DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

797K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 12

15K 543 36
By lhiamaya

Jolene

"I'M so sorry sugar pero di pa ako makakauwi sa sabado. Kailangan pa ako dito sa site. Maraming tauhan ang kailangan ng tulong ko di ko sila pwedeng iwan basta basta na lang. Kailangan ko pang um-attend sa mga unang hearing."

Napakagat labi ako sa sinabi ni Atlas. Di ako nagsalita at pinagmasdan lang ang gwapong mukha nya sa screen ng cellphone. Malaki ang pinagbago ng mukha nya. Bakas ang pagod at kumakapal na din ang balbas at bigote nya.

Dapat ay balik na nya sa sabado dito sa Zambales dahil ang sabi nya ay two weeks lang sya. Pero di matutuloy dahil may nangyaring trahedya sa site nila. Bumagsak ang crane machine sa scaffolding at gumuho ito. Marami sa mga tauhan nila ang naaksidente at may dalawang nasawi kaya hindi sya makakabalik agad dito sa Zambales.

"Sugar wag ka ng magtampo."

Bumuntong hininga ako. "Di ako nagtatampo. Nalulungkot lang ako dahil hindi ka makakabalik agad. Pero mas nalulungkot ako sa sitwasyon mo ngayon lalo na sa mga taong naaksidente."

"Don't worry about me sugar. Kaya ko ang sarili ko. Kapag humupa na ang tensyon at naayos ko ang problema babalik agad ako dyan sa Zambales. Miss na miss na kita."

"Miss na miss na din kita Atlas. Mag iingat ka dyan. Alam kong maayos mo rin ang problema mo dyan. Ikaw pa! Magaling ka eh."

"Thanks sugar. Ikaw lang ang nagpapagaan ng loob ko ngayon. Sana nandito ka sa tabi ko. Basta yung mga bilin ko ha wag mong kakalimutan. Mag iingat lagi dyan lalo na sa pag uwi mo sa gabi."

"Opo."

Nagtagal pa ang pag uusap namin ni Atlas sa video call. Nasa bahay nya sya ngayon at nagpapahinga. Wala pa daw syang tulog mula kahapon. Awang awa tuloy ako sa kanya.

Umabot pa ng isang buwan si Atlas sa Cebu at wala pang kasiguraduhan kung kelan sya babalik ng Zambales. Hindi pa kasi tapos ang problema ng kumpanya nila sa nangyari sa site. Nagpoprotesta ang mga tauhan. May ilang grupo pa nga na gustong ipatigil ang ginagawa nilang construction.

Nagkakausap pa rin kami sa video call at tawag, minsan nagchachat pa kami. Pero hindi na yun kasing dalas gaya noong una. Naging madalang na yun. Minsan sa isang araw isang beses na lang kami naguusap. Minsan wala sa isang araw hanggang dalawang araw. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung ano ano at magtampo. Pero di ko yun pinapahalata sa kanya dahil ayokong idagdag pa nya ako sa iisipin nya. Kapag tumatawag naman sya ay parang hangin na tinatangay ang mga alalahanin at tampo ko. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya. Minsan lang talaga di ko maiwasang mapraning. Mahal ko sya at natatakot ako na iwan nya.

"Manong sa tabi lang po." Sabi ko sa driver ng traysikel. Inabot ko ang bayad at bumaba na.

Maaga ang labas namin ngayon sa school kaya maaga akong nakauwi. Pero di naman ako magtatagal sa bahay. Maliligo lang ako at magbibihis at didiretso na ng bar.

Di na ako pinapakialaman ni Tita Emie at Tito Rene. Pero panay naman ang parinig nila. Hinahayaan ko na lang sila at di na pinapansin. Maistress lang ako sa kanila.

Paglapit ko sa bahay ay napansin kong parang maingay. Mga nagtatawanan ang mga tao sa loob.

Ano kayang meron? Baka may bisita si Tita Emie.

Umakyat na ako sa terrace namin at pumasok sa pinto. Natuon ang mata ko sa babaeng halos tatlong taon kong di nayayakap.

"Mama." Tawag ko kay mama at malalaki ang hakbang na lumapit at yumakap sa kanya.

Natahimik naman sila Tita Emie at nakatingin lang sa amin.

Niyakap naman ako ni mama. Naiiyak ako dahil sobra ko syang namiss. Kahit may pagtatalo kami minsan dahil sa mga sumbong ni Tita Emie ay hindi nabawasan ang pagkamiss ko sa kanya.

"Namiss kita anak." Sabi ni mama.

Nag angat ako ng mukha. "Namiss din kita mama. Bakit di kayo nagsabi na uuwi pala kayo ngayon?"

Kumunot ang noo ni mama. "Nagsabi ako sa Tita Emie mo noong nakaraang buwan pa."

Kumunot din ang noo ko at tumingin kay Tita Emie na nagiwas ng tingin at kunwaring naging busy sa pagbubukas ng isang box. Malamang intensyon talaga nyang di sabihin sa akin.

Bumaling ulit ako kay mama at ngumiti. "Di bale ma, ang importante nandito ka na."

"Oo nga anak, sya nga pala marami pala akong pasalubong sayo na siguradong magugustuhan mo. Pero bago yun maguusap muna tayo mamaya. Maraming sinumbong sa akin ang tita at tito mo." Naging seryoso ang mukha ni mama.

Nawala naman ang ngiti ko. Alam ko na kung ano ang mga pinagsusumbong ni Tita Emie at Tito Rene. Siguradong sermon ang aabutin ko mamaya.

"Ehem, baka pwedeng ipakilala mo ko sa dalaga mo Jona." Singit ng isang lalaki na hindi ko kilala. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Di ko gusto ang uri ng tingin nya.

"Sino sya ma?" Tanong ko kay mama.

Ngumiti si mama at humawak braso ng lalaki.

"Sya si Norman anak, ang boyfriend ko." Pagpapakilala ni mama sa lakaking katabi nya.

Napaawang naman ang labi ko. "Po? Boyfriend nyo sya? May boyfriend kayo ma?"

"Oo anak, isang taon na rin kami at magkasama kami sa factory."

"Hi Jolene. Palagi kang kinukwento sa akin ng mama mo. Sa mga picture lang kita nakikita pero mas maganda ka pala sa personal." Nilahad ni Norman ang kamay nya.

Nagaalangan naman akong tanggapin yun. Di ako makapaniwala na may boyfriend si mama at isang taon na sila. Wala man lang syang nabanggit sa akin.

Tumingin sa akin si mama at binigyan ako ng nagbabalang tingin. Labag man sa loob ay tinanggap ko ang kamay ni Norman.

"Ma bakit hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala?" Tanong ko kay mama ng sundan ko sya dito sa kwarto nya. Naiwan sa labas si Norman na mukhang close na close na kanila Tita Emie at Tito Rene. Ang ikinaiinis ko pa dito nya patutulugin ang boyfriend nya. Dito sa kwarto nila ni papa.

"Bakit kailangan ko pang sabihin sayo nanay ba kita?" Mataray na balik tanong ni mama  sa akin habang nagbibihis.

"Anak mo ko ma, karapatan kong malaman yun. Tapos dito nyo pa sya patutulugin sa kwarto nyo ni papa."

"At saan ko sya patutulugin? Sa labas?"

"Eh di sa bahay nila. Saan ba sya nakatira?"

"Malayo ang probinsya nila kaya dito muna sya. Teka nga, bakit ba ako ang ini-interogate mo? Ikaw nga ang maraming kasalanan dito. Ang sabi sa akin ng Tita Emie mo di ka pa rin tumitigil sa pagtatrabaho sa bar. Ano ka ba naman anak? Nawili ka na sa pagiging pokpok."

"Hindi ako pokpok ma, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo. Di ko binebenta ang sarili ko. Bokalista ako sa bar. Kumakanta lang ako doon." Inis na paliwanag ko. Paulit ulit na lang.

"At ilang beses ko na ring sinasabi sayo umalis ka na dyan sa bar. Ang tigas din ng ulo mo."

"Ma naman, maganda ang trabaho ko sa bar at malaki din ang kinikita ko doon. Hindi ako aalis doon." Matigas na sabi ko. Napakalaking tulong sa akin ng kinikita ko sa bar. Di na ako kinakapos. Di na ako naghahagilap kung saan kukuha ng panggastos sa school.

"Di ka talaga aalis doon? Matigas ka? O sige bahala ka. Pero siguraduhin mo lang na hindi mo pababayaan ang pag aaral mo at makakatapos ka ng walang problema. Dahil kung hindi palalayasin kita dito sa bahay. Naiintindihan mo Jolene?"

Bumuntong hininga ako. "Oo ma, pangako makakapag tapos ako ng walang problema."

Sa mga lumipis na araw na nasa bahay si mama at ang boyfriend nya ay madalas na kaming magtalo. Paano ba naman sa kwarto na nga nila ni papa natutulog si Norman panay pa sila inuman. Oo naiintindihan ko na kauuwi lang nila sa abroad at sinusulit ang mga araw na nandito sila sa Pinas. Pero araw araw na lang at gabi gabi silang nagiinuman. Tulog lang ang pahinga nila. Tapos si mama kung ano ang gusto ni Norman sinusunod nya. Kaya naiinis ako. Parang di na nila nirerespeto ang bahay. Ang bahay na pinatayo pa ni papa para sa aming tatlo. Kaya minsan naiisip ko mas ok pa na nasa ibang bansa si mama. Di nga kami nakakapagbonding eh dahil mas gusto nyang kasama si Norman na mukhang manyak.

Bumuntong hininga ako habang titig na titig sa cellphone na hawak. Wala pa ring text o chat si Atlas. Di pa rin sya tumatawag. Mag iisang linggo na kaming di naguusap. Sobrang miss ko na sya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Ayos lang ba sya?

Yumukyok ako sa vanity table at pumikit.

Please naman Atlas tumawag ka na.

Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako..

"Jess. Jess gising."

"Hmm." Naalimpungatan ako at sa nanlalabo kong paningin ay naaaninag ko ang mukha ni Ate Lucille.

Umupo ako ng tuwid at nag inat. Nakatulog pala ako.

"Antok na antok ka ah. Di ka ba nakakatulog sa inyo?" Tanong ni Ate Lucille.

"Nakakatulog naman ate. Siguro napagod lang ako sa mga activities sa school." Pero lately napapansin ko nagiging antukin ako.

Tumago naman si Ate Lucille. "Mag ready ka na ikaw na ang susunod na sasalang."

"Oo ate." Tumayo ako at binitbit ang cellphone. Tiningnan ko muna ito ng isang beses. Bumuntong hininga ako. Wala pa ring paramdam si Atlas.

Nilagay ko na sa bag ang cellphone at nagready na.

-

Halos lumabas na ang bituka ko sa kakaduwal pero wala namang lumalabas sa bibig ko kundi puro laway. Hinang hina ang pakiramdam ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Ilang umaga ko na itong nararamdaman at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pero mayamaya lang ay magiging ok na ako.

"Jolene! Ang tagal mo naman! Ano bang ginagawa mo dyan?" Katok ni mama sa pinto ng banyo.

Akmang sasagot ako pero naduwal na naman ako. Halos manigas na ang katawan ko sa kakaduwal.

"Nagsusuka ka ba? Ano bang nangyayari sayo Jolene?"

Binuksan ko ang gripo at nagmumog.

"S-Sandali lang ma." Paos ang boses na sagot ko.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili. Medyo kumalma na ang sikmura ko.

Inayos ko ang sarili at binuksan na ang pinto. Tumambad sa akin ang nakakunot noong si mama. Naaamoy ko pa ang alak sa hininga nya dahil naginuman na naman sila kagabi. Mukhang may hang over pa sya.

"Bakit nagsusuka ka? Buntis ka?"

Namilog ang mata ko sa sinabi ni mama. "Hindi po ma. May nakain lang yata ako kagabi."

"Akala ko buntis ka eh. Kuh, wag kang magkakamali Jolene makakalbo kita. Tabi na dyan at ihing ihi na ako."

Gumilid ako pero natigilan ako sa sinabi ni mama. May sumipang kaba sa dibdib ko. Saka ko lang naalala. Hindi ako nagkaroon noong isang buwan magpahanggang ngayon. Lagpas na ang petsa ng period ko.

Lumunok ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko

Hindi naman siguro..

Nanginginig ang kamay ko ng ilapag ko sa sink ang maliit na cup na pinaglagyan ko ng ihi ko. Nilapag ko rin ang dropper. Maghihintay pa ako ng ilang minuto.

Para makasiguro at sa ikakatahimik ng loob ko ay bumili na ako ng pregnancy test paglabas ko ng school. Nahiya pa nga ako kanina sa babae dahil baka kung ano ang isipin. Pero kailangan kong makasiguro.

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at pumikit. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot.

Wag naman sana. Wag naman sana..

Dahan dahan kong dinilat ang mata at tumingin sa pt. Nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang dalawang pulang linya.

Positive.

Buntis ako.

*****

Happy 14k followers! 🤗 Maraming salamat sa lahat ng nagfollow. Sana ifollow nyo rin po ang fb page ko at dreame account. Same name at same profile lang din po. Thank you in advance! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...