The Rare Ones

By EvasiveSpecter

136K 4K 83

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 32

1.9K 61 1
By EvasiveSpecter

Kabanata 32. New Drug Part 2

Sally's Point of View

Nagulat ako nang inilayo ni Miss Abi ang kotse gamit ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko lubos na akalain na may kapangyarihan na talaga siya. Wala namang sinabi sa'kin si Shamil e.

That damned brat. I told her to report to me everything about the progress of Miss Abi's attunement.

Binalingan ko ng tingin si Miss Abi. I saw her smile. But her smile is different. Para bang nasisiyahan siya sa maaaring mangyari ngayon.

"One more question Sally. Can I kill them?" Nakangisi niyang tanong sa'kin na hindi ko inaasahan na itatanong niya sa'kin.

From that moment, I saw another Luna Abigail. Her fighting spirit now is glowing as if she's so excited to kill those hoodlums of Guillermo's Clan.

Kahit na nagulat ako sa tanong niya ay tumango na lang ako. I can't help but look at her in awe. Hindi ko pa nakita na ganiyan siya. Maybe, just maybe… she changes her mind after sa nangyari sa kanya doon sa rooftop.

She promised me that she will not kill until she was fully healed. Hindi ko alam kung anong fully healed ang tinutukoy niya noon ngunit ngayon ay mukhang fully healed na siya kasi tinatanong na niya na pwede ba niyang patayin ang mga ito.

Without further ado, ay nagsimula na nga kaming maglaban. Si Miss Abi sa kabila at ako naman ay dito sa kabila. Kung bibilangin ko ang makakalaban ko ngayon dito sa kabila ay mga nasa walo sila at puro mga lalaki pa.

Napangisi ako nang hindi man lang nila pinalabas ang mga kapangyarihan nila. Lalaban na sana ako nang maramdaman ko na lang na hindi na ako makagalaw pa. Parang nanigas ang katawan ko na para bang may pumipigil sa mga buto ko na pagalawin ito.

Nilapitan ako ng isang lalaki and then pinalutang niya ako gamit ang energy att niya. Ginamit ko pa ang buong lakas ko para pagalawin ang katawan ko ngunit ayaw talaga.

"Save your energy, woman. Hindi ka rin naman makakawala sa epekto ng gamot na iyan, haha!" Sabi ng lalaki.

Gamot? Kailan pa ako—

Napapitlag ako nang may maalala. Kanina pala ay may naramdaman akong tumusok sa likod ko. Hindi ko iyon inabala kasi akala ko ay bubog lang iyon sa mga nabasag na salamin ng kotseng sinasakyan namin kanina ni Miss Abi.

Anong klaseng gamot ba ang ginawa nila't pati kapangyarihan ko'y hindi gumagana?

"Just behave, okay? Hindi ka naman namin papatayin. Kukunin lang namin ang Madame mo. Pero kung magmamatigas ang Madame mo ay mamatay ka talaga." Ang sabi pa no'ng isa na nasa gilid ko ngayon.

Bahagya akong napangisi. "Mamatay muna kayo bago mangyari 'yun." Pananakot ko sa kanila kahit na alam ko na hindi iyon epektibo sa kanila.

Wala akong nagawa kundi ang tanawin si Miss Abi na lumalaban. Doon ko nasaksihan kung paano siya lumaban.

Patakbo niyang tinungo ang mga armadong lalake. Napasinghap ako nang may nagpaputok ng baril ngunit walang hirap lang itong pinigilan ni Miss Abi gamit ang kapangyarihan niya.

Hangin. She has an air att. Pareho kami ng attunement ni Miss Abi ngunit masasabi ko na kakaiba niya kung gamitin ito. Iba ang paraan ng paggamit niya nito na bahagya kong ikinahanga.

At ang mas ikinagulat ko pa ay ang paraan niya ng pakikipaglaban. She's more like a pro. How come? Paano niya natutunang lumaban sa isang buwan lamang? Nang ganiyan kahusay?

Miss Abi is a bit rare indeed as Mr. Quinn said. His daughter is definitely a different one.

———

Luna's Point of View

Matapos kong tanungin si Sally ay sumabak na ako sa labanan. I quickly stop those bullets na papunta sa direksyon ko. Gamit ang kapangyarihan ko na medyo nasanay na ako ay mabilis ko lang na napatumba ang isang lalaki. Nawalan kaagad siya ng malay sa ginawa kong pagsuntok sa panga niya.

"Huwag ka ng manlaban Madame. Sumama ka na lang ng matiwasay sa amin para hindi namin mapatay ang kanang kamay—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya kasi gamit din ang baril ng lalaki na pinatumba ko ay ipinutok ko ito sa ulo niya. Napasinghap ang mga kasamahan niya sa ginawa ko.

Napangisi ako, "Bakit? Natatakot na kayo?" Pang-aasar ko sa kanila.

Galit naman akong tiningnan no'ng isa. Bigla siyang nagpalabas ng espada na gawa sa kapangyarihan niya na apoy. Mabilis ko naman siyang pinagbabaril habang iniiwasan ko ang mga atake niya. Sinasangga lang din niya ang mga bala ng walang kahirap-hirap. Nang maubos ang bala ko ay ipinalo ko sa kaniya ang baril kaya napaatras naman siya.

Lumusob naman ang isa sa'kin. Ginawa nitong bato ang kanang kamay niya at iyon ang pinangsuntok niya sa'kin. 

"F*ck you! Who cares about the order? I'm gonna kill y—"

Muli ay hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya at hiniwa ang leeg niya gamit ang bagong kakayahan na natutunan ko. Ginawa kong patalim ang hangin na naipon ko kaya nong inihagis ko sa kanya iyon ay nagmistula iyong dagger ngunit gawa nga lang sa hangin kaya hindi niya nakita iyon.

"Two down!" Masaya kong sambit.

Lumusob na sila lahat sa'kin na puno ng galit. But then walang hirap ko lang silang pinatumba hanggang sa maubos ko na nga sila. Hinihingal pa ako no'ng tinanggal ko ang maliit na kutsilyo na itinarak ko sa isang lalaki.

Sa pagtayo ko ay may ibinulong naman sa'kin ang hangin.

"Hindi gumana sa kaniya ang gamot Boss. Kamangha-mangha. Tunay nga na malalakas ang mga Quinn— Argh!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan narinig ko ang isang putok ng baril. Binaril no'ng boss nila ang lalaking nagsalita kanina.

Doon na nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak nila si Sally ngunit nakatayo lamang ito at walang ginagawa. Para bang nanonood lang din siya sa laban ko.

Muli na namang may ibinulong sa'kin ang hangin. Malayo si Sally sa'kin kaya kung titingnan ko siya rito ay para siyang kakampi ng mga lumusob sa'min. Ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang mensahe niya.

"They captured me, Miss Abi. Now, run. Don't mind me, they won't kill—Argh!" Napasinghap ako ng isang tunog ng baril na naman ang narinig ko.

"Sally!" Tumakbo na ako sa direksyon nila na puno ng pag-aalala.

Lumusob naman sa'kin ang iba nitong kasamahan na dahil sa galit ko ay pinapatilapon ko na lang ito. Ang iba naman ay tinanggalan ko ng hangin sa katawan nila. Tatlo pa lang ang kaya kong tanggalan ng hangin sa katawan kaya may apat pang natitira.  Kasama na doon ang bumaril kay Sally.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Sally basta ay nakatayo lamang siya doon na para bang na estatwa siya. Siguro ay ginamitan siya ng kung anong mahika kaya hindi siya nakagalaw.

Sa pagtakbo ko ay may nakita akong kutsilyo kaya dumaosdos ako sa lupa at kinuha ito. Umikot ako sa ere at sinalubong ang isang pang lalaki na papunta sa'kin na nakaamba na ang kapangyarihan niyang apoy sa direksyon ko.

With this dress ay medyo nahirapan akong umaksyon kasi nga fitted dress 'yung suot ko at hindi man lang ako nakapag bihis ng dahil na rin sa mga nangyari sa bahay nila Olivia kanina.

Tumama ang apoy na gawa ng lalaki sa balikat ko ngunit sapol naman siya sa leeg kaya bumagsak na kaagad siya sa sahig na duguan pagkatapos no'n.

Mabilis kong kinuha ang baril na nakasukbit sa bulsa no'ng isang lalaki na nakahandusay sa sahig habang iniilagan ko naman ang mga kapangyarihan no'ng dalawa pang lalaki na natitira.

Hindi ako nagdalawang-isip na barilin sila.

"Shit!" I heard the last guy hiss.

Nang pipindutin na sana niya ang gatilyo ng baril na hawak niya na nakatutok pa sa ulo ni Sally ay mabilis ko ng inihagis sa kanya ang bitbit kong maliit na kutsilyo. Tumama iyon sa kamay niya kaya nabitawan niya kaagad ang baril at napaatras siya papalayo kay Sally. Lumabas naman ang kapangyarihan niya at mabilis niya iyong pinatama kay Sally na siyang ikinagalit ko.

Gusto ko sana siyang patayin ngunit naisip ko na walang magre-report sa boss nila kaya naman nilapitan ko siya at malakas na sinapak sa panga at doon na siya nawalan ng malay.

Nang lumingon ako kay Sally ay kusa na lang siyang bumagsak sa sahig habang nagkikisay siya dulot ng kuryente na itinama ng lalaki sa kanya kanina.

Kaagad ko siyang nilapitan. "SALLY!" nag-aalala kong tawag sa kanya.

"Sally…"

———

*Ixtal HeadQuarters, 12:15 am*

Ellesse's Point of View

Nababagot na ako kakahintay kay Boss Knight. Kanina pa kami dito at dinadalaw na rin ako ng antok. Kasama ko si Elleanor at Liam na katulad ko ay hinihintay rin si Boss Knight. Nadagdagan naman ng inis ang nararamdaman ko dahil sa dalawang 'to.

Ang himbing naman ng tulog ng maarte kong kakambal habang nakahiga pa sa hita ng nobyo niyang napaka workaholic.

"Tss! Sakit niyo sa mata!" Asik ko at saka tumalikod sa kanila.

Padabog akong humiga sa sofa. Kakapikit ko pa nga lang nang bumukas na ang pintuan kaya napadilat muli ako. Kaagad naman akong bumangon at kinuha ang isang piraso ng tsinelas tsaka mabilis na hinagis sa direksyon ni Elleanor para gisingin siya.

Kaagad naman iyon sinangga ng napaka-protective niyang nobyo habang nagsusulat pa rin ito sa isang papel. Ni hindi man lang ako nilingon.

"Tsk! Blue! Bumangon ka na diyan!" Asik ko.

"Yin, wake up." Malumanay naman na sabi ng nobyo niya.

Edi ikaw na may jowa, tsk!

Napabaling naman ako sa kasama ni Boss Knight. May kasama siyang ibang miyembro ng organisasyon. Hindi ko mawari kung sino ito kasi balot na balot ang katawan nito. Dalawa sila… mali, tatlo pala kasi may isa pa na humabol sa likod. At halata sa boses no'ng nahuli na lalaking-lalaki ito.

"Iniwan niyo naman ako," reklamo nito.

"Who are they?" Seryoso ko kaagad na tanong kay Boss Knight.

"One of our members na sure akong hindi niyo pa nakakasalamuha. I want them to join our team for this mission. Ayokong biguin ang taong pinagkatiwalaan ako sa bagay na 'to."

Ang huling sinabi ni Boss ay hindi ko na masiyado pang narinig kasi mukhang sinadya niya itong hinaan. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagpukos na lang sa bagong miyembro na sasali sa mission namin ngayon.

Sabay-sabay silang nagtanggal ng mask at sumbrero na suot nila.

Sa organisasyon namin ay iilan lang ang kilala naming miyembro sapagkat tanging code name lang ang gamit naming tawagan at malaya naman ang lahat na itago ang pagkatao nila ngunit tanging ang boss lang ang nakakaalam sa pagkatao ng lahat ng miyembro.

And it is the members' choice kung gusto ba nilang ipakita ang tunay nilang mukha o hindi but when the Boss will say show your face, you must show your face without any questions 'cause if you do, then tanggal ka na sa grupo.

Ixtal Organization has ten members with also 10 members led by the underboss a total of twenty members to be exact. We are the higher-ups and those ten naman ay ang nagha-handle ng mga gulo sa outside world. Kumbaga sila 'yung humaharap sa ibang organisasyon na kinakalaban kami and the underboss will report it to the boss who is our boss here, Boss Knight.

Syempre, mga bata pa kami but Boss Knight's family are on our back. Ginagabayan pa rin kami ng dating tagapamuno ng Ixtal Organization. Even our parents who take us as their heir in this position. So basically this mission that we're doing is our first mission as the official new member in our said organization. And it's been two months already since we start this mission at hindi pa kami nangangalahati sa impormasyong nakukuha namin.

So, back with these three new members na mag-fe-face reveal ngayon sa harapan namin.

My eyes widen nang tuluyan ko na silang makita. Even Elleanor na kakagising pa lang ay nagulat rin.

We have a member of the council here sa pinapasukan namin na paaralan. The Vice President.

"N-Ninna?" bulalas ni Elleanor.

Ninna is my classmate. She's the new Vice President of the Syne Attunement University. Basically, she's the former secretary but then the former president died kaya umangat ang posisyon niya ngayon.

"I never knew na kasama ko pala kayo sa organisasyon na ito." Nakangiti niyang wika.

Nalukot naman ang mukha ko sa dalawa pang miyembro na lalaki. How is this even possible? Never knew that these two guys here are also a member of our organization. Much worst, they belong to the higher-ups.

"Hello, ladies! Sabi ko na e. Hindi rin kayo ordinary." Nakangiti pang wika ni Miles.

Tumaas naman ang isang sulok ng labi ko. Oh, I hate this guy. Hindi ko siya ka humor.

"Oh! You're that Matt, right? Kaklase rin kayo ni ano—" naputol ang sinasabi ni Elleanor nang sumabay si Boss Knight sa kanya.

"Duty… we're on duty here, code Blue." Malamig na anas ni Boss Knight.

"Introduce yourself," dugtong pa nito.

"I'm code Dim," maikling pakilala ni Matt.

"Hello again, I'm code Black," nakangiti naman na pakilala ni Miles.

"Na, kode pingki (Me, Pinky). Dangsin-ui seobiseu pingki pingki! (Pinky, Pinky at your service!)" She cutely introduced herself.

Ano raw? Pinky? 'Yun lang naintindihan ko e.

Kinalabit naman ako ni Elleanor, "Red, kailan pa siya naging ganiyan? Wala akong maintindihan." Paanas na salita ni Elleanor sa'kin.

"Pinky lang naintindihan ko," paanas ko rin na sagot sa kaniya.

"I'm code dark," malamig na pakilala ni Liam sa tatlo.

"Code Blue," sabi ni Elleanor.

"Code Red," sabi ko naman na bahagyang itinaas ang kanang kamay sa ere.

Umupo na sila at sinimulan na namin ang pagpupulong.

"May nakakaalam na ba kung nasaan ang ebidensya?" Tanong ni Boss.

"O baka naman wala talagang nakuhang ebidensya ang babae na 'yun." Sarkastiko naman na salita ni Matt.

"Ey, that's impossible. Suprema is a witty one. I know na nakakuha siya ng marami-raming ebidensya. Isang buwan siyang namalagi doon kaya imposibleng wala." Wika naman ni Miles.

"I agree with Black. Baka nandon 'yun kay Gianna talaga. Hindi niya lang sinasabi sa'tin. Kayo, Blue at Red. Kaibigan niyo siya 'di ba? Roommates pa nga e." Sabi ni Ninna.

Mukhang pinapamukha ata niya na tinatago lang namin ang katotohanan kasi raw kaibigan namin si Gianna.

Binalingan ko naman siya ng tingin. "Pinky, I get what you mean. Pero nag-iingat din kami sa pakikisama kay Gianna kasi baka mapansin niya na kami ang dumukot sa kaniya noon. At hindi mo maiintindihan ang pinupunto ko kasi ngayon pa lang kayo nasali sa mission na 'to." Paliwanag ko ngunit may bahid naman iyong inis.

Hindi ko lang gusto ang pinupunto niya. Para bang pinapalabas niya na traydor kami ni Lea.

"Okay, enough with that. Dark, any progress? About that three lady." Sabi ni Boss kay Liam na ngayo'y tumayo na na may dalang papeles sa kamay nito.

He's really devoted to his job as the boss's right hand. Well, mapapabilib ka na lang talaga sa kasipagan ng lalaking 'to e. Kaya hindi ko siya masita patungkol sa kakambal ko kasi napaka green flag niya pagdating sa mga bagay-bagay.

"Job well done, Boss Knight. I already had the suspect."

"You already have? That's interesting," nakangisi naman na wika ni Matt.

Itong isang 'to naman ay may pagka psycho. Bigla-bigla na lang ngingiti tapos maya-maya seryoso na naman.

"Ang bilis naman ata," komento ni Miles.

"I work with darkness, Black. You already know me," sagot naman niya.

Tiningnan ko naman si Boss no'ng binasa niya ang papeles na ibinigay ni Liam sa kanya.

Kinalabit muli ako ni Elleanor. "Red, galing talaga ng Yang ko noh," masama ko siyang tiningnan sa sinabi niya.

"Doon ka na nga!" anas ko sa kanya at bahagya pa siyang tinulak.

"Well, this is really interesting, Code Dim, isn't it?" Ang sabi ni boss.

I saw Boss Knight's smirk while looking at Matt. Hindi rin naman nagpatalo ng titig si Matt.

"Why? Why did you do it?" tanong ni boss kay Matt.

Doon ko na napagtanto na si Matt pala ang suspect na sinasabi ni Liam.

Matt begins to laugh. A psycho laugh. Alam niyo 'yun, 'yung may pagka psycho sa aura niya.

Bigla naman siyang pumalakpak, "Bravo, Auilliam. You're really a pro. Yes, I did it. I kill them. And the reason? Well…" biglang nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng galit sa mukha.

Mukha talaga siyang bipolar e.

"They hurt my soon-to-be wife!" Dugtong niya na galit na galit talaga.




Leave a vote and comment (⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.8K 63
This is a story of a lone survivor of a devastating tragedy. She embarked on a quest to practice her magic while remaining silent about her true iden...
384K 12.5K 53
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
217K 4.1K 40
[[ Highest Rank: #1 in Vampire, #18 in Romance]] Isang simpleng babae lamang siya... Akala niya iikot lang ang mundo niya sa mga kayamanan nila.. Ngu...