Never Cry Murder

Bởi Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? Xem Thêm

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 50: When tables are turned

60.3K 3.3K 2.7K
Bởi Serialsleeper

50.

When tables are turned

Serenity

The scared and horrified look on tatang's face as he saw her bloody little girl clinging to life—Priceless. This is fucking priceless! I've waited for this moment far too long and now that it's really happening, it feels so fucking good.

"S-serenity anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw ni Tatang at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Ang tagal kong hinintay ang sandaling 'to, ang umiyak si Tatang dahil sakin... Ang masaktan siya.

"Yang nararamdaman mo ngayon? Mas malala pa diyan ang naramdamang sakit ng mga magulang ng biniktima niyo! How does it feel when the tables are finally turned huh?! Hurts like hell right?! Well this is just the beginning!" Pagmamalaki ko habang hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi ko. Ugh, I just can't help but to smirk and show off.

Nagngingitngit siya sa sobrang galit at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.

I know how you feel bruh, you made me feel that pain so many times already.

Nagsimula siyang humakbang papalapit kaya naman lalo kong diniinan ang kutsilyo sa leeg ng wala paring malay na si Kerry.

"But Tatang, if you take a step again, I will have no choice but to slit your daughter's throat like a pig." Panunuya ko sa kanya habang naka-pout pa, "Ayaw mo naman sigurong makatay tong anak mo diba?" Dagdag ko pa saka ngumisi na para bang isang inosenteng nilalang.

Gouging Kerry's eyes out is not enough for what she did to Julia but then again I won't slit her throat... that would be too easy. And they don't deserve an easy death...

Nagulat ako nang bigla na lamang napahalakhak si Tatang. Wait whut.

"Serenity baka nakakalimutan mo? Hawak ko parin ang mga kaibigan mo... hindi ba't kaibigan mo sina Dustin Consulacion?" Panunuya naman niya na para bang pinagbabantaan ako.

Imbes na mabahala ay natawa na lamang ako, kinuha ko ang cellphone ni Tatang mula sa bulsa ko at ngumisi sa kanya, "I hate to break it to you Tatangina, but everyone's already free... I already fucked up your program.... Sucks right?" Pagmamalaki ko sabay pagmamayabang sa kanya ng cellphone niyang hawak ko na.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, nagulat ako nang bigla na lamang akong sinugod ni Tatang. Sa sobrang gulat ko'y hindi na ako nakagalaw pa at nabitawan ko na ang kutsilyong hawak ko.

Namalayan ko na lamang na nakahiga na naman ako sa sahig pero this time, si Tatang na ang nakadagan at sumasakal sakin.

Kahit hindi niya ako sakalin, nahihirapan parin akong huminga. Ang laki niyang lalake, masyadong mabigat lalo na't nakaupo pa siya sa mismong sikmura ko. Pilit akong nagpupumiglas pero masyado talaga siyang malaki at malakas.

"Napakasama mong bata!" Sigaw ni Tatang at nagulat ako nang makitang may hawak na siyang isang scalpel.

"Hayop ka!" Napatili na lamang ako sa sobrang takot lalo na nang makita kong unti-unti niyang inilalapit sa mata ko ang scalpel. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang takot, shit katapusan ko na.

Paulit-ulit kong hinihilig at iniiling ang ulo ko habang ang kaliwa kong kamay ay pilit kong hinahampas sa kanya.

"Hindi na kita dapat binigyan ng pangalawang—" Biglang nanlaki ang mga mata ni Tatang at kasunod nito ay ang biglang pag-agos ng dugo pababa ng mukha niya. Sa isang iglap ay bigla na lamang siyang bumagsak sa mismong tabi ko.

Wait, what the hell just happened?

Nagulat ako nang bigla na lamang may humampas kay Tatang ng paulit-ulit gamit ang isang makapal na kahoy hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay.

"P-ponzi?" Hindi ako halos makapagsalita sa sobrang gulat.

"Ayos ka lang ba?" Natatarantang sambit ni Ponzi at agad akong tinulungang makatayo. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya hindi ko na napigilan pang maiyak at mapayakap sa kanya ng mahigpit.

"A-andito ka.. Andito ka.." Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong luha. Ni hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang paghagulgol. Nanginginig parin ang mga kamay ko at parang sasabog parin ang puso ko sa sobrang takot.

"I told you, I'll never lose you again." Aniya at niyakap ako pabalik, "Tapos na Serenity, tapos na... Uuwi na tayo at hinding-hindi ka na nila masasaktan pa." Paulit-ulit na sambit ni Ponzi at hinalikan ako sa noo.

"Tara na, ang mga pulis na ang bahala sa kanya." Giit ni Ponzi at hinawakan ang kamay ko dahilan para mapasunod na lamang ako sa kanya.

Panay parin ang pagbuhos ng luha ko habang kapwa kami naglalakad palayo. Andito na si Ponzi, kasama ko na siya pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong lumingon sa kwarto kung saan naroroon ang walang malay na sina Kerry at Tatang.

"I'm sorry Ponzi. I can't let this end like this." Giit ko at winakli na lamang ang kamay niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bago pa man siya makapagsalita, dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa kwarto.

Hinabol ako ni Ponzi kaya naman dali-dali kong sinara ang pinto para wag na niya akong mapigilan pa.

"Serenity! Serenity lumabas ka diyan! Anong gagawin mo?!" Nagsisisigaw si Ponzi habang kinakalampag ang bintanang gawa sa salamin.

"I'm sorry." Umiiyak kong sambit at ibinaba na lamang ang blinds ng bintana. Ayokong makita niya ang kinahinatnan ko.

***

Pilit akong nagbingi-bingihan sa mga sigaw at kamay na kumakalampag sa pinto at bintana. Alam kong sa puntong 'toy hindi lang si Ponzi ang gustong pumasok kundi pati narin ang mga pulis. Nakikita ko ang lahat ng nangyayari sa labas sa pamamagitan ng CCTV feeds na pumapasok sa cellphone.

"Pagbabayaran mo 'to Serenity..."

Napangisi ako nang tuluyan nang nagising si Tatang na ngayo'y itinali ko na ng mahigpit sa upuan. Para masiguradong hinding-hindi siya makakatakas, pinako ko lang naman ang mga paa niya sa mahabang kahoy na ipinalo sa kanya ni Ponzi kanina.

"Mali ka tatang, ako na ngayon ang maniningil sa lahat ng mga kasalanan mo." Pagmamalaki ko saka ngumisi sa kanya. Kahit nakangisi ako, patuloy parin sa pag-agos ang luha ko kahit na anong pagpigil ang gawin ko dito.

"You love lobotomizing others right? How about I lobotomize you instead? No anesthesia of course para No chill Philippines." Pabiro kong sambit saka kinuha ang isang scalpel—yeah I know hindi ito ang ginagamit niya sa paglobotomize kay Rose at sa iba pa pero bagay talaga sa kanya ang scalpel eh.

Bahagya akong lumuhod upang maging magpakapantay ang mga mukha namin ni Tatang, "Nga pala, before I lobotomize you, can I just tell you one thing?" Huminga ako ng malalim, "Ikaw ang kinaputapu-tahang kaputaputahang kaputanginahang putangina sa balat ng lahat ng putanginang gaya mo." And with that, sinaksak ko ang scalpel sa gilid ng mga mata niya hanggang sa umagos ang dugo mula rito. Umalingawngaw ang napakalakas niyang palahaw dahil sa sobrang sakit dahilan para lalong lumapad ang ngisi ko, pero kasabay naman nito ang lalong pagbuhos ng luha ko. Ba't ganito? Ba't naluluha ako? Sa sobrang saya ba 'to?

Hindi ko diniinan ang pagsasaksak ng scalpel sa kanya, gusto ko siyang saktan at paiyakin ng dugo pero ayoko muna siyang patayin. Bwisit asan ba yung machine na ginagamit niyang panguryente samin? Sarap niyang kuryentehin eh.

"Everytime na sinasabi ko sayo noong papatayin kita, I meant every fucking word. Praise be fate for the opportunity." Pagmamalaki ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

Kinuha ko ang isang martilyo at lumapit ako kay Kerry na unti-unti nang bumabalik ang kamalayan. Hinahayaan ko na lamang ang sarili kong humagulgol, idinadaan ko na lamang sa sigaw ang bawat sakit na nararamdaman ko.

"Remember Paris?!" Sigaw ko kay Tatang at agad na hinampas ng napakalakas ang tuhod ni Kerry gamit ang martilyo dahilan para umalingawngaw ang napakalakas nitong palahaw. Nakakasuka ang pagkayupi ng tuhod ni Kerry pero nararapat lang 'to sa kanya. Dapat lang 'to sa kanya. Kanina pa ako gigil na gigil na pahirapan siya lalo.

"Tama na! Ako nalang 'wag ang anak ko!" Pagmamakaawa ni Tatang dahilan para matawa ako.

"But Tatang, you killed someone else's daughter.  Hell, you even killed an innocent baby! You should've thought about how others would feel before you did those horrible things!" Giit ko habang pinupunasan muli ang luha ko, "Remember when I begged for you over and over again, correction! We all begged for you but did you listen? You didn't so you can beg all you want, wala parin namang magbabago, pahihirapan ko kayo gaya ng ginawa niyo samin!"

"Ikaw Kerry? Naalala mo ba si Paris?!" Sigaw ko at hinampas naman ng napakalakas ang kabila niyang tuhod gamit ang martilyo.

Magkasabay na nagsigawan sina Tatang at Kerry... Si Kerry dahil sa sakit, Si Tatang dahil sa pagdurusa ng anak niya.

Hindi ako dapat maawa sa kanila pero yung luha ko, muli na namang bumuhos. Hindi.. Hindi ako naaawa sa kanila. Hindi sila naawa sa amin kaya bakit naman ako maaawa? They killed Julia and her baby. They tortured us over and over again, napakarami nilang pinatay at sinaktan, hindi ako dapat maawa.

"This... This is for Julia!" Sigaw ko at gigil na hinampas ng napakalakas ang martilyo sa gitna ng mga hita ni Tatang dahilan para agad na umagos ang dugo mula sa hita niya at mangisay siya sa labis na sakit. "Sorry for hammering your dingdong—literally."

Hinugot ko ang scalpel na nakakabit parin sa mata ni Tatang at halos masuka ako nang muntik sumama ang mata niya rito—shit. Okay, this is getting disguting. On the bright side magiging kapareho sana sila ni Kerry... eye-less. Like psycho-father, like psycho-daughter.

Dala ang scalpel ay lumapit ako kay Kerry at pinagmasdan ang labi niya.

Ngumisi ako sa kanya, "Kerry kilala mo ba si Kuchisake-Onna?" Tanong ko pero hindi siya kumibo. Panay lang siya sa sa pag-iyak at panginginig na para bang wala na sa sarili dahil sa sobrang sakit.

"Hoy kinaukausap kita, ano Kerry? Hmm, may dala akong scalpel, hiwain ko kaya ang bawat gilid ng labi mo para maging magkamukha kayo?" Tanong ko saka unti-unting dinampi sa labi niya ang scalpel.

"Serenity tama na."

Nagulat ako nang bigla na lamang umalingawngaw ang kalmadong boses ni Ponzi sa buong kwarto. Napatingin ako sa CCTV at umiling-iling. Ngayong may control sina Ponzi sa intercom system ng building, alam kong sa puntong 'to, nakikita narin nila ang mga ginagawa ko kay Tatang.

"Ponzi I love you but you need to shut the fuck up! Wag mo akong pakialaman!" Sigaw ko na lamang at muling sinaksak ang hita ni Tatang dahilan para lalo siyang mapasigaw.

"Serenity oras na mapatay mo sila, magiging kagaya ka na nila." Giit ni Ponzi pero umiling-iling na lamang ako.

"Alam ko! Kung hindi mo 'yon kayang tanggapin, problema mo na yon! Wala kayong ideya sa mga pinagdaanan namin kaya wag niyo akong pakialaman!" Sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Habang tumatagal lalong tumitindi ang panginginig ng mga kamay ko at lalo kong hindi napipigilan ang mga luha ko. Nahihirapan na akong huminga kaiiyak at ang mga demonyong 'to ang may kasalanan.

"Sisa alam ko ang pakiramdam."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Dustin mula sa intercom. Napakatamlay ng boses niya, para bang kakagaling niya lang sa pag-iyak.

"Dustin manahimik ka!" Sigaw ko at itutuon na sana ulit ang atensyon kay Kerry.

"Sisa ang sarap sa pakiramdam gumanti diba? Nakakabuhay ng dugo... Nakakagigil... Nakakatuwa... Pero Sisa sa simula lang 'yan lahat. Darating ang oras na gagambalain ka ng mga alaala ng paghihiganti mo at mapagtatanto mong walang mabuting idinulot ang paghihiganti... lalo lang nitong pinalala ang lahat. Sisa sinasabi ko 'to sayo kasi ayokong matulad ka sakin, hindi pa huli ang lahat para sayo. Sisa kung sana may nagsabi lang sakin ng lahat ng 'to noon, siguro normal na teenager lang ako, siguro may mga kaibigan pa ako, siguro may kapatid pa ako. Dahil sa ginawa kong paghihiganti nawala sakin ang lahat—nawala sakin ang mga kaibigan ko ang mga taong nagmamalasakit sakin. Sisa 'wag kang gumaya sakin. 'Wag kang magpadala sa sobrang galit."

Para akong nanghina dahil sa mga sinabi ni Dustin kaya paupo akong bumagsak sa sahig. Napakasakit ng dibdib ko, napakabigat ng pakiramdam ko, wala akong ibang magawa kundi maiyak.

Gusto kong murahin si Dustin ng paulit-ulit. Gusto ko siyang bansagang hipokrito pero hindi ko magawa kasi alam kong may punto siya... Pero kahit may punto siya, wala akong balak na huminto. Napakarami nilang pinatay, hindi sapat na parusa ang pagkakakulong.

"Sisa makinig ka sakin, alam ko ang pakiramdam. Ganyang-ganyan ang naramdaman ko noon pero tingnan mo ako ngayon? Ni hindi ako halos makatulog dahil sa konsensya ko. Oo Sisa pinaghihiganti mo sina Julia pero hindi mo alam ano ang magiging epekto nito—Alam mo mismo kung gaano kapakshet ang domino-effect ng buhay, nakita mo naman anong kinahinatnan ni Ate diba? Kung paano biglang ang paghihiganti ko humantong sa pagkawala niya at ng anak niya." Muling giit ni Dustin na para bang lumuluha.

Dustin unknowingly caused Tammy's death... I don't want to cause anyone's death. Ayoko nang mawalan ulit ng mahal sa buhay at mga kaibigan. Ayoko na..

"Serenity..." Narinig ko ang kalmadong boses ni Ponzi kaya napapikit na lamang ako at napayakap sa tuhod ko. "Serenity makinig ka, yang Judge na 'yan? Kinidnap lang siya noon ng Lolo ni Calix, pare-pareho kayo ng pinagdaanan pero naging mahina siya at naging isang halimaw gaya nila. Pare-pareho lang kayong lahat na naging biktima pero Serenity may pagkakataon ka pang lumihis ng landas. Serenity 'wag kang gumaya sa kanila."

Napatingin ako kay Tatang at napahawak na lamang ako sa bibig ko upang mapigilan ang sarili kong humikbi.

Pareho kami ng pinagdaanan... Pare-pareho kaming pinahirapan... Naging halimaw sila at ngayon nagiging halimaw ako gaya nila... Pero paano sina Julia? Sino ang maghihiganti para sa kanila?

"Serenity may dapat kang malaman." Biglang sambit ni Ponzi kaya naman naingat ko ang ulo ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko gamit ang duguan kong mga kamay.

"Serenity naalala mo ba yung huling sinabi ni Neo bago siya namatay?" Tanong ni Ponzi kaya tumango-tango ako.

Saint and Mary... those were Spermy's last words right before he died and I have no idea why he'd say that.

"Serenity sa tingin ko ang Saint Mary's Orphanage dito sa Crimson Lake ang ibig niyang sabihin. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, galing sina Neo at ang Tatay niya sa Saint Mary's Orphanage noong araw bago sila inambush. May binisita silang isang sanggol na iniwan ni Mrs. Grady ilang buwan na ang nakakaraan. Serenity ang anak ni Julia... Nahanap siya ni Neo at ito siguro ang gusto niyang sabihin bago siya mamamatay... Serenity hindi ka nila hahayaang makalapit sa anak ni Julia oras na madungisan ng kasamaan ang mga kamay mo. Serenity alam kong napakabuti mong tao, gawin mo kung ano ang tama." Giit ni Ponzi kaya napapikit na lamang ako sa sobrang tuwa.

***

THIRD PERSON'S POV

 "Anong mangyayari kay Sisa kung mapapatay niya sila?" Nag-aalalang sambit ni Dustin habang nakatingin sa pinto ng kwarto kung saan naroroon si Sisa at bihag sina Tatang at si Kerry.

"Hindi 'yan gagawin ni Sisa." Paniniguro ni Ponzi.

"Pero paano kung gumaya siya sakin?" Mahinang sambit ni Dustin.

"Kakatisguhin o maaari siyang kasuhan Commission on Human Rights." Sabi pa ni Chief Hidalgo.

"Ano? Pero biktima lang din si Sisa!" Giit ni Dustin.

"Ganyan ka-hipokrito ang batas. Pati mga kriminal na halang ang kaluluwa, binibigyan ng karapatan." Paliwanag ni Chief Hidalgo.

"Nga pala ang baril ko, ibalik mo na." Biglang maotoridad na sambit ni Chief Hidalgo kay Ponzi na agad naman nitong ginawa. Tatlo lamang silang nasa palapag, sa di malamang dahilan, pinababa ni Chief Hidalgo ang mga nasasakupan niyang pulis kaya naman sila-sila na lamang ang natitira dito.

Makaraan ang ilang sandali ay tuluyang bumukas ang pinto at dahan-dahang lumabas mula rito ang umiiyak at nanghihinang si Sisa. Dali-dali naman siyang sinalubong ni Ponzi at niyakap ng mahigpit.

Dali-daling pumasok sina Dustin at Chief Hidalgo sa loob at laking gulat nila nang madatnan ang buhay ngunit duguang sina Tatang at Kerry.

"Sorry..." Umiiyak na sambit ni Sisa kaya naman agad na umiling-iling si Ponzi.

"Wala kang kasalanan... Wala kang dapat ihingi ng tawad kasi sa huli ginawa mo parin ang tama." Giit ni Ponzi at hinalikan muli ang noo nito.

"Bruh, ang bait mong hayop ka. Kaya hindi ka biniktima ni Tatang eh." Biro na lamang ni Sisa habang kinukusot ang mga mata niya, "Teka asan si Tirador? Ba't di niyo kasama?" Tanong ni Serenity pero hindi na lamang sumagot si Ponzi dahil ayaw niyang sumama ang loob ng dalaga.

"Teka anong ginagawa mo?!" Laking gulat nila Ponzi at Sisa nang bigla na lamang napasigaw si Dustin kaya naman kapwa sila pumasok sa loob ng kwarto.

Laking gulat nila nang makitang wala na sa pagkakatali sina Tatang at Kerry.

"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Serenity pero imbes na kumibo ay walang kaemo-emosyong inabot ni Chief Hidalgo ang baril kay Tatang na ngayo'y nakangisi na habang may umaagos paring dugo sa kanyang kaliwang mata.

"Gawin mo na, alam kong 'yan ang gusto mong gawin." Walang emosyong sambit ni Chief Hidalgo.

Nang makitang hawak na mismo ni Tatang ang baril ay magtatakbuhan na sana palayo sina Ponzi, Sisa at Dustin ngunit laking gulat nila nang bigla na lamang naglabas si Chief Hidalgo ng baril mula sa kanyang bulsa at walang kagatol-gatol na binaril si Tatang at Kerry sa noo dahilan para magtalsikan ang utak at dugo nito sa sahig.

Gulat man, panay ang pagtakip ng tatlo sa mga tenga nila dahil sa sobrang lakas ng putok.

"Bruh?! What the hell?!" Agad na napasigaw si Sisa.

"Ba't mo ginawa 'yon?!" Sigaw naman ng nakangiwing si Ponzi.

"Self-defense." Napangisi si Dustin marahang napapalakpak, "Bilib na ako sayo." Dagdag pa nito na animo'y napagtanto ang totoong layunin ng ginawa ni Chief Hidalgo.


"Trabaho ko ang protektahan ang lahat ng mamamayan ng Crimson Lake mula sa mga taong gaya nila sa abot ng makakaya ko. Ginagawa ko lang ang tungkuling sinumpaan at pinaniniwalaan ko." Walang emosyong at taas-noong sambit ni Chief Hidalgo.

Unti-unting napangiti  ang nanghihina paring si Sisa sabay taas ng kanyang kamay, "Lotus P—I mean Chief whatever-your-last-name-is. Thank you."

Naguguluhan man, nakipag-high five na lamang si Chief Hidalgo kay Sisa, "Wala kayong dapat ipagpasalamat, ginagawa ko lang ang trabaho ko."

Isa-isang tiningnan ni Chief Hidalgo ang tatlo, "Malaki ang pasasalamat ng buong lungsod sa inyo kasi dahil sa inyo, natuklasan at naresolba ang isang tagong problemang napakatagal nang pinagdurusahan ng Crimson Lake at ng mga mamamayan." Napabuntong-hininga ito saka bahagyang napakamot sa kanyang ulo, "Hay, mahaba-habang paper works na naman 'to. Magsiuwi na nga kayo sa mga bahay niyo." Biro pa nito.

END OF CHAPTER 50.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
Never Cry Murder Bởi bambi

Bí ẩn / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
930K 45.4K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
48.1K 2.6K 5
Kenna and her schoolmates are left quarantined in the secluded Torryn Grove High after a mysterious chemical leak. Despite their situation, the young...