My Beki Secretary | ViceIon

Av alwaysviceion

34K 1.1K 314

Your typical Beki Secretary stories. A ViceIon Wattpad story wherein Vice is an unemployed 28 years old stun... Mer

1 | cruel universe
2 | new job
3 | unofficial first day
4 | first day
5 | closing the deal
6 | celebration
7 | lunch
8 | dinner with the beks
9 | Ma'am Maricel
10 | happy bornday, vicey!
11 | sundo
12 | fast forward
13 | realisation
14 | bet?
15 | so sick
16 | closer
17 | charity ball
18 | charity ball (part 2)
19 | boracay
20 | boracay (1)
21 | boracay (2)
22 | boracay (3)
23 | boracay (4)
24 | boracay (5)
25 | boracay (6)
26 | boracay (last part)
27 | problems
28 | new character
29 | condo
30 | dinner
31 | fake relationship
32 | wild night
33 | Singapore
34 | Singapore (2)
35 | happy bornday, Ion!
36 | officially yours
37 | birthday salubong
37.5
38 | Vicerals
39 | Vicerals part 2
40 | morning celebration
41 | looking back
42 | calm before the storm
43 | the rain
44 | modeling gig
46 | 12th
47 | yes or no
48 | break up
49 | 10 days
50 | brown envelope
51 | sign it
52 | Japan
53 | to end it all
54 | to have it all
55 | the end of all
56 | we can't have it all
special chapter

45 | 10th

447 20 10
Av alwaysviceion

Ion pov.

10th monthsary

Monday.

As usual nandito ako sa office ko habang si Vice ay nasa station niya.

"Sir, andito na po yung flowers." Sabi sakin ng tao sa kabilang linya.

"Okay, wait, ako na mismo ang kukuha." Sagot ko dito.

Di na ako napansin ni Vice nung makalabas ako. Busy rin siya sa daming trabaho.

Pagbaba ay inabot ko agad kay kuyang grab ang bayad sa flowers at sa meryendang pinasabay ko na rin. Syempre nagbigay ako ng tip.

Buong lakad ko pabalik ay pinagtitingan at pinag bubulungan ako ng mga empleyado ko.

"Hala, para kanino yun?"

"Omg, sabi sayo sila ni Vice eh!"

"Girl, sayang si sir!"

Akala siguro nila di ko sila naririnig. Hays!

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa elevator.

"Uy sir!" Tawag sakin ni Ross.

Sakto kasing bukas ang pintuan ng office ng team 1.

"Sweet natin sir, ah?" Tinanguan ko lang to.

Naglakad ako ng deretso papunta sa lamesa ni Vice .

"Babe." Tawag ko kay Vice.

"Nag abala pa ang baby ko." Sabi niya at tumayo para yumakap sakin.

"I also bought you your favorites." Ngiti kong sabi.

"Dun tayo sa loob babe, share tayo."

Pumayag naman siya agad.

"Very good ka talaga, babe! Alam na alam mo gusto ko." Ngiting ngiti siya habang linalantakan ang pepper tofu.

"Ughh, sarap!" Ungol pa niya habang kumakain.

Hindi niya mabitawan ang flowers. Tulips yun na may kulay orange at pink. Favorite colors namin.

Vini-video-han niya ngayon ito.

Nagulat ako ng itapat niya rin sakin ang camera.

"Babe, bakit nga ulit tulips?" Tanong niya.

"Tulips para lip to lip." Ngising sabi ko at natawa rin siya.

"Wow, hard launch mo na ako sa instagram ah?"

"Tagal na kaya kitang pinopost dun." Masungit niyang sabi.

Anak ng?? Sumungit agad?!

"Post rin kita sa ig ko babe." Paalam ko.

"Pero—"

"Babe nakita na ng mga tao sa baba na may dala akong flowers, nakita rin ng buong team 1 na para sayo yung dala ko. Alam na nila, babe." Mahaba kong litanya.

"Okay baby, sorry, ayoko lang kasing mahusgahan ka nila dahil ako ang girlfriend mo." Sabi niya at mapait na ngumiti.

Binitawan ko naman ang cellphone ko at lumapit sakanya at yumakap.

"Babe wala na akong pake sa sasabihin nila, basta alam ko naman tong ginagawa ko. Saka, eh ano ngayon? Ang swerte ko nga sayo eh, maganda, matalino at mabait. Wala na akong mahihiling pa."

Hindi siya sumagot. Narinig ko nalang siyang sumisinghap.

"Babe? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko.

"Ion, hindi kita mabibigyan ng anak, hindi kita maihaharap sa simbahan, hindi legal ang relasyon natin." Umiiyak niyang sabi.

"I'm sorry, Ion, I'm sorry I'm not enough for you, sorry kasi ito lang ako, hindi ako totoong babae, hindi ko mabibigay sayo yung kalayaan—"

"Babe shhh, wag mong sabihin yan, please? Walang kulang sayo, mahal ko. Pwede naman tayong mag adopt, pwede naman tayong ikasal sa ibang bansa. Wala na akong pake sa sasabihin ng mapang husgang mundo, Vice. Ang mahalaga mahal kita at mahal mo ako." Sagot ko sakanya.

"Pero hindi sapat yun, Ion." Umiiyak niya pa ring sabi.

Nakayuko siya kaya marahan kong hinawakan ang baba niya at inangat ito para tignan niya ako sa mata.

"Sapat ka. Sobra pa nga eh. Please wag mo nang iisipin yan, please, babe? Mahal kita at mahal mo ako. Sapat na yun. Yung mahal natin ang isa't isa." Sabi ko bago siya mariing hinalikan sa labi.

"I love you, tuy."

~

"What do you want me to do, ma?'' Malakas kong tanong.

Nandito ako ngayon sa mansion, kasamang mag dinner si mama at papa.

"Anak, maawa ka naman, hayaan mo nang mag merge ang kumpanya. Hihingi lang tayo ng tulong sakanila." Tumayo na si mama at lumapit sakin.

"Pagtapos nun, anong kapalit? Magsusunod sunuran tayo sa mga Grey? Alam niyo naman kung gano kalupit ang mga yan, diba?!" Sigaw ko.

"Benigno! Walang may pakielam sa pride mo na yan, ibaba mo yan dahil kumpanya ng pamilya natin ang usapan dito! At ano kung mag sunod sunuran? Bakit ba masyado kang nag iinarte?!" Sagot ni papa.

Bahagya akong natawa.

"Inarte? Hindi ba't gumagawa na nga ako ng paraan?"

"Ilang buwan ka ng gumagawa ng paraan, Ion! Ang sabihin mo distracted ka sa magaling mong secretary kaya ka nagkakaganyan! Tigilan mo na, Ion!"

Kumuyom ang kamay ko ng idamay ni papa ang fiance ko.

"Wag na wag mong idadamay ang fiance ko dito, pa!"

Nabigla ako ng maamin kong fiance ko na si Vice.

Tinignan ko si mama at kita ko rin ang shock sa mukha niya.

"Tsk! Kalokohan, alam mong di ka mapapakasalan niya dito, Benigno, tigilan niyo na yang relasyon niyo, walang papupuntahan yan."

Lumiyab ang galit sa puso ko sa narinig ko.

"What the fuck are you saying, pa?! Tangina, akala ko ba ayos sa inyo ang relasyon namin?"

"Sa mata ng diyos mali ang relasyon niyo. Lalaki pa rin kayo parehas."

"Tangina, pa, shut up! You don't know what you're saying. Wala kang karapatan magsabi kung anong tama dahil ilan ring batas sa bibliya na yan ang di mo sinunod!" Sigaw ko at tuluyang umalis ng dining room.

Pumunta akong garden dahil dun ko naiwan ang cellphone ko.

Bago makaalis ay naabutan ko si mama sa labas ng  mansion.

"Co-congrats on your engagement, anak." Ngiting sabi ni mama.

"Wag mo na isipin yung papa mo, ako na ang bahal dun, nabigla lang yun." Pilit ngiti niyang sabi.

"Thanks ma." Sabi ko bago tuluyang umalis.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay tumawag si Vice.

"Babe?" Sagot ko sa telepono.

"Babe, nandito na ako sa unit mo, bili ka ng dinner for us, please?"

"Okay babe, I love you." Nanghihina kong sabi.

"I love you too, benigno ko." Sagot niya bago binaba ang tawag.

Mahal na mahal kita, Jose Marie, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin hanggang dulo.

Patawad mahal ko, masyado talagang malupit ang mundo, pero pangako, sasamahan kita sa bawat araw, magkasama tayong lalaban.

Hindi ko matanggal sa isip ang mga sinabi ni papa, di ako makapaniwalang ganon ang pag iisip niya.

Di ko tuloy mapigilang maisip na baka sinabihan na niya ng kung ano anong masama si Vice nung nagpunta ako ng Singapore nung nakaraang taon.

Simula kasi nung pag uwi ko at mga susunod na labas kasama si papa at Vice ay palaging umiiwas si Vice.

Tangina, malaman ko lang talaga!

Bumili lang ako ng burgers sa burger king at nagdamali nang umuwi.

~

Nagtataka ako dahil di ako sinalubong ni Vice sa pinto. Hinanda ko ang pagkain sa lamesa. Hinanap ko ang fiance ko at natagpuan ko siya sa maliit kong office dito sa unit.

Binabasa niya ang mga pinasang papers ng team 3 and 4.

Siya na rin ang pumipirma. Kuhang kuha niya na kasi ang pirma ko. Malaki ang tiwala ko kay Vice na gagamitin niya yung pirmang yun sa mabubuting bagay lang.

"Babe." Tawag ko sakanya.

Lumingon naman siya sakin at halos mapanganga ako ng makita ko ang itsura niya.

Sobrang ganda! Bagay na bagay sakanya ang specs ko.

"Ang ganda ng babe ko." Sabi ko at lumapit sakanya para bigyan siya ng forehead kiss.

"Bolero! Asan na ang pagkain, babe?''

"Asa baba na boss." Biro ko.

Holding hands kaming bumaba para kumain.

Habang kumakain ay di ko maiwasang maisip ang nangyare kanina.

"Kamusta yung bisita mo kila tita?" Tanong niya habang linalantakan ang burger.

"Ayun na nga eh, I have to tell you something triggering, babe." Pag amin ko.

"What is it?" Tanong niya.

Kwinento ko ang nangyare kanina, buong detalya kong sinabi sakanya.

"I'm sorry babe." Sabi ko.

"Bakit ka nagso-sorry? Di mo naman yun kasalanan." Sagot niya.

"Uhm, matagal ko na ring alam na ganyan ang tingin sakin ng tatay mo, simula nung nalaman niyang bakla ako." Ngumisi pa siya pero kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Nung birthday mo rin, silang dalawa pa mismo ni Mr Grey." Pag amin niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi, babe?" Tanong ko.

"Kasi ayaw kong masira yung relasyon mo sa pamilya mo. Nuon lang kita nakitang ganon kasaya eh, you feel so complete, you were so happy, ayaw kong sirain." Ngiti niyang sagot.

"Pero ikaw naman ang nasisira, mahal ko."

"Ganon na ata talaga ang kapalaran ko babe, pero ayos lang kasi andiyan ka naman para ipaglaban ako diba?"

Tango nalang ang nasagot ko.

Tama nga ang hinala ko. Minaltrato na nga siya ni papa nuon. Tama rin ang guts ko, tama lang na di ako nagtiwala sa mga Grey.

Puno ng galit ang puso ko ngayon.

Buti at nandito ang fiance ko para pakalmahin ako.

"Babe saan tayo mag ce-celebrate ng birthday mo?" Tanong niya sakin.

Nandito kami ngayon sa higaan at kanya kanyang cellphone—nagpapaantok.

"Sa mo gusto?" Tanong ko sakanya.

"Kahit saan babe, basta kasama ka." Sagot niya.

"Tsk! Ikaw may birthday tas ako tinatanong mo."

"Hahaha! Eh parehas lang tayo ng sagot babe ko, basta kasama ka okay ako kahit saan." Sabi ko at kinulong siya sa yakap ko.

"Hmmm, what if balesin babe? Tapos sama natin close friends mo." Suggestion niya.

"Okay, babe, balesin tayo."

"Bilis mo naman umagree?!"

"Bakit mo ako inaaway? Umagree na nga eh, huhu." Pagpapabebe ko sakanya.

~


Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

382K 11.6K 91
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
779K 47.7K 112
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
2.8K 186 32
Ito ay kwento ng dalawang taong nagmamahalan. Marami silang hinarap at nalampasan na mga problema nang magkasama. Pero kahit gaano pa sila katatag, m...
1M 57.6K 36
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...