THE ADVENTURE OF THE HERETICA...

بواسطة kyubi3

9.4K 783 167

[COMPLETED] (THE POETRY OF BIRTH TO TOMB BOOK 1) Quinn Viezys Amelghourd, an eighteen-year-old Sane, or the W... المزيد

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
NAMES AND PRONUNCIATIONS
EPISODE 1/2
EPISODE 1/3
EPISODE 1/4
EPISODE 2/1
EPISODE 2/2
EPISODE 2/3
EPISODE 2/4
EPISODE 3/1
EPISODE 3/2
EPISODE 3/3
EPISODE 3/4
EPISODE 4/1
EPISODE 4/2
EPISODE 4/3
EPISODE 4/4 (R+18)
EPISODE 5/1 (R+18)
EPISODE 5/2
EPISODE 5/3
EPISODE 5/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
EPISODE 6/1
EPISODE 6/2
EPISODE 6/3
EPISODE 6/4
EPISODE 7/1
EPISODE 7/2
EPISODE 7/3
EPISODE 7/4
EPISODE 8/1
EPISODE 8/2
EPISODE 8/3
EPISODE 8/4
EPISODE 9/1
EPISODE 9/2
EPISODE 9/3
EPISODE 9/4
EPISODE 10/1
EPISODE 10/2
EPISODE 10/3
EPISODE 10/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
ANNOUNCEMENTS, FAQ, AND WORDS OF GRATITUDE

EPISODE 1/1

574 24 7
بواسطة kyubi3

—THE SANE SUMMONER—

QUINN'S POINT OF VIEW

"Kailangan nating makalabas dito sa lugar na ito. Masyadong dilikado rito." Sabi ni Calin na may nilalabanang Sinister Serpent, Repters Feral, Juvenile - Grade, Tier 13. Medyo nahihirapan kami sa pagharap dito dahil hindi pa ganon kalakas ang mga Adjunctus namin.

"Ako ng bahala, Quinn sa likod ka lang at i-heal mo kami kapag may napuruhan samin," Sabi ni Arod. Tinanguan ko naman siya at kasama si Mush ay nagtago kami sa likod ng isang malaking bato. Nagtataka siguro kayo kung paano nga ba kami napunta sa sitwasyong ito? Bumalik muna tayo sa pinag-umpisahan ng lahat...

...

"In the name of the Summoner's God Aribirus, the light will set upon you to identify your League!" Sigaw ni Father Olidon. Mula sa taas ng Fortress of Summons na gawa sa salamin ay sumilay sakin ang napakakasilaw na liwanag na nagpapikit sa mata ko. Naramdaman ko naman ang sampal ni father na talagang ginagawa para tapusin ang Ceremony of the League, kung saan malalaman mo kung anong summoner ka; kung saan League ka nabibilang. Binuksan ko naman ang mga mata ko at doon ko nakita ang ang isang silver ring na inaabot sakin ni father habang umiiling-iling na parang disappointed ito...

"Ano pong League ko?" Masayang tanong ko.

"You're just a Sane Summoner," Walang ganang sagot ni father. Inabot ko naman ang Ring of League ko at nginitian si father.

"Ayos na yan, kesa walang League. Alis na po ako!" Maligalig na sabi ko. Tatakbo na sana ako palabas ng pigilan ako ni father.

"Wait lang, ayaw mo bang magkaroon ng Adjunctus? Aalis ka na lang ng ganyan? Tsk, tsk, tsk. Quinn Viezys Amelghourd, ang kulit mo talagang bata ka!" Lintaya niya. Kaya napakamot ako sa batok ko at binigyan siya ng nahihiyang ngiti.

"Pasensya naman po. Paano po ba ako magkakaroon ng Adjunctus?" Tanong ko. Nag-rolyo naman ito ng mata at tumalikod.

"Kung hindi ka lang alaga ng Holiness baka nakutusan na kitang bata ka," Sabi niya. Saka niya ipinakita ang tatlong itlog. Yung isa may na kulay red at may white spots, yung isa ay kulay green naman na may red spot, at yung isa ay kulay blue at may white spots.

"Wow, ang gaganda naman. Pwede ko bang kunin lahat?" Tanong ko. Tinignan naman ako ng masama ni father.

"Pumili ka lang ng isa," Sabi niya. Kaya pinakaramdaman ang mga itlog kung sinong mas bagay sakin bilang Adjunctus. Nakita ko namang gumalaw ang kulay pula na may white spots na itlog. Kinuha ko naman ito at as soon na nahawakan ko ay bigla itong nag-crack.

"Oho! What's happening?" Tanong ko kay Father Olidon. Wala naman itong sinagot at nag-rolyo lang ng mata. Nahati na nga sa dalawa ang itlog at lumabas mula doon ang maliit na nilalang na parang mashroom na may  mata, bibig, kamay, at paa. Ang uluhan niya ay parang hat na kulay red na may white dots na  parang sa shell ng itlog niya.

"Ang cute mo!" Sigaw ko sabay yakap dito.

"Mush! Mush! Mush!" Masayang sabi naman nito na naging dahilan para lalo ko itong yakapin dahil sa ka-cutan nito. Bigla namang umilaw ang Ring of League ko at biglang may parang hologram ang lumabas at nakita ko ang picture ng nilalang na ito at lumabas ang iba pa niyang infos, kaya binasa ko ito.

"Infant Mushter, Serviant Type, Infant - Grade, Tier 1. Wow, napakalakas mo naman! Ano bang magandang pangalan sayo?" Sabi ko. Nag-pose naman ito na parang nag-fflex ng muscles na nagpatawa sakin.

"What if sa labas mo na lang siya pangalan? Nakaka-istorbo na kase kayo sakin. Sige na, labas na!" Sigaw ni father. Kaya naman tumakbo na ako palabas ng Fortress.

"Hmp! Kung Human lang ang lahi nun eh sigurado kulubot na mukha niya sa sobrang pagkasungit. Buti na lang at Elf siya at mukha parin siyang bata kahit na may katandaan na. Pero ikaw, ano kaya pangalang ibibigay ko sayo?" Sabi ko habang kinakarga siya.

"Quinn!" Dinig ko naman ang pamilyar na boses. Kaya napatingin ako kung saan iyon nanggagaling. Doon nga ay nakita ko ang isang lalaking Elf at isa sa matalik kong kaibigan na si Calin na may dala-dalang patay na Mountain Boar habang kumakaway. Kaya kinawayan ko rin siya.

"Nag-hunting ka na naman ba, Calin Pollister Agtrade? Grabe ka naman, isang linggong walang pahinga ka na sa pag-huhunting ah," Sabi ko. Ngnitian niya naman ako at nagkamot ng batok na nagpakita sa mga biceps niya. May itsura si Calin, actually maraming babae ang nahuhumaling sakanya pero wala siyang nagugustuhan.

"Alam mo naman, gusto kong maka-ipon ng maraming Dorum para makapag-aral ulit," Sabi niya. Nag-tango-tango naman ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Alam mo, ang daming nagkakagustong babae sayo. Meron pa nga matandang Nobel eh, tas inayawan mo. What if lapitan mo? Baka matulungan ka, gamitin mo sakanya ang iyong diamond-shaped face, pointed ears, flat brows, up-turned green eyes, a crooked nose, and thin lips. At ang iyong height, ang tangkad mo kaya, 6'5 ba naman at ang ganda rin ng hubog ng katawan mo, puno ng naghihimutok na muscles at walong abs! Ganda rin ng mahaba mong puting buhok. Oh, kung gagamitin mo lang yang mga yan makakapag-aral ka!" Pabirong sabi kong sabi habang patawa-tawa pa.

"Wow naman Quinn, pinagnanasahan mo siguro ako kaya alam mong i-describe buong physical appearance ko ano?" Sabi niya. Napatigil naman ako at timingin sakanya ng nakataas ang kilay.

"Hindi ba pwedeng simula pagkabata ay ang mukha at ang katawan na iyan na lang lagi ang nakikita ko?" Tanong ko na nagpatawa sakanya.

"Ikaw talaga. Siya nga pala, ano yang dala-dala mo?" Tanong niya. Iniharap ko naman sakanya ang Adjunctus ko.

"Isa siyang Mushter, nakuha ko siya kaninang inalam ko kung anong League ako nabibilang, alam mo na, as an eighteen years old ay kailangan ko na malaman kung saan ako nabibilang. It turns out ay isa akong Sane Summoner, ang galing hindi ba?!" Maligalig na sabi ko kay Calin. Bigla namang parang disappointed ang mukha nito.

"Alam mo bang pinakamababang League ng summoner ang mga Sane? Bakit tuwang-tuwa ka diyan? Alam mo rin bang hindi sila pwedeng sumabak sa paglalakbay o maging isang Priest gaya ng pangarap mo?" Tanong niya. Tinanguan ko naman siya. Kaya napasapo siya sa noo niya. Bigla naman akong nakaisip ng pangalan sa Adjunctus na ito.

"Alam ko na, Mush na lang ipapangalan ko sayo!" Sigaw ko. Bigla namang tumingin ng nakangiti sakin si Mush at niyakap ang mukha ko. Mukhang gustong-gusto niya ang pangalan na ibinigay ko. Bigla namang may umakbay sakin. Kaya tinanggal ko muna si Mush sa mukha ko para tignan. Kita ko naman ang isa ko pang kaibigan at kasama kong lumaki sa Cathedral; ang Phoenix People na kaibigan ko, si Arod Heryold Aminprod.

"May problema ba dito, Quinn?" Tanong niya. Pansin ko namang nag-iba ang ekspresyon ni Calin. Ito na namam, mag-uumpisa na naman ang tensyon sa dalawang ito.

"Ikaw lang naman problema dito," Sagot naman ni Calin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Arod at umalis sa pagkaka-akbay sakin. Saka ito lumapit kay Calin. Bago pa siya makalapit ay hinawakan ko ang barso niya at kinaladkad siya.

"Oh, ano ginagawa mo, Quinn?" Tanong ni Arod. Aawatin ko sana sila kaso hirap na hirap naman akong kaladkarin siya dahil sa sobrang bigat niya. Dinig ko namang tumawa silang dalawa.

"Quinn, alam mo, may itsura ka eh. You have pure black regular-cut hair. You have an angelic heart-shaped face, round-shaped ears, angled brows, almond brown eyes, a nubian-shaped nose, and heavy lower lips. You also has a Beige skin tone. Ganda rin katawan mo, di payat, di mataba. Pero alam mo ano problema sayo? Yung height mo, tignan mo akong gusto mong kaladkarin, seven footer ako, habang ikaw 5'5 lang." Sabi ni Arod sabay apir kay Calin. Napanganga naman ako dahil kanina dama mo ang tensyon sakanilang dalawa. Ngayon parang mas close pa sila.

"Alam mo may itsura ka rin eh, Arod. May normal cut brown hair and a diamond-shaped face, an angled brows, a deep set reddish eyes, a button nose, and downward-turned lips. Maganda rin katawan mo, at matagkad ka. Pero alam mo parang abnormal ka minsan. Kanina halos sugurin mo na si Calin, ngayon naman parang mas close pa kayo. Ganyan ba talaga kapag matanda na?" Lintaya ko. Patuloy parin naman sila sa pagtawa.

"Grabe ka namam sa matanda, twenty years old pa lang kami huy! Isa pa, tignan mo sarili mo ngayon, namumula ka na sa inis. Ang cute mo!" Sabi naman ni Calin. Kaya nag-rolyo ako ng mata at saka na tumalikod at itinaas si Mush na sakto lang para sa maging ka-level siya ng mukha ko.

"Ikaw na lang magiging kakampi ko, Mush. Tara na nga at malapit na ang Praying Hours." Sabi ko at saka na ako naglakad pabalik sa Cathedral.

"Uy Quinn, teka!" Sigaw ni Arod at Calin. Hindi ko naman sila pinansin at saka na ako tumakbo hanggang makalayo sakanila.

Habang papalapit ako sa matayog na Cathedral, agad na nahagip ng mga mata ko ang napakagandang harapan nito. Ang napakagagandang mga detalye na nakaukit sa bato na lumikha ng isang nakakabighaning tapiserya ng simbolismo ng relihiyon ng Elves — ang Olive Branch. At kadakilaan ng arkitektura. Ang nagtataasang mga spire ay umaabot patungo sa langit, na umaabot sa banal na kalangitan. Pinalamutian ng mga pinong sculpture ang pasukan, na naglalarawan ng mga eksena ng mga salaysay sa Holy Scripture, ang bawat pigura ay tila nabubuhay na may pakiramdam ng kabanalan at debosyon. Ang mga stained glass na bintana, maningning na may mga kulay ng cobalt blue at makulay na pula, sinasala ang sikat ng araw, na naghahagis ng ethereal na sinag ng may kulay na liwanag sa interior. Ang harapan ng Cathedral ay nakatayo bilang isang testamento sa pagkakayari ng tao at espirituwal na transendence.

Pagpasok ko sa Cathedral, ang kadakilaan nito ay bumungad sa akin. Ang matayog na harapan, na pinalamutian ng magagandang mga arts, ay tila nakakaantig sa kalangitan. Sa loob, bumukas ang malawak na espasyo, na puno ng ethereal na liwanag mula sa mga stained glass na bintana. Ang mataimtim na katahimikan ay nabasag ng malumanay na mga dasal at ang mayamang tono ng organ na instrumento at choirs. Habang naglalakad sa banal na bulwagan, nakakaramdam ako ng paggalang at koneksyon sa isang bagay na mas malaki kaysa sa aking sarili. Ang mga siglo ng kasaysayan at debosyon ay kapansin-pansin, na nagpapaalala sa akin ng walang hanggang kapangyarihan ng pananampalataya at ang kagandahan ng pagpapahayag ng debotante ng Gradiois Sumus Cathedral.

"Quinn, kanina ka pa hinhintay ng Holiness. Pumunta kana sa Praying Room," Sabi ni Sister Feline. Kaya naman napabalik ako sa wisyo ko at tumakbo sa may likod ng altar kung saan makikita ang maraming rooms na tinitirahan ng mga madre, mga abandoned child, at ni Holy Father Callon Alighieri. Sa pinaka dulo ng corridor na ito ay ang Praying Room. Kaya nagmadali naman ako. Kakatok sana ako nang makita kong nakasiwang ito ng kaunti. Kaya itutulak ko na lang sana ang pinto nang mapatigil ako dahil sa dinig kong may kausap si Holy Father. Tatalikod na sana ako ng maging marinig kong may pinag-uusapan sila, ako naman itong chismoso, nakinig ako.

"God Aribirus, forgive me for what I have sinned." Bulong ko habang nakatingin pa sa taas.

"Nasa Solaria Mystery Land parin ba si Lucio?" Tanong ni Holy Father. Parang pamilyar sakin ang pangalan ah. Kaya lalo akong naging enteresado.

"Oo, hindi parin siya bumabalik. Hindi ba nandito ang anak niya?" Tanong ng kausap ni Holy Father. Woah, sino kaya ang anak niya?

"Oo, naalalagaan ko naman ng mabuti ang bata," Sagot ni Holy Father.

"Mukha nga, naging maganda at malusog nga si Quinn." Sabi ng kausap ni Holy Father. Nabigla naman ako doon at nabuksan bigla ang pinto. Nagkatitigan naman kaming tatlo at nakapinta ang gulat s amga mukha namin ngayon...

...

Ayan na, tinapos ko na pari Epsode 1/1. Hope you like it. Pa-follow naman ako at pa-add ito sa reading list niyo. Thank you, enjoy reading!

Nasa multi-media si Mush, sight niyo!

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Veridalia Academy: Revamped بواسطة Biembeh

الخيال (فانتازيا)

6.7K 437 31
Ang balanse ang nagpapanatili ng kapayapaan. Ang init mula sa mga Pyralian. Ang lamig mula sa mga Aquarian. Ang buhay mula sa mga Terran. Ang hinin...
9.6K 580 22
❝a world where omegaverse concept exists❞ -bxb series #4. all rights reserved 2017.
90.5K 5.6K 64
Akala ko noong una,puro emahinasyon lang o gawa gawa ng tao pag naririnig ko iyong mga kwentong bayan,.. Minsan iniisip ko ,nako panakot lang y...
2.3K 140 43
Kung nagustuhan mo ang Amaya at Encantadia. Tiyak ako magugustuhan mo rin ito. Handa ka na bang maglakbay,makipagsapalaran, mainlove at maging tunay...