Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 3

3K 91 8
By iamsayaallego

KABANATA 3


Natuloy ang balak ni Gene na pamamasyal namin sa buong estate. Nang sabihin niyang buong estate hindi ko akalaing buong lungsod ng Asteria pala ang tinutukoy niya! Umabot na ng hapon, wala pa kami sa kalahati ng buong 'estate'!

Papasok na kami ngayon sa isa sa mga mango farms ng angkan. Ayon sa nakasulat sa pamphlet na hawak ko, ito daw ang pinakamalaki at pinakakilala sa buong Pilipinas.

Pansin ko agad ang mga taong kung hindi man papunta ay galing na sa loob ng farm. Ang karamihan sa kanila ay parang mga dayo pa. Sinilip ko ang nasa unahan namin at nakita ko agad ang malaking signage sa itaas ng matayog na gate.

Asteria X Mangoes.

"Milo, bakit may maraming taong pumupunta rito? Open pala ito sa publiko?" Tanong ko sa driver namin nang di inaalis ang paningin sa mga taong naglalakad at mga tricycles na bumabyahe patungo sa gate ng farm.

"Mayroon din po kasing pasalubong shop sa loob ng farm na ito, Lady Aya. May snack bar din na nagbebenta ng mga mango products ninyo tulad ng ice cream, ice candy, iced tea, juice at shake..." Sagot nito na naputol nang may biglang tumikhim sa tabi ko.

Hindi ko iyon nilingon. Tumango lang ako sa narinig mula sa driver tsaka muling ibinaling ang paningin sa mga kaganapan sa labas ng sasakyan.

Nang makapasok na kami sa loob, namataan ko kaagad ang tinutukoy nitong shop. Punung-puno ito ngayon ng mga kustomer na gustong bumili ng mga pasalubong. Mayroon din akong nakitang mga 'Asteria' souvenir shirts na nakabitin sa labas ng tindahan.

Hindi kalayuan doon, nakita ko naman ang open snack bar. Nasa kalagitnaan ito ng farm at pinagawa talaga ang anyo nito katulad ng isang kalahating mangga. May mga maliliit na mesa ang nakakalat sa paligid ng bar. Kapansin-pansin rin ang haba ng pila ng mga kustomer na bibili. Lahat nakangiti at tila excited sa mga o-orderin.

May mga napansin akong nakapila na nangingisay habang tinuturo ang nasa counter. Mayroon pang mga tumitili. Napaangat ang kilay ko sa nakita. Ganun na lang ba kasarap ang mga inumin dito at ganyan sila kasabik?

Pilit kong sinilip kung anong meron sa counter na tila pinagkakaguluhan nila pero nalagpasan na namin iyong bar bago ko pa makita. Inilibot ko na lang sa ibang sulok ng farm ang aking mga mata. Kahit saan ako tumingin, mga puno ng mangga ang nasisilayan ko.

Napunta kami sa parte ng farm na may maraming mga burol na puno pa rin mga puno ng mangga. May nakita akong mga manggagawa na busy sa pagbubuhat ng mga basket na punung-puno ng mga bunga. Kumaway pa ito nang dumaan ang sasakyan namin. Bumusina lang sa kanila ang driver namin at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Kakilala niyo?" Tanong ko rito.

Sumulyap siya saglit sa rear view mirror bago ako sinagot.

"Opo, Lady Aya. Pero kahit hindi naman, kumakaway talaga sila bilang pagbati sa tuwing pumapasyal dito ang pamilya ni Master Gene," nakita ko pang panandalian din nitong sinulyapan ang katabi ko bago nagpatuloy, "Kilala kasi ang pamilya niyo rito bilang mababait at mauunawaing mga tao hindi tulad ng ib..." Muli na namang tumikhim ang katabi ko na nagpatigil sa driver naming magsalita.

Hindi na niya kailangan pang dugtungan. Alam na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

Ang farm ay isa sa mga pagmamay-ari ng pamilya ni Dice under Hans' management. Si Hans ang nakababatang kapatid ni Gene. Sa magkapatid, ang bunso ang mas matured mag-isip pero tinitingala pa rin niya ang kanyang kuya.

Well, Gene may be happy-go-lucky and a bit crazy when he's around me pero pagdating sa trabaho, seryoso ito at pulido kumilos. Sa dalawa, si Gene ang nagmana kay Dice pagdating sa passion sa business. Thankfully though, hindi niya nakuha ang pagiging matapobre nito.

Si Hans naman ay stoic at tahimik lamang. He's the kind who observes at first bago niya susubukang gawin. Gaya ni Gene, hindi rin siya matapobre kaya lang hindi rin siya marunong makihalubilo. He's awkward and shy around people. Maybe that's the reason kung bakit napapagkamalan siyang strikto at kinakatakutan ng mga tauhan niya.

Napasandal ako sa sandigan ng aking upuan as I watched some workers pass by with their baskets. Hindi katulad sa mga nauna kanina, mga bata pa ito at tila hindi nalalayo sa edad ko. Nagkukwentuhan ang mga ito at nagtatawanan pa na para bang hindi mabigat ang pasan-pasang karga na mga mangga. Maybe the farm is offering jobs to teenagers during summer.

Iginala ko na lang uli ang mga mata ko sa paligid. Ilang sandali pa, namataan ko ang isang pamilyar na babaeng kumakaway sa isang cottage. I looked at her closely and my eyes widen at the recognition.

"Is that Mimi?" Excited na tanong ko sa katabi kong kanina pa hindi umiimik, nakahalukipkip at nagpapang-abot ang nguso at nakakunot na noo.

"Hmmm..." Walang ganang sagot nito.

Nagtatampo kasi hindi ko isinuot ang pares ng father/daughter shirt na suot-suot niya kahit anong pilit niya. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling sa harapan ang aking paningin. Nakita ko pang bahagyang natawa si Milo sa inasta ng kanyang amo pero kaagad naman itong napawi nang mapansing nakatingin ako.

Muli ko pang sinilip ang aking katabi. Nakatingin ito sa kabilang banda pero bakas pa rin ang simangot sa repleksyon nito sa salamin ng sasakyan. Umiling na lang ako bago itinuon ang sarili sa aming destinasyon.

Kita ko mula rito ang kumakaway pa ring bulto ng asawa ni Gene. Sa likod nito mayroong dalawang nakascrub suit at tila may karga-karga. Iyon na marahil ang kambal!

I coudn't contain my excitement kaya when our van finally came to a halt, kaagad ko ng kinalas ang seat belts ko at walang sabi-sabing binuksan ang pintuan sa side ko. Hindi ko na hinintay pa iyong nagtatampong baliw at lumabas na ako sa sasakyan.

"Aya!" Rinig kong tili ni Mimi.

Kaagad naman akong napangiti nang makita siyang magiliw na kumakaway. I can see the twins clearly now. Ang lalaki na nila!

"Mimi!" Tili ko rin dito bago ko tinakbo ang distansya namin at dumiretso sa yakap niya.

"Oh my God, Aya, you're finally here!" Tili pa rin nito habang niyayakap ako nang mahigpit. Tumawa ako sa sayang nadarama. Finally, I'm home.

"Oh, let me have a better look at you!" Sabi pa nito bago ako bahagyang inilayo at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi nakatakas sa akin ang pagngiwi nito sa aking suot. I was wearing a simple white shirt, ripped jeans and some white chucks. Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito.

"Why are you still wearing boys' clothes, Aya? Boy's cut pa ang cut ng buhok mo. Hindi ka naman siguro tomboy, ano?" Natawa uli ako sa kanyang konklusyon.

"Ano ba ang basehan para masabi kong tomboy ba ako o babae? Alam mo ba?" Muli itong ngumiwi sa mga tanong ko.

"Even the way you talk is boyish!" Mas lalo akong natawa sa kanyang sinabi.

Masisisi niyo ba ako kung lahat ng nakakasalamuha ko ay puro mga lalaki? At isa pa, gusto ko rin ng ganito. Kung pwede nga lang sana maging lalaki. Kung sana naging lalaki na lang ako...

Umiling ako to stop my mind from lingering in that direction. I shouldn't think about unhappy things right now. Kasama ko na ang pamilya ko ngayon. There's no time to be unhappy. Wala rin iyong lugar sa puso ko ngayon kasi, right now, I'm happy. So happy.

"I think kailangan nating laging magsamang dalawa. This is what you get when you're constantly surrounded with boys!" Sabi pa nito sabay akbay sa akin at iginigiya ako papasok ng cottage.

Pagkapasok, agad nahuli ng paningin ko ang dalawang maliliit na bata. They're both wearing matching shirts, jumper shorts, boots and golf caps! Hindi maiikailang Cross ang mga ito. Kuhang-kuha nila ang hitsura ng papa nila. They're like mini-Genes! Ang ku-cute!!

Kasalukuyan naman nilang kinukulit ang kanilang papa na walang buhay na nakapalumbaba sa pabilog na mesa sa gitna ng cottage. Hindi ko napansing nauna na pala siya sa loob. Sinilip ko ang labasan at nakita kong magiliw na kausap naman ni Milo ang dalawang yaya malapit sa pinagparkingan ng van namin.

"O, anong problema ng isang iyan?" Pagtataka ni Mimi sa inaasta ng asawa.

Panandalian akong tiningnan ni Gene, nakanguso pa rin, bago umiwas ng tingin. It also seemed like he was muttering incoherent words.

Lumapit pa nang konti sa akin si Mimi para bumulong.

"Hindi mo pinagbigyan na isuot iyong personalized shirt niya, ano?"

Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at lumapit na lamang sa mga kambal na patuloy pa rin sa pagsundot-sundot ng mukha ng kanilang papa. Nakasunod naman si Mimi na tawang-tawa pa rin.

"Para kang bata, Gene. Umayos ka na nga nang makakain na tayo. Sinabi ko naman sa iyong hindi niya iyon magugustuhan, di ba?" Masuyong hinaplos nito ang balikat ng asawa.

"What's there not to like? Pina-embosed ko na nga ang mga silver letters para mas maganda tignan against the blue shirt. Tignan mo oh?" Sabay pakita nito kay Mimi sa suot-suot na damit na may naka-embosed na 'I ❤️ My Beautiful Daughter'.

Marahang tinampal ni Mimi ang dibdib ni Gene habang tumatawa. Hindi ko na lang sila pinansin. Nilalaro ko na lang ang dalawang kambal na parehong tanong ng tanong ng kung anu-ano.

"Maging ako'y aayawan 'yan, Gene. Masyadong obssess tignan. Isang taon na lang and she'll officially be a teenager. Papaano makakalapit ang mga lalaki sa kanya kung bantay-sarado ka?" Dinig ko ang malakas na singhap ni Gene sa sinabi ng asawa.

"As if I'd let them! They'd have to get past through us cousins before they'd have anything to do with my sweet, smart, brave, precious, beautiful daughter!" Gene snarled.

Tinaasan lang namin siya ng kilay ni Mimi.

"You can't cage her all her life, Gene. She's a beautiful lady. One of these days, may darating na lalaki who would steal her away from you the way you stole me away from my father," mahinahong usal ni Mimi. Pero maging siya ay pinagtaasan ko ng kilay.

Sinong may sabing magpapanakaw ako sa isang lalaki? Dadaan muna siya sa bangkay ko bago niya ako gawing kanya! I will not let myself be controlled by another man! I just want to be free!

"Magkaiba naman iyon, Mimi. I love you with all my heart kaya kita inagaw sa papa mo," nakita ko namang pumula ang mga pisngi ni Mimi sa narinig mula sa asawa habang ako nama'y gusto ng masuka.

"Uyy...." Nakapasok na pala ang dalawang yaya at ngayon ay tinutukso na ang mga amo nila.

"Itigil niyo na iyan. Masyado ng kinikilig ang amo niyo," nanunuksong biro ni Gene sa asawang tila kasimpula na ng mga mansanas ang mukha.

"Tama na nga iyan. Halina kayo at magsikain na tayo!" Namumula pa ring sabi ni Mimi, "Ibigay mo na sa dalawang yaya ang mga iyan para makakain ka na, Aya. At ikaw naman, Gene, act like a grown up already. Nakikita ng mga anak mo, o, baka kopyahin pa nila. Sasakit ang ulo namin ni Aya 'pag nagkataon," ngumuso uli si Gene sa sinabi ng asawa na ngayon ay tumatawa na.

"Gowap, Chichi, gowap!" Halos magkasabay na sabi ng kambal sabay turo sa kanilang ama. Nagsitawanan naman ang lahat sa ginawa ng mga ito.

"Even your sons think so, too, my dear," tawa pa ni Mimi sabay pisil sa nakasimangot na mukha ng asawa.

I couldn't help but laugh with them. I unconsciously held on to that pendant on my chest. Ganito pala ang pakiramdam na kompleto ang pamilya. Ganito rin kaya kami kung...

Muli akong umiling sa naiisip.

Shove those thoughts away, Aya. Hindi ngayon ang panahon para isipin iyan. Nandito ka na ngayon kasama ang pamilya mo. Kompleto na rin kayo sa wakas.

"O, Aya, kumain ka na!" Napalingon ako kay Mimi na inaabutan na pala ako ng isang paper plate. Nginitian ko siya habang tinatanggap ang plato.

Yes, Aya, you're already home. You should be happy.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mga mangga bilang dessert nang inopen-up ni Mimi ang tungkol sa aking pag-aaral. Ang mga bata ay naglalaro kasama ng mga yaya sa isang children's park di kalayuan dito.

"Patapos na ang klase ngayon. Anong balak mo? Papasok ka na ba sa paaralan ngayong Hunyo?" Napakurap ako sa tanong nito. Bumaling ako kay Gene na ngayon ay nabilaukan sa kinakaing mangga.

"Dahan-dahan ka kasi," sabay hagod ni Mimi sa likod nito.

"I'm fine," sagot naman ni Gene sabay inom ng tubig.

Nang masigurong okay na ang asawa ay binalingan niya akong muli.

"So? Papasok ka na sa LJU? Grade six ka na sa pasukan, di ba?" Umiling ako sa kanya.

"She won't be going to school this year either, Mimi. Iyan ang napagkasunduan ng mga matatanda," pansin ko ang agad na pagkunot ng noo ni Mimi.

Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa kinakaing mangga habang pinapakinggan ang pag-uusap nilang dalawa.

"Why?" Tanging tanong ni Mimi sa asawa.

"This is for the best, Mi. Tsaka, hindi naman siya mahuhuli sa mga natutunan ng ibang bata sa school. In fact, she'd have better lessons and teachers than they'll ever have. She'll have the best education a person could get, I promise," sagot naman ni Gene bago sinimulang balatan ang panibagong mangga.

Mimi eyed me with concern bago muling hinarap ang asawa.

"Your family might be right thinking that this is for the best pero kailangan din naman ni Ayang makapaghalubilo sa mga kaedad niya! She's still young! She needs to experience life outside the family!"

"She's young kaya nga hindi niya pa kailangang ma-experience ang buhay outside the family. Paano kung may masamang mangyari sa kanya roon? Hindi ko siya mapoprotektahan nang maayos. She needs to be where I can protect her!" Halos tumataas na ang tono ng pananalita ni Gene.

"Newsflash, Gene, you can't protect her forever! Darating ang araw that she'll be in trouble and you won't be there for her. She'll have to defend herself. She'll have to take a stand on her own! Papaano niya matutunan iyon kung ikukulong mo lang siya sa 'proteksyon' mo?"

Hindi ko na malunok nang maayos ang kinakain ko as I witness their simple conversation turn into a heated argument.

"Ugh... maglalakad-lakad na muna ako," I said in a small voice.

Tumango si Gene but his eyes were on his wife.

"Don't go to places where I can't see you," malamig na sabi nito bago ako tumango at dahan-dahang umalis na roon.

I heard Mimi said something sa huling sinabi ni Gene sa akin pero binalewala ko na lang iyon. I need some air. I need some place where I could forget about these sad things.

Naglakad-lakad ako and I took in the view in front of me. Berdeng-berde ang mga damo at umaalon-alon ang mga dahon ng mga puno ng mangga against a very clear sky. May konti pa ring mga ulap na tumatabon sa init ng sinag ng araw.

I closed my eyes as I took a very deep breath. The view feels so refreshing. It's no wonder kung bakit dinadagsa ang lugar na ito. They might have loved the relaxing feel the whole farm offers.

Lumapit ako sa mga puno ng mangga at isa-isa itong tinignan. Mayroon din akong mga nakakasalubong na mga manggagawa na panay ang titig sa akin. Akala marahil nila ay isa akong dayo dahil na rin sa kulay ng aking mga mata at buhok. Bahagya akong yumuko nang malagpasan ko sila.

May nakita akong isang puno ng mangga sa itaas ng burol. Unlike the other trees, medyo maliit pa ito at wala pang bunga. Tinungo ko iyon para matignan nang malapitan.

Nang makalapit na ako'y naingganyo naman akong akyatin ang puno dahil sa baba nito. Nilingon ko muna ang aming cottage. Medyo malayo iyon mula rito at natatabunan na ng mga puno ng mangga.

Nang masigurong hindi ako makikita ni Gene, walang pagdadalawang-isip na inakyat ko ito. Nang narating ko ang unang sanga, mas naingganyo pa akong akyatin ang mas mataas pang sanga. Ganoon uli sa sumunod na sanga hanggang sa nakapunta na ako sa pinakamataas na bahagi ng puno.

Medyo manipis na ang sangang inuupuan ko kaya kailangan ko pang isandig sa katawan ng puno ang aking likuran para makasigurong hindi iyon mababali. Hindi nga ako nagkamali sa pag-akyat dahil ngayon natatanaw ko na ang kabuuan ng farm.

Ang lawak-lawak nito at berdeng-berde dahil sa mga malulusog na puno ng mangga. Natatanaw ko rin iyong dagat mula rito. Ang ganda talaga! Sayang at hindi ko dala ang sketch pad ko. Nagkibit-balikat na lang ako at muling sumandal sa puno. I'll just memorize this sight and then paint it in my room later.

Tuwang-tuwa ako sa mga nakikita nang may bigla akong narinig na umuungol. Kumunot ang noo ko sa kakaibang tunog. Para ba itong sinasakal at hirap na hirap. Hinanap ko agad ang pinanggagalingan ng ungol. Baka kasi nangangailan ng tulong. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang may naghahalikan sa paanan ng punong kinaroroonan ko.

Kita ko ang paglamutak ng lalaking nakaputing polo na tinupi ang sleeves hanggang siko ng bunganga noong babaeng tinatanggalan naman siya ng butones. Ang mga kamay naman noong lalaki ay panay ng hagod sa katawan noong babae na umuungol sa ginagawa sa kanya. Para silang sarap na sarap sa ginagawa ng isa't isa.

Wala sana akong balak mag-ingay, pero sa kakasilip ko, bigla na lang bumigay ang sangang inuupuan ko. Nabali iyon. To my utter disbelief and their disappointment, doon pa talaga ako nahulog sa harapan noong dalawang naglalampungan.

Malakas na napatili iyong babae sabay ayos naman sa nakabukas na pala niyang blusa at nalihis na saya.

"What the f*ck?!" Mabilis namang inayos noong lalaki ang kanyang pantalon.

Agad din naman akong tumayo at hihingi na sana ng despensa nang bigla akong hinila noong lalaki gamit ang harapan ng aking shirt at marahas na isinampa sa katawan ng puno. Nanlaki pareho ang aming mga mata nang mamukhaan ang isa't isa.

Panandalian lang ang gulat sa kanyang mga berdeng mata at napalitan iyon ng pagka-irita.

"You again?!" Nanggigilaiti nitong tanong.

"Kilala mo ba ang batang iyan, Reign?" Tanong noong babae na ngayon ay sinusuklay ang sabog na buhok.

Hindi inalis noong lalaki ang kanyang mga mata sa aking mga bughaw. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin sa inis.

"Just some boy na humamon sa Dragons and got shamefully defeated," kumunot din ang noo ko sa alaalang inilibing nila ako ng buong-buo sa buhangin.

Hinagod ko ng tingin ang suot ng lalaki. Puna ko agad na sa may right side ng kwelyo ng suot niyang polo ay may embroidered logo ng Asteria X Mangoes at sa left side naman nakalagay ang pin ng family crest ng pamilya. I smirked at the realization na isa pala siya sa mga manggagawa rito.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman niya na ang 'batang' inilibing niya noon at hawak-hawak ngayon ay isa sa nagmamay-ari ng pinapasukan niya? Would he get to his knees and bow down before me as he continue saying strings of apologies to me? Hmmm...

Somehow a part of me would love to see those emeralds begging under the gaze of my blue ones.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan, ha?!" He asked as he banged me against the hard trunk. Napangiwi ako sa sakit ngunit ininda ko lang iyon. Nakipagtagisan na lang ako ng titig sa kanya.

He has eyes of a fighter, no doubt. At malakas din ang power ng kanyang kamao. But that time, I was blindsided. Kung nagkataon that we're on equal footing, I'm almost sure I'd give him a hard time.

Inilapit niya pang lalo ang mukha niya at idiniin ako sa puno. But I didn't back down at matalim din siyang tinitigan.

"Paalisin mo na lang iyan, Reign! Bitin na bitin ako kanina," sabi noong babae sa isang malambing na tinig na bahagyang nagpa-atras sa lalaki.

"Alright, babe," sagot naman nitong may hawak sa akin bago ako marahas na pinakawalan, "Sa oras na makita ko uli iyang pagmumukha mo, sisiguraduhin ko ng hindi ka na makakabangon pang muli. Alis na!" Pagtataboy nito sa akin bago nilapitan ang babae at nagsimulang maghalikang muli.

Ngunit hindi ako umalis doon at tinaasan ko lang sila ng kilay.

Ang kapal ng apog nito! Kung may dapat mang umalis dito, sila iyon!

Naghalukipkip lang ako habang pinagmamasdan sila sa kanilang ginagawa.

Napansin naman iyon ng babaeng mapupungay na ang mga mata at agad na tinapik ang likod noong lalaki.

"What?" Iritadong sambit nito.

Itinuro ako noong babae at pagod naman niya itong sinundan. Suminghap siya nang malakas bago ako hinarap. Bukas na naman ang harapan ng polo niya at kita ko mula dito ang matipuno nitong dibdib. Iniwasan kong tingnan iyon at ibinaling sa mukha niya ang aking atensyon.

"Ano pa bang tinatayo-tayo mo riyan?! I told you to get lost so get lost already!" Sigaw nito sa akin.

Muli ko siyang tinaasan ng kilay.

"At bakit ko naman susundin ang utos mo?" I asked, taunting him.

Ang kapal niya para utus-utusan ako sa lupain namin.

"Ako ang nauna sa pwestong ito. Kung may dapat mang umalis, kayo iyon!" Asik ko pa sabay akmang lapit sa puno upang makaakyat uli pero agad niyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso. Napatingin ako sa dakong iyon bago ko tiningala ang galit niyang mukha.

"Hindi ka ba marunong umintindi ng sitwasyon? Ano ngayon kung ikaw ang nauna? Nandito na ako kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ko. Or do you want me to make you remember kung sino ako?" Ang lakas talaga ng angas ng isang ito.

"Don't tell me pag-aari niyo rin ang farm na ito? Kailangan ko rin bang magbayad para lang maenjoy ang tanawin dito?" Kumunot ang noo noong lalaki sa narinig.

"Anong pinagsasabi mo riyan?" Nakatitig lamang siya sa akin habang iyong babae nama'y kanina pa bagot na bagot sa likuran niya.

"Reign, come on! Get rid of the boy already!"

Kinalas ko ang aking mga braso sa kanyang pagkakahawak at nagsimula ng umakyat sa puno.

"Ipagpatuloy niyo na lang iyang ginagawa niyo. Promise hindi ako titingin. Makikinig na lang ako ng music at matutu..." hindi ko natapos ang sasabihin dahil muli na naman niya akong hinigit paharap at ikinulong sa katawan ng puno ng mangga.

"Ano iyong sinabi mo kanina? Kailan ka namin hiningan ng bayad, ha? Marangal ang bawat miyembro ng Dragons. Hindi kami iyong tipong naghahanap ng biktimang kukunan ng pera." Nagtatagis ang mga ngipin nito habang matalim akong tinititigan.

"Teritoryo namin ang dalampasigan. Kung pumasok ka roon at dala mo'y gulo, gulo rin ang makukuha mo sa amin. Pero kung wala ka lang ginagawa, walang mangyayari sa iyong masama. May ginawa ka sigurong kalokohan kaya ka sinaway ng mga miyembro namin," usal pa nito habang inilalapit ang mukha sa akin.

Halos idiin ko na ang sarili ko sa katawan ng puno malayo lamang sa kanyang mukha. At kalokohan na pala ngayon ang paglalakad-lakad sa tabing dagat?

"May ebidensiya ka bang may kalokohan akong nagawa roon? Wala naman, di ba?" Napaatras siya sa aking argumento. Nakakunot noo akong tinitigan.

"Reign, come on!" Hinihila na siya ngayon noong babae pero hinablot lang niya ang kanyang braso mula rito.

"You wait!" Utos nito sa matigas na ingles.

Aba't hari-harian talaga!

"I trust the word of my men. Sapat na ebidensiya na iyong nakita kong nakahandusay sa buhangin ang aking mga tauhan ng dahil sa iyo," napailing ako sa sinabi niya.

"Kaya tayo naloloko kasi isang panig lang ang pinakikinggan natin. Hindi mo pa ba naririnig ang term na due process of the law? You can not accuse someone of some crime without proper investigations and trials? You must assume he's innocent until proven guilty!" Mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya sa mga sinabi ko. I didn't take up law for nothing, Mister!

"And your point is?" Nakapilig sa isang banda ang ulo nito at napahalukipkip habang mataman akong tinititigan.

"My point is you've already concluded na may ginawa akong mali without doubting na baka iyong mga tauhan mo ang mga nagsisinungaling!" Tumaas na ang tono ng aking pananalita. Kinalas nito ang pagkakahalukipkip at napadungaw sa ibang banda na tila may iniisip.

"Hindi ko na kailangan pang pagdudahan ang kanilang mga sinabi. Our relationship is largely based on trust. Of course pagkakatiwalaan ko sila kasi ako ang leader nila!" Asik nito matapos ang ilang sandali.

"Matagal pa ba iyan? Aalis na lang ako," singit noong babaeng nasa likod pa pala nitong kausap ko, whatever his name was. I will not call him by his name until I get the apology that I deserved!

"Eh di umalis ka! Problema ba iyon?!" Sigaw nito sa babae kahit nakatalikod.

"A$$hole!" Asik noong babae bago padabog na bumaba ng burol.

Nakatanaw pa ako sa papalayong bulto noong babae nang mapapitlag ako sa lapit ng mukha nitong lalaki. Kumikinang sa sinag ng araw ang isang stud ring sa kaliwang tainga niya.

"May sasabihin ka pa ba, bata? You already ruined my dessert, gusto mo pang sirain ang tiwala ko sa aking mga miyembro. Baka gusto mong sirain ko buhay mo?" Pansin ko agad ang pag-iiba ng templa ng kanyang mga titig. Ito iyong titig niya na tila walang takot pumatay. Nanginig ang sistema ko sa nakikilalang panganib.

I stared at him at nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Gusto kong ganito rin ang maramdaman ng mga tao habang kaharap ako. This power, this authority, this strength! Gusto ko rin nito! Gusto kong maging katulad niya!

Bahagya siyang umatras habang nakakunot ang noong nakatingin sa aking mukha.

"Why the hell are you blushing? Huwag mo sabihing nababakla ka sa akin?!" Nabilaukan ako ng sariling laway sa narinig. He seriously thinks I'm a boy?!

"I was actually holding my breath kasi amoy ko ang masangsang mong hininga. Can't blame me for it," pagtatakip ko na lang. I don't want him to think I'm a sissy just because I'm a girl.

Iyong g@go, inamoy din naman ang sariling hininga just to prove my point!

"Hindi naman masangsang, ah!" I rolled my eyes at his simple-mindedness. Tumikhim ako bago ibinalik sa topic ang usapan.

"What you just did proved my point, Mister. Kailangan mo munang imbestigahan bago mo sabihin kung nagsasabi nga sila ng totoo o hindi. Hindi lahat pwede mong ibase sa tiwala. Minsan naloloko rin tayo nito lalo na't tayo lang ang naniniwala rito habang iyong iba naman were only taking advantage of us because of this 'established' belief," hindi siya kumibo at nanatili lang ang kanyang mga berdeng matang nakatutok sa akin. Gone were those blazing eyes. Just curious ones.

"Anong ginagawa mo sa dalampasigan noong araw na iyon?" Biglang tanong nito.

"Finally! A day late but better than never, right?" Nakangisi kong usal pero saglit lang iyon when I saw his serious gaze upon me.

"So?" Hari-harian talaga!

Tumikhim muna ako bago ikwenento ang mga kaganapan mula noong lumapit ako sa dalampasigan hanggang sa noong hinarang ako ng mga miyembro niya. Hinayaan niya lang akong magsalita at nakinig lamang siya. Habang ginagawa ko iyon, his eyes never left mine. Ramdam ko ang authority niya sa mga titig pa lang.

Nang matapos na ako'y tumango lamang siya. Tumingala siya saglit sa langit at ilang sandali ay...

"F*CKING SH*T! THOSE A$$HOLES ARE GONNA HAVE IT!" Namilog ang mga mata sa biglaan nitong sigaw.

Nang muli niya akong binalingan, I noticed the return of the murderous glint in his eyes. Saglit niya akong tinitigan bago ito pumihit sa kabilang direksyon at nagmamadaling umalis. Kunot-noo ko naman siyang pinagmasdan sa aking kinatatayuan.

Iyon lang iyon?! Wala man lang apology?! Anak ng...

But then I remembered those emotions he was invoking in me kahit wala pa siyang ginagawa. I want that. I need that.

Maybe he could teach me how to be like him?

Dragon King. Hari ng Asteria. Hmmm... Interesting...

Continue Reading

You'll Also Like

85.2K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
223K 14K 69
[Royal Academy's 3rd book] When she thought things were finally coming to an end, that's when everything began crumbling. As she bid her goodbye and...
1.4M 59.8K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
28.9K 2.2K 32
Five years after knowing the secret about the game, another game emerged; it was a fun-thrilling game which brought happiness to the players. But as...