ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

By lythe_btst

645K 20K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
💌
💌

EPILOGUE

9.5K 197 51
By lythe_btst

Hindi ko masabi kung maayos na ba ang lahat. Pero siguro, Oo. Baka nga maayos na.

Sa kagustuhan kong makuha ang hustisya na nararapat para sa kapatid ko, marami ang nangyari.

Sa loob ng eskwelahang iyon, nakilala ko ang mga tao na hindi ko inaakala na makikilala o magiging kaibigan ko.

May naganap man na saksakan ng kutsilyo sa likod, masuwerte pa din ako dahil nagawa kong maayos ang lahat. Nagawa kong takpan ang mga sugat ko.

Nakilala ko si Eurich, si Thaddeus, si Khairo, si Lexus, at ganoon na din si Allison.

Akalain ko ba naman na makakatagpo pa ako ng mga taong katulad nila. Akala ko kasi sa akin at sa pamilya ko na lamang naka ikot ang mundo ko.

Pero hindi pala.

At ngayon na wala na si Aisler, hindi ko pa din alam kung nakuha koba ang hustisya. Pero siguro, Oo.

Wala naman na akong magagawa. Siguro maayos naman na si Luna.

At ngayon, si Allison at si Khairo ay nasa maayos na din. Nagawa kong patawarin si Khairo na siyang hiniling ni Allison.

Kaya ginawa ko.

Para na din sa ikatatahimik ng buhay ko.

Maayos na ako ngayon, masaya na. Kasama ko na si Lexus sa buhay ko. At masasabi kong masaya kami.

Lalo na't may magiging anak na kami. Dalawang linggo na akong nag dadalang tao. Kahapon ko lang din nalaman. Tuwang-tuwa naman 'tong isa.

Hindi ko akalain na gustong-gusto palang magka-anak ni Lexus dahil sa ngiti niya. Wagas na wagas ang ngiti.

Siguro ay sinadya niya na bumuo kami ng anak dahil alam n'yang hindi kami puwedeng ikasal hanggat walang mag mamana ng posisyon n'ya. Mautak din ang isang 'to. Ang liit-liit ng t'yan ko, nakakakaba.

At ngayon, masaya na kami. Masaya na ako sa buhay ko. Tahimik na.

Nag daan na din ang kaarawan ko. Naging masaya naman ito. Naipasa ko na din ng aking Ina ang korona niya sa akin bilang isang Empress. At habang wala pang humahawak sa posisyon ko bilang isang reyna, kailangan ko pang mag hintay ng ilang tao para maipasa ang posisyon ko. Baka sa susunod kong anak ay maipasa ko.

Oo nga pala, nag dadalang tao din si Allison. Hindi ko talaga alam na may namamagitan sa kanila ni Khairo. Sa bagay, ano bang malay ko sa dalawang iyon.

Masyado ko tuloy nararamdaman na tumatanda na kami. Na nasa edad na kami para bumuo ng sariling pamilya.

Ang mga katulad ko ay hindi puwedeng manatiling walang asawa sa edad na 25, kaya nga nandito si Lexus. Hehe.

Mabuti na lang talaga ay mas nakilala ko ang taong ito. Napaka buti n'ya. Ang masasabi ko lang ay napaka suwerte ko. Sobra.

At ngayon mas natuwa at naging masaya ako nang matutunan na niyang maging masaya. Sobrang saya. Halos araw-araw yata ay nagagawa na niyang ngumiti. Napaka guwapo.

Akala ko dati hindi ako mahuhulog sa kahit na sinong lalaki dito sa mundo, pero mali ako dahil mahal na mahal ko si Lexus.

Ayaw ko s'yang tawagin sa totoo niyang pangalan, hindi ako sanay. Desmond kasi ang pangalan n'ya, eh hindi talaga ako sanay. Gusto nga n'ya ganiyan ang itawag ko sa kan'ya, but no! Hindi ko kaya. Para kasing ibang tao.

Ay basta! Masaya na ako. Ayos na 'to, tahimik na. Nakakatuwa lang dahil ang tahimik ngayon, ang payapa, ang sarap-sarap sa pakiramdam. Parang wala naman na akong masabi.

***

AFTER 9 YEARS...

"What happened, Damian?" agad kong tanong nang makitang naka tigil ito at nakatingin lamang nang masama sa isang batang babae.

"Mom, that woman punched me!" seryoso na may halong inis nitong sagot at tinuro ang batang babae na tinataasan pa s'ya ng kilay.

Palihim tuloy akong natawa. Ewan ko kung sino ang batang iyan at kung sino ang ina n'yan pero natatawa ako the way na sungitan n'ya ang anak ko.

"What happened? Bakit ka n'ya sinapak?" tanong ko gamit ang mahinahong tono.

"I'm sorry, Mrs. Vasquez, but your son kissed Mrs. Fortalejo's daughter that's why Khalia punched him."

Agad kong nailayo ang mukha ko dahil sa gulat nang sabihin iyan ni Ms. Lopez. Teka, kaninong anak ba ito?

"Where's my daughter? What happened?"

Awtomatiko kaming napalingon sa isang babae na kapapasok lamang ng pintuan.

Napatigil ito sa pag lakad nang makita ako. Agad naman akong napangiti at ganoon din naman s'ya nang makita ako.

"Lucy?"

"Alli?"

Agad naming niyakap ang isa't-isa sa tuwa nang mamukhaan din ang isa't-isa.  Ilang taon ko din kasi itong hindi nakita.

"Bwisit ka! Ikaw pala ang Ina nitong batang 'to! Kaya pala ang maldita!" natatawa kong sambit at natawa din naman s'ya.

"Hindi ko naman alam na anak mo pala 'yang nag rereklamo."

Kita ko naman ang pagtitinginan ni Damian at Khalia na ikinatawa namin. "Lucy, pasensya na, pasensya na sa anak ko. Hayaan mo, marunong naman mag sorry 'yan."

Nilapitan n'ya ang anak n'ya at inilapit din ito sa anak kong seryoso lamang ang mukha. Manang-mana sa Ama.

"Khalia, say sorry, okay? Anak ng empress 'yang sinapak mo nahihibang kana ba?"

Sabi nito pero hindi ko narinig ang iba niyang sinabi dahil humina ang boses n'ya.

"No! Hindi ako mag so-sorry! He kissed me! At mali iyon!"

'Tong batang 'to parang ang tanda mag isip walong taong gulang palang naman. Pero napaka cute niya at kuhang-kuha niya ang awra ni Allison.

"Khali, that's not right. Kung hinalikan ka n'ya sa pisnge, dapat hinalikan mo din para fair. Kaya mag sorry kana sa kan'ya."

Marahan akong natawa. "Alli, hindi mo naman kailangan pilitin si Khalia mag sorry. Tsaka kasalanan naman talaga ni Damian. Hayaan mo, mag babati din iyan. Tsaka kapag may free time ka, mag bonding tayo ah. Ilang taon din tayong hindi nag kita." saad ko at natutuwa naman siyang humarap sa akin.

"Puwede tayong mag dinner tomorrow. Wala namang gagawin si Khairo,",

Napa tango-tango naman ako nang marinig ang pangalan ni Khairo.

"Ahm, okay. Let's have dinner tomorrow. Hindi naman busy si Lexus bukas kaya I think magandang time iyon."

"Oo nga. And para na din mabalik n'yo 'yung bonding n'yo ni Khairo."

Tumango na lamang ako. Natahimik tuloy ako nang banggitin niya ang salitang maibalik ang bonding namin ni Khairo. Nakaka miss nga iyon.

"Lucy, aalis na kami. Salamat ah. Pasensya na ulit. Hayaan mo't pag sasabihin ko si Khalia para hindi na maulit ang mga ganitong bagay."

"But, Mom! That's not my fault! Ang unfair! It's not bacause he's a King ay may karapatan na s'yang—"

Agad tinakpan ni Allison ang bibig ng anak n'ya at pekeng napangiti nang tignan ako..

"Khalia, hindi mo naiintindihan. Tara na nga bago pa lumala ito."

Kinarga na n'ya si Khali palabas na ikinatawa ko nang marahan.

Ang mga batang 'to talaga. Ang babata pa ang tanda na umusap. Ito namang si Damian ay sinusundan pa ng tingin ang mag Ina.

"Damian! Stop staring at her! It's your fault! Bakit mo kasi hinalikan si Khalia?"

"That was an accident. She's fucking ugly, anong mapapala ko sa babaeng 'yon."

"Zayn Damian! Hindi kita tinuruan nang ganiyan! Tara na nga! Susumbong kita sa Daddy mo tignan mo."

"Don't you dare, Mom. He's gonna kill me."

"Papagalitan ka talaga n'ya kapag nanatili kang ganiyan." sambit ko ngunit namulsa lamang ito at inunahan ako sa pag lakad.

***

Nang makauwi kami ay agad akong lumapit kay Lexus na tila kauuwi lamang din.

"Hon," tawag ko dito kaya agad n'ya akong nilapitan at hinalikan ang noo at labi ko.

"It's already 7 PM, saan kayo galing ni Damian?"

"Namasyal lang kami...By the way, may balita na ba? Nakita naba nila si Louise?" agad kong sabi na may kaba sa dibdib ko habang tinatanong iyan.

Umiling naman siya at agad napa iwas din ng tingin. "They still haven't found our daughter. But don't worry, ginagawan ko naman ng paraan." sagot nito at niyakap ako nang maramdaman niyang balak ko nanaman maluha.

"Shh, that's okay. Only one year have passed. We can still find her."

Hindi ko maiwasan maluha tuwing naalala ko at iniisip kung nasaan na ba ang nawawala kong anak. Isang taon na namin s'yang hindi makita at limang taong gulang pa lamang s'ya.

Walang araw na hindi ako nag alala at umiyak kaiisip kung nasaan na ba s'ya, kung nakakakain ba s'ya nang maayos, kung may nag aalaga ba sa kan'ya, o kung buhay pa ba s'ya.

Wala...wala akong idea kung ano ang nangyayari at kung nasaan ang anak kong si Louise.

Ni hindi ko na magawang makatulog nang maayos. At halos ang araw ko ay iginugugol ko sa pag hahanap. Marami ang nag hahanap sa kan'ya, pero kung hahayaan kong sila lamang ang gumawa nito ay hindi ako mapapalagay.

Sobrang miss na miss ko na ang anak ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya.

Araw-araw ko din naman sinisisi ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay napaka walang kuwenta kong ina.

Nawala s'ya sa tabi ko.

May kumuha sa anak ko at pinaltan ito ng kung sino. Pinaltan nila ang anak ko! Pinaltan nila ng kasing edad nito at kaparehas na babae.

Syempre alam ko ang mukha at ang presensya ng anak ko kaya masasabi kong hindi ko talaga anak ang kasama namin ngayon.

At ang nakikita naming dahilan kung bakit nila nagawang ipag palit ito ay upang dito sa batang ito mapunta ang mga bagay na dapat ay para sa anak ko.

At ang anak ko...ayoko na siya ang makadanas ng pag hihirap sa kamay ng kung sino.

Hindi puwede.

Sa tingin ko din ay isa sa mga maids namin ang gumawa nito kaya naman lahat ng maids dito ay pinaalis muna namin bago pa nila isunod si Damian. Nakakatakot na kasi mag tiwala.

"Mom, why are you always crying?" tanong ni Louise. Ang batang tinanggap namin kahit alam naming hindi namin ito kaano-ano.

"I'm okay, baby. Just go to your room, okay? Let's play later." mabait kong saad at nginitian naman ako nito at niyakap din.

"Dad, will you play with me too?" tanong nito kay Lexus habang may napaka cute na ngiti sa mga labi.

"No." agad namang sagot ni Lexus kaya umurong ang luha ko at nahampas ang braso n'ya.

"Lexus! I told you, we should treat her right. Wala s'yang kasalanan." inis kong bulong dito ngunit nakapanatiling seryoso ang mukha nito.

"Louise, pumasok kana sa kuwarto mo. Susunod ako." sambit ko't malungkot namang tumango ito bago mag lakad paalis.

"She's not our daughter! So stop calling her 'Louise'!"

Bigla nanaman nag bago ang mood n'ya 'pag dating sa batang 'yon.

"Lexus! Wala s'yang kasalanan! And we need her! I need her! Puwede ba hayaan mo na muna s'ya dito? Hanggat hindi pa natin nakikita ang totoong 'Louise'? Tsaka huwag mo siyang sinusungitan dahil bata lang s'ya."

"I don't like her! We don't even know kung saan s'ya nanggaling. Si Louise ang gusto ko! And I won't stop until I find her!" may inis sa tono nito at agad umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kainit ang dugo nila sa Louise na kasama namin ngayon. Pero wala akong magagawa at hindi ko din siya masisisi dahil ang bunso niyang anak ang paborito n'ya.

Kaya nang mawala nalang si Louise ay hindi na s'ya tumigil kahahanap dito. Pilit niyang sinusuyod ang mundo para lang makita ang anak n'ya. At syempre ganoon din ako.

Pero hindi naman n'ya puwedeng ibuntong ang galit o inis niya kay Louise na kasama namin ngayon dahil wala namang alam o kasalanan yung bata. Kaya nga hanggat maaari ay tinatrato ko ito nang tama at nararapat.

Pumasok nalang ako sa kuwarto ni Louise pero wala ito dito.

"Get out of here! I'm doing something!" rinig ko naman mula sa kabilang kuwarto kaya agad akong pumunta doon.

"Damian, ano bang ginagawa mo?"

Agad akong lumapit kay Louise na umiiyak.

"Mom! I'm reading! She's so annoying! Hindi ako makapag focus! Ang kulit-kulit n'ya!"

"Gusto ko lang naman makipag laro." malungkot na saad nito.

"Puwede mo naman sabihin nang maayos kay Louise, 'di ba? You don't need to push her like that! She's your sister, and you should respect her, Damian!"

"No! She's not! Alam naman siguro n'ya 'yon!"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa batang ito. Hindi ko naman s'ya puwedeng saktan dahil hindi naman talaga dapat. Pero hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyan galing sa kan'ya.

"Zayn Damian! Watch your words! Kapag nakarinig pa ako ng hindi maganda sa 'yo, isusumbong na talaga kita sa Daddy mo."

Takot kasi 'yan kay Lexus. Hindi kasi tinotolerate ni Lexus ang mali nitong ginagawa. At tinuturuan pa din s'ya nito kung paano maging isang tunay na hari. At habang ginagawa ito, tuwing nakakagawa s'ya ng mali, sinasabi ni Lexus na dadalhin daw s'ya kay Uncle Adi. Eh ayaw n'ya doon.

"Palabasin mo nalang s'ya dito, Mom! I'm sorry, kailangan kong mag aral. Please, I don't wanna see her. She's so annoying!"

"Louise, let's just play, okay?"

Maiyak-iyak naman itong tumango kaya napa hinga ako nang malalim. Kinarga ko na lamang s'ya at hinalikan ang pisnge n'ya na ikinangiti n'ya. Niyakap n'ya din ako na ikinatuwa ko.

"Hayaan mo sila, nandito naman ako. Samahan kita, okay? Pagkatapos mo mag laro matulog kana ah? May gagawin pa tayo bukas."

"Ano pong gagawin natin bukas?"

"Tuturuan kitang makipag laban. Para kapag—"

"Ayoko po non, hindi po ako ineteresado." agad niyang sabi.

"Ay basta bukas, malaman 'yan." sabi ko nalang at dinala na s'ya sa kuwarto n'ya.

***

9:06 AM

"Sige na anak, subukan mo lang."

Mukhang hindi talaga interesado si Louise sa pakikipag laban. Pero hindi puwede, kailangan n'yang matuto. Ayoko na matulad s'ya kay Luna.

Pinag sisihan talaga ni Mom and Dad na hindi nila naturuan si Luna makipag laban at ayaw kong maranasan 'yon.

"Hon, you don't need to force her." usap ni Lexus habang nakaupo at nag babasa ng libro. Naibaba n'ya ang hawak n'ya at tumayo.

"Okay fine, mamaya nalang siguro. Turuan mo nalang s'ya mag swimming.  Alam mo namang hindi ako marunong." ngiting sabi ko.

"Ikaw nalang ang tuturuan ko."

Lumapit siya at hinalikan ang labi ko habang may ngiti sa labi nito. "Let's go! you should learn how to swim."

"How about me, Dad?" tanong naman ni Louise kaya kinarga s'ya ni Lexus. "Of course you too, baby." hinalikan n'ya din ito sa noo at dahan-dahan nang bumaba sa pool.

Si Louise, ngiting-ngiti. Bihira kasi siya halikan, kargahin, at lambingin ni Lexus. Kaya tuwing ginagawa n'ya ito ay natutuwa ako at nalulungkot at the same time.

Ang hirap sumaya sa ganitong paraan. Habang ang totoo kong anak ay hindi ko alam kung nasaan. Pero siguro sa ngayon ay pipiliin ko muna maging masaya. Bihira lamang ito.

Tinuturuan ngayon nito si Louise kung paano mag swimming habang ako ay medyo nilalamig. Si Damian naman ay nakaupo lamang habang nag babasa ng libro at tila walang pakaelam sa paligid n'ya.

Manang-mana sa ama. Ewan ko d'yan, wala na yatang namana sa'kin 'yan.

"Hon, look. Ang bilis n'ya matuto." tuwang usap ni Lexus kaya naman naibalik ko ang tingin ko sa kanila at napangiti..

"Mom, come here!"

Lumapit na ako at ipinag patuloy ang ginagawa namin.

Masasabi kong masaya naman ito. At hindi sa pagiging negatibo, ilang beses ko na yata itong nasabi. Ang hirap-hirap talaga maging masaya. Pinipilit ko na lamang at ipinapakitang masaya ako para hindi maapektuhan ang mga anak ko.

Pero si Louise.

Nasaan na kaya s'ya? Miss na miss kona s'ya. Gustong-gusto ko na s'yang maramdaman.

"Hon,"

Hinawakan ni Lexus ang bewang ko at hinigit ako upang ilapit sa kan'ya nang mapansin nitong biglang nawala ang ngiti ko.

"I know what you're thinking. Don't worry, I'll do everything to find her, I promise. Just relax now, everything's will be fine. Okay? I love you." saad nito at hinalikan ang noo ko.

Tumango na lamang ako at ibinaling na lamang ang attention ko kay Louise na nakatingin sa amin ni Lexus.

"Daddy loves Mommy very much." kinikilig nitong asta na ikinatuwa namin ni Lexus.

Nagkatinginan naman kami at nginitian ang isa't-isa.

***

6:30 PM

"Alli, nasaan na si Khairo? Tsaka sino itong napaka gwapong bata na ito?"

Nginitian ko pa itong bata at yumuko naman ito bilang pag galang tsaka ako nginitian. Napaka galang, mukha ding mabait. At isa lang ang sinusiguro ko, anak ito ni Khairo. Halos kuhang-kuha niya ang mukha. Lakas ng dugo ng animal na 'yon.

"This is Killian, my son."

Sabi na eh. Hindi kasi talaga nag kakalayo ang mga mukha nila.

By the way, nandito na si Khairo at si Khalia. Nahihiya pang tumingin sa'kin si Khairo habang ito'y nakangiti.

"Hi, I'm glad that you're here. By the way, I have something for you." bati niya at niyakap din ako nang isang segundo bago ibigay ang ibibigay niya.

Isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Kinuha ko ito at napatingin pa sa kan'ya na tila tinatanong ng mata ko kung ano ang laman nito.

"Ahm, ano lang 'yan, memories natin. Hindi ko kasi naibigay sa'yo ang mga letrato natin dati. Tinabi ko talaga 'yan. Sana magustuhan mo." saad nito at muli akong nginitian.

Tila iniisip kopa kung bubuksan koba ito ngayon dito o mamaya nalang.

"Ahm, tara, let's eat na. Nag hihintay na sila doon." sabi ko nalang.

Nag lakad na kami patungo sa loob. Nakaupo na si Lexus, Damian, at Louise. Naupo na din naman si Killian, Khalia, Allison, at pati si Khairo.

Naupo na din ako at nag simula naman agad ang pag uusap.

"Ang ganda naman ng batang ito, ang cute. Ito ba ang isa mo pang anak?" panimula ni Allison. "Ah Oo, s'ya si Louise, bunso ko."

"Hello po, ikinagagalak ko po kayong makilala." bati din ni Louise dito kaya natuwa kami dahil sa cute nitong boses.

"What's in your face? Is that mole of something?" usap naman nitong Killian at natawa din naman 'tong si Damian.

Mga batang 'to talaga. Kung ano ano ang sinasabi. Palagi nilang trip si Louise wala naman ginagawa 'tong anak ko. Ang bait bait naman. May nunal kasi s'ya malapit sa mata. Ito din ang dahilan kung bakit sigurado akong hindi ko anak 'to. Wala naman kasing nunal si Louise sa mukha.

"Killian!" suway ni Alli kaya ito'y natahimik. Pero napansin din agad namin ang pagtitinginan ni Khalia at Damian na hindi maintindihan kung nagkakagustuhan ba o may mga tinatagong galit.

"Oh, nag babantaan ba kayo? Baka lamunin n'yo na ang isa't-isa katitinginan ah?" biro naman ni Khairo kaya medyo natawa kami.

"Iww, she's fucking ugly." walang prenong usap naman nitong si Damian. Jusko! Hindi naman po ganito kasasama ang ugali namin para magkaroon ng anak na ganito. Baka kung ano ano na ang binabasa nitong libro!

"Damian, watch your words!" sabay naming usap ni Lexus.

"Hayaan n'yo na, mga bata pa kasi. Wala pang alam sa mga salitang kanilang binibitawan. Hayaan n'yo at pagsasabihan ko ang mga batang 'to. Kulang lang siguro sila sa pakisama." Ani Allison.

"I agree. Maybe we should do something that will change their bahavior. Hindi naman puwedeng itolerate natin ang ganiyan nilang pag uugali. Hindi maganda tignan." tugon ni Lexus.

"Mababait naman 'yan, baka kulang lang sila sa attention since we're all busy. Hindi sobrang nagagabayan, kaya I think they just need some attention." usap ni Khairo.

"We're not that busy para hindi sila magabayan. At tsaka baka ginagaya lang nila kung anong nakikita nila sa paligid. Kaya kung anong attitude nila ngayon, I'm sure na sa atin din nanggaling iyon at kasalanan din natin. " saad ko.

Wala naman akong problema kay Louise, tahimik lang naman ito at hindi gumaganti. Si Damian ang pinoproblema ko, mukhang may mali. Mali yata s'ya ng pagkakaunawa sa mga librong nababasa n'ya kaya gan'yan na lamang s'ya umasta. Pero hayaan n'yo't gagabayan kopa s'ya at tuturuan ng tamang pag asal. Hindi pa kasi namin s'ya sobrang matuonan ng pansin dahil sa busy kaming lahat sa pag hahanap kay Louise.

"Balita ko ay nawala daw si Louise, mabuti't nahanap n'yo din s'ya. Napaka cute pa naman na bata."

Agad akong napatigil nang sabihin iyan ni Allison. Napatingin kami agad kay Louise na walang alam.

"Ahh, Alli, ilang taon na pala 'yang si Killian?" pag iiba ko na lamang. Hays, baka kasi ma offend si Louise kapag may nalaman pa s'ya na hindi pa n'ya dapat malaman.

"8 na s'ya, same lang sila ni Khalia. Kambal 'yan, nauna lang lumabas si Killian." tuwang sagot naman nito.

"Ah, kaya pala magka mukhang magka mukha sila."

"Oo, pero magkaiba ng ugali. Ito kasing si Khalia ay mukhang mas maaga mag mamature kaysa dito kay Killian. But they are both kind. Minsan lang naman sila maging ganiyan. Actually ngayon lang."

Ngumiti na lamang ako't naramdaman ko naman ang pag hawak ni Lexus sa kamay ko. Napansin yata niya na naiinggit ako.

"So, paano n'yo nga nahanap si Louise? Sino ang kumuha sa kan'ya."

Teka, may mahahampas yata ako ng tsinelas. Napaka kulit din kasi nitong si Allison, sarap sakalin.

"Ahm, Killian, Khalia, Damian, and Louise. Mag laro muna kayo doon, may pag uusapan lamang kami." utos ko sa kanila. Since hindi pa naman na seserve ang pagkain namin kaya mag laro muna sila.

Nag tayuan naman ang mga batang ito at sinunod ang utos ko.

Muli na akong tumingin kay Allison at ngayon ay masasagot kona ang tanong n'ya.

"Alli, hindi pa namin nakikita si Louise." sabi ko na ipinagtaka nila.

"What? Edi sino ang batang 'yon?"

"She's not our daughter. Pinag palit sila." seryosong sagot ni Lexus.

"Oo, hindi s'ya ang totoong Louise. Hinahanap pa din namin si Louise hanggang ngayon. Kaya wala kaming choice kung hindi ang tanggapin ang batang nasa amin ngayon. Mabait naman s'ya kaya walang problema, pero hindi ko maiwasang ikumpara s'ya sa totoo kong anak."

Nalungkot ang mukha at nagkatinginan ang mag asawa.

"Lucy, bakit hindi mo sinabi sa'min? We are willing to help. Since nalaman na namin ngayon, tutulong kami sa pag hahanap."

"Don't worry, ginagawan na namin ng paraan at hinahanap na namin s'ya sa iba't-ibang bansa ngayon."

"Mabuti, at sana ay nasa mabuting kalagayan s'ya ngayon."

"Oum, sana nga."

"Nasaan na kaya ang batang iyon. Nag alala din tuloy ako bigla lalo na't may anak din akong babae."

Nalungkot ang mukha ko, "Kaya ikaw, Alli, huwag kang basta nag titiwala. At tsaka bantayan mong mabuti 'yang si Killian at Khalia. Para hindi kayo magaya sa'min. "

"Oum, but I hope she's fine."

Napahinga ako nang malalim at peke nalamang ngumiti..

"Huwag na natin iyang pag usapan. Kumain na din tayo." pag iiba ko dahil sineserve na din naman ang mga pagkain.

"Louise, Damian, Khali, and Killian. C'mon, let's eat na." tawag sa kanila ni Khairo kaya agad itong nag si lapitan dito.

Nabago tuloy ang mood ko. Hays, hindi ko talaga magawang maging masaya, as in. Hindi ko talaga kaya. Ang bigat-bigat talaga. Nagi-guilty ako kapag sumasaya ako. Lalo na't hindi ko alam ang sitwasyon ng anak ko.

Hindi ko alam kung nahihirapan ba s'ya habang ako ay nagagawa pang ngumiti. Hindi ko alam kung nakakakain ba s'ya nang maayos habang ako'y kumakain.

Wala talagang araw na hindi ko s'ya inisip, wala talaga. Nasaan na kaya s'ya, ano kayang ginagawa n'ya, at nakakakain ba s'ya nang maayos?

Nasaan na nga ba ang anak ko.

Nasaan na si Louise?


THE END?

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 3.3K 31
جۆنگ کوک:بە نەفرەت بیت وازم لێ بێنە چیت لە من دەوێت تایهیۆنگ:ششـ ئازیزم بۆچی هاوار دەکەی ئارام بە بۆ باروودۆخت خراپە ༄༄༄༄༄༄༄ جۆنگ کوک:تـ تۆ چیت کرد ت...
1.1M 7.1K 13
Brogan moved home after several years and got herself a place to live along with her job at the small towns grocery store. The only thing she doesn'...
1.5M 49.4K 40
"Last warning, Frank. Give it to us, or your little boy here sleeps with the fishes." He slammed the corded phone down and stared at me. "You better...
153K 3.3K 77
Author: steamed fat shoes Category: Rebirth through time travel Release time: 2023-03-17 Latest: Chapter 76 Through rebirth finished 341,000 read now...