The Rare Ones

By EvasiveSpecter

136K 4K 83

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 25

2.2K 66 0
By EvasiveSpecter

Kabanata 25. Top agent, Aye(I)

Luna's Point of View

"Just keep on running," malamig niyang sabi sa'kin. 

"Well, I am doing it!" Asik ko sa kanya. 

Hawak pa rin niya ang kamay ko ngayon at tumatakbo pa rin kami. Napansin ko rin na maraming estudyante ang nagtatakbuhan papunta sa kani-kanilang dorm. Maaaring ang halimaw na iyan ang dahilan kung bakit pinapapasok kami sa dorms namin. 

Sa pagtakbo namin kasama ang ibang estudyante ay nahagip ng mata ko ang isang estudyante na nadapa sa sahig, sa likod naman niya ang tumatakbong halimaw. Nanlaki ang mata ko sa aking nasaksihan. 

"Sandali," mabilis kong binitawan ang kamay ni Zyriex.

Tumakbo ako papunta doon sa babaeng nadapa. Mabilis ko siyang hinarangan and then I used my power para sana ipatilapon ang malaking hayop na nasa harapan ko na ngayon. And its mouth is wide open, ready to devour me. 

Tila bumagal ang galaw ng paligid sa aking paningin ng makita kong walang epekto sa kaniya ang kapangyarihan ko. Nang malapit na niya akong makain ay bigla na lang akong tumilapon kasama ang babae na iniligtas ko. 

"Hey! Big Dog, go back to your cage!" 

Napalingon ako sa sumigaw. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero siya 'yung lalaki na bumugbog kay Zyriex noon. Tumayo na ako at nilapitan ko ang babaeng tinulungan ko. 

Tinanong ko siya, "Okay ka lang, miss?" 

Tumango naman siya at nagpasalamat tsaka naman may humila sa'kin ng marahas. Galit na Zyriex ang bumungad sa'kin. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya na nagkaroon ng emosyon. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ay bumalik na sa dati ang expresyon ng mukha niya. 

"Zyriex! This way," sigaw ng kung sino sa likod namin. 

Paglingon ko ay nakita ko si Matt na kumakain pa ng lollipop. Napansin ko rin na nauna na ang babaeng tinulungan ko doon. Kaagad naman akong hinila ni Zyriex ng wala man lang pasabi. Nainis naman ako sa ginawa niya. 

Nakailang hawak na siya sa'kin a! Kainis! 

Malapit na sana kami sa daan na itinuro ni Matt ng pareho kaming nabigla ni Zyriex at napahinto pa dahil sa isang katawan na bumagsak sa gilid ng dinadaanan namin. 

Naalala ko na ang pangalan niya, si Atlas. Ang lalaking bumugbog kay Zyriex. Siya ang bumagsak sa gilid ng dinadaanan namin. Wala na ang pang-itaas niyang damit kaya kitang-kita na ngayon ang katawan niya. Tumayo naman siya na parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Naagaw naman ang atensyon ko sa maliit na tattoo na nasa dibdib nito. 

That tattoo. Nakita ko na 'yan dati.

Napalingon siya sa'min ni Zyriex, "Ano pang tinutunganga ninyo? Run idiots!" Sigaw niya sa'min. 

Hinila na naman ako ni Zyriex matapos iyong sabihin ni Atlas. Kung makahila naman 'to wagas! Kaya ko namang tumakbo ng hindi siya hinahawakan e! 

Sa inis ko ay marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. 

"Kaya kong tumakbo ng hindi hinihila, para malaman mo!" Masungit kong wika sa kanya. 

Narating na namin ang daan na itinuro sa'min ni Matt. Papasok ito sa boys dorm kung kaya't wala akong choice kundi ang pumasok na lang sa loob para hindi na kami habulin no'ng malaking hayop na 'yon. Hinihingal akong napahinto sa loob ng building. Nanuyo ang lalamunan ko sa pagtakbo namin kanina. Bigla na lang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako doon at mabilis na tinampal ang kamay na iyon. 

"Aray naman Gianna!" Nagulat ako nang makita ko si Ellesse. 

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. 

Bigla namang nawala ang panunuyo ng lalamunan ko kaya kaagad kong naintindihan ang paghawak niya sa balikat ko kanina.

I forget that she's a water att.

"Running for our lives, of course." She sarcastically said. 

"Si Olivia? Si Elleanor?" 

Umiling siya, "Hindi ko alam. Nagkahiwalay kasi kami kanina ni Lea kaya hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hindi ba't magkasama kayo ni Olivia?" Tanong niya rin sa'kin.

"Nagpaiwan sa room kanina kasama sina Mirra at Shamil. Hindi ko na rin napansin kong nasaan sila. Baka nasa dorm na sila." Sagot ko. 

Naramdaman ko naman na may tao sa likod ko kaya mabilis akong napalingon doon. Mabilis akong umatras nang muntik ng matusok ang mata ko sa lollipop na kinakain ni Matt. He's sniffing my neck. Nagsalubong ang kilay ko sa kaniyang ginawa.

"Ooh… Is that Zyriex's jacket?" Nang-aasar niyang tanong sa'kin.

Napalingon naman ako kay Zyriex na nakatingin na pala ngayon kay Matt. 'Yong mga tingin na naman niya ay walang emosyon. Mariin niyang tinitigan si Matt without saying any words habang si Matt naman ay nakangisi lang na nakatingin din kay Zyriex.

"Okay, okay! I'll shut up." He said as if he was surrendering. Itinaas niya pa ang dalawang kamay sa ere at tsaka siya dumistansya sa'kin. 

Siniko naman ako ni Ellesse, "Jowa mo?" Tanong ni Ellesse.

Nalukot naman ang mukha ko sa tanong niya, "Hindi a! Ba't ko naman jojowain 'yang bastos na lalake na 'yan?" Nandidiri ko pang sagot sa kaniya. 

Tumango-tango naman siya.

"Ellesse, alam mo ba kung anong hayop 'yung nasa labas?" Tanong ko. Pero iba ang sumagot nito.

"It's a hound dog. It's basically searching for someone na nakasalamuha ng taong hinahanap niya. If that thing attacked you, it means nakasalamuha mo ang hinahanap niya or…” Lumingon siya at tumitig sa'kin. “Ikaw mismo ang hanap niya." Dugtong niya.

Napansin ko naman na biglang natahimik si Ellesse sa tabi ko. 

"Does a hound dog become bigger in today's generation?" Tanong ko pa sa kaniya.

He scoffed, "We're living in this extraordinary world today, Gianna. Nothing is impossible now." He said as if there was another meaning in his word. 

"Scientists are to blame," bulong pa niya na narinig ko naman. 

I look at him intently. He seems familiar to me. Para bang hindi na siya bago sa mata ko. Napansin niya siguro na tinitingnan ko siya kaya naman nilingon niya ako. 

"Why?" Tanong niya. 

Umiling naman kaagad ako, "Nothing," sagot ko.

Just when I tried to peek outside ay may marahas na humila sa buhok ko, causing me to wince in pain. 

"Tang*ina mong babae ka! Ikaw ang pumatay kay Stella noh! Hayop ka! Ikaw ang hinahanap ng malaking hayop na 'yon! Dapat kanina ka pa niya kinain. You should have died!" Sigaw ni Darcey habang sinasabunutan niya ako. 

Inawat naman siya ni Ellesse, "Hey! Let her go, b*tch!" 

"Let her go…" isang malamig na boses ang narinig ko pagkatapos no'n ay nakita ko na lang na tumilapon na sa pinakamalayo si Darcey. 

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam kung sino ang gumawa no'n sa kaniya. Nalaman ko na lang no'ng nilapitan ako ni Ellesse at inayos ang buhok ko. 

"Your hair Gianna," alalang sambit ni Ellesse. 

"Don't you dare make a mess here in the boys' dormitory, woman!" Mariin na wika ni Damonn kaya napatitig ako sa kaniya. 

Siya pala ang nagpatilapon kay Darcey. Ngunit ikinagalit lamang iyon ni Darcey dahil isang napakalaking kapangyarihan ang ibinato niya sa'min. Mabilis ang pangyayari, nakita ko na lang ang sitwasyon ko na niyayakap ni Zyriex na para bang pinoprotektahan niya ako. Sa unahan naman ni Zyriex ay si Damonn na bahagyang sinangga ang malaking atake ni Darcey. 

Saglit akong natulala. Hindi ko naman sila gaanong kilala, pero kung protektahan nila ako ay parang ako ang pinaka importanteng tao sa paaralan. Nakita ko rin si Ellesse na nakaamba ang kapangyarihan habang si Matt naman ay nakaupo lang sa isang upuan habang kumakain ng lollipop na para bang nanonood ng isang pelikula dahil ngumingiti pa siya ng bahagya. 

Biglang pumalakpak si Matt na ikinalingon namin sa direksyon niya, "What a nice scene!" Maloko siyang ngumisi. 

Habang si Darcey naman ay humahangos pa ng iyak sa 'di kalayuan na para bang nawalan siya ng pag-asa. Naagaw ang atensyon ko sa tanong ni Zyriex. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Habulin ka ba talaga ng gulo? Kagaya ko?" Mahina niyang tanong sa'kin na sa hina nito ay ako lang siguro ang nakakarinig nito. 

Ayan na naman 'yong mga mata niyang nangungusap. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at bahagyang dumistansya. Masiyado kasi siyang malapit sa'kin e. Naiilang ako.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya kasi mas inuna kong sagutin si Darcey na umiiyak na ngayon na naka-upo sa sahig. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya pero pinigilan naman kaagad ako ni Ellesse. 

"Gianna," makabuluhan niyang tawag sa'kin. 

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko, "Okay lang, kakausapin ko lang siya." Mahinahon kong sambit sa kaniya. 

Nang makalapit kay Darcey ay umupo ako sa tabi niya. Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak niya. Masasabi ko na siya 'yong tipong tao na mabilis lang madala ng dahil sa emosyon niya. Pinsan niya si Stella kaya naiintindihan ko kung bakit siya ganyan.

"I didn't kill her, Darcey. And if you think that I killed her, then find me some evidence. Kapag nakahanap ka na ng ebidensya ay hindi na ako aangal sa kung anong gagawin mo sa'kin." I seriously said it to her. 

Masama naman niya akong tiningnan. Marahas siyang tumayo kaya tumayo na rin ako. 

"I'll find it, then I'll kill you just the way you killed her." She greeted her teeth in anger as she said those words. 

Tapos non ay lumabas na siya not even minding the big dog na gumagala sa labas. But to my surprise, sumipol siya at ang malaking aso kanina ay biglang lumiit. Bumalik ito sa normal na anyo ng isang aso. Tumakbo ito sa kaniya as if she's the owner. 

"Ikaw pala pakay no'n, Gianna." Malamig na sabi ni Damonn. 

Napalunok na naman ako, "I swear… hindi ako ang pumaslang sa pinsan niya." Depensa ko pa.

Tumunog naman ang pagtanggal ni Matt sa lollipop niya tsaka niya ako sinagot ng hindi tinitingnan.

"I know, lady." 

———

Blaze's Point of View

"Call Doc Roydein if there's something wrong with the patient, okay? You keep monitoring her. She's a VIP, Nurse Gee." Paghahabilin ko sa pinagkakatiwalaan kong nurse. 

Tumango naman ito, "Makakaasa po kayo Doc," nakangiti nitong sagot sa'kin. 

"I'll go now," paalam ko sa kaniya as I find my way out of the room.

Tumunog naman ang cellphone ko sa bulsa kaya kaagad ko itong kinuha. Enzo's name pops up on my screen. I immediately answered it. Naupo na ako sa upuan ng office ko nang magsalita siya sa kabilang linya.

"Got another Item, Ji(G)." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"What Item?" 

"Another phone," sagot niya sa kabilang linya. 

"Hintayin mo ako, papunta na ako diyan." Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nagbihis sa hidden room ko rito sa office. 

I wear a black leather jacket na pinailaliman ko ng simple white t-shirt and simple black jeans on the bottom. I also wear a mask and cap. Kailangan kong balutin ang sarili ko para sa gagawin kong trabaho. Mahirap na, baka mamukhaan pa kami ng kalaban. 

Ginamit ko ang elevator ng hidden room ko para makalabas ng hindi nakikita ng ibang staffs sa hospital. Nang makarating sa ground floor ay mabilis akong sumakay sa paborito kong motorbike na ginagamit ko lang para sa misyon ko. 

Pinaharurot ko na ito at kaagad na nakarating sa isang abandonadong building kung saan naghihintay sa'kin si Enzo. Pagpasok ko pa lang ay puro alikabok na ang sumalubong sa'kin. Kaagad kong tinanggal ang mask ko nang makitang siya lang mag-isa ang naroroon. 

"Wazzup! Bilis mo naman nakarating." Aniya.

Inilihis ko kaagad ang usapan, "Nasaan na? At tsaka bakit dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at mayroon siyang inihagis sa'kin na kaagad ko namang nasalo. To my surprise, it's another phone pero ang isang 'to ay sira na. A foldable phone.

It looks familiar to me.

"May lead akong nahanap mula sa isa nating informant. Pumunta raw sila sa lugar na'to to take that 'thing' na hinahanap na ngayon ng nakakarami. That thing must have valuable information, right?" Paliwanag niya sa'kin. 

I raised my eyebrow, "Wala tayong lead kung sinong may hawak ng bagay na hinahanap ng lahat, En(N). We'll wait until that girl will wake up." Usal ko sa kaniya. 

Tumawa naman siya,  "You're such a good doctor. Biruin mo, binuhay mo 'yung patay." I glared at him. 

"Hindi ko siya binuhay En(N), Siya mismo ang nagligtas sa sarili niya. And she's a bit rare and now I understand where she came from at kung sino ang gumawa sa kanya ng ganun. All we need to do is wait and confirm it to her." 

Ang babae na 'yun… kaya niyang gamutin ang sarili niyang sugat sa katawan. Though sa mga maliliit nga lang na sugat. Naghihilom lang ito ng sa kaniya lang kaya nakatagal siya ng ganun.

"Yeah, but to tell you honestly. I can't stop thinking about Luna." Binato ko siya ng sirang cellphone na hawak ko. Masama ko siyang tiningnan.

"Hindi kayo bagay ng kapatid ko kaya tigilan mo siya!" Asik ko sa kaniya. 

"Ji(G) naman! Maganda ang kapatid mo pero hindi ko siya gusto in a romantic way! Don't get the wrong idea man! Sinasabi ko lang na baka nasa kanya ang hinahanap ng lahat. Tinatago niya lang sa'tin." Paliwanag niya. 

"Linawin mo kasi," galit kong sambit.

Ngunit napaisip ako sa sinabi niya sa'kin. Muli ay napatingin ako sa cellphone na itinapon ko sa kaniya. Naalala ko rin ang cellphone ni Luna na nakita kong nahulog sa bulsa nong nakalaban namin noon ni Enzo. 

The puzzle is pointing correctly at her but I refuse to believe. I don't want to believe it unless I confirm it with her.

"The headquarters called. Agent Aye(I) is missing." Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. 

"Agent Aye(I)? Our top agents are missing? Are you kidding me, Agent En(N)?" Seryoso ko pang tanong sa kaniya. 

"No, I'm not, Agent Ji(G). It is true and that's why pinatawag tayo para pumunta doon." Doon na umawang ang labi ko. 

Agent Aye(I) is missing. Our top Agent in our secret agency. Our top Secret Agent has been missing. 

It is indeed shocking news to us. 

Who could it be? The one who defeated our top agent. Who? Is the organization making its move now? 




Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
384K 12.5K 53
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
32.1K 1.5K 42
For some reason, Ciara, the goddess of Death left the Abadon or known as the lower realm and went up into the Mortal realm. She was hoping for a new...
21.8M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...