Angelzy, You're Mine Forever...

By rhaime22

17.2K 977 323

Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
Kabanata 3
KABANATA 4 - The punishment
Kabanata 5 - The Confession
Kabanata 6 - House Of Hope
Kabanata 7 - Aidem's Challenge
Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita
Kabanata 9 - Nasaktang damdamin
Kabanata 10 - Ang katungali
Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal
Kabanata 12 - Bahay ni Angel o Condo ni Aidem
Kabanata 13 - Higit na sama ng loob.
Kabanata 14 - Biglang pagbabago.
Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago
Kabanata 16- Pagkainis
Kabanata 17 - The brides bouquet
Kabanata 18 - So much hurt.
Kabanata 19 - Give up
Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon
Kabanata 21- Mansion of Villacorta
Kabanata 22 - Nais ni Aidem
Kabanata 23- Puting panyo
Kabanata 24 - Angel's liberated side.
Kabanata 25 - Words, so much hurt.
Kabanata 26 - The wedding dress
Kabanata 27 - Bonding moment
Kabanata 28 - Last night to remember
FINAL CHAPTER - A day to remember

Kabanata 29 - The decision and phone call.

215 12 7
By rhaime22

Quote: Marahil nga na ganda ng kapaligiran ang sagot ng ilan sa pusong nasugatan. Ngunit sa iba ay mga salitang uukit hindi lang sa isp kung hindi pati maging sa puso.

**********

PINAGMAMASDAN ni Angelzy ang mga bagaheng dala niya papunta sa Palawan. Sa Sealandia paradise ang tungo niya at naghihintay na lang siya na tawagin ang mga pasahero para sa fligth patungo roon.

Tulad ni Rhaime na kaibigan ng kapatid na si Ysmillien na roon piniling magbakasyon noong mga panahong labis itong nasaktan sa inaakala nitong panloloko naman ng kaibigan niyang si Dylan dito.

Ni sa hinagap, hindi niya naisip na ang pribadong isla na iyon ng seladia paradise ang maiisip niyang gawin kanlungan para sa pagpapagaling ng pusong labis din na nasasaktan ngayon.

Noong una kasi naisip niyang bumalik na lang sa trabaho kaya kinausap niya ang kaibigang si Dylan minsan. Sinabi niya na pagkatapos niyang maasikaso ang kasal ni Aidemiell ay babalik na siya, pero hindi ito pumayag. Mas makabubuti marahil na libangin na niya muna raw ang sarili sa ibang bagay at hindi trabaho iyon, kung hindi bakasyon kung saan siya makakapag-relax ng isip at puso.

Hindi na niya kaya pang saksihan ang kasal ni Aidemiell mismo at baka tuluyan na siyang bumigay sa pinagpatong-patong na sama ng loob. Sapat na iyon huling naging desisyon niya kagabi na makasama ito magdamag.

Halos madaling araw na kanina nang umalis siya sa club bar ni Aidemiell dahil kailangan din niyang magpunta sa NAIA airport nang mas maaga para sa schedule ng fligth niya patungong Palawan.

Malungkot siyang napangiti sa pagkaalala ng mga pinagsaluhan nilang sandali. Mga katawan nilang nagpakasasa sa init na hatid ng bawat isa.

Ramdam na ramdam niya ang ligaya sa mga oras na iyon sa kabila ng alalahanin ikakasal na ito. Maging si Aidemiell din naman ay ganoon din. Hindi lang isa, kung hindi napakaraming beses nilang nagtalik. Tila wala itong kapaguran sa pagpapalasap sa kaniya ng ligaya ganoon din naman siya sa bawat pagsasanib ng kanilang katawan. Mabuti na lamang at nagawa niyang makaalis nang lumalim na ang tulog nito.

Si Shemay naman ay ibinalik niya muna sa House of hope since anytime naman na pwedi siyang maging poster parent ng bata hanggat hindi pa napa-finalized ang mga papeles nito. May ilang naging problema kasi na nagkaroon ng comflict sa pag-aampon niya rito since hinahangad din pala ni Aidemiell na dito ito mapunta. Pati tuloy ang inonseting bata na si Shemay ay nadadamay pa.

Kapag naikasal na si Aidemiell kay Yvest baka may possibility pa na ito maka-ampon nang tuluyan kay Shemay lalo kung ang pagbabasehan ay ang pagkakaroon ng ina at ama ni Shemay sa pamamagitan ng mga ito. Ano nga naman ang panalo niya kung buong pamilya na maibibigay na ang kaya na nitong maibigay sa bata. Hindi tulad niya na mag-isang palalakihin si Shemay.

Sa samo't-samong isipin ay halos sumakit ang ulo niya. Idagdag pa na halos wala naman din siyang matinong tulog pa at may mga nagdaang gabing umiiyak din siya lalo pa naiisip na nalalapit na ang oras ng kasal nito sa iba.

Tila tuloy pinipiga na naman ang dibdib niya sanghi para manikip iyon at magbadya ang nag-uumpisang mamuo na luha sa mga mata niya. Napakagat siya sa ibabang bahagi ng labi at napahinga ng malalim para kahit paano ay pigilan ang pagbagsak niyon. Ilang beses din siyang kumurap-kurap at tagumpay naman siyang hindi iyon tuluyang bumagsak.

Tagumpay man siyang pigilan ang luhang nagbabadya, hindi naman siya tagumpay na mawala ang bigat sa dibdib na dala. Naroon pa rin ang sakit.

Nang biglang tumunog ang cellphone niya at nang kaniyang tingnan ay nakita niya sa screen ang pangalan ni Dylan at ito ang tumatawag sa kaniya agad niya iyong sinagot hindi pa man siya nakapag-he-hello ay nauna na itong nagsalita sa kaniya sa kabilang linya.

"Nandito kami ni Mond sa harap ng bahay mo at kanina pa kami tawag nang tawag sa iyo pero hindi ka naman lumalabas. Dinaanan ka na namin para sabay-sabay na tayo pumunta sa simbahan para dumalo na lang sa kasal. Alam mo naman na tumanggi kami na maging abay niya kaya sumabay ka na sa amin sa pagpunta roon."

Napahinga siya ng malalim. Nangako nga pala siya sa mga ito na dadalo siya. Pero malabo na iyon mangyari dahil nagbago na ang isip niya matapos ang mga naganap sa kanila ni Aidemiel sa bachelor party nito. Nasa airport na rin siya at naghihintay na lang ng oras sa pag-alis nilang mga pasahero.

"Hindi ba nabangit ko sa iyo na pupunta ako sa Selandia para doon na muna magbakasyon?"

"Yeah, Why?"

"Ngayon na iyon schedule ng fligth ko papunta roon," malunkot niyang aniya sa kaibigan.

"What?! As in ngayon na talaga?"

"Oo nga. Katunayan nandito na ako sa airport kanina pa."

"Oh, come on, Angelzy is this a joke?"

"Ofcourse not. Tsaka bakit parang gulat na gulat ka? Eh, sinabi ko naman sa iyo ang plano ko na ito na pagpunta roon."

"Sinabi mo nga iyan sa akin pero wala kang sinabi na kasabay ng pag-alis mo ang kasal."

Nahimigan niyang parang nataranta bigla ang kaibigan sa sinabi niya kaya hindi niya naiwasang pagak at mahinang tumawa lalo na sa kasunod na sinabi nito.

"Nangako ka sa akin na dadalo ka pa ng kasal. Dahil sabi mo ayaw mong ipakita kay Aidemiell na hindi mo naman talaga tanggap ang kasal niya."

"Oo nga, sinabi ko iyon pero nagbago na kasi ang isip ko. Hindi ko pala kayang saksihan ang kasal niya. HIndi ko na kayang magpanggap na ayos lang ako, Dylan dahil ang sakit-sakit na."

Hindi nakakaligtas sa pandinig niya ang mahinang pagmumura ni Dylan. Bibihira niya itong marinig na nagmumura kaya napakunot-noo siya.

"Anong oras ang fligth mo?" tanong nito kapag daka

"Hindi na mahalaga kung anong oras ang flight ko. Ang mabuti pa magpunta na kayo sa simbahan. Mas mahalaga ang presensiya ninyo kaysa sa akin."

"Damn! Just answer my question Angel, because I need to know!"

Nagtaka siya ulit sa pagtaas ng boses nito pero hindi na lang niya pinansin. Paninindigan na din sana niyang hindi sabihin ang oras ng alis ng eroplanong sasakyan niya pero panigurado na kukulitin lang siya nito at baka hindi siya tigilan. Ayaw pa naman niya ng kinukulit siya.

Tiningnan niya ang oras sa kaniyang suot na relo. Alas onse ang kasal at malapit nang mag-alas onse. Anytime din ay papasukin na sila sa loob ng eroplano. Nagbuntonghininga muna siya bago sumagot.

"Same time of Aidemiell's and Yvest wedding," aniya kay Dylan. Inaasahan niya na makaririnig pa siya ng salita buhat sa kaibigan pero bigla nang pinutol nito ang tawag nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.

For the first time, ngayon lang ginawa ni Dylan ang hindi na magpaalam sa kaniya sa tuwing tatawag. Sa kabilang banda naisip niya na baka nagagalit ito or pwedi rin may after shock sa nalamang ngayon na ang punta niya ng Isla.

*******

SEALANDIA PARADISE ISLAND

"Malapit na po tayo, Ma'am sa isla," wika ng bangkerong sumalubong sa kaniya sa pantalan. Ito ang bangkerong kinausap ng kaniyang kapatid na susundo sa kanya para ihatid siya sa sealadia paradise mismo.

Kanina pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya sa El Nido Airport, agad niyang tinawagan ang kapatid. Mabilis lang naman ang byahe niya halos isa't kalahating oras lang mahigit.

Noong una inisip nito na nagbibiro siya pero nang mahimigan nito ang pagka seryoso sa tinig niya habang sinasabi na kailangan niya ng sundo na maghahatid sa kaniya sa isla.

Umarkila na lamang siya ng sasakyan na maghahatid sa kaniya sa pantalan at nang dumating nga siya roon ay halos kulang-kulang isang oras din sila bago nakarating sa isla.

Habang papalapit ang bangkang sinasakyan niya ay nakikita na niya ang kapatid na nag-aabang sa kaniya. At nang ganap na silang makadaong sa pangpang ay inalalayan pa siya ng bangkero para makababa. Ito na rin ang kumuha ng mga dalahin niya para bitbitin hangang sa makalapit sila kay Ysmiellien.

Wagas ang pagkakangiting nakapaskil sa labi ng kapatid. Mainit din siya nitong niyakap na tinugon din niya. Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap ay nakangiti pa rin ito.

"Welcome to Sealandia Paradise, Ate. Finally nakarating ka rin dito."

"Thank you." Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Tunay ngang maganda ang isla. Linanghap niya ang sariwang hangin. Mataas ang sikat ng araw pero dahil may dalang ginhawa ang simoy ng hangin ay naiibsan niyon ang init na hatid nito sa balat. Dala ng labis na ganda ng paligid ay bahagya siyang naglakad-lakad.

Napangiti naman si Ysmiellien sa nakita. Naalala niya bigla ang kabigang si Rhaime noong unang makatuntong din rito sa isla. Parehas na parehas ang ate niya at si Rhaime.

Nang makatangap siya ng tawag sa kapatid kanina ay may natangap rin siya na tawag pa. Napangiti siya ng bahagya habang nakatanaw sa kapatid sa paglalakad-lakad nito.

Binanlingan niya ang bangkerong may hawak ng bagahe ng kapatid at inabot niya iyon para siya nang magdala.

"Salamat po, Manong. Oo nga po pala may sasabihin din po pala ako sa inyo," wika ni Ysmiellien sa matandang bangkero.

Matapos niyang kausapin ang bangkero at abutan ng bayad sa serbisyo nito sa pagsundo sa kapatid at sa isa pa niyang pabor dito ay magalang na rin itong nagpaalam.

Mabuti na lang at maganda ang panahon at hindi maalon. Akalain mo iyon at nakikisama pa rin ang panahon sa kaniyang Ate Angelzy.

Nakita niya ang Ate Angel niyang nakaupo sa lilim ng mga puno ng niyog habang nakatanaw sa dagat. Ipapasok na niya muna ang mga bagahe nito sa loob ng bahay. Hahayaan na muna niya ang pagmumuni-muni nito dahil alam niyang kailangan iyon ng ate niya.

Kung magpasya man ito na magpahinga na panigurado naman na susunod na ito sa kaniya sa bahay. Isa pa ang tanging bahay naman na tinutuluyan niya rito ay nag-iisa lang kaya hindi ito maliligaw. May tatlo siyang ipinagawang cavin hindi kalayuan sa bahay niya na para sa mga bibisita sa kaniya na tutuluyan kung sakali. Isa sa tatlong cavin na iyon nga ang tinuluyan ni Dylan noon nang sundan nga nito si Rhaime habang nag-stay dito sa isla.

******

TUNOG ng paghampas ng alon na tila musika sa pandinig ang kaniyang naririnig na sinasabayan pa ng tunog ng kuliglig. Pinanatili lang niyang nakapikit ang mga mata sapagkat dinadama niya ang bawat sandali. Isang malamig na simoy rin ng hangin ang naramdaman ni Angelzy na dumampi sa kaniyang balat na nanuot sa kaniyang buong katawan.

Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. At sa kaniyang pagdilat ay nagkikislapang mga bituin sa langit ang kaniyang nabungaran. Oh kay ganda nilang pagmasdan. Ninamnam niya ang ganda ng mga iyon na tila nakatanghod rin sa kaniya at sinasamahan siya.

Maya-maya ang pagkamangha sa kaniyang mga mata na nakapaskil ay napalitan ng panglalaki lalo na ng magawi ang paningin niya sa kaniyang kinahihigaan. Napabalikwas siya ng bangon bigla.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakatanaw sa dagat inabot na siya ng gabi, dala marahil ng labis na pagod at kulang sa tulog.

Napansin niya ang kumot. Labis ang pagtataka niya kung paanong nagkaroon ng kumot doon. Sa kaniyang pilit na pag-alala ay hindi naman siya naglatag ng kumot kanina nang magtungo siya sa banda rito. lahat ng gamit niya ay nasa bagahe pa.

Posible kaya na ang kapatid ang naglagay niyon? Pero bakit hindi na lang siya ginising nito at basta hinayaan na lang siyang makatulog dito. Isa pang nagpalito sa kaniya ay paano siya napunta sa pwesto na ito gayong hindi naman siya dito nakapwesto kanina.

Lito siyang bumaling sa kaliwa't kanan niyang bahagi maging sa kaniyang bandang likuran. Bilog ang buwan at nakatulong ang liwanag na nagmumula rito para mabistahan niya ang paligid. Hinahanap niya ang puno ng bukong tinambayan niya kanina nang dumating siya. Wala siyang nakita. Bagkus ang nahagip ng kaniyang mata sa hindi kalayuan ay siga. Kung hindi siya nagkakamali ay bonfire iyon at sa hindi kalayuan buhat sa bonfire ay may isang tao na nakaupo roon ng patalikod.

Sa tulong ng liwanag mula sa siga at liwanag ng buwan ay napagtanto niyang lalaki iyon. Napakunot noo siya. Hindi basta nakakarating ang sinumang tao sa isla na ito ng walang pahintulot. Bukod ba sa kaniya ay may ibang bisita ang kapatid niya rito sa sealadia? Naisip na tanong niya sarilli.

Habang masusing pinagmamasdan ang lalaking iyon na nakatalikod, bigla niyang naisip na baka dayo ito at napadpad lang dito sa selandia?

Tumayo siya buhat sa pagkaka-upo at nagpasyang lapitan ang lalaki para sitahin. Nang ganap na siyang makalapit dito noon pa lang niya tinawag ang atensiyon nito.

"Excuse me, Mister," aniya sa lalaki na hindi man lang siya nilingon. Nanatili lang ito sa pwesto at diretso lang ang tingin sa madilim na karagatan. Napansin din niya ang mga basyo ng can in beer sa tabi nito. Muli siyang nagsalita.

"Bisita ka ba rito? I mean kilala mo ba ang kapatid ko na si Ysmiellien?" Sinadya na niyang lakasan ang pagsasalita baka kasi hindi lang siya naririnig.

Muli ay wala siyang narinig na tugon mula rito sa tanong niya. Sigurado siyang hindi naman ito natutulog habang nakaupo kasi nakikita niya ang braso nito sa bawat paggalaw sa tuwing ilalapag at dadamputin nito ang can in beer na iniinom. Muli siyang nagsalita.

"Do you know this place is a private property? Ang kinapupwestuhan mo ngayon ay sakop pa ng sealadia paradise property." Nang wala pa rin marinig na tugon mula rito ay sumabog ang inis niya, kaya ang ginawa niya lumakad siya papunta sa harap nito kasabay ng pagsasalita niya.

"Bingi ka ba o nagbibingi-----?" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil hindi niya inaasahan kung sino ang makikita niya. Bagkus pangalan nito ang sunod niyang nasambit pagkatapos niyang matigilan ng saglit

"A-Aidemiell!"

Isang matamis na ngiti ang nakita niyang pumaskil sa labi ng lalaki habang nakaupo.

"Mabuti at gising ka na. Akala ko ay bukas pa ang gising mo? Ang haba rin ng naging tulog mo, ha.

"Kung gayon ay ikaw ang naglipat sa akin ng pwesto noong nakatulog ako? A-Anong ginagawa mo rito? Papaano kang nakarating dito? Hindi ba kasal ninyo ni Yvest kanina tapos nandito ka ngayon?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaki. Nang bigla siyang natigilan at maisip ang isang reyalisasyon bago muling nagsalita. "H-huwag mong sabihing. . . di-dito kayo magha-honeymoon ni Yvest?" Hindi niya napigilan ang pagkagaralgal sa tinig. At ang pamilyar na kirot partikular sa kaniyang puso na tila karayom na tumutusok roon ay nagpabigat ng kaniyang damdamin. Pinili na nga niyang lumayo at hindi saksihan ang kasal nito pero narito ito ngayon. Akala pa naman niya kapag naikasal na ito matatapos na rin ang hantaran nitong pananakit ng damdamin sa kaniya.

Mahinang tumawa si Aidemiell. Inubos muna nito ang laman ng hawak na can in beer bago binitawan. Noon pa lang ito tumayo para lumapit sa dalaga at salubungin ang mga tingin nito. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niyang sakit sa mga mata ni Angelzy na pilit nitong ikinubli nang magtama ang paningin nila.

"Kailangan ba na sunod-sunod talaga ang tanong mo? Hindi ba pweding isa-sa lang para masagot ko rin ng isa-isa. Hindi ko na tuloy matandaan ang tanong mo."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Aidemiell. Okay fine! Huwag mo nang sagutin pala kasi may makakasagot naman na iba sa tanong ko sa iyo." Iiwanan na sana niya ito para puntahan ang kapatid na si Ysmiellien pero pinigilan siya nito sa braso.

Hindi siya agad humarap sa lalaki. Napapikit siya ng mariin at napahinga ng malalim. This time hindi na niya kayang magpigil ng sama ng loob at bigat na nararamdaman sa harapan nito. Hahayaan niya na sa huling pagkakataon na ito mailalabas na niya ang lahat ng mga sama ng loob na inipon lang niya sa mga panahong kasama ito habang patuloy na sinasaktan ang damdamin niya. Punong-puno ng sakit ang mga mata niya nang muli niyang hinarap ito. Hindi na niya pinigilan ang mga luhang bumagsak.

"Pinili kong hindi umattend ng kasal mo kasi naaawa na ako sa sarili ko. Alam mo iyong sakit na nararamdaman nito?" Itinuro niya ang sariling dibdib kung saan naroon ang puso niya mismo. "Sobra. Iyong parang pinipiga na halos hindi na ako makahinga, sa tuwing kasama ninyo ako ni Yvest sa bawat detalye ng kasal ninyo. Pero pinilit kong kinaya iyon lalo na sa harapan mo, Aidem. Kasi sabi ko, hindi mo deserve na makita na nasasaktan ako. Na nakikita mong nagtatagumpay ka kasi alam ko na iyon naman talaga ang purpose mo eh. Pero sa tuwing hindi na tayo magkasama at mag-isa na lang ako. Para akong unti-unting pinapatay ng nararamdaman ko. Hindi ko pala kayang lokohin ang sarili ko na hindi masakit, na kaya kong saksihan ang kasal mo. Hindi na nga ako dumalo ng kasal mo tapos ngayon nandirito ka! Para ano? Para patuloy mo pa rin akong saktan!" Hinampas niya ang lalaki sa dibdib nang ilang beses habang sige pa rin ang pagtulo ng luha sa kaniyang mata. Ang dami naman na pweding lugar na pwedi kayo mag-honeymoon ng babae na iyon, bakit dito pa napili mo. Ang sama mo talagang Palaka ka!"

May lamlam sa mata ni Aidemiell na tinitingnan lamang si Angelzy habang nagsasalita. Ni hindi niya pinipigilan ang ginagawa nitong paghampas sa dibdib niya. Ayos lang iyon sa kaniya. Alam niya kasi na sa paraan din na iyon inilalabas na ni Angel ang lahat ng sama ng loob na naipon lang dito. Dama naman niya ang sakit din na nararamdaman nito.

Dapat nga niyang batiin ang sarili sapagkat tagumpay siya na masaktan nang husto ang dalaga. Umayon ang nararamdaman nito sa lahat ng ginawa niya. At dahil doon mas lalo niyang minahal ito. Pagmamahal na ni minsan hindi naman nawala sa kaniya para sa dalaga sa kabilang ng lahat kahit pa may Yvest na lagi nilang kasama.

Nang mapansin ni Angelzy na hindi man lang natinag ang binata sa bawat paghampas sa dibdib nito ay unti-unti siyang tumigil. Ni wala naman yata itong planong magsalita. Nagmukha lang siyang tanga lalo sa harap nito. Mabilis niyang pinahid ng sariling palad ang luhang sige pa rin ang pamamalisbis sa pisngi at tinalikuran na ito para iwan.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang saglit siyang matigilan dahilan para huminto siya nang marinig niya ang malakas na sinabi nito dahilan para lumingon siya rito.

"Anong sinabi mo?" tanong pa rin niya kahit malinaw naman niyang narinig iyon buhat kay Aidemiell. Nais lang niya makasigurado.

"Ang sabi ko, kung dumalo ka ng kasal kanina? Wala sana ako rito ngayon!"

"Huh, bakit parang kasalanan ko pa nandito ka?" Malungkot na aniya.

Humakbang pa ito ng dahan-dahan habang papalapit sa kaniya habang nagsasalita.

"Kung dumalo ka ng kasal? Wala sanang Dylan na nataranta bigla."

"Huh, bakit naman siya matataranta?"

"Kung dumalo ka ng kasal? Wala sanang Mond na ora mismong bumili ng ticket ko sa eroplano makasunod lang agad dito sa iyo."

"Bakit ka nga kasi nagpunta pa rito?"

"Kung dumalo ka ng kasal? Hindi na sana Naabala pa si Ysmillien na ipasundo rin ako sa bangkero doon sa pantalan."

"Nakahahalata na ako sa iyo, Aidemiell ha. Wala kang sinasagot sa tanong ko. Puro ka kung dumalo-dumalo. Ang haba ng lintanya ko kanina para sa explanation sa hindi ko pagdalo sa kasal mo. Hindi pa ba sapat iyon sa iyo? Kailangan ba balde-balde ang iluha ko sa harapan mo?"

Nang ganap na makalapit si Aidemiell sa dalaga ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at pinakatitigan ito. Sinasadya niyang hindi sagutin ang mga tanong ng dalaga sa kaniya.

Hindi naman nagawang pigilan ng dalaga ang paghawak ni Aidemiell sa kaniyang pisngi. Pero hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang sinasabi nito. Muling nangilid ang luha niya sa mata sa isiping binibigyan siya ng pag-asa ni Aidemiell. Pero alam niyang hindi na ito tama.

"Kung dumalo ka ng kasal? Nakita mo sana kung-"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil hindi na niya kaya pang marinig. "Aidemiell, tama na! Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo," galit na bulyaw na niya rito.

Nagpasya siyang iwanan na ito at tumakbo siya palayo rito at ni hindi na nagtangka pa na lingunin pa ito.

Nailing naman si Aidemiell at napatawa ng pagak. Hindi na niya tinangka pang habulin ang dalaga. Well, hindi naman siya susunod rito sa sealadia ng walang dahilan. Panahon na para sa katotohanan.

Halos lahat ng plano niya simula kanina doon pa lang sana sa mismong kasal ay palpak na lahat dahil halos hindi umayon ang pangyayari dahil sa biglang hindi pagdalo ni Angel sa kasal. Kung mayroon man natuloy iyon ay ang malinaw na nangyaring kasalan pa rin kanina.

Sa kinahinatnan ng paghaharap nila ni Angelzy ngayon ay hindi siya papayag na masayang ang pagpunta niya rito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nag-dial ng numero at tinawagan ito.

"Bakit?" ani ng nasa kabilang linya

"Do the plan B." agad na turan naman ni Aidemiell.

***Rhaime22***

Continue Reading

You'll Also Like

348K 9.8K 38
|R-18| SPG [COMPLETED]โœ“ Billionaire Series #2 Started: March 13, 2021 End: April 7, 2021 Ang nakaraan na pilit tinatakbuhan. Ito kaya'y matakasan kap...
600K 15.8K 29
Miguel Santillan and Cristina Salcedo story๐Ÿ–ค
107K 2.2K 81
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 Logan Castillejo has everything in life. Money. Power. An easy-going playboy who's dripping with sexiness and menace...
11.5K 212 19
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside ART OF TEMPTATION SERIES: Catching the CEO's Heir Ysa is one of the hottest secretaries in town, but she...