The Sleepwalker Syndrome

By Serialsleeper

202K 12.9K 6.4K

"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep" More

foreword
red bear sticky note
prologue
chapter one | welcome hell
chapter two | the outcast
chapter three | madam laura
chapter four | fourth life
chapter five | look out
chapter six | red men
chapter seven | witness and evidence
chapter eight | good girl masha
chapter nine | bad little thea
chapter ten | gilbert's cellmate
chapter eleven | the good daughter's promise
chapter twelve | bogart and the boguards
chapter thirteen | the kids aren't alright
chapter fourteen | this is how you stay alive
chapter fifteen | monsters
chapter sixteen | the symptoms
chapter seventeen | the grudge
chapter eighteen | the suspect
chapter nineteen | leap of faith
chapter twenty : tainted
chapter twenty-one | hold on tight
chapter twenty-two | the last word
chapter twenty-four | us against the island
chapter twenty-five | the bloody party
chapter twenty-six | the party continues
chapter twenty-seven | protect your pack
chapter twenty-eight | the sleepwalker survival guide
chapter twenty-nine pt. 1 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 2 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 3 | the price of survival
message from the author
chapter thirty | girl fight
chapter thirty-one | club for the lost and broken
chapter thirty-two | reset

Chapter twenty-three | squished

3.5K 285 242
By Serialsleeper

TRIGGER WARNING : This chapter will depict implied sexual assault. You can skip the middle part, or maybe the entire chapter. 


"Seryoso? Wala na talagang signal?!"

"Subukan mo ulit maya-maya lang, Nold."

"Siya nga pala, tuloy pa rin ba tayo sa ospital?"

"Audrey . . . tuloy pa rin ba tayo sa ospital?"

Naramdan kong may tumapik sa balikat ko kaya naman napakurap-kurap ako at napabaling ng tingin kay Gil na nasa dulo ng upuan.

"Ha?" tanong ko habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Kuya Vito na ginagawa pa ring unan ang hita ko. 

"Tuloy pa rin ba raw tayo sa ospital?" tanong ni Arnold na yakap na ang dalawang tuhod habang nakaupo sa sahig. Pare-pareho kaming balot ng putik at bahid ng dugo.

Tumango ako at napapisil sa kamay ni Kuya Vito na hawak-hawak ko pa. "Gago, bakit naman hindi?! Bilisan n'yo nga ang pagmamaneho!"

Natahimik silang lahat, at sa isang iglap lang ay bigla na lamang huminto ang sasakyan. Mabilis na lumingon sa akin ang nasa front seat na sina Bogart, Rambo, at Langaw.

"W-Why did you stop? Start the fcking car! Ano ba! Bilisan mo na!" Nataranta ako. Kung wala lang talaga ang ulo ni Kuya Vito sa ibabaw ng hita ko, sinipa ko na ang likod ng kinauupuan ni Bogart lalo't siya ang driver namin.

"P-Pero Jordan . . . wala na si Sir Vito," Langaw said hesitantly. He couldn't even look at me look at me in the eye.

"Tuluyan siyang mawawala kung tutunganga lang tayo rito! The doctors can still save him! Miracles happen! Bogart, ano ba! Kailangan pa ba akong magmakaawa?! Start the fcking car!" Napabaling ako ulit kay Gil. "Gil, palitan mo si Bogart! Ikaw na ang mag—"

Nahinto ako sa pagsasalita nang magbaba ng tingin si Gil sa sahig. Bagsak ang kanyang mga balikat at halatang walang interes na magmadali.

"You fcking assholes!" Hindi ko na napigilang umiyak. "It's not over yet! There's still a chance for him to live! Bogart, you piece of shit! Start the damn car!"

"Jordan, wala na si Sir Vito!" giit ni Rambo. "Alam kong mahirap tanggapin—"

"At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan?! Kung hindi ka tanga, hindi magkakaganito si Kuya Vito!" Naduro ko si Rambo. Ayokong manisi dahil alam ko kung gaano kasakit masisi, pero nang mga sandaling 'yon ay parang nawalan ako ng kontrol sa sarili kong emosyon at pag-iisip. Basta-basta na lang lumabas ang salita mula sa bibig ko dala ng matinding galit at desperasyon.

"Kasalanan ko?!" Suminghap si Rambo at mapait na ngumisi. "Mas mabilis tayong makakaalis doon kung mabilis ka lang kumilos sa gate na 'yon!"

"He risked his damn life trying to save your stupid ass! Start the fcking car!" Nanginginig kong giit.

"Responsibilidad niya naman talagang iligtas ako! Tayong lahat!" ganti niya naman, bagay na lalong nagpakulo sa dugo ko.

"Tama na! Huwag na kayong magsisihan!"

"Guys, utang na loob! Huwag na kayong mag-away!"

Nagkagulo kami sa loob ng sasakyan. Panay ang sigawan at sumbatan namin ni Rambo, habang panay naman ang pag-awat nina Gil, Arnold, at Bogart na pumapagitna na sa amin. Nakaupo si Rambo sa tabi ng kambyo kaya naman halos sugurin na namin ang isa't isa.

"Start the car! Bogart! Parang awa mo na! May pag-asa pa si Kuya Vito!" Tuluyan ko nang nahampas ang headboard ng driver's seat. "Bogart! Nandoon din sina Jackie Lee at Bruce Chan 'di ba?! Ano pababayaan n'yo rin sila doon?!"

"Sh-Shit, ang kambal . . . " Narinig kong suminghap si Arnold.

"Arnold!" Desperado akong napatingin sa kanya. "Arnold, palitan mo si Bogart! Drive us to the hospital now!"

Nang hindi kumibo si Arnold, napatingin ulit ako kay Gil. "Gilbert, please! Please! We still have a chance to save him! Miracles can happen! We have to go now!"

"P-Paandarin mo na ang sasakyan . . . "

Sa gitna ng kaguluhan namin sa loob ng sasakyan, biglang nangibabaw sa pandinig ko ang boses ni Langaw. Agad kong ininat ang leeg ko upang mapatingin sa kanya na nakaupo sa tabi ng passenger seat door. "F-Finally! Langaw kick your friends out of this car—"

"B-Bogart, paandarin mo na ang sasakyan! Umalis na tayo rito!" biglang sumigaw si Langaw na para bang takot na takot. Nagsitayuan bigla ang mga balahibo ko.

Pare-pareho kaming napatingin sa unahan ng kalsada kung saan nakatuon ang atensiyon ni Langaw. Umalingawngaw kaagad ang sigawan naming lahat nang makita ang dalawang lalakeng nasa gitna ng daan, naglalakad patungo sa amin habang may bitbit na mga rifle. Nakatutok ang mga ito sa mismong direksiyon namin.

"Start the car! Start the car! Start the car!"

"Bogart, bilisan mo!"

"Lock your doors! Lock your doors!"

"Shit! May armas sila! Bogart, bilis!"

"Sandali! Sandali!"

Tuluyan akong napayakap sa katawan ni Kuya Vito na nakahiga pa rin sa hita ko. Nakakabahala ang mga dala nilang armas, pero mas natakot ako nang matamaan ng liwanag ng headlights ang mga suot nilang damit. Malinaw na malinaw sa paningin ko ang mga suot nilang kulay kahel na t-shirt. 

Tuluyang tumunog ang makina ng sasakyan, pero kasunod nito ang pagsabog ng mga bubog ng salamin sa gilid ni Bogart. Umalingawngaw ang isang matinis na halakhak mula sa labas ng sasakyan at biglang may puwersahang nagbukas ng pinto. Tinangka nitong hilahin palabas si Bogart, dahilan para lalo kaming magsigawan.

Nanlaban si Bogart mula sa isang lalakeng nakasuot din ng kulay kahel na t-shirt. Napakapit naman agad kami kay Bogart upang huwag itong tuluyang mahila palabas. 

"Gas! Gas! Gas!" sumigaw si Gil at awtomatiko namang inapakan ni Bogart ang gas pedal, dahilan para humarurot ang sasakyan.

Nakaladkad ang humihila kay Bogart at mula sa salamin ay nakita kong natumba ito at nagpagulong-gulong sa kalsada. Bago pa man makahinga nang maluwag ang isa sa amin, umalingawngaw ang isang malakas na putok. I've heard enough gunshots all my life to recognize one when hear one.

We felt the car drift violently. Our screams echoed as the tires screeched.

"Kapit!" Bogart yelled as he desperately tried to take control of the steering wheel. Everything happened so fast. Seeing that we were going to crash into a stree, I quickly held on to Gil and Arnold.

***

Panay ang ubo ko dahil sa usok na para bang nanunuot sa ilong at lalamunan ko. Sumisirko na naman ang paningin ko at halos wala akong makita.

"Audrey . . . " Narinig ko ang mahinang boses ni Gil. Umuubo rin siya kagaya ko.

Pilit kong kinurap-kurap ang mga mata ko at naaninag si Arnold na naka-fetal position sa sahig at parang namimilipit sa sakit. Bahagya kong itinaas ang ulo ko at nakita ko si Gil na nakasandal ang ulo sa bintanang katabi niya. Nakataas ang kanyang kamay, tila ba nais akong abutin.

I stretched my hands, desperately trying to reach out for him too. But all of a sudden, the door behind me opened.

I screamed at the top of my lungs when I felt someone grab a clump of my hair. And through that, I was dragged out of the car like a rag doll. It hurt so bad but all I could do was scream and throw my arms around wildly, hoping that I could at least land a slap or two.

For the second time that night, I was thrown to the mud like a pathetic piece of shit. But unlike before, we weren't trapped in the dark. There was light coming from the patrol car's broken headlights, and three men in orange had flashlights at the barrel of their rifles. Through the lights, I was able to realize how awful our situation was. Especially for me.

They weren't sleepwalkers. They were far worse.

We were at some area surrounded by trees, away from the road. We were helpless.

"Ayos, a? Hita pa lang, mukhang masarap na." Nagsayaw sa mga hita ko ang maliit na liwanag ng flashlight. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang lalakeng may kahabaan ang buhok at tadtad ng tattoo sa leeg. Mukhang kasing tanda lang nito ang papa ko. 

Sinubukan kong bumangon para kumaripas na sana ng takbo, pero humalakhak ang lalake at mabilis akong hinarang.

"Hep, hep, hep. Kung ako sa 'yo, huwag ka nang gumalaw. Mamili ka? Ulo ko ang magpapasabog sa loob mo o ulo mo ang pasasabugin ko?" Tumama sa mukha ko ang liwanag ng flashlight niyang nakakabit sa dulo ng armas. Nakita kong ngumisi ang lalake at dinilaan ang kanyang mga labi.

"Shit!" All I could do was cry in pure disgust and terror. To me, the situation felt scarier than death itself. I would rather die at the hands of Madam Laura than these scums.

Lightning drew up the sky and followed by roaring thunder. I looked up, meeting the raindrops as it fell down my face. For the first time in my life, I prayed for lightning to strike directly toward me. I know for sure getting hit by lightning is a far better fate than what awaits me at the hands of these men.

"Audrey!"

Napalingon ako at nakitang kinaladkad ng isang lalakeng may mohawk ang hilong-hilo pa ring si Gil. As soon as he was out of the car, he quickly tried to run to me, a kick from the scumbag sent him to the mud again.

"Gil! Gil, don't move! Don't move!" Humahangos kong pakiusap. 

Judging from their clothes, firearms, and the way they just ambushed us—it was clear to me what they are and what they're capable of. They will surely keep me alive for very sick reasons, but the guys? They will kill the first person who will fight back, or just as much pose as a threat to their plans. 

The man with the mohawk forced Gil to kneel on the mud, while the third man was just standing aside, keeping a lookout with his rifle raised.

Gil was too weak to even balance himself. All he could do was look up at me. His face was trickling with raindrops and blood. And when our eyes met, all I could see in his eyes were fear and guilt. He looked so sorry while looking at me. Sorry that he couldn't protect me.

I swallowed hard and shook my head, trying to smile at him despite the tears pooling up my eyes. 

One by one, they dragged the guys out of the car and made them kneel in one sick lineup. All of them were weak and bloody, especially Rambo who was at the point of impact when the patrol car hit a tree.

Three middle-aged prison escapees against six injured young adults. The situation would've been in our favor if not for the firearms they managed to steal from who knows where.

The three of them each had different roles. If my hunch and observations were right, they probably worked as a team before they got caught by the cops and eventually escaped from prison. The pervert right in front of me seems like the leader of the group. The man with the mohawk is the psychotic brawns. While the the third is clearly the lookout who will keep shit in check.

"Boss! Tingnan mo nga naman! Hindi ba ito 'yong parak na humuli sa atin?" 

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong dumako ang paningin ko sa lalakeng may mohawk. Nahigit ko ang hininga nang makitang kinakaladkad niya palabas ang katawan ni Kuya Vito.

"Talaga, Juan?" Humalakhak muli ang lintik na manyak sa harapan ko. "Biruin mo 'yon, may dalang masarap na grasya rin pala sa atin ang parak na 'yan." 

"Patay na ba 'yan, Kuya Juan?" tanong naman ng lookout.

Mabilis na yumuko ang naka-mohawk na lalakeng tinatawag nilang Juan at pinulsuhan si Kuya Vito. Makaraan ang ilang sandali, tumawa ito. "Ang tangina . . . hindi man lang tayo hinintay bago matodas."

Masakit para sa akin ang narinig pero pigil ako sa pagluha. Takot akong baka mas malala pa ang sapitin ko oras na malaman nila ang koneksiyon ko sa kapulisan. 

"Mas masaya sana kung tayo ang papatay sa kanya," kaswal na dagdag ni Juan, at laking gulat naming lahat nang bigla na lamang nitong tinadyakan ang ulo ni Kuya Vito. Humalakhak ito at napakagat sa sariling labi bago muling tumadyak, buong lakas.

Pare-pareho kaming impit na nag-iyakan lalo na nang paulit-ulit pang tinadyakan ng lalake ang ulo ni Kuya Vito, punong-puno ng galit at panggigigil. 

Gustong-gusto kong magmakaawa na tigilan na niya si Kuya Vito pero ni wala akong lakas na magsalita. Para akong mawawalan ng ulirat, lalo na nang palakas nang palakas ang kanyang tadyak at may naririnig akong malulutong na tunog—para bang mga butong nababali.

"Audrey . . . " I heard Gil call out my name. And when our eyes met, it felt as if he was begging me to just look at him. Just like me, he was silently crying too.

Minutes passed, I unconsciously turned to look at Kuya Vito's direction. My body shivered in utter defeat and heartbreak after what I saw. 

Kuya Vito's head was already squished and broken. His eyes were hanging out of its sockets and brain was squeezing out of his broken skull.

I swallowed hard, trying not to scream and wail. All I could do was cry in silence remembering all the times he made me frown and smile . . . how he made me feel safe and important . . . and all the times he made me feel like I had an older brother in him. 

"Tingnan n'yo 'tong mukha ng parak na 'to! Ganitong-ganito ang mangyayari sa inyo kung may gagawin kayong hindi namin magugustuhan!" sigaw ni Juan na buong lakas pa ring tumatadyak sa ulo ni Kuya Vito. 

At that point, all of us were crying while kneeling on the muddy ground. Humahagulgol na si Arnold at mariing pumipikit. Si Rambo naman ay para nang mawawalan ng ulirat ano mang sandali, at si Bogart ay tila ba pikit-matang umuusal ng dasal. Samantalang si Langaw naman ay nakatulala at tuloy-tuloy lang sa pagragasa ang mga luha.

"J-Jordan . . . "

Napunta kay Rambo ang paningin ko nang tawagin niya ako. Hinang-hina na siya at nagsisimula nang bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig. "J-Jordan, sorry . . . "

Umiling-iling ako at pilit na ngumiti. "It wasn't your fault. I was just angry. Wala kang kasalanan."

"A-Ako ang may kasalanan . . . " Dumilat si Bogart at walang kabuhay-buhay na napatingin sa akin. "D-Dapat nakinig ako sa 'yo. Dapat—"

"Sinabi ba naming mag-usap kayo?!" Umalingawngaw ang boses ni Juan at malakas nitong tinadyakan ang likod ni Bogart, dahilan para mapasubsob ito sa putik.

Nabahala ako sa maaaring sapitin ni Bogart kaya taranta akong umiling-iling at napadungo sabay pikit nang mariin. Para akong isang maamong tupang takot na takot.

"Hubad!"

Napasinghap ako nang biglang may kung anong dumampi sa ulo ko. Pag-angat ko ng tingin ay kaagad akong nasilaw nang direktang tumama sa mga mata ko ang liwanag ng flashlight. At nang maaninag ko ang nguso ng rifle, napalunok na lamang ako nang mariin.

"Ano pang hinihintay mo? Maghubad ka na!" sambit muli ng demonyong nasa harapan ko at pinagduldulan ang rifle sa noo ko. "Libreng live show din 'to para sa mga kasama mo!"

Narinig kong nagsigawan sina Gil. Takot sila para sa akin . . . pero ako? Hindi. Ayoko pang mamatay, pero mas gugustuhin ko pang mabaril sa ulo kaysa mababoy sa harapan ng mga kaibigan ko.

"Papatayin mo na nga lang ako, uubusin mo pa ang dignidad ko?! Just shoot me dead, you son of a bitch! Sila na ang paghubarin mo, huwag na ako! Patayin mo na lang ako!" pagwawala ko.

Narinig kong nagtawanan ang punyetang pugante. Akala ba nila nagbibiro lang ako?!

"Gusto ko ang tabas ng dila mo, hija. Halatang palaban—"

"P-Please kunin n'yo na ang sasakyan! Wala kaming pagsasabihan sa nangyari!" Narinig kong tarantang nagmakaawa si Gil kaya mabilis akong napadilat at napalingon sa kanya. "Pangako hindi namin—" hindi na niya natapos pa ang sinasabi niya nang siya naman ang patalon na tinadyakan ng lalakeng naka-mohawk. Pagkatapos ay itinutok nito ang baril sa mismong ulo ni Gil.

"Huwag! Huwag! Huwag! Gagawin ko na!" Humagulgol ako't nagsisigaw. Nanginginig kong hinubad ang jacket na suot. Sa puntong iyon ang suot ko na lang ay oversized t-shirt at short. Mabilis akong napayakap sa sarili ko, lalo na nang marinig kong humalakhak ang lalakeng nasa harapan ko.

"Sorry . . .  J-Jordan, sorry . . . "

Agad akong napatingin kay Bogart. Hindi ako halos makapaniwala nang makitang umiiyak na siya habang nakatingin sa akin, punong-puno ng pagsisisi.

Nanginig ang mga labi ko kasabay ng tuluyan kong paghagulgol. I couldn't believe what was happening. I couldn't believe the most horrible thing is about to happen to me.

"T-shirt! Bilis maghubad ka na ng t-shirt mo!" sigaw pa ng manyak sa harapan ko. At nang hindi ko iyon ginawa ay ako naman ang nakatanggap ng tadyak. Diretso ito sa mismong mukha ko kaya naman para bang yumanig ang buo kong mundo at halos mabingi ako dahil sa sobrang pagkahilo. Umayos lang ang ulirat ko nang narinig kong nagpaputok ulit ito ng baril sa himpapawid. "Sa susunod na kalabit ko ng gatilyo, sisiguraduhin kong diretso na sa hita mo! Saan mo gusto? Sa kaliwa o kanan?!"

May nasalahan akong dugo sa loob ng bibig ko kaya agad ko itong dinura. Rumaragasa man ang luha, taas-noo akong nag-angat ng tingin.

"Aba't ang lakas din ng loob mong tingnan ako ng ganyan, a? Matapang ka?" pang-uuyam ng lalake, pero patuloy ko siyang binigyan ng matalim na tingin.

"J-Jordan . . . " 

Naagaw ang atensiyon ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Jordan, hindi kami titingin. Pangako hindi kami titingin." Humahangos at mangiyak-ngiyak na sambit ni Arnold. And true to his words, he shook his head and closed his eyes shut.

Lalo pa akong naiyak nang pati sina Bogart at Langaw ay nagsipikitan at yuko rin ng kanilang mga ulo. Nang dumako naman ang tingin ko kay Rambo, pumikit rin ito, pero laking gulat ko nang bigla na lamang itong bumagsak sa putik.

"Rambo!" sigawan kaming lahat at lalo namang nag-iyakan ang mga sina Arnold, Langaw, at Bogart.

"Uy! Knockout?" Humalakhak si Juan at mabilis na inapakan ang likod ni Rambo. Tila ba balak itong lunurin sa putik.

"Audrey!" Tarantang singhap ni Gil. Nang mapatingin ako sa kanya, bumaling siya kay Rambo bago muling ibinalik ang tingin sa akin. Tila ba may sinisigaw siya sa pamamagitan ng kanyang mga mata, ngunit hindi ko lubos maintindihan kung ano. Hanggang sa mabasa ko ang isang salita na iginuhit ng kanyang labi. Tulog.

Suntok sa buwan iyon, alam ko. Pero nang mga sandaling iyon, suntok sa buwan na lang din ang pag-asa ko.

"Sabing hubad! Iniinip mo akong puta ka! Hubad!" Sumampal sa mukha ko ang ang handle ng rifle, dahilan para bumagsak ulit ako sa putik. Narinig kong nagsigawan ulit sina Gil.

Sobrang sakit ng mukha ko at lasang-lasa ko ang dugo sa loob ng bibig ko. Sa kabila nito, pinilit kong lumuhod at magtaas-noo.

"Sila na nga sabi ang paghubarin mo! Huwag na ako! They have boobs like I do, pare-pareho lang kami!" I whined at the top of my lungs, shooting daggers at him with my eyes. 

"Heto na! Heto na! Maghuhubad na!" sumigaw si Gil nang pagkalakas-lakas at nakita kong naghubad nga siya ng jacket at t-shirt.

"Arnold, Langaw! Hubad!" sigaw ni Bogart sabay tanggal ng t-shirt niya. At kahit litong-lito ay nagsihubaran nga sila.

"Pinagloloko n'yo ba kami?!" Dali-daling umalis si Juan mula sa pagkakapatong sa likod ni Rambo at tumayo sa harapan nilang lahat sabay tutok ng baril sa kanila isa-isa.

"Shit!" Napatili naman ako nang hinila ng manyakis na pugante ang buhok ko at marahas akong hinila patayo.

Dumadagundog ang puso ko dahil sa takot at kaba, pero pinilit ko itong baliwalain. Napatingin ako kay Gil, winawaksi sa isip ko ang mga baril na nakatutok sa amin. I noticed him take a deep breath, like he was telling me to just look at him and everything will be okay. And after that, his gaze went to his left where Rambo was.

Sa isang iglap, bigla na lamang bumangon si Rambo. The way he stood up swiftly and calmly made my blood run cold. And the moment I saw his blank stare, I just knew he was no longer himself.

"Dapa!" I screamed at the top of my lungs and kicked the pervert's crotch as hard as I could. The moment me he set me free, I let my body land to the ground and just stopped moving.

Everything happened so fast, yet I felt everything like almost in slow motion. 

Sumigaw nang pagkalakas-lakas ang manyak na pogante dahil sa ginawa ko. At dahil dito ay awtomatikong napunta sa kanya ang atensiyon ni Rambo.

Rambo lunged at him like a rabid animal, and both of them fell to the ground. 

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Juan, the man with the mohawk, quickly lifted his rifle up and started shooting at Rambo. The lookout got distracted too and his gun quickly pointed at Rambo's direction.

With all three fugitives distracted, I lifted my head up to see what the guys were doing. Gaya ko, pare-pareho ring nakadapa sa putikan sina Arnold, Langaw, at Bogart. Samantalang si Gil naman ay dali-daling gumapang patungo sa bangkay ni Kuya Vito at nakita ko ang pagkuha niya sa baril na nasa bulsa nito.

Gusto ko biglang magmura nang malakas. Hanga ako sa presence of mind ni Gil, pero punyeta, hindi siya magaling umasinta!

With adrenaline reigning over my body, I quickly lifted myself up. But before I could run to him and use the gun myself, he raised it and started shooting.

"Gil!" Napasinghap ako, pero agad napawi ang agam-agam ko nang tila ba bumulwak ang utak palabas sa ulo ng nakatalikod na lookout. Gil shot him in the head! And he didn't miss this time!

The lookout staggered, but before his body hit the ground, he was able to grab the shoulder of the man with the mohawk, getting the fucker's attention.

The moment the mohawk guy turned around to see what was going on, Gil pulled the trigger but no bullet came out. Seeing this, I knew I had to do something before he could raise his rifle.

I screamed and lunged at the mohawk guy. We both fell to the ground. Next thing I know, I was joined by the others.

Mabilis na dinagaanan nina Bogart at Gil ang lalake, samantalang dali-dali naman akong tumayo. In one swift motion, I grabbed the rifle from the fucker's hand and quickly pointed it at him.

"Para 'to kay Kuya Vito!" Nagngingit kong tinadyakan ang ulo nito.

"Ito rin! Tangina mo!" sigaw ni Arnold at sumali sa akin sa pagtadyak-tadyak, gano'n na rin si Langaw.

Nang makitang hinang-hina na ang lalake dahil sa pagtadyak namin, humakbang ako nang isang beses paatras. Itinaas ko ang hawak na rifle at kinilabit ang gatilyo.

Parehong nagsigawan sina Gil at Bogart nang diretsong tumalsik sa kanilang pagmumukha ang dugo't utak ng lalake.

"Rambo!"

Nang sumigaw bigla si Langaw, agad napunta ang tingin naming lahat kung saan ito nakatingin.

Kitang-kita namin si Rambo na biglang tumayo. Kumislap ang kidlat sa kalangitan at dahil sa sandaling liwanag na namayani sa paligid, nakita naming hawak na nito ang pugot na ulo ng puganteng manyakis.

I would've cheered and thanked Rambo for doing what I couldn't . . . but I knew he wasn't completely on our side. Not anymore.

"Takbo!" sumigaw si Arnold nang pagkalakas-lakas at mabilis silang nagtakbuhan ni Langaw.

Meanwhile, there I was. Instead of running, I brought up the rifle just above my shoulder and took one step forward, just enough to get a good stance.

It was hard to shoot a friend, but I know the consequences will be harder to bear if I wont.

I swallowed hard and took a deep breath. However, a loud gunshot rang out before I could even pull the trigger.

All of a sudden, Rambo's feet began to stagger but his stare remained blank. And as he fell to the ground, I saw another person standing right across from me. He was also holding a rifle right up his shoulder. There was smoke coming out of it.

"Smoeki?!"

Agad kong naibaba ang hawak na rifle at biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang malinaw kong nakita ang umiiyak niyang mga mata.

"Jordan?! Jordan ikaw ba 'yan?!" Lumabas mula sa likuran ni Smoeki ang umiiyak na si Masha at agad itong nagtatakbo patungo sa akin. "Jordan!"

"M-Masha . . . " Parang nanlambot ang buo kong katawan at nabitiwan ko ang hawak na rifle. Sa pagbagsak ng mga luha ko, awtomatiko kong natagpuan ang sarili ko na tumatakbo patungo sa kanya. "Masha!"

Agad kaming napayakap nang mahigpit sa isa't isa at doon na ako napahagulgol nang napahagulgol. "Masha! W-Wala na si Kuya Vito!"


//



Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 99.3K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
2.2M 74.2K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
1.9M 53K 40
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...