syempre. Ugali niya na talaga yang biglang nawawala after ng major exam. Sayang. Sana naki join nalang din ako. Kaya naman pala parang kinakabahan akong pumasok sa subject na 'to kanina.


 "See? Walang makasagot sa inyo dahil pinag aralan naman talaga natin lahat. Itinuro ko lahat! I even gave pointers for your review. Pero mga bagsak pa rin kayo!" 



 Kahit naman mayroon hindi na-discuss na lumabas sa exam, wala pa rin mag-lalakas ng loob mag-salita sa'yo. Alam na namin yan. Isa yang malaking trap! Kapag may umapela, pihado siya ang pag-iinitan mo. Huwag kami, Prof.

Ilang minuto pa at tahimik na din sa wakas. Umiiling-iling nalang ang aming guro habang tinitingnan yung mga test papers. Napagod na siguro. Maya-maya pa ay pinag-papasa niya na ito pabalik sa may-ari.



"Is everyone holding their own test paper now?" tanong niya pa. Tumango lang kami. Yung mga kaklase ko lang pala. Wala akong test papers kasi hindi nga ako nag-exam. Exempted nga kasi. 




 "Good. Now, put that garbage inside your bags."




 Maka garbage naman.





 "I'll be giving you guys another chance. I'm going to schedule a retake next meeting. Siguraduhin niyo lang na papasa na kayo. Kung hindi pa rin, si Dean Calumpang nalang ang kausapin niyo. Have I made myself clear?" Walang kabuhay-buhay na sumagot ang mga kaklase ko. Halatang labag sa loob at mga napipilitan. Walang may gusto ng retake. Another pag rereview nga naman.

"Good and you better not be absent. Kung may plano man kayong mag kasakit, i-postpone niyo muna. Walang special exam. Hindi ako tatanggap ng excuse letters. Not even medical certificates." dagdag niya pa sa amin. Ibang talaga. Pati yung sikretong plano ng mga kaklase ko na pagkakasakit ay nabuking niya pa. 


 "I will also not tolerate any late-comers, kaya magsi pasok kayo ng maaga!" Pagkasabi niya nun ay nakita kong iginala pa ni Prof. ang kaniyang paningin na parang may hinahanap. Tumigil lang siya nung nakita niya na yung isa sa mga kaklase kong lalaki. Ah, si ano. Yung laging late.


"Especially you!" sabi niya pa sabay turo pa dito. "Oo, ikaw nga. I'm referring to you, Mr. Abueva." pimpit na nag bulungan ang mga kaklase ko. "Lilingon ka pa eh ikaw lang naman ang matigas ang mukha na pumapasok ng one hour late dito. Kayo ha. Pinagbibigyan kayo, inaabuso niyo naman. Nakakabastos na. Stop acting like you're still in high school. 'Yan ganyang mga ugali hindi niyo na dapat dinadala sa kolehiyo. Naintindihan niyo ba?"


 Sabay-sabay na ulit kami nag 'Yes, Sir.' bilang tugon sa mga pangaral ni Professor Robles. Mukhang nailabas niya na ata lahat ng mga hinanakit niya sa amin dahil maya-maya lang din inabot niya na yung isang test paper na walang nag claim na may-ari. Pagkakita niya siguro dun sa score, kaya umasim na naman yung mukha niya. 

"We were supposed to be having an item analysis right now pero, ano pa bang kailangan i-analyze sa mga resulta ng exams niyo? Wala na! Dahil mga lagpak!" pailing iling si Prof at halata na sobra siya disappointed. "May I remind you guys that you're taking Accountancy. Etong exams na'to wala pa sa kalingkingan ng mga pagdaaanan niyo sa kursong pinili niyo. Kung ngayon palang bumabagsak na kayo paano pa sa higher years? Also, pagtuntong niyo ng second year, you'll meet Professor Sandoval. Majority ng mga subjects niyo in your second semester, siya ang magtuturo. She's one of the reasons kung bakit mataas ang board exam passers ng College of Accountancy but let me tell you guys, she's very very strict kaya mag-aral kayo ng mabuti."

Hindi ko mapigilan mapalunok dahil sa sinabing yun ni Prof. Never ko pang na-meet si Prof. Sandoval pero hindi naman lingid sa akin ang usap-usapan ng mga higher years na napaka terror nga talaga nung Professor na yun. Ito daw ang dahilan kung bakit pagdating ng third year, kakaunti nalang ang mga enrollees ng Accountancy. Salang-sala kasi. Yung iba hindi umabot ang mga grades pero karamihan nag-transfer ng school. Mayroon din nagpalit nalang ng course. Ganun siya katindi. 


 "Anyway, let's have a graded recitation. Para ma-refresh naman 'yan mga neurons niyo na hindi ko alam kung nag-eexist ba in the first place. Oh well. Sige, start tayo diyan sa dulo."

Pagkasabi niya nun, parang on cue ang mga narinig kong samut-saring mabubulakak na response ng aking mga kaklase. Pabulong pero enough para marinig ng iba pero not enough para makarating kay Prof.


Hindi ko nalang sila pinansin. Excited na ako eh. Wala akong idea kung ano yung lumabas sa midter-



"Ms. Santillan, lumipat ka ng pwesto. Hindi ka kasali. I'm already done with your grades. You can get your class card next meeting. Now, move."


Biskwet!


Ang sakit! Para akong sampid na pinalayas eh. Pero, walang no choice, mabigat man sa loob, tumayo na ako at lumipat ng upuan. Doon na sa may gilid. Oo, doon na nga. Yung malapit sa may pintuan. Magda-drama na lang siguro ako dito. Hiyang-hiya naman ako kay Prof. eh. Kung maka 'Now, move.'

Habang busy sila sa recitation, ako walang ginagawa. Bored na bored! Habang nag pa-palpitate yung mga kaklase ko sa kaba, ako parang hinehele ng aircon. Kaya nga bago pa ako tuluyang makatulog, pasimple ko nalang kinuha yung isang test paper na nalaglag sa sahig.

At tingnan mo nga naman, kay Klang!  Sabi niya sa text chicken daw yung exam. Tingnan nga natin.

Pero taliwas sa inaasahan ko, isang malaking 39/100 na isinulat gamit ang pulang tinta ng ballpen ang nakita ko sa upper right corner ng test paper niya. Sa bandang ibaba pa nga nito mababasa pa ang 'seriously??!' na comment ni Prof.


"Nice. Hindi pa pinaabot ng 40. Nahiya pa." natatawang asar ko pa sa result ng exam niya. Chicken pa more. 

Pero, parang may kung anong force of nature na nagalit sa sinabi ko. O baka naman mabilis lang talaga ang karma? Kasabay kasi ng pang aalaska ko sa score ni Klang, ang biglang pag-tunog ng cellphone ko sa bag hudyat na may nag-text. Kaya nga lang, bang lakas ng volume! Over! Naka max ata.

Buti nalang yung alert tone ko hindi mahaba, kaya napatay ko kaagad bago pa man ako mapatay ni Prof. Mabilisan ko na din ibinalik iyon sa bag ko. Doon pa nga sa ilalim. Ganun pa man, hindi pa rin ako nakaligtas sa nakakahiwang mga titig sa akin ng mga kasama ko. Pati yung nasa may lamesa sa unahan. Yung nasa gitna. Yung medyo nauubos na yung buhok? Yup, including him. Ang pinagkaiba nga lang iba yung intensity nung kaniya. Kulang nalang ba i-dissect ako ng buhay.

 Uumpisahan ko na sana ang aking makabagbag damdaming apology with matching puppy dog eyes pero naunahan niya na ako sa pag-sasalita.



Sa sama ng tingin ni Prof, malapit na ako humandusay. "Ms. Santillan, if you don't mind, your classmates are having their recitation right now. Can you PLEASE be quiet?"




"Opo. Sorry, Prof." pag-hingi ko ng paumanhin na mukhang effective dahil hindi na siya tuluyan nag inaso.



Sino ba kasi yung nag-text na iyon? Ang timing, wagas!




"Saying sorry won't fix the problem. It's what you do after that truly counts. Now, you be quiet." Muntik-muntikan pa akong maubo sa sinabi niyang 'yon. Yung mga kaklase ko nga hindi na napigilan matawa. Pero dedma lang sa kanila si Prof. Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. 





"Yes, Sir. I agree. Hindi na po mauulit----" 





 annnnnd, nope! Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang may ...




nag-text na naman!




Dali-dali ko na ulit hinagilap yung cellphone ko. Pagka-swipe, natigil yung tunog. Hindi ko na pinansin kung sino man yung nagpadala nun, sinalpak ko na ulit sa bag. Balik ang tingin kay Prof. Na mukhang huhugot na. Huhugot na ng maibabato sa akin.



"Ms. Santillan! Last warning! Turn off your mobile phone or else sa ground floor muna makukuha yan!" sigaw pa niya.



"Yes, po. Sorry po!"




Umiling lng siya sa akin. Habang ako naman ngayon ang nagpa-palpitate sa kaba. Pero, nung bumaling na siya sa iba, naka hinga na ako ng maluwag. Continue na siya sa pagsabon sa kaklase ko na hndi pa rin ata nakakasagot sa tanong niya. Sinamantala ko na 'yon para hagilapin ulit sa bag ko yung cellphone kong maingay! Silent ko nalang muna. Dapat kanina ko pa nga ginawa eh. 



Pero bago ko pa man magawa 'yon.



Sa telepono may tumatawag.




Putik!




Ang telepono, sagutin natin.






"Ms. Santillan, OUT!!"





"S-sorry, Prof. P-pinatay ko na po."



"I don't care. I said out!"





Wala. Kainis! Tuluyan na naimbyerna sa akin si Prof. Bago niya pa ako kaladkarin, kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng classroom. Pahamak na cellphone! 



"Sandali lang, Ms. Santillan.." pigil niya pa sa akin bago pa ako makaalis ng tuluyan.



"Yes, Prof?" nagbago isip mo Prof?




"Oh.." sabay abot ng isang test paper at maliit na papel na may kung anong nakasulat. "Nawala ko yung answer keys niyan kaya bilang parusa dahil sa kaingayan mo, gawan mo ulit. I need that next week. Ayan ang list ng reference text books kung kailangan mo. Ikaw din ang mag che-check ng test papers ng mga kaklase mo kaya pumasok ka din next meeting."




Pahamak talaga na cellphone yan!





"May reklamo?" taas kilay pang tanong ni Prof. 





"Wala po." sagot ko nalang kahit ang totoo, meron. Yung pag cocompute ng grades ng mga classmate ko baka gusto niyo din pong ipagawa? Hiyang-hiya naman ako eh.




"Good and oh, bago ko pa makalimutan may meeting nga pala ang mga scholars mamayang four o'clock. Pinapa-summon kayo ni Sir Romualdez. Umattend ka dun." 



 May meeting? Tungkol saan naman kaya? Lahat nalang talaga. Pero teka, may klase pa ako nun ah.



"Prof, paano po yung Basic Finance ko sa inyo mamayang four-thirty?" 



"Absent ka dun malamang."



 Hala. 



"Prof naman." paawa ko pa. Inikutan niya ako ng mga mata.




"Oo na. Naka excuse ka, don't worry. Ano pa ba magagawa ko eh ipinapatawag kayo. Importante daw at pag-uusapan yung program sa Feb 14. Jusko, ano na naman kayang kaartehan ang pinlaplano nila. Valentines, valentines. Sabihin mo nga kay Romualdez walang poreber! Dami nila kamong alam! Pwe!"





 Napamaang nalang ako sa mga sinabi ni Prof. Apaka bitter naman niya.





"Joke lang. Huwag mo na iparating yun. Oh, sige. Umalis ka na at baka madagdagan pa 'yang parusa mo. Next time yang cellphone mo ha? Iwanan mo nalang sa inyo kung hindi mo kayang i-silent yan!" Sabi niya pa sabay talikod, pasok ng room at balibag ng pinto. 





Napakamot nalang ako ng ulo. Ang lakas ng trip. Tiningnan ko nalang yung ibinigay niyang references. Familiar yung mga name ng textbooks. Tsk! Makakapal yan eh. Wala pa ibinigay na specific page numbers. So iisa-iisahin ko ganun? Saklap! 









Pahamak na cellphone! 






Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 283 14
"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia...
621K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
9.8K 688 6
They hate each other most of the time . . . but they are also capable of existing together in harmony.
1.1K 96 24
She was my Sky and I was her Sun. I am a photographer and she is my muse. I love her... and even if she hasn't told me, I know that she felt the sam...