Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckbo...

Par JaspUy

1.7K 80 11

From the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. A... Plus

Final Chapter Part 1
Part 2. Ang Pagkawala ng Sumpa
Prologue
Chapter 1 Encounter with Manyakis
Chapter 2 Ang Babaeng Mangbubudol
Chapter 3 The Contract
Chapter 5 Mistaken Identity
chapter 6 The Agreement
Chapter 7 Unang Gabi
Chapter 8 Kuyukot
Chapter 9 Temporary
Chapter 10 Strange Feelings
Chapter 11 Mistaken
Chapter 12 Razzo's Past
Chapter 13 Babymaker (Razzo's Past Part 2)
Chapter 14 Misinterpret
Chapter 15 Hidden Feelings
Chapter 16 It All Started From Magic
chapter 17 Letting Go
Chapter 18 The Runway (Part 1)
Chapter 19 The Runway (Part 2) For todays Video
Chapter 20 Scream My Name, Sweetie
Chapter 21 Pansinin mo naman ako Mr. Epal
Chapter 23 Mental Disorder
Chapter 24 Saklolo
Chapter 25 Ang Kapahamakan
Chapter 26 Nostalgia
Chapter 27 Ang Surpresa
Chapter 28 The Queen is Alive
Chapter 29 Commercial
Chapter 30 Secret
Chapter 31 To Be With You
Chapter 32 Torn Apart
Chapter 33 Tubig Lang Lang Pahinga
Chapter 34 Ang Babaeng Walang Panty
Chapter 35 Camping
Chapter 37 Ang Mga Pangitain ng Paroa
Chapter 38 Reunion
Chapter 39 Reunion part 2
Chapter 40 Something In The Past
Chapter 42 His Crazyness Part 2
Chapter 43 Ang Kabit
Chapter 44 Fulfilled Dreams and Happiness
Chapter 45 Love That Never Ends
Chapter 46 Coffee Shop
Chapter 47 Multo ng Nakalipas
Chapter 48 Ang Babae sa Video
Chapter 49 Ang Lihim ni Razzo
Chapter 50 Legal na Asawa
Chapter 51 Magkalabang Mortal
Chapter 52 Dagok
Chapter 53 Mr. Chinito

Chapter 41 His Crazyness Part 1

11 0 0
Par JaspUy


        Mala paraiso at napakasosyal na resort ang location ng gagawin naming music video ni Bruno Lars. Inabot nga kami ng hapon nang maihatid ako ng service van ng Lay Naked Philippines. Sinabi ko nga kay Sir Patrick na wala akong magagamit na sasakyan papunta dito. Kaya sinundo ako ng mga empleyado niya.

        Hatak-hatak ko nga mag-isa ang malaking maleta ko na gawa pa sa panahon ng hapon. Namiss ko tuloy ang mga angels ko na dati-rati ay kasama ko sa mga photoshoot at sa kung anu-ano pang lakaran.

        Sa main entrance ng resort nakita ko ang mga kapwa ko model na gagandahan at nag gagwapuhan. Nagchichikahan nga sila at nagpapalitan pa ng mga number...Hmm inuna pa landi kesa sa trabaho.

        Pinauna ko nga silang pumasok sa main entrance. Nalilito nga kasi ako kung alin ba ang tulak o hatak sa push o pull. O di ba mga Mare marunong to! Hindi na nga ako papaloko sa pintuan kung alin ba hahatakin o itutulak ko sa push o pull.

        Pagpasok ko ay kaagad kaming binigyan ng drinks, wow ano to! Shot puno agad? Pero nang inumin ko juice lang pala pinamimigay nila.

         Nalungkot tuloy ang bessy niyo mga Mare. Akala ko nga may maagang painom agad dito sa resort.

        Tinawag kami para lumapit sa counter ng lobby. Isa-isa kaming pinasusulat ng pangalan sa guest list. Pagkatapos nun ay grupo-grupo kaming pumasok sa elevator.

       Habang naghihintay kami ng grupo ko ng pagkakataon sumakay ng elevator, bigla akong napalingon nang marinig ko na parang naulinigan ko ang boses ni Razzo.

       Saglit kong iniwan ang kagrupo ko upang tingnan dito sa malawak na lobby kung nandito si Razzo. Hindi ako nagkakamaling narinig ko ang boses niya.

         Wala akong nakitang ni anino ni Razzo tanging ang makikinis na marmol na sahig at dingding, mga painting, naglalakihang mga vase at kurtina lamang ang nakita ko sa lobby. Bukod sa mga ilang staff ng Lay Naked Philippines na abalang abala.

       Sa fourth floor napunta ang grupo ko. May daan sa balcony na puwedeng magtungo sa rooftop.

       Kitang kita ko magmula sa kinatatayuan ko sa rooftop ang napakalawak na dagat at ang araw na papalubog.

        Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na dumadampi saking katawan. Napakasarap din langhapin ang amoy ng dagat mula sa hangin. Sa sobrang ganda ng paraisong napagmamasdan ko ay mapapakanta ka na lang ng kanta sa tiklok.

Lord, I thank you for sunshine
Thank you for rain
Thank you for joy
Thank you for pain
It's a beautiful day-ay-ay-ay-ay
It's a beautiful day-ay

         Nakataas ang mga kamay ko habang kumakanta dahil nakakarelax sa lugar na'to. Walang problema, walang stress at higit sa lahat walang masungit na nobyo sa tabi ko. Sa gitna ng pagmomoment ko bigla akong napahinto nang biglang makadama ako ng may tao.

        Pagdilat ng mga mata ko ay wala naman akong nakita at nag iisa lang ako dito sa rooftop.

         "Hey you come on let's go down." Sigaw sakin ng isang russian model mula sa balcony ng kuwarto namin.

         Kaagad naman akong bumalik pero bago ako isara ang slidding door ay  tiningnan ko sa malayo ang rooftop.

          Hinding hindi ako magkakamali na naramdaman kong may tao.

          Bumaba nga kaming lahat patungo sa tabing dagat. Gaya ng mga magagandang bagay na nakita ko mula sa lobby at ang magandang view ng dagat, nagandahan din ako sa mga pool na nadaanan namin kanina. May makukulay na liwanag na nakalagay sa mga halamang at mga puno. May nadaanan din kami sa kanang bahagi nitong resort na may water activities na puwedeng sakyan. Kagaya ng zip line at yun parang malaking plastic na bola na kasya ilang tao sa loob.

         May malaking bonfire na malapit sa dalampasigan doon kami pinaupo sa palibot nito.

         Nagtanong nga ako sa katabi ko kung anong mayroon at ang sabi ay mag uumpisa na kaming magtrabaho.

          Maya-maya ay may nagtungo sa gitna namin ang isang matabang lalaki na may dalang megaphone. Nakasuot ito ng polo na bulaklakin na matchy- matchy dito sa resort.

           "Hello, makinig lahat. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin ako lang naman ang gumagawa ng mga music video ni Bruno Lars. So kung kilala niyo na ko alam niyo na isa sa mga batikang direktor. Ang gusto ko lang ang masusunod kapag sinunod niyo ko sa gusto kong ipagawa sa inyo magkakasundo tayo. Kung pasaway kayo at may attitude puwede na kayong umuwi.  Nagkakaintindihan ba tayo?" 

        "Yes Direk!" Sabay-sabay na sagot naming lahat.

        Maya-maya ay tinawag niya ang assistant direktor at ilang empleyado para utusan. Matapos mag-usap usap ay ay iniwanan na sila ng matabang direktor.

        "Alright models makinig lahat magkakaroon tayo ng briefing para alam niyo gagawin mamaya sa music video."

         Ipinamahagi samin ang dalawang pahina para malaman namin ang gagawin.

          Nakita ko sa bandang ibaba ng papel ang pahina  ang pangalan ko.

         "Ms. Melanie Catatacutanmo nandito ka ba?" Dinig kong sigaw ni Direk mula sa mataas na kinauupuan niya.

          Narinig kong nagtawanan ang mga kapwa modelo ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang pinagtatawanan nila si Direk na parang baboy na kumakain ng cornchips o ang apelido kong Catatacutanmo.

         "Quiet may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Sigaw niya samin lahat.

        "Nandito po ko Direk."

          Nilakasan ko boses para marinig ako ni Direk. Napalingon naman silang lahat sakin.

          "Oh, now I know why they choose you." Saad sakin ng direktor na masusi akong inoobserbahan.

          "Come here."

          "Halika Ms. Melanie ako magtuturo sayo ng lahat-lahat ng gagawin mo sa buong music video na gagawin natin." Akay sakin ng isang baaeng staff na may taglay din ganda pero mukhang wala sa bokubularyo niya pag-aayos.

        Naupo kami sa dalawang upuan na inuupuan ng mga nagbibilad sa araw dito sa beach. Bukid sa hawak kong mga papel, binigyan pa ko ng ilang guide sa mga gagawin ko.

         Tiningnan ko ang mga bagong papel at marami nga daw akong mga sequence na gagawin.

         Ang una nga daw naming gagawin mamayang gabi ay ang unexpected meet namin ni Bruno Lars. Habang nagkakasayahan kami palibot sa bonfire ay makikita nga ako ni Bruno Lars. Sasayaw din ako habang papalapit na kumakanta si Bruno Lars.

       Yakang yaka ko naman ang  paggiling ng bewang ko habang tumutugtog ang kanta ni Bruno Lars. Ang problema ko ay kung paano ko iaakto ang may kunting inosenteng at daring na tingin kay Bruno Lars habang kinukunan ako ng camera.

       Matapos ng briefing ay nag-umpisa na kaming magpractice. Kasabay ng malakas na tugtog ni Bruno Lars ay Kanya-kanya na kaming galaw ayon sa ibinigay na script samin. May nagkakasiyahan habang umiinom ng alak, may sasayaw ng fire dance, may naghahalikan habang ako naman ay masayang gumigiling sa gitna ng kasiyahan.

         May isang proxy ang nag-ala Bruno Lars na animoy umaaligid sakin at pinagmamasdan akong mabuti. Ganito pala paano gumawa ng music video. Umaarte din pero walang salitaang nagaganap. At mamaya pa nga daw sasalang ang mga big star na katulad ni Bruno Lars.

          Paulit-ulit nga kaming mga model sa ginagawang task namin habang inaasinta ang mga camera samin. Kailangan daw ang perfect na ang kuha bago sumalang sa camera si Bruno Lars.

         Inabot na nga kami ng gutom sa kakapractice lalong lalo na ko na umaga pa lang ay bumiyahe na. Nauna na nga akong pumila sa buffet, pakiramdam ko kasi nagwawala na ang buwaya sa tiyan.  Sa mga maritess diyan hindi bata ang laman ng tiyan ko kahit na madalas kong parang pinaglilihian si Razzo. Kulang na lang ay ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Kung hindi nga lang naganap ang pagbulyaw niya sakin ay baka kasama ko siya ngayon.

         Matapos kong punuin ang plato ko  na may bundok-bundok na kanin at ulam. Bigla akong nilapitan ng isang waiter at pinauupo ako sa isang nakahiwalay na lamesa.

     
         Pagkaupo ko ay may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.

         "Hulaan mo kung sino kami?"

         "Trish???" Sambit ko dahil siya ang unang nabosesan ko.

        Pagdilat ng mga mata ko nakita ko kaagad sa harapan ko sila Tiffany at Anna. Si  Trish pala ang nagtakip ng mga mata ko.

       "Uy anong ginagawa niyo dito?" Gulat na gulat nga akong naririto sila. Hindi ako makapaniwalang magkakasama kaming lahat ngayon.

        "Guess why, you might probably know the answer." Sagot sakin ni Anna.

        Nagka-idea na nga ako sa sinabing iyon ni Anna. Matik na! Ibig sabihin ay narito din si Razzo...ang jowa ko.

         "Ano naman pakana niya. Sinundan niya pa talaga ako dito tapos isinama kayo." Pagsusungit ko sabay taas ng kilay ko.

        "Ahm Melanie pag-aari ng pamilya nila itong resort." Pag-amin ni Anna.

       "Ano itong napakagandang resort na'to pag-aari niya at ng pamilya niya?" Di makapaniwalang sabi ko.

      "Yes Mamshie. Nakita mo ba yun kabilang isla at saka yun mga islet na natatanaw mo sa dagat. Pag-aari pa rin nila yun." Dagdag pa ni Tiffany habang nakikikain na sa plato ko.

       "So ibig sabihin nandito siya?" Tanong ko habang pasimpleng lumiligid ligid ang mga mata ko sa buong cafeteria nitong resort.

  
       "Uy hinahanap mo si Papa Razzo mamshie ha." Tukso sakin ni Tiffany.

  
       "Loka-loka hindi nuh! Kinukumpirma ko lang kung nandito siya." Mabilis kong sagot kay Tiffany.

     
       "Well your eyes is kinda searching for him. Nakita ko mata mo ganito oh." Ginaya nga ni Anna ang pasimpleng paglibot ng mga mata ko sa buong paligid.

       "Tse! Manahimik kayo hindi rin. Kaya ganyan mga mata ko malapit nang lumuwa sa gutom. Kung anu-ano napapansin niyo." Habang nagsasalita ako nakakita ako ng lalaking nagtatago sa malaking halaman ng palmera.

     
         "Akin 'to. Kumuha ka ng iyo." Sabi ko kay Tiffany sabay bawi ko ng plato.

         Nagsipagkuha na rin ng pagkain ang mga lokaret sa buffet. Sama-sama nga kaming kumain sa iisang lamesa.

         Matapos ang ibinigay saming break time ay bumalik na kami sa beach. May nakaset up na roon na air conditoned na tent para ayusan kaming mga model.

   
         Pero bago iyon ay nakita kong naroon na si Bruno Lars kausap ang direktor. Seryoso silang nag-uusap dalawa. Maya-maya ay tila idenedemo na kay Bruno Lars ang gagawin niya sa music video.

  
        Cool na cool nga ang lodi ko. Kumukumpas kumpas pa ang mga kamay niya sa saliw ng kanta niya na malakas na pinatutugtog dito sa beachfront. Siguro nga sa mga katulad niyang artist o performer maning mani na lang sa kanila ang mga gumawa ng music video.

   
        Mabilis lang akong nilagyan ng kolorete ni Tiffany. Laking pasasalamat ko at nariyan ang mga angels ko. Wala na nga akong inintindi sa ayos ko at pananamit ko.

       Nagbalik na kaming lahat sa bonfire kung saan mismo kukunan kami ng music video.

        "Hey is this the girl that are you saying?" Baling na tanong ni Bruno Lars sa direktor at ilang staff na na roon. "She's awesome and hot!" Ani Bruno Lars sakin.

        Ibinababa niya ang suot niyang shades kahit gabi na. Napansin ko ang napakalapad na ngiti niya at ang pantay-pantay na mapuputing ngipin.

       Napangiti lang ako ng pilit sa mga sinabi niya. Sabay hatak ko pataas ng pink na pang taas kong tupis. Habang ang pangbaba ko naman ay may nakatapis na manipis na tela.

        Sinabihan kami ni Direk na mag-umpisa na kami. Kaya pumuwesto na kami sa kanya-kanya namin tinatayuan kanina.

        Kasabay ng umpisa ng napakalakas na tugtog ay ang pagpasok ni Bruno Lars sa eksena. Kumakanta siya habang sinunsundan siya ng camera man na nakaupo ng iniaangat ng malaking bakal. Nag-umpisa na rin ang mga kapwa model ko na nag-ala party people.

         "Okay cut!" Sigaw ng direktor kaya natigil ang lahat.

         "Okay Dear it's your turn. Papasok ka kapag narinig mo na yun linyang..."

'Cause you make me feel like
I've been locked out of heaven
For too long, for too long
Yeah, you make me feel like
I've been locked out of heaven
For too long, for too long, oh-oh, oh-oh-oh

        "Sayaw-sayaw ka diyan tapos mamaya kukunan si Bruno Lars na nakatingin siya sayo. Tapos kukunan ka ulit ng camera man lalapitan kaniya ha. And then cut ulit tayo." Utos sakin ng Direktor.

       "Okay balik sa puwesto. From the top!" Sigaw ng direktor matapos akong iwan sa kinatatayuan ko.

       "1...2...3... Action!"

       Pagkaumpisa ng tugtog ay muling umawit si Bruno Lars habang kinukunan ng camera. Kami naman mga models ay balik sa dating gawi.

       Maya-maya nga ay lumapit na rin sakin si idol Bruno Lars. Nagtataka ko kung bakit hindi na nag-cut si direk at tuloy-tuloy na ang pagkunan samin ni Bruno Lars. Nakisayaw na rin siya sakin habang pumapalibot sakin.

       Natangay na rin ako sa galing ni Idol. Nakaka good vibes talaga mga kanta niya kaya naman  game na game din akong naki jamming sa kanya. Binalewala ko naman ang pagdikit-dikit ng katawan  saking likuran si Bruno Lars. Hindi ko na lang pinansin dahil feeling ko ay normal lang  naman makipagsayaw ng ganito.

       Biglang natigil ang malakas na tugtog na ipinagtaka ko naman. Nang igala ko ang aking paningin, nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko si Razzo na papalapit sa puwesto nila direk.

       Halos malaglag ang mga panga ng mga kasama kong babaeng models kay Razzo. Litaw na litaw ang kagwapuhan niya sa suot niyang polo na blue at white na floral at white na shorts. Kitang kita ko din nangingiti si direk at ibang mga babaeng staff na pumalibot sa kanya.

       "What's happening?" Tanong ni Bruno Lars.

       "Yeah hey you, what is happening there?" May tonong siga na tanong ko sa lahat.

       "Ah eh bebe boy. Di ba sabi ko ayaw ko ng mala-late se shooting keshe namen bebe boy eh."

     
      Natulala ako sa inasta ng direktor kay Razzo. Napagkamalan niyang model din si Razzo. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ayos at suot ngayon ni Razzo ay mapagkakamalan mo nga din siyang modelo.

     
       Litaw ang maumbok niyang dibdib dahil nakabukas ang kanyang polo. Parang puputok na sobrang sikip ang manggas niya dahil sa naglalakihan niyang mga biceps.

     Et seke nepenshin kong eng gwapo- gwapo nga niya ngayon mge beshy.

       Napailing ako bigla dahil nahawa ako sa pagsasalita ng direktor namin. Ewan ko ba sa direktor namin kung bakit pag dating kay Razzo nawala ang sungit niya.

        Naririnig kong nag-uusap sila ng direktor. May kung anong inirereklamo si Razzo na hindi ko naman maintindihan. Ang direktor naman ay tila parang di nakikinig. Unti-unting itong parang naghuhubad sa kinauupuan niya habang kumukutitap ang mga mata kay Razzo.

       "Razzo is that you?" dinig kong sabi ni idol Bruno Lars nang makalapit siya kanila Direk at Razzo.

        Si Razzo naman ay tiningnan lang niya si Bruno Lars at muling nakipag-usap kay direk. Si direk naman parang nagayuma na kay Razzo ay tatango tango na lang ito.

       Mabuti naman at nahimasmasan na si Direk at sumugaw samin na ulitin lahat. Pero sa pagkakataong ito nakasabit na mga kamay niya sa braso ni Razzo.

       Ang landi ni Ateng isang Razzo lang pala magpapabago ng panananaw niya. Dinedma ko na lang sila. Inirapan ko pa nga si Razzo nang magkatinginan kami.

      Nagumpisa na kami sa dating gawi at tulad ng dati paglapit sakin ni Bruno Lars ay dumidikit-dikit na naman ang katawan sakin ni Idol. Umiral na naman ang kagagahan ko sa buhay nang maisipan kong kunin ang mga kamay ni Bruno Lars para ilagay sa baywang ko.

       "Cut! Cut! Cut daw sabi ni Bebe boy!"

        Ano daw? Pinapa cut ni Razzo eksena namin? At bakit aber? Bakit?

       Nakita kong papalapit samin si Razzo kaya inihanda ko na sarili ko. World War 3 na 'to!

       Biglang kinabig ni Razzo ang kamay ko para dalhin ako palayo sa iba.

       "Anong gingawa mo?" Inis na tanong niya sakin.

      "Hindi ba dapat ako magtanong sayo niyan kung anong ginagawa mo? Nagtratrabaho ako, lahat kami iniistorbo mo ?" Singhal ko sa kanya.

     
To be continue
     

        

      

   
      

       

       

        

     

        

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

54.7K 2.9K 24
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
144K 3.5K 54
What will you do if you end up in someone else body?
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...