The Billionaire's Surrogate

By SweetAga16

145K 3.4K 1K

"I guess my role ends here... Thank you for using me." More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 15

2K 45 6
By SweetAga16


Enjoy Reading, Sweeties

Bernadette

"Bakit nandito na naman ang beshy ko na 'yan?" tanong ni Kassidy sa akin na para bang pakiramdam niya araw-araw kong gustong makipagbiruan sa kan'ya.

"Oh nasaan 'yong tumbling?" tanong ko.

"Madalas bobo ka, naka-skirt ako. Kapag jogging pants 'to baka nag-split pa ako sa harapan mo beshy," tumatawang sabi niya.

Kapag talaga kalokohan sa internet ay mabilis si Kassidy.

"Bakit ba nandito ka na naman? Secretary ka na, dapat nando'n ka sa opisina ni Boss," sabi ni Kassidy habang abala siya sa harapan ng computer niya.

Hindi ko sinagot ang tanong si Kassidy sa akin. Bigla lang kasi akong natulala lalo't naalala ko ang ginawa ko kagabi.

Napaka-impokrita ko!

"Ma'am Bernadette," napatingin kami ni Kassidy sa tumawag sa akin sa may pintuan. Kung 'di ako nagkakamali ay under ito sa department ng finance rito sa kumpanya.

"Y-yes?" mahinang tanong ko.

Simula nang maging secretary ako ni Xandro ay nagbago na rin ang tawag sa akin ng mga empleyado rito.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Del Bono," he said at kumaway kay Kassidy kaya naman biglang napataas ang kilay kong tumingin sa kaibigan ko.

"Ano'ng ibig sabihin no'n?" chismosang tanong ko pero nginisian lang ako ni Kassidy kaya naman napairap ako.

"Puntahan mo na lang 'yong Bebe ni Angel! Pasalamat ka talaga may kapit ka, kundi itapon kita sa ilog," sabi pa niya kaya naman inirapan ko na lang siya at nagmamadaling pumunta sa opisina ni Xandro.

Kinakabahan man ay mukha naman walang pakialam si Xandro sa sinabi ko kagabi kaya hahayaan ko na lang na huwag pag-usapan ang kung anong nangyari.

"Bakit?" mahinang tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa opisina ni Xandro. "May kailangan ka ba? Coffee? Tea?"

"All the schedules of the meetings I need to attend, Ms. Sumaya," he said seriously without even looking at me. His eyes were really focused on the laptop on his desk.

"All t—-"

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.

"Are all business proposals and reports complete? Are there no claims that I need to sign?"

"Naipadal—"

Napapikit ako sa inis nang muli niyang putulin ang sasabihin ko.

"Ang mga naunang mga importanteng tao lang ang kaya kong i-meet, ikaw na ang bahalang mag-reschedule para sa susunod na buwan," pagpapatuloy niya pang sabi.

Agad naman akong nag-react lalo't ilang beses na akong nag-reschedule ng meeting para sa kan'ya. Marami nang magagalit at siguradong ako na naman ang kawawang guguluhin kapag nagkataon na nawawala na naman si Xandro.

"Mr. Del Bono, ilang beses na akong n—"

"So?"

Bigla akong napakuyom ng kamao dahil sa tamong niya sa akin. Kanina pa niya pinuputol ang mga gusto kong sabihin. Galit ba siya dahil sa sinabi ko kagabi?!

"Are you complaining? Are you the boss here? I have to visit my girlfriend next week. I can't handle everyone who makes an appointment with me."

"What if hayaan mong matapos ang mga sasabihin ko? Sabat ka nang sabat!" inis na sabi ko kaya naman nakita ko ang gulat sa gwapo niyang mukha.

Maging ako ay nagulat din sa biglang paglabas ng kung ano sa bibig ko.

Hihingi sana ako nang pasensiya nang makita ko ang galit sa mukha ni Xandro.

"You're crossing the line again, Bernadette. Maybe I'm your best friend's boyfriend but I'm still your boss," he said seriously.

Minabuti ko na lang na hindi magsalita dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng sasabihin ko. Halatang wala siya sa mood.

Magpapaalam na sana ako nang bigla na lang may pumasok sa opisina ni Xandro.

"Leave us," sabi bigla ng Ina ni Xandro. Minsan ko palang siyang nakikita pero nakakabilib talaga ang taglay na ganda ng Ina ni Xandro.

Maybe the rich are like this, they take too much care of their physical appearance.

Naglakad ako papuntang pinto nang tuloy-tuloy sa pagpasok ang Ina ni Xandro. Halatang galit pa ang ginang.

"What do you think you're doing, Alexandro? I didn't send you home here in the Philippines just to embarrass our family!"

Natigilan ako sa harapan ng pinto nang marinig ko ang galit na sabi ng Ina ni Xandro. Gusto ko mang lumingon ay natatakot akong makita silang dalawa na nag-aaway.

"What else do you want from me, Mom? Can't you see I'm busy doing what I'm doing right now? You shouldn't bother me," Xandro said coldly.

"Work?! How many times have you been seen gambling because of those useless cars! You still have not changed?! Your Daddy and I threw you in New York so you can grow up! Kasal?! Kailan ka magpapakasal!" sigaw ng Mommy ni Xandro.

Madiin akong napapikit dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko naman akalain na dahil sa pagiging chismosa ko ay makakasaksi ako ng ganitong eksena sa trabaho ko.

"Why are you in such a hurry, Mom? What you're asking is not just my decision! I need to consider my girlfriend's decision about that matter!"

Nagsisigawan na silang dalawa. 

"Angel? 'Yong babaeng pinagmamalaki mo? Hindi ka no'n mabibigyan ng anak, masyadong importante ang career ng babaeng 'yon para lang isakripisyo niya para mabigyan ka ng tagapagmana," malamig na sabi ng ginang dahilan kung bakit naikuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko.

'Please, defend Angel, Xandro,' mumunting hiling ko.

Hinihintay ko ang sasabihin ni Xandro para ipagtanggol si Angel. Nararamdaman ko na agad ang galit para sa Ina ni Xandro.

I've been through it.

Naramdaman ko na kung paano hindi makakuha ng suporta mula sa Ina ni Lance. Hindi ko gustong pati si Angel ay mararanasan ang ganoong pagsubok.

Masyado nang mabigat ang pinagdadaanan niya.

"Mom, stop," Xandro whispered. Nahalata ko sa boses niya na tila nagtitimpi siya.

"Bakit ako titigil?!" sigaw ng Ina ni Xandro dahilan kung bakit napahawak ako sa batok ko.

Narinig kong tila may nabagsak kaya naglikha 'yon ng ingay kaya nilingon ko si Xandro. Tsaka ko lang nakita na galit na tingin niya sa Mommy niyang nakatalikod sa akin. 

"What is it about that girl that you can't leave her?! Una palang humiling na ako sa kan'ya ng anak na siyang magdadala sa apelyido mo! Hindi ka ba natatakot!? Anak ka sa labas! Xand---"

"I told you to stop, Mom!"

"Bakit ako titigil? Ano ba'ng mahirap sa pagkakaroon ng anak, Xandro? Ayaw mong magpakasal?! Okay fine! Ayos lang!" sigaw pa ng Ginang. 

Nanginginig akong humawak sa pintuan ng opisina ni Xandro.

"Sinabi ko nang maghintay ka, Mom! Ibibigay ko ang gusto mo! Kailangan ko lang ng panahon! Kailan kong makausap sa bagay na 'yan si Angel!" sigaw ni Xandro kaya naman tuluyan ko nang binuksan ang pintuan.

Lalabas na sana ako ng may mga matang umiiyak akong nakita sa harapan ko.

"Angel," mahinang tawag ko sa pangalan niya at hindi ko alam kung narinig 'yon nila Xandro.

I panicked when I saw Angel run to the elevator.

"Angel!" malakas na tawag ko sa kan'ya at hinabol ko siya. 

Natigil lang ako sa pagtakbo nang tuluyan akong nakapasok sa papasarang elevator. Nakita ko pang humahabol si Xandro kaso tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator.

"Angel," mahinang tawag ko kay Angel na tahimik lang na umiiyak sa gilid ng elevator.

"Xandro's Mom doesn't really like me," she whispered.

Hindi ako sumagot dahil sa sinabi niya dahil base nga sa narinig ko kanina sa pagtatalo ni Xandro at ng Mommy nito ay madali mong masasabi na hindi nga boto ang Ina ni Xandro kay Angel na labis kong hindi maunawaan.

Ano pa ba ang hahanapin niya kay Angel?

Masyado na itong perpekto para lang hindi pa gustuhin.

Alam ko ang pakiramdam ng hindi gustuhin ng Ina ng lalaking iniibig na alam kong malaking dahilan kung bakit naging ganito ang naging kinalabasan ng relasyon namin ni Lance.

Wala man lang kaming magandang pananapos sa relasyon naming dalawa.

Hindi ko naman gustong mangyari pa kay Angel ang nangyari sa akin na biglaan na lang iiwan sa ere.

"Angel," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Ang tangi ko lang maitutulong sa kan'ya ay hindi siya iwan ngayon na kailangan na kailangan niya ako.

"Xandro's Mother will hate me even more when she finds out I can't give her son a child," she whispered.

"Angel, hindi naman ang Ina ni Xandro ang magdedesisyon no'n kundi kayong dalawa ni Xandro. Mauunawaan ka niya kung ipapaalam mo an---"

"Ang ano?! Na hindi ko kayang mabuntis dahil baog ako gano'n ba 'yon?!" sigaw ni Angel sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo't hindi ko naman nararamdaman ang sakit na pinagdaraanan ngayon ni Angel.

I don't know what advice I can say to reduce the pain and weight in Angel's heart.

"Even if the world were turned upside down, I would not be a Mother, Bernadette. Hindi ko mabibigyan ng anak si Xandro!"

"Pwede bang kumalma ka na muna, Angel? Nandito pa rin tayo sa kumpanya ni Xandro. Isa pa, hindi pa kayo nakakapag-usap na dalawa," mahinang sabi ko pero kitang-kita ko pa rin ang sakit sa magandang mga mata ni Angel.

Siguradong pumunta siya rito upang surpresahin si Xandro lalo't hindi naman siya nagsabi na uuwi siya. 

"Ano'ng gagawin ko, Berns?" mahinang tanong ni Angel sa akin na para bang umaasa siyang may masasabi akong magiging sagot sa pinagdaraanan niya ngayon. 

"H-hindi ko alam, Angel," mahinang sabi ko sa kan'ya kaya naman nagsalubong ang paningin namin dalawa. Ngumiti ako ng mapait sa kan'ya.

Ano ba'ng maitutulong ko?

Ano ba ang pwede kong sabihin para lang gumaan ang pakiramdam ni Angel?

Wala akong alam.

Hanggang ngayon maging sa mga problema ko sa buhay ay hindi ko pa nasusulusyunan. Hanggang ngayon nagtatago pa rin ako sa mga problemang kinakaharap ko.

Kahit na paulit-ulit kong sabihin na kinakaya ko, hindi pa rin ako masaya.

Kasi wala naman akong pamimilian kundi kayanin, kung susuko ako ay paano na lang ang mga kapatid kong umaasa sa akin? Paano na lang sila na kumukuha ng lakas sa akin?

- - - - - 

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" mahinang tanong ko. 

Nandito kami ngayon sa Manila Bay at titig na titig sa dalampasigan. Buti nga kahit papaano ay maayos na 'to at hindi na basura ang makikita sa dalampasigan.

"Kanina pa nakapatay ang cellphone mo kaya siguro ako ang kanina pa tinatawagan ni Xandro," mahinang sabi ko habang nakatitig sa cellphone ko dahil nga tumatawag si Xandro.

"Ayaw ko munang umuwi," mahinang sabi ni Angel. Kanina pa namamaga ang mata niya dahil sa labis na pag-iyak.

"Hindi mo ba kakausapin si Xandro? Xandro will surely understand you," I whispered.

Sa kaunting panahon na nakasama ko si Xandro base sa mga sinabi niya sa akin at nasaksihan ko kaninang nag-aaway sila ng Mama niya ay nirerespeto niya ang desisyon ni Angel tungkol sa pagkakaroon ng anak at kahit papaano sapat na 'yon sa akin na pagkatiwalaan siyang maiintindihan niya ang kalagayan ni Angel.

Hindi sumasagot si Angel kaya naman hinawakan ko ang malamig niyang kamay.

"Angel, no matter what happens it is Xandro's right to know what you are going through. Nobyo mo siya at sa tingin ko dapat hindi mo inililihim sa kan'ya ang tungkol sa bagay na 'yon," makahulugan kong sabi sa kan'ya kaya naman tinignan ako ni Angel kaya nginitian ko siya.

"P-paano kung iiwan niya ako dahil baog ako?" mahinang tanong ni Angel.

Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata niya kaya naman ngumiti ako sa kan'ya. Hindi ko na inalis ang ngiti sa mga labi ko.

"Maiintindihan ka niya," mahinang sabi ko.

Wala akong ibang magagawa kundi pagkatiwalaan din si Xandro na hindi niya iiwan si Angel kahit na ano pa ang magyari.

"Wala kang ibang pamimilian kundi pagkatiwalaan din si Xandro," mahinang sabi ko kay Angel kaya naman pinakatitigan niya ako. "Pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na meron siya sa 'yo."

Dahil alam kong mahal na mahal niya si Angel.

Sapat nang malaman ang ginawa niya kagabi para masabing mahal na mahal niya si Angel.

Sapat na 'yon.

"Bernadette," mahinang tawag sa akin ni Angel kaya naman tinignan ko siya.

"Hmm?"

"You said you could do anything for me didn't you?" she suddenly asked.

Kita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Angel kaya naman nginitian ko siya kahit na may kakaibang kabang dumaan sa dibdib ko.

"May gusto ka bang gawin ko?" mahinang tanong ko sa kan'ya at diniinan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"I just thought of another way for Xandro and I to have a child. I just thought that I can choose that thing to have a baby," she whispered.

Ngumiti ako upang ipaalam sa kan'ya ang pagsuporta ko.

"Mabuti kung gano'n n---"

"Surrogacy," she whispered.

Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niyang surrogacy.

"Paano 'yon A---"

"Be our surrogate, Bernadette."

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Angel.



- - - - - - - - - -



Please READ, VOTE, & COMMENT



Continue Reading

You'll Also Like

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
25.5K 444 33
After her heart was shattered by the man she thought loved her, Khiana went to Vista Verde Resort to forget, but then she met and caught the attentio...
451K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...