The Last Day I Said I Love You

By JauneHeart

403 1 0

Saying goodbye to my greatest love will always be the most hurtful part of my life. More

The Last Day I Said I Love You
The Last Day I Said I Love You
1
2
3
4
5

6

27 0 0
By JauneHeart

YVO's POV

Isang taon na pala ang nakalipas. Hindi ko namalayan na naka isang taon na.

Isang taon na kong nasasaktan.

Isang taon na kong nangungulila kay Abi.

"Why are you so serious Yvo?"

Napalingon ako sa pinto at nakita si Analaine na nakatayo at may hawak na wine.

"I know you're not excited about the party for tomorrow, trust me ako din" natatawa nyang sabi at naupo sa couch.

"Why do we have to do this? Why do we have to live like this? Nakakagago!" Padabog na upo ko at ibinato ang unan sa sahig.

"Deal with it Yvo, as if there's something you could do? Iniwan mo nga si Abigail nang ganon ganon lang diba?"

Nang banggitin nya ang pangalan ni Abi ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyare sa parking lot ng T.U kanina. Nung makita ko sya umiyak kanina ay bumalik sa akin ang araw na umiyak din sya nang ganon nung nag mamakaawa sya. Sobra akong nasaktan. Ayokong nakikita syang ganon.

"I invited her" seryosong sambit ni Analaine.

What the?

"Are you fucking serious?! Analaine ano bang katangahan yan!" Ang galit na galit kong sambit sa kanya. Gusto kong suntukin ang pader o kaya ay magbato ng gamit sa sobrang galit.

"Hindi ba magandang timing yon para sa atin? At para maintindihan ni Abigail. In that way...mabawasan yung nararamdaman nyang sakit" walang emosyon na sagot ni Analaine.

"Magandang timing?! Putcha Analaine! Lalo lang gugulo!"

Padabog syang tumayo at lumapit sa akin.

"Well at least may ginagawa ako! Unlike you! All you do is hide and cry!" Pasigaw na sabi nya at saka nya ko iniwan mag isa sa living room.

Napaupo ako sa couch at napahawak sa ulo ko. Hindi ko na alam kung paano mababalik sa dati ang buhay ko. Tahimik, masaya...at kasama si Abigail. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa umabot sa ganito. Planado na ang buong buhay ko kasama si Abigail pero nasira lahat ng pangarap ko para sa amin.

Tiningnan ko ang phone ko kung saan ang picture namin ni Abigail ang lockscreen ko, na hindi ko pinapalitan kahit na naghiwalay na kami. Miss na miss ko na sya.

Chineck ko ang message ko kay Abi nung gabing in-accept nya ang request ko. Wala pa ding reply. I started typing at my phone.

Me: Abi, I miss you so much|

(Message cleared)

Me: I miss you 24/7 Abi|

(Message cleared)

Hindi ko alam sasabihin ko. Ayoko nang masaktan pa si Abigail pero gusto ko din na maintindihan nya ang side ko.

Me: Please give me a chance|

(Sent)

Wait! No! Kulang yung message what the heck!?


ABI's POV

Nakatingin ako sa dumped photos namin ni Yvo, iniisip kung ano ba ang mangyayare sa mga susunod na araw. Naguguluhan na ko kung mahal nya pa ko o hindi na.

ChaTalk
Yvo: Please give me a chance

Chance?

ChaTalk
Yvo: to talk with you

Ahhh. Para lang pala makausap ako. Akala ko second chance para samin. Napaka assumera ko naman. Paano kami magkakaroon ng chance eh may girlfriend na nga sya.

ChaTalk

Yvo: typing...

Bakit ngayon bigla nya na lang ako kinakausap na para bang okay kami?

Yvo: If you just give me a chance to talk with you. I'll wait for you at the park near your village. 11pm.

Agad agaran? Tiningnan ko ang oras at 10:42 pm na. Bakit naman biglaan? Matapos ng nangyare kanina? Hindi pa din talaga sya nag babago. Kapag kasi hindi pa nya nasasabi o nagagawa ang gusto nya ay gusto nyang nagagawa nya agad.

Wala naman sigurong masama kung makikipag usap ako sa kanya.

Tumayo ako at sinuot ang hoodie ni Morris na hindi ko pa naisasauli. Ibinulsa ko ang phone ko at pinatay ang ilaw ng kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at nang makalabas ako ay sinara ko agad 'to.

Chineck ko kung tulog si mommy sa kwarto nya at mukhang mahimbing naman ang tulog nya, kaya bumaba na ko at lumabas ng bahay.

5 minutes lang at nakarating na ko sa park ng village. Hindi ko inaasahan na nandon na pala sya. Nag dadalawang isip ako kung lalapit na ba ko o aantayin kong mag saktong 11. Nanlalamig ang mga kamay ko at parang nanlalambot ako. Pero dahil baka ito na ang pagkakataon na makakuha ako ng sagot sa mga tanong ko ay dumeretso na ko sa park.

Nagulat sya nang makita nya ko na parang hindi nya inaasahang pupunta talaga ko para kitain sya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hindi makapag react ang katawan ko at nakatayo lang ako, naguguluhan.

"Abi, I'm sorry" panimula nya at ramdam ko ang paghikbi nya. "I'm sorry if I hurt you...sorry kung iniwan kita basta" pagpapatuloy nya.

Namumuo nanaman ang luha sa mga mata ko at hindi ko na din napigilang ilabas ito. Nang mag umpisa nanaman akong humagulgol ay lalo nya hinigpitan ang yakap sa akin. Yakap na ayokong matapos. Yakap na matagal ko nang hinahanap. Yakap na kinailangan ko. Tumagal ang yakap nya ng lima pang minuto at saka sya kumalas. Inangat nya ang mukha ko gamit ang mainit nyang mga palad at pinunasan ang luha sa pisngi at mata ko.

Pinaupo nya ko sa bench at doon ko nakitang madami syang dalang pagkain. Kinuha nya ang tubig at binuksan ito para ibigay sa akin.

"Akala ko...ako lang ang hindi pa nakaka move on" umpisa ko. Tiningnan nya ko at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko. "Akala ko...kinalimutan mo na ko" pagpapatuloy ko at muli nanaman akong naluha. Pinunasan nya ang luha ko at tumingin sa mga mata ko.

"Hindi ko yon magagawa. Hinding hindi kita kakalimutan Abi" malumanay nyang sambit at hinawakan ang kamay ko. "Sa ngayon, gusto ko munang madama ang mga oras na lilipas na kasama kita" malambing na tonong pag kakasabi nya.

Wala naman sigurong masama kung pag bibigyan ko sya. Gusto ko din muna tumakas sa mga iniisip ko at madamang magkasama kami ngayon ni Yvo. Gusto kong namnamin ang bawat segundong nakikita ko sya at nahahawakan. Siguro nga mahal ko pa din sya? O baka namiss ko lang na makasama sya?

Inabot kami ng alas singko ng umaga at wala kaming ginawa kundi kumain at balikan ang memories namin noon. Sobrang saya ko na parang tulad lang kami ng dati. Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan lang ito.
"Tara ihahatid na kita sa inyo" malumanay nyang pag aya. Tumayo ako at sabay kaming nag lakad pauwi sa amin.

Nang maihatid nya ko sa pinto ay hinalikan nya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay ko. "Mangako ka sa akin na kahit anong makikita o maririnig mo, hindi ka aalis at hihintayin mo kong lumapit sayo" hindi ko naintindihan ang sinasabi nya. Ano bang makikita o maririnig ko? Kelan? Saan? Tuluyan syang umalis na walang paliwanag kung tungkol saan ang tinutukoy nya.


THEO's POV

10:46 pm at nag desisyon akong makapag lakad lakad sa labas. Makalanghap man lang ako ng sariwang hangin at para din makapag isip ako kung paano ko ba mailalayo si Shannayah kay Yvo. Alam kong gulo lang naman ang idudulot nya sa buhay ni Shannayah.

Paglabas ko ng pinto ay nakita kong kalalabas lang din ni Shannayah sa kanila.

Anong ginagawa nya sa labas ng ganitong oras?

Lalapitan ko sana sya pero mabilis syang naglakad. Saan naman kaya sya pupunta ng ganitong oras? Sinundan ko sya makasiguro lang sa safety nya. Namalayan kong ang direksyon nya ay papunta sa park ng village. Siguro ay gusto nya lang din ng oras para mapag isa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..mali ako.

Nakikita ko mula sa malayo kung paano sya hawakan at yakapin ni Yvo. Nakikita ko kung gaano ka ingat ang paghawak sa kanya ni Yvo. Nakikita ko kung gaano sila parehong nasasaktan. Nakikita ko....kung gaano pa nila kamahal ang isa't isa.

Pero bakit? Hindi ba ay girlfriend ni Yvo si Analaine? Bakit ngayon ay bumabalik sya kay Shannayah? Bakit kung kelan gumagawa na ko ng paraan para makalimot si Shannayah ay bumalik pa sya? Ang sakit palang makita silang magkasama ulit. Dahil nasasaktan ako sa nakikita ko ay umalis agad ako. Ayoko nang may makita pa kong mas ikasasakit ko pa. Kailangan kong tanggapin dahil sumugal na ko dito.

Habang naglalakad pabalik ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Oo. Nag seselos ako. Kung pwede ko lang sya hatakin palayo kay Yvo, pero mukha rin namang ginusto nya. Hindi naman siguro sya makikipag kita at lalabas ng ganitong oras kung hindi nya gustong makita si Yvo.

Nag desisyon na lang ako na mag stay na lang sa kwarto ko at mag computer para malibang ang isip ko. Mukha rin namang hindi ako makakatulog dahil sa nakita ko.

Pero ilang oras pa at nakaramdam na ko ng antok.

The next day..

Pag kagising ko ay bumaba na ko para makapag breakfast. Nadatnan kong ayos na ayos si Tairah na nakaupo sa dining room.

"San lakad mo?"

"Duh anong ako lang? Tayo at si Abi ang may lakad" -Tairah

"Saan?"

"Mall. Mamimili tayo ng damit para sa party mamaya" -Tairah

Party? Ahhh oo nga pala. Nag volunteer nga pala ko na samahan sila.

"Kayo na lang mamili" malamig kong sabi. Tumaas ang kilay nya at sinusundan ako ng tingin.

"What?" tanong ko.

"Anong kami na lang? Kasama ka" madiing sabi ni Tairah. Ibinato ko ang hawak kong kutsara sa lababo at umakyat ulit papunta sa kwarto.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Pero parang tinatamad na ko pumunta sa party na yon. Habang nakahiga ako at nag c-cellphone ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Tumayo ka dyan" utos ni Tairah.

"Bakit?"

"Tatayo ka dyan o hahatakin kita?" -Tairah

"Lumabas ka na! Isarado mo yung pinto"

Dumapa ako at nag patuloy sa pag c-cellphone, nang bigla na lang hawakan ni Tairah ang paa ko at hatakin ako.

"Tairah! Parang tanga naman 'to eh!"

"Sa-sa-ma....ka!!! Uuugghhh! Ang bigat mo! Tumayo ka na nga!"

Bakit ba kasi nag volunteer pa ko. Kainis.

"Oo na. Lumabas ka na" utos ko ulit sa kanya.

"Talaga lang ha? Aantayin kita sa baba. Kapag di ka pa din nakababa mamaya sisirain ko pinto mo!" Mataray nyang sabi at ibinagsak ang pinto ko nang palabas sya ng kwarto.

Tumayo na ko at kinuha ko lang ang black kong sweatpants, olive green na shirt at black jacket. Inilapag ko lahat sa kama at saka ako naligo. Matapos ang ilang minuto ay nag bihis na ako, tinatamad akong ayusin ang buhok ko kaya bahala na.

Pagbaba ko ay hindi ko inaasahang makita si Shannayah. Nakangiti sya sa akin pero hindi ko alam bakit ayaw mag react ng katawan ko. Nilagpasan ko sya at dumeretso sa sabitan ng mga susi para kunin ang susi ng sasakyan.

"Tara na!" Sigaw na pag aaya ko kay Tairah.

Tahimik lang akong nag mamaneho habang panay daldal si Tairah kay Shannayah.

"Hoy! Ba't ba kanina ka pa tahimik dyan?" Puna sa akin ni Tairah. Hindi ako sumagot at diretso lang ang paningin ko sa pag mamaneho. Hindi na rin ako kinulit pa ni Tairah at napaisip ako. Bakit nga ba ang weird ng ikinikilos ko ngayon?

Nang makadating kami sa mall ay pumasok agad sa isang boutique si Tairah at nag tingin tingin ng mga damit. Nakatayo akong tinitingnan ang mga shades na naka display sa kanang side ng boutique nang marinig kong nag uusap ang dalawang babae na malapit sa akin.

"Ang pogi nya diba?" -girl 1

"Oo pero wag kang maingay! Girlfriend nya ata yun oh" -girl 2

"Ha? Eh pano mo naman nasabi?" -girl 1

"Eh syempre. Tingnan mo naman damit nila. Diba mag jowa lang naman ang nag c-couple ng damit?" -girl 2

Luminga ako sa paligid kung sinong tinutukoy ng mga babae. Napansin kong ako lang ang lalake sa loob ng boutique at nakatingin sila sa akin na naka ngiti at nahihiya. Napansin ko din na malapit si Shannayah sa akin na tumitingin ng mga dress na malapit sa mga shades na tinitingnan ko.

Tiningnan ko ang suot nya at parang couple nga kami ng damit. Naka olive green din syang shirt, black jacket at naka denim shorts sya. Sa hindi ko inaasahan ay napangiti ako at nang mapansin nya na nakatingin ako sa direksyon nya ay tiningnan nya ko. Umiwas ako ng tingin at nag libot pa sa loob ng boutique.

Continue Reading

You'll Also Like

16.9M 650K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
37.8K 117 15
just know it's gonna make you hella wet🤭
1M 32.4K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
154K 6.7K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...