How To Be The Villain (Comple...

By Vis-beyan28

23.3K 860 31

Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the boo... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogo

Kabanata 26

328 14 1
By Vis-beyan28

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"NAGPUYAT ka yael?"- tanong ni vaughn ng mapansin ang eyebags ko.

"Hindi lang ako nakatulog ng maayos."- hikab ko.

Kasalukuyan kaming nasa arena at nanonood ng labanan.

"Ikaw ba'y nababahala sa laban mo ngayon?"- usisa pa niya sa tabi ko.

"Medyo."- tugon ko at humalukipkip.

"Sa kalaban pa lang niya dapat na siyang mabahala."- nguso ni caden sa nakapaskil na mga pangalan.

"Odell Faustino? Ah!"- napapitik ito ng kamay ng may biglang maalala.

"Kilala mo siya?"- kuryosong singit naman ni silas.

"Siya ang bise presidente ng konseho ng mag-aaral (student council). Ang kaniyang ama ay may mataas na posisyon sa palasyo kung kaya't kabilang siya sa mataas na antas."- imporma niya.

"Lahat ng nasa konseho ng mag-aaral ay makakapangyarihan. Nakabase din ang kapangyarihan nila sa posisyong kintatayuan nila ngayon."- seryosong komento ni maki habang nakapikit ang mga mata.

"Ibig sabihin lang nun, walang pag-asa si yael na manalo."- puna ni caden.

"Ayos lang yan, hindi ko naman pinangarap na mataas ang rangko ko."- ismid ko at humalukipkip.

"Ha? Bakit wala si zyair?"- napalingon kami sa harapang upuan ng marinig ang pinag-uusapan nila.

Mga naka bronze badge sila at parang kaibigan ni zyair ang mga to.

"Dinamdam ata niya ang pagkatalo niya."- ngisi kong komento.

Sinamaan naman ako ng tingin ni caden at silas kaya kumibit-balikat na lamang ako.

"Kinamusta mo ba siya sa kaniyang silid kanina?"- tanong nung babaeng may mahabang buhok.

"Walang sumasagot ng katukin ko siya."- nag-aalalang sagot naman nung lalakeng maliit.

"Huwag kayong mangamba. Baka napuyat lang siya kagabi at mahimbing ang kaniyang tulog. Alam niyo naman yun."- komento nung isang lalake na nakasalamin.

"Sana ganun nga."- buntong-hininga nila.

Napangisi ako habang nakapandekwatro. Simula ngayon, hindi niyo na siya makikita dahil...

Pinatay ko na siya.

______________________________________


"Sa susunod na maglalaban ay si Odell Faustino ng unang seksyon at bise presidente ng konseho ng mag-aaral!"- anunsyo nito dahilan para mapasigaw lahat ng estudyante sa loob ng arena.

"Laban kay Yael Thiago Esquivel ng ikalawang seksyon!"- patuloy nito at natahimik ang paligid.

Nahagip pa ng mata ko ang pagtawa ni caden, silas at maki samantala todo palakpak lang si vaughn.

Napaismid naman ako at naglakad papalapit sa gitna.

Pinagmasdan ko ang lalakeng nasa harapan ko na medyo nasa kalayuan.

Sakto lamang ang katangkaran ngunit mas matangkad pa din ako. Payat, may kakaibang haircut kung saan may bangs ito at ang buhok ay hanggang tenga ang haba, walang kilay, nakasalamin, malaking mata at may nakakalokong mukha.

Kanina pa nakangisi to ha. Parang may saltik lang, tsk.

"Magsisismula na ang pagsusulit!"- anunsyo nito at nawala.

Ano namang kapangyarihan nito?

"*Whhhhooooossshhh!*"- natigilan ako ng maglabas ito ng itim na usok na nagmumula sa lupa.

Mabilis itong kumalat dito sa mismong pinaglalabanan namin.

Itim na usok?

Napaubo ako ng may malanghap akong usok. Nagtakip ako ng bibig at ilong. Unti-unti kong nararamdaman ang pagkahilo ko at ang pagdaloy ng pawis saking nuo.

Ibig sabihin lang nito ay ang usok na kapangyarihan niya ay kayang patulugin ang nakakalanghap nito.

Kayang-kaya niyang patumbahin ang kaniyang kalaban kahit nasa malayo ito at hindi na kailangan pang lapitan ang tao.

Gaya ng kapangyarihan ng lalakeng nakita ko kagabi.

"Haha..."- napangisi ako ng may mapagtanto.

"HAHAHAHAHAHA!"- hindi ko napigilang tumawa ng malakas.

Nagulat ito sa reaksyon ko at muling natahimik ang paligid.

Mukhang mapapabilis ang paghahanap ko sa kontrabida ng kwentong ito.

Tignan mo nga naman. Nahanap ko na yung isa ng walang kahirap-hirap. Sinong mag-aakalang makakalaban ko pa ang lalakeng nakita ko kagabi.

|Napatampal na lamang sa noo si silas at caden ng lumala na naman ang pagkabaliw ni yael. Ang hitsura ng mga nanonood ay parang nakakita ng multo habang may pagkadismaya pa.|

"Haha—"- tumilapon ako ng biglang may mahabang galamay ang humampas sa tiyan ko.

"P*tang..."- para akong hinihika sa paghingal ng magpagulong-gulong ako sa lupa.

Ang tahimik na paligid kanina ay biglang umingay na para bang sinu-suportahan ang ginawa ng kumag na yun.

"Bakit ka nila kinuha dito kung wala ka naman palang saysay?"- ngisi nito habang nakataas ang isang kilay. Kahit na wala naman siyang kilay.

Ang apat na galamay sa kaniyang likuran ay maaari palang humaba at nakakasugod kahit sa layo ng distansya.

Mukhang nasa disadvantage ako dito. Hindi ko kayang palaguin ang apoy ko sa layo ng distansya namin. Kailangan kong lumapit. Ngunit dahil sa usok niya ay may konting tyansa lang ako na makaamba.

Kung ganon, kailangan kong maging mabilis para makalapit bago pa man din ako mahilo sa usok na ito.

Ngunit wala naman kong kapangyarihan na ganun. Apoy lang ang mahikang mayron ako.

"*Braaaggggg!*"- sunod-sunod ang pag tama ng mga galamay sa akin ngunit dahil sa pag-iwas ko ay sa lupa ito tumatama at naglilikha ng ingay.

Kailangan kong mag-isip ng mabilis! Sampong minuto na lamang ang natitira!

"*Brrrraaaagggg!*"- yumanig ang lupang kintatayuan ko dahilan para matapilok ako sa lupa.

Sa isang iglap ay may isang galamay na pumulupot saking bewang at tinaas ako sa ere.

"Hindi ko alam kong bakit ikaw pa ang napili nilang kalaban ko. Napakahina mo. Sayang lamang ang oras ko."- tawa nito habang nasa malayo pa din kami.

Tyansa ko na to!

"Takot ka ba sa apoy?"- hinihingal kong tanong.

Kumunot naman ang nuo nito.

Napangisi ako at dinantay ang dalawa kong kamay saa nakapulupot saking galamay niya.

Nanlaki ang mata nito ng umapoy ang kamay ko at unti-unting kumalat ang apoy sa kaniyang galamay!

"Ah..Agggghhhh!"- sigaw nito at binitawan ako dahilan para mapasalampak ako sa lupa.

Napapikit ako ng unti-unti ng tumatalab ang usok sakin. Nahihilo na ako.

Kailangan kong makalapit!

"Ikaw na hampaslupa ka! Bwisit na apoy!"- sunod-sunod siyang napamura habang winawagayway ang galamay na nasusunog para mawala ang apoy nito.

Dahan-dahan akong tumayo at pwinesto ang kanang paa ko sa likuran. Yumuko ako at dinantay ang dalawang kamay sa lupa para maghanda na sa pagtakbo.

"Ha? Anong ginagawa niya?"- dinig kong tanong ng mga estudyanteng nanonood.

Sana gumana to.

Huminga ako ng malalim at naglabas ng apoy saking paa na naka-unat saking likuran.

Mas pinalakas ko ang apoy at sa isang iglap ay nakalapit ako sa galamay na to. Parang turbo ang ginawa ko sa apoy kaya mabilis ang paglitaw ko sa pwesto niya at ang mga usok kanina ay nahati na sa gitna ng daanan ko ito.

Nagulat ito ng makita ako sa isang iglap.

Tinaas ko ang isang kamao ko at naglabas din ng apoy. Sa isang mabilis na galaw ay sinuntok ko ito sa mukha dahilan para mapasalampak ito sa lupa.

"Sh*t!"- mura ko ng unti-unting nanghina ang katawan at nawala ang kapangyarihan ko sa katawan.

Nakita ko pa ang pagtayo ng mga estudyante sa taas ng mawalan ako ng malay.

|Umingay ang lahat ng tao sa arena ng mapanood ang pangyayari. Bagama't nangyari lamang yun ng sampong segundo ay tumatak na sa kanilang isipan ang nasaksihan. Hindi nila akalain na magaling pala ang baliw na lalakeng yun sa paggamit ng mahika. Hindi sila makapaniwala na nadapuan niya ng kamay ang isa sa mga pinakamalakas na estudyante dito sa Hermedillia. Ni wala pa ngang nakakalapit kay odell ng magsimula ang pagsususulit dahil kilala itong makapangyarihan kapag labanan ng distansya ang pinag-uusapan.|




~ vis-beyan28
MelancholyMe

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 854 72
*** An Original Story Language: English -Tagalog Date Started: September 25, 2022 Date Ended: March 12, 2023 *** Amelia Celine Le Rougue, reincarnate...
100K 5.1K 55
No one knew her name nor her face. The only identity she had is that she is the adopted daughter of the Zaragoza and the person behind the success of...
145K 4.8K 57
In the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the ca...
167K 4.8K 34
Warning! Grammatical error. Not yet edited. When you died and woke up in the body of Villain name Cremesia Harvestra. Cremesia a spoiled daughter of...