Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 48: The Monster she became

58.4K 3.2K 2.8K
By Serialsleeper

48.

The Monster she became

Sisa

Inabot sakin ni Tatang ang isang photo album at nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang napakalumang litrato ng isang matandang doktor.

"Siya si Doctor Delfino. Siya ang henyo sa likod ng programa." Pagmamalaki ni Tatang.

Henyo? Bitch please, more like a mad & demonic dude.  See, being a smart person isn't just about being knowledgeable in all things, it also concerns your psychological and emotional stability too—which these idiots lack. So genius is a no-no.

"Kaano-ano mo po siya?" Tanong ko at tumango naman siya. Whoa, so this dude must be Tatang the first.

"Lolo ko siya." Sabi pa nito kaya nilipat ko na lamang ang pahina hanggang sa makita ko ang litrato ng dalawang bata at isang dalagita—ito yata ang mga anak ni Doctor Delfino.

"Tinalikuran si Lolo ng mga anak niya at ang ama ko nalang ang natira. Kilala mo ang ama ko, lolo siya ni Calix... yung kaibigan mo?" Aniya dahilan para muling magsitayuan ang balahibo ko.

Wait so all this time kasali pala ang matandang 'yun? Damn it! I should've seen the signs! He had the power and resources to keep this program running, he blended well because the police force trusted him. Plus the fact na nasa kanya ang simpatya ng lahat knowing nagpakamatay ang anak niya matapos mapagbintangang Crimson Ripper. That sneaky son of a bitch.

"W-wait, does that mean Calix knows about the program po? Kasali rin po ba siya noong nabubuhay pa siya po?" I still feel so bad for what happened to Tammy at Calix but with everything that's been happening, I don't even know who the real monsters are. Fuck, trust issues na ito.

Umiling-iling si Tatang dahilan para mapabuntong-hininga ako. Kahit wala na si Calix, masaya parin ako knowing he's a goodie all along.... Maybe this is why he died...  Para 'wag siyang masaktan sa katotohanang mga baliw at mamamatay tao ang pamilya niya.

"So your'e Calix' uncle huh?" Napabuntong-hininga ako saka ngumiti, "Ba't ganun po? Sa pagkakaalam ko po, only child lang yung Dad ni Calix?" Tanong ko.

Ngumiti si Tatang, "Sabihin nalang nating matapos niyang maimulat sakin ang lahat, itinuring niya akong anak lalong-lalo na't kinailangang mamatay ng kaisa-isa niyang anak."

"Wait so you mean hindi nagpakamatay ang papa ni Calix?! Po..." Kahit mga baliw sila nakakagulat parin, how can you kill your own flesh and blood?!

"Kinailangang gawin ni Papa ang lahat para ma-protektahan ang programang sinimulan ng tatay niya. Nang malaman ito ng ama ni Calix, sinubukan niyang wakasan ang programa sa pamamagitan ng pagsusumbong sa mga pulis." Paliwanag pa ni Tatang.

"Wait why are you telling me all of this po? Why are you even showing me this po?" Tanong ko sabay turo sa album na hawak ko. Ugh! its so weird to say 'Po' all the time. Kakabanas na.

"Bago ka maging kabilang samin, kailangan mo munang matutunan ang lahat." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako.

"Hmm, let me get this straight po... Dr. Delfino created the program at ipinagpatuloy ito ng tatay mo po. Dahil matanda na ang tatay mo, ipinasa niya ito sayo. No offense  poTatang but you're not getting any younger, may plans ka na bang mag-retire?"  Tanong ko sabay sara sa album.

Bahagyang tumawa si Tatang dahil sa sinabi ko at makaraan ang ilang sandali ay tumango-tango siya, "May ideya na ako sa papalit sakin." Aniya.

"Don't tell me si Dexter po?" Biro ko, "Tatang hindi naman po sa pinangungunahan kita pero wala po akong tiwala kay Dexter. I mean you already cut his hand as punishment, hindi kaya may galit na siya sayo plus He even tried to kill me for his own good." Paalala ko dahilan para muli siyang tumawa.

"Aaminin ko, noong una si Dexter ang naiisip kong pumalit sakin pero may napipisil na akong bagong papalit sakin... Si Dustin Consulacion. Hindi ba't magkakilala rin kayo? Perpekto siya para pangunahan ang programa."

Nagulat man ako dahil sa narinig, pilit parin akong ngumiti, "Good choice po Tatang, pareho po tayo ng naiisip. We're so osum! Actually I personally think that Dustin is perfect to lead the program. Lumaki po si Dustin sa napakabait na pamilya, in fact if it wasn't for the injustice he suffered, hindi siya maliligaw ng landas. Dustin has a sense of justice that's perfect for the program."

Dustin used to be my ultimate crushy loves and all but if he does becomes part of the program, I will seriously kick him in the dingdong until he vomits all his senses... he'd still be super adorable though. Adorable only.

"So Tatang... does this mean part na po talaga ako sa program now that alam ko na ang history and all?" Tanong ko pero ngumiti lamang siya at muling umiling.

"There's one more thing." Aniya.

Oh fuckydy fuck, why do I have a bad feeling about this?

***

Pumasok kami ni Tatang sa isang kwartong hindi masyadong maliwanag pero sa kabila nito ay naaninag ko ang isang malaking upuang kulay puti. Ang upuan.. gaya siya ng mga nakikita ko sa dental clinic.. yun bang inuupuan ng mga pasyente. Creepy shit bruh.

"'Wag kang kakabahan, walang mangyayaring masama sayo." Sambit ni Tatang matapos niya akong paupuin rito.

"Tatang wala naman pong masakit sa ngipin ko eh, 'wag na po 'to please?" Pakiusap ako sabay pa-cute, after all I'm his favorite victim este daughter... Eww.

Tatayo sana ako pero laking gulat ko nang bigla na lamang ikinabit ni Tatang ang isang mahigpit na tali sa leeg ko dahilan para hindi na ako makagalaw pa. Itinali niya rin ang mga kamay ko sa upuan pero hindi na ako nanglaban pa. Shit tatang, ano na naman ba 'to?

"Tatang anong ginagawa mo?!" Sigaw ko.

"Anak mas lalo ka kasing masasaktan kung manglalaban ka, mas mabuti pang nakatali ka habang isinasagawa ko ang proseso sayo." Aniya saka tinapik ang balikat ko na para bang pinapakalma ako.

"Anong proseso? Tatang please naman, 'wag mo akong sasaktan. Paano ako makakatulong sayo kung papatayin mo ako?" Katwiran ko at sa abot ng makakaya ko'y pinilit kong wag magwala. Baka kasi may pag-asa pang mauto ang isang 'to.

"Anak hindi kita papatayin, magtiwala ka sa'kin. Sisiguraduhin ko lang na mananatili sakin ang katapatan mo habang buhay." Kalmado niyang giit at bigla na lamang binuksan ang ilaw.

Wala akong magawa kundi mapatili na lamang nang mapagtanto kong hindi lang pala kami ni Tatang ang nandito sa kwarto. May isa pang upuan sa tabi ko at nakatali rito ang walang malay na si Kerry. Hindi kalayuan sa amin ay may isang kama at nakahiga rito ang duguang si Rose... Gising si Rose pero nakatitig lamang siya sa kisame na para bang walang kabuhay-buhay. May benda ang kaliwa niyang mga mata pero nagkulay pula na ito sa labis na pagdurugo... Umaagos ang dugo pababa ng mukha niya na parang umiiyak ng dugo ang kaliwa niyang mata.

"Rose! Rose naririnig mo ba ako?!" Sigaw ko habang pilit na kinukuha ang atensyon niya ngunit balewala. Para siyang walang pakialam sa paligid, para siyang walang naririnig o nararamdaman.

The wound in her eye... Her unresponsive reaction. She's been lobotomized.

"Pansamantala lang 'yan, 'wag kang mag-alala, kung makakayanan niya ang operasyon; Ilang araw lang, maitatanim na natin sa isipan iniya ang lahat ng mga pinaniniwalaan natin. Magiging kaisa natin siya." Pagmamalaki nito kaya hindi ko na magawang makapagsalita pa. Hinayaan ko na lamang ang luha kong bumuhos.

"Serenity ayokong magkamali sayo pero para makasigurado isasailalim din kita sa lobotomy pagkatapos ko kay Rose. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ka pero kailangan mo ring maging matatag. Kailangan mong maging malakas... Tiisin mo lang mamaya ang sakit." Giit niya at kinuha ang isang napakanipis ngunit napakatalim na bagay na gawa sa metal. May bahid pa ito ng dugo palatandaang kakagamit lang niya nito kay Rose.

"No! Tatang you don't have to do this! Tatang tama na!" Giit ko ngunit hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ng nakatulalang si Rose.

"Serenity just close your eyes and don't look. Pagkatapos nito, ikaw naman." Kalmado niyang sambit.

"No! Tatang stop it! You'll end up killing her!" Giit ko habang pilit na nagpupumiglas.

"Si Rose ang may hawak ng kapalaran niya, mabubuhay siya kung susubukan niya." Giit ni Tatang at walang ano-anoy bigla na lamang ipinasok ang hawak niyang matalim na bagay sa kanang mata ni Rose. Napatili na lamang ako nang makita ko ang agad na pag-agos ng dugo mula sa mata niya. Ginalaw-galaw ni Tatang ng bahagya ang hawak niyang aparato na para bang may pilit na inaabot gamit nito.

"Tama na! Tama na!" Napaiyak na lamang ako at umiwas ng tingin. Hindi na kaya pa ng sikmura ko ang nakikita ko, pakiramdam ko'y ano mang oras ay masusuka na ako dahil sa pandidiri. Awang-awa ako kay Rose, hindi niya dapat dinaranas 'to. Wala sa aming dapat dumanas nito.

Pilit akong nagpumiglas, hindi nakatali ang mga paa ko kaya napapasipa na lamang ako sa sobrang panggigigil na makawala mula sa pagkakatali. Sa sobrang pagpupumiglas ko'y namalayan ko na lamang na dumudugo na ang kanan kong braso. Huminga ako ng malalim at tiniis ko ang matinding hapdi. Sinamantala ko ang pagkakataong madulas ang braso ko dahil sa dugo, kahit masakit pinilit kong inilusot ang braso ko paalis mula sa pagkakatali.

Sa isang iglap ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Tatang kaya dali-dali akong huminto sa paggalaw at napahawak na lamang sa parte ng upuan kung saan dapat nakatali ang braso ko para wag niya akong mapansin.

"Sandali lang hija.." Mahinang sambit ni Tatang at inilabas ang dalawang cellphone mula sa bulsa niya. Ginamit niya ang kulay itim niyang cellphone sa pagbukas sa pinto at iniwan ito sa mesa. Lumabas siya naman siya dala ang kulay puting cellphone kung saan may tumatawag.

Sa sobrang pagmamadali ni Tatang pati ang pinto naiwan niyang nakabukas.

Sa pag-apak pa lamang ni Tatang palabas, alam kong ito nalang ang natitira kong pagkakataon para makatakas. Who knows what would happen if Tatang gets to lobotomize me. Fuck this shit, I'm never giving him that opportunity.

Dali-dali kong kinalagan ang sarili ko mula sa pagkakatali gamit ang duguan kong kaliwang kamay. Sa sobrang taranta at takot ko, nagawa kong tiisin ang matinding sakit at hapdi. Adrenaline rush can really do wonders.

Nang tuluyan akong makatayo ay laking gulat ko nang bigla na lamang nagsimulang mangisay si Rose kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

"Rose! Rose don't die on me you bitch!" Giit ko habang pilit kong pinipigilan ang luha ko. Gamit ang nanginginig kong mga kamay, dali-dali kong kinuha ang cellphone. Tatawag na sana ako ng pulis nang bigla na lamang may humablot nito mula sa kamay ko.

"You're just like your best friend... You always try to ruin everything."

Napalingon ako at laking gulat ko nang makita ko si Kerry na nakatayo na sa likuran ko habang nakangisi. Sa sobrang gulat ko'y hindi na ako nakailag pa nang bigla na lamang niya akong hinampas sa ulo gamit ang isang mahabang tubo.

"That's for causing Dexter to lose his hands!"

Nagsirko-sirko ang paningin ko, parang literal na dumidilim ang paningin ko. Nararamdaman ko ang likidong para bang tumatagas mula sa noo ko, napakahapdi lalo na nang mapunta ang likidong ito sa mata ko. Huminga ako ng malalim at hindi ako gumalaw. Pilit akong pumipikit para mawala ang pagkahilo ko pero sa kabila nito'y napakasakit parin ng ulo ko at napakabigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari pero nang muli kong idinilat ang mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa sahig at nahihirapan nang huminga. Paulit-ulit kong idinilat ang mga mata ko hanggang sa nakita kong nakapatong na sa ibabaw ko si Kerry na nanlilisik ang mga mata, ang dalawang kamay niya ay nasa leeg ko na at gigil na gigil na sa bagsakal sakin.

Pilit akong nagpumiglas ngunit wala na akong lakas. Ubo lang ako ng ubo. Nahihirapan na talaga akong huminga.

"Tama nga si Dexter, pinagloloko mo lang kaming lahat!" Sigaw niya at mas hinigpitan pa ang pa ang pagsakal sakin, "Tinik talaga kayo ni Julia sa buhay namin ni Dexter! I already got rid of that slut for sleeping with my Dexter! Now it's your turn to die!" Dagdag pa niya saka bigla na lamang napabitaw sakin dahilan para paulit-ulit akong mapasinghap at mapaubo, "Enjoy air while you can still breathe biatch." Sabi pa niya at bigla na lamang hinigit ng marahas ang buhok ko at kinalakadkad ako patungo sa sa mesa kung saan nakapatong ang mga aparato ni Tatang.

Wait so hindi si Rodney ang bumuntis kay Julia kundi si Dexter?!

Sa sobrang hilo at panghihina ko'y pati lumuhod hindi ko na magawa kaya muli akong bumagsak sa sahig. Fuck, I can't even think straight. Holy bruh you gotta help me with this.

"Beg for your life. I might just give you a chance." Giit ni Kerry habang nakangisi at namalayan ko na lamang na nakadiin na sa pisngi ko ang hawak niyang kutsilyo.

"Ugly bitch." Napangisi na lamang ako habang pilit na pinapanatiling dilat ang mga mata kong napaabigat na.

"Beg for me like what Julia did right after I stabbed her!" Giit niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. "That's right! I was the one who killed Julia! Unlike you pathetic dweebs, I'm Tatang's biological daughter and I can do whatever I want! I can kill you and I won't even be punished! Now beg you pathetic bitch! Beg for your life!" Giit niya na para bang sabik na sabik na marinig akong magmakaawa sa kanya. Parang dinurog ang puso ko dahil sa narinig... All this time kasama ko lang pala ang totoong pumatay kay Julia at nagtiwala ako sa kanya.. I even treated her like a friend.

"H-he's your father but he's keeping and torturing you too. Tough life. He probably killed your mom too." Pilit akong nagsalita at ngumisi na lamang sa kanya.

Bigla siyang tumawa, "Mom left us when I was a kid. She's the one who killed my dad's heart. FYI, my participation is voluntary. I mean, it's like I have a front row seat for the best show ever...  Plus, don't underestimate the power of make-up." Aniya kaya napatingin ako sa mga braso niyang tadtad ng pasa... Fuck, ba't ngayon ko lang napansin?  It's all fake... It's just make-up... This bitch...

She fooled me. She fooled everyone.... No wonder all she ever talked about was obedience and bullshit. No wonder after all her obedience, she's still here... It's because she chose to be here... It's because she's one of them... Psyhotic bitch...

 Lalong bumigat ang paghinga ko nang unti-unting binaba ni Kerry ang kutsilyo mula sa pisngi at patungo sa leeg ko. Nararamdaman ko na naman ang talim. Nararamdaman ko na naman ang takot na naramdaman ko nang araw na muntikan akong napatay ni Mrs. Grady.

"I guess mataas talaga ang pride mo unlike ni Julia na lumuhod pa sa mismong harap ko. Tatang cut off her tongue so it was really funny when she cried and begged for her life. She looked like a dog, I even had it videotaped so that I could watch it whenever I'm having a bad day." Pagmamayabang niya pa dahilan para tuluyan kong maikuyom ang mga kamao ko.

Sa sobrang galit ko'y nagkaroon ako ng lakas para masipa ang mesa na nasa paanan ko lang dahilan para bumagsak ito at malaglag ang mga kagamitang nakapatong dito.

"You bitch!" Sigaw ni Kerry at napalingon sa mesa.

Hindi na ako nag-atubili pa, dali-dali kong itinulak palayo ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo na nakatutok sa leeg ko dahilan para agad itong tumilapon sa malayo.

"Tanga ka rin gaya ng tatay mo!" Sigaw ko at siya naman ang dali-dali kong sinunggaban at dinaganan.

Sa isang iglap, ako na naman ang nakapatong sa kanya at paulit-ulit ko siyang pinagsasampal ng napakalakas. Hinahawakan ko ng marahas ang ulo niya at paulit-ulit ko itong inuuntog sa sahig. Pilit siyang nagpupumiglas at pinagsasampal ako pabalik pero mistulang namanhid ang buong katawan ko dahil sa  galit. Hindi ko na nararamdaman ang bawat sampal at pagpupumiglas niya, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang uhaw kong makita siyang nagdurusa at nasasaktan...  Adrenaline rush? I don't know anymore basta ang alam ko lang, napakasaya ko sa tuwing tumatama ang sampal ko sa mukha niya't nauuntog ko ang ulo niya sa sahig, hindi ko mapigilang ngumisi.

Ganitong saya ba ang naramdaman ni Dustin habang gumaganti siya sa pamamagitan ng pagpatay?

I'm starting to like it.

It's like a drug that feeds my soul.

Fuck, it's like I'm high and vengeance is my ecstasy.

Nakita ko ang isang barena na nalaglag malapit sa amin kaya dali-dali ko itong kinuha gamit ang mga kamay kong napakalamig at nanginginig parin.

Napatingin ako kay Kerry na hindi na halos makagalaw at mukhang mawawalan na ng malay kaya naman muli ko siyang sinampal.

"Enjoy your vision while you can still see biatch!" Paggaya ko sa mga katagang binitawan niya sakin kanina at ipinagmayabang sa kanya ang hawak kong barena.

"No..." Umiling-iling siya habang umiiyak.

Look at how the tables are turned. Kanina siya tong ang yabang-yabang ngayon siya na ang umiiyak. Baliw nga siya gaya ng tatay niya.

"You never should've angered me." Pinindot ko ang gatilyo ng barena ngunit hindi ito gumalaw, kailangan pa pala nitong masaksak kaya huminga na lamang ako ng malalim at isinaksak ito sa kaliwang mata ni Kerry. Nagtalsikan sa mismong mukha ko ang dugo pero ni katiting na diri, wala akong naramdaman.

Tumili si Kerry at umiyak nang umiyak kaya naman hinugot ko ang barena at laking gulat ko nang makitang sumama pa ang mata niya sa barena.

"Sorry Kerry, you never really should've angered me." Pag-uulit ko pa habang pinagmamasdan ang pag-agos ng napakaraming dugo mula sa butas ng mata niya.

Napabuntong-hininga ako at kinaladkad siya hanggang sa makaupo siya. Wala na siyang malay dahil sa sobrang sakit pero tinali ko parin siya para makasigurado.

Dali-dali kong nilapitan si Rose at labis akong nanlumo nang mapagtanto kong hindi na siya humihinga. Hindi niya nakayanan ang operasyon...

"I'll make them pay for everything." Bulong ko sa pagitan ng bawat hikbi ko.

Tumalikod na lamang ako mula sa ngayo'y bangkay nang si Rose. Lalapitan ko ulit sana si Kerry nang bigla kong mapansin ang cellphone sa sahig kaya naman dali-dali ko itong pinulot. Tatawag na sana ako ng mga pulis pero nakita ko ang ilang mga live footage ng mga CCTV dito sa paligid.

Alam kong ito ang ginagamit ni Tatang bilang pang-control sa buong pasilidad kaya naman ginamit ko ito upang mabuksan ang lahat ng mga pinto—mga pinto kung saan nakakulong ang lahat ng mga biktimang gaya ko.

Bigla akong nakarinig ng mga yabag hudyat na paparating na si Tatang kaya napangisi na lamang ako. Now that everyone's free and they have a chance to escape, its time for payback. Fuck this feels so good.

****

"Your daddy's coming, better wake up now." Bulong ko kay Kerry habang nakatayo ako sa likuran niya't hawak ang kutsilyong nakatutok sa leeg niya.

I don't like what I have become...

I know I'm going to hell for this...

But they need to pay...

They made me what I am right now... a monster just like them.

Now it's time to turn the tables.

 "Ano yung naririnig kong sigaw—"Hindi na natapos pa ni Tatang ang sinasabi niya dahil sa pagpasok pa lamang niya sa kinaroonan namin ay gulat na gulat siya nang makita akong nakatayo sa likod ng anak niyang duguan.


"Surprise bitch." Napangisi ako.                        

END OF CHAPTER 48.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

17.8M 319K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
48.1K 2.6K 5
Kenna and her schoolmates are left quarantined in the secluded Torryn Grove High after a mysterious chemical leak. Despite their situation, the young...
2.4M 87.8K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.