ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

27.4K 745 150

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
BUWAN
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
HULING GABI
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
LETTING GO
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
TAHANAN
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
THE GOLD DIGGER
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN
WAITING SHED

NATATANGING LIHAM

119 8 0
By RuinousMystery

Kauuwi lang sa Pinas ni Ana mula sa Heidelberg dahil bakasyon nya mula sa pag aaral ng medisina. Naka tingin siya ngayon sa kanilang lupain habang nakasakay sa isang kabayo. Pinagmamasdan niya ang mga trabahador sa kanilang hacienda.

Ilang taon nga ba siyang nawala sa kaniyang sariling bansa? Marami na ring nagbago sa kanilang hacienda. Mas dumami pa ang kanilang mga pananim pati na rin ang kanilang mga alagaang hayop katulad ng mga kabayo at mga baka. At ang pamilya nila ang pinaka mayaman sa kanilang lugar, at halos ang mga nagtatrabaho sa kanila ay ang mga taong nakatira rin sa kanilang lugar na hindi ganoon karangya ang pamumuhay.


"Jose, kumusta ang mga alagang hayop?" napalingon siya sa boses na iyon. Iyon ang kaniyang ama na si don modesto. Nakatitig siya sa kaniyang ama at bumaling ang kaniyang paningin sa kausap nitong lalaki, marahil iyon ay si jose.


" magandang umaga po, don Modesto. Maayos po ang mga alagang hayop, malinis na rin po ang kanilang pastulan at ang kanilang kuwadra. Napakain na rin ho sila." magalang na pagpapaliwanag nito sa ama niya na amo ng mga trabahador.


"utusan mo si virgilio at sabihin mong mag katay ng baka dahil nakauwi na ang aking anak mula sa heidelberg. Sabihan mo si Amy na utusan ang mga babae na pumitas rin sila ng mga prutas at gulay sa bukid."utos pa nito kay jose.


"masusunod po, don modesto." yumukod na ito upang magbigay ng galang sa kaniyang ama. Lumapit sya sa ama sa pamamagitan ng kabayo, nakangiti siyang tumingin sa ama.


"papa," tawag niya rito at bumaba mula sa kabayo. Napatingin sa kaniya si jose at nakatitig ito sa kaniya.

"magandang umaga binibini." bati nito sa kaniya at nginitian sya. Kaya naman tumingi rin siya rito at nginitian nya pabalik, "magandang umaga, ginoo."


Parehong hindi maalis ang titig sa isa't isa na para bang nagpapakiramdaman, ngunit nang tumikhim ang ama ni ana ay napatingin rito si jose. Nginitian niya ulit si Don Modesto at bahagyang yumukod bago ito maglakad palayo.


Sinusundan pa rin niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito matanaw.

"matagal na siyang nagtatrabaho rito, papa?" tanong niya sa ama habang hindi siya nakatingin. Mukhang sinispat pa rin niya kung babalik ba ito.

"Oo anak, isang taon na rin siya rito at talagang maaasahan sya." saad naman ng kaniyang ama. Bahagya siyang napangiti at tumango.


"magandang lalaki." bulong niya ngunit narinig pala yun ng kaniyang ama kaya napatikhim ito. Nilingon niya ang ama at ngumiti sya. "Hindi ba't totoo naman na magandang lalaki siya? Walang masama na pumuri ng kapwa tao." saad niya upang mapaniwala ang kaniyang ama.


Hindi na sumagot pa ang kaniyang ama, sa halip inilibot siya nito sa kanilang hacienda at pinakita ang kanilang pananim. Binati rin siya ng mga trabahador mula sa kaniyang pagbabalik mula sa heidelberg.


Kinagabihan rin na iyon ay nagkaroon ng kasiyahan sa may bakuran sa labas ng mansyon. Isang selebrasyon para sa pag babalik niya. Imbitado naman ang kanilang mga trabahador sa kanilang hacienda. Si jose naman ay nakatitig lamang mula sa malayo at pinag mamasdan si ana. Pasimple rin siyang napapangiti habang pinagmamasdan nya ito. Marikit ito at nakakahalina ang kanyang kagandahan.


"salamat po sa pakikisaya sa amin ngayong gabi, ako ay nasiyahan sa selebrasyong inihanda ng aking ama para sa akin." saad ni ana habang nakangiti sa kanyang mga bisita.

"anak, hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa kaniya ni don modesto. Nilingon nya ito at bahagya siyang umiling, " mamaya na papa, hindi pa naman ako inaantok. Marahil hinahanap ka na ni mama," sagot niya rito.

" huwag ka nang magpaka hatinggabi matulog, ana." saad nito na kaniyang ikinatango.


Naglibot libot siya sa kanilang bakuran habang tinatanaw niya ang kalangitan. Maya maya pa ay nakita niya si jose na papalapit sa kaniya.


"magandang gabi, binibini." bati nito sa kanya na ikinangiti niya. "magandang gabi rin ginoong Jose." saad niya. Yumukod ito sa kaniya upang magbigay galang.

Mahinhin siyang napa tawa, "ang pormal naman ng iyong pagbati sa akin. Ako si Ana." saad niya at nilahad niya ang kaniyang kamay rito, hinawakan naman iyon ni Jose at hinalikan ang kanyang kamay.

Inilibot siya ni Jose at marami itong kwento tungkol sa hacienda. Mga bagay na hindi niya nalalaman habang siya ay nasa Heidelberg. Hindi nila namalayan na napasarap ang kanilang pag uusap at mag uumaga na.


 "Salamat sa oras mo, Jose. Masaya akong nakausap ka." saad niya rito. Ngumiti ito sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata, bahagya naman siyang napaiwas tingin. Hindi niya kinakaya ang titig nito sa kaniya sapagkat may kung ano siyang nararamdamang kasiyahan sa tuwing nakikita niya ito.

Hindi lang iyon ang una at huling beses na nagkausap sila ni Jose. Maraming pagkakataon na tumatakas siya mula sa kaniyang kwarto at lumalabas upang mag usap sila nito. Alam niyang magagalit ang ama niya kapag nakita siyang nakikipag usap kay Jose, sa kanilang trabahador.


 Hindi niya maikakaila na pinapasaya siya ni Jose sa kanilang mga nakaw na magkikita at nagiging palagay na rin ang kaniyang kalooban rito. At habang nagkikita sila ng patago ay siya ring paglalim ng kaniyang nararamdaman rito.


"Ana, alam kong mabilis ang mga pangyayari, ngunit gusto kong ipahayag sayo ang tunay kong nararamdaman." Jose. Binigyan siya nito ng isang bungkos na pulang rosas. Napatitig sya kay jose na nakatitig sa kaniya habang hawak ang kaniyang mga kamay, "mahal kita, Ana. At handa kong patunayan sayo at kay don modesto na magiging tapat ako sayo."


"mahal rin kita, Jose. Mahal na mahal." Ana. Agad naman siyang hinapit ni Jose at niyakap sya bago halikan sa noo nang may katagalan.


Patago rin silang nagbibigyan ng mga liham at mga tula na ginagawa nila para sa isa't isa. Ang mga ito ay pinapadaan kay Amy, at patago nitong ibibigay kay Ana. Kung magkikita man sila sa taniman ay hindi sila masyadong nag uusap, lalo na kung kasama ni ana ang kaniyang ama at ang kaniyang ina. Tanging sulyapan at pasimpleng pag silay lang ng ngiti ang tanging nagagawa nila.






A/N:


please wait for the part 2. Do vote and comment please. I need feedbacks! Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 521 10
Synopsis; Alexa and White is a product of arrange marriage. Alexa is a college professor while White is a college student, and somehow Alexa his wif...
147K 4.3K 45
A story where two people come together because of a promise that has not yet been fulfilled. How do you handle a spoiled brat girl who has done noth...
83.4K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"