Me and My Lady Boss

Por JazeyFrost02

7.9K 269 50

This story is my own version of GAP: Pink Theory.. Sorry, sobrang naadik lang talaga ako kay M贸n and Sam esp... M谩s

Characters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
Chapter 18
Chapter 19

12

325 17 1
Por JazeyFrost02

Me and My Lady Boss

Chapter 12

(Patricia POV)

@iCos - office

Tumigil ako Saka Napa ngiti.

Di pa rin ako maka get over sa fact na proud sakin si Miss Gab. And niyakap niya ako.

Hai. Ang sarap sa feeling.

Sana paa, dati pa ako nag pakilala.

Then napangiti ako.

"Uy, ganda ng ngiti ah." Sabi ni Shayne sakin. Dumaan lang ito sa table ko.

"Ah. Di naman." Sabi ko.

"Ano bang meron? Ba't nag kasabay kayo ni Miss Gab."

At napahinto ako. Ano ba sasabihin ko? Okay lang ba na sabihin na uminom ito kagabi, Tapos dun ako natulog sa bahay niya?

"Ah. Merong konting emergency lang."

"Work-related? Or hindi?"

Ba't naman nito naisip na hindi?

Tumango ako. "Work related." Sabi ko nalang.

Then biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Miss Gab.

"Call Stephen. Now."

Nagkatinginan kami ni Shayne.

Oo nga pala, finire nito si Sir Stephen nung isang araw. Kumusta na kaya yun? Di ko na kasi nakita si Sir Stepehen uli.

Then Maya Maya ay dumating si Sir Stephen.

Kina usap muna ito ni Sonia bago ito pumasok sa loob.

After 15 minutes ay lumabas na rin ito.

Lahat kami ay nakatingin dito.

Then nag paka wala ito ng napakalalim na buntung hininga Saka winagayway nito ang kamay nito.

Nag taka naman kami lahat nun.

Okay lang kaya pag uusap nila ni Miss Gab?

Tinuloy ba nito ang pag fire kay Sir Stephen.

Then nag cross sign ito bigla Saka lumiwanag ang mukha nito.

Sinalubong naman ito ng dalawang staff nito.

Saka nag fist bump sila.

Then nag approve ito samin.

Lumiwanag din bigla ang mga mukha ng mga kasamahan ko.

Teka, di ba tinuloy ni Miss Gab?

——-
———
————

(Gabrielle PoV)

Chineck ko ang status ng server namin. Bumabalik na sya sa dati. Then I remembered Stephen, naka pasok na ba tu? Kahapon kaos wala sya, ang dinig ko eh na ICU ang asawa nito.

Hm. Tumayo ako Saka lumabas sa opisina ko.

"Call Stephen, NOW!" Sabi ko Saka pumasok uli then waited for him.

"M-magandang umaga po, Ma'am."

I looked at him. Mukha syang haggard at wala pang tulog.

"TinaTapos ko lang po yung naiwan kong trabaho Saka inaayos ko yung Aberya sa server natin. After po niyan eh aalis na ako." Naka yuko pa rin ito.

"How's your wife?" I asked habang sina scan ang papeles na hawak ko.

"Ah. Nag sisimula na syang mag recover."

"Good."

Then katahimikan.

"Gagawa nalang din po ako ng resignation letter para maging official —-"

"Please give me a report regarding sa latest update ng server natin."

"H-Ho?" Parang nag tatakang Sabi nito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"N-Narinig po. Ahm. Sasabihan ko nalang po si Clark. Para magawa na niya at ma ipasa Agad sa inyo."

"Sino ang mag babayad ng hospital bills ng asawa mo?"

Napakunot noo ito.

"A-ako po."

"Ah. So obviously you still need this job." Then I looked at him. "Next time, siguraduhin mo nang walang aberya ang server natin, bumaba masyado ang ranking natin for the passed 2 days, Stephen."

"K-Kaya po inaayos ko na ngayun."

"Okay. Good."

Then pinag patuloy ko na ang ginagawa ko.

And I noticed na he is still standing in front of me.

I looked at him. "What are you doing?"

"A-Ah, Ma'am, hindi ko po ksi alam kung—-"

"I'm not firing you... yet. You still got many things to do in your department Stephen, at marami ka pang dapat gawin sa kompanya ko. So, don't disappoint me."

At napanganga ito. "Hindi pa po ako tanggal sa trabaho?"

"May sinabi ba ako na tanggal ka na sa trabaho mo?"

"N-Nung isang araw po."

"Well, the only thing that is constant is change. Let's just say, marami kapang dapat tapusin dito kaya hindi pa kita Tina tanggal." Then I crossed my arms. "Now, go. Nauunahan na tayo ng ibang apps."

"Okay po. S-Salamat po." Sabi nito Saka yumuko at lumabas ng opisina ko.

Then I let out a deep sigh.

Tsk tsk.

Damn, Patricia.

I can't believe na na convince niya ako na hindi tanggalin si Stephen.

Well, mabuti naman kasing mag trabaho si Stephen. And yep, kawalan nga talaga sya kapag tinanggal ko.

Tsk.

Ting!

One Notification Received

Patricia: Goto tayo later.

Napakunot noo naman ako nun.

Ba't bigla ito nang aya?

To Patricia: Anong meron?

Patricia: 😉

At napailing ako. Then I remembered, diba susunduin sya ni Nathan mamaya.

To Patricia: Akala ko ba May susundo sayo.

Ting!

From Patricia: hanggang night shift sya. so, di sya makakasunod.

Ting!

From Patricia: so?

To Patricia: okay, whatever.

Ting!

From Patricia: 😉

Tsk tsk.

Then I continued what I'm doing.

Knock Knock

"Come in." Sabi ko.

Then pumasok na si Ate Jules.

"Yes—" and napahinto nang makitang May dala itong bouquet of red roses.

"Ma'am, pina deliver po sa lobby natin." Sabi nito Saka nilagay sa center table ng maliit na living room ko sa office ang bouquet of flowers na May kasamang vase. "Para daw po sa inyo." Sabi nito Saka lumapit sakin at ini abot ang isang card.

"Okay? You can go now." Sabi ko.

Then lumabas na ito.

Then I let out a deep sigh Saka kinuha ang card at tiningnan yun.

I'm sorry.

Please. I miss you already.

Then may naka ipit na dalawang ticket ng The Coldplay Concert, and it's VIP.

Then i rolled my eyes and my phone rings.

David Calling...

"What?"

Keneth David: so, na tanggap mo ba?

"I hate you."

Keneth David: (laughs)

Goodness, I hate him. I really hate him.

But.

The Coldplay Concert is an exception. And it is tomorrow night. Like, what the hell, Bakit ko nakalimutan?! Ah indeed, marami lang talaga ako iniisip.

"I can buy myself my own ticket." Sabi ko then ended the phonecall.

Saka Agad na nag check sa site if May available tickets pa. But sadly wala na! Kahit na VIP wala na. Sold out.

Then I massaged my head.

Okay! Tama na yan, let's get back to work, Self! Come on!

So nag patuloy na ako sa pag trabaho.

——
——-

It was around 7 pm when I decided na umuwi na.

Pagka labas ko ng opisina ko ay bahagya pa akong nagulat when I saw Patricia there, naka ayos na rin naman itong umuwi since ang bag nito ay nasa table na nito.

"Why are you—"

Then she smiled. And I remembered.

"Oh."

"Tara? Libre kita goto."

Napakunot noo ako then I remembered her text earlier.

Oh. Right. See, Kahit ito nakalimutan ko.

"Why? What's the occasion?"

Then she smiled. "Dapat ba talaga May okasyon?"

"Well, yes, because this is too unusual." Too unusual na may mag invite sakin na staff ko to eat outside, and libre pa! Tsk tsk. Then I remembered. Ah, is she treating me like a friend now kasi alam ko na na sya yung batang uhugin na yun sa Hospital 13 years ago? No. Way. I'm still her boss. "Wait, are you like doing this kasi alam ko na na nag meet na tayo before—-"

"Uy! Hindi ah! But partly yes, masaya ako kasi alam mo na."

Napataas kilay naman ako. "If you're thinking na I'll be easy on you well, you're wrong."

"Weh. Di ka naman naging easy sakin eh."

Yep, true, dami kong pina pagawa sa kanya ngayun.

"Pero mabait ka naman ng konti sakin."

"Whatever."

"Ahm.. eto. Sabihin nalang natin, na first sweldo ko ngayun."

Then I crossed my arms. "Ah, you're saying that you'll gonna pay the food using the money I pay you?"

And napahinto ito, Saka Napa isip.

At natawa ako. Nakakatawa ang facial expression nito.

"Okay, okay, nevermind let's do it." Sabi ko Saka nauna nang mag lakad papunta sa elevator, sumunod din naman agad ito. Then I pressed the ground floor, May dadaanan lang akong delivery sa baba, I already paid it online na rin naman yan, kaya kapag May delivery ako, most of the time, kay Kuya Guard ko nalang pinapa bigay, just to protect my identity. I even used other name in buying online items. Actually, account ni Ate Michelle gamit ko when I'm buying things in Lazada, Shein, Zalora, Shoppee etc.

🛗

Katahimikan.

"Actually."

Napatingin ako dito.

"Ahm. Natuwa lang ako kasi di mo inalis sa trabaho si Sir Stephen."

"Oh." Ah. So...?

"Oo. Isa pa, wala Naman syang ginawang masama sayo diba."

I looked at her. "What do you mean?"

"Ahm. D-di naman sya nambuso sayo diba?"

Nambuso?!

And I remembered the news spreading inside my company, Oo nga pala, yan ang nag c circulate na balita ukol sa mga taong tinatanggal ko sa trabaho bigla bigla, and coincidentally, they were all men. tsk tsk!

"You're wrong."

"H-Ha?"

"Those people na finire ko sa kompanya ay pinadala ng mga ka kompetensya ng iCos nung kasagsagan ng iPop U at WeShare. With one goal. To make scandal para madungisan ang pangalan ko at ng kompanya ko."

At napa nganga ito.

"Hindi mo alam?"

Umiling ito.

I sighed. "Mas maButi pang di mo malaman."

"Ahm. Pano yung pinalitan ko?"

"Si Kyle?"

Ting!

"He's a psycho." Sabi ko Saka lumabas na sa elevator.

Yep, totoo naman eh. Goodness!

2 days after I fired him, hindi ko alam na sinundan niya ako sa Cebu. Binantaan niya ako, muntik pa niya akong masasak nun sa hotel room ko. And ma-rape!

No one knew about it. Except Jillian, she knew everything since she's my closest friend.

Nasa presinto na ito ngayun.

Then I stopped when I saw a familiar face in the lobby.

Is that... Nathan?

Then lumingon ako kay Patricia.

"Why is he here? Kasama ba sya?"

Bahagya itong nag taka sa sinabi ko but then Nathan saw her.

"Babe!!" Tawag nito Sabay lakad takbo papunta dito.

"Nate, ba't ka nandito? Akala ko ba hanggang night shift ka?"

Tumango ito. "Eh Sana nga, kaso nag change mind yung pAPalitan ko na crew, bukas nalang daw sya aabsent."

"Ha..."

"Di mo ba nabasa text ko?"

Napakunot noo si Patricia. "Text?" Then kinuha nito ang phone nito Saka tiningnan yun. Then she looked at me.

At dahil na irita na ako, tinaasan ko sya ng kilay.

"Tara na?" Yaya ni Nathan. And guess what, parang di lang niya ako nakita ha.

"Nate, kasi May lakad kami ni Miss—-"

Then she stopped, at parang May tinitingnan sa likod ko.

So lumingon ako and I saw Keneth. Yeah. I decided to call him Keneth from now on, I thought he was my friend but then.. ah! Goodness! I just hate him right now. Keneth is not my friend, si David ang kaibigan ko, si David ang tinuturing kong kapatid, hindi si Keneth. So, I'm not gonna call him David starting today.

Wow. Right timing.

"Hi! Are you going home na?" Keneth asked me.

Why is he here?

Then tumingin sya kina Patricia and Nathan.

"Oh, hi!"

Tumango Naman nun si Patricia.

"Are you all Going out for dinner? Or what?" Then he looked at Keneth. "I never seen you here before, did you hire a new staff, Gab?"

"He is Patricia's—"

"Boyfriend?" Agad niyang sabat.

I looked at him. Like, what the hell's wrong with you?!

Tinaasan ko ito ng kilay, ang malisyoso!

"He's not her boyfriend, Keneth."

"Oh. Sorry. Hindi ako magaling humula." Then tumingin ito kay Nathan. "Keneth, Pare." Pakilala nito sa sarili nito.

"Nathan." Sabi din ni Nathan Saka nakipag kamay dito

"Anyways." Then he looked at me. "I need to talk to you."

"What about?"

"Over dinner, if okay lang sayo."

Then I looked at Patricia. "I'm afraid I can't come, Keneth, I already have plans with—"

"Ah! Sige, mauna nalang kami ni Nathan." Biglang Sabi ni Patricia.

Napakunot noo ako, wait, I thought she'll gonna treat me goto. Then I looked at Nathan, naka ngiti ito. Tsk! Na kilig pa ata.

"Wait, What? What are you talking about?!" Agad kong Sabi.

Tumingin lang ito sakin Saka nag excuse na Sabay push kay Nathan palabas ng building.

Napa iling nalang ako habang nakatingin sa dalawa. Then nakita kong kinuha ni Nathan ang gamit nito.

Tsk.

Then I looked at Keneth.

"I'm just gonna get my car." Sabi ko Saka nag lakad papunta sa elavator.

"We can use mine."

I looked at him then tinaasan ko sya ng kilay Saka dumiretso na sa elevator.

"Okay! fine! ano ba naman panalo ko sa R8 V10 mo diba? X5 lang kasi dala ko."

"Well, Kahit dalhin mo pA Ferrari mo, di pa rin ako sasakay sayo." Sabi ko Saka pumasok na ng elevator.

Well, yes, aside sa BMW X5 niya, he also owns a Ferrari. Of course, he's rich. Kaso di naman niya tu ginagamit palagi, I don't know, maybe kapag nag na night out ito, and May kasamang babae. Anyways, di ko
Na yun problema.

——-
———

30 minutes later.

@a random fine dining restaurant

I stopped eating when I noticed na hindi pa sya kumakain. He was just staring at me.

Damn.

"What are you doing, Keneth?"

Then he smiled.

"Why do you kept on calling me Keneth, Gab?"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Yan naman talaga ang pAngalan mo diba." Then uminom ng wine.

He laughed. "No, hindi yun."

"Then what?"

"Are you still mad at me?"

I looked at him. "Yeah."

"Okay, sorry. But you know what... I kinda like it when you call me Keneth. Though calling me David means something special..."

Napataas kilay ako, special? Oh really?

"...But calling me Keneth ... hits different... and it turns Me on."

Then binitawan ko ang fork and knife ko. Damn. I'm done!

I gave him an irritated look.

"Kung gusto mong tumagal ako dito sa harap mo, you better shut your mouth."

Then he smiled.

"Okay, sorry."

So we resumed eating.

Then I remembered, May sasabihin pala sya sakin.

"Ah, right, Ano nga pala yung sasabihin mo?"

"Ahm. Can we just talk about it after dinner?"

Then tinaasan ko sya ng kilay. "May sasabihin ka nga ba talaga sakin o wala?"

Then he sighed. "Okay! okay! Yes of course meron!"

"So?"

"Mr. Han, the Fast Food Master of the Philippines." Ah yes, Mr. Gilberto Han, ang pinaka mayaman sa industriya ng fast food chains.

"Yeah, what about him?"

"Ahm. His daughter will watch tomorrow's concert."

"Ah. She's also a fan?" Sabi ko while still eating.

"Yeah."

"Ah. I'm thinking... what if."

Then I looked at him. "What if what?"

"Well I heard kasi na.... Nag hahanap ka ng new investors mainly to fund your new project... so i'm thinking na Baka gusto mong kunin si Joana."

Napakunot noo ako.

"Joana?"

"Yeah! Mr. Han's daughter!"

"Oh. Why? What does she do?"

"Well, sya lang naman ang taga pag mana ng ama niya."

"She's not the only one." Sabi ko knowing Mr. Han's has 2 sons, and yung dalawang anak nito na lalaki ang kilala ko since nasa business world din ang mga ito.

"Yep, but she's HIS favorite."

I looked at him.

"Yeah, so? Eh mukhang spoiled brat lng naman ang role niya." Sabi ko, para kasing I heard about her before, aside sa bunso ito sa mag kakapatid eh, only girl pa, so obviously, she's the princess of the Han Family.

"My point is... we can use her to ask her father to invest in your company, Gabi."

And napahinto ako and Napatingin dito.

"Why not we try it? I mean, why not you try to befriend her and convince her. Let's meet her tomorrow at the concert, nasa VIP din sya."

——-
———
———-
————

"It was a great night." Sabi ni Joana habang nag lalakad kami palabas ng concert hall, kakatapos lang ng concert and we even took a picture with The Coldplay. And yes. Indeed, it was a great night.

But for me, it was more like a mission accomplished night, yep, I took Kenneth's advice to befriend her and well, lowkey convincing her to tell her father to invest in my company especially to this new app i'm working on. And I saw na interested din sya sa app na gagawin ng company ko, she even volunteered to invest, well, of course, 2 Hans is better than 1 Han diba.

Then I looked at her.

She's the opposite of what I thought she was.

Akala ko kasi una Mejo bitch and yep, spoiled brat. She actually has her own business too.

Then a shining blue Ferrari Spyder parked in front of us.

Of course, it's Kenneth's.

Then bumaba ito and waved at us.

"Such a handsome guy." Then she looked at me. "You're lucky."

I smiled. Wait, why am I smiling?

Then Keneth opened the front seat door. "My princess." Sabi nito.

I just rolled eyes.

Then a black Toyota Sequioa parked in front of the Ferrari. It's hers. Then bumaba ang dalawang body guards nito.

"Anyways, mauna na ako sa inyo." Sabi nito sakin Saka nag beso na at pumasok na rin sa service nito.

Then I looked at Keneth.

Hmm... I missed seeing him in casuals. I mean, I always seen Keneth in suits, so seeing him wearing other than that kinda looks fresh.

"Did she said I'm handsome?" He asked nang papasok na ako sa sasakyan nito.

I rolled my eyes. "As if you didn't knew." Then umupo na sa loob.

Then he laughed. "Well." Saka pumasok na ito sa driver's seat Saka pinaandar na yun.

"Where do you want to go?"

"I don't know." Wait. Di pa Ba kami uuwi? "Di pa ba tayo uuwi?"

"Ahhh... tinatamad pa ako." Then I noticed he's taking the directions going to that certain bar na lagi niyang tinatambayan.

Then I looked at him. "Wag mo akong isama sa pambababae mo."

He laughed. "Hindi ako mambabae, matagal na tayong di nakapag bonding... soooo...."

"In case nakakalimutan mo, I still hate you, Keneth." Sabi ko.

"Come on." Then he looked at me from head to toe and back to my effin face.

Tinaasan ko tu ng kilay. "Sayang porma mo, Tara na, tambay na tayo." Then bigla nitong iniliko ang sasakyan nito papunta sa bar.

——
——-
———
I looked at my watch.

1:25 am

Then I looked at Keneth na Hindi pa rin na uubusan ng kwento. Hm. Ganito na ba talaga katagal yung last time na nag bonding kaming dalawa?

Then I remembered.

I forgot to thank him about Joana and Mr. Han.

"Ah, Anong Oras na ba?" He suddenly asked.

"1:30." Sabi ko.

"Let's go na?"

Tumango ako.

"Okay, bill out na tayo."

Then kinuha ko ang wallet ko.

"No. My call."

"Really huh?"

Tumango ito.

"Yep. wait lang." Sabi nito saka nag hanap ng waiter. "Waiter! Waiter!" Pero Di ito pinansin. "Pupunta nalang ako sa counter." Sabi nito then he stood up.

I looked at him. Then suddenly a girl approached him, and it looks like she's seducing him. I looked at her, hmmm she doesn't look that pretty, well, yes she's hot but she looks very cheap.

Poor girl, you're not his type.

Then my phone suddenly rang.

Keneth David's Calling...

Goodness. Of course. Then rolled my eyes.

As expected. I'm gonna save his ass again.

Then I stood up and pinuntahan ito.

"Are you done?" I told Keneth, pareho naman silang napatingin nun sakin.

Then the girl looked at me. "Oopz, sorry, I can't help it, your man is so hot." Sabi ng babae while looking at Keneth.

Then Keneth smiled and put his hand on my waist.

Then tumalikod na ang babae.

I looked at him. "Happy now?"

Then he laughed. "What, sorry, okay? I can't snob her, I mean, I'm just being a gentleman, ayokong masaktan sya at bumaba ang self esteem niya kapag di ko sya pinansin."

"Kaya kinailangan mo nanaman ang tulong ko?" Then rolled my eyes again and turned my back on him.

Weak.

Saka nauna nang lumabas.

Then kumuha ako ng isang stick sa box ng parliament cigarette sa purse ko. I forgot to return this to Arthur, Anyways, di naman yun magagalit if ever maubos ko tu. Then started to smoke, Ahh... I still want the Sobranie, I usually use Sobranie, something about it really taste so good.

Ah wait, I am not a smoker, kapag pagod or stressed lang.

"Hey, you mad?" That's Keneth, nasa tabi na nito ako. "Sorry."

I looked at him. He looked so sincere.

"Okay, whatever. Let's go home." Sabi ko Saka nag lakad na papunta sa sasakyan nito.

Agad din naman nito akong hinatid pauwi.

"Gabi."

Kakarating lang namin sa harap ng bahay ko and I'm about to step down from his car.

"Is it really hard for you to love me? Even like me? Am i not likable?"

Napatingin ako dito. I really hate when he's like this.

"I like you, Gab."

Okay.

"David."

"No. Call me Keneth."

Napakunot noo naman ako nun.

"Si David, sya yung tinuturing mong kapatid diba, sya yung kaibigan mo at kababata."

Lalo akong napakunot noo.

"I want to be Keneth to you. Because I want us more than friends." Then he sighed. "Gab... let me love you... please." Naiiyak na Sabi nito.

Then I sighed Saka bahagyang yumuko. Ayokong tumingin sa mga mata niya.

"Whatever."

"What?"

"Do whatever you want." Sabi ko nalang then looked at him.

"Like?" Nag tatakang Tanong nito.

"I don't know! I'm not a guy!" Sabi ko.

Then lumiwanag ang mukha nito. "Wait. Pumapayag ka?"

"Ha? Hindi!" agad kong Sabi.

Ah! Goodness!

"I'll still court you."

"Ah! Shit! Whatever, Keneth!" Saka bumaba na ng sasakyan nito.

Agad din itong bumababa.

"I still take it as a permission to court you, Gabi!"

Di na ako sumagot, Agad na ko pumasok sa bahay ako.

Ahh!!! Bahala na!

Anyways, there's no harm in trying naman, since Kenneth's a good guy naman and yep, good looking too.

——-
———

(Patricia's POV)

"Sis, buong gabi naka Tutuk ka lang jan sa cellphone mo, sino ba yang inaantay mo mag txt." Sabi ni Arrianne sakin, nag liligpit kami ngayun ng kalat namin, tumambay kasi kami dito sa balkon ng bahay, Saka tumagay ng red horse habang nag ka catch up ng mga nangyari sa linggo namin.

"Wala." Sabi ko Saka nilayo sakin ang phone ko.

"Patingin nga!" Sabi nito Saka kinuha yung phone. "Teka! Uy! Dba boss mo tu!"

Tumango ako. Since naka follow ako sa WeShare ni Sir Keneth at ni Joana Han ay nakita ko ang latest ganap ng mga ito. Kasama ng mga ito si Miss Gab sa The Coldplay concert.

I sighed irritatingly. "Oo."

"Eh ba't galit ka?"

"Wala! Di naman!" Saka kinuha dito ang phone ko.

Sa totoo lang kagabi pako nag aantay ng tawag o txt galing kay Miss Gab, Pero wala eh! Mukhang nag enjoy talaga ata ito kasama si Sir Keneth at naka limutan nito akong icheck kung naka uwi ako.

Pero Teka, Patricia Monica! Ba't ka nag e expect na itext ka ng boss mo?!

Ah! Yan kasi nasanay na eh.

Then tiningnan uli ang photo.

Okay! Fine! Whatever! Mukhang nag enjoy nga talaga ito.

Sighed.

Saka inubos na ang laman ng red horse.

"Hoy! Akala ko ba, ayaw mo na!" Sabi ni Arrianne Sabay kuha ng bote sakin.

I just glared at her.

"Parang kang gaga. Ano ka broken?!"

Di ako sumagot.

Ah! Naiinis lang kasi ako sa thought na...

Ất napahinto ako, Teka ba't ba ako naiinis?

I mean, big deal ba talaga na di ko sya na libre sa goto?! I mean, Ano bang problema dun? Pwede ko naman syang I libre next week. Pero kasi naka plano na diba.. Ah! Buset kasing Nathan eh dumating dating pa. Hai' Pero kasi dumating din si Sir Keneth.

Ahhh!

Basta!

"Umamin ka nga sakin."

Agad akong Napatingin nun kay Arrianne, naka upo na ito sa harap ko.

"May something na ba sa inyo ni Nathan?"

Napakunot noo ako. "Ha?"

"Eh kasi notice ko parang not in good terms kayo kahapon."

Ah' yun! Kasi naiinis nga ako kay Nathan kasi bigla nalang syang umulhot kahapon sa company.

"Ha, wala."

"Sigurado?"

Tumango ako.

"Eh ba't parang broken ka jan umasta?"

Napatingin uli ako dito.

Actually, hindi ko alam kung Bakit, Basta ang alam ko naiinis ako kasi di kmi natuloy kahapon Tapos di man lang nag paramdam si Miss Gab. Pero Teka lang, Patricia Monica, dapat ba talaga mag paramdam sya sayo?

Then I sighed.

"AhHhh!" sabi ko sabay gulo ng buhok ko.

"Hoy! okay ka lang! parang kang gaga."

Tumigil ako. "Sampalin mo nga ako."

Bigla din naman nito akong sinampal. "ARAY!"

"Sabi mo eh."

Then nag katinginan kami sabay napatawa.

Hai. buti nalang may kaibigan akong baliw din.

——-
———
———-
Monday

"Bilis bilis, anjan na si Miss Gab." Napatingin ako sa co employees ko na kakarating lang at nag mamadaling maka upo sa table ng mga ito.

I looked at the time. 7:58 am.

Oh. Ang aga niya ah. Usually kasi around 9 na sya dumadating dito.

Pagka pasok niya ay Napatingin agad ako dito.

Parang May something. I mean parang my iba sa kanya ngayun, parang.... Blooming sya.

"Good morning, Miss Gab." Sabi ng mga co employees ko.

Ngumiti ito (which is very unusual). "Good morning." Sagot nito habang patuloy pa rin sa pag lakad.

Napanganga naman ang mga có employees ko na bumati sa kanya since di nila ineexpect na ngingitian sila ni Miss Gab. Like, hoy! Di yan ngumingiti dito.

Then napadaan sya sakin.

Biglang nag Tayuan ang balahibo ko sa spinal cord ko.

Shuta, self, kalma!

Then pumasok na ito sa opisina nito.

Hmp.

"Ang ganda today ni boss. Parang iba aura niya."

"Oo nga! Saka kita mo yun! Ngumiti!"

"Oo! Ang pretty niya lalo pag ngumiti!"

"I think I know the reason!"

"Ano?"

"Ay! nakita ko sila ni Sir Keneth nung isang araw!"

"Oo! Ako din! Naka follow ako sa WeShare ni Sir Keneth!"

"So Okay na sila?!"

"Baka! Kaya siguro good mood si Boss!"

"Uy! Baka naka score!!"

"Ayieeee!!!"

Naka score?!

Napakunot noo naman ako Habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

"Uy, okay ka lang? Mukhang tambak work ka today ah?" Sabi ni Iris sakin, hawak nito ang mug nito.

Lumingon ako dito then let out a deep sigh. "Parang gusto ko nang mag weekend."

Tumawa ito. "Okay lang yan, Baby girl, fighting!!! 💪🏻" Sabi nito Saka umalis na.

Hai....

Saka nag patuloy na sa pag trabaho.

Maya Maya ay nag patawag ng meeting si Miss Gab. Nag tagal yun ng tatlong oras, and panibagong tambak nanaman for the whole week.

"McDonel, can you give me the files?" She asked after she discussed about something na related sa app na ginagawa namin.

Agad ko namang binigay dito ang flash drive ko.

Agad din naman nitong binuksan ang files sa flash drive ko at nag resume sa discussion.

"I think we make the colors a little lighter." Sabi nito sa graphic designer namin then lumingon ito sakin. "What do you think?"

"I think Oo, attracted kasi yung mga kabataan sa mga colors..." Sabi ko. "... aesthetic na kasi ang in ngayun, and pastel colors are the best choice."

Then napaisip ako. Well, yep, maganda nga if Mejo aesthetic, but, parang di sya catchy. "I'll go with bold and colorful illustrations for the app."

Then dumating na ang snacks namin. Sandwich lang naman yun and nestea iced tea.

Si Shayne ang nag distribute samin. Akmang kukuha na Sana ako nang makita kong wala nang laman ang plastic nito.

"Hala. Kulang ata ang inorder ni Echo." Sabi ni Shayne then tumingin sakin. "Bigay ko nalang sayo yung sakin."

Napalingon naman nun si Miss Gab samin. "What happened?"

"Parang kulang ata yung sandwich, Miss Gab."

Then she looked at me. "You can have mine, nag almusal ako." Sabi nito Sabay abot ng sandwich nito sakin.

Bahagya namang nagulat nun si Shayne na nag offer si Miss Gab.

Agad akong umiling. "Ah wag na! Busog pa naman ako." Sabi ko Saka bumalik na sa upuan ko.

——

Around 1:45 ay natapos ang meeting, nag aya sina Iris na mag order sa food panda for lunch pero parang di ko ata trip yung food na orderin nila kaya I decided na lumabas nalang since May mga kainan and cafe din naman sa labas.

And 15 minutes later ay dinala ako ng mga paa ko sa lowkey cafe na kinainan namin ni Miss Gab dati.

Nag order ako ng pasta, clubhouse sandwich saka frappe Saka umupo sa table na malapit sa bintana.

Akmang kakain na Sana ako nang sa hindi malamang pwersa ng Kalikasan ay napatingin ako sa pangatlong table mula sa table na inuupuan ko.

Bahagya akong napanganga at nagulat nang makita ko syang Naka upo dun at nakatingin sakin.

Miss Gab!

Yep! Si Miss Gab.

Lumabas din pala ito? Eh mukhang nauna pa ito dito. I mean di ko kasi na notice ito kanina na lumabas din after meeting since dumiretso agad ito sa opisina nito.

Agad din akong yumuko nun.

Ah! Ano ba! Nakaka awkward naman. Lipat nalang kaya ako ng table?

O Sana naman May umupo sa table na kasunod ko para di ko sya direktang makita.

Then I started to eat.... Slowly.

Kung tatayo ako at lilipat ng table eh baka sabihin nitong—-

"You must be very hungry."

Napalunok naman ako nun, of course, kilala ko ang boses na yun.

Then nilagay nito ang iced coffee nito sa table ko Saka umupo sa upuan sa harap ko.

Teka, ambilis naman niyang lumipat sakin.

"Ang dami mong order ah." Sabi ni Miss Gab.

"Ah... Mejo lang." Sabi ko Saka nag patuloy na sa pag kain.

"Ayaw mo pa kasing kunin yung akin."

Tumingin ako dito. "Nakakahiya naman sayo."

"Ngayun kapa nahiya." Sabi nito.

Then katahimikan. Nag patuloy din naman ako sa pag kain.

"You seem very cold towards me. May kasalanan ba ako?"

Napahinto ako Saka Napatingin uli dito.

"Wala."

"Really?"

Tumango ako.

Then katahimikan.

"Ah... masaya ba yung concert?"

She smiled. "Yep. Masaya naman."

"Ah. Mabuti."

Then katahimikan.

"So anong oras ka naka uwi nung friday?"

"So kumusta kayo ni Sir Keneth nung Friday?"

Sabay naming sabi.

Pareho din kami nun napahinto.

"You first."

"Ikaw muna."

Sabay uli naman naming Sabi.

Then she let out a deep sigh.

"Okay. Ako na mauna." Sabi nito. "So naka uwi naman kayo ng maayos ni Nathan nung friday?"

Tumango ako. "May konting aberya lang. Nasira kasi yung bus na sinakyan namin. siguro around 10 na kami nakarating ng Bulacan."

"Why? What happened? Sana nag message ka sakin!"

Message? Talaga?! "Pumutok yung gulong." Sabi ko.

"Whew! Buti at yun lang at di na kayo napahamak."

Tumango ako.

"So, nilibre mo sya?"

Tumango ako. "Nasa Quezon City na rin lang kmi kaya kumain nalang kami ng dinner."

"Wow. So lucky of him."

Napatingin ako dito.

"First sweldo mo yun, at sya ang una mong nilibre."

Di ako naka sagot.

"I actually felt betrayed." Sabi nito.

"Ha? Bakit?"

"Dapat kasi tayo ang mag kasama at ako ang inilibre mo."

"Eh dumAting si Sir Keneth eh, nakakahiya naman."

"Nakakahiya?! I chose you over him, McDonel, kaso Ikaw tung nag refuse Agad... tayo ang
Naka unang mag plano that night."

Maka I chose you parang lovers lang ah. "Mukha kasing importante yung sa inyo."

"Eh yung atun hindi? Hai! Alam mo ang palpak mo. Di mo alam na dadating pala si Nathan."

"Ikaw din naman ah. Di mo rin alam na dadating si Sir Keneth."

"Yeah so? Kasi ako naka settle na ako sa punto na tayo ang kakainin nun sa labas, hindi ako at si Keneth at kayo at si Nathan."

"Teka, so nag dinner nga kayo?"

Tumango ito.

"Wow sweet naman."

Tinaasan nito ako ng kilay.

"Joke."

"Sweet din naman kayo ah. Diba si Nathan pa pinadala mo ng gamit mo."

"Di ko sinabi na sya ang Mag da dala, kinuha niya lang."

"Oh edi wow."

"Eh Ikaw nga tung di nag parandam eh. Enjoy lang talaga?"

"Aba! Ako pa? So you're expecting na pababain ko pride ko sayo? Ikaw nga eh, May nang yari na pala sayo di ka man lang nag Sabi... Saka di ka din nag sorry sakin na Ikaw yung nag aya nun Ikaw din unang kumawala sa imbitasyon mo."

Then Napatingin ako dito. Teka ba't ba kami parang nag aaway?

Then nag katinginan kami. Mukhang napaisip din ito Bakit kami parang nag aaway.

"Gosh! Unbelievable!" Sabi nito Saka uminom ng kape nito.

"S-Sorry."

Then she looked at me. "You're really something."

"Kaya sorry eh." Sabi ko.

Then katahimikan.

"Are you Done?" Sabi nito Maya Maya. And yep, andito pa rin ito sa harap ko Kahit kanina pa ito Tapos sa kape nito.

"Ah.. Oo." Obvious naman diba? Wala na ngang laman ang pinggan ko! Tsk!

"Can you open your WeShare."

"Ha? Bakit?"

"Basta."

Kinuha ko ang phone ko at inopen ang WeShare. Kinuha naman niya Agad yun sakin and I don't Baka May tiningnan. Then Mejo nataranta ako, shit, Baka tingnan niya yung mga nakakahiyang reels ko. Ahh!!

Then binalik na niya yun sakin.

Tiningnan ko yun.

Khaki Uy
@itsSoGabrielle

Then ang profile picture nito ay picture nila ni Khaki.

Ahhh. Kaya pala di ko sya ma hanap dati sa WeShare kasi iba yung name na gamit niya, name ni Khaki.

"Naka private ang account ko. I don't let anyone anybody especially people I don't know follow me."

"Ahh... so????"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang slow mo."

"Ha?"

"Goodness! You're so stupid! I am giving you the opportunity to invade my privacy by letting you follow me on WeShare, McDonel!"

"Oh. Talaga?"

"I am not fooling around. This just one time chance. Kung ayaw mo, di wag, di ko naman kawalan." Sabi nito Saka tumayo na at naunang mag lakad.

Napatingin naman ako dito.

Sabay napangiti.

Nuxxx... invade my privacy talaga boss?

Hmm Saka tiningnan ko ang WeShare account nito, since di pa ako naka follow ay naka hidden pa ang mga photos and reels nito sakin. AGad ko nang pinindot ang Follow button, and walang isang minute ay nag pop up na na Inaccept na ni Samantha Uy ang follow request ko.

Tumayo na rin ako nun Saka sinundan ito sa labas.

"Uy, Salamat sa pag accept ha." Sabi ko dito nang maabutan ko na ito sa pag lalakad.

She smiled, yung parang nakikilig???Pero Agad din namang pinalitan niya yun ng seryosong mukha.

"Wag mo kong istalk masyado mamayang gabi, Baka Di ako maka tulog."

Napahinto naman ako at Napatingin dito.

Grabe, napaka judgmental naman.

Then napangiti. Pero pano nito nalaman na I-s-stalk ko nga sya? Ayeeee! Nag assume! ✌🏻

——-
———

Time check: 8:25 pm

Mejo naninibago ako na marami paring tao dito sa office ng ganitong oras. Nag sisimula na kasi silang mag stay sa dalawang studio na nirent ni Miss Gab sa taas, and yep, mostly sa floor namin ay nag decide na dito na matulog.

Ting!

Napatingin ako sa phone ko.

Miss Gab: are you gonna stay tonight?

To Miss Gab: hindi eh, walang kasama si Andrew sa bahay.

Ting!

Miss Gab: you should be going home now.

To Miss Gab: Sige, tatapusin ko lang tu.

Saka nilayo na sakin ang phone ko at nag patuloy sa ginagawa ko.

Maya maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto sa opisina ni Miss Gab.

"McDonel, I need to discuss something with you."

Napalingon naman agad ako dito. "Ah, Sige po." Sabi ko Saka Agad na ring tumayo at pumasok sa opisina nito.

Pag kapasok ko ay naka upo na ito Sa executive chair nito.

Hinubad nito ang eyeglasses nito Saka tumingin sakin.

"Umuwi kana."

Napakunot noo ako. "Ha?"

"Sabi ko umuwi kana."

"Ahh... Sige mamaya, uuwi din ako. Mga 9:30'" siguro."

"What? Why? Diba Sabi mo walang kasama si Andrew sa bahay niyo ngayun."

"Pinapasamahan ko muna sya kay Arrianne."

"Arrianne?"

"Bestfriend ko."

"Oh."

Then katahimikan. "Ahm. May instruction kapo ba sakin?"

"Wala. I just want you to go home now."

"Oh."

"Ah, bale uuwi na ako?"

Tumango ito. "Yeah."

"Pero Ano, dami ko pang—"

"You can do that tomorrow." Then she looked at me. "Sino ba ang boss satin?"

"I-Ikaw."

"Okay. Good. No go home." Sabi nito.

"S-Sige."

Akmang lalabas na Sana ako nang tinawag uli nito ako.

"McDonel."

Lumingon ako dito.

"Text me when you get home."

I at her eyes. They were soft now.

I smiled. "Noted." Sabi ko Saka lumabas na.

—-
——
——-

Around 9:30 ay nakarating na ako sa bahay. And gaya ng inaasahan ay naabutan ko dun si Arrianne, Agad din itong umalis pag kadating ko since May duty din ito bukas. Agad na rin ako nag message kay Miss Gab na naka uwi na ako, di ito naka reply, marahil nada opisina pa ito.

Kumain lang ako sandali Saka pumanhik na rin sa taas. Naka tulog na rin nun si Andrew.

Pagka higa ko ay kinuha ko ang phone ko Saka inopen ang WeShare at ang sinearch ang profile ni Miss Gab.

Search: Khaki Uy

Loading...

Result: Khaki Uy, @itsSoGabrielle

Agad ko yung inopen.

345 following 1099 followers 432 posts 57 reels

Hmmm... mukhang kakilala lang ata nito ang mga pinapapayagan niyang mag follow sa kanya.

Tỉnry kong I search ang accounts ng mga officemate ko. And wala sa followers niya ang mga ito.

Wow. I feel kinda lucky upon knowing na ako lang ata sa opisina ang naka follow sa kanya. Grabe. Napaka private naman niyang tao.

Then I scanned her photos.

At bahagyang namangha.

Ang ganda niya gumawa ng feed, napaka clean Saka parang nag s synchronize, and yep, napaka organize din.

Then nag scan pa ako. Galing, andami niyang travel photos, para atang nalibot na niya ang buông mundo sa nga pics niya.

Then nakita ko rin ang mga circle of friends niya, of course, si Dra. Jillian, si Arthur then si Sir Keneth.

Then yung mga photos ni Khaki and reels.

Then I stumbled on one of her beach pics, naka two piece ito, Saka naka shades.

Hindi ko maiwasang hindi matingnan yun.

She uhh... she looks so hot and gorgeous
In that pic, I mean, she's always is naman Pero... ang hot talaga niya sa picture Saka ang sexy niya sobra.

Then I zoomed the pic para kasing May na notice ako sa pusod nito.

At napa wow ako nang makita ang piercing nito sa pusod.

Like what the fuck!

Then accidentally I tapped twice the picture.

"Shit!" Agad kong Sabi Sabay bangon At bawi ng tap ❤️ ko. "Ahhh!! Nakakahiya! Sana di mag notify sa kanya."

Ting!

@itsSoGabrielle: wow! You really did stalk.

Ting!

@itsSoGabrielle: sexy ba?

Napanganga naman ako nun.

Shit! Ba't ambilis niya?

To @itsSoGabrielle: ...

Ano ba sasabihin ko? Isip isip!

To @itsSoGabrielle: May nahulog kasing butiki sa cellphone ko.

Ting!

@itsSoGabrielle: ew! Napaka lame ng reason mo, hindi benta sakin. Anyways, stalk all you want. I hope I entertain you. 🥰 goodnight!

"Whaaa..." Saka napailing. Ah! Tanga mo kasi, Patricia Monica Saka nilagay na ang phone ko sa side table ko Saka humiga na.

——
——-

Days passed by like hell, as in hell sa dami ng workload and pressure. I mean, di naman sa nag rereklamo ako, pero kasi.. as in Grabe pala talaga kapag nag tatrabaho kana kesa nung nag aaral ka palang, yung tipong pag ka uwi mo eh Kahit di kapa nakakakain eh bagsak na Agad yung katawan mo.

Sighed.

Then I looked at the calendar. Mag iisang buwan na pala ako dito.

Then napangiti. Hai! Achievement!

Then I sighed Saka tiningnan ang oras.

Oopz.

9:15 na pala. Yung iba nag aayos na para mag night out since Friday ngayun, kami andito sa office nag ta trabaho. Anyways, nag Sabi naman si MIss Gab na May dagdag đạo naman yung mga nag o OT.

Sighed.

Then Nag simula na rin akong mag ayos.

After kong mag ayos ay napalingon ako sa opisina ni Miss Gab.

Hm. Hindi ba sya uuwi sa bahay niya? Weekend naman bukas ah.

Hm. Yayain ko kaya syang mag Goto? Di ko pa kasi sya nali libre.

Knock knock!

Hm. Walang sumasagot.

Kaya dahan dahan kong inopen ang door.
Saka napakunot noo nang makitang wala ito sa table nito. Hm. Lumabas ito?

Then I heard a whine inside the pantry.

Agad akong pumunta dun Saka binuksan yun and then lumabas mula dun si Khaki at nag jump Sakin at nag pa belly rub.

"Khaki baby... ikaw lang pala mag isa dito?"

Eversince din na naging busy kami ay dito na rin natulog si Miss Gab, sa pantry niya sya natu tulog since meron naman syang mahabang coach dun na kasya ang katawan ng tao, dinala rin niya ang mga gamit ni Khaki dito sa opisina, dun niya lang pinapa stay si Khaki sa pantry nito. Kawawa naman kasi si Khaki kapag maiwan syang mag isa sa bahay nito.

Tumingin ako sa loob ng pantry nito. Hmm parang naging apartment na nito yung pantry nito, maraming gamit, mga damit niya, sapatos at iba pa, pero organize pa rin naman.

Then biglang bumukas ang pinto nito. Bahagya pa syang nagulat nang makita ako dun sa loob.

Agad din namang tumakbo si Khaki papunta dito.

Tumayo ako Saka humarap sa kanya.

"What are you doing here?" She asked Saka dinaanan ako kasi dumiretso agad ito sa pantry nito. Mukhang bumili ata ito ng dog food.

"Ah? Mag papa alam lang Sana."

Then she looked at me. "Ha? Is that a thing now?"

Napa Kamot ako. Di naman kasi talaga kami nag papa alam sa kanya kapag umuuwi na kami. 8 to 5 ang office hours ng kompanya, kapag alas singko na, understood na yun na uwian na. Unless lang kung May pinapa gawa. Sya sayo, dyan sya nag papa require na dapat mag paalam sa kanya.

"Ah, di naman."

Then nilagyan na niya ang bowl ni Khaki ng dog food Saka binigay na dito.

"So, tell me. What is it?"

"Ah... Ano itatanong ko lng Sana kung—"

Then biglang May pumasok s a opisina nito kaya Agad kming Napatingin dito. "Miss Gab,
Parang nag ka problema po yata yung codes." Sabi ni Stella.

"Ha. Teka." Sabi nito Saka lumabas na rin ng opisina at pumunta sa desk ni Stella.

Then I sighed. Okay! Understood! Di sya makakaalis dito so ako Nalang ang mag gogoto.

SAka lumabas na at dumiretso sa elevator.

Pag ka labas ko ng building ay napahinto ako.

"Hai. Umuulan nanaman." At wala nanaman akong dalang payong. Bakit ba sa lahat ng pwede kong kalimutan eh payong talaga?!

Anyways, bahala na nga, marami naman akong vitamin C dun sa bahay.

Hai!

———-
————
————-

(Gabrielle's POV)

I woke up around 5:30 am.

I do early jogging whenever I can.

Kapag di naman ako makapag jogging since pagod at late na nagising, nag t treadmill nalang ako dito sa opisina.

Nakasanayan ko na kasi talaga mag exercise every morning, it feels like nagiging active ako thru out the day kapag nag papapawis ako sa umaga.

After ko mag jog ay na isipan kong dumaan sa appliance center, damn, bibili ako ng stove para sa pantry ko sa office, halos 1 week na akong nag titiis sa fast food and online delivery foods eh, mejo naSusuka na ako and also I feel so unhealthy.

Bago bumalik sa company ay dumaan ako sa isang kapehan di ganu kalayo sa kompanya ko para mag kape at maka kain na rin. Pag kabalik ko sa kompanya ay iilang staffs ko palang ang nag sisimulang mag trabaho, since it's Saturday naman today.

"Good morning, Miss Gab!" Bati ng ilang empleyado ko.

Tinanguan ko lang sila Saka dumiretso na sa opisina ko. Pagkapasok ko sa pantry ay Agad sinh sumalubong si Khaki sakin.

"Are you excited to go home na ba, Khaki?" I asked, yep, mamaya after lunch uuwi muna kami sa bahay ni Khaki, babalik lang kami dito Monday morning. Isa pa naka schedule ako para mag walking kay Khaki every Sunday afternoon, and nataTandaan na nito ang routine nito, Baka mag taka ito pag di kami nag walking bukas ng hapon.

After I took a bath ay Agad na rin akong nag bihis at nag simulang mag trabaho.

Hindi na ako nag bother kung Anong susuutin ko since it's Saturday nga, Saka wala
Naman akong meeting today. Kaya naka casuals lang ako.

"Can you please tell McDonel to come in." Sabi ko kay Jericho after kong mag discuss sa kanya ng mga babaguhin niya.

"Ahm. Wala po si Patricia, Miss. mukhang di na ata sya papasok." Sabi nito.

I stopped then looked at the time. 9:20 am

"Oh. Nag pasabi ba sya Bakit?"

Umiling ito. "Di rin sya sumasagot sa message ko at sa tawag."

"Oh. Sige. Thanks." Sabi ko Saka umalis na ito.

Then kinuha ko ang phone ko and dialed her number and just like what Jericho said, di nga ito sumagot.

Hmm...

Then I remembered.

Nung pumunta sya sakin kagabi, parang May sasabihin sya eh.

Then I dialed her number again.

McDonel: h-hello

Matamlay na Sagot nito.

"McDonel?"

McDonel: hmmm?

Ba't parang wala ata itong habang sumagot Saka ang tamlay tamlay ng boses nito.

"Are you sick?"

Di ito nakasagot.

Toot toot tooot

End

Then I stood up Saka kinuha ang susi ko Saka nag madaling lumabas ng opisina.

"Ahmm Miss Gab—" Sabi ng isang staff ko.

"Later." Sabi ko Saka dumiretso na sa elevator.

Pupuntahan ko sya.

——
——-
———

It was around 10:15 nang maka rating ako sa bahay ni Patricia. Bumababa ako at tiningnan kung May tao sa loob.

Wala dulang doorbell.

"Tao po? McDonel? Nurse Peachy? Andrew?"

Then once again I called her but as expected walang sumasagot sa tawag nito. Then I noticed na bahagyang naka buka ang gate ng mga ito.

"Oh, it's open." Kaya mano mano na akong pumasok.

It's Saturday, supposedly dapat makita ko si Andrew dito Pero mukha atang wala sya.

"McDonel? Nurse Peachy? Andrew?" Sabi ko habang naka dungaw sa pinto ng mga ito.

Walang sumasagot.

Then I sighed. Saka kinuha uli ang phone ko and dialed her number.

Di pa rin ito sumasagot.

Then nakita kong naka bukas ang tv ng mga ito. Okay? Nandito siguro si Andrew, kaso Baka lumabas lang. Dumiretso na kaya ako since alam ko naman room ni Patricia?

Than pumasok na ako at pumanhik sa taas.

Knock knock!

Walang sumasagot sa kwarto nito.

Then kinuha ko ang phone ko and called her.

At narinig ko nga ang cellphone nito sa loob.

Hm so meaning andito ito sa loob.

Then hinawakan ko ang doorknob.

Oh. It's not locked too.

Napakunot noo ako.

So, mula gate, pinto hanggang dito hindi naka lock. Pano nalang kaya kung bigla ang nga ito nilooban ng masamang loob? Hai naku!

Then pumasok na ako, and then I saw her on her bed, naka kumot pa rin ito Saka tulog.

"Mcdonel?" Saka nilapitan ito.

I looked at her.

She doesn't look right. I mean...

Than hinawakan ko ang noo at leeg nito.

Ang init!

Mukhang nilalagnat nga ito.

"Hey, McDonel." Sabi ko Sabay tap sa shoulder nito.

"Hmmm..." Sabi nito habang naka pikit pa rin, namumutla ito ất Pawisan.

At Napailing ako.

Mukhang Wala pA ata si Nurse Peachy.

Tumingin ako sa paligid, I need a small cloth. Then nakita ko ang personal na sibin nito kinuha ko yun Saka lumabas at bumaba para mag Painit ng tubig. Pag ka baba ko Ay wala pa rin dun si Andrew. So it's just me and Patricia lang dito. Hai!

After ko mag pa init ng tubig ay nilagay ko yun sa maliit na labador na nakita ko din dun sa kusina ng mga ito Saka bumalik na sa taas.

"Hey, bangon ka muna sandali." Sabi ko dito.

Bahagya din naman itong bumangon.

Dahan dahan nitong dinilat ang mga mata nito Saka napakunot noo na may pagtataka sa mukha nito tumingin sakin. "M-Miss Gab?" Sabi nito Sabay hawak sa pisngi ko. Parang sinigurado pa ata nito kung totoo ako.

"Sssshh.. mamaya kana mag taka Bakit andito ako." Sabi ko Saka nag simula nang sibinan ito. "Nakakain kana ba?"

Umiling ito.

So pagkatapos kong sibinan sya ay lumabas ako Saka gumawa ng lugaw.

Tsk tsk.

Buti naman at parang di naman mahirap hanapin ang mga bagay bagay dito sa kusina nila.

Then I noticed walang pagkain sa table ng mga ito. Hmm then I wonder if nakakain na rin ba si Andrew.

Pagkatapos mag luto ng lugaw nito ay pumanhik uli ako sa kwarto nito Saka pinaupo ito.

"Can you eat with yourself or need mong iassist kita?" I asked.

"A-Ah.. o-okay lang po." Sabi nito Saka kinuha na sakin ang bowl Saka nag simula na itong kumain. I just sat on the chair beside her para if ever she needs me anjan agad ako.

After nitong kumain ay pina inom ko na agad ito ng gamot.

"You rest now."

Tumango ito Saka humiga uli.

Then tumayo na rin ako para dalhin ang bowl sa lababo no mga ito. Pababa na ako nun nang marinig ko na parang May tao na sa sala ng mga ito.

Bahagya pang nagulat si Andrew nang makita nito ako.

"Are Ganda?"

"Oh, hey! Hi!"

"Hala! Ikw nga! Nakita ko sports car mo ate sa labas."

I smiled. Then i noticed na May hawak itong pancit canton sa styro cup, mukhang lumabas ata ito kanina para bumili nun.

"Ahm. Nakakain kana ba?"

Umiling ito. "Di pA, Ate, di pa gising si Ate Pat eh Saka c nanay mamayang gabi pa uuwi."

"Ah.. do you want me to cook something ha?"

"Hala? OKay lang po ba?"

I smiled. "Sure naman." Sabi ko Saka tiningnan ang ref ng mga ito.

Then nag isip na ng menu.

——-
———

(Patricia POV)

4:34 pm

Bigla akong napa dilat.

Teka, panaginip ba yon?

I mean, feeling ko ksi pumunta si Miss Gab dito kanina Tapos inalagaan ako.

Then kinuha ko ang phone ko, naka ilang tawag pa ito sakin kanina.

"Hmm... andito nga ba sya? o panaginip lang yun?"

Then hinawakan ko ang sarili ko.

Hmm parang Mejo okay na yung pakiramdam ko.

Then napalingon ako sa side table ko at May nakitang gamot at tubig.

Hmm... then tumayo ako upok remembering na di ako naka bkli ng pagkain kanina Pra samin ni Andrew.

Pagka baba ko ay nakita ko si Andrew na palabas ng bahay.

"Ate, basketball lang po kami."

"Uy! Teka! Naka kain kana ba!"

Tumango ito. "Opo. Nag luto po si Ate Ganda kanina." Saka lumabas na.

At napahinto ako. Ate Ganda, si Miss Gab ba?

Then pumunta ako sa kusina at nakitang May pagkain na nga dun sa lamesa, nag luto ito ng adobong baboy saka piniritong isda.

Saka bahagyang napa ngiti.

So. Sya nga yun? Totoo nga yun?

Then Ewan ko Parang bigla akong kinilig Saka dali daling kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Arrianne.

Arrianne: oh Ano? Papunta na ako jan.

Sabi nito. Yep, every Friday night or Saturday night Ay dito ito natu tulog.

"Yan! Pumunta dito si Miss Gab kanina."

Arrianne: so?

"Yan!!!! Inalagaan niya ako."

Sabi ko then I giggled.

Arrianne: ha? Di ko gets. May sakit ka?

"Ah wala na. I mean kanina Oo? Pero ngayun okay na."

Arrianne: bhe, Bakit ang saya mo?

"Kasi pinuntahan niya ako."

Arrianne: so?

Saka napahinto ako.
So? Bakit nga ba?

I mean... at napaisip ako.

Labdab labdab labdab

Adrianne: hoy gaga! alam ko namang idol mo yang boss mo pero bakit para kang teenager na kinikilig kasi pinuntahan ni Crush?

then huminto sa pagsalita si Arrianne.

Arrianne: shuta ka, PAtricia! bet mo ba boss mo?!!!!

At napa isip ako sa sinabi nito.

Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

14.3K 809 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
7.4K 312 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
33.9K 2.3K 19
Based from a Star Cinema movie "Can't help falling in love" starring KathNiel comes another RaStro adaptation
18.4K 894 40
饾悹饾悶饾惂饾惈饾悶: romance "b-Bakit?" Utal Kung tanong sa babaeng harapan ko ngayon na hubad Ang katawan nasa likod niya Naman si kuya at nakangisi, I caugh...