Roseta

By ChanZee218

2.8K 102 18

Isang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya n... More

CAPITULUS UNUS
CAPITULUS DUO
CAPITULUS TRIBUS
CAPITULUS QUATTUOR
CAPITULUS QUINQUE
CAPITULUS SEX"
CAPITULUS SEPTEM
CAPITULUS OCTINGENTI
CAPITULUS NOVEM
CAPITULUS DECEM
CAPITULUS UNDECIM
CAPITULUS DUODECIM
CAPITULUS TREDECIM
CAPITULUS QUATTUORDECIM
CAPITULUS SEDECIM

CAPITULUS QUINDECIM

171 5 0
By ChanZee218

      Humalo ako sa ibang kapwa ko Demonyo nang makita ko si Roseta. Lumilipad din siya kasabay ng ibang Demonyo.

      Huminto ako.  "Roseta!"

      Lumingon siya sa gawi ko saka ngumiti at dali daling lumipad palapit sa akin. Ang ganda niya para siyang Anghel.

      "Evo!"  kumapit siya sa braso ko.  "Si Papa kelangan niya ng tulong parang nanghihina ang Papa ko!"

      Dinama ko nang malapad kong palad ang maamong mukha ng aking Kabiyak.  "Sasaklolo kami kay Tiyo. Roseta... nabuhay muli ang iyong Ina."

      Kita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Roseta.  "Evo? T-totoo ba?"

      Tumango ako. "Oo."

      "Gusto kong sumama Evo. Gusto kong makita si Mama! Pangako hindi ako lalapit sa mga Mortal."

      Tinitigan ko siyang maigi.   "Sige... sumakay ka sa likod ko para mabilis tayong makarating doon."

      Umikot siya sa likuran ko saka kumapit sa magkabilang balikat ko.

     "Handa na ako Evo." 

     "Okay. Kapit lang Roseta.". saka ako mabilis na lumipad... masmabilis kami ni Dominico kumpara sa ibang Demonyo. Ikinapit ko sa likod ko ang mga braso ko para siguraduhing hindi malaglag si Roseta.

"TAMA NAAAA!!!! HINDI NA SIYA MAKALABAN!!!! MGA H*YOP KAYO! TAMA NA!!! MAAWA KAYO! BELPHEGOR!!!!"

      Tatlo laban sa isa. Hindi na sila naawa... Bagsak na si Belphegor hindi dahil sa mahina siya kundi dahil sa selyong nakasulat sa kinahihigaan niya.

       Itinali nila ang mga kamay ni Belphegor saka nila nilagyan ng kadenang barbwire ang leeg nito. Lalong tumulo ang luha ko dahil sa akin kaya nagkakaganito siya ngayon. Wala din akong magawa. Mahigpit ang kapit ko sa bakal kong selda.

      "O ano ngayon Demonyo? Asan Ang lakas mo? Wala kang kwenta!" sigaw ni James. Saka nito hinila ang kadena. Napahiyaw ako ng tumulo ang dugo ni Belphegor.

      "TAMA NA!!!! TIGILAN NYO NA SIYA!!! WALA SIYANG GINAGAWANG MASAMA!!! PABAYAAN NYO NA SIYA!!!!"

       Tumawa lang sila.

       "Tara. Ikadena nyo na yan diyan. May aasikasuhin pa tayo. Para mamaya kapag pinugutan na natin siya ng ulo.". utos ni James sa dalawa niyang kasama.

       Naiwan kami ni Belphegor.... umaagos ang dugo niya. Diyos ko bakit kelangang maging ganito. Sana Hindi nyo na lang ako binuhay uli kung ganito rin lang Ang sasapitin ni Belpepper...

      "M-monica... wag kang umiyak... Hindi pa ako mamamatay Imortal ako."

      Pero ramdam ko ang pagdurusa niya. Alam kong sinasabi niya lang yon para hindi ako mag-alala...

       "Sorry Belphegor...naghirap ka dahil sa akin..."

       "Hindi... Iuuwe kita nag-aantay sa atin si Roseta..."

       Pinilit niyang tumayo. Ngunit kada tayo niya nagliliwanag lamang ang simbolong kinalalagyan niya.

       "Tama na please wag ka na munang gumalaw..."

        Nakahiga lamang siya habang naliligo sa sarili niyang dugo….

       "Bakit ka pa pumunta?"  iyak kong tanong sa kanya....

       "N-naramdaman kita...Monica..."

       Pinapahid ko ang mga luha ko... hindi ko matanggap na nagkaganito siya. Ang Isang malakas at kinatatakutang Demonyo andito sa harap ko at naliligo sa sarili niyang Dugo... Sa nakalipas na labing anim wala siyang pinagbago... mabait at tapat pa din siya sa akin... Demonyo nga siya pero mabuti siyang Ama inalagaan niya si Roseta ang Anak namin at nanatili siyang sa akin lamang kahit Wala na ako... Ganito ba talaga dapat.

      Humihikbi ako....

      "Mahal kita Monica... minsan lang d-dumating ang k-kagaya mo...sa loob ng maraming s-siglo ng B-buhay ko i-ikaw pa lang ang n-nagpabago sa akin... t-tandaan mo Lage na m-mahal ko kayo ni Roseta."

      "Please... Wag ka na munang magsalita."

      May narinig akong dagundong. Pero hindi ako natakot. Nakaramdam ako ng tuwa.

      "Belphegor!?"

      "Oo. A-andyan na ang saklolo natin."

"T*NG*NA JAMES ANG DAMING DEMONYO!!! AKALA KO BA TATLO LANG YAN!!!!"  sigaw ni Andres.

      Tumawa ako. "Bakit natatakot ka na ba Bata?!"

      Lumapit ito at kwenelyuhan ako. "Masmadami sila sa atin!"

      "Relax may dadating natulong. Napapanood tayo ngayon ng buong Mundo at siguradong lahat sila magpadala ng mga sundalo nila."

       "Siguraduhin mo lang!". saka ako binitawan ni Andres. May nakita akong intresante.

       "Oi. Siya ba ang Roseta na tinutukoy mo?"  turo ko sa nag-iisang babae na nakasakay sa likod ng isang matipunong Demonyo na may nag-aapoy na sunggay.

       "Si Roseta nga!"

       Napangiti ako.  "Sige uumpisahan na natin ang palabas! Hindi naman sila makakalapit dahil sa mga selyo."

"EVO MAY MGA EROPLANO!"  Sigaw ko.

      "Stultus!"  ( St*pid! )  sagot ni Evo.

      Inilapit ko pang lalo ang tenga ko sa mukha ni Evo.  "Anong sabi mo."

      Tumawa ito.  "Wala..."

      Ikinumpas ni Evo ang kamay niya sa hangin saka may naglalagablab na bolang apoy ang nahulog mula sa Kalangitan. Sinlaki lang ito ng mga kamao ko pero sapat na upang magpabagsak ng Isang Eroplanong pangdigma.

      Napisil ko ang pisnge ni Evo.  "Ang galing mo!".  tumawa lang siya.

      Sinalubong ng ibang Demonyo ang mga Eroplanong pangdigma. Habang ang iba naman ay asa lupa at nakikipaglaban.

     "Wala pa si Ama at ang mga Tiyo natin."

     "Bakit ganun Evo. Ang ibang Demonyo nakapunta dito. Bakit sila Hindi?"

     "Mataas na Uri sila ng lahi natin Roseta. Masmapanganib sila kumpara sa atin ni Dominico. Ipinagbabawal silang tumawid sa Mundo nang mga Mortal."

     "Kung ganun. Anong mangyayari?"

      "Wag kang mag-alala si Ama may Isang salita siya. Gagawa at gagawa sila ng paraan. Basta dadating Sila. Roseta."

      "Evo si Papa yon diba?!"

      Nagimbal ako sa nakita ko. Si Tiyo Belphegor sugatan siya at asa anyong tao siya.

      Humagulhol na si Roseta.

      "Ang P-Papa ko Evo..." 

      Itinali nila si Tiyo sa isang bakal. May kasunod silang babae si...

      "Si Tiya Monica! Ang Mama mo Roseta."

      "Mama? Si Mama ba ang babaeng yon?"

      "Oo... Mga walanghiya sila!" 

      "Evo! Roseta!"  lumapit sa amin si Dominico.   "Bakit dinala mo siya dito!? Mapanganib Dito!"

      "Tama na Kuya. Wag kang magalit Kay Evo. Si Papa at si Mama---"

      "May selyo si Tiyo Belphegor at ganun din ang buong gusali! Tanging mga purong tao lamang ang nakalabas pasok sa l*ntik na gusaling Yan!"  galit na turan ni Kuya.

      "Kumusta mga Demonyo! May gagawin tayong palabas! Gusto kong panoorin nyo kung paano ko pupugutan ng ulo ang nilalang na ito!"   sigaw ng lalaking may hawak na espada.

       "HINDIIII!!!!! PAPA!!!!!!!"

       Agad na lumipad si Roseta palapit sa gusali. Hinabol namin siya ni Dominico.

      "ROSETA WAG KANG LUMAPIT MAWAWALA ANG PAGIGI MONG IMORTAL!". sigaw ni Dominico pero nagpatuloy lamang si Roseta.

      "PAPA!!!! PAPA!!!!"  tumingin sa akin si Papa ganun din ang Babaeng sinabi ni Evo na siyang Ina ko.

      "Roseta Anak! Lumayo ka sa Lugar na to!"   sigaw ni Papa.

      Umiling ako. Lumapit pa akong lalo sa gusali. Nagliwanag ang mga selyo. Naramdaman kong niyakap ako ni Evo Bago kami unti unting bumagsak sa Lupa... naglaho ang pagigi naming Imortal.

      "HINDI!!!! ROSETA!!!!!"  sigaw ni Kuya. Alam kong sasaklolo siya sa amin.

      May mga tao nang nag-aabang sa pagbagsak namin ni Evo.

     "Huwag kang mag-alala aking Roseta ipagtatanggol kita hindi kita pahahawakan sa kanila.".

       Malapit na kaming bumagsak sa Lupa. Minasdan ko si Papa at si Mama... Pumikit ako... hindi ko sila kayang makitang nasasaktan.

      Nakaramdam ako ng init mula sa kaloob looban ko. Hindi lumapat ang mga paa ko sa Lupa. Ramdam kong bumalik ang pagiging Demonyo ko.... nagmulat ako ng mga mata ko. Nagliliwanag ako.

     "R-Roseta!? Nag-ibang anyo ka na... pero bilang isang Anghel hindi Demonyo."

     "Evo..."  nakayakap pa din siya sa akin.

     Unti unti akong bumaba at  paglapat ng mga paa ko sa Lupa... nagliwanag ang selyo hanggang sa mawala ito. Agad na naging Demonyo si Evo ganun din si Papa.

      Nakita ko ang takot sa mukha ng mga Mortal.... Alam nilang Wala silang laban kapag wala ang selyo...

      Natigilan silang lahat maliban sa isang lalake na agad na tinakbo ang kinaroroonan ni Papa. May hawak siyang punyal na itatarak niya dito ngunit may humarang na Isang magandang Babae.

      "M-Monette.... Bakit... Ganyan mo ba talaga kamahal ang Demonyong yan."

      "P-patawarin mo ako Joshua.". saka nito niyakap ang lalake. 

      "MONETTE!!!!"

      "JAMES ORAS NA PARA SA KAMATAYAN MO!". malakas na wika ni Papa.

     "Wag kang lalapit Demonyo kundi papatayin ko tong mahal mong si Monica!"

      Hawak ng lalake ang leeg ng Mama ko. Habang nakatutok sa dibdib niya ang isang punyal.

       "Sige Demonyo lumapit ka para unti unti kong ibabaon ang hawak ko sa dibdib ng Babaeng mahal na mahal mo! Nakakatuwa ang pagmamahalan nyo ano talagang hahamakin mo ang lahat para lang sa babaeng ito. At ang galing ng Anak nyo ha nagawa niyang burahin ng ganun na lang ang selyong pinaghirapan kong buuin!"

      "Tumigil ka na Mortal! Tanggapin mo na lang na talunan kayo. Pagmasdan mo Ang paligid mo! Ikaw na lang at ang taga Maynila pati ang isang yon ang natitirang nakatayo!"  sabat ni Evo hawak na niya ang nag-aapoy niyang espada.

      "Hindi!----". natigilan siya nang may liwanag na lumitaw mula sa kanyang harapan.... Kahawig ko ang anyo nito.

      "Quomodo es Belphegor? Suus 'been a dum."
      ( How are you Belphegor? It's been a long while. )  ramdam kong malakas siya. Pero mukha siyang mabait. Sino kaya siya at bakit kahawig ko ang hitsura niya.

      "Michael Archangelus."
      ( Archangel Michael. )  banggit ni Papa.

      Lumapit ako Kay Evo. Asa likod na namin si Kuya.    "Sino siya? At bakit kami magkahawig?"

       "Si Archangel Michael yan. Ang tumalo sa mga Tatay at Tiyo natin."  maiksing sagot ni Evo.

       "Ah... Kung ganun napakalakas niya pala talaga?"

       "Oo Munting Roseta."

       Hindi halos makagalaw ang lalakeng may hawak sa Mama ko. Bumaling sa akin ng tingin ang Archangel na sinasabi nila.

      "Napakaganda talaga ni Roseta. Isa siyang biyaya mula kay Bahala.". pag-uumpisa nito.

      "Biyaya daw ako?"  ulit ko.

      Hindi sumagot sila Evo at Kuya. Kaya nanahimik ako. Kahit si Papa ay tahimik lamang. Ibig sabihin kagalang galang siya.

      "Natuwa si Bathala sa pag-iibigan ng Isang Mortal at isang Imortal... Nagbunga ang pag-ibig na yon at kahit kami sa Kalangitan ay talagang nagulat sa isang kakaibang Balita. At kahit sina Lucifer ay talagang kanina pa nakikipagtalo sa akin kaso hindi ko sila pwedeng patawirin Dito sa Mundo ng mga Mortal. Kaya ako na lamang ang pumunta." 

       Tumawa pa ito.  "Pasensya ka na Binibining Roseta kung ngayon lang ako ha... Sinadya ko yon para lumabas ang palit anyo mo... Gaya ng sabi ko isa kang biyaya."

       "Belphegor. Isang Anghel ang Anak mo na may dugo ng Demonyo at dugo ng Tao. Tatlong dugo sa iisang Katauhan. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit naalis niya ang selyo."

       Ikinumpas niya sa hangin ang kanang kamay... agad na lumutang ang taga Maynila at ang lalakeng may hawak Kay Mama ganun din ang lalakeng sasaksak sana kay Papa.

      "May pinapasabi nga pala si Bathala."

      "Ano?". sagot ni Papa.

      "Pasensya na daw sa nagawa ng mga nilikha niya kaya bilang paghinge ng kapatawaran mananatili pa rin kayong sekreto sa mata ng mga Tao."

       "Anong ibig mong sabihin. Michael?"

       "Wow! Nasabik akong tawagin mo ko sa pangalan ko Belphegor. Gaya ng dati noong magkakaibigan pa tayo doon sa paraiso."

       "Michael!?"  napalakas na ang boses ni Papa.

       Tumawa ito.  "Okay nagagalit ka na. Ang ibig kong sabihin ay mawawala sa alaala lahat ng tao ang tungkol sa inyo. Maaari kayong mamuhay at lumakad ng mapayapa dito sa Mundo ng Mortal. Maliban lang sa Anim... Diba alam nyo naman ang Batas na napagkasunduan natin."

      Tumango si Papa.

      "Sige. Dadalhin ko na itong tatlong to. Si Bathala na daw ang bahala sa kanila."

       "At Bago ko makalimutan Belphegor sabi ni Bathala natuwa siya sa pagbabago mo kaya... Habambuhay mong makakasama si Monica."

      Nabigla kami sa sinabi nito.

      Tumakbo si Mama palapit kay Papa. Saka ito niyakap.

      "Anong ibig mong sabihin?"  tanong ni Papa.

      "Gaya nyo. Imortal na din siya. Namumukod tangi sa lahi ng mga tao.". saka ito naglaho kasama ang tatlo.

      Niyakap ni Papa nang mahigpit si Mama saka niya ito ginawaran ng halik sa labi biglang nagdilim ang paningin ko dahil tinakpan ni Kuya ang mga mata ko.

      "Pasensya ka na Roseta kahit may Asawa ka na hindi ko pa din hahayaang makakita ka ng mga ganyang bagay."

      Narinig kong tumawa si Evo saka ito umakbay sa akin.  "Tama ang Kuya mo bawal pa sayo yan."

       Ngumuso ako. "O di bawal.... Papa tapos na ba kayo Dyan magkagatan ni Mama?"

      Tumawa din pati si Papa. Ang pinakamalakas tumawa e si Evo. Sa asar ko tinulak ko siya saka ko nilipad ang direksyon ng mga magulang ko.

      Huminto ako at lumapag sa harapan ng Babaeng nagbigay Buhay sa akin...ito ang pinaka unang beses na nakita ko siya... sa loob ng Labing anim na taon puro kwento lang mula kina Lola, Kuya at Papa ang naririnig ko tungkol sa kanya.

      Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nanatili lang akong nakatitig sa maganda niyang mukha. Humakbang siya palapit sa akin. Saka niya bahagyang hinaplos ang pisnge ko.

      "A-anak... napakalaki mo na... sanggol ka pa lang nung huling nayakap kita... patawarin mo sana ako kung wala ako habang lumalaki at nagkaka-isip ka... alam mo bang mahal na mahal kita... ikaw ang kadugtong ng Buhay ko... p-pwede ba kitang yakapin..."

      Tumango ako. Saka niya ako niyakap ng mahigpit. Wow ang sarap sa pakiramdam ibang iba sa yakap ni Papa at ni Kuya sa tuwing malungkot ako... sa tuwing hinahanap hanap ko ang presensya niya dati...

       Unti unti kong itinaas ang mga kamay ko saka ko siya marahang niyakap...

       "M-Mama...."   tumango siya.   "Mama... ang tagal ko na po kayong gustong makita... Mahal ko po kayo..."

       May naramdaman akong isang malaking braso na yumakap sa aming dalawa... si Papa.

      "Daemones Ego praecipio tibi it exeas, et ad Pandemum nostrum revertaris. Pugnam vicimus et Ego Belphegor gratias vobis omnibus vobis ad pugnandum Mecum intimes!"
       ( Demons I command you to leave and go back to our Pandemonium! We won the Battle and I Belphegor give my deepest sympathy thank you to all of you for fighting with me!)

       Hindi ko alam kung ano ang sinabing.iyon ni Papa pero nagbunyi silang lahat. Nagbukas muli ang lagusan pabalik ng Empyerno. Isa Isang lumipad ang mga kalahi kong Demonyo.... Pinagmasdan namin sila hanggang sa maglaho na sila sa alapaap.

      "Uuwe na tayo....". sambit ni Papa habang yakap kaming dalawa ni Mama. Saka kami naglaho. Ganun din si Evo at Kuya.

       "MONICA!" malakas na sambit ni Lola ng makita kami. Kasalukuyan siyang nagluto ng makakain... andun kasi ang mga Tiyo ko na hindi pinayagang makatawid ni Archangel Michael. Nagpalit anyo kamibilang tao. Saka ako nakiyakap kina Lola  at Mama ang dalawang Babaeng pinagkakautangan ko ng kung ano ako ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

19 0 11
LANGUAGE STORY : TAGALOG.. CONTENT WARNING R18 : This story has mature scene, which not suitable for Young reader. Please Read at your own Risk. ...
Highschool Mystery By je_alas

Mystery / Thriller

40.2K 1.1K 38
Sabay kaming ipinanganak, sabay kaming lumaki at sabay naming sinuportahan ang isa't-isa pero bakit parang may mali? Ang kambal na sina Elisha at Eli...
2.8K 395 53
Pagmamahalan na ilang ulit ng sinubok ng panahon at pagkakataon.Pagmamahalang halos lahat ay binigay mo na Pero parang kulang pa din. pagmamahalan si...
Wattpad App - Unlock exclusive features