Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ON...

By IamLaTigresa

6.6K 470 74

BAD WIVES 1: TINA Author: La Tigresa May masamang plano si Tina sa pera ng comatose patient niya na si TJ De... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER TWO: VIP
Chapter Three: TJDM
Chapter Four: The lips that looked so familiar
Chapter Five: Unsympathetic
Chapter Six: To Kill or To Marry?
Chapter Seven: Heartbeat
Chapter 8: The Applicant
9: Here Comes the Bride
Chapter Ten: Just Got Married
Chapter Eleven: The Husband

CHAPTER ONE: WOUNDS

584 49 9
By IamLaTigresa

CHAPTER ONE: WOUNDS

IBINABA ni Tina sa platito ang kinagatan niyang siopao asado bago ngumunguyang isinandal ang likod sa sandalan ng sofa. Mula sa ospital na pinagta-trabahuhan, nakauniporme pa, sumugod na siya sa condo ng kaibigang si Julia kaninang umaga.

Pagkatapos ng halos kalahating taon, noon niya lang ulit ito nabisita. Ikakasal na ito sa susunod na buwan sa Korean fiance' na si Matteo na nakilala nito sa isang dating site dalawang taon na ang nakakaraan.

“Mabuti pinayagan ka ng isang araw na rest day?” ani Julia na ipinatong ang canned beer sa ibabaw ng center table bago pasalampak na naupo sa carpeted na sahig. Kagagaling lang nila sa boutique shop na siyang magtatahi ng wedding gown nito. Nagsukat na rin siya ng gown na isusuot kasama ng bridesmaid nito.

Nagpapalipas na lang siya ng oras habang nanonood ng drama sa malaking flat screen TV sa harap nila. Dahil minsan lang silang magkita kaya susulitin niya na ang kalahating araw kasama ang kaibigan. Tiyak na ang susunod na pagkikita nila ay sa mismong araw na ng kasal nito.

“Habang tumatagal ka sa propesyon mo, mas pahirap nang pahirap akong kitain ka. Ganon ka na ba ka-in demand?”

Sumimangot si Tina. Inalis ang likod mula sa pagkakasandal at saka nagsalin ng juice sa baso. Hindi naman siya ang nag-iisang nurse sa pribadong ospital na pinagtatrabahuhan, but it was her who does all the dirty works. And when she says dirty, literal na dirty talaga.

Taga-palit ng diaper, taga salpak ng rectal suppository at mag-check kung gaano na kalaki ang almoranas ng isang pasyente. Diyan sa tatlong iyan siya pinakamagaling at in-demand. Nurse lang siya ng lagay na iyan. Kung tutuusin kaya niya na ngang gawin ang mga iyan kahit nakapikit siya o nasa gitna ng blackout.

Dinampot ni Tina ang beer, binuksan ang lid niyon bago dinala ang lata sa bibig at sumimsim roon. “Ang malas mo may kaibigan kang kagaya ko.” sarkastiko niyang sagot.

Julia sighed. “Kung ako sa ‘yo, mag-abroad na lang ako, Tin. Doon mas nirerespeto, mas nababayaran nang tama at mas mataas ang tingin ng tao sa ‘ting mga Nurse. Ba’t ka nagpapakahirap at nagtitiyaga dito sa Pilipinas kung tae lang ang tingin sa ’yo ng sarili nating kababayan?”

Nagpapaka-makabayan nga ba siya kaya ayaw niyang mag-apply sa ibang bansa? Tina scoffed her disapproval. To hell with patriotism at to hell din sa mga Pinoy na walang ibang kayang ipagmalaki kundi ang talent at galing sa crab mentality?

“Ano’ng pakiramdam ng ikakasal na? Excited ka ba?” sa halip ay tanong niya.

Kinikilig na tumawa si Julia. “Excited na ‘kong makita kung gaano talaga kalaki ang ano ni Matteo kasi nagpakipot ako nung una naming kita!”

Tina grimaced. Ibinalik niya ang beer sa ibabaw ng center table. “Sa dami mong puwedeng sabihin ‘yan pa talaga ang una mong naisip?”

Nang-aasar na lumabi si Julia. “Palibhasa hindi mo naranasang magkaboyfriend kaya ganyan ka. Andami mong manliligaw pero at this point, baka tumanda ka na talagang dalaga.”

Tumaas ang kilay niya “Sinong manliligaw naman ang sasagutin ko? ‘Yong mga kagaya ko ring isang kahig at isang tuka? Mga lalaking masaya na mapakain lang ang pamilya tatlong beses isang araw tapos rarasunan lang ako na masaya naman tayo kahit salat tayo sa buhay?” umingos si Tina. “Twenty four years na ‘kong mahirap, ako ‘yong buhay na patotoo na malungkot at wala kang halaga kapag wala kang pera.”

Pumalatak si Julia. “Eh kung talagang gusto mong mag-asawa ng mayaman, gawan mo ng paraan. Tingin mo ba mahuhulog o lilitaw na lang sa harap mo ang isang mayamang mapapangasawa? Napaka-choosy mo sa lalaki hindi ko alam kung may standard ka bang sinusunod o may natipuhan ko na noon hindi mo lang sinasabi.”

Pagak siyang natawa. “Hoy, hindi ako mapili. Kahit bulag, pipi, baog, sakang o DOM papatulan ko basta patunayan niya lang na kaya niyang ibigay ang gusto ko.”

At iisa lang naman ang kanyang gusto.

Sandaling tumahimik ang paligid. Si Julia ang bumasag niyon.

“Hanggang ngayon hinahabol mo pa rin ba ang may gawa niyon sa pamilya mo?”

Natigilan si Tina. Tumiim ang anyo at nagtatagis ang mga bagang na inilapat ang likod pabalik sa sandalan ng sofa. Hindi siya nagsasalita pero alam ni Julia ang iniisip niya. Tumalima ito paharap sa kanya at seryosong tumitig sa kanya.

“Alam ko paulit-ulit ko na ‘tong sinabi sa ‘yo, Tin, pero ayaw mo bang mabuhay nang wala ka nang mabigat na iniisip? Anim na taon na ang nakaraan, hindi mo ba talaga kayang kalimutan na lang ang lahat? Paano kung kakahanap mo ng hustisya, ikapahamak mo pa ‘yan?”

Tina shrugged her shoulders, clicked her tongue, she leaned forward at nginitian si Julia na seryoso pa rin ang mukha. “Huwag mo ‘kong problemahin, Juls. Ang problemahin mo ay kung anong mangyayari sakaling dalhin ka na ni Matteo sa Korea. Mag-isa ka lang doon. Kapag nag-away kayo saan ka pupunta?”

“Tina, kapag nasa Korea na ‘ko, mag-isa ka na lang din dito. Bukod sa akin, wala ka nang kaibigan dahil masyado kang aloof. Ayaw mong magbukas ng puso mo kahit kanino. Bente kuwatro ka pa lang, in-enjoy mo pa dapat ang buhay. No man is an island, Tin, you need to learn to rely on others – or at least move on and let your wounds heal.”

Mapakla ang ngiti ni Tina. “Heal?” she scoffed.

Isa siyang nurse. Maraming sugat na siyang napagaling at nakitang gumaling sa simpleng paggamit lang povidone iodine, bacitracin, o sa tulong ng suture o surgery. Pero ang sugat niya ay hindi kailanman gagaling ilang beses mang tahiin.

“Tuwing nakakasalubong ko siya sa Ospital at tumitingin siya sa ‘kin na parang hinahamon niya ‘ko na patunayan ko na totoo ang ibinibintang ko sa kanya, alam mo ba kung ano ang unang-una kong naiisip - ?”

Hindi ito sumagot pero naghihintay ng sasabihin niya. Si Julia lang ang nag-iisang tao na nakakaalam kung ano ang naging buhay niya matapos niyang maulila.

Naningkit ang mga mata niya. Itinaas niya ang magkabilang kamay na parang may hawak siyang kung ano saka puno ng poot na unti-unting pinilipit iyon. “Gusto ko siyang sakalin hanggang lumawit ang dila niya at tuluyan siyang mangitim.”

Pumalatak si Julia. “Alam ko. Alam ko rin na kaya ka nagsumikap na makapagtapos sa pag-aaral kahit ayaw na ayaw mong maging nurse ay para sundan siya at pagbayarin sa ginawa niya. Tin, hindi lang basta Doktor si Lily Angelo, siya ang nag-iisang anak ng magiging Direktor ng Ospital na pinagta-trabahuhan mo.”

Makakalimutan niya ba naman ‘yon? Dinampot niya ang siopao at nilakihan ang kagat doon. Doon niya ibinunton ang nararamdaman niyang frustration.

ALAS SYETE na ng gabi nang magpaalam ng tuluyan si Tina kay Julia. Mabigat ang ulo niya, at inaantok na siya dahil napadami ang beer na ininom niya kanina. Alas syete ng umaga ang duty niya sa Ospital, may mahaba-haba pa siyang oras para magtanggal ng hangover.

Sinadya niyang maglakad mula sa babaan ng FX pauwi sa bahay. Hindi pa rin siya umaalis sa inuupahan nilang bahay kahit masyado na iyong malaki sa isang gaya niya na mag-isa lang nakatira.

Sinikap niyang isalba ang bahay, nakiusap siya sa landlord na hayaan siyang tumira doon ng libre habang nag-aaral. Dahil kahit papaano ay may pinagsamahan din ito at ang kanyang mga magulang at dala na rin ng awa sa kanya pumayag ito.

But Tina started paying him her rent simula nang matanggap sa trabaho. Kahit iyong ilang taon na pagpapatira nito sa kanya sa bahay, pinagsumikapan niyang mabayaran paunti-unti.

Matagal nang may ibang umuupa sa dati nilang karenderya. Ilan na rin ang nangupahan doon, they couldn’t run the eatery well kagaya ng pagma-manage noon ng Nanay at Lola niya kaya halos taon-taon napapalitan ang signage.

Tuwing nami-miss niya ang pamilya, pumupunta siya sa puwesto para sumulyap at magbalik-tanaw. Mahabang panahon na ang dumaan, pero tuwing naroon siya parang nakikita niya at nararamdaman pa rin niya ang presensya nina Hesusa at Elsa. Nakikita niya ang mga itong aligagang nag-aasikaso sa mga suki nila. Si Hesusa, kahit baluktot na ang likod, mabilis pa rin kumilos kumpara sa ibang senior citizens na ka-edad nito.

Huminto siya sa paglalakad nang mapansin ang pamilyar na tanawin sa kabilang bahagi ng daan.  Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para tumawid sa kalsada at lumakad palapit sa magandang tanawin na iyon.

Huminga siya nang malalim nang sa wakas huminto siya sa harap ng entrada ng DM Hotel o De Marco Hotel. Doon dating nakatayo ang luma, haunted at gamit na gamit na Hotel na pinagta-trabahuhan ng amang si Frederico, Ang Hotel Benz.

Ipinagiba ni Theo De Marco, ang kasalukuyang CEO ng DM Hotel ang Hotel Benz anim na taon na ang nakakaraan. Isa ang Ama sa mga napangakuan na mare-reinstate kapag nag-umpisa nang tumanggap ng guests ang hotel.

Frederico was exhilarated by the thought na makakapagtrabaho at makakaapak ito sa isang five-star hotel. Walang araw na hindi nito ipinagmamalaki sa mga customers nila sa karenderya ang swerteng hindi nila inaasahang dumating. Pero nangyari ang aksidente at namatay si Frederico bago pa man matapos ang konstruksyon ng building.

Dati, walang ibang hiniling si Tina kundi guminhawa man lang kahit papaano ang kanilang buhay. Mapagpatayuan ng sariling bahay ang kanyang mga magulang, maibigay ang pangarap na restaurant ang Inang si Hesusa at ang kanyang Lola Elsa. Magha-hire siya ng tatlo hanggang apat na empleyado nang sa ganoon pautos-utos na lang ang mga ito at hindi na gaanong mapapagod.

That was her dream; simple lang kung tutuusin. Her father used to tell her that diligence, honesty and a feisty heart would help her get what she wants in life. Kamuntik na siyang mapaniwala roon kahit hindi naman guminhawa ang buhay nila sa loob ng ilang dekadang pagtatrabaho at pagiging matapat ni Frederico.

Tina realized that fate has a painful way of intervening in people’s life. Bad things happened all at once at nagising na lang siya na wala pa rin siyang naabot kahit halos nawala na sa kanya ang lahat – si Hesusa, si Frederico, si Lola Elsa.

Ikinurap ni Tina ang mga mata nang maalala ang gabing nawalan siya ng pamilya. Her whole family died a sad and painful death. Sakay sila ng lumang van papunta sa resort na nirentahan ng mga magulang para i-celebrate ang pagpasa niya sa unang taon niya bilang nursing student. Proud na proud si Frederico kahit kung tutuusin, hindi naman kataasan ang kanyang grades.

That was supposed to be their first real vacation. Iyong dalawang araw at isang gabi silang hindi kakayod at magta-trabaho. Excited silang lahat sa maiksing bakasyon na iyon kaya naman kahit walang tulog, wala pang alas tres ng madaling araw ay laman na sila ng kalsada.

Nagkakantahan at nagtatawanan sila sa loob ng van na hiniram pa ni Frederico sa kaibigan nito nang mahagip ang sinasakyan nila ng isang rumaragasang SUV mula sa kabilang bahagi ng daan.

Dead-on-the-spot si Frederico na siyang nakaupo sa driver’s seat. Ilang minutong pagsigid ng sakit ang tiniis ni Hesusa bago ito tuluyang malagutan ng hininga. And Lola Elsa – she died the moment her daughter took her last breath. Na parang pinipilit pa nitong una na makipaglaban kay kamatayan, at nang makitang wala na ang pinakamamahal na anak, bumitaw na lang nang tuluyan.

Habang siya – she couldn’t even cry a cry of grief or pain dahil tuwing susubukan niyang huminga, lumala la ang sakit sa tagiliran niya. All she could afford to do was to watch her loved ones surrender to death. One by one. Painfully.

Ni hindi niya nagawang makiusap na huwag siya ng mga itong iiwan. Hindi niya nasabi kung gaano niya ang mga ito kamahal – na hindi niya kayang mag-isa.

Hindi niya lubos akalain na ang pahingang matagal niyang hiniling noon na maranasan ng buong pamilya ang magiging una at huli – ang magiging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang tatlong taong ginawa ang lahat mabigyan lang siya kahit papaano ng magandang buhay.

Si Lola Elsa, buong buhay nito hindi man lang ito nakatikim ng pahinga. Mula sa pagpapalaki sa kanyang ina hanggang sa pagtulong kay Hesusa sa pagpapaaral naman sa kanya.

She needs to climb fast and get rich – iyon ang tanging paraan para mapagbayad niya ang taong responsible sa pagkawala ng kanyang pamilya.

But the sickening truth na hindi alam ni Tina kung paano gagawan ng paraan, ay iyong katotohanang wala siyang kapasidad na gawin iyon sa estado niya ngayon sa buhay. Paano yuyurakan ng isang tulad niyang walang pangalan at pipitsuging nurse lang ang isang taong literal na sing-tayog ng Mt Alps?

Kailangan niya ng kapangyarihan. Pero saan siya kukuha niyon kung hanggang ngayon, ni sweldo o kahit tingin o trato sa kanya sa Ospital hindi man lang tumataas? Kahit anong pagpapakita niya ng gilas kung ang nakaupo sa opisina sa itaas ay kaaway niyang mortal wala siyang patutunguhan kundi ang bumagsak.

Suminghot siya. Ikinurap-kurap muli ang mga mata. Kaya ayaw niyang umiinom dahil nagiging emosyonal siya. Akmang babalik na siya sa kabilang kalsada nang mapansin niya ang komosyon sa lobby ng hotel. Lumitaw mula sa entrada ang isang natatarantang babaeng empleyado na may dalang radyo kasunod ang dalawang security guards at bellman.

Mamaya pa, may pumaradang kotse sa harap. Mabilis na binuksan ng bellman ang pinto sa backseat. Lumabas mula sa revolving door ng hotel ang isang matangkad na lalaking may akay-akay na lalaking duguan – his white valentino designer shirt was almost covered with blood.

Nangiwi si Tina. Mukhang malala ang tama, hindi lang umaagas ang dugo mula sa ulo ng lalaki, nagdudugo din ang tagiliran nito at bandang dibdib. Hindi niya mabistahan ang mukha dahil sa dugo but he now looked a bit confused and dizzy. He must be starting to lose a ton of breath.

She tsked. Ganun lang kaiksi ang buhay. Kanina baka nag-eenjoy pa ito sa yaman, nambabae, nagsusugal, ngayon duguan na at mamaya - ? Hindi na siya mabibigla kung idedeklara na itong dead-on-arrival.

Akmang babalik na siya sa pinanggalingan nang hagipin ng kung sino ang kanyang palapulsuhan. Nagulat, napatingin siya sa malaking kamay na nakahawak sa kanya.

Duguan.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay, ang mismong pasyenteng binibilangan niya na ang nalalabing sandali ang humawak sa kanyang kamay.

Nag-angat siya dito ng tingin. Odd, but the moment their eyes met, her heart started to race. Mabilis siyang pumiksi. Para saan ang kabang iyon? Masama ba itong tao? Siguro. Kaya nga siguro ito may multiple stab wounds ngayon.

“You’re a nurse… Get inside the car,” anang lalaki sa tonong nag-uutos pero halos walang lakas.

Sinundan niya ng hindi makapaniwalang tingin ang pag-akay dito ng malaking lalaki papunta sa sasakyan. Aba’t may lakas pa itong natitira para utusan siya!?

Gusto niyang isigaw na hindi pa siya nurse! Rest Day niya pa! Nakainom siya at wala pang pahinga! Pero bago pa niya magawa ang kahit alin sa mga naisip, mabilis na siyang naigiya ng empleyado ng hotel pasakay sa backseat.

Frustrated na kinagat niya ang mga labi nang makaupo sa loob ng sasakyan at magsimula iyong umandar. Ba’t ba hindi pa kasi siya nagpalit ng uniform kanina? Pa-emote-emote pa siya, tuloy napurnada pa ang ilang oras pa sana niyang pahinga.

Masama ang loob na nilingon ni Tina ang pasyente sa tabi niya. Malaki rin itong tao. Maganda ang katawan at mukhang healthy naman pero sa dami ng butas nito sa katawan mauubusan ito ng dugo bago sila makarating sa pinakamalapit na hospital.

Hawak ng lalaki ang face towel na nakadiin sa sugat nito sa tagiliran. Nakapikit at halos hindi ito humihinga. Tina knew the feeling. Bawat subok nitong sumagap ng hangin ay katumbas ng sobrang sakit mula sa mga sugat nito sa katawan.

Nagulat siya nang magdilat ito saglit ng mga mata at itinuon iyon sa kanya.

He groaned in pain, “Quit glaring and start… doing your job –.” Iyon lang at bumagsak na ang ulo nito sa kanyang balikat.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 109K 33
He's a runaway billionaire. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing tha...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
257K 7.2K 34
Sa una pa lang ay alam na ni Sarah na hindi siya kayang gawin na priority ng napupusuan na si Cloud. Pero isang aksidente ang naging dahilan para mag...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...