Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ON...

By IamLaTigresa

6.6K 470 74

BAD WIVES 1: TINA Author: La Tigresa May masamang plano si Tina sa pera ng comatose patient niya na si TJ De... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE: WOUNDS
CHAPTER TWO: VIP
Chapter Four: The lips that looked so familiar
Chapter Five: Unsympathetic
Chapter Six: To Kill or To Marry?
Chapter Seven: Heartbeat
Chapter 8: The Applicant
9: Here Comes the Bride
Chapter Ten: Just Got Married
Chapter Eleven: The Husband

Chapter Three: TJDM

494 42 4
By IamLaTigresa

Chapter Three: TJDM

Gising si Tina pero nakabulagta at wala siyang kakilos-kilos sa ibabaw ng kama. Nakauwi siya sa bahay kagabi nang matiwasay. Lantang-gulay na siya nang ihagis niya ang katawan sa kama. Ni hindi na siya nakapaghilamos at sipilyo dahil wala pang isang minuto, hilik na lang niya ang maririnig sa loob ng maliit niyang kuwarto.

Sigurado siyang nailipat na sa recovery room o kaya sa private suite nito ang pasyente niya para magpagaling. Sigurado rin na puring puri na ng mayaman nitong kapamilya ang trauma at surgical team na nag asikaso dito kagabi – habang siya?

Wala na namang makakaalam tungkol sa existence niya; sa pinagdaanan niya habang tina-transport nila ito sa Ospital kagabi.

Ipinikit ni Tina ang mga mata, gustong pagtawanan ang sarili. Ano ba ang ginawa niya bukod sa paglapat ng tuwalya sa nagdudugo nitong dibdib? Ni wala yata siyang naiwang magandang impresyon kahit sa driver.

Sabi niya kay Julia, tanggap niya ang katotohanan na kadalasan, ang pat in the back at mga papuri ay para lang sa mga Doktor na nagpakahirap sa surgery room. Kaya bakit niya ba gustong makiamot roon?

Pero hindi papuri ang kailangan niya. Wala siyang pakialam doon. Ang kailangan niya ay koneksyon, ng malaking isda na pwede niyang kapitan na magdadala sa kanya sa lugar na kailangan niyang puntahan sa lalong madaling panahon. At ang lugar na iyon ay ang palapag sa TBC Hospital kung saan matatagpuan ang malamig at malawak na opisina ni Lily Angelo.

Kailangan niya ng mga taong makakatulog sa kanya para hindi manatiling salita lang ang sumpa niya sa hukay ng mga mahal sa buhay na pagbabayarin niya ang taong may kasalanan sa pagkawala ng mga ito nang maaga. She'll make Lily Angelo pay at hindi lang ang pangalan nito ang sisirain kundi ang lahat-lahat dito. Buhay, karera at maging ang pamilya nito.

Pero paano nga? Nagbuga siya ng hininga. Napu-frustrate siya. Akala niya madali na lang ang lahat ngayong nakalapit na siya sa teritoryo ng babae. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, alikabok lang siya na pilit kumakapit sa magara nitong damit.

But if Lily Angelo thinks she has forgotten those words that came out of her mouth that day, nagkakamali ito. Araw-araw wala siyang ibang ginawa kundi kamuhian at i-replay sa utak ang ginawa nitong pag abandona sa kanila ng gabing iyon.

Nakatanim sa utak niya ang luhaan pero atubiling pagbaba nito sa kotse nito. Ang nanginginig na pagsilip nito sa nakataob nilang van para i check marahil kung may natitira pang buhay... Ang pag atras nito, ang pagrehistro ng takot sa mukha nito nang makita siya at sina Lola Elsa at Hesusa na humihinga pa... At ang tuliro pero nagmamadali nitong pagbalik sa sasakyan at pagpapaharurot niyon papalayo na parang wala itong iniwang mga pasyente na nag aagaw-buhay.

Kung mas pinairal sana nito ang budhi at prinsipyo kaysa ang karuwagan, ang takot, marahil buhay pa sana ang mga mahal niya sa buhay.

Nang magising si Tina sa Ospital, ang unang unang ginawa niya matapos bisitahin ang puntod ng mga magulang ay ang mag file ng reklamo sa prosecutor's office laban kay Lily Angelo.

Pero bukod sa walang witness, walang CCTV sa pinangyarihan ng insidente, may matibay na alibi pa ang Doktor na nagpapatunay na wala ito sa Pilipinas ng gabing iyon. Iyon ang mga rason kung bakit ibinasura ang reklamo sa piskalya.

But Tina saw her with her eyes, bagaman unti unti na siyang pinandidiliman ng paningin dahil sa matinding sakit sa kanyang tadyang. Si Dra Lily Angelo ang babaeng nakita niyang bumaba mula sa driver's seat ng sasakyan ilang minuto matapos ang salpukan. Kilala niya ito dahil isang beses ay naging guest speaker ito sa pinapasukan niyang Unibersidad maliban pa sa madalas na nakapaskil ang mukha nito sa tarpaulin sa harap ng TBC Hospital.

At the age of 18, mas napatunayan ni Tina that money is everything. Walang kayang hindi bilhin ang salapi. Katotohanan, tao, batas, kalayaan... Sa kanya, natitiyak niyang kaya niyong gamutin ang sugat at palitan ang galit sa puso niya ng kapayapaan.

Her hatred for Lily Angelo brought her to where she is right now. Susundan niya ito kahit saan, ipapaalala niya dito araw-araw kung ano ang ginawa nito ilang taon na ang nakakaraan. Hindi ito dapat naging Doktor. Lily Angelo doesn't deserve to be applauded or to be even called a Doctor. She was an irresponsible coward who abandons people who need medical help.

Lily Angelo anxiously watched her in a private room during her interview. She at first, believed that Tina wouldn't make it to TBC. Alam niyang sinubukan din nitong harangin ang pagkaka-hire sa kanya. But someone from the higher-up wanted her to work for them bukod sa nangangailangan ng mga panahon na iyon ang Ospital ng staffing.

Hindi alam ni Tina kung sino at sa totoo lang hindi niya rin inaasahan ang pagkakatanggap sa trabaho. Kumpara sa ibang aplikante, ordinaryo lang ang laman ng kanyang resume. Grumadweyt siya sa isang semi-private University sa Mactan; ni wala siyang uno sa grades niya. But she got so lucky na makasama sa iisang ospital ang babaeng kinamumuhian niya.

Pero hanggang doon lang ang nagawa niya.

Iwinasiwas ni Tina ang pang ibabang katawan at mga paa hanggang matanggal ang nakapulupot na kumot sa kanyang katawan. Kaysa inisan lalo ang sarili, bumaba siya sa kama saka tinungo ang lababo sa kusina para magsipilyo.

Napatingin siya sa two burner gas stove na nakapatong sa gilid ng lababo. Ilang taon na simula nang huling nagamit iyon. Mabilis niyang inalis ang tingin sa lutuan saka binilisan ang pagto-toothbrush. Lumakad siya papunta sa likod-bahay para kunin ang nakahanger na tuwalya sa sampayan. Dumeretso siya sa banyo at mabilisang naligo.

Inabot lang siya ng bente minutos sa banyo, nang lumabas, nakabihis na siya at nakapulupot na ang tuwalya sa kanyang buhok. Dinaanan niya ang bag niya na inihagis niya lang sa sofa kagabi saka inilabas doon ang kanyang make up kit. Nag apply siya ng moisturizer at lip gloss sa perfectly proportioned niyang mga labi. Hindi niya na kailangan maglipstick dahil natural nang namumula niyon.

Maliban sa dalawang pampaganda, wala na siyang ibang inilalagay na kolerete sa mukha. She's blessed with perfect killer kilay na hindi na kailangang i-shade o i-shave pa. Maliit at matangos ang kanyang ilong - iyon ang bahagi ng kanyang mukha na kinaiinggitan ni Julia.

Patalima na siya para bitbitin ang bag niya nang mapatingin siya ulit sa repliksyon niya sa salamin. She looked plain, pero palaban ang aura niya.

Maganda siya, alam niya. At alam niya rin na may igaganda pa siya kung mag-aayos siya kagaya ng ibang normal na babae. Julia wasn't that pretty, nagtataglay ito ng mukhang tinatawag nilang normal lang at araw-araw mong makakasalubong sa daan, pero kapag nasa labas na ito, nakabihis, nakaporma, naka-make up parang nagiging ibang tao. Pati net worth nito na kung tutuusin ay wala pang kalahating milyon tumataas ng ilang milyong piso.

Tumunog ang cell phone ni Tina. Dinukot niya iyon mula sa bag niya at pinatay ang alarm clock. Lumabas siya ng bahay at inilock ang front door bago nag umpisang maglakad papunta sa sakayan ng bus. On the way to the bus stop, nadaanan niya ang dati nilang karenderya.

Bumulong siya ng 'Maayong buntag,' na kinasanayan niya nang banggitin tuwing dumadaan doon sa umaga.

Maaga pa kaya sigurado siyang maaabutan niya pa ang pang-apat na bus na bumabyahe at dumadaan sa tapat ng TBC Hospital kada umaga. Ilang minutong lakad pa ay narating na niya ang bus stop.

Naghihintay at nakaupo na siya sa bench nang matanaw niya ang papalapit na kotse. Mabagal na iyong pinatatakbo ng driver hanggang huminto iyon sa tapat niya. Bumaba ang bintana sa backseat ng sasakyan at sumilip doon ang guwapong lalaki na nakasuot ng puting long sleeves. Higit na na-emphasize ang well defined straight nose nito sa suot na Jacques Marie Mage sunglasses.

"Hi. Duty ka na?"

Kumunot ang noo ni Tina. "Sino ka naman?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito. "The driver from last night..."

Bumuka ang bibig niya. Gustong tadyakan ang sarili. 'Tanga.'

"Uy, hi!" todo ngiti siya. Mukhang mali ang naisip niyang hindi siya nakapag iwan ng impresyon kagabi. Natatandaan siya ng driver. Siguro naman mababanggit siya nito kahit papaano sa mga magulang o kamag-anak ng pasyente kagabi.

"Papunta ako sa Ospital, kung gusto mong - "

Hindi pa man ito tapos sa sasabihin, kinabig na ni Tina pabukas ang pinto sa tabi ng driver's seat, naupo at ikinabit ang seatbelt sa katawan niya. "Thank you! Late na nga ako," ngiti niya kahit ang totoo, may halos kalahating oras pa bago mag umpisa ang duty niya.

Nagkibit ng balikat ang lalaki, ngumiti na lang din. Guwapo ito kahit saang anggulo niya tingnan. Wala pa siyang lalaking nakikitang may kasing ganda ng ngiti ng lalaking ito. Pero wala siyang pakialam sa hitsura ng tao. Mas matimbang sa kanya ang net worth o laman ng bank account nito.

Pasimple niya itong sinipat.. Nagningning ang mga mata ni Tina nang bumaba ang tingin niya sa limited edition rolex watch na suot nito. Hindi niya napansin kung suot din nito iyon kagabi.

May bangle bracelet din sa kaliwang kamay na hindi niya masiguro kung white gold ba o plated lang. Hindi siya magaling kumilatis ng ganun sa isang tinginan lang. Unless ipapahiram nito iyon sa kanya para mapa-appraise niya - masangla na rin kung magkakagipitan. His white long sleeve was a designer item, at natitiyak niyang ganon din ang suot nitong slacks at sapatos na itim.

Walang kahit anong singsing na nakasuksok sa daliri nito sa kamay - maaaring single pa, puwede ring itinago lang muna.

"Hindi na 'ko nakapagpasalamat kagabi," anang lalaki na tinapunan siya ng tingin. Nag umpisa na nitong paandarin ang kotse. "You don't look really good. Hindi ka ba nakatulog?" tanong nito.

Ngali-ngali na siyang tanungin kung ano ang trabaho nito. Mas gusto niyang iyon ang pag usapan nila kaysa ang hitsura niya ngayon.

Tumikhim ang lalaki na siyang naging dahilan para magbaba si Tina ng tingin. Hindi siya sigurado kung nahuli nito ang tila pagkukwenta niya sa isip.

"Halata ba?" umpisa niya. "Ganito talaga ang sakit naming mga Nurse. Sobrang seryoso kasi talaga namin pagdating sa pagtulong sa kapwa. Nadadala namin hanggang sa bahay ang pag-aalala. Hindi talaga kami napapakali hanggang hindi namin nasisigurong okay ang pasyente," labas sa ilong pero walang gatol niyang ani.

"I see. Maswerte ang mga pasyenteng maa-assign sa 'yo."

"Ang totoo niyan, andami nga nilang nagbibigay ng gifts at bouquet ng flowers sa 'kin bilang pasasalamat. Halos puno na ang bahay, wala na nga akong mahakbangan."

Magsisinungaling at magyayabang na rin naman siya, itotodo na niya.

"Kumusta na nga pala si --" sinikap niyang ibitin ang pangalan ng pasyente, umaasang magbibigay ang lalaki ng kaunting detalye.

"Under observation pa rin. Inilipat siya sa ICU kagabi."

Gusto niyang kalmutin ang makinis na mukha nito. Ayaw talaga ibigay kahit pangalan na lang ng pasyenteng sinubukan niya naman kahit papaanong tulungan kagabi.

Pero ICU? Bakit hindi sa recovery room?

"Ilang taon ka ng nurse?"

"Turning 8 months pa lang, pero hindi ibig sabihin nun wala pa ako masyadong experience. Devoted ako sa propesyon ko. Kaya kong hindi matulog ng ilang araw mabantayan ko lang ang pasyente ko," sagot niya.

Nagpatango-tango ito. Kinagat ni Tina ang mga labi. Nagtunog OA ba siya doon? Nag alis siya ng bara sa lalamunan. "Hindi ko pa nakukuha ang pangalan mo..."

"David," maiksing tugon nito. Tinanggap ang kamay niyang iniabot niya para sa isang mabilis na handshake.

"Single, taken or married? If you don't mind me asking."

"Single." tugon nito. Mabilis na nagtake note si Tina, bukod sa pagiging single nito, malambot ang mga kamay ng lalaki. Malamang, sa opisina ito nagta-trabaho, papirma-pirma lang ng papeles o kaya pautos-utos at pasinghal singhal sa boardroom. Sana lang tama ang hinala niya na may magandang trabaho ito at posisyon sa isang malaking kompanya.

Dahil kung tama ang hinala niya,
puwede na niyang ihulog ang sarili sa bangin at magpasalo dito sa ilalim.

Pinagsalikop ni Tina ang mga palad sa ibabaw ng kanyang hita. Iginala niya ang tingin sa loob ng sasakyan. "Maganda itong kotse mo, bili mo o regalo sa 'yo?"

Muling tumaas ang sulok ng bibig ng lalaki sa isang amused na ngiti, tumingin ito sa kanya. "Bili ko."

Buong buhay niya, noon lang yata nakaramdam ng mga paru-paro sa sikmura si Tina. Sino ba'ng hindi kikiligin? Ang kotseng sinasakyan nila ay isang BMW 8 series na nagkakahalaga ng mahigit labing dalawang milyong piso sa Philippine market.

⚜️

Pangiti-ngiti si Tina habang kinukuha ang chart ng pasyenteng nakatoka sa kanya sa nurses' station. Pasado alas tres na ng hapon ilang pasyente na ang sinilip niya at inasikaso pero nakapagtatakang inspired siya ngayong magtrabaho.

Mamayang breaktime, sisilip siya sa ICU. Aasang makakasilay siya kay David at makakapagpapansin dito. Hindi niya pa sigurado kung ano ang trabaho nito, iisa lang ang nasisiguro niya, nararamdaman niyang may nakatagong salapi sa likod ng mga ngiti nito. At inaakit siya ng mga iyon na lumapit dito.

'VIP Inpatient Suite 08.' tahimik na basa niya sa chart na iniabot sa kanya ni Queenie, isa ring nurse.

Itinulak ni Queenie ang medical cart papunta sa kanya. Kagaya ng dati, masama ang tingin nito sa kanya. "Hindi ko alam kung anong swerte ang sinalo mo ngayong umaga pero diyan ka daw naka-assign sa VIP na 'yan ngayong linggo."

Kumunot ang noo niya. Makakaapak na siya sa VIP Suite? At iisang pasyente lang ang aasikasuhin niya sa loob ng isang linggo? Pero ang ibig sabihin niyon ay isang linggo din siyang walang uwian – kiber. Ang importante, nasa VIP suite na siya! Ilang palapag na lang ang pagitan niyon sa palapag kung nasaan ang target niya.

"Ilipat mo ang mga gamit mo sa locker sa 8th floor. Pati ang bago mong uniform. Nariyan sa cart ang susi. Ngayon ka lang makakapag assist ng VIP kaya huwag kang aanga-anga kung ayaw mo ng malaking problema."

Nakikinig at mataman lang na nakatitig si Tina sa mukha ni Queenie. Mas makapal ang pagkakashade ng kaliwang kilay nito kaysa sa kilay nito sa kanan. Kung mayro'n man na aanga anga sa kanila, malamang ito iyon at hindi siya.

"Stop staring! Ano ba'ng problema mo?" naiirita at naiilang na sita nito sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya dito. Alam ni Tina na ang pakay nito ay insultuhin siya at ni katiting ay hindi ito worried sa kanya. Kasabayan niya si Queenie. Parehong araw silang na interview at kasabay niya rin itong nag-umpisa sa TBC. Mabait pa ito sa kanya nung una pero nang maramdamang pinag iinitan siya ng mas nakakataas, nakisabay ito sa uso at madalas ay pinapower trip na rin siya. Kagaya ng ilang mga nurses sa station nila. Ang aarte, mapuputi lang naman, walang ganda.

Tumuloy si Tina sa ikawalong palapag matapos i-swipe ang VIP access card sa elevator na laan lang para sa mga VIPs. Elevator pa lang malaki na ang pagkakaiba kaysa sa elevator ng mga ordinaryo nilang pasyente na bagaman may sinasabi din naman sa buhay ay walang kakayanang magbayad ng daan-daang libong piso para sa membership card.

Malawak at maluwang ang aisle na nalalatagan ng carpet. Para siyang naglalakad sa isang five star hotel at papunta sa isang presidential suite. Huminto si Tina sa malapad na pinto ng Suite 08. Walang nakapaskil na pangalan ng pasyente sa gilid ng pinto. Wala rin siyang nabasang ibang detalye sa kanyang chart maliban sa initials at gender ng nasa loob niyon.

TJDM. Male.

Ano naman kaya ang sakit nito? Luslos? Almuranas? Ngumisi siya. Kahit araw-araw niyang i-check ang puwet at itlog nito, wala siyang pakialam. VIP ito, she'll assist him with a smile. Nilakihan ni Tina ang mga ngiti niya. Isinwipe ulit ang access card sa pinto saka kinabig ang sliding door pabukas.

Continue Reading

You'll Also Like

854K 35K 45
Ella Claire Fuentes is one of the most popular girls in their University. Nbsb since wala pa syang time for love. She just wants to enjoy her life. K...
3.7K 140 17
Sixteen year old lamang si Arsie Del Fiero, noong isuko ang pagkababae kay Ibarra Miguel, ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya na may sampong t...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...