Hippopotomonstrosesquipedalio...

By Unprettier

2.8K 153 18

Because life is still a beach. Accounts of the author's failed attempts at interpersonal interaction, part de... More

Lovescream (intro kuno)
Everything is a Copy: The Fine Line Between Replication and Duplication
Yeah, you're so wild. You and everyone else!
Slow Animals
Money Can't Buy Me Charisma (Welcome to Hell!)
God makes man and this is the devil's finishing touches.
iWant2Believe: When Pigs Fly (no, 'di mo pwede isakay 'yung baboy sa helicopter)
Lip Service: Strawberry Jam + Pineapple Juice, feat. Lusaw na Tsokolate
I'd Do Anything for Love (But I Won't Do That)
Primordial Soup for the Soul
Soldier, Conman, Artist, Lover
Zoonomia
★ No parking dito, gago! (selfie muna sa Jollibee while you wait)
Soy un Dorito: Vegan police and remapping the human soul.
Bittersweet Migraine: Dumplings at Kangkong ang Susi sa Tagumpay
AAALIEEENNN!!!
★ I'm a landmine filming my own fake death: Going on a feel... field trip
gusto ko lang talaga mag-update dahil halloween ngayon (shit galing sa drafts)
From Kiss to Kisses
Run to the Hills, Run for Your Lives! (Fun Run edition)
Lay Off the Paint Chips: Jesus Don't Want Me For A Sunbeam
Last Night, a DJ Saved My Life. (get me outta here)
Things Destroyed While You Wait. (Going on a feel trip's bonus content.)
Here's Johnny!
Forever in debt to your priceless advice: Diamonds are forever...
Planet Xerox, or "Everything's broken, everyone's pissed off"
Ang Babae sa CR ng Starbucks
Second Sem, or How I Learned to Stop Living and Love the Bomb
Math vs. Unprettier: Somewhere along the way...
Holler, Hell-er! (Welcome to Hell, Part 2)
Aristotle, Harambe, and Tit Hairs
Going to the Arcade! (Unprettier Becomes a Gamer Ghorl)
Sabi nga ni Lil Peep at Selena Gomez, I'm "Falling Down!"

I Hope Your Fish is a Piranha in Disguise (Should've Called PETA Up on Your Ass)

48 2 0
By Unprettier

May kwento ako tungkol sa picture na 'to. Umattend ako noon ng academic discussion kung saan speaker si Manix Abrera tapos hindi ko napapirmahan sa kanya 'yung kopya ko ng "Ilayo Mo Kami Sa Apoy Ng Impyerno!" Baka kasi magmukha akong kupal na autograph lang ang pakay sa hanash. Well, that's 99 percent true naman kaso kailangan ko magmukhang intellectual person na "nakikinig" sa ibang discussion dahil makikita ako ng prof ko. Hindi ko na lang alam kung saan pumunta si Manix pagkatapos ng talk niya.

Contrary to what the drawing depicts, hindi naman ako nabugahan ng usok ng tambutso dahil sa bike lane ako dumaan noong pauwi na ako. Dalawang beses lang naman ako muntik mabunggo ng bike.

Anyway. Short, cluttered paragraphs na lang ulit tayo ngayon dahil life is a beach.

-x-

[1] Una sa lahat, gusto kong magbigay ng isang malaking "putangina mo" sa traffic. Surely I'm not one to say that dahil una sa lahat, de-sasakyan din naman biyahe ko. Dyahe! (Pero angkan ko naman ang may gusto nito at author na tupa lang ako, oy vey.)

Balik na sa traffic. Panira ng buhay ang traffic pero malay ba natin kung may mas malaking problemang nag-e-encapsulate sa kanya? For example, baka reklamo tayo nang reklamo about the public mass transport system habang may mga malungkot at naghihirap palang mga literal na titi na nangangailangan ng pansamantalang pagmamahal, twerking, at tuwad na daan para sa bayag. Este, bayan. Alipin din naman ng sistema ang mga titing ito pero tumakbo ba sila para maging... passive? Anuraw. Parang dissonant na 'to sa readings ko ah.

May mga nag-su-suggest na maging hyperpessimists tayo. Eka nga ni Michel Foucault: Nothing is good or bad, some things are just worse than others. Ang tanging pag-asa na lang ba natin ay mga deus ex machina tulad nina Intergalactic Earth Ambassador at Kapitan Robotron?

...

Isa akong kupal na de-sasakyan na rin araw-araw (sorry everyone). Madalas akong nakikinig sa radyo kapag hindi ako sinasapian ng narcissistic self-pity and all those emo shit. May isang advertisement na tumatak sa isip ko, at ganito siya nag-uumpisa...

"You're probably in a car, stuck in traffic. Look around you. Everyone is stuck in the same routine. Do you live to work, or work to live?"

Tapos ang susunod na tanong, "are you stuck in your comfort zone" raw. Tapos bigla nang nag-plug ng product nilang... bottled water. Napa-wow na lang ako. Thanks, culture industry. We totally needed to drink bottled water to achieve our full potential and transcend capitalist hell. Oo nga, mas masarap naman talagang ma-traffic kapag gusto mo 'yung ginagawa mo. Masarap. Kakabagin ka.


[2] Sa halip na dislike button, parang mas gusto kong magkaroon ng power na i-like 'yung mismong act ng pag-like sa post; twitter counterpart niya 'yung pag-favorite sa... pag-favorite ng ibang tao sa tweet mo. It serves no great purpose, pansayang lang siya ng oras at pera ng developers at pansayang ng bytes sa storage, but I think it's going to be hilarious if we can make one of the most awkward gestures on social media even more awkward.

Speaking of awkward, binati ko si crush ng "happy birthday" at a point in time that felt like an eon ago tapos ginamitan niya ako ng generic, courteous reply. Akala ko talaga may #feelings doon sa reply niya; kaso, na-realize kong defense mechanism lang pala iyon sa awkwardness kasi nakakita ako ng similar generic greeting sa Facebook wall ng isang kaklase kong nagbirthday weeks later. So, ni-like ko na lang 'yung reply niya.

.

.

[FLASHBACK: Sa nilalanggam na computer desk. The time is 12:42 AM, hindi pa rin alam ni UNPRETTIER kung babatiin niya si crush (emphasis on the third syllable 'yan, ha) dahil sa super ultra mega special birthday charot.]

Unprettier: Happy birthday [crush], wala nang aral-aral, ako nga buong araw hindi umasikaso ng acads dahil hinihintay ko yung 12 AM para mag-contemplate kung babatiin ba kita o hindi, kasi hindi mo rin naman ako pinansin noong--

Unprettier's Consciousness: CUT! STOP! MY GOD, MGA GAGO MGA ULOL!

[break]

Unprettier: Alright, buddy. I'm not listening to you anymore.


[UNPRETTIER consults a Magic 8 Ball instead - it says "concentrate and ask again later" on the first try and "better not tell you now" on the second try.]

Unprettier: I'm just going to cry myself to sleep now.

-

Binati ko rin naman siya the next day habang sumusugapa s Wi-Fi ng library namin. At sabi ko nga sa itaas, nauwi lang 'to sa pag-like. Lumiwanag nang kaunti ng mundo, tapos dumilim na ulit kasi wala na akong ina-anticipate. Charot, maybe that was just my hormones talking. If all this crap taught me anything, it's that "absence makes the heart grow fonder." Parang ayaw ko pang mag-grow apart. In the future, gusto ko pang maging evil tita na nagtuturo sa mga junakis ng blockmates ko kung paano mag-pick ng lock at gumawa ng deadly weapon gamit ang lata ng coke. Sana lang, sana talaga, mapatunayan namin ang forever 'til it's time to go to the 2x6 ft. hole in the ground.


[3] Na-segue nanaman discussion namin noong isang araw kasi nagbibigay ng life advice si prof. Sabi niya, "Sadness can slow you down but anger can boost productivity if you know how to handle it properly." Ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang sad. Kaya lang, nagmukha naman akong constipated. Tinamaan ako noong sinabi ni prof na mas mabagal gumalaw ang malulungkot na tao kumpara sa iba dahil sinigawan nanaman ako kanina ng nanay ko kasi ang bagal ko raw magbihis.

May mga tao rin namang gumagawa ng magagandang bagay habang malungkot sila. Case in point, artists. Hindi ko alam kung mayroong ginaganahang gumawa ng standard deviation and variance table kapag malungkot. However, the thing that sucks about sadness is that you can't dictate when it's going to hit you. Minsan, naglalakad ka sa tanginang kalsada tapos bigla mong gugustuhing umiyak, kaso 'di pwede kasi maraming tao at masasagasaan ka ng jeep kapag hindi ka tumawid agad motherfucker. Mayroon akong motivation na magsusulat ng bullshit na ito kaso wala akong balak mag-aral at gumawa ng report. Gusto ko na lang kumain ng bubog.

Damn right.

Napansin ko lang din, ang shit ng groupmates ko sa isang course ko ngayon. Para bang prinsipyo nila sa buhay na gawin ang dapat gawin sa huling sandali. 'Nyeta, ganyan ba kahalaga lahat ng ibang bagay sa buhay nila para isantabi ang report namin o talagang wala lang silang pakialam? Kailangan pa ba sila sigawan ng prof araw-araw para gawin nila ang dapat gawin?

Umaattend ako ng counseling sessions ngayon at tinanong ko si counselor kung bakit sobrang wapakels ng mga tao. God, sabi niya masanay lang daw ako't magiging ~*better person*~ ako 'pag nalampasan ko 'to. Tapos pinagkamalan niya akong extrovert, tapos sabi niya sa akin "Marami kang friends sa campus one pero nahihirapan ka gumawang friends sa campus two? It's an opportunity to turn over a new leaf! Make friends!" Kung inspirational quotes mula sa middle-aged woman lang pala ang habol ko, bumili na lang sana ako ng religious book elsewhere. Ewan, may point ba? Alam kong ako talaga ang may problema at hindi 'yung mga taong sinasabi niyang kaibiganin ko. I'm not really sure if I can consider the people I usually talk to in campus two as my friends. Oks naman sila kausap, siguro oks lang din sa akin kumain sa labas kasama nila, pero hindi ko balak magpaka-deep sa kanila. Siguro nga, dumating na ngayon ang culture shock na hindi gaanong tumama sa akin sa campus one. Campus two looks beautiful as fuck, magaling mga prof ko, and everyone seems happy enough... but I can't seem to fathom how people can manage to make themselves happy (or at least look happy) while I'm in my circle jerk of despair with all the little people in my head. Yuck, feelings.


[4]

[SCENE: Ang taon ay 2015. First academic year ko sa unibersidad, second semester. Mainit ang hapon at maraming jinajabar. Umiinom ako ng tubig galing sa water fountain nang may dumaang dalawang lalaking nag-uusap nang malakas.]

Guy 1: Alam mo 'yung sabi-sabing may naghuhugas ng paintbrush at pinagkainang plato sa water fountain?

Guy 2: Baboy amputa!

[Nasa isip siguro ni Guy 1: Haha ambobo nung umiinom doon o. Nilalaplap pa yung spout.]

Para na rin nilang sinabi na "Haha, mga bobo lahat ng umiinom diyan. Motherf***ers, I hope you saved room for E. Coli!" ...o kung ano mang germs ang nakukuha mula sa water fountain. Wala naman akong magagawa kung may burak man ni Satan 'yung water fountain na 'yan. Mahal ko naman siya. Ayos lang naman sa akin abutin ng gabi kakahanap ng tamang angulong magpapalabas ng tubig sa lecheng fountain na 'yan dahil mahal ang tubig na binebenta sa food stall at hassle magbuhat ng sariling water bottle. Madalas akong umiinom doon pero hindi pa naman ako patay, so what's the point?

Umalis na 'yung dalawang lalaki pagkatapos magparinig and shit. Nagtinginan na lang tuloy kami nung ateng nasa bandang likod ko.

--x--

EDIT: Pucha, galing. May alignment tools na ang Wattpad.


Pwede na siguro akong

gumawa ng deep poetry shit

or something.






Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 176 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
27.2K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
24.7K 673 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...