THE ADVENTURE OF THE HERETICA...

By kyubi3

11.6K 874 168

[COMPLETED] (THE POETRY OF BIRTH TO TOMB BOOK 1) Quinn Viezys Amelghourd, an eighteen-year-old Sane, or the W... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
NAMES AND PRONUNCIATIONS
EPISODE 1/1
EPISODE 1/3
EPISODE 1/4
EPISODE 2/1
EPISODE 2/2
EPISODE 2/3
EPISODE 2/4
EPISODE 3/1
EPISODE 3/2
EPISODE 3/3
EPISODE 3/4
EPISODE 4/1
EPISODE 4/2
EPISODE 4/3
EPISODE 4/4 (R+18)
EPISODE 5/1 (R+18)
EPISODE 5/2
EPISODE 5/3
EPISODE 5/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
EPISODE 6/1
EPISODE 6/2
EPISODE 6/3
EPISODE 6/4
EPISODE 7/1
EPISODE 7/2
EPISODE 7/3
EPISODE 7/4
EPISODE 8/1
EPISODE 8/2
EPISODE 8/3
EPISODE 8/4
EPISODE 9/1
EPISODE 9/2
EPISODE 9/3
EPISODE 9/4
EPISODE 10/1
EPISODE 10/2
EPISODE 10/3
EPISODE 10/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
ANNOUNCEMENTS, FAQ, AND WORDS OF GRATITUDE

EPISODE 1/2

328 27 4
By kyubi3

QUINN'S POINT OF VIEW

Dahil sa narinig ay nandito ako ngayon, nakakulong sa kwarto kasama si Mush at umiiyak. Dinig ko naman ang mga katok na nanggagaling sa labas, pero ayaw ko itong sagutin.

"Quinn, mag-usap tayo ng maayos. Buksan mo ito!" Dinig kong sigaw ni Holiness. Hindi ko naman siya pinakinggan at tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan.

"N-Nagsinungaling po kayo sakin, Holiness. A-Ang sinabi niyo nung tinanong ko kung nasan ang aking mga magulang ang sinagot niyo ay patay na sila at ginawa niyo silang abo, katapos ay itinapon niyo sa para tangayin ng hangin. P-Pero ngayon, may ama pa pala ako? Ang sakit lang, kay tagal kong nangungulila sa mga magulang ko!" Humahagulgol na sigaw ko. Niyakap naman ako ni Mush at saka pinupunasan ang mga luha ko. Dinig ko namang huminga ng malalim si Holiness.

"Sige pababayaan muna kitang mag-isa riyan. Basta huwag mong pabayaang humina ang pananalig mo sa ating diyos. Hinhintayin kita bukas sa Prying room," Sabi niya. Dinig ko naman ang mga hakbang niya na unti-unting nawala. Kaya tumayo ako at iniharap sakin si Mush.

"Ikaw, si Calin, at si Arod na lang talaga ang pagkakatiwalaan ko," Sabi ko. Nginitian niya naman ako at niyakap ulit sa mukha.

"Mush! Mush! Mush!" Sigaw ni Mush. Bigla namang may malakas na kalabog sa may cabinet ko ang nagpagulat samin ni Mush. Kaya unti-unti naman ay lumapit kami ni Mush para buksan ang cabinet ko. Mas kumalabog naman ito ng malakas. Kaya medyo napaatras kami. Nagkatitigan kami ni Mush at sabay tumango. Agad ko namang binuksan ang cabinet ko at nakita ko ang kulay black na payong na ibinigay daw kay Holy Father Callon ng aking ama bago daw ito mamatay at ipinabinigay sakin. And turns out, hindi pa patay ang tatay ko. Bigla namang bumukas ang payong at may lumitaw na hologram ng isang lalaki mula rito. Medyo bata-bata pa siya na mga nasa thirty's, may kulay puti na buhok, may matipunong katawan, at kamukhang-kamukha ko siya.

"Hello anak, ako ito ang iyong ama, Lucio Kreim Amelghourd. Siguro kung makikita mo ito at hindi pa tayo magkasama ay nasa hustong edad kana ngayon, habang ako ay nasa Solaria Mystery Land parin. Pero, kahit anong mangyari ay tatandaan mong mahal na mahal kita, iyon lang. Paalam!" Sabi niya at saka naman naglaho ang hologram. Napaiyak naman ako dahil doon at nabuo sa loob ko ang isang kagustuhan, at iyon ay ang makita ko muli ang aking ama.

"Susundan kita diyan, tay." Sabi ko at saka kinuha ang payong, nagpunas ng luha, binuhat si Mush, at binuksan ang pinto. Lumakad ako papunta sa Praying Room at kumatok. Binuksan naman ito ni Sister Feline.

"Your Holiness, nandito po si Quinn," Sabi ni Sister Feline.

"Let him in," Sagot ni Holiness. Kaya binuksan ni Sister Tessy ang pinto ng maluwag at pumasok ako. Nagulat naman ako na bukod kay Holiness ay nandito rin pala ang Order of Cathedral na binubuo ng mga Cardinal, Arch Bishops, at Priest. Nakatalikod ngayon si Holy Father Callon at nananalangin, habang ang mga Order of Cathedral naman ay nakatingin ng masama sakin na gaya ng dati pa nila ginagawa kapag nakikita ako.

"Holiness, I just want to ask permission about something," Panimula ko. Tumango naman si Holiness.

"Spit it out." Sabi niya at saka tumayo at tinanggal ang kanyang hood na nagpakita sa kanyang hugis-itlog na mukha na napakabatang tignan kahit na ang edad niya ay one-hundred-thirthy-six na, may mahabang puting buhok, at matulis na tenga rin ito, dahil isa siyang Elf.  Mayroon din siyang hugis nubian na ilong, at manipis na labi. Maputi ang balat niya. Tinaaas naman nito ang kaliwang siko niya at dumapo ang isang may kalakihang purong puting kwago na may matang ka-kulay ng kristal na nakakabit sa mukha ni Holiness. Bulag si Holiness kaya ang itaas na bahagi ng kanyang mukha ay natatakpan ng isang maskara na may malaking kulay asul na kristal na konektado sa kanyang sariling laman at mga ugat, kaya may parehong kulay ng kristal na nakakabit kay Holiness ang mga mata ni Troy, dahil kapag dumapo siya kay Holiness ay nagkakaroon ng temporaryong paningin si Holiness.

"Narito na ako, master." Sabi ni Troye, ang Heavenly Owl na Adjunctus ni Holiness, isang Guider, Emeritus-Grade, Tier 88. Tinanguan naman siya ni Holiness at tumingin ng diretso sakin.

"I want to embark on a journey to follow my father to the Solaria Mystery Land," Sabi ko. Umiling-iling naman si Holiness at bumuga ng hangin. Habang ang mga Order of the Cathedral naman ay nagbulong-bulungan at binibigyan ako ng disappointed na tingin.

"You can't. Isa ka lang Sane Summoner, maaari mong ikamatay ang balak mong paglalakbay. Quinn, ang mundo natin ay puno ng panganib, hindi kayang mag-survive ng isang gaya mo," Sabi ni Holiness. Nagsalubong naman ang maga kilay ko at iniharap sakanya si Mush na naging dahilan para sana sugurin ako ng Order of Cathedral, pero nagtaas ng kaliwang kamay ang Holiness na ibig sabihin ay pinapatigil niya ang mga ito.

"Kaya naming dalawa ni Mush," Sabi ko. Nagtawanan naman lahat ng Order of  the Cathedral, pero nanatiling seryoso ang mukha namin ni Holiness.

"Hinding-hindi ako papayag sa gusto mo, bumalik ka na sa kwarto mo at doon ka na lang magdasal para maliwanagan at malinis ang iyong pag-iisip." Sabi ni Holiness at saka na siya tumalikod at lumuhod para magdasal. Bigla namang tumulo ang luha ko na nagpalakas sa tawa ng Order of the Cathedral, kaya pinatahimik sila ni Holiness. Ako naman ay lumabas na tumatakbo habang yakap si Mush at umiiyak na bumalik sa kwarto.

"This is so unfair, bakit pa kase ganito ang League ko!" Sigaw ko habang humahagulgol. Bigla namang may kumalabog sa may bintana ko. Kaya napatayo ako sa higahan at may nasilayan akong dalawang pamilyar na pigura na nagpangiti sakin.

"Oh, bakit ka umiiyak, Quinn?" Tanong ni Calin.

"Yup, sino umaway sayo?" Tanong naman ni Arod. Kaya lalo ako napahagulgol. Tumayo ako at niyakap silang dalawa.

"Arod, Calin! Gusto kong umalis dito!" Sigaw ko habang umiiyak. Hinimas-himas naman nila ang ulo ko para pakalmahin ako.

"Shhh, tahan na Quinn. Ano na naman ba ang ginawa ng Order of the Cathedral sayo?" Tanong ni Calin. Hindi naman ako makasagot at ibinaon pa ang mukha ko sa braso nilang dalawa.

"Makakatikim na talaga sakin ang Order of the Cathedral, lagi ka na lang nilang inaapi. Mga banal na hindi naman kayang i-apply ang mga tinuturo nila sa mga sarili nila," Sabi pa ni Arod. Bigla naman nila akong binuhat at iniupo sa kama.

"Napano ba talaga, Quinn?" Tanong ni Calin. Kaya nagpunas ako ng luha.

"Nalaman ko kasing buhay pa ang aking tatay, tapos may hologram pang lumitaw dito sa payong na bigay niya na nag-coconfirm na buhay pa nga siya at nasa Solaria Mystery Land siya ngayon. Gusto ko sana siyang sundan at nag-try akong magpaalam para umalis sa Cathedral para maglakbay papuntang Solaria Mystery Land kanina, kaso hindi ako pinayagan ni Holiness at pinagtawanan pa ng Order of the Cathedral," Sabi ko. Napasapo naman sila sa noo nilang dalawa at sabay na pinitik ang noo ko. Napahawak naman ako sa noo ko dahil doon.

"Ang tanga mo Quinn, talagang hindi pwedeng maglakbay ang mga Sane Summoner, dahil masyadong delikado para sakanila ang paligid dahil sa limitadong Power Core at Magmus nila," Sabi ni Arod. Napasimangot naman ako at niyakap si Mush.

"Hindi ba pwedeng baliin ang paniniwalang iyan? What if gumawa ako ng history na ako ang pinaka-unang Sane Summoner ang makakapaglakbay sa buong Mundus Dominorum at makakapunta sa Solaria Mystery Land? Pero uy seryoso, gusto ko talagang makita si tatay." Lintaya ko na nagpabuntong-hininga sakanila.

"Quinn masyadong delikado para sayo ang paglalakbay," Sabi ni Calin. Kaya sumukob ako sa likod ni Mush at umiyak. Rinig ko namang bumuga sila ng hangin.

"Masyadong dilikado kung mag-isa ka. Kaya sasama kami sayo. Gusto ko ring maranasang maglakbay para maging God-Sumus at mapa-Cetrurial - Grade, Tier 100 ko lahat ng mga Adjunctus ko!" Excited na sabi ni Arod. Kaya naman napa-angat ako ng ulo at kita kong nakangisi silang dalawa.

"Sasamahan naman kita para may magbantay at magprotekta sayo. Alam ko namang hindi ka kayang protektahan ng ungas na to," Sabi ni Calin. Bigla namang tumingin ng masama sakanya si Arod at binunggo ito sa balikat.

"Ano sabi mo? Suntukan na lang oh?!" Galit na sabi ni Arod. Kaya yinakap ko naman sila at nginitian sila.

"Maraming salamat sainyong dalawa, kayo lang talaga ang may concern sakin sa mundong ito," Sabi ko. Binigyan naman nila ako ng matamis na ngiti at ginulo ang buhok ko.

"Mush! Mush! Mush!" Galit na sigaw ni Mush. Napatawa naman ako at himimas ang ulo niya.

"Oo ikaw rin, kasama ka sa may concern sakin." Sabi ko at saka kami nagtawanan.

"So, tara na?" Tanong ni Calin. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Tara na, tumakas na tayo. Magbalot ka na ng mga gamit na gusto mong dalhin. Tumakas na tayo agad, ito ang tamang oras ng pagtakas, gabi, wala masyadong tao. Ikaw din Arod, kunin mo na gamit mo. Dadaanan na lang natin gamit ko samin," Sabi ni Calin. Nginitian ko naman siya at niyakap ulit. Katapos ay nag-umpisa na ako magkalkal sa cabinet ko ng mga dadalhin...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Kinaumagahan, habang nananalangin si Holy Father Callon Alighieri kasama ang Order of the Cathedral sa may Praying Room ay bigla namang bumukas ng agresibo ang pinto, dahilan para mapatingin silang lahat dito. Iniluwa naman nito si Sister Feline na hingal na hingal at may dala-dalang piraso ng papel.

"Anong nangyayare at hingal na hingal at walang respeto kang pumasok dito, Sister?!" Galit na sigaw ni Holiness. Yumuko naman ang madre bilang paghingi ng paumanhin.

"Paumanhin po, Your Holiness. Ngunit tumakas po si Quinn, ito po ang sulat niya para sainyo. Pasensya n apo kung nauna ko ng basahin," Sabi ni Sister Feline. Katapos ay inabot niya ito kay Holy Father Callon at binasa naman ito ng Holiness.

— To your Holiness,

I really want to see and be with my father. It's not that I don't follow your command, but I know to myself that I'm going to do this escape because it's just a simple wish and I'm not violating any of the Ten Deadly Sin that stated on Elven Holy Scripture. I'm always thankful for your love and care that you have given to me growing up.

    

                                   Sincerely yours,
                                           Quinn. —

"Your Holiness, he clearly disobeyed you. This is an act of blasphemy! He is a Heretical Sane Summoner!" Sigaw ni Cardinal Alkaldre Mayore, ang cardinal na gustong-gustong kamuhian si Quinn ng Holiness. Hindi naman siya pinansin ng Holiness, bagkus ay lumuhod ito at itunoloy na lang ang naudlot na pananalangin.

Katapos ng araw na iyon ay ipinakalat ni Cardinal Alkaldre ang habi-habing kwentong gawa niya tungkol kay Quinn at ang mga deboto ng Cathedral ay bilib na bilib naman sa kinakalat nito na tumakas si Quinn at nag-iwan ito ng sulat sa Holiness na punong-puno ng pagmamayabang, pagmumura, at pambabastos sa Holiness. Kinalat niya rin ang ngalan na "The Heretical Sane Summoner," na naging dahilan para kamuhian ng lahat ng nasasakupan ng Gradiois Sumus Cathedral at ng buong Amelgieri si Quinn...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 1.4K 66
Daemonicus (Arc) Bilang isang nilalang na siyang napakaraming responsibilidad sa buhay at sa nayon, kailangan niyang maging magiting lalo na't marami...
13.2K 1.5K 120
Si Jethro Magnus, ang pinakamagaling na espesyalista sa armas sa mundo, ay nalipat sa isang alternatibong mundo. Pinagsama ang kanyang kaluluwa sa Re...
120K 846 11
Ito ay dala ng aking pagka boring kaya ko nagawa ng ganito. Wag nyong asahan na lagi akong mag'update dito kase nga pag BORING lang ako nagta'type di...
15.3K 1.2K 57
COMPLETED [BXB FANTASY] [FORBIDDEN DUOLOGY BOOK 1] Angeleses, Dracos, Faes, Mermaids, Elvises, Werewolves, Vampires, and Demonoids were once united...