The Rare Ones

By EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 28

1.6K 58 1
By EvasiveSpecter

Kabanata 28. Girlfriend?

Luna's Point of View

"She's my girlfriend, Ma."

"Hoy! Ano bang—" hindi ko na naituloy nang maramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko. Ramdam ko rin ang lamig ng kamay niya.

Para bang, kinakabahan siya.

"What did you say? T-This is your girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang ina.

Nanatili na lamang akong tahimik sapagkat hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masiyado akong nabigla sa pasabog ng lalaking 'to sa'kin.

May lumabas naman uli sa coffee shop and this time masasabi ko talaga na ama ito ni Zyriex. 'Yung mukha kasi nila ay medyo magkahawig. Nagtama ang paningin namin at doon nakita ko ang nagliliyab na galit nito.

"Sino siya? Girlfriend mo? Ulitin mo 'yung sinabi mo?" Mariin nitong wika kay Zyriex.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa ama niya o sa katotohanang hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin ngayon dito. 'Yong mga titig kasi ng ama ni Zyriex ay parang pinapatay na ako nito habang nagpabalik-balik naman ang tingin nito sa kamay ko na nakahawak sa kamay sa anak niya.

"Pa, si Gianna, girlfriend ko." Pag-uulit niya pa.

Tang*na talaga nitong lalaki na'to. Dinamay pa ako sa problema niya.

"Alam mong engaged ka na, Zyriex! Bakit ngayon ay nagdadala ka ng babae sa harapan namin? Dahil ba ayaw mong maikasal sa pinili namin?"

Napatingin ako kay Zyriex nong marinig ko ang sinabi ng ama niya. Engaged? He's doing this for that reason too? Then maybe, just maybe I can use him too para hindi rin matuloy ang arranged marriage ko.

It's a win-win solution for both of us.

Hinawakan ko pabalik ang kamay ni Zyriex. Inangat ko ang ulo ko and then I answered his father.

"Good morning po. I am Zyriex's girlfriend, Gianna Abigail Hansen." Pagpapakilala ko sa kanila.

Tiningnan naman ako ni Zyriex nong sinabi ko iyon. 'Yung mga tingin niya. Tila hindi niya inasahan na sasabihin ko iyon sa harap ng mga magulang niya.

It's okay to me, girlfriend lang naman e. Hindi naman mapapangasawa.

His father scoffed in disbelief, "Kapal naman ng mukha mong magpakilala."

"Love, enough. Ako na ang bahalang kumausap sa anak natin."

"Don't stop me, Carine!” Punong-puno na ako sa katigasan ng ulo ng batang ito.

Umawang naman ang labi ko sa sunod na ginawa ng kanyang ama. Patakbo kong nilapitan si Zyriex nang matumba siya sa sahig dahil sa suntok ng ama niya.

"Gago ka talagang bata ka!"

"Love! Stop it!"

Masama kong tiningnan ang ama niya, "Ang sama niyo naman po!" Hindi ko makapaniwalang sambit sa kaniyang ama.

"Are you okay?" Malumanay kong tanong kay Zyriex.

Malamig niya lang akong tiningnan atsaka tumayo siya na para bang walang nangyari. Kinuha niya muli ang kamay ko at hinawakan ito.

"Siya po ang pakakasalan ko at wala na kayong magagawa pa doon." Sabi niya sa malamig na tono.

Kasal? Alam kong nagpapanggap lang kami pero paano na lang kung sakyan ko siya sa pagpapanggap na'to? Baka maikasal pa ako sa kaniya. No way!

"Hihiwalayan mo siya o hindi mo na siya makikita kahit kailan." Mariin na wika ng ama niya.

"That's still my answer to—"

"Love! Oh, my ghad!"

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa sahig na nakahiga pa sa paanan ni Zyriex. Masakit ang dibdib ko. Parang… parang may nakatarak doon na masakit. Parehong pakiramdam no'ng nabaril ako noon.

Wait… mukhang…nabaril… ata…ako.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil siguro sa pagkakabigla ko. A sudden flashback. The memory of that day came into my head. 'Yong araw na nabaril ako. Noong araw na hindi ko man lang kayang iligtas ang ina at ama na nag-alaga sa'kin noon. Ayoko pang mamatay. Kailangan ko pang tuparin ang kahilingan ni Gianna.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin kay Zyriex. Karga-karga niya ako at nakita ko na lang ang paligid na puro puti. Wari ko ay nasa hospital na kami.

"Please don't die! Please don't die!" Paulit-ulit ko iyong naririnig sa kanya.

Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko habang ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Ayoko pa sanang ipikit ang mga mata ko ngunit hindi ko na talaga kaya.

–––

Blake's Point of View

"Kumusta siya?" Tanong ko kay Nurse Gee.

"She's doing good, Doc. Pero wala pa rin pong sign or any responses kapag kinakausap ko siya." Sagot niya.

Tumango naman ako. Bigla namang bumukas ang pintuan at doon pumasok ang humahangos pa na si Roydein.

"Bro, bakit? Anong balita natin?"

"Doc Jin! May pasyente tayo! Emergency! Emergency!" Napairap ako dahil nagsimula na naman siya sa pagiging O.A. niya.

"Kumalma ka nga diyan! Hindi lang naman ako ang doctor dito a. Doctor ka rin naman kaya bakit ka pa tuma—"

"Si Luna ang pasyente!" Natigil ako sa sinabi niya.

"What?"

"Si Luna! May tama siya ng baril, Jin! Anong gagawin natin?" Parang bata niyang maktol na anytime ay parang iiyak na.

"Gago! Anong, anong gagawin natin? Ililigtas natin siya!" Singhal ko sa kaniya at tumakbo na.

Shit! Sinong hayop ang bumaril sa kapatid ko! Hinihingal akong nakarating sa ER. I immediately scan the area at nang makita si Luna ay mabilis ko siyang pinuntahan.

Biglang nanginig ang kamay ko nang makitang duguan ang damit niya at muntik na akong malagutan ng hininga ng makitang nasa dibdib ang tama ng bala nito.

"Who the f*ck did this to her?" Galit kong singhal sa lalaking kasama niya ngayon.

Ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Sa galit ko'y kwenelyuhan ko siya kaya napatingin na siya sa'kin.

"Sino! Sino? Ha! Sino ang may gawa sa kaniya niyan!" Imbes na sagot ang dapat na makukuha ko ay walang hirap niya lang akong ibinalibag na mas lalong ikina-igting ng panga ko.

"Jin! Jin! Mamaya na ang away! Iligtas mo muna ang kapatid mo! Shutacca!" Tarantang sabi sa'kin ni Roydein habang tinutulungan niya akong tumayo.

*10 hours later*

I heave a sigh. Kakatapos ko lang operahan si Luna and it was successful. Mabuti na lang talaga at naagapan kaagad siya kundi ay baka maniniwala na talaga ako sa sumpa ng pamilya namin.

"Kailan siya gigising?" Bungad na tanong sa'kin ni Dad.

"Not sure, maybe a week or two?"

"Who are you again?" Bumaling si Dad sa lalaking kanina pa hinihintay rito si Luna.

I don't know who he is kasi hindi nama niya ako sinasagot kung tatanungin ko siya. He's cold as ice, mas cold pa siya sa'kin kung makaakto. Kanina lang ay bakas sa mukha niya ang takot ngunit ngayon ay wala na akong nakikita na emosyon sa mukha niya. Tumayo naman siya nang tinanong siya ni Dad. Bahagya naman siyang yumuko tanda ng paggalang niya.

Akala ko wala na siyang modo.

"Zyriex Frost." Malamig niyang sagot.

Takte! Sumagot pa siya kung ganiyan lang din naman ang boses niya sa harap ng ama ko.

"Frost? You're a frost? Haha!" Dad laughs sarcastically.

"Where's your father? Gusto ko siyang kausapin. Ano't tinangka niyang patayin ang isa sa mga anak ko?"

"Hon, calm down. Hindi pa natin alam ang buong nangyari kaya wag ka magpadalos-dalos." Ang sabi naman ni Mom.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila at umalis na lang doon para makapagpahinga na ako. Muntik na namang mapahamak si Luna. Paano na lang talaga kung wala ako rito sa hospital.

Napailing na lang ako sa mga nangyari ngayon.

–––

Luna's Point of View

"Pst… Luna! Luna!" Inis akong nagising dahil sa paulit-ulit na tinig na naririnig ko habang binabanggit nito ang pangalan ko.

Napabangon ako, "Bakit ba?" inis kong sagot.

Nang tingnan ko ang paligid ay wala naman akong nakitang tao. Nasa kwarto ako ngayon at tinanaw ko ang bintana ng aking kwarto. Nakita ko na gabi pa. Muli ay humiga ako sa kama.

"Pst! Luna! Dito!"

Napabangon na naman ako dahil sa boses na iyon. This time I felt the breeze of air. Napalingon ako sa bintana na nakabukas na ngayon at doon nanggagaling ang ihip ng hangin.

Kunot noo ko itong pinuntahan para isara kahit na medyo nagtaka ako kung bakit nakabukas ito. Nang makalapit ay napaatras ako nang magulat ako sa aking nakita.

Nanlaki ang aking mga mata, "S-Sino ka?" Tanong ko rito.

Pumasok siya sa bintana. Ako naman ay naghanda sa kung anong gagawin niya sa'kin. Nakasuot siya ng jacket at may sumbrero din siyang suot kung kaya't hindi ko makita ang mukha niya. Nang tanggalin niya ang sumbrero niya ay doon na ako napaatras. Natumba pa ako sa sahig dahil sa pagkakabigla.

"It's me, Gianna." Salita niya.

Anong ginagawa niya rito?

"B-Bakit ka nandito?" 

"Nandito ako para sabihin sa'yo na bumangon ka na diyan. Huwag mo ng dibdibin pa ang mga nalaman mo patungkol sa'kin, apo."

A-Apo? Right, Lola ko nga pala siya.

"Bumangon ka at tapusin mo ang nasimulan ko. At kapag dumating ang tamang panahon ay nakikiusap ako sa'yo. Puksain mo ang bagay na iyon. Ang bagay na siyang dahilan kung bakit nagkapalit tayo ng katawan sa mahabang panahon. Ikaw lang ang maasahan ko sa bagay na'to. Ikaw lang, Luna."

Nakatunganga lang ako sa mga sinasabi niya. Biglang nangilid ang luha ko. Parang kaharap ko lang ngayon ang aking sarili dahil sa pagkakahawig ng mukha naming dalawa. Like everything in our body looks the same.

Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko at humagulgol na ako sa harapan niya.

"S-Sorry po! Sorry…" hindi ko mapigilang humingi ng tawad sa kaniya.

Feeling ko ay mas nasira ko ang buhay niya. Ginawa kong mamatay tao ang katawan niya. I felt guilty. Nilapitan niya ako at tumungo siya. Hinawakan niya ako sa balikat habang nakapikit ako na umiiyak na parang bata.

"Shh, don't cry Luna. I died happily. Namatay akong may ngiti sa labi kaya hindi mo kasalanan ang mga nangyayari sa'yo ngayon. Now go, get up, and start your plan. Huwag mong sayangin ang mga sakripisyo ko para sa'yo, Luna."

Niyakap ko siya at napapikit pa at muling umiyak sa balikat niya. Sa pagdilat ko pa ay nakahiga na ako sa kama at bumungad sa'kin ang puting kisame. Dinig na dinig ko ang tunog ng vitals monitor screen. Pati na rin ang patak ng tubig sa may Cr kahit na malayo naman ito sa kinaroroonan ko.

Warm arms suddenly hug me. Nabigla ako nang humagulhol ito sa harap ko.

"I thought you'll leave me again, Pumpkin." His voice sounds like he's drunk. But my brow furrowed when I heard a different name from him.

Hindi ako nakapagreklamo sa ginawa niya kasi nagtaas-baba na ang balikat niya sa pag-iyak. Why is this man crying in front of me?

"Tell me, you'll never leave me, okay?" Bigla niyang sabi sa'kin habang niyayakap niya pa rin ako.

"Huh?" Usal ko sa sinabi niya.

"Tell me!" Galit niyang salita na ikinabigla ko.

"O-Okay, I-I will never leave you." Napipilitan kong sagot sa kaniya.

Nagulat naman ako nang bigla na lang may sumulpot sa ere at ang nakakagulat pa ay si Matt iyon. Seryoso niya akong tiningnan tsaka inilihis niya ang paningin niya kay Zyriex. Nilapitan niya ito at inakay.

"Zy… uwi na tayo. Lasing ka na," seryoso niyang sabi kay Zyriex.

Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagyakap nito sa'kin. Naipit ang sugat ko sa dibdib kaya bahagya akong napadaing sa sakit.

"Aray! Zyriex, masakit." Reklamo ko.

Doon na siya natauhan at mabilis siyang kumawala sa'kin. Nagtama ang mata naming dalawa. Namumugto ang mata niya at pulang-pula rin ang mukha niya.

Hinila na kaagad siya ni Matt ngunit tinulak niya lang ang kamay ni Matt at saka sinapo niya bigla ang dalawa kong pisngi. I thought he caress my face but I was wrong.

"Don't cry, I'm always here for you." Lasing niyang sabi sa'kin.

Natingnan ko naman si Matt dahil sa ginawa ni Zyriex ngayon sa'kin. Nakuha naman niya ang tingin ko at mabilis niyang hinila si Zyriex papalayo sa'kin.

"Pasensya na Gianna, Lasing kasi e." Seryoso at malamig na salita ni Matt.

Hindi ko na siya nasagot pa nang tuluyan na silang naglaho na para bang nagmamadali sila. Sa saktong paglaho nila sa ere ay doon bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Kuya na tila nabigla ata nang makita ako. Nahulog kasi sa sahig ang hawak niyang paperworks na tsinitsek niya.

Patakbo siyang lumapit sa'kin. He immediately took his penlight and then he checked my eyes. Hinayaan ko lang siya sa ginawa niya. He's a doctor after all.

"Gising ka na ba talaga luna o nananaginip lang ako?" Tanong niya pa.

Parang tanga naman 'to.

"Oo, kuya. Gising na gising ako. Hindi ka nananaginip." Sarkastiko kong sagot sa kaniya.

Bigla namang lumapad ang ngiti niya at kaagad akong niyakap.

"Aray!" Daing ko ng masagi niya ang sugat sa dibdib ko.

Mabilis naman siyang kumalas sa yakapan naming dalawa, "Sorry," kaagad niyang paumanhin.

"Okay lang," sagot ko.

He then take his phone and dialed some numbers.

"I'll just call them. Sasabihin ko na gising ka na."

Tanging tango lang ang iginawad ko sa kanya at sumandal na muli sa headboard ng higaan.



Leave a vote and a comment(⁠^⁠^)

Continue Reading

You'll Also Like

Die Arthia By Lucilfer

General Fiction

322K 13.7K 100
[ P a r a l l e l U n i v e r s e ] "Die Arthia!" The last words I heard from my father, he shouted it with so much anger. "F-father." I said as...
HYEORAEK By Bern

Fanfiction

23.8K 1.5K 76
What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalyps...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
138K 5.6K 69
Unang Konseho ClichΓ©