Enthralling Sunrise (Tangway...

Da 6EOR6ETTE

2.7K 195 4

Matthieu, That one sunrise will forever be etched in my memory because that was when it all started. I will... Altro

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Epilogo
Acknowledgements
Beat You There
Social Media Accounts

Kabanata 11

53 4 0
Da 6EOR6ETTE

Graduation Day Part I



Para bang may mali kay Quisha kung titigan siya ng kaibigang si Caya. "Ayos ka lang?" tanong nito.


Pagkatapos ng dalawang linggong pagliban niya sa klase ay nandito na nga siya ngayon sa sulok ng kanilang classroom katabi ang kaibigan. Wala rin naman siyang choice kundi ang bumalik na sa eskwelahan. Kung pwede nga lang siyang magkulong sa loob ng kwarto niya habambuhay ay 'yun ang gagawin niya.

Napabuntong-hininga siya. Nagdadal'wang-isip kung ano ang isasagot kay Caya. Dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang sagot sa tanong na 'yan. Hindi niya alam kung kailan siya magiging maayos, at hindi niya rin alam kung magiging maayos pa ba siya.



"Hindi mo kailangang sagutin, Quish. Hindi ko alam kung bakit ko iyon itinanong sa 'yo. I'm sorry," hinging-paumanhin nito sa kanya.

She smiled faintly. "Thank you, Caya."

Pagkasabi niya n'un ay sabay naman na pumasok sa room nila sina Elle at France. Hindi siya pinansin ng dalawa. Ni sulyap ay hindi ginawa. Dumiretso lang ang mga ito at umupo sa magkatabing desk.

Nagtaka siya. Bakit kaya?

Dahil ba nagluluksa siya ngayon?


Should I thank them for that?


Her face wore a serious expression as she watched her bullies from behind.

Those two were the reasons why she cried every night, or even here in school, sometimes.

They kept reminding her that she was nothing compared to Rosh. That one day, Mathy would wake up, and he would realize that he didn't deserve someone like her.


That he deserved someone as attractive as him.

Someone as smart as him.

Someone he could be proud of.

Someone he could showcase to everyone.

Like a precious trophy.


And those words haunted her, a constant reminder that she would never measure up to that someone.

They might not hurt her physically, but their words... their painful words would always stay with her, they pierced through her heart like a dagger wounded her so deeply.

Even so, she never fought back. She would just purse her lips every time they made fun of her because she knew it was not worth it, just like what Pearse had said.

Her gaze moved to Caya.


Caya looked... annoyed.

"Kaya mo nga siguro sinagot agad dahil takot kang ipagpalit ni Ximenez?" si Elle, nakangisi ito.

It was the day after Valentine's Day.

Hindi niya alam kung paanong nalaman kaagad ng mga ito na sinagot na niya si Mathy. Grabe pala talaga ang radar ng mga ito.

"Alam mo, Cuevas... kung ipagpapalit ka ni Ximenez ay ipagpapalit ka niya, at walang magagawa 'yang pagiging mag-on n'yong dalawa," nakangisi ring panggagatong ni France nang hindi siya umimik sa sinabi ni Elle.

"Lalo na ngayong ga-graduate na tayo. At ang balita ko ay sa San Sebastian College rin nag-enrol si Rosh," nakakaloko na ang ngiti ni Elle, na para bang sa sinabi nito ay siguradong-sigurado na ito na talo na siya.

"Tapos ikaw? Anong gagawin mo, ha? Maghahanap ng trabaho kaagad? Kasi wala kayong pera para pambayad ng tuition?" saad ni France. Mukha na tuloy itong witch sa paningin niya dahil sa nakakainis na tawa nito pagkatapos.

Elle grinned. "Kahit nga siguro sa Cavite State University ay hindi n'yo afford."

"Saka ang balita ko ay bawal daw ang amoy isda d'un, eh..." malakas na namang tumawa si France.

Si Elle ay maarte namang tumawa.

"Ang dami n'yo pang sinasabi!" Caya tsked, then rolled her eyes at the two witches in front of them. "Ayaw niyo na lang sabihin na inggit kayo pareho kay Quish, kasi siya... walang ka-effort-effort na nagustuhan ng lalaking gusto niya. And take note, ha! Ang pinakamatalino pa sa batch natin ang lalaking 'yun... na boyfriend na niya ngayon," proud na proud na dugtong pa ng kaibigan na para bang napakalaking achievement nun.

Tumawa na naman ng malakas si France. "Anong kaiinggitan namin diyan, ha? Na mukha siyang isda? Na malansa ang amoy niya?"

'At least, hindi 'yung ugali ko ang malansa.'

Gusto niya sanang sabihin, pero itinikom niya na lang ang kanyang bibig.

Elle scoffed. "Maiinggit ako r'yan?" tinaasan muna siya nito ng kilay bago nagpatuloy, "Eh, nanlilimos lang naman 'yang pulubing 'yan sa pamilya nina Ximenez," pang-iinsulto nito.

"Saka ginayuma kasi n'yan sina Ximenez kaya nauuto niya," nakakaloko na namang tumawa si France.

"Sabagay... kaya pala ganyan ang buhok mo... mangkukulam ka nga pala," nakangisi naman ngayon si Elle.


Pulubi at Mangkukulam.

Sa dalas ng dalawa na tawagin siyang ganu'n ay parang wala na lang sa kanya. Wala na siyang nararamdamang inis sa mga ito kapag naririnig niya ang mga salitang 'yun. Hindi na siya naapektuhan.


"Palibhasa kasi kayong dalawa ay ginawa n'yo na ang lahat... pero hindi pa rin kayo nagustuhan," si Caya naman ang ngumisi.

Nagtaas ng kilay si France. "At nagsalita ang nagustuhan, ha?"

Nanunuya naman ang ngiti ni Elle nung bumaling kay Caya. "Kaya ka ba hindi nag-eeffort kay Matthieu, ha? Kasi umaasa kang... isang araw... ay makukuha mo rin siya?"

Dahan-dahan niyang nilingon si Caya.

Matalim ang mga titig nito kay Eloise... na para bang naghahamon.



Niyakap siya ng mahigpit ni Caya.


Sinuklian niya rin ang mahigpit nitong yakap.

Kakatapos lang ng graduation ceremony nila. Wala na silang ibang naririnig sa buong Montano Hall Stadium kundi puro pagbati at mga hikbi.

Hikbi ng mga estudyanteng halu-halo ang mga emosyong nararamdaman sa mga oras na ito.


Saya.

Lungkot.

Kaba.


Saya, dahil pagkatapos ng apat na taon nilang pagsusumikap ay nakamit din nila ang diplomang kanilang pinapangarap.

Lungkot, dahil sa loob ng apat na taon nila rito sa sekondarya ay naging malapit na sila sa isa't-isa na parang isang pamilya. Isang malaking pamilya sa loob ng silid-paaralan. At ngayon nga'y oras na para sila ay magpaalam. Maaring pansamantala lang, maari ring hindi na magkukrus ang kanilang mga landas. Pero isa lang ang kanilang nasisigurado... hinding-hindi nila malilimutan ang isa't-isa.

At kaba, dahil pagkalipas ng apat na taon ay panibagong hamon naman ang kanilang kakaharapin. Na ang kanilang pagtatapos sa sekondarya ay hudyat lamang ng isang panibagong simula.


Pinunasan ni Caya ang mga luha sa pisngi niya nang kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Mahina siyang tumawa dahil may mga luha rin sa mga mata nito. Nangako kasi ito kanina na hinding-hindi ito iiyak, pero heto at basang-basang ng luha ang mga pisngi nito.

Natatawa nitong pinunasan ng panyo ang mga luha at suminghot. "Akala ko hindi ako maiiyak. Nakakainis."

"Maganda ka pa rin naman."

"Sana danas mo, 'no?" tumatawa nitong turan.

Hinampas niya ito ng mahina sa braso, saka nagtaas ng kilay. "Ah, talaga ba?"

Hindi nag-react si Caya sa paghampas niya rito. Nangingilid ulit ang luha nito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. "I miss y-you, Quish... Balik ka n-na, please..." napahikbi na ito.


Alam niya ang ibig sabihin ni Caya. Miss na nito ang dating siya. Iyong madaldal na Quisha, iyong Quisha na magiliw kasama, iyong masayahing Quisha, iyong Quisha na parang walang problema... at iyong Quisha na hindi mukhang pasan ang mundo. Hindi gaya ngayon.

"I'll try, Cay..." she answered, feeling a lump in her throat.

Caya nodded with a thin smile. "Okay na sa akin 'yun," pagkasabi n'un ay niyakap ulit siya nito.


"Quisha..."

Pinunasan muna niya ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad bago siya kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan. Ito nama'y yumuko para mabilis na palisin ang luha sa pisngi nito. Napailing siya. Sigurado siyang nahihiya itong ipakita kay Mathy ang pag-iyak nito.

"Congrats, Mathy!" masiglang bati ni Caya rito ng may maluwang pang ngiti nung balingan ito.

Akala mo ay hindi nagda-drama ngayon lang, eh. Ang bilis magpalit ng emosyon. Napakagaling.

"Thanks, Caya. Congrats din," turan naman ni Mathy, saka siya binalingan. "Congrats, Quish..." bati nito sa masuyong tinig.


She stared at Mathy...

Although she was well aware of Mathy's disdain for the public display of affection, she couldn't help wondering that maybe today was an exception since it was their graduation.

So, for a few seconds, she waited for his embrace or just a simple hold in her hand, but he stood still as a statue and just locked eyes with her.

She nodded and smiled at him a little. "Congrats..."


"Quisha!"

Halos lahat yata ng tao sa loob ng stadium ay napalingon sa lakas nang pagtawag sa kanya ni Sasha. Nakatayo ito malapit sa may stage, samantalang sila namang tatlo nina Caya ay nakatayo malapit na sa may exit.

Halos patakbo itong lumapit sa kanila. Kasunod naman nito si Pearse na naiiling.

Palundag siyang niyakap ni Sasha nung tuluyan nang makalapit sa kanila. Mahina siyang tumawa dahil sa ginawa nito. Akala niya kasi ay babaligtad siya, eh.

"Congrats, li'l sis!" punong-puno ng energy na bati nito pagkatapos siyang yakapin.

"Congrats, Sash..." nakangiti namang bati niya.

"Congrats, Caya!" baling naman nito sa kaklase.

"Congrats, Sasha!" masigla ring bati ng kaibigan.

"Congrats to all of us!" sigaw na naman ni Sasha at pumalakpak pa.

Mahina silang tumawa.

"Ang saya-saya mo, ha?" biro ni Pearse.

"Siyempre! Graduate na tayo, eh! Saka malapit na debut ko, pwede mo na 'kong ligawan!" natatawang biro ni Sasha o parinig kay Pearse.


"Ako, Sasha? Pwede na kitang ligawan?" sabat ng ka-batch nilang si Jarviz.

Gwapo rin itong si Jarviz at sikat sa Cavite High. Dancer kasi ito, at sikat ang grupong kinabibilangan nito kaya naman halos kilala ito ng lahat. Isa rin ito sa napakaraming may gusto kay Sasha.

Marami talagang karibal si Pearse.

"Mukha mo blue!" irap ni Sasha rito.

"Mukha ka pa lang Avatar, Jarvz, eh..." tumatawang sabat ni Caya.

"Pinakapoging Avatar," sagot naman ni Jarviz, saka kinindatan si Sasha.

"Pre..." natatawang saway naman dito ni Pearse.

Maswerte lang talaga si Pearse at ito ang nagustuhan ni Sasha.

"Ay, sorry, sorry, Pre..." natatawang pag-suko naman ni Jarviz, saka iniwan na sila.

"Don't worry, Zeus... Ikaw lang ang nakikita ng mga mata ko... at sa 'yo lang tumitibok ang puso ko..." wika ni Sasha, at nag-beautiful eyes pa.

"Medyo kadiri ka kamo," sagot ni Pearse, at umaktong kinikilabutan.

Malakas na tumawa si Caya sa dalawa.

"Kunwari lang 'yang si Zeus, pero ang totoo n'yan ay kilig na kilig 'yan!" confident na confident naman na sabi ni Sasha.

"Kung saan ka masaya, Atasia," iling ni Pearse.

"Syempre ay sa piling mo lang 'yun!" hirit pa ng dalagita.

Ayaw talaga magpaawat.


"Gaano nga ulit katagal ang bakasyon n'yo sa Hongkong?" si Mathy.

"One week. Bakit? Mami-miss mo ako?" tanong ni Sasha, nakaangat pa ang isang sulok ng labi.

"One week lang? Ba't 'di mo pa ginawang dal'wang buwan, ha?" asar ni Mathy rito.

Inirapan ito ni Sasha. "Bakit sagot mo ba?"

"Magkano ba?" si Mathy naman ngayon ang nag-angat ng isang sulok ng labi nito.

"Payag! Basta isasama ko si Quish, ha?" nakangisi na namang sagot ni Sasha.

Animo'y may smirking contest ang dalawa.

They couldn't help but laugh when Mathy rolled his eyes in annoyance as Sasha encircled her arms around her waist so tight like she didn't want to let her go.

"Atasia, si Tita Julia."

Sabay-sabay nilang nilingon ang direksiyon na itinuro ni Pearse. Naglalakad palapit sa kanila si Tita Julia, ang stepmom ni Sasha. Sa tabi namin nito ay si Daddy Brysen, ang daddy naman ni Pearse. Hinanap naman ng mata niya ang daddy ni Sasha. Nakita niya ito malapit sa may stage, kausap ang principal at ilan pang mga teachers ng school.

Agad nagbago ang timpla ng mukha ni Sasha nung tuluyan nang nakalapit sina Tita Julia sa kanila.

Niyakap naman sila nito at binati. Ganoon rin ang daddy ni Pearse.

"Atasia? We have to leave... baka maiwan tayo ng flight natin," wika ni Tita Julia sa malamyos na tinig.

Tumango si Sasha. "Susunod na po ako sa sasakyan."

"Okay, mauna na ako sa inyo..." paalam ni Tita Julia sa kanila, bago bumaling sa daddy ni Pearse. "Bry, ingat kayo sa byahe."

"Kayo rin, safe trip."

Nagpaalam sila kay Tita Julia bago sila nito tuluyang iwan.

"Kailangan na rin nating umalis. They're all waiting for us," baling naman ni Daddy Bry kay Pearse.

Sina Pearse naman ay didiretso ng Manila kung nasaan ang mga relatives nito. One week rin daw itong mag-stay roon. Kitang-kita niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga. Para bang ang bigat-bigat sa loob nito ang pagluwas sa Manila.

"Susunod na rin po ako," sagot nito sa ama.

Tumango naman si Daddy Bry, saka nagpaalam na rin sa kanila.

Agad naman siyang niyakap ni Sasha ng mahigpit pagkaalis ni Daddy Bry. "I'm gonna miss you, li'l sis..."

"Me too, Sash... Enjoy your trip."

Si Pearse nama'y ginulo ang kanyang buhok. "See you in a week," sambit nito, saka nakipag-fistbump kay Mathy.


Iniwan na rin sila nina Sasha at Pearse. Ngunit bago tuluyang lumabas ang dalawa ng Montano Hall ay kumaway muna ito sa kanila. Kinawayan din nila ito ni Caya, habang si Mathy nama'y tinanguan lang ang mga ito.

Mabuti na nga lang talaga ay marami na silang pictures na nakuha kanina bago mag-start ang kanilang graduation ceremony. Tama nga si Sasha, kung after pa raw ng ceremony sila magpi-picture ay baka raw haggard na sila sa init at pawis, at baka raw maga na ang mga mata nila sa kakaiyak. Which was true, buti na lang talaga ay nakinig sila rito kanina.


"Let's go?" aya ni Mathy sa kanya.

"Susunod ako, magpapaalam muna ako kina Tita Jasmine," turan niya rito, ang tinutukoy ay ang parents ni Caya.

Nag-atubili pa si Mathy ng ilang saglit bago siya nito tinanguan. "Sa ibaba ng grandstand ka namin hihintayin," anito, saka nagpaalam na sa kanila ni Caya.



Tipid naman niya itong nginitian.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

1.2M 65K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
377K 20.3K 59
"What do you want Xavier?" I said getting irritated. "For you to give me a chance to explain myself." "There's no need to explain anything to me, we...
3M 87K 26
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
2.6M 153K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...