The Rare Ones

By EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 24

1.8K 56 3
By EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 24.
Dead body, again
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

*Kinabukasan*

“Okay ka na Olivia?” Muling tanong ko sa kaniya.

Inis naman niya akong tiningnan, "Ilang beses na ba 'yan Abigail. Okay na nga ako. Hindi lang talaga ako nakalaban kasi bigla nila akong pinalo sa ulo. Tapos no'n ay nagising na lang ako na nakagapos na." Paliwanag niya sa'kin.

"Kapag talaga nakita ko sila ay—" nahinto ako sa pagsasalita nang maagaw ang atensyon ko sa nagkukumpulang estudyante sa may unahan. Gayon din ang reaksyon ni Olivia. 

Nagkatinginan pa kami ni Olivia bago namin nilapitan ang mga nagkukumpulang estudyante. 

"Grabe naman 'yan. Sino kayang gumawa niyan." 

"Hala! Kawawa naman." 

"O my gosh babe! Natatakot na talaga ako. Parang ayoko na mag-aral dito." 

"Look at them, kung sino man ang gumawa niyan sa kanila ay napaka brutal talaga." 

Iyan ang iilan sa mga bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid. Sumiksik kaming dalawa ni Olivia para makita namin kung anong tinutukoy nila. Nang nasa unahan na kami ay ganun na lamang ang pagkagulat ko. 

Napapikit pa ako saglit at iniiwas ang tingin sa nakakasukang posisyon ng patay na katawan nila. Muntik namang masuka si Olivia sa tabi ko na hindi rin nakayanan ang nakikita. Muli ko silang tiningnan. 

Pugot ang ulo ni Stella habang nakaluhod sa may field. Hinahawakan niya ang sarili niyang ulo sa kaniyang dalawang palad na para bang ginawang display para sa nakakarami. Ang isa naman ay may maraming lollipop na nakatusok sa leeg nito habang nakaluhod din na parang nakikipag-usap. Ang isa naman ay parang sinaksak niya ang sarili niyang leeg habang nakalabas naman ang dila nito na nakaluhod din katulad nang dalawa. 

Nilingon ako ni Olivia na nanlalaki ang mga mata. Mariin akong umiling sa kaniya. Iniisip niya siguro na ako ang pumaslang sa mga ito ngunit hindi ko naman gawain ang ganiyang klaseng pagpatay. Hindi naman ako ganiyan ka brutal pumatay. 

"Luna, are you sure you didn't do this?" Bulong niya sa'kin. 

Umiling ako, "Why would I kill someone Olivia? Tsaka masiyadong brutal 'yan. I don't intend to hurt them no'ng niligtas kita sa kanila. Kaya hindi ako ang gumawa niyan." Paliwanag ko. 

Nagsidatingan na ang mga facilitator ng paaralan. Hinawi kami ng ibang mga pulis na kakarating lang din. 

"Excuse me, magsipasok na kayo sa silid ninyo." Sabi nong isang guro. 

Sa di kalayuan naman ay biglang may sumigaw. Tumakbo siya dito na umiiyak. Kaagad naman siyang pinigilan ng ibang pulis para hindi siya tuluyang makalapit.

"Oh my god! Stella! Stella! Who did this to you?" Umiiyak na sigaw ni Darcey kay Stella. 

Hindi ko alam na magkakilala pala sila. 

"Tara na Abi. I can't stay here any longer. Nasusuka na talaga ako." 

Tumango ako sa sinabi ni Olivia. Hinila niya ako habang nakatingin pa rin ako sa umiiyak na si Darcey. Sa likod naman niya ay inaawat siya ni Lyka. Doon nagtama ang paningin namin ni Darcey. Masama niya akong tinignan habang may luha sa mga mata niya. 

Nagmadali na akong umalis dahil baka sugurin na naman niya ako. Syempre magkakilala sila ni Stella. Siguro ay iniisip din niya na ako ang may kagagawan niyan. Nakaalis naman kami ni Olivia doon. 

Inabutan ko siya ng tubig kasi kanina ko pa napapansin na hinihimas niya ang dibdib niya. Mukhang hindi pa siya nakarekober sa nakita niya kanina.

"Tubig oh, uminom ka muna. Parang hihimatayin ka na diyan e." 

Kaagad naman niya itong kinuha at agarang ininom. Papasok na kami sa silid-aralan namin ngayon. Nang nasa pintuan na kami ay nakasalubong namin si Mirra. Sinipat ko ang itsura niya. Ganun din ang reaksyon ni Olivia. 

"Oh, wag ka na mahiya Mirra. Tingnan mo, may kaparehas ka na. Nagrambulan ba kayong dalawa ni Olivia at puro benda ang mga katawan ninyo?" Natatawang sabi ni Shamil. 

Nakabenda rin kasi sa ulo si Mirra. Buti na nga lang at maayos na 'yong sa'kin kaya natanggal ko na no'ng nakaraang araw lang. 

"Anong nangyari sa'yo Ms. Pres?" Tanong ni Olivia. 

Napansin ko na tumingin muna siya sa'kin at inilihis niya kaagad ang tingin kay Olivia. Palagi kong napapansin ang ganong galawan niya. Para bang kilala na niya ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.

"Gianna," kinalabit naman ako ni Shamil kaya napalingon ako sa kaniya. 

"Bakit?" 

"Nakita mo na ba?" Halos pabulong niyang tanong sa'kin. 

Tinutukoy niya siguro iyong nasa field. Pero hindi ako sigurado kaya tinanong ko na lang siya. 

"Ang alin ba?" 

She gesture na lumapit daw ako sa kaniya kaya ginawa ko naman and then she whispered into my ear.

"Patay na raw si Stella, 'yong pinsan ni Darcey." Kaagad akong napalayo sa kaniya. 

Mahina siyang tumawa habang tinatakpan ang bibig niya para hindi siya makagawa ng tunog. She's really weird. Mukhang masaya pa siya na may namatay. 'Yong paraan din ng pagsabi niya sa'kin na patay na si Stella ay para bang sabik na sabik siyang makita kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinasabi niya. 

"Ah, oo, nakita na namin ito kanina, nandoon sa field. Ba't ka tumatawa?" Hindi ko na napigilang tanungin siya. 

Napansin ko naman na umalis na si Olivia sa tabi ko at kinausap niya si Mirra. Mukhang close na close rin silang dalawa ni Mirra na ngayon ko lang napagtanto. 

Ngumiti naman siya sa'kin, "Deserve kasi," sagot niya na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. 

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka siya ang pumaslang sa mga ito. Napaka weirdo niya talaga kasi sa paraan na hindi ko maintindihan. Pero pumasok din kaagad sa isipan ko si Kuya Roy. Doon nanlaki ang mata ko nang mapagtanto.

"Bakit Gianna? Nagulat ka ba kasi tinatawanan ko 'yong namatay na tao?" Nakangiti pang tanong ni Shamil sa'kin. 

Umiling naman ako, "Hindi naman. Teka lang huh, may tatawagan muna ako." 

Pagpapaalam ko sa kaniya kahit na hindi naman talaga kailangan ng ganun. Ayoko lang talagang maging bastos sa kaniya. Muka pa naman siyang may saltik sa ulo e.

Tumango naman siya, "Go ahead, it's nice talking to you then." Nginitian ko lang siya ng bahagya sa sinabi niya at tsaka lumabas ako ng silid. 

Naglakad lang ako sa pinakamalapit na bench ng hallway. Hindi naman masiyadong marami ang mga estudyante sa labas kaya minabuti ko na lang na dito ko na kakausapin si Kuya Roy. 

Tinatawag ko na siyang Kuya ngayon sapagkat naalala ko na ang nakaraan ni Luna sa lalaki na 'yon. Para na talaga niyang kapatid iyon at iyon din minsan ang nagliligtas sa kaniya para hindi mapagalitan si Luna sa kaniyang totoong Kuya. Medyo may pagkamatigasin din pala kasi 'tong si Luna e kaya ganun na lamang kung mag-alala ang mga taong nakapalibot sa kanya.

I dialed Kuya Roy's number na naka-save na pala dito sa bago kong phone. Nag-ring lang ito ng isang beses at may sumagot na kaagad nito. 

"Why? I'm busy today Young Lady Luna." Bungad ng kabilang linya sa'kin.

"May tanong lang ako Kuya Roy. Anong ginawa mong trabaho nong nagpunta ka rito sa paaralan? Wala ka na bang ibang inasikaso maliban sa pagbisita mo sa'ming dalawa ni Olivia?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Nakalimutan ko palang sabihin kay Olivia na bumisita rito ang boyfriend niya kahapon. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na ito nasabi sa kaniya kagabi.

"Tiningnan ko lang kung okay na ba kayong dalawa. I also checked your dorm's security as that is what your brother commanded to me. That's all Young Lady," sagot niya sa katanungan ko. 

"Okay," aniko at pinatay na ang tawag. 

Busy daw kasi siya kaya hindi ko na pinahaba pa. Sa pagtalikod ko ay nabunggo ko ang lalakeng bigla-bigla na lang na nanghahalik sa'kin. Nahulog ang phone ko sa lakas ng impact. Pinulot naman niya ito at inilahad niya sa 'kin. 

Ngayon lang siya nagpakita sa'kin matapos niya akong nakawan ng halik sa pisngi. Masama ko siyang tiningnan at marahas na hinablot sa kanya ang phone ko. 

"Oh, there you are. Can I talk to you?" His voice is so calm but of course, in a monotone pa rin. 

Pero napapansin ko na kapag ako na ang kausap niya ay nawawala ang pagkaka-emotionless ng kaniyang mukha. Hindi ko alam, basta iyon lang ang napapansin ko sa kanya. 

"Nanghahalik ka tapos magpapakita ka uli para kausapin ako? Dati ka bang baliw?" Inis kong wika sa kanya.

Hinawakan naman niya ako sa pulsuhan, "Let's talk over there," tinuro naman niya ang lugar sa 'di kalayuan. 

Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita rito ang malaking puno at iyon ang itinuro niya. Mukhang gusto niya na makipag usap sa'kin in private. For what reason?

Hindi pa nga ako nakasagot ay hinila na niya ako. I greeted my teeth in annoyance. Kailan ka pa nagpahila sa lalaking hindi mo naman gaanong close, Gianna? 

Nang marating namin ang lugar ay kaagad niya akong binitawan. Masama ko siyang tiningnan.

"Ano bang pag-uusap natin?" Inis kong tanong sa kanya. 

He looked at me intently, "Us…" maikli niyang sagot.

Holy moly cow! Kailan pa naging kami? Delulu ba siya? Tang*ina! Inaamin ko maganda ang mata niya pero hindi ko naman siya gaanong kilala tapos sasabihin niya Us? Tsk! Nanaginip ata 'to e.

"Anong us? Umayos ka nga! Ano bang trip mo sa'kin?" Singhal ko sa kanya. 

Bumuntong hininga naman siya, "Can I—" 

"Attention everyone! Again, attention everyone. All students, please proceed to your respective dorms right now. Again please proceed to your respective dorms RIGHT NOW! No one is allowed to go outside until further announcements. Thank you." 

Natigil ang dapat na sasabihin ni Zyriex nang tumunog nga ang announcement na iyon. Muli ko siyang tiningnan na nakataas ang dalawang kilay, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Bilisan mo na! Pinapabalik na tayo sa dorm." 

Tumingin naman siya sa'kin na para bang nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya. 

"If you're not gonna talk, aalis na ako." Inis kong sabi sa kaniya at nagsimula nang maglakad nang hilain na naman niya ako at pigilan.

He then pinned me to the tree. Tinakpan niya na lang bigla ang bibig ko na bahagya kong ikinagulat kasi napakalapit niya sa'kin at dikit na dikit ang katawan naming dalawa. 

Pervert! 

Tatadyakan ko na sana ang paa niya when he 'Shhh' me away. "Don't make any sound or we'll might gonna die." Seryoso niyang saad ngunit bakas pa rin ang lamig sa boses niya. 

Napalunok ako sa sinabi niya habang may tiningnan siya sa likod ko. Kinagat ko ang kamay niya kasi kaya ko namang tumahimik na wala ang kamay niya ngunit hindi iyon natinag. Bigla kong naalala na hindi pala siya nakakaramdam ng sakit kung kaya't masama ko siyang tiningnan. 

Nakatingin na rin pala siya sa'kin ngayon. Nakatingala ako ngayon sa kaniya kasi nga mas matangkad siya kumpara sa'kin. Nang makuha niya ang tingin ko ay tinanggal na niya ang kamay niya na nasa bibig ko. 

I whispered to him, "Ano ba kasi 'yang tinitingnan mo? Chancing ka na a!" He 'Shh' me again at inilagay niya pa ang hintuturo niya sa labi ko. 

Mariin ko siyang itinulak at mabilis na umikot para makita ko kung anong tinitingnan niya. Natakpan ko ang sarili kong bibig nang makakita ako ng malaking pangil ng ngipin sa isang hayop na sigurado akong mas malaki pa sa tao. Nasa likod ito ng puno as if sniffing something. 

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Zyriex sa likod ko. Magrereklamo sana ako sa ginawa niya nang maramdaman ko na lang na lumamig ang buong katawan ko. 

"Forgive me," usal niya. 

Bago pa kami makita ng malaking hayop na 'to o kung anuman itong nasa harapan namin ay naging yelo na kami. Sa tingin ko'y ginamit ni Zyriex ang kapangyarihan niya at gumawa siya ng ice barrier na maliit lang. 

Kahit na malamig sa loob ng barrier na ginawa niya ay ramdam na ramdam ko naman ang init ng hininga niya sa likod ko. Maswerte siya't nayakap niya ako ng hindi nakakakuha ng suntok. Kapag nagkataon ay baka may black eye na siya ngayon. 

"What is that thing?" Mahina kong bulong sa kaniya.

"Stop talking, it might hear you." Bulong niya rin na nagpakilabot sa buong sistema ko. 

Nasa tenga ko ang bibig niya at nakiliti ako ng bahagya no'ng magsalita siya. Ghad! Ano bang ginagawa ng lalakeng 'to sa'kin? Nanindig naman ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Naikuyom ko ang sarili kong kamao habang nakahawak sa palda ko. Nakauniporme kasi kami. 

"Uhm… nilalamig na ako." Bulong ko na nanginginig pa ang boses. 

"Can I get your permission then? Hindi pa pwede kasi hindi pa umaalis ang halimaw." Bulong niya pabalik sa'kin. 

Tumaas na naman ang balahibo ko dahil sa boses niya. Nilalamig na talaga ako. Nagsimula na ring manginig ang bibig ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. 

Tumango na lang ako sa sinabi niya tapos no'n ay napapitlag ako nang umikot siya sa harapan ko. He wraps me with his jacket na nakabukas and then niyakap niya ako, sakto lang para makahinga ako sa loob ng jacket niya. Hindi niya tinanggal ang jacket niya, kumbaga ipinasok niya lang ako doon kaya naman nakahilig na ang ulo ko ngayon sa dibdib niya.

Maya-maya pay naramdaman ko na lang na tumilapon kami. Dahil sa pagkakabigla ko ay napayakap ako kay Zyriex. Mahigpit din ang yakap niya sa'kin. 

"F*ck!" bulalas niya. 

Nabasag ang ice barrier na ginawa niya at nagpagulong-gulong kami ngayon sa lupa habang yakap-yakap niya pa rin ako na animo'y prinoprotektahan. Nang mahinto kami sa paggulong ay napadaing muna ako sa sakit ng katawan ko. 

"Argh!"  

Mabilis naman akong hinawakan ni Zyriex sa balikat at pinatayo niya kaagad ako.

"You okay?" Tanong niya na tanging tango lang ang nasagot ko. 

"We need to run," sambit niya sa'kin bago niya mabilisang hinubad ang jacket tsaka pinasuot niya sa'kin. 

Hindi ko napansin na napunit pala ang ibabang bahagi ng uniporme ko sa itaas. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako para makatakbo na kami. 

Napalingon ako sa likod. Saktong pagtakbo namin ay ang pagtalon ng malaking hayop sa kinatatayuan namin kanina. 

"What the hell is that thing?" 

Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakita ng ganyang klaseng hayop. Isang hayop na parang aso na maikukumpara mo ang laki nito sa isang helicopter.

Na sa sobrang laki ay kaya kang lamunin nito nang hindi na nginunguya pa.



─•~❉᯽❉~•─


Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)


Continue Reading

You'll Also Like

80.3K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...
47.2K 1.3K 49
We all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could yo...
56.6K 2.3K 31
{COMPLETED) UNDER HEAVY REVISION! Highest rankings: #1 in greeks #1 in Titans #1 in Fantasy #1 in killings #1 in murder #1 in Olympians #1 Olympus G...
143K 7.1K 56
A single but stable woman got in a car accident and found herself in a Duchess' body who will die at the age of hundred twenty six due to the curse o...