Engaged with the Vampire Queen

By syanalimax

178K 10.7K 1.6K

GxG version of Engaged with the Vampire King. More

Engaged with the Vampire Queen
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 13

4.4K 358 54
By syanalimax

Maxine's POV

Mabilis kong kinuha ang phone ko nang maalala ko si Aze. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na pupunta ako ngayon kila Edon dahil nakaalis na siya agad ng bahay kanina paggising ko.

Nagpahatid naman ako kay Lolo Benjamin sa apartment ni Coleen at doon kami sinundo ni Edon.

Aze sungit 😾
iMessage
Today 9:01 AM

Aze! Papunta ako ngayon kina
Edon ah. Ngayon 'yong house
warming party na nabanggit
ko sa 'yo noong nakaraan.

"We're here." Wika ni Edon nang itigil niya ang sasakyan.

Mabilis ko namang ibinalik ang phone ko sa sling bag pagkatapos mag-send ng message ko.

Sabay kaming lumabas ni Coleen ng sasakyan at bumungad sa amin ang isang modern house na sa tingin ko ay two-storey.

Humawak ako sa braso ng pinsan ko nang mag-umpisa na kaming maglakad papasok ng gate habang sinusundan namin si Edon.

"Yieee, mami-meet mo na agad ang parents ni Edon." Bulong ko kay Coleen.

"Manahimik ka nga, Maxine." Mapagbantang sagot niya habang pinandidilatan ako ng mga mata kaya tinikom ko agad ang bibig ko.

Parehas talaga sila ng ugali ni Aze. Masungit.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ay agad iyong binuksan ni Edon at sinalubong kami ng dalawang tao na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Sabay silang yumuko nang magtama ang mga paningin namin na ikinagulat ko.

May lahi atang korean itong sila Edon. 'Di ba yumuyuko ang mga korean kapag nagge-greet?

"Anosayo." Nakangiti kong bati sa kanila saka yumuko rin.

Binilisan ko talaga ang pagbigkas para hindi nila mahalata na hindi naman talaga 'yon korean pero katunog naman. Mabuti na lang talaga at nakakapanood ako ng mga korean drama paminsan-minsan.

Narinig ko ang pagtawa ni Coleen sa tabi ko kaya kinunotan ko siya ng noo at sinenyasang bumati rin. Paano siya magugustohan ng mga magulang ni Edon kung patawa-tawa lang siya riyan?

Pagbalik ko ng tingin sa mga magulang ni Edon ay parehas pa rin silang nakangiti sa akin. Hindi ko alam pero parang tuwang-tuwa sila na makita ako.

"Hali na kayo sa loob." Aya ng mama ni Edon.

Naglakad kami papunta sa sala at nandoon na rin ang mga bisita. Pansin kong iilan lang sila at baka mga kamag-anak lang din nila or close friends.

Paglapit namin ay panay na naman ang yuko ko ng mga ito sa tuwing madadaanan namin kaya gano'n na lang din ang ginagawa ko. Matanong nga si Edon tungkol sa Korea mamaya.

"Kumain na muna kayo." Sabi ng mama ni Edon na nakasunod lang pala sa amin.

"Sige po. Thank you." Sagot ko naman.

Ngumiti naman siya at sinamahan kami patungo sa dining area. Madaming pagkain ang nakahain sa ibabaw nang mahabang table at mukhang masasarap lahat.

"Gusto niyo ba na mag-uwi ng pagkain mamaya? Ipagtatabi ko kayo." Nakangiting sabi ng mama ni Edon at bigla kong naisip si Aze.

Gusto ko sana siyang uwian ng food mamaya for peace offering dahil galit pa rin ata siya sa 'kin sa nangyari sa movie room.

"Opo sana." Nahihiyang sagot ko.

Tiningnan ko si Coleen pagkatapos at mukhang tatanggi ito pero inunahan ko na agad.

"Ay si Coleen din daw po magte-take out din." Sabi ko ulit.

Sandaling nanlaki ang mga mata ng pinsan ko pero sinamaan din ako ng tingin pagkatapos.

Naku, siya na nga 'tong tinutulungan sa pamilya ni Edon. Ayaw na lang mag-thank you.

...

"Thank you po sa foods. Ang sarap po ng luto niyo, Mrs. Collins." Yumuko ako pagkatapos kong mag-thank you sa parents ni Edon bago kami lumabas ng pintuan.

"I'm looking forward to see you again, Max." Sabi naman ng dad ni Edon.

"Ako rin po, Mr. Collins. Dadalaw po ulit kami ni Coleen sa susunod." Sagot ko at binalingan ko si Coleen pero inirapan niya lang ako.

"Let's go?" Sabi naman ni Edon at tiningnan kaming dalawa.

Naglakad na kami palabas ng gate at laking gulat ko nang makita si Aze na nakatayo sa labas.

"Aze!" Gulat na sambit ko.

Seryoso lang naman ito habang nakatingin sa kung saan at nang sundan ko kung kanino ito nakatingin, naabutan ko rin si Edon na katulad niya at seryoso ring nakatingin pabalik kay Aze.

"Uy, Aze." Tawag ko ulit para makuha ang atensyon niya.

"Let's go." Sabi lang naman nito at naglakad na pabalik ng sasakyan niya.

Sumakay na lang din ako pero bago ko isara ang pintuan ay binalingan ko muna si Coleen. "Sabay ka na sa amin."

"Hindi na. Hindi naman tayo kasya riyan at kaya kong umuwi mag-isa." Masungit namang sagot nito kaya napanguso ako.

"Okay."

Nang maisarado ko na ang pintuan ay nag-seatbelt ako agad dahil baka magpaharurot na naman si Aze. Mukha pa namang galit pa rin siya dahil salubong na salubong ang mga kilay.

"Paano mo pala nalaman ang address nila Edon?" Basag ko sa katahimikan nang magsimulang umandar ang sasakyan.

Naghitay ako ng ilang segundo pero hindi siya sumagot.

"May pasalubong pala ako sa 'yo." Ngiting-ngiti kong itinaas ang hawak kong paper bag pero wala pa ring effect sa kanya.

"Aze, galit ka pa rin ba sa 'kin? Sorry na."

Bumuntong hininga naman siya at sandaling pumikit. "I was so damn worried about you."

"Huh? Wala namang masamang nangyari sa akin. Tsaka safe naman kila Edon at mababait ang parents niya." Takang tanong ko.

"Just stay away from him. You don't know them."

Hindi na lang ako sumagot dahil ramdam kong magagalit na naman siya kapag may sinabi pa ako. Umayos na lang din ako ng upo at tumingin sa bintana pero biglang may nahagip ang mga mata ko sa bandang unahan.

"Aze, daan tayo ro'n sa may peryahan, please?" Excited iyong tinuro at ilang sigudo pa siyang nanahimik hanggang sa lumiko ito at tuminto sa may gilid.

"The place is too crowded." Nakangiwing sabi nito habang nakatingin sa entrance.

"Saglit lang naman tayo. Tara na. Na-miss ko ring pumunta rito." Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli kaming pumunta ni Coleen sa peryahan. Akala ko nga ay hindi na ulit sila magtatayo ng ganito rito kaya nakakatuwa na mayroon ulit.

Hindi ko na hinintay si Aze na magsalita at inunahan ko na rin ito sa paglabas ng sasakyan para hindi na siya makatanggi.

"I'll just park the car. Wait for me." Bilin naman nito pagkatapos bukas ang bintana sa gilid niya.

"Okay!"

Naglakad na ako palapit sa entrance at doon ko hinintay si Aze. Dumating naman siya agad kaya sinilip ko ang ticket booth kung may nagbabantay.

"Hi, nanay. Dalawang adult tickets nga po." Sabi ko nang makita ang isang matandang babae sa loob.

May nakadikit na signage sa tapat ng booth at 50 pesos daw ang isang adult. 20 pesos naman ang kids.

"100 pesos, ineng." Sabi ni nanay pagkatapos i-abot ang dalawang ticket.

Bigla namang sumingit si Aze at inabot kay nanay ang black card niya pero nagtataka siyang tiningnan no'ng babae.

"Ay hindi ho kami tumatanggap ng ganyan."

Katulad ng inaasahan ay kumunot na nga ang noo ni Aze at pagkatapos ibalik sa loob ng jacket niya ang card.

"You should put a cash only signage so people will not be confused." Ani Aze pero tiningnan lang siya ni nanay na parang hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"Ako na lang ang magbabayad, Aze." Prisinta ko pero may inilabas naman siyang one thousand-peso bill at iyon ang inabot niya kay nanay.

"Here, keep the change." Seryosong sabi pa ni Aze dahil para mapangiti nang malawak si nanay na nasa loob ng booth.

"Naku, maraming salamat, hija!"

"Thank you din po, 'nay." Nakangiting sagot ko dahil hindi na naman sumagot si Aze.

Parehas niya kaming tinatakan muna sa braso bago binuksan ang gate at tuluyan kaming nakapasok sa loob.

"Sobrang na-miss ko 'to!" Hindi ko napigilang mapakapit sa braso ni Aze dahil sa sobrang saya.

Maraming tao ngayon at tanaw ko ang mahabang pila sa mga rides. Marami ring tao ang nakapaligid sa may roleta na parang wheel of fortune, pati ro'n sa naghahagis-hagis ng coins at kulay-kulay.

"Aze, sakay tayo ro'n sa ferris wheel mamaya." Excited na aya ko sabay turo ro'n sa malaking ferris wheel umiikot.

"It looks rusty." Puna niya naman dito habang nakatingin sa itinuro ko.

Mukha ngang kakarag-karag na iyong ferris wheel pero gusto ko pa ring sumakay. Matagal ko na kasing pangarap na makasakay doon pero hindi ko lang natutulad dahil ayaw akong samahan ni Coleen.

"Bakit pala naka-shades ka pa rin kahit gabi na?" Hindi ko napigilang itanong.

"The lights. It's hurting my eyes." Casual naman nitong sagot habang patingin-tingin sa paligid.

Bigla akong napatingin sa isang sulok at doon ko nakita ang isa pa sa mga pangarap kong laruin.

"Doon tayo, Aze." Hinila ko siya palapit sa stall na may mga nakahilerang balloons sa ding-ding.

Mabuti na lang at walang tao rito kaya solong-solo namin ni Aze.

"Kuya, magkano po ang isang game nito?" Tanong ko sa lalaking nagbabantay.

"Fifty pesos ang limang darts, miss." Sagot ni manong.

Binitawan ko muna si Aze para kumuha ng fifty pesos sa wallet at inabot ko kay manong. Binigyan niya naman ako ng limang darts na nasa maliit na tray.

"Paano po pala mananalo rito?" Tanong ko ulit.

"Kailangan mong paputukin iyong limang pulang lobo. Kung magawa mo 'yon, pwede kang pumili ng kahit anong gusto mong premyo sa mga nakasabit." Itinuro niya ang mga stuffed toys na nakasabit. May unicorn, panda, pato, at kung anu-ano pa. Pero ang gusto kong makuha ay 'yong galit na octopus. Para kasing si Aze.

Sinipat ko naman ang mga pulang lobo na nakakalat sa ding-ding. May nasa gitna, sa kaliwa, kanan, taas, at baba. Medyo maliit lang din sila kumpara sa ibang mga lobo kaya mukhang mahirap itong mapaputok.

Okay, kaya mo 'yan Max!

Kumuha ako ng isang dart pagkatapos kong huminga nang malalim. Uunahin ko na lang itong nasa gitna.

Ipinikit ko ang isa kong mata saka sinentro ang dart at maya-maya ay malakas ko itong hinagis. Pumutok ang katabi ng pulang lobo na nasa kaliwa kaya napasimangot ako. Ano ba 'yan.

Kumuha ako ulit ng isang dart at pinuntirya ko ulit 'yong gitna pero paghagis ko ay tumalbog naman 'yong dart.

"Hala! Ang daya naman nito, kuya!" Angal ko pero tinawanan lang ako ni manong.

"Lakasan mo lang ang hagis mo para pumutok." Sabi nito.

Sa inis ay malakas ko nang hinagis ang dart at iyong taas ang pinuntirya ko pero wala namang tinamaan. Sinunod ko ang dalawa pang natitira pero sa huli ay ibang kulay ng lobo ang napaputok ko.

"Sayang naman. Maglaro ka pa."

"Ayaw ko na ho." Nakasimangot na sagot ko. Baka maging bitter lang ako kapag hindi ko nakuha 'yong cute na octopus.

Yayayain ko na sana si Aze na umalis pero bigla naman itong nag-abot ng one thousand kay manong.

"Give me five darts." Sabi pa nito na agad namang binigay ni manong.

Kinuha ni Aze ang lahat ng darts na nasa tray saka seryosong tiningnan ang mga lobo. Ilang sandali pa ay sunod-sunod niyang hinagis ang mga darts sa iba't-ibang direksyon.

"Done." Anunsyo niya pagkatapos pumutok ng limang pulang lobo.

Sandali akong napatulala dahil sa nangyari maging si manong ay gano'n din. Parehas kaming hindi makapaniwala. Paanong gano'n lang kadali kay Aze 'yon?

"I'll get the black octopus." Sabi ni Aze  kay manong at agad naman nitong sinungkit ang stuffed toy na sinabi niya.

Pag-abot nito kay Aze ay mabilis din naman nitong ibinigay sa akin.

"You want that, right? Let's go."

Kusa akong napangiti pagkatapos yakapin ang stuffed toy habang hila-hila naman ako ni Aze sa braso.

"Aze, turuan mo rin ako mag-dart sa susunod ha? Ang galing mo kanina. Thank you rin sa stuffed toy. Paano mo pala nalaman na ito ang gusto?" Masayang tanong ko.

"It's obvious. You keep on looking at that thing."

Kusa akong napayakap sa braso niya dahil sa tuwa at mabuti na lang ay hindi siya nagalit.

Sobrang nakakataba rin ng puso na hindi niya siya umaangal kapag humahawak ako sa braso niya. Nasasanay na siguro sa pagka-clingy ko.

"Two tickets. Keep the change." Sabi ni Aze.

Ngayon ko lang namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng ticket booth ng ferris wheel. Pagkakuha ni Aze ng ticket ay naglakad na kami patungo sa gate. Inabot niya sa lalaki ang mga tickets namin kaya pinagbuksan kami nito.

Sakto namang huminto na ang ferris wheel kaya isa-isa ng nagbababaan ang mga nakasakay.

Hinila ko agad si Aze sa binabaan noong una at naupo sa loob. Sobrang open pala nitong ferris wheel kaya medyo nakakatakot. May maliit na gate na nagsisilbing pintuan sa gilid na nila-lock tapos ang hawakan ay ibinababa lang hanggang sa hita.

Unang angat pa lang ng ferris wheel ay napakapit na ako agad sa braso ni Aze na nasa tabi ko. Nag-uumpisa na kasi akong kabahan at mag-overthink kung paano kapag tumigil 'to tapos nandoon kami sa pinakataas?

"You look so flustered. Relax."

Nawala ako sa mga iniisip nang marinig ko si Aze. Kalmado lang siyang nakatingin sa 'kin kaya kahit papaano ay nabawasan ang takot ko.

Dahan-dahan na ring umaangat ang sinasakyan namin pero hindi talaga mawala ang takot ko dahil may lumalangit-ngit sa bandang ibabaw.

Maya-maya pa ay biglang umuga ang sinasakyan namin kasabay ng pagtigil ng ferris wheel kung kailan nasa pinakataas na kami. Narinig ko rin ang pagsigaw ng ibang mga nakasakay kaya napayakap na ako kay Aze sa takot.

"Wahhhhh! Aze, ayaw ko pang mamatay." Nakapikit na sigaw ko.

May narinig akong mahinang tawa kaya nagmulat ako para tingnan si Aze. Naabutan ko itong nagpipigil ng ngiti na parang natatawa pang takot na takot ako. Bakit nagagawa pa niyang matuwa samantalang tumirik na nga kami rito sa taas?

"I won't let that happen. Hold on tight."

"Huh? Bakit—"

"Just shut your eyes and don't open them unless I say so, understood?" Utos niya kaya ginawa ko na lang ang sinabi nito.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa likuran ko at ang isang kamay naman nito ay sa ilalim ng aking tuhod.

Kahit gustong-gusto kong dumilat para makita kung ano ang nangyayari at ginagawa niya ay hindi ko naman magawa dahil mas takot akong magalit siya.

Para niya akong binuhat kasunod nang malakas na hangin at ilan sandali pa ay may narinig akong tunog na parang lumapat sa sahig.

"Open your eyes now." Sambit ni Aze pagkatapos niya akong bitawan at naramdaman na rin ng mga paa ko ang sahig.

Marahan kong minulat ang mga mata ko at ilang beses pa akong kumurap dahil wala na kami sa ferris wheel.

"Paanong nandito na tayo agad sa baba? 'Di ba nasa taas pa tayo ng ferris wheel kanina?" Gulat na tanong ko.

Nakatayo na kasi kami sa likod ng ferris wheel habang iyong ibang nakasakay ay ngayon pa lang ibinababa. Parang kami pa lang ata ni Aze ang nakababa e kami 'yong nasa pinakataas kanina.

Tinitigan ko si Aze at naghintay ng sagot dahil nagugulohan pa rin ako sa mga nangyayari. Tumingin naman siya sandali sa ferris wheel bago magtagpo ang paningin namin.

"Hmm... magic?" Kibit-balikat niya at nagsimula na maglakad palabas ng peryahan.

"Huh? Marunong ka mag-magic? Patingin nga!" Habol ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya hindi na ako nangulit pero hanggang sa makabalik kami ng sasakyan ay iniisip ko pa rin talaga ang nangyari.

Paano kaya kami nakababa? Imposible namang gumamit siya ng harness. Tsaka saan kami dumaan? Sa kable ng kuryente? Waaahhh! Paano kung nakuryente kami?

Nawala ako sa mga iniisip nang marinig kong tumawa si Aze at sa pagkakataong ito ay malinaw na malinaw kong nakita.

Kusang umawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya dahil hindi ko inaasang makikita ko siyang ganito. Mas maganda pala siya kapag tumatawa. Grabe!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 133K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
3M 123K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
6M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...