When Borj Falls in Love

By borj_roni

15.4K 640 83

Borj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nag... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven - Finale

Chapter Ten

921 50 7
By borj_roni

"HEY, WHAT'S wrong? Bakit hindi ka yata nadadalaw sa bahay, Roni?" tanong ni Missy na kausap ni Roni sa telepono. "One week na mula nang makabalik ako sa San Luis pero ni anino mo ay hindi ko Nakita. Aba, hindi sa lahat ng panahon ay makakaluwas ako sa probinsiya. Kapag napadaan naman ako sa inyo, lagi ka namang tulog, sabi ng tatay mo," reklamo pa nito.

Napangiwi si Roni. Mula nang aminin niya kay Borj ang scheme niya ay hindi pa rin niya nakikita ang binata. Alam niyang iniiwasan siya ni Borj. She totally understood why because it was her fault in the first place. But she was hurting, too at wala siyang naplanong scheme para mawala ang sakit na iyon.

"Pasensiya ka na, Missy. Masama lang talaga ang pakiramdam ko," tugon niya. In the past week ay lagi na lamang siyang malungkot. Pati ang kanyang ama ay hindi na rin naiwasang mag-alala sa pagiging matamlay niya.

"Are you sure? Gusto mo bang puntahan kita diyan? Isasama ko si Borj to keep you company," pangungulit pa ni Missy. "Although I'm not sure kung nasaan na ang lalaking yon."

Pagkarinig sa pangalan ni Borj ay lalong kumirot ang puso ni Roni. Missy did not know anything. Siguro ay mas makakabuti sa kanya kung sasabihin niya sa kaibigan ang nangyari. "Can you come over, Missy?"

"Oo naman. Now I'm really worried. Ano ba talaga ang nangyari sa yo, Roni? At si Borj, bakit hindi rin yata kayo nag-uusap? Nag-away ba kayo?"

"Please p-puntahan mo na lang ako." Her voice was breaking.

"Okay, okay." May pag-aalalang sagot nito bago tinapos ang pag-uusap nila.

Nang maibaba ang telepono ay hindi na niya napigilang mapahagulgol. Borj did not even try to text or call her. At sabi nga ni Missy, hindi rin nito nakikita ang pinsan. Seryoso ba talaga si Borj na iwasan siya? Was he seeing another woman? Tutal ay talo naman na Ang binata sa pustahan kaya ba bumalik na naman sa pagiging babaero? Nagbago na kaya ang damdamin nito para sa kanya dahil sa ginawa niya?

Napakaraming tanong na gumugulo sa kanyang isip ngunit kagaya ng dati ay walang sagot ang mga iyon.

Narinig ni Roni ang mahihinang katok sa pinto ng kanyang silid at ang pagtawag ng ama. "Roni, anak,"

Mabilis niyang pinahid ang mga luha at kinalma ang sarili. Ayaw niyang mag-alala ang ama sa kanya. "P-pasok po kayo, Tay."

Nang makapasok ang ama ay yumuko siya para hindi nito mapansin ang pamumula ng kanyang mga mata. "Pupunta ako sa bayan para bumili ng ilang piyesa. Ikaw na muna ang bahala sa talyer."

"Opo," matipid niyang sagot.

Ilang minutong hindi kumibo ang kanyang ama, bago bumuntong-hiningang nilapitan siya. "Anak, kung may problema ka ay puwede mo namang sabihin sa akin. Alam mo namang ayokong nakikita kang malungkot. Kung nabubuhay lang ang nanay mo ay ganoon din ang sasabihin niya."

Roni smiled bitterly. "Okay lang po ako, Tay. Huwag kang mag-alala."

"Sigurado ka ba? Sa nakikita ko sa iyo ay hindi."

Hindi siya nakasagot. Was she that transparent that her father did not believe anything she said? Kunsabagay, pati sarili niya ay hindi niya maloloko. Muli na naman siyang pinangiliran ng mga luha.

"Nag-away ba kayo ni Borj?" tanong ng kanyang ama. Walang alam ang tatay niya sa mga nangyayari pero hindi rin naman ito manhid. "Hindi ko man alam ang dahilan ay pansin ko namang nag-iiwasan kayo. Bakit hindi niyo pag-usapan ang problema?"

"Ako ang may kasalanan, Tay. Nasaktan ko siya." Gumaralgal muli ang kanyang boses.

"Kung ganon, di mag-sorry ka."

She already did. Pero alam niyang hindi ganoon kadali para kay Borj na patawarin siya.

"Ginawa ko na po pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap."

"Aba'y ulitin mo ang paghingi ng tawad. Alam kong sa malao't madali ay patatawarin ka rin ng kaibigan mo. Kilala ko ang batang iyon. Babaero lang pero hindi palatanim ng galit."

"Hindi po simpleng bagay ang nagawa ko sa kanya, Tay," sumisinghot niyang sabi.

Ginulo ng tatay niya ang kanyang buhok. "Anak, ang kasalanan ay kasalanan kahit na gaano pa iyon kaliit o kalaki. Pareho pa rin ang damage na dulot non sa taong nasaktan mo. Pero ang paghingi ng tawad, kung bukal sa loob mo, makakatulong para mawala o mabawasan man lang ang damage na iyon. At sa nakikita ko sa iyo ay talagang pinagsisisihan mo ang nagawa mo kahit ano pa iyon. Hindi na kita pipiliting ikuwento sa akin ang nangyari pero bilang tatay mo, hindi ko maiwasang mag-alala."

Napayuko si Roni. "S-sa tingin niyo po, mapapatawad pa ako ni Borj?"

"Anak, kahit sinong tao ay marunong magpatawad. At kung si Borj, sigurado akong babalik din kayo sa normal."

Babalik sa normal? Iyong sa pagiging magkaibigan lang? She definitely felt something different towards Borj. Natatakot siyang kapag sinabi niya iyon sa binata ay hindi siya nito paniwalaan.

"Roni, kung nagbago man ang tingin mo kay Borj, maiintindihan ko iyon. Aba'y pasado na siya bilang manugang."

Nagulat siya sa sinabi ng ama. "Tay!"

"Anak kita kaya alam ko kung may nagbabago sa yo, sa panlabas man o sa damdamin." Kinindatan siya ng kanyang ama. "Kaya tigilan mo na iyang pagdadrama at hindi bagay sa napakaganda kong unica hija." 

Napangiti si Roni. "May hindi po ako nasabi sa inyo, Tay."

"Ano yon?"

"Naalala niyo po ba nong hindi kayo nakauwi nong isang araw dahil sa ulan?"

Tumango ito. "Bakit? May nangyari ba?"

Nahihiya man ay minabuti niyang ipaalam sa ama ang nangyari. "Dito po natulog si Borj at inalagaan ko po siya. Napakataas po ng lagnat niya dahil nabasa siya ng ulan sa kakahintay sa akin."

Kung nabigla man ang ama sa sinabi niya ay hindi na nito ipinahalata. "Gumaling ba siya agad?"

"Opo."

"Wala akong nakikitang masama roon kung tinulungan mo siyang gumaling. Basta ba alam ninyo kung ano ang Tama at Mali."

Sa mga sinabi ng ama, kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Roni. Napayakap siya sa ama. "Salamat po. Kahit amoy-grasa kayo minsan, kayo pa rin ang the best na tatay sa buong mundo."

Natawa ito sa sinabi niya. "Aba, eh, sino pa ba ang aalo sa iyo kundi ako, hindi ba?" Saka siya nito hinalikan sa noo.




"SO YOU love Borj. Pero natatakot kang aminin iyon sa kanya dahil sa tingin mo ay hindi ka niya paniwalaan dahil na rin sa ginawa mong panloloko para magustuhan ka niya at matalo siya sa hamon ng mga kapatid niya," pagko-conclude ni Missy pagkatapos na ikuwento ni Roni ang mga nangyari.

Tumango lang si Roni at dinampot ang isang bote ng beer at deretsong ininom ang laman. She felt the bitter taste of it run down her throat.

Nasa isang bar sila ni Missy. Sinabi nito na doon na lang sila magkita at doon na rin niya ilabas ang sama ng loob.

Missy sighed. Hindi naman ito nagalit sa mga ginawa niya kundi nagtampo lang dahil hindi niya agad sinabi rito ang plano niya.

"Ikaw naman kasi, ba't hindi mo agad sinabi sa akin para naman natulungan kita sa plano mo."

Kung nasa normal lang siguro siyang sitwasyon at pag-iisip ay baka tinawanan na niya si Missy.

"So, what's your plan now? Hahayaan mo na lang na mabaon sa lupa iyang nararamdaman mo para kay Borj?"

"I don't know. Natatakot kasi ako na hindi niya ako paniwalaan."

"Hmp! Hindi mo naman maiiwasan iyon dahil knowing our dear lover boy, hindi yon sanay na nagiging sawi. Hindi ba't siya ang heartbreaker. Malamang, na-trauma yon. Poor Borj." Missy sighed again. "But come to think of it, dapat nga ay magpasalamat pa siya sayo dahil nagising na siya."

"But I hurt him."

"Okay. Nandoon na tayo. But you never thought of it dahil na-focus ka sa panlalaglag, but also you never guarded yourself. You fell in love with him. And that's a good thing. Ang kaso, naduduwag ka naman ngayon aminin iyon."

Muli niyang tinungga ang laman ng bote. Napangiwi siya dahil umiikot na ang kanyang paningin.

"Hey, may balak ka bang magpakalasing?" Tinangka ni Missy na agawin ang bote ngunit iniiwas niya iyon. Gusto niyang kahit paano ay makatakas sa realidad. Besides, it was her fault.

Umiling-iling si Missy. "Don't drink too much, Roni. Ayokong mapagalitan ni Tatay Charlie kapag nakita kang susuray-suray."

"Pagbigyan mo na ako," sabi niya at muli ay itinaas ang bote. Ngunit hindi natuloy ang pag-inom niya dahil may pumigil na kung sino.

It was Justin.

"Hey, drinking won't do any good, Roni," wika nito.

She winced. Justin chuckled and joined them.

"Seeing two beautiful ladies drinking...one of you has a problem and I think it's you, Roni." Tumingin si Justin kay Missy. "Ako nga pala si Justin, owner nitong bar," pakilala ng lalaki sa sarili.

"Missy," matipid na sagot ng kaibigan niya. Kahit na nahihilo siya ay napansin ni Roni ang pagningning ng mga mata ni Missy. "Yeah. Poor little Roni, she's too much of a coward to face the problem."

"Gusto mo bang magkuwento? Baka makatulong ako. Para hindi alak ang balingan ni Roni," concerned na wika ni Justin.

Napangiti si Roni. "Justin, bar owner ka. Alak ang ipinunta rito ng mga customer. Baka malugi ka niyan kung pagbabawalan mo ang mga customer mo na uminom."

"But not for you," tugon nito.

Napayuko si Roni. Why was everybody there for her maliban sa isang taong gusto niyang makasama? It had been a week since the last time she saw Borj and not seeing him was driving her crazy.

She was so weak and sentimental to tell Justin what happened kaya hinayaan niyang si Missy ang magkuwento ng nangyari sa kanila ni Borj.

"I knew it! Kaya pala halos ipako niya ako sa kisame," kakamot-kamot na wika ni Justin kapagkuwa'y bumuntong-hininga. "To be honest with you, Roni, humahanga ako sa yo. Pero mukhang hindi pa man ako nagsisimulang manligaw ay basted na ako. Kaya ibo-volunteer ko na lang ang sarili ko na maging kaibigan mo."

"Thanks, Justin." She smiled.

Si Missy naman ay abot-tainga ang ngiti. Mukhang crush nito si Justin. "Okay lang yan. Marami namang babae diyan, Justin. Luminga-linga ka lang." Humagikhik pa si Missy.

Kahit medyo nahihilo ay napansin ni Roni ang pamumula ng mga pisngi ni Justin sa sinabi ng kaibigan niya. Aba, mukhang magkaka-developan pa ang dalawa.

"So, as friend, mas maigi siguro kung Ikaw na ang mag-i-initiate. Hindi na uso ngayon na ang mga lalaki ang laging sumusuyo sa babae. At sa tingin ko, base sa nakita kong protectiveness niya sayo, Borj is really madly in love with you. And once a guy falls, ibang klase yon."

"Tama. Ikaw, Justin, ibang klase ka rin bang ma-in love?" tanong ni Missy na lalong ikinapula ng lalaki.

"Ha? Ah, eh..."

Siya man ay napangiti. Mabuti pa ang dalawa, tila talaga may namumuong "something." And that was one thing about love, it could come when you least expect it.

"Thanks, Justin. Kahit paano ay nakatulong kayo sa akin. Sorry ha? Madaldal lang talaga itong si Missy," wika niya.

"At least, nasasabi ko sa kanya ang totoo ngayon pa lang. Malay mo, di ba, magka-developan kami," katwiran ni Missy na muling nagpalungkot sa kanya.

"O, ayan na naman ang sad face mo, Roni. Cheer up! I have a feeling na magkakaayos din kayo ng pinsan ko. But in the meantime, kailangan mong bumalik sa normal."

Sumang-ayon si Justin sa sinabi ni Missy. Yes, they were right. Walang mangyayari kung magmumukmok na lamang siya sa isang tabi. She had to do something.

Missy excused herself para pumunta saglit sa comfort room kaya naiwan sila ni Justin. She took another gulp of cold beer.

"Sa tingin ko, may crush sa yo ang kaibigan ko," wika ni Roni.

He smiled. "She's very bubbly and pretty, too."

"So you like her, too?"

"It's too early to tell. Pero mukhang hindi naman mahirap magustuhan ang kaibigan mo."

"Tama. Missy's a good person."

Justin took her hand and squeezed it. "Hindi ko man kilala sa personal ang lalaking nagpapatibok sa puso mo, sigurado akong para kayo sa isa't isa. I know it just by looking at you. Dapat mo lang pagkatiwalaan ang damdamin mo para sa kanya."

"M-mahal ko siya, Justin." Hindi niya napigilan ang pagiging emosyonal kaya muling nangilid ang mga luha niya.

"Sinabi mo ba sa kanya yan?"

Umiling si Roni. She never got the chance to tell Borj how she felt about him dahil naunahan siya ng takot na baka hindi siya nito paniwalaan.

"Then you have to tell him that. Kailangan mong maging honest sa kanya. If he really loves you, kahit ano pa ang kasalanang nagawa mo ay mapapatawad ka niya. And I doubt na hindi ka niya mahal because the way he looks at you, he must be head over heels in love with you."

Kahit naiiyak ay nagawa pa rin ni Roni na matawa sa sinabi ni Justin. Sinuklian niya ang pagpisil sa kanyang kamay. She was really thankful that Missy and Justin were there.

"Justin, salamat at nandiyan ka at---"

"So, what do we have here? Mukhang nakakaistorbo ako."

Pamilyar ang boses ng nagsalita sa likuran ni Roni. And she swore, the man's voice was dangerous like hell.


💞💞💞💞💞💞💞💞

End of Chapter 10.

Please hit the ⭐

Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading.

Thank you... 💝

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 53 21
⚠️ Disclaimer: Most of these chapters are literally just smut⚠️ Since no one else writes these anymore, I figured I'd take matters into my own hands...
2.5K 72 54
Past, a poembook I made in quarantine. It includes the whole story of the process of accepting my past and the conversion of me being a Christian. It...
592K 43.8K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1.1M 28.7K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...