Filay (one shots)

Av Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... Mer

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
Seรฑorita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
Paadd Po ng extra 2k
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

A date in NeverLand

240 9 6
Av Trois24


"Buenas días my dearest Klay."

"Good morning din sayo Fidel."

Isang matamis na ngiti ang parehas sumilay sa mga labi ni Fidel at Klay.

Isang linggo na ang lumipas nang sagutin si Fidel ng babaeng kanyang iniirog ngunit hanggang ngayon ay para bang kahapon lang ang lahat ng naganap.
Tila nasa alapaap pa din ang diwa ng lalaki pagkat hindi padin niya maikubli ang galak sa kanyang mukha.

"Kanina ka pa ba naghihintay dyan?"

Tanong ni Klay kay Fidel.

"Ahh, hindi naman. Ang totoo nyan ay ah kararating ko lamang.."

Para bang may mahiwagang mahika ang bumalot kay Fidel nang siya'y napatitig sa mga mata ni Klay. Hindi niya mapigilang matulala sa tila mga bituing nagkikislapan sa kanyang harapan.

Nakatitig lamang sila sa isat-isa ngunit abot langit na ang kanyang kaligayahan.


Ang totoo nyan ay kanina pa talaga dumating si Fidel. Sa aga niyang nagising ay napaaga rin ang kanyang pagpunta sa tahanan ng kanyang amigo.

Dalawang oras bago nagpakita si Klay~

"Amigo? Tila yata masyadong kang napaaga? Hindi pa tumitilaok ang mga manok ay narito kana."

Nakakalokong bungad ni Crisostomo kay Fidel.

"Magandang umaga din naman sayo aking amigo."

Nahihiyang pagbati ni Fidel.

"Pagpasensyahan mo na Crisostomo kung ako ay medyo napaaga ngunit ayun nga sa kasabihan, the best way to be on time is to be early.."

"Ah ganoon ba? Ngunit sa tingin ko ay tulog pa si Miss Klay.."

"Ah ayos lang naman saakin ang maghintay amigo.."

"Kung gayun ay halinat tayo at uminom muna.."

Gumayak ang dalawang binata papunta sa mesa kung saan nakahanda ang vinong tinutukoy ni Crisostomo, nang makaupo ay sinalinan at malugod namang tinanggap ito ni Fidel.


"Kitang kita ang kaligayahan sa iyong mga ngiti aking Amigo.."

Natatawang puna ni Crisostomo kay Fidel.

"Paano ba naman hindi ako magagalak, narito ako ngayong umaga, sa iyong casa, sa harap mo, sinasalinan ako ng matalik kong kaibigan ng napakasarap na vino habang hinihintay ang babaeng aking iniirog."

"Fidel, muli ay binabati kita. Masaya akong makita na masaya ka..Ang aking hiling lamang ay huwag mong sasaktan ang damdamin ni Miss Klay at para ko na rin siyang pamilya kung kaya kahit ikaw pa ay aking kababata at matalik na kaibigan ay hindi ako magdadalawang isip na... sapakin ka."

"Sapakin? Tama ba ang aking pagkakadinig? Ang mahinahon at kaisipan ang pinaiiral ay mananapak ng kanyang kaibigan?"

"Hindi ako nagbibiro Fidel."

"Alam ko naman iyon amigo, ngunit hindi rin naman ako nagbibiro ng sabihin kong mahal ko si Binibining Klay. At huwag kang mangamba Crisostomo pagkat wala akong balak saktan ang damdamin niya."

"Natutuwa akong marinig saiyo yan Fidel."

Ilang minutong lumipas ng pag-uusap ni Fidel at Crisostomo ay dumating si Mang Adong.

"Magandang umaga po Señor Ibarra at Señor Fidel, ah naghahanda na po si Binibining Klay at tinutulungan na siya ng isa pang kasambahay upang mapabilis ang kanyang pagbibihis. Nais nyo ba Señor Fidel na sabihin kong naririto na kayo?-"

"Ah, huwag nyo na hong sabihin Mang Adong. Ayos lang naman ho akong maghintay dito."

"Sige po Señor. Ah nga po pala Señor Ibarra may naghahanap po sainyo at nais kayong makausap."

"Ah ganoon ba? O sige patuluyin mo na ito papuntahin sa aking tanggapan."

"Masusunod po Señor."

Lumakad na ang katiwala ni Crisostomo at muling bumaling ito sa kanya para siya ay kausapin.

"Amigo, maiwan na muna kita dito at pupuntahan ko lang ang isa ko pang  bisita.."

"Ayos lang Amigo, dito na lamang ako maghihintay.."

"Ahm..maari mo namang tunguin si Miss Klay doon sa itaas, paniguradong may mga kasambahay naman doon.."

Tinungga nito ang natitirang vino sa baso saka ngumiti sa kanya na para bang may pahiwatig at saka lumakad na. Hindi na lamang pinansin iyon ni Fidel at muling uminom ng vino.

Trenta minutos na ang lumipas at mag-isa padin si Fidel kung kayat napagdesisyunan niya na umakyat sa kwarto ng dalaga. Ayon naman sa kaibigan ay makasama ito doon.

Nang makarating sa taas ay agad niyang narinig ang mahinang boses ng babeng iniirog, nang makalapitt sa ng isang metro sa pinto ng silid nito ay huminto muna siya. Bumukas naman ang pinto at lumabas ang kasambahay na halatang nagulat sa pagkakatayo niya sa pinto.

Sinenyasan naman niya ito na huwag mabigla.

"Señor Fidel, handa na po si Binibining Klay, nais nyo po bang tawagin ko siya sa loob."

"Huwag na, dito na lamang ako.."

Bahagyang umawang ang pinto at nagbigay silip sa dalagang nasa loob..

They try to romance me, but you got that nasty
And that's what I want (that's what I want)
So baby, baby
Come and save me
Don't need those other lovers
When I got my number one

Napasilip si Fidel sa siwang ng pinto mula sa kanyang kinatatayuan..
Si Klay,
Nasa harapan ng salamin at may hawak na cepillo peine.

Last night, I laid in bed so blue
'Cause I realized the truth
They can't love me like you
I tried to find somebody new
Baby, they ain't got a clue
Can't love me like you
Sha-la-la-la, woo-ooh-ooh

Napangiti si Fidel sa nasasaksihan.
Itinatapat pa nito ang suklay sa kanyang bibig at saka umawit kasabay ang pag-indayog ng katawan.

L-O-V-E
Love the way you give it to me
When you're with me
Boy, I want it every day
L-O-V-E
Love the way you give it to me
When you're with me
Boy, I want it every day


~


"Ahem.."

Sabay na napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng tinig. Si Crisostomo.

"Ay Sir Ibarra, good morning po."

Ani ni Klay.

"Magandang umaga din naman sayo Miss Klay, batid ko na ngayon araw ang napag-usapan ninyo ni Fidel na umalis para mamasyal.."

"Ah oo sir, salamat pala at pinayagan ninyo ako, kami ni Fidel.."

"Kayo ay aking pinapayagan ngunit kalakip niyan ay nais kong mangako kayo... that both of you, lalo ka na Miss Klay, will be on your best behaviour at Fidel.."

"Amigo.."

"Ibinibigay ko sayo ang aking buong tiwala na iingatan mong pareho ang inyong mga dangal at gayun nadin mismo si Miss Klay. Hindi na ako magpapasama ng magiging bantay ninyo dahil alam ko hindi kayo gagawa ng anumang. . ."

"Kalokohan ba Sir Ibarra?"

"Ah oo tama Miss Klay.."

"Opo sir, I promise di ako gagawa ng ikasisira ng nino mang pangalan, saka sir, hanuba hindi naman ako PDA no!"

"Ganoon din ako aking amigo, nangangako ako na iingatan ko si Binibining Klay.. Ngayon pa ba na siya na ay ah..aking kasintahan, ay hinding hindi ako gagawa ng kahit anong ikakapahamak niya."

Nakita niya ang pagpula ng pisngi ng dalaga at ang pagsang-ayon naman ng kanyang amigo.

~

Napakaaliwalas ng araw na ito para kay Klay.
Bughayw na kalangitan, presko't sariwang hangin na parang sumang-ayon talaga ang universe para sa date nilang dalawa ngayon ni Fidel.

Lumipas ang ilang araw after niyang gawing official ang kanilang relasyon.
Masaya. Nakakakilig. Nakaka surprised. Nakakahiya minsan, pero matatawa ka na lang. Magulo. Nakakaloka. Nakakahigh.
Ano pa ba?
Iyan lamang ay mga halimbawa ng mga nararamdaman ni Klay mula ng araw na sagutin niya si Fidel.
At ngayon, kasama niya ang binata sa loob ng karwahe patungo sa isang lugar na silang dalawa ay magkakasama at ahmm.. syempre ano ginagawa ng magjowa pagsilang dalawa lang? char!
Oo nga pala! Nangako nga pala silang dalawa ni Fidel kay sir Ibarra na magpapakabait.

So Klay, behave!

Natatawang saad niya sa sarili.

"Fidel, saan ba tayo pupunta?"

"Naiinip ka na ba Klay? Yaan mo at kaunting minuto na lamang ay mararating na natin ang ating destinasyon. Pangako ko saiyo na ito ay maiibigan mo."

Napangiti na lang si Klay at hindi na nagtanong pa.

Super naeexcite talaga sya. Ano na naman kaya ang pasabog ni Fidel para sa kanya.

Hindi na naghintay pa si Klay ng matagal ng sabihin ni Fidel na nakarating na sila sa lugar na kanilang pupuntahan.

Nang makababa sa karwahe ay inalalayan siya ng lalaki at pumasok sila sa isang malaking trangkahan. Pinagbuksan sila ng dalawang katiwala na mukhang kilala si Fidel dahil binati siya ng mga ito.

"Maligayang pagbabalik Señorito Fidel."

Ngumiti naman si Klay sa mga katiwala bilang pahiwatig ng pagbati.

Nang makapasok sa loob ay talaga namangha ni Klay.

"Woow. Anong lugar to Fidel?"

"Nagustuhan mo ba Klay? Ah, isa nga pala ito sa mga lupaing pagmamay-ari ng aking pamilya. Tanging ikaw pala maliban sa aking pamilya ang nakapasok rito."

"Ang ganda....Ang mga rosas, grabe.."


Nalilibutan sila ng hardin ng mga pulang rosas, meron ding puti, iba-iba.. Kahit saan ka tumungin sa napakalawak na hardin ay mamumula talaga ang iyong mga mata sa pagkapula ng mga rosas.

"Halika Klay, Dito tayo."

Kinuha ni Fidel ang kanyang mga kamay at niyakag sila sa parang lagusan na gawa sa rosas.

Pagkalusot nila sa lagusan ay napunta sila sa isang gazebo na nalilibutan din ng mga bulaklak.

Pumasok sila doon at inayos ni Fidel kanilang dalang pagkaen at inumin saka sila naupo.

"Salamat Fidel. Napakaganda dito. Grabe. Wala akong masabi. Nakakaloka."

"Wala iyon Klay, basta ikaliligaya mo aking sinta ay gagawin ko."

"Ano ka ba Fidel, baka mamihasa naman ako nito. No need naman laging may pasabog kapag may date tayo. Oks na sakin yun kahit mag-ikot ikot lang tayo, mga ganun ba, hindi naman ako high-end no. Naku kung dun tayo samin tas kahit ayain mo lang ako fishball saka kwek-kwek na klase ng date, G na ako!"

"Fishball? Kwek-kwek? Ano ang mga iyon Klay?"

"Ay, mga street food yun. kumbaga kahit simple date saakin ayos lang ako..basta ikaw yung kadate ko."

Nakita naman ni Klay ang pagsilay ng ngiti ni Fidel sa kanyang sinabi kahit naba alam niyang hindi nito nagets ang una niyang mga sinabi.

"Ganoon din naman ako saiyo Klay, makasama lang kita ay lubos lubos at abot langit na aking aking kasiyahan."

"Pero thank you padin kasi dinala mako sa napakagandang lugar nato, i feel so special."

"Espesyal ka naman talaga sa aking puso Klay. Hindi mo alam kung gaano ka kaespesyal saakin mahal ko."

"Hanuba Fidel, tama ka na nga sa mga banat mo! Sige na, kinikilig nako kaya please tigilan mo na at baka di na kayanin ng puso ko."

Talaga namang nabusog si Klay sa hinandang pagkaen nila ni Fidel. Always ready talaga ito para sa kanya.

~

"Ah Fidel, maliban sa mga libro tungkol sa mga batas ano pa ang hilig mong basahin?"

"Hmm.. ano nga ba? Siguro ay mga paksa tungkol sa pagnenegosyo."

"Grabe naman, wala ka bang hilig sa mga novels, comics? manga? mga ganun ba?"

"Comics? Manga? Ano iyon?"

"Japanese manga, or Dc, marvel comics? Ay jusme. Oo nga pala kahit super tanda na ni Stan Lee di nya inabot ang era na to. Ay teka! Kung nasa loob ako ng nobela, may chance kaya na nandito sa multiverse nato si Gilbert Blythe?"

"Klay? Ano ba ang iyong mga pinagsasabi? Sino si Stan Lee? at Gilbert? Hindi ko mawari ang iyong mga sinasabi."

"Ay sorry  Hahaha. Si Stan Lee.. American comic book writer yun. Sikat yun."

"Ha? Parang hindi ko pa narinig ang pangalang iyan pagdating sa literatura...at ahh sino naman si...Gilbert Blythe?"

"Omg! Gilbert Blythe is the ideal man! Super crush ko talaga sya! A tall boy, with curly brown hair, roguish hazel eyes, and a mouth twisted into a teasing smile."

Dirediretso sa pagsasalita si Klay ng mapansin niyang nakasimangot na ang lalaking nasa harapan niya.

"O bat nakasimangot ka na dyan?"

"Sa paraan kung paano mo ilarawan ang lalaking iyon ay para bang may...may paghanga ka sa kanya."

Napakagat labi na lang si Klay nang mapagtanto niya ang mga ginawa..

"Ako na iyong nobyo, narito sa iyon harapan ngunit ang diwa mo ay naglalakbay sa isang lalaking hindi ko kilala at-"

"Oh my god, nagseselos ka ba Fidel?"

Hindi mapigilang tanong ni Klay.

"Nagseselos?"

"Oo nagseselos ka ba? Hahahahaha"

"At..at bakit naman ako magseselos sa lalaking hindi ko pa nakikita. Kung susumahin, di hamak na mas magandang lalaki naman ako sa kanya base sa iyong pagkakalarawan. Heh,"

Pinipigil naman ni Klay ang kanyang pagtawa, habang pinapanuod lang si Fidel kung paano ilulusot ang sarili sa pagpapahangin nito.

"Kung di mo napapansin ngunit mas mataas sa normal ang tangkad ko, matipuno rin ang aking pangangatawan.  At ang mga ngiting meron ako ay nagpabighani ng hindi mabilang na kabbaaihan.."

"Here we go again.."

Ani ni Klay sabay ikot ng mga mata.

"Alam mo Fidel, oo bet na bet ko talaga yun si Gilbert Blythe pero di para sa sarili ko, shiniship ko sya kay Anne no! Parang Sir Ibarra kay Maria Clara. Ganern!"

"Ha??"

"Saka ewan ko ba, pero kahit ganun ideal man ko parang nabago na yung trip ko. Nag-iba na yung tipo ko sa lalaki. Mas bet ko na ngayon yung chinito, malakas mang-asar at lalo na sa lahat yung mahangin."

Napakunot naman ang mga kilay ni Fidel sa mga sinabi niya.

"Hindi ko maintindihan..chinito? mapang-asar? at..at mayabang? Hindi naman ako ganoong klase ng lalaki..Sa katunayan pa nga ay kabaligtaran ko ang mga tinukoy mo Klay "


"Jusme in denial?"

"Lika nga dito.."

Napahinto si Fidel.

"Saglit lamang Klay, nangako ako kay Crisostomo na-"

"Ha? Bakit ano bang akala mo Fidel?"

"Noong huling beses na tinawag mo ako ng ganyan ay ah.."

Namula muna ang pisngi ng lalaki na tila ba nahihiya at kinikilig bago nito ipinagpatuloy ang sinasabi.

"...Hindi ba ay.. hinalikan mo ako sa aking mga labi."

She got dazed. Oo nga pala may ganung eksena nga pala sila ni Fidel ngunit madali siyang nakabalik.

"O-oy! Kahit kelan ka talaga Fidel, napaka assuming mo. Di porket sinabi kong halika ka dito ay hahalikan kita no! Saka bakit..ayaw mo ba ng kiss ko.."

Ngayon, ito naman ang hindi nakapgreact sa sinabi nya na ikinangiti niya.

"Oh ano ka ngayon? Hahaha back to you Fidel.."

Bigla siyang nilapitan ni Fidel, sapat na para malanghap niya ang pabangong suot nito pati na rin halimuyak ng matamis na vinong ininom nito.

"Sinong nagsabi na ayoko sa mga halik mo Klay.."

Malalim na pagkakasabi ni Fidel sa kanya.
Parang nalunok ata ni Klay ang kanyang dila at hindi makapagsalita.
Ang focus niya ay napunta lahat sa mga mata nito na para bang pati kaluluwa nya ay nakikita nito hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng lalaki.
Napalunok siya.

Sa totoo lang plano na talaga nya iyon para makascore ng kiss kay Fidel sa paraang hindi obvious na gusto nya ng kiss.

Sorry na Po Lord, pero sino ba naman ayaw ng kiss mula sa lalaking mahal nila? Lalo na sa lalaking 'to. Saka wag naman sa ganitong paraan na medyo itsurang napipikon si Fidel, anlakas makabadboy. Mas nakakatakam, este mas nakakakilig pala.

Kausap ni Klay ang sarili.

Muli namang nagtama ang kanilang paningin. Batid niya na nais nitong tawirin ang distansyang pumapagitan sa kanila ngunit hindi nito ginagawa dahil humihingi muna ito ng pahintulot sa kanya.


"Klay..maaari ba?"

Oh di ba? Sagot niya sa sarili. Napangiti siya. Always a gentleman.

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

Dahan dahang tinawid ni Fidel ang maliit na pagitan sa kanilang mga labi. At sa muling pagkakataon nadama ni Klay ang tunay at totoong pagmamahal ni Fidel sa pamamagitan na matamis nitong halik.

"Mahal kita Klay."

"Mahal din kita Fidel."

~

"Ah Fidel, tinanong kita bout sa mga binabasa mong libro, pwede mo ba akong kwentuhan ng isa sa mga nabasa mong nobela?"

"Oo naman, ahm..ano nga ba? Ah! Alam mo ba ang kwentong Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe."

"Ha? Hindi eh tungkol saan ba yun?"

"Ah, tungkol ito sa mga pakikibaka ng isang alipin, si Tom, na naibenta nang maraming beses at kailangang tiisin ang pisikal na kalupitan ng mga alipin at ng kanyang mga amo. Isa sa mga pangunahing tema ni Stowe ay si Tom, sa kabila ng kanyang pagdurusa, ay nanatiling matatag sa kanyang mga paniniwalang Kristiyano. Siya, sa huli ay hinagupit hanggang mamatay matapos tumanggi na ihayag ang lokasyon ng dalawang tumakas na alipin. Ang kalayaan ay isang sentral at kumplikadong konsepto sa Uncle Tom's Cabin. Ang mga alipin ay nagnanais na maging malaya, at ang mga abolisyonista sa nobela ay nais ding palayain ang mga alipin."

"Edi parang Noli lang din pala ni Rizal ang kwentong iyon, isang nobela tungkol sa pagiging malaya. Naku, anlalim naman nyan  Ang lakas makamatalino. Samantalang ako, Peter Pan, pambata hahaha."

"Peter Pan? Isa ba iyong kwento?"

"Well, actually Si Peter Pan ay isang kathang-isip na karakter na nilikha ng Scottish novelist na si J. M. Barrie. Isang malaya at malikot na batang lalaki na may kakayahang lumipad at hindi kailanman lumaki, ginugol ni Peter Pan ang kanyang walang katapusang pagkabata sa pakikipagsapalaran sa mythical island ng Neverland bilang pinuno ng Lost Boys, na nakikipag-ugnayan sa mga engkanto, pirata, sirena, Native Americans. , at kung minsan ay mga ordinaryong bata mula sa mundo sa labas ng Neverland."

"Aba, mukang masaya at puno na pakikipagsapalaran ang nobelang iyan."

"Oo pure adventures ang kwento iyon. Doon nakilala at isinama ni Peter Pan si Wendy sa Neverland. Inaya sya ni Peter Pan na doon na manirahan pang habang buhay kasi nga forever bata lang sila doon, puro adventures lang and forever silang magkakasama... pero sa huli mas pinili ni wendy na bumalik sa tunay niyang mundo..Alam mo nung bata ako, naiinis ako kay Wendy kasi kung ako sa kanya sasama na ko kay Peter and doon na lang ako sa Neverland pero ngayong malaki na ko nag-iba na ang pananaw ko."

"Bakit Klay? Paano nito nabago ang pananaw mo?"

"Ewan ko di ko ganoon ka sure pero depende sa pipiliin mong choice saka sino yung priority mo sa buhay, kung bakit iyon ang napili mong desisyon and kung paano mo paninindigan yung napili mo desiyon. Saka one major point din is kung ano at sino ang dahilan nang napili mong desisyon. Gets mo ba? Ay ewan! Hahaha."

Hindi naman nagsalita si Fidel at tumango tango lang sa kanyang mga sinabi tila pinoproseso ang mga winika niya.

"Kung may pagkakataong papipiliin ka Klay, sa isang pangyayari o bagay.. pipiliin mo ba ako Klay? Gaya ng sitwasyon ni Peter at Wendy."

Napahinto siya at napatitig sa mga mata nito.

Seryoso ba to sa tanong nya? Parang may laman ang tanong nito sa kanya ah.

"Banat ba yan Fidel? Ang lakas makaseryoso naman, lika dito. Gusto kong sumayaw. Pwede mo ba akong isayaw?"

Hinila niya ito patayo, inilagay ang mga kamay sa kanyang bewang at ang kanyang mga braso naman ay ikinawit sa leeg nito.

"Ngunit Klay, wala namang musiko para tayo ay magsayaw."

"Edi ako ang kakanta."

Bago pa ito nakasagot ay umawit siya ng isang kanta and slowly swayed their bodies together.

Isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang nang iba..

Sa totoo lang, kinabahan si Klay sa naging tanong ni Fidel, gaya ng kwentong Peter Pan, magkaiba ang mundo nila ni Peter at Wendy at kung ihahalintulad sa kanilang dalawa, may pagkakahawig ang kwento nito sa sitwasyon nila.

Hindi niya alam ang isasagot sa binata.

~


"Nasiyahan ka ba Klay sa ating ahm..date?"

"Oo naman Fidel, salamat ah. Super nag enjoy ako."

Napangiti ito ng matamis ganoon din siya.

"Oh sya, pumasok ka na sa loob tiyak na naghihintay na sayo ang aking amigo."

"Hmm sige, mag-iingat ka sa pag-uwi mo Fidel ah."

"Mahal kita Klay.."

"Mahal din kita Fidel.."

Kasabay noon ay isang mabilis na halik ni Klay sa mga mga labi ni Fidel, gulat man ay hindi mapigilan ni Fidel mapangiti sa galak.

"Alam mo Fidel, I seriously wouldn't mind if you grabbed my face and kiss me. Hahaha."

"Kahit kelan ay napakaeskandalosa mo talaga aking Klay."

~

Nang nasa sarili nya nang silid si Klay ay napabuntong hininga siya at napangiti ng maalala ang buong naganap sa kanilang date.

Nang humiga sa kama ay naalala din ni Klay ang katanungan ni Fidel.

"Kung papapiliin ako, kung ikaw o makauwi sa mundo ko? Hmmm..Ano nga ba?? Ang hirap naman ng tanong na yun."

Ipinikit niya ang mga mata at pinawi ang magulong ideya sa utak nya at mas piniling alalahanin na lamang ang masasayang nangyari.


Notes:

Yun oh, sa wakas muli akong nabuhay. Wooh!! Grabe, natabunan ako ng sandamukal na ganap nitong June. Sorry na guys 😅😭😂

So itong chapter na'to is kinda karugtong ng pagsagot ni Klay kay Fidel. One shot pa ba tawag dito? Dq din alam hahaha. Saka I'll try na medyo idikit na sa mga nangyari sa MCI yung mga susunod na kabanata, sana😅

Anyways, Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at pagsuporta. Super appreciated lahat ng pagview, pagcomment and msgs nyo. 🥺🥺🥺 Super Thank you talaga😘💗❤️🔥

So i do hope you enjoyed this chapter.
-trois🤍

https://open.spotify.com/track/6L2uVVPJA9WcDc7zCZ4DHN?si=XsI1oGHaThigmmtMWjvH3A

https://open.spotify.com/track/663vZfMh88Uo2bfTx6wiE4?si=SYZeFjGXToi8w0eRxdgTtg

Fortsรคtt lรคs

Du kommer ocksรฅ att gilla

308K 6.8K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
673K 33.4K 24
โ†ณ โ [ ILLUSION ] โž โ” yandere hazbin hotel x fem! reader โ” yandere helluva boss x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, a powerful d...
6.4K 150 6
Description of the story; โ€ข 18+ โ€ข Smut can be included but not much โ€ข Request are allowed โ€ข One Story for a whole chapter.
3.8K 210 18
We all make mistakes. Sometimes Gods are not perfect. Sometimes we try to do things for the right reasons. There are times where ordinary mortals fin...