DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

819K 26.9K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 17

18.7K 658 57
By lhiamaya

Jolene

NAKAHALUKIPKIP ako habang nakasandig sa pinto. Pinapanood ko si Atlas at si Jeremiah na naglalambingan sa maliit naming sala. Wala na akong nagawa ng papasukin ni Jeremiah si Atlas dito sa loob ng bahay. Heto nga at nakakandong na sya sa kanyang ama.

At itong si Atlas naman talagang feel na feel ang pagiging papa kay Jeremiah. Well sya naman talaga ang papa ni Jeremiah. Pagbibigyan ko lang sya ngayon dahil umiiyak si Jeremiah. Kahit hindi magsalita ang anak ko ay alam kong sabik sya sa ama at kitang kita yun ngayon. Ang alam nga nya ay nasa abroad ang ama nya. Yun kasi ang sinasabi ni Leah kapag nagtatanong tungkol sa ama si Jeremiah.

"Ang saya pagmasdan ng mag ama mo no?"

Nilingon ko si Leah na nasa likuran ko lang at nakasilip sa mag ama habang sumisipsip sa straw ng soft drink.

Bumuntong hininga ako. "Masaya ako para sa anak ko. Pero di ako masaya na nakita ko ulit sya."

"Weh di nga?"

Inirapan ko si Leah. Humagikgik lang sya.

"Dapat lang na maging masaya ka para kay Jeremiah. Nakita mo naman tuwang tuwa sya na makita ang papa nya. Hindi man nagsasalita ang batang yan pero alam kong sabik sya sa kalinga ng ama."

"Hindi kami ok ni Atlas. Hindi imporket napasaya nya ang anak ko dahil nakilala na sya na papa nito ay mawawala na ang sama ng loob ko sa kanya. Alam mong hindi biro ang pinagdaanan ko insan."

"Alam ko insan, pero para sa anak nyo dapat maging ok kayo. At least maging civil kayo sa isa't isa kung wala na talagang pag asang mag comeback kayo."

Tiningnan ko si Leah. "Ganun ganun na lang ba yun insan? Pagkatapos ng lahat magiging ok kami alang alang sa anak namin?"

"Eh anong gusto mo? Magsumbatan kayong dalawa tungkol sa nakaraan nyo sa harap ng anak nyo? Eh di na-stress lang ang anak nyo baka maghanap na lang sya ng bagong mama at papa."

Natahimik ako sa sinabi ni Leah. Ayoko namang ma-stress si Jeremiah sa amin ng ama nya.

"Pwede naman yun magsumbatan kayomg dalawa ni Atlas pero wag sa harap ni Jeremiah at hindi nya dapat naririnig. Tapos kapag nakaharap ang anak nyo umakto kayong ok. Ganun kasimple. Kayo ang mag adjust para sa anak nyo. Pero tingin ko naman sa ex mo wala naman syang problema. Halata sa hitsura nya miss na miss ka rin nya. Nakita ko nga niyakap ka nya kanina eh." Nakangising turan ni Leah sa huli.

Inirapan ko sya at humugot ng malalim na hininga. "Ang sabi nya naaksidente daw sya five years ago habang papunta sya sa airport at pabalik ng Zambales. Nagising na lang daw sya nasa hospital na sya at walang maalala kaya hindi nya ako nakontak noon."

Suminghap si Leah at namilog ang mata. "Totoo ba yan?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko."

Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni Atlas. Pero hindi ko naman ramdam na nagsisinungaling sya o nabubulagan na naman ako sa samu't saring nararamdaman ko ngayon.

"Jo, sa tingin ko kawalan ng komunikasyon ang naging problema nyong dalawa. Pag usapan nyo yan ng puso sa puso para magkaintindihan kayong dalawa alang alang kay Jeremiah. Sige pasok muna ako sa loob mg kwarto para makapagbihis." Pumasok si Leah sa loob ng bahay. Nagkatinginan at nagtanguan pa sila ni Atlas.

Naiwan naman ako sa may pinto at nakasandal lang habang pinapanood ang dalawa sa walang katapusang kwentuhan. Kahit paulit ulit lang ang kinukwento ni Jeremiah ay mataman pa ring nakikinig si Atlas. Ngayong magkatabi sila madaling masabing mag ama nga sila dahil sa laki ng pagkakahawig nila. Parang batang version ni Atlas si Jeremiah. Oh di ba? Ako ang nagpakahirap mag isa sa anak namin pero hindi ako ang kamukha. Kaya ang sarap satap kutusan ni Atlas.

"Alam mo po ba papa lagi po akong madaming star sa ishkul. Dito ta kamay ko kanina may three star ako nabula lang kasi nagwash ako." Nakangusong sabi ni Jeremiah sa ama at pinakita pa ang likod ng kamay na malinis na.

"Talaga? Matalino pala ang baby boy ni papa." Ani Atlas at hinalikan ang maliit na kamay ni Jeremiah. Humagikgik naman ang anak ko.

"Lagi din po ako nibibigyan ni Nana at ni Tata ng pela pag may star ako." Pagbibida pa ni Jeremiah.

"Syempre dahil nandito na si papa bibigyan din kita ng maraming pera."

"Talaga po papa?" Namimilog ang mata na wika ni Jeremiah.

"Oo naman, lahat ng pera ni papa para sayo."

Ngumuso si Jeremiah. "Sabi po ni Tita Leah nagtatarbaho po ikaw ta abroad para malaming pela. Pero ayaw ko po ng malaming pela gusto ko po dito na lang ikaw ta bahay papa." Sabay yakap ni Jeremiah sa bewang ni Atlas at nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa ama.

Tila naman may lumamutak sa puso ko sa nakikita kong pangungulila ng anak ko sa ama. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.

Tumingin sa akin si Atlas. Nag iwas naman ako ng tingin. Bahala sya dyan.

"Sure baby, dito lang sa bahay si papa. Hindi na aalis si papa."

Napalingon ako bigla kay Atlas. "Hoy, di ka pwede dito sa bahay no."

Sabay silang mag ama na tumingin sa akin.

"Mama, bakit di po pwede dito ta bahay ti papa?" Nakangusong tanong ni Jeremiah.

Saglit naman akong napipilan. Paano ba ako sasagot na hindi ako magmumukhang kontrabida sa harap ng anak? At itong ama nya naman paawa ang mukha.

"Eh kasi anak, di na tayo kasya dito sa bahay. Malaki ang papa mo o." Sabi ko na lang.

Nakita ko naman ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Atlas na agad ding nabura ng samaan ko sya ng tingin.

"Eh saan po titira si papa mama?" Inosenteng tanong ng anak ko. Pero nasa mukha nya na maling sagot ko lang ay iiyak sya.

Napakamot ako sa batok at binalingan si Atlas.

"Mag usap nga muna tayo saglit."

Binaba muna ni Atlas sa plastik na upuan si Jeremiah. "Wait lang baby, usap lang kami ni mama." Paalam nya sa anak.

Tumango naman si Jeremiah.

Lumapit sa akin si Atlas.

"Yes sugar."

Umikot ang mata ko. Kung makatawag ng sugar akala mo walang atraso eh.

Tumingin muna ako kay Jeremiah. Hawak hawak nya ngayon ang laruan nyang lego pero patingin tingin sya sa amin partikular kay Atlas.

Bumuntong hininga ako. "Kausapin mo ng maayos si Jeremiah at ipaliwanag mo sa kanya na hindi ka pwede dito." Mahinang sabi ko.

Gumuhit ang lungkot sa mata ni Atlas. "Sugar gusto ko kayong makasama ng anak ko. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi kayong dalawa lang."

Tumaas ang kilay ko at sarkastikong ngumisi.

"Ang galing mo naman. Gusto mo kaming makasama ng anak mo samantalang noong isang araw may kasama kang babae sa mall."

Kumamot sya sa ulo at bahagyang ngumiwi. "Hindi kami ng babaeng yun sugar, kadate ko lang sya."

"At gusto mong maniwala ako sayo? Hindi ko nga alam kung totoo yung mga sinasabi mo kanina na kesyo na-aksidente ka noon at nagka-amnesia kaya hindi mo ko nakontak at yung wala ka talagang fiancee. Baka nagdadahilan ka lang para makalapit sa aming mag ina."

Bumuntong hininga si Atlas at bagsak ang balikat. Lalong naging malungkot ang kanyang mukha at may gumuhit na sakit sa kanyang mata.

"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw momg maniwala sugar. Hindi rin kita pipilitin kung ayaw mo kong makasama.. sa ngayon. But please.. hayaan mo naman akong makasama ang anak natin. Bukod sayo, sabik na sabik din ako sa kanya."

Nagpakawala ako ng marahas na hininga at muling tumingin kay Jeremiah na nakatingin din sa akin. Nginitian ko sya. Ngumiti din sya sa akin. Kapag may anak ka talaga lagi mong uunahin ang kaligayahan nila kesa sa kaligayahan mo.

"Fine, payag ako na makasama mo sya pero dito lang sa bahay. Bawal kayong lumabas na kayong dalawa. Pwede kayong lumabas pero kasama ako. Baka mamaya itakas mo pa sya eh."

Kumunot ang noo ni Atlas. "At bakit ko naman itatakas ang anak natin? Hindi ko gagawin yun. But thank you sa pagpayag mo na makasama ko sya. Sobrang saya ko ngayon kung di mo lang alam sugar." Ngumiti na sya.

Inikutan ko sya ng mata. "Pero bawal ka ditong matulog ha. Mamaya umuwi ka na sa inyo."

Kumamot na naman sya sa ulo. "Oo na." Bumalik na sya sa tabi ni Jeremiah dahil tinatawag na sya nito.

Ako naman ay pumasok na sa loob at sinarado na ang pinto. Iniwan ko muna ang mag ama sa sala at pumasok ako sa kwarto para kumuha ng damit pantulog.

Nagtagal pa si Atlas sa bahay kahit malalim na ang gabi. Parang ayaw na nga syang bitawan ni Jeremiah. Para na nga itong tuko na nakakapit sa kanya. Humiwalay lang ito sa ama ng pilitin kong maghalf bath at magbihis. Si Atlas nga ay hindi ko alam kung nakakain na ba o hindi. Bahala na sya malaki na sya.

"Babalik din si papa bukas baby. Promise yan. Paggising mo nandito ulit ko."

Pero ayaw bumitaw ni Jeremiah sa isang hita ni Atlas. Nakasibi na rin sya at paiyak na. Uuwi na kasi si Atlas dahil mag a-alas onse na. May pasok pa sya bukas sa school.

"Dito na lang po ikaw tulog papa. Tabi po tayo."

Tumingin sa akin si Atlas. Nagiwas naman ako ng tingin at naghimas ng batok.

"Hindi pwedeng matulog dito si papa baby. Uuwi muna si papa tapos bukas babalik ulit ako. Bibilhan kita ng maraming pasalubong." Mahinahong kausap ni Atlas sa anak.

Umiling iling naman si Jeremiah at tumulo na ang luha. Lalo pa syang kumapit sa hita ng ama.

"Ayaw ko po ikaw umalit pala. Baka di na ikaw bumalik eh. Please po dito na lang ikaw tulog, tabi po tayo."

Bumuntong hininga si Atlas at nakatingin lang sa anak. Halatang nahihirapan din syang humiwalay sa anak. Pero kailangan nya talagang umuwi. Hindi sya pwedeng matulog dito.

Lumapit na ako kay Jeremiah at binaklas ang mga braso nyang nakayakap sa hita ni Atlas. Pero nanlalaban sya.

"Uuwi muna si papa baby ha. Babalik na lang sya bukas."

Pero tuluyan ng pumalahaw ng iyak si Jeremiah at pilit inaabot ang ama.

"Ayaw ko po mama. Dito lang po ti papa!"

"Jeremiah wag ng matigas ang ulo." Nilakipan ko na ng tigas ang boses. Pero lalo lang umiyak ang anak ko.

"Uwahh p-papa! Papa ko! Gusto ko ta papa ko!" Nagwawala na si Jeremiah sa hawak ko. Ngayon lang sya umiyak at nagwala ng ganito ng makita nya ang ama nya. At parang pinipiga ang puso ko.

Shit naman!

Tumingin ako kay Atlas. Nasa harap pa rin sya ng anak at nakaswat. Nakaguhit din sa mata nya ang sakit sa nakikitang pag iyak ng anak. Pinapakalma nya si Jeremiah pero ayaw nitong makinig. Lalo lang lumalakas ang iyak at ayaw pauwiin ang ama. Nakakabulahaw na rin kami sa kapitbahay. Pati nga si Leah na natutulog na ay nagising at napalabas ng kwarto.

"Sige na sige na, dito na matutulog si papa." Sambit ko.

Tumigil naman sa pagwawala si Jeremiah at tumingin sa akin. Pero umiiyak pa rin sya. Basang basa ang mukha nya sa luha.

"Tahan na, dito na matutulog si papa. Tabi na kayong dalawa matulog." Pinunasan ko ng kamay ang mga luha sa pisngi ni Jeremiah.

"Sigurado ka sugar? Ok lang sayo na dito ako matulog?" Tanong ni Atlas.

Bumuntong hininga ako. "Oo, kesa naman magdamag umiyak at magwala tong anak mo. Nakakahiya sa mga kapitbahay na mga tulog na."

Umayos naman ng tayo si Jeremiah na tumahan na at lumapit sa ama sabay yakap sa batok. Pinunasan naman ng kamay ni Atlas ang mga luha ni Jeremiah sa pisngi. Malambing din nyang inaalo alo ito at hinahalik halikan sa mukha. Tumayo naman ako ay kumuha ng bimpo sa drawer at inabot kay Atlas pamunas ng luha ni Jeremiah.

*****



Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy