Miss Super High Standards (Se...

De AteBae_Bae

4.6K 504 37

Is it possible if Czarianne is still alive even if they see her own body... lying inside the coffin. Will All... Mai multe

Disclaimer
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHARTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE
♡Special Chapter: CzaLlen♡

CHAPTER 54

51 4 0
De AteBae_Bae


Czarianne POV

"Czar?" Rinig kong tawag saakin ni Allen kaya nilingon ko siya.

Nasa kotse niya kami ngayon at kasalukuyan siyang nagmamaneho habang yung dalawang bata naman ay nasa likod at nakaupo sa baby seat habang sumasabay sa nursery rhyme na pinapatugtog ni Allen mula sa radyo niya dito sa loob ng sasakyan.

"Gusto niyo ba sumama saakin doon sa venue?" Tanong niya saakin.

Nagpaalam na din siya saakin kanina na sasamahan niyang magpractice sina Jellian doon sa venue kung saan gaganapin yung concert nila bukas.

"Hindi na siguro. Makukulit pa naman ang mga batang 'yan baka makaabala lang kami doon" sabi ko.

Ayoko din na malaman ng iba na may anak na saakin si Allen dahil paniguradong malaking gulo 'to lalo na't siat na sikat siya. Ayokong bigyan siya ng problema at ayoko din masira lahat ng mga pinaghirapan niya.

Katatapos lang din namin mamasyal at medyo napagod din ako pero nakapagpahinga na naman ako ngayon. Sa labas na din kami kumain ng tanghalian at sina Czallen naman mukhang hindi pa rin nauubusan ng energy at panay pa rin ang likot, nangingibabaw nga ang boses nila dito sa loob ng sasakyan.

"Hindi kayo makakaabala doon" sabi niya at hindi ako agad nakasagot dahil nilingon ko muna ang dalawang bata.

"Czallen, Czallie. Gusto niyo sumama kay daddy?" Tanong ko sakanila kaya natigil sila sandali sa pagkanta at tinignan ako.

"Opo!" Sabay nilang sagot pero agad din nagsalita ulit si Czallen.

"But mom-i, if you are tired na po stay na lang po tayo sa... Sa bahay" sabi niya sa cute na cute na boses.

"'indi... Hindi ka po namin ku... Kukulitin na sumama kay dad-i" sabi naman ni Czallie na nahihirapan pa din managalog kaya bahagya akong napangiti.

"Tama nga naman sila, asawa ko. Baka mas lalo ka lang mapagod kapag sinama ko pa kayo doon, kailangan mo pa din magpahinga" malumanay na sabi ni Allen kaya umayos ulit ako ng upo at tinignan siya. "Dalhin ko na lang kayo sa bahay nina tito, hindi ko kayo pwedeng iwan doon sa bahay na kayong tatlo lang" sabi niya ulit kaya nginitian ko siya.

"Salamat" sabi ko kaya nakangiti niya naman akong mabilis na tinignan.

"You are always welcome, asawa ko. Kukunin ko na lang ulit kayo doon pagkatapos namin" sabi niya kaya tumango ulit ako.

Kinuwento niya naman saakin bigla lahat ng ginagawa nila tuwing papalapit ang concert nila habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay nina mama. Pero habang nagkukwento si Allen, napapangiti ako dahil ramdam ko na minahal jiya talaga ang trabaho niya ngayon kahit sobra siyang napapagod.

Nakarating kami sa bahay nina mama saktong twelve thirty, at pagbukas na pagbukas ni Allen sa pintuan ng kotse agad na nag-unahan ang dalawang baya papasok sa bahay.

"Mag-ingat kayo" paalala ko sakanilang dalawa nung bigla silang tumakbo.

"Asawa ko" napalingon naman ako kay Allen ng ilahad niya saakin ang kamay niya kaya tumawa ako dahil bahgaya pa siyang nakayuko na parang isang prinsipe.

Hinampas ko muna siya ng mahina sa balikat bago ko inabot ang kamay niya. "Parang ano 'to" kunwareng naiinis kong sabi pero hindi ko napigilan ang ngumiti.

"Tara na mahal na asawa...ko" sabi niya kaya itinago ko na lang ang mukha ko sa braso niya habang parang bola naman na pa bounce-bounce ang puso ko. "Magpahinga ka ulit aking asawa dahil mamaya..." Sabi niya at ramdam kong bahagya niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko kaya lumayo ako ng konti dahil nakikiliti ako. "Papagurin kita" pabulong niyang sabi kaya nanlalaki ang mga mata kong tumingin sakanya bago ko siya malakas na hinampas dahilan para mapalayo siya ng konti saakin.

"Hahahahahahahahahaha nananakit ka na ahh! Ipakukulong talaga kita!" Natatawa niyang sabi kaya tinignan ko ulit siya.

"Sa anong kaso aber?" Sabi ko habang nakapamewang.

"Sa salang pagnanakaw ng puso ko" sabi niya kaya biglang nawala ang ngiti ko bago ako napakurap-kurap bago ako tumawa ng malakas.

"Sa'n mo nabasa 'yan? Tinuruan ka ba ni mistisong hilaw?" Natatawa kong sabi bago ako napailing-iling. "Mahina" pang-aasar ko sakanya bago ako naglakad.

Nang maramdaman kong hindi siya sumunod nilingon ko ulit siya at ang sama ng tingin niya saakin kaya natawa ako bago ko siya binalikan at hinila.

"Nag-effort akong bumanat alam mo ba 'yon?" Parang bata niyang sabi pero tanging tawa na lang ang isinagot ko sakanya.

Sorry not sorry, dating wattpader ata 'to. Halos lahat na ata ng banat nabasa ko na.

Pumasok kami sa loob ng bahay kaya agad kaming binati nina mama.

"Aalis na din po ako" paalam ni Allen kina mama matapos magkamustahan.

"Saan ka pupunta– ahh oo nga pala" sabi ni mama. "Sige na, mag-iingat ka iho ha" paalam niya kaya tinignan naman ako ulit ni Allen bago niya ako kinindatan at nginitian bago niya hinalikan ang dalawang anak niya.

"Hatid ko lang po siya sa labas" sabi ko kina mama kaya tinanguan naman nila ako bago nila sabik na sabik kinarga ang dalawang bata papunta sa sala.

"Czar" tawag saakin ni Allen habang naglalakad kami kaya tiningala ko siya. "Sabi ni Einstein 'nothing is faster than light,'" sabi niya habang hindi nakatingin saakin kaya agad namang kumunot ang noo ko.

"Sinabi niya 'yon?" Walang alam kong sabi at rinig ko ang bahagya niya pagtawa bago kami huminto sa harap ng sasakyan niya saka siya tumingin saakin.

Bahagya siyang yumuko para mas ilapit pa ang mukha niya sa mukha ko habang nasa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay niya.

Ngumiti siya bago ulit nagsalita. "Well, obviously, he didn't see how quickly I fell for you." Sabi niya sa malalim na boses habang nakangiti ng sobrang tamis saakin kaya bigla akong natigilan at nanatiling nakatitig sakanya. "Pasado na ba asawa ko?" Balik sa dating makulit niyang boses pero hindi ako nakapagsalita at dahan-dahan lang akong tumango.

*Tsup*

"See you later, baby" sabi niya matapos akong halikan sa labi kaya mas natameme ako.

"Y-yah!" Sigaw ko ng makabawi pero nakapasok na siya sa loob ng kotse.

"Love you asawa ko! Mwahps!" Sigaw mula sa loob kaya napailing-iling na lang ako habang nakangiti saka ako kumaway sakanya.

Bumusina siya ng isa bago tuluyang umandar ang saaakyan niya. Nung mawala naman sa paningin ko ang sasakyan niya, pumasok na ako sa loob ng bahay.

Marami akong gustong gawin ngayon pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan dahil una sa lahat wala akong matinong plano bago ako bumalik dito. Gusto ko lang sila makita at makasama ulit, 'yon lang yung nasa utak ko noon.

Pero ngayon, alam ko na ang gagawin ko pero kailangam ko munang makausap ulit si Allen pati na sina mama. Gusto ko na magtrabaho, sapat na ata ang ilang araw na pahingang naranasan ko.

Sobrang gaan na ng pakiramdam ko ngayon at kampante na akong ligtas kami ng mga anak ko dahil nasa tabi namin lagi ang pamilya namin ni Allen, ang mga kaibigan namin lalo na ang mga pinsan ko.

Balang araw susuklian ko lahat ng tulong na nagawa nila saakin.

Maghapon kaming nagkatuwaan sa loob ng bahay kasama ang mga kapatid ko at sina mama. Nagkataon din na napag-usapan na namin ang tungkol sa trabaho kaya nasabi ko na sakanila na gusto ko ipagpatuloy ang pagiging model.

"Ay ate! Pwede na kitang maging model sa mga gawa kong design!" Excited na sabi ni Pejay habang inaayusan si Czallen.

Ginagawa niyang barbie doll ang anak ko=⁠_⁠=

"Ayoko, baka mamaya pagsoutin mo ako ng sako" pabiro kong sabi kaya nginiwian niya ako.

"Meron naman talaga akong gawa sa sakong damit. Recycle ba" nakangiwi niyang sabi kaya tinawanan ko na lang siya. "Hindi sako ipapasuot ko sa 'yo kundi panty at bra. Panty at bra na may butas sa gitna" natatawa niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung sabagay ikaw nga noon nagsusuot ka ng brief na butas ang gitna" nakangisi kong sabi kaya nagsitawanan naman sina mama.

"Gusto sumilip ng baby cobra ko, bakit ba?" Mataray niyang sabi kaya napailing-iling na lang ako.

Asaran lang kami ng asaran hanggang sa magutom kami kaya nagprisinta si mama na gagawa siya ng kalingking kaya natuwa naman ako.

Na miss ko 'to.

"Mom-i, what is this?" Biglang tanong ni Czallie habang hawak yung kalingking.

"Ayy nakung bata ka, 'wag mag-i-ingles dine at dudugo ang ilong ko saiyo" kunwareng nalolokang sabi ni Pejay pero nginitan lang si ni Czallie at binaling ulit saakin ang atensyon niya.

"Kamote 'yan anak na nilagyan na harina" sagot ko pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"'no po ang amote?" Tanong naman ni Czallen at magsasalita pa lang sana pero inunahan na ako ni Pejay.

"Ohh my god. That's sweet potato my dear nephew. They include lots of fiber and antioxidants, which guard your body from the harm caused by free radicals and support a healthy gut and brain. Additionally, beta-carotene, which is transformed into vitamin A to maintain healthy vision and your immune system, is extraordinarily abundant in them." Mahabang sabi ni Pejay with matching accent pa kaya nagtawanan kami.

"Baliw! Mas lalong hindi naintindihan nung bata" natatawa kong sabi sakanya kaya tumawa rin siya.

"Susmiyo naman bakit ba kasi tinuruan mo 'yan mag-ingles! Naloloka ang beauty ng lola mo!" Maarte niyang sabi at kunwareng nilagay pa sa likod ng tenga niya ang imaginary buhok niya. "Saakin kayo sumama mga pamangks at tuturuan ko kayo kung paano lumandi–"

"Hoy!" Sabay-sabay naming saway sakanya.

"'di hindi" maarte niyang sabi kaya napailing na lang ulit ako.

Baliw talaga 'to kahit kailan.

[P/s: The big surprise for Czarianne will be in the next chapters, so stay tuned for the next update(⁠^⁠^⁠)]

Follow and add me on:
Tiktok: @atebae_bae
Facebook: Ate Bae Bae
For more spoilers and updates:⁠^⁠)

Continuă lectura

O să-ți placă și

8.9M 313K 26
Erika Lovet is used to being in the background, always in her sister's shadow. Since she was a child, her parents have always doted on Alice, have al...
Aşiret Dızlamak De 19ir_em07

Ficțiune adolescenți

151K 11.6K 13
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
15.4K 1.2K 55
''Don't play games with a girl who can play better or you'll end up crying." -Teleigha Svetha
3.4M 94.5K 67
"Stay away from me I'm not the man for you understand" how did this change to this "I can't live without her", read to figure out this one of a kind...