Sisters by Fate, Lovers by Ch...

By Dark_izea

8.1K 466 6

-Completed- More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 22

97 7 0
By Dark_izea


Zashi's POV

They knew my feelings for her. Bakit inaasar pa nila ko? Lalo na si Pau at Nic ang sarap nilang sakalin!

Nawalan ako ng ganang kumain at nag-pahangin nalang sa terrace. Kinuha ko ang vape na nasa bulsa ko ng hablutin iyon ni Nicole.

"What the hell! Ano bang problema mo?!" Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko kung paano niya subuan si ate.

"Chill!" hinawakan niya ako sa mag-kabilang balikat at pinaupo. "Sa'n mo ba nakita 'yang Zoe na 'yan? Umupo siya sa harap ko.

"I just met her in the cafe three months ago. It was just a blind date. We had a one night stand and we've seen each other again at my restaurant."

"Is that enough para isama mo siya ng isama? Kayo na ba?" pag-uusisa nito.

"Nope, hindi pa."

"Eh bakit hindi mo nalang pag-tuonan ng pansin si ate?" mas lalo akong nalungkot sa tanong niya.

"She's getting married..." walang ganang sagot ko. Kumuha ako ng alak at inalapag iyon sa lamesa.

"Paanong ikakasal? Ni wala nga tayong nakikita na kasama niya. Edi sana pinakilala niya yun sayo. Baka nakakalimutan mong ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya kung mayroong ganon eh ikaw ang unang makaka-alam." napa-isip ako. Pero hindi lang 'yon ang problema.

"You don't know anything Nic." aalis na sana ako ng may sinabi siya sakin para muli akong umupo.

"Alam ko lahat ng nangyayari sayo. Alam kong hirap na hirap ka na, palagi kang naku-kwento ni Kuya Kino sakin." kapatid nga pala siya ng asawa ni Kuya Kino. "Hindi kita nilubayan para sayangin mo lang yung chance na meron ka. Mabuti nga kahit anong pag-iwas mo sumasama parin si ate sayo. Bakit hindi mo siya tanungin ng diretso? Malay mo nagsasabi siya ng totoo. Tingin mo ba talaga kayang gawin ni ate 'yon sayo?"

Nag-umpisa na naman tumulo ang luha ko. Ang tanga ko kasi hindi ko kayang pakinggan yung mga sasabihin niya. Natatakot ako, 'yun ang totoo. Masyado ng naipon yung mga sakit na matagal ko ng kinikimkim.

"Hindi ganon kadali."

"Subukan mo lang Zash. Ibinilin siya ng mga magulang mo sayo. Iyon ang huling habilin nila ng mamatay sila diba? Ang hanapin siya at tulungan siya. Sa tingin mo ba matutuwa sila ng ganyan? Hindi ganyan yung pagkakakilala mo kay Ate Celeste. Buong buhay niya pakiramdam niya walang nagmamahal sa kaniya. Ikaw, naranasan mong mahalin ka. Masyado ka lang natatabunan ng galit mo. Nakikita ko sa mata ni ate na nahihirapan siya sa sitwasyon niyo."

Nicole has a point pero hindi ko pa kayang pakinggan. Mata ko mismo ang naka-saksi.  Gustohin ko man na makinig parang may pumipigil sa'kin.

"Saan ka ba talaga natatakot? Na malaman mong mali ka at wala naman talaga siyang ginagawang masama sa'yo o makita niya yung kahinaan mo at malaman niya na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng mama niya?" napatingin ako sa kaniya. Halos lahat ay alam niya. Pero nakapag-isip na na 'ko.

"Tama na. Buo na rin ang desisyon ko. I want to move on with Zoe." inubos ko ang laman ng bote at kumuha pa ng isa. Pero ang totoo ay gumagawa lang ako ng paraan para takpan ang totoong nararamdaman ko.

"Sana hindi mo pagsisihan 'yan. Makakalimot ang isip pero hindi ang puso, Zash." Tumayo na si Nicole at iniwan ako.

Iniligpit ko na ang mga bote ng tawagin ako ni Zoe. Para na 'kong nakatali sa kaniya. Hindi ko magawang iwan siya dahil sa sinabi sa'kin ng magulang niya. Iniingatan ko siya dahil ayokong may mangyari sa kaniyang masama.

Her parents asked me a favor. Nakikita nilang masaya si Zoe kapag kasama niya 'ko. Gusto nilang bumuo si Zoe ng mga bagong alaala bago nila ito ipasok sa mental facility.

"Babe tulog na tayo?" she smiled at me.

Napakabait niya. Kahit na malamig ang pakikitungo ko sa kaniya ay inaalagaan niya parin ako. Pero hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko o masyado lang magulo ang isip ko para gumawa ng isang hakbang na labag sa loob ko.

"Sige." Zoe is mentally ill. One wrong move and she'll do bad things such as hurting or killing herself. Minsan ay kinakausap niya ang sarili niya. Gusto niyang humanap ng mga bagong kaibigan dahil tulad ko, namatayan din siya ng mga taong mahahalaga sa kaniya.

Nag-camping sila ng mga kaibigan niya one year ago. Lahat ng mga ito ay namatay at siya lang ang nabuhay. Pero nabuhay siya sa imahinasyon at takot. Kung titignan ay para siyang normal na tao pero inaatake nalang siya bigla. Lalo na kung may makaka-trigger sa kaniya gaya ng ginawa ni Nicole kanina.

Parang ako lang din noon pero dumating si Ate. Kaya gusto kong tulungan si Zoe.

Noong minsan na magkasama kami ay nakita ko siyang kumakain ng hilaw na karne. Umiinom din siya ng dugo nito. Awang awa ako sa kaniya, pero ilang linggo nalang ay dadalhin na siya sa lugar kung saan mas mapapabuti ang lagay niya. Gusto pa kasi siyang makasama ng mga magulang niya.

Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko kapag nandiyan si Ate. Hindi ko alam kung bakit siya gumanti ng halikan ko siya. Pero siya lang ang laging laman nito at hindi iyon mawawala.

Hindi pa talaga ako handang mag-move on. Pero kailangan ko pa ng space para makapag-isip. Natatakot na akong lumapit sa kaniya dahil siya ang kahinaan ko. Hindi ko maiwasan na hindi siya halikan lalo na ngayon na mas lalong lumalakas ang loob ko.

Hindi ko yata matatanggap kung sa kaniya mismo manggaling na hindi niya 'ko kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko maatim na isipin ang bukas na ikakasal din siya at makakalimutan din niya ako dahil sa responsibilidad niya.

Iyon ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Hindi dahil sa mga sinabi ni Ate Fhey na kailangan niya ng pera. Hindi ako naniniwalang kayang gawin ni Ate 'yon. Pero natatakot ako na baka isang araw bigla ulit siyang mawala dahil kay Tristan.

Natatakot din ako na baka pag nalaman niya ang totoo na dahil sa pagka-kidnap ko at dahil kay Uncle ay namatay ang mama niya. Ayokong kamuhian niya ako at siya na ang kusang lumayo. Dagan dagan na ang problema ko.

I'm not a fool to believe the accusations about her. But I'm a fool for using it 'coz I'm scared. I take it as an excuse to stay away from her.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 155 47
Oc is trained by Bobby Singer to independently hunt on her own. However, an interest in the Winchester boys may make for her demise.
242K 2.5K 18
Your college professor, Ren, is more than you think. He's sneaky. He's got secrets. He also has your bra on his bedroom floor. This story was origi...
1.3M 32.6K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
341K 4.7K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...