Hell University

By Angeldao-asen

500K 8.2K 488

MOTTO: "ONCE YOU ENTER THERE'S NO TURNING BACK" More

welcome
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43-44-45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 → Finalé

Chapter 26

7.2K 120 0
By Angeldao-asen

"Fairy Tale"

Zein's Point of View

Ang pagkainip ko ay umabot na ata sa aking mata. Halos pumikit na ito sa antok and I am trying my very best to entertain myself.

Quiz. Ang mga kaklase ko ay todo sulat sa kanilang mga papel. 'Yong iba ay nakakunot ang noo habang ang iba ay humahaba ang leeg. Typical students.

Tumayo si Lyka at pumunta sa harap bitbit ang piraso ng papel na sa tingin ko ay ang sagot nya. Napaangat ng tingin si Teacher Aya at isang ngiti ang kumawala sa labi nya nang makita si Lyka.

Naningkit ang aking mata. There's something with that smile, maybe sadness? longing? Biglang sumagi sa isip ko si Supremo, ganito rin ba ang pakiramdam nya habang iniisip ang dahilang ng ngiti ko?

Was he just curious? Maybe, yes. Ano pa nga bang in-e-expect ko? Maybe he was just not in control of his curiosity? He was just so damn curious about the reasons behind my mysterious bright smile.

"You've got a perfect score. Your mother must be proud of you." Nakangiting wika ni Teacher Aya.

"T-Thank you." Nanginig ang boses ni Lyka and suddenly, they hugged each other.

They seem like, a mother and her daughter. Yeah.

Bago bumalik sa upuan nya si Lyka ay pinunasan nya muna ang mata nya. Tumingin ako sa aking mga kaklase na busy pa rin sa kakasagot. Ako lang ata ang nakapansin dahil busy ang lahat o wala lang talaga silang pakialam?

Natigilan kaming lahat nang biglang tumunog ang mga speaker sa paligid na lumikha ng nakakabinging ingay na tumagal lang ng sandali.

"Good morning students,"

One sentence and I just found myself seeking for air. I have a bad feeling about this. Napakasaya ng boses nya. She seems so happy. Together with the Vice President under admins of Hell University.Francisco Augustine.

Ano na naman ito ngayon?

Mukhang hindi lang ako ang kinabahan. Maging ang lahat ng kaklase ko ay halatang kinakabahan, ang iba ay hindi na nila namalayang nabitawan na nila ang kanilang mga ballpen. Si Teacher Aya naman ay nakatingin ng malungkot sa isang kaklase namin na halatang kinakabahan din.

"Do you find bloody week boring?" Tanong nya na ikinatawa nya.

Boring? Boring your face. Hindi ka pa ba nakuntento na maraming estudyante na ang namatay dahil sa kagagawan nyo? Wasn't it, enough? What are you planning now to satisfy your boredom? Black Lady.

"Let's play a game."

Game? Where our lives are involved? Binuksan ko ang laman ng aking bag. Agad na naagaw ng aking pansin ang isang kahon na pahaba. Pumorma sa aking labi ang isang ngiti. Well, I am ready to play.Muli kong isinara ang aking bag.

"May inilagay kami sa inyong locker. Isang pangalan, pangalan ng taong kailangan nyong mapatay bago lumubog ang araw bukas."

Bukas na matatapos ang blood week. Finally, pero alam kong hindi namin kailangang mapanatag. Shit! Hindi talaga nila kami titigilan, they want a bloody ending. Curse their souls.

"Lets add a twist. Kapag wala kayong nakitang pangalan sa inyong locker. Youaredoom. Hindi mo alam kung sino ang papatay sa'yo, kailangan mo syang maunahan. Kapag hindi nyo natapos ang laro, kami na mismo ang tatapos sa inyo."

Namatay na ang mga speaker sa paligid ngunit ang pangamba sa amin ay permanente na. Baliw na talaga sila. They settled a bloody shit 'cause they were not satisfied. They wanted it bloodier.

Sa locker....

Tumayo na ako at parang naging hudyat naman ako sa lahat dahil nagtayuan na rin silang lahat, kanya-kanyang bitbit ng bag at nagmadaling lumabas ng classroom.

Tanging kami na lang nila Lyka at Teacher Aya ang natira. Umalis na rin ako dahil baka may pag-usapan pa sila at baka iniisip nila na sagabal pa ako. Alam kong may namamagitan sa kanila, maybe they are relatives.

Halos masubsob na ako dahil sa pagkukumahog ng mga estudyante na makita ang kanilang locker. Huminto na ako sandali para hindi maipit sa kanila, alam kong puno na rin nyang ang space kung saan naroon ang locker ng lahat.

"Zein!"

Lumingon ako sa babaeng nakangiwi. Fritzy.

"OMG. Huwag mo akong patayin if ever. We're friends 'di ba?" Maarteng sambit nya.

Friends? Biglang sumagi sa akin ang aking mga kaibigan. Paano kung isa sa kanila? Mariin kong ipinilig ang aking ulo.

"Sorry, we are not friends."

Nauna na akong naglakad sa kanya at iniwan syang nakanganga. Paano kung wala akong makitang pangalan sa locker ko? Sino naman kaya ang papatay sa akin?

Habang palapit ako ng palapit ay kapansin-pansin ang pananahimik ng lahat habang nakatingin sa mga piraso ng papel na hawak nila. May mga iba namang nagpapalingon-lingon sa paligid at walang hawak na papel.

Naramdaman kong muli ang kaba nang nasa harap na ako ng locker ko. I have to open this locker! I have to face it! Halos hindi na ako humihinga habang nanginginig na binuksan ang locker ko.

Wala akong nakitang kahit na anong papel maliban sa tatlong libro ko. Inisa-isa ko pa ang mga libro ko, nagbabaka sakali na naisingit ito sa mga pahina ngunit wala talaga akong nakita.

Isa lang ang ibig sabihin nito. I am doomed. Hindi ko alam kung sino ang may hawak ng pangalan ko, definitely ang taong magtatangka sa aking buhay.

Luminga-linga ako sa paligid. Ang hirap nilang basahin. May isa-isang lihim ang lahat, isang lihim kung saan nakasalalay ang kanilang buhay. Sino? Sino ang may hawak ng pangalan ko?

"S-Sinong nakuha mo, bro?" Dinig kong tanong ng isa sa kanyang kaibigan. May hawak ang isang lalaki na papel habang ang nagtanong ay walang hawak.

We are in the same situation.

"Ano bang paki mo?" Nagulat ang lalaki sa inasta ng kaibigan nya. "W-Wala ka na d-doon!"Pumiyok ito at nagmadaling umalis.

Naiwan ang lalaking tulala. Hindi makapaniwala sa inasta ng kaibigan. Isang tanong ang sa tingin ko ay umiikot sa isipan namin ng lalaking ito.'Bakit? Ako ba?' .

Umalis na ako sa lugar na 'yon dahil parang hindi ako kumportable. Hinding-hindi ako magiging kumportable dahil hindi ko kilala ang kalaban ko.

Ano bang mas maganda? Ang may nakita kang papel at alam mo kung sino ang kailangan mong puntiryahin o walang kang ideya kung sino ang sa'yo ay papatay? Hindi rin madali kapag alam mo kung sino ang dapat patumbahin, alam ko ang takbo ng isipan ng mga gumawa nito, alam kong sinigurado nila na mahihirapan kung sino man ang may nakatakdang patayin na gawin ang dapat. Baka dahil sa kahayupan nila ay malapit sa kanila ang kailangan nilang patumbahin. Hindi malabo.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa aking braso.

"M-Matt!" Napahinga naman ako ng mabuti."Ginulat mo ako!" Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla.

Bigla nya akong inakbayan. "Baliw na sila."Bulong nya sa tenga ko na nagdulot ng kiliti kaya mejo napaatras ako.

Agad na kumunot ang aking noo. Ang amoy nya ay nanuot sa aking ilong. Nakakahilo ang amoy nya kaya mabilis na inalis ko ang kanyang braso sa aking balikat.

Tinaasan ko sya ng kilay. Ngayon ko lang napansin ang pamumungay ng kanyang mata na animo'y antok na antok. "You are drunk." Malamig kong sambit.

"Maybe I am, but what is the difference?"Tanong nya habang nakangisi. Umakbang ito palapit sa akin kaya mejo napaatras pa ako. "Even I am drunk or not, I can still clearly see your beautiful angelic face, Zein." Biglang sininok ito.

Lasing nga.

Hinila ko sya at dinala sa dorm namin. Tinulak ko sya pabagsak sa sofa at pinamaywangan."Dammit, Matt! We are in danger for pete's sake pero nakuha mo pang maglasing!" Napapadyak ako sa pagkadismaya."You are unbelievable." Bulalas ko.

"You must believe in me." Ang kaninang mapungay nyang mata ay biglang lumungkot."Please." Dugtong nya na animo'y nagsusumamong paniwalaan ko sya.

Kahit hindi naman nya sabihin ay matagal na akong nagtitiwala sa kanya, sa kanila. Sila ang pinaniwalaan, pinaniniwalaan at paniniwalaan ko.

My trust is just for my friends, not for anyone.

Nakipagtalo ako ng tingin sa kanya ngunit ako ang naunang nag-iwas ng tingin. Maybe he's drunk but he is still in contron of himself. Marunong syang magdala ng sarili nya, he can handle everything about him.

Bakit ba sya naglasing?

"K-Kaninong pangalan ang nakita mo?"Diretsong tanong ko.

Natigilan sya ngunit bigla syang natawa. "Does it matter?" Tanong nya.

"Of course it does! Damn, Matt! May nakita ka o wala?! Tell me!"

"Ano naman ngayon kung may nakita ako o wala? Hindi nila ako mauutusan at mapapasunod sa gusto nila. They can't manipulate me. They are just a bullshit!"

Hindi ko alam kung hahanga ako sa katapangan ni Matt o matatakot. Matatakot na baka kapag hindi nya nagawa ang dapat ay gawin, mapasama sya. Pero when Matt said it, he meant it. Kung ano ang lumabas sa bibig nya, asahan mo na gagawin nya.

Shit, Matt! Pinapasakit mo ang ulo ko! Asan na ba kasi ang iba?

"They are not my queen. Isa lang gusto kong maging reyna," Tumingin siyang muli sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumingin sa iba. "Can you be?" Tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. He is still in his serious expression. Why are you saying this? You are drunk, Matt. Maybe alam mong dalhin ang sarili mo but you can't control the words you are saying.

"You are just drunk, Matt. Matulog ka na."

Kumuha ako ng unan at kumot sa kwarto nila bago bumalik sa sala. Ganon pa rin ang posisyon nya, nakasandal sa sofa habang nakaangat ang ulo na nakapikit.

Ano bang nangyayari sa'yo, Matt? Pinag-aalala mo ako.

Inayos ko ang unan sa sofa at pinahiga sya roon. Gawa na rin ng pagkalasing nya ay hindi sya nakapalag nang sapilitan ko syang inihiga. Pilit nyang iminumulat ang kanyang mata na kahit na anong segundo ay pipikit na.

"Matulog ka na."

"Can you tell me a story?" Tanong nya.

Hindi ko alam pero gusto kong matawa sa sinabi nya. Really, Matt? Bumabalik ba sa pagkabata ang isipan mo sa tuwing lasing ka? Pero? Sige.

"Fairy tale?" Sumakay na lang ako sa sinabi nya. Umupo ako sa harapan nya. Tumagilid naman sya para humarap sa akin.

Mas lalo ko tuloy nakita ang gwapo nyang mukha. Ang kanyang mata na dating masaya ay pumungay dahil sa antok. Tikom ang pulang labi nya.

"Yes, please."

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Bigla kong naisip ang pinaka favorite kong fairy tale na laging ikinukwento sa akin ni Ate Allison. A story I once dreamt to have.

"Once upon a time, there was a beautiful girl named---"

"Can you name that beautiful girl as Zein?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Pumorma ng ngiti ang kanyang labi kaya hinampas ko sya sa braso na ikinaawang ng kanyang bibig. Mahina lang 'yon a, bakit ang oa nya? Psh.

"Please," Nagpuppy eyes sya at parang gusto kong kumuha ng camera at kuhanan sya ng picture.

OMG! Ang cute and I hate the fact that I can't resist his cuteness! UGH!

"FINE! Once upon a time, there was a beautiful girl named Z-Zein?" Namula ako pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Whatever! So, she lived with her wicked stepmother and two stepsisters." Huminto muna ako para tignan kung seryoso ba syang gusto nyang matapos ang kwentong ito.

"Are they going to maltreat Zein?" Kumunot ang noo nyang tanong.

"Y-Yes."

"What?! Tell me their names!"

Hindi ko alam kung seryoso ba sya pero base sa masamang tingin nya at nakakunot na noo ay seryoso sya. Eh?

Ano naman sa kanya kung ano ang pangalan ng stepmother ni Ze- I mean Cinderella. UGH! Why am I having a bad feeling that my name was already involved about the story of Cinderella? Psh.

"Her stepmom's name is Lady Tremaine."

"Where can I find her?"

Pinalo ko na sya sa braso para tigilan na nya ang pagtatanong ng walang kwentang bagay."Dammit, Matt. It was just a freaking fiction!"Halos sumigaw na ako sa harap nya.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang magkwento ng isang fairy tale sa isang uhmmm lasing? Or kay Matt lang talaga?

"Fiction? But, Zein is rea--- Nevermind. Proceed please."

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Matt? Isa pa talaga at masasapak na kita para makatulog ka agad.

"Saan na nga ba ako?" Tanong ko dahil nakalimutan ko na kung saan ba ako huminto.

"Her wicked mother and bitches sisters." I glared at him.

Hay naku!

"Until one day, they were invited for a grand ball in the King's palace. But Cinde-"

"Zein."

"Whatever! Her stepmom would not let her go. She was left at home, alone."

"They are really bitch huh?"

Kumunot na ang aking noo. "Ngayon mo lang narinig ang kwentong ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Everyone knows Cinderella's story. Even, boys.

"Yeah, don't ask anymore. Proceed please."

Sungit! Siya nga itong tanong na tanong tapos ako nagtanong lang ng isang beses sinungitan na ako? Naku lang Matt, pasalamat ka at lasing ka kundi hmp!

"Zein felt very sad. Suddenly, a fairy godmother appeared and said she will send Zein to the ball."

"Thanks to her." He commented with a wide smile.

"Yeah. But, sadly, Zein doesn't have a gown to wear for the ball. The fairy godmother waved her magic wand and changed Zein's old clothes into a beautiful new gown!" Masaya kong kwento.

"You are excited than me." Kunot noong sambit ni Matt

"Then, the fairy godmother touched my-- I mean Zein feet and turned it into a beatiful glass slippers."

Is it me or talaga ni-career ko na ang pagiging si Cinderella? Err--- It doesn't matter.

"The fairy godmother made the six mice playing near a pumpkin into a four shiny black horses and two couchmen and the pumpkin into a golden coach."

Bigla ko tuloy naimagine na ako ang sasakay doon! UGH!

"But, the fairy godmother warned Zein that the magic will only last until midnight and she must reach home by then. When she entered the palace, everybody was struck by her beauty. Nobody, not even her stepmom or sisters knew her."

Na-excite ako dahil nasa favorite part na ako.

"The prince went to ask her to dance--"

"Name that prince as uhmmm..." Tumingin pa sya sa taas na animo'y nag-isip. "Matthew. Prince Matthew." Then he grinned.

Fine.

"Ok, so Prince Matthew danced Zein all night." I gulped. "Zein was so happy dancing with Prince Matthew almost forgot what the fairy godmother had said. At the last moment, Z-"

"Cut it. I am no longer interested. What happened in the end?"

Napangiwi na lang ako. "They lived happily ever after." Wala sa sariling banggit ko habang nakangiti.

Katahimikan ang namayami sa amin matapos kong sambitin 'yon. Fairy tale has a happy ending but, does fairy tale exist?

"They lived happily ever after?" Tanong ni Matt."Nainlove sila sa isa't-isa? Sa ganon kadaling panahon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Matt at hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin doon.

"Yes." Maikli kong sagot.

"Maybe, yes." Tumingin sya sa aking mata."Kahit na gaano mo na kakilala at nakasama ang isang tao, minsan, may isang tao pa rin na kahit sa madaling panahon lang natin nakilala ay sa kanya mas nahulog ang ating loob. Tama ba, Zein?" Tanong nya.

Nawalan ako ng salita na bibigkasin. Tama sya, time is just a number. Pero bakit ganon? May pakiramdam ako na may iba pa syang ibig sabihin?

"M-Matulog ka na." Tumayo na ako.

"Will you promise me, Zein?"

"Promise what?"

"When you found someone that has a special space in your heart, someone you love. Don't ever stop your feelings for him just because you know someone will get hurt."

Damn. "Why are you saying this?" Tanong ko.

"I just don't wanna see you miserable."

"Sleep now, Matt."

"Promise me first."

"I won't promise anything. Stop this shit."

Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin at kung bakit mahirap sa akin ang ipangako ang sinabi nya.

Sacrifice is a constant part of our life. But, make sure the sacrifice is worth it.

I wish I could live in a fairy tale way so I could have a happy ending. I wish I could have a life like Cinderella's. Ty

Continue Reading

You'll Also Like

53.8K 6.9K 77
"Se refiere a la belleza de corta duración de la flor de cerezo" ╰──➢ Advertencias ✧ ⁞ ❏. Omegaverse < SLOW BURN ⁞ ❏. Todoroki Bottom! ⁞ ❏. Smu...
OBSESSED By BVRBIEN

Mystery / Thriller

108K 4.6K 28
obsessed
20.9K 3.1K 33
مــن نــەم زانـیـبـوو ئـەو پـیـس تـریـن و گـەورەتـریـن مـافـیـای سـەر ئـاسـتـی ئـاسـیـایـە.... "دووبارە ھەوڵی ڕاکردن لەم ماڵە بدەیت ھەڵبژاردن لەنێوان...
19.4K 2.9K 29
جۆنگ کوک:بە نەفرەت بیت وازم لێ بێنە چیت لە من دەوێت تایهیۆنگ:ششـ ئازیزم بۆچی هاوار دەکەی ئارام بە بۆ باروودۆخت خراپە ༄༄༄༄༄༄༄ جۆنگ کوک:تـ تۆ چیت کرد ت...