History

Bởi Ejojorg

4.5K 128 30

A Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's His... Xem Thêm

A little reminder!
Kabanata 1: Sino ba talaga siya?
Kabanata 2: Bayaning nagpa bago sa buhay at landas ng isang Heneral
Kabanata 3: Love is powerful it's a great satisfaction to everyone's feelings.
CHARACTERS: An alternate tale
History: Un cuento alternativo
Capítulo Uno: Mi Amor
Capítulo Dos: Querida
Capítulo Tres: Hahabulin Kita hanggang sa makuha ka, Cariño.
Capítulo Cuatro: Tatlong talampakan, Heneral!
Capítulo Cinco: Baliktanaw at Liham
Capítulo Seis: Paghahanda
Capítulo Ocho: Your hand fits in mine (like it's made just for me)

Capítulo Siete: Dating Pag-ibig

108 6 3
Bởi Ejojorg

Previously...

Y/n: Tama, Tama. O siya tayo na't bumalik sa Hacienda at mag handa ng merienda para kanila Goyo at sa iba pang mga sundalong kasama sa pagpupulong.

Saad Kong naglalakad na pabalik sa Hacienda at sabay kuha ni Joven sa aking kamay na may hawak ng aking mga nabili. Nagpasalamat ako sa kaniya at sabay kaming naglakad.


-----------++----------

Las Islas Filipinas
Dagupan, Pangasinan
Septiembre 23, 1899

10:30 A.M.


Y/n's PoV

Andito kami ngayon sa bayan sa harap ng simbahan Upang makuhanan na ng litrato Ang limang sundalong kaibigan namin ni Joven, ngunit anong oras na at Wala pa rin si Juan at Telesforo. Nawala ako sa malalim Kong pag-iisip ng marinig ko Ang bwiset ng boses ni Joven.

Joven: Lagi na lang Wala sa oras ng Pictórico (Pictorial) Ang dalawang lalakeng iyon! Mamaya ko na lamang sila kukuhanan, bahala sila sa buhay nila, tanghali na! Sigaw niya sa inis at nagsimulang ayusin Ang tatlong lalakeng nasa harap namin Wala ng gagalaw!

Vicente: Wala ng gumagalaw Jo--

Y/n: Manahimik, Kuya. Pampuputol ko sa kaniyang sasabihin.

Joven: Kanang kamay sa iyong bewang, Koronel Julian at sa espada naman sa iyong tagiliran, Koronel Vicente. Posisyin! Isa... dalawa... tatlo! At sa bilang niyang tatlo tumunog Ang camera.

Tumingin ako sa paligid ay marami na palang nanonood sa amin, mga bata, matatanda, at karamihan mga binibining nakatitig Kay Goyo. Tsk.

Julian: O siya, Tara na at bumalik sa Hacienda para mag-ayos. Asaan ang mga guwárdiyáng may hawak ng ating mga Kabayo? Sabay na lumapit Ang Sarhento Pérez at Korporal Asensio at isa pang sundalo ng masabi niya Ang mga ito dala Ang Kabayo naming Lima

Nagsitabi Ang mga tao ngunit patuloy pa rin kaming pinapanood. Sumakay na Ang Kuya Vicente at Kuya Julian sa kanilang mga Kabayo sumunod naman si Joven pagkatapos niyang maibilin Ang kaniyang cámara sa sundalong kasama nila Sarhento Pérez at Pagkatapos non ay tinulungan ako ni Goyo na umakyat sa sarili Kong Kabayo. Nagsimula Ang bulong bulongan, bagamat Hindi normal sa babae Ang mangabayo sa panahong ito. Ito pa lamang siguro Ang unang beses nilang maka kita ng babaeng nangangabayo rito sa bayan.

Ang mga matatanda Ang nagbubulong bulongan patungkol dito ngunit Ang mga Binibini naman ay pinagbubulungan Ang pagtulong sa akin ni Goyo, simpleng bagay Hindi nila mapalagpas. Sumakay na si Goyo sa kaniyang Kabayo at Saka nagsalita Ang Kuya Vicente.

Vicente: Tapos na po Ang panood, maaari na tayong bumalik sa ating mga tirahan Upang makapag handa! Paniguradong Malapit ng dumating Ang Presidente pati na Rin Ang mga kalapit na bayan!

Julian: Brigada del Pilar, mag patrolya at magsikalat! Korporal Asensio, hanapin mo Ang Kapitan del Pilar at Teniente Carrasco paki sabing bumalik na sila sa Hacienda at maghanda na.

"Masusunod Koronel!" Sabay-sabay na sigaw ng mga sundalo at nagmadaling pumunta sa kani-kanilang tungkulin.

Maganda palang magkaroon ng ayudante de campo, Hindi masasayang Ang Boses mo dahil may magsasalita para sayo.

Goyo: Tayo na. Saad ni Goyo na nakatingin sa akin na naka sakay na sa kaniyang Kabayo paraan Upang magsitabi Ang mga tao. Muli siyang tumingin sa kaniyang harapan at sinimulang patakbuhin Ang kaniyang Kabayo na sinundan ko at ng tatlo pa naming kasama.

Ako'y naka titig sa likuran ni Goyo habang pinapatakbo kasunod sa kaniya Ang sarili Kong Kabayo. Ngayon ko lang napansin na Saka lang siya nag sasalita kung may lalapit na sibilyan sa kaniya at Yun lamang. Hindi siya nakikipag usap sa iba kundi sa aming mga kaibigan niya lamang, Kay Nanang Amanda, sa mga tauhan sa Hacienda, at sa kaniyang mga sundalo. Misteryoso sa iba ngunit kalog pagdating sa kaniyang pamilya.

Pagdating namin dito sa Hacienda agad Kong sinabayan ng lakad si Joven para siya'y matanong tungkol sa aking iniisip kanina.

Joven: Hindi ba't nasabi niya na ito sa atin noong tinanong ko siya nung panahong nalaman nilang ikaw Ang nawawalang kapatid ni Vicente? Kunot noong tanong niya sa akin.

Y/n: Tonta. Wala pa ako sa panahong ito nang mangyari iyon, ako si Y/n at Hindi si Remedios noong mga panahong iyon! Bulong ko sa kaniya at sabay kamot niya sa kaniyang ulo ng Ito'y mapagtanto niya.

Joven: Oo nga pala, pangalawang buhay nga pala ni Remedios and kasama ko ngayon. Bulong niya sa kaniyang sarili na aking narinig. Nagsimula Ang ugali niyang Hindi mamansin at makipag usap sa iba noong ika'y nawala, Binibini. Sampung taon siya at walong taon ka ng mangyari ito. Simula noon kanila Julian, Enteng, Juan, at Telesforo na lamang siya nakikipag usap at kahit Ang kanilang mga magulang ay Hindi niya kakausapin kung Hindi sila Ang lalapit. Naging palikero ng siya'y mag binata ngunit salamat sa May Kapal na Hindi na ito nangyayari pa ng tumungtong sila rito sa Dagupan at muli Kang Nakita.

Malaking epekto nga Ang pagkawala ni Remedios sa kaniyang buhay noong mga bata pa sila. Ngunit salamat na lamang at sila'y nagkita ulit dito sa Dagupan, pangako Kong Hindi na babalik sa pagiging palikero si Goyo at gagabayan siya sa bawat haharapin niya Bilang sundalo at bilang Goyo.


-----------++----------

11:30 A.M

"Heneral! Ang Señor Presidente ay Narito na po!" Sigaw ng sundalo ni Goyong habang kami ay nandito sa Sala pinapipili ako ng aking mga Taga ayos para sa aking susuotin mamaya at Ang aking mga pakealamerong kaibigan at Kuya ay nangunguna nanaman sa pagpili.

Goyo: Susunod kami. Saad ni Goyo habang tumatayo sa kaniyang kinuupuan. Sinundan namin siya palabas Upang Makita Ang mga karwaheng naka parada sa harap ng Manor.

Naiwan kami sa harap ng Manor habang si Goyo naman ay Binati si Aguinaldo, nasa tapat namin Ang isang magarang Karwahe, Hindi kalayuan sa aming kinatatayuan. Nang lumabas Ang sakay nito sabay na nagsalita si Juan at Telesforo.


"Naku po, kasama Ang nakaraan."

Y/n: I rolled my eyes. Mga ginoo, Ang galaw niyo. Agad na tumahimik Ang dalawa sa aking pagsuway.

Julian: Si Felicidad, kapatid ng Presidente, Ang dating kasintahan ni Goyo. Pagbibigay impormasyon ni Kuya Julian na Hindi ko na lamang pinansin.

Joven: Alam namin, Julian, kaya manahimik ka na. Hindi siya Ganoon kaganda. Bulong pa niya sa katabi niyang Juan na narinig naman ni Vicente.

Vicente: Bunganga niyo.

Makalipas Ang ilang minutong pag-uusap ng Presidente at ni Goyo nabaling Ang pansin ng Presidente sa kaniyang kapatid.

Aguinaldo: Felicidad! Doon tayo sa tahanan ng mga Carrasco manunuluyan, mas Malapit sa bayan. Babalik na lamang Tayo rito sa Hacienda ng Enriquez mamayang Piging. Nagtama Ang tingin namin ni Goyo ng sila'y papalapit, ngingitian ko na lamang siya at umiwas ng tingin. Sana'y ayos lang ito sa iyo Koronel Enriquez, Teniente Carrasco.

Sumaludo Ang aking Kuya at si Telesforo na sinundan naman ng iba pa naming kaibigan.

"Walang kaso iyon sa amin, Señor."
Ngumiti Ang Presidente sa kanila sabay tumingin sa akin. Kumunot Ang kaniyang noo ng saglit at umiwas lang din ng tingin Upang pumunta sa kaniyang kapatid.

Juan: Hindi mo ba sila ihahatid sa inyo, Telesforo? Bulong ni Juan Kay Telesforo na binalingan naman ng Teniente ng isang naiiritang tingin.

Tumingin ulit ako kung saan Ang Presidente at si Felicidad ay naglalakad na sa kani-kanilang Karwahe ng mahuli Kong nakatitig sa akin Ang kapatid ng Presidente. Tinaasan niya ako ng kilay na akala mo Ako Ang kanina pa naka titig sa kaniya kaya binalingan ko siya ng sarkastikong ngiti.

Goyo: Remedios, halika na sa loob para tayo'y makapag handa na. Nagulat ako sa boses ni Goyo na nasa tabi ko na pala at agad ko naman siyang tinignan at nginitian. At ano Ang iyong tinititigan? Pahabol pa nitong naka kunot noo sabay tingin sa Karwahe ni Felicidad na papaalis na.

Y/n: Wala iyon Goyo. Tayo na't pumasok at hayaan Ang iba mong sundalo na mag bantay dito sa labas. Saad Kong Hila Hila Ang kaniyang braso paloob na sinunod niya na lamang.


Mr. Mon Confiado as Pres. Emilio Aguinaldo

andEmpress Schuck as Felicidad Aguinaldo


Google©

12:15 P.M.

Ako'y pababa ng hagdan kasama si Manang Lusing na umaalalay sa akin ng Makita ko Ang aking mga kaibigan sa dulo ng hagdan na naka ayos na. Himala Mukha silang desente lahat, matitipuno at gwapo Ang kanilang itsura ngayon. Nabaling Ang tingin ko sa Heneral na walang duda'y kaaya-aya sa mata, napa ngiti ako sa kaniyang itsura. Suot niya ang kaniyang napaka puting rayadillo, ang kaniyang unipormeng para sa mg ganitong kaganapan. it was not wrinkled, not even a little bit. His peaked cap were on his right black leather clothed hand, and his sword was tucked neatly on his side. His Over-the-knee boots is two times shinier than the pass days.

Nang makita ako ni Kuya Julian pababa ng hagdan agad niya itong sinabi sa lima pang lalaking kasama niya. Nag tama ang tingin namin ni Goyo at agad niya naman akong inalalayan pababa, pagkatapos non ay umalis na si Manang Lusing.

Goyo: Ika'y napaka ganda aking Binibini. Saad niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang kaniyang tingin sa akin.

Y/n: Ganoon din sayo, Heneral. Ika'y napaka Guapo lalo na sa iyong suot. Sagot ko namang naka ngiti rin paraan upang pumula ang kaniyang mga pisngi at tenga.

Vicente: Tama na ang landian! at tayo'y humayo na. Goyo, maari mo ng bitawan ang kamay ni Remedios. Pagpuputol ni Kuya Vicente sa aming usapan, panira talaga ito sa lahat ng eksena.

Nga pala gayon din ang kanilang suot parang kay Goyo ngunit na iba lamang ang kulay ng kanilang rayadillo, ito'y kulay asul imbes na puti at sila'y naka suot ng salakot with the coat of arms of the Philippines at the center of it. Si Joven ang pinaka naiiba. He was wearing a white button up shirt topped with black chaleco. And a chelsea boots.


Ang kanilang mga kasuotan:


Google©

Julian: Kailangan niyo ng mauna sa plaza, Remedios. Joven alalayan mo ang Binibini. Telesforo at Juan sabayan niyo na ang dalawa upang mayroon ng kumokontrol sa mga tao roon. Nasa labas na ang karwaheng inyong gagamitin. Susunod kami bago ang a las doce y media Utos ng Kuya Julian sa aming apat na sinabayan naman namin ng tungo.

Vicente: Maaari ka ng maglakad palabas, Remedios. Heneral ang kamay. Saway ulit ng Kuya Vicente at dahan dahan namang inilagay ni Goyo ang aking kamay sa mga braso ni Joven.

Kami ay nag lakad palabas at tumambad sa amin ang isang napaka garang Karwahe at dalawang sundalong hawak ang mga kabayo ni Juan at Telesforo. Umakyat ang dalawa sa kanilang kabayo at inalalayan naman ako ni Joven na umakyat sa karwaheng gagamitin namin.

Nang kami'y maka ayos na sa pag-upo. Sumaludo ang dalawang Sundalo kanila Juan at Telesforo at sabay pinatakbo ang kanilang kabayo papalabas ng Hacienda na may pahabol pang paalala;


"Magkita na lamang tayo sa Plaza, Binibini, Joven!"

Nang maglaho ang silweta ng dalawang Sundalo, inutusan na ni Joven ang Kutsero na paandarin ang Karwahe patungong bayan.

-----------++----------

Nang kami'y maka rating dito sa Plaza maraming bata ang nagtatakbuhan mga binibini at matatandang nakatitig sa amin ni Joven. Mga mayayaman, may kaya, at pati na rin ang mga nahihirapan sa buhay ay narito para lamang makita ang mangyayari rito sa Pista kasabay ng paggunita sa pagtaas ng ranggo ng Heneral Goyo. Nagkalat din ang mga Guwardíya Sibíl.

Bago kami pumunta sa aming upuan ni Joven sa harap ng intablado sinubukan muna naming hanapin sina Juan at Telesforo habang ang mga dalaga na narito ay tuloy pa rin ang bulungan patungkol sa aming dalawa ni Joven. Tsk, mga walang modo.


'Nandiyan na ang Heneral! Nandiyan na ang Heneral!" Nagulat kami ni Joven sa lalaking tumatakbo habang sumisigaw sa gitna ng Plaza. Dalian namang nagpunta sa gitna ang mga tao lalong lalo na ang mga babae at gumawa ng bilog upang mapanood si Goyo na naka sakay sa kaniyang kabayo na paikot ikot sa harap ng mga tao.

Ang Kuya Vicente at Julian na kabababa lang sa kanilang kabayo ay agad na pumunta sa aming pwesto at kami'y binati. Ang teniente at Kapitan ay hindi pa rin namin nahahanap.

Kaliwa't kanang sigaw at humpay ng kamay ang iyong maririnig at makikita ngayon. Mga binibining pilit na kinukuha ang atensyon ng Heneral na naka sakay sa kaniyang kabayo.

Joven: Hindi ba napapagod ang mga boses ng mga babaeng ito? Tila'y mga manok na tumitilaok at si Goyong Ang kanilang araw pagsapit ng umaga. Iritang sambit ni Joven sa aming tatlo na ikinatawa naman ni Kuya Vicente at Julian.

Biglang nagtigil ang tawanan ng tatlo ng marinig namin ang pinag-uusapan ng tatlong babae hindi malayo sa amin.

"Ang gwapo nga talaga ng Heneral, Ano?" Saad ng babae sa puting baro't saya.

"Mamaya sa palabas, kailangang makatabi ko siya. Gawa tayo ng paraan ah?" Saad naman ng kaibigan niyang naka asul na baro't saya paraan upang mabulunan kaming apat sa sari-sarili naming laway. At ang tatlong lalakeng ginoo na aking kasama para magpigil ng tawa.

"Nako, magingat tayo sa lalakeng iyan" Ang babaeng naka itim naman na abaniko ang nag salita.

"Bakit naman?" Tanong ng dalawa.

"Kada bayang madadaanan niya may maiiwan siyang babaeng luhaan. May kasabihan na nga eh, Huwag tayong magpapa Goyo" Saad nitong akala mo'y nandidiri ngunit ng tumigil si Goyo sa kanilang harapan ay akala mo'y itoy mahihimatay dahil sa lalakeng nasa kaniyang harapan.

Nang umalis ang tatlong babae agad na nag salita ang tatlong lalakeng aking kasama.

"Ipokrito."

Vicente: Ang mga Binibining iyon ay halatang hindi taga rito. Kung umasta'y akala mo alam nila ang buong kwento ng buhay ni Heneral. Saad ni Kuya Vicente na sinagayunan naman naming tatlo.

Y/n: Nga pala, Nakita niyo ba si Telesforo at Juan? Kanina pa namin Hindi nakikita. Sila pa'y mas naunang naka rating dito. Nagtatakang Saad ko.

Julian: Silang dalawang Ang mag e-eskort sa Presidente at sa kaniyang kapatid papunta rito sa Plaza. Nakalimutan naming sabihin sainyo bago kayo maka rating dito, pasensya na. Pagpapaliwanag ni Kuya Julian sa amin habang papalakad kami papunta sa aming uupuan sa harap ng entablado.

Nagsimula na ring maghanap ng upuan Ang mga tao sa aming paligid sa gayong si Goyong Ay bumaba na sa kaniyang Kabayo at nagsimulang pumili ng mauupuan sa harap ng entablado kasama Sina Sarhento Pérez at Korporal Asensio na gumagabay sa kaniya.

Maraming tao Ang sumasalubong sa kaniyang bawat upuan mga babaeng nanghihikayat at namimilit na tumabi siya sa kanila. Ngunit nang Makita niya ang kaniyang dalawang Koronel, ako at si Joven ay agad siyang pumunta sa aming kinauupuan at inutusang bumalik na sa trabaho Ang dalawang sundalong kasama niya kanina.

Binati siya ng aming kaibigan nakipagyakapan at Saka tumingin sa akin, inalis niya Ang kaniyang sombrero, kinuha Ang aking kamay at hinalikan ito ng marahan kasama ng kaniyang magandang ngiti. Tila'y tumahimik Ang paligid sa kaniyang ginawa kaya umupo siya sa aking tabi at nagsimula kaming magkakaibigan na mag kwentohan. Muling umingay Ang paligid hinihintay Ang Presidente Upang makapagsimula na Ang programa para Kay Goyo. Nagtatawanan Ang aking mga kaibigan pati na Rin si Goyo ng mapansin namin Ang tatlong babae nanaman kanina. Sila'y nasa kabilang seksyon ng upuan, bandang kanan katapat namin. Harapang linya, pangatlo, pang-apat, at pang-limang upuan. Hindi Ganoon kalayo Ang distansya kaya naririnig pa rin namin Ang kanilang usapan.

Joven: Puñeta. Bulong ni Joven na pinaka Malapit sa kanilang tatlo na nasa kanan ni Goyo.

Goyo: Ano Ang problema natin sa tatlong Binibini? Mukhang Hindi sila Taga rito? Nagtatakang tanong ni Goyo sa amin.

Julian: Hindi nga. Makinig ka na lamang sa kanilang usapan, kapatid, matatawa ka na lamang. Saad ni Kuya Julian ng pabulong na nasa tabi ni Kuya Vicente at nasa aking kaliwa.

"Sino nga ba Ang babaeng iyan?" Tanong ng babaeng naka asul na baro't saya at inis na ipinapaypay sa kaniyang sarili Ang kaniyang abaniko.

"Iyan si Remedios. Isang Nable Jose, anak ni Don Mariano." Pagpapaliwanag ulit ng naka itim na abaniko. Tila siya lamang Ang may kaalam alam patungkol sa kaganapan dito sa Dagupan. Tunay nga na chismosa.

"Ano naman Ang relasyon nila ni Goyo? Bakit Wala man lang distansya Ang pag upo nila sa isa't isa?" Naiiritang tanong ng babaeng nasa puting baro't saya.

"Nalaman Ko sa mga babae kanina na nililigawan daw ng Heneral ang Señorita." Saad nanaman ng babaeng may hawak ng itim na abaniko.

"Hindi ito dahilan upang mawalan ng distansya sa kanilang dalawa. Siya'y isang babae Hindi dapat siya umasta ng ganiyan sa harap ng mga lalaki. Siya'y isang malanding--"

Tatayo na sana Ang apat na lalake na aking kasama, kasama na si Goyo ng marinig nila Ang mga salitang pinakawalan niya ngunit sila'y aking pinigilan.

Y/n: Pigilan niyo Ang inyong mga sarili Ginoo. Maraming tao at wala akong pake sa kanilang mga sinasabi. Saad ko sabay hawak sa braso ni Goyo. Nang Marinig namin ulit Ang babaeng may hawak ng itim na abaniko bumulong na Hindi naman Ganoon kahina, puno ng nerbyos at takot Ang kaniyang tono.

"Ayus-ayusing mo Ang iyong pananalita! Hindi mo ba kilala Ang Don Mariano!? Gagawin niya Ang lahat para lamang sa kaniyang unica hija. Iba Ang kapangyarihang hawak ng mga Nable Jose sa bayang ito. At Saka nakikita mo ba Ang mga kasama ng Señorita Remedios ngayon? Ito'y mga kaibigan at sundalo ni Goyo na naging kaibigan na Rin ni Remedios. Kaya manahimik ka at huwag tatanga tanga!" Galit na bulong nito sa kaniyang kaibigan.

"Merecido" (Deserved) bulong ng apat na lalakeng kasama ko ng sabay sabay at umiwas ng pakinggan Ang usapan ng tatlong babae.

"Ang Presidente! Nariyan na Ang Presidente!" Sigaw nanaman ng lalaki habang tumatakbo.

Gaya ng Kay Goyo kanina sabay sabay na tumunog Ang trumpeta at tambol. Hiyawan ng mga tao Ang maririnig at sabay sabay na nagsitayuan sa kanilang upuan.

Sa kanilang pagpasok una agad namin Nakita ay si Juan at Telesforo na naka sakay sa kanilang Kabayo na nasa harap ng Kabayo ng Presidente. Sa likod ng Presidente ay Ang Karwahe kung nasaan naka sakay Ang kaniyang kapatid na si Felicidad.

Pagbaba ng kanilang mga kabayo at Karwahe kumaway agad Ang Presidente sa mga tao at dumiretso kung nasaan kami. Naka sunod sa Kaniya Ang kaniyang kapatid at si Telesforo at Juan naman ay nasa kaniyang magkabilang gilid.


Goyo: Ka Miong. Sumaludo si Goyong na sinundan naman ni Kuya Vicente at Kuya Julian. Niyakap ng Presidente si Goyo at ngumiti sa direksyon namin ni Joven. Plastik.

Aguinaldo: Ikaw si Remedios at ikaw naman si Joven, hindi ba? Tumungo ako sa kaniyang tanong at ngumiti ng marahan na sinagot naman ni Joven ng mabilisan.

Joven: Kami nga po.

Aguinaldo: Siya nga pala, ito ang aking kapatid na si Felicidad. Pasensya na't hindi ko siya naipakilala sa inyong dalawa kanina. Ngunit sigurado akong kilala niyo na siya dahil sa inyong mga kaibigan.

Joven: Señorita. Saad ni Joven na sinabayan niya ng mabilisang pagyuko ng kaniyang ulo tanda ng respeto.

Felicidad: Ginoo, Remedios. Sagot niya naman ng mabilisan habang naka titig sa akin.

Aguinaldo: Bueno! IIwan ko muna sa inyo ang aking kapatid at kami'y tutongtong na sa entablado. Saad nitong papaakyat na sa entablado kasama sina Juan at Telesforo.

Goyo: Remedios, Joven. Kayo muna'y maiiwan namin magkikita na lamang tayo pagkatapos ng mga pangyayari. Pagpapaalam ni Goyo sa aming dalawa ni Joven na sadiyang hindi pinapansin si Felicidad. Muli siyang ngumiti sa amin at saka umakyat na sa entablado kasama ang Kuya Vicente at Julian.

Joven: Iba ang titig ng kapatid ng Presidente sa Heneral. Bulong ni Joven na nasa aking likod

Nang tinignan ko si Felicidad ay hanggang sa ngayon ay naka titig siya kay Goyo at halatang may ipinapahiwatig nga ang kaniyang mga titig. Ano kaya ang nasa isipan ng babaeng ito?

-----------++----------

Pagkatapos ang anunsyo at paggunita ng pagtaas ng Rango ni Goyo may mga nagsadula, kumanta, sumayaw, at pati na rin nag sabayang pagbigkas upang ipakita ang kanilang suporta sa Batang Heneral.

Pagkatapos ng lahat ng ito ay nagsimula ng bumalik ang iba sa kanilang mga tirahan ang iba naman ay naglabas ng kanilang mga handa upang pagsalusaluhan may mga lechon, ibat ibang luto ng Karne, manok, at gulay. May mga prutas din silang inilabas upang pagsalu-saluhan. Ngunit dali dali na kaming umalis ni Joven upang bumalik ng Hacienda dahil doon ay nag handa si Manang Lusing ng aming Kakainin kasama namin ang iba pang mga katulong at mga guwárdiyá ng Hacienda.

Hindi na namin pa hinintay sina Goyo at ang iba pa naming kaibigan dahil parami na ng parami ang mga taong naglalabas ng pagkain nila rito sa Plaza. Didiretso na sana kami ni Joven sa aming karwahe ng hilain niya ako papunta sa mga nag titinda ng prutas dahil nais niya raw bumili ng mangga na pagsasaluhan. Ngunit bago pa kami makarating sa pwesto kung saan nag bebenta ng prutas ay nakita namin si Felicidad at Goyo na nag uusap sa isang tabi kung saan hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.

Nakaramdama ako ng inis sa aking dibdib, inis na hindi ko maipaliwanag. Bakit ako makararamdam ng ganito kung alam ko naman sa sarili ko na walang ibig sabihin ang pag uusap nilang dalawa. Kahit na silang dalawa lang.

Nawala ako sa pag-iisip ng hinila ako ni Joven papalapit sa posteng malapit sa kanila at hindi kami makikita. At napansin ko roon ay mas naririnig ang kanilang pinag-uusapan.

Tinignan ko ng masama si Joven at siya'y nag kibit-balikat lamang saka ako pinatahmik at itinapat sa dereksyon nila ang kaniyang tenga. Chismoso nga naman. Alam kong madidismaya si Goyo kung nalaman niyang pinapakinggan namin ang kanilang usapan. Ngunit andito na rin kami, ba't pa ako tatanggi hindi ba? Besides, I want to know what they are talking about. Baka kung ano-ano na ang sinasabi nitong Felicidad na to.


Felicidad: Ano ang dahilan at kanina pang pagdating namin ako'y hindi mo pinapansin, Goyo? Narinig kong tanong ni Felicidad kay Goyo.

Goyo: Wala namang dahilan para ikaw ay aking kausapin, Señorita, hindi ba? Sagot ni Goyo na parang may halong inis sa kaniyang boses.

Felicidad: Sino ang babaeng iyon? Ang lagi niyong kasama? Napa taas ang aking kilay dahil alam kong ako ang kaniyang tinutukoy. Siya ba ang bago mo? Kaya ganiyan ka na lamang maka asta sa akin? Pag aakusa niya pa sa Heneral

Goyo: Sa pananalita mo'y parang ako ay inaakusahan mo Señorita. Wag mong tawaging Bago si Remedios at wala ka sa posisyon para tanongin ang mga iyan sa akin. Joven chuckled at that and I stayed focus listening at their conversation.

Felicidad: Alam mo namang mahala pa kita, Goyo. Wala man lang natitirang pagmamahal sa iyo? Napa tingin kami ni Joven sa isa't isa sa mga sinabi niya, at narinig naming nag buntong hininga si Goyo.

Goyo: Felicidad. HIndi ito ang panahon para riyan. Oo, mahal kita--

Nag tinginan ulit kami ni Joven sa mga katangang binitawan ni Goyo. Napahinto ang aking paghinga, tila tumigil ang pag ikot ng mundo. Na wala ang lahat ng ingay pati na rin ang usapan ng dalawa ni kahit si Joven ay nakalimutan kong nasa aking tabi pala dahil sa paulit ulit na salitang umiikot sa aking Ulo. Agad akong umalis at tumakbo papunta sa tindahan ng prutas.

Habang tumatakbo na rinig ko pa ang mahinang pagtawag ni Joven sa aking pangalan. Wala ng ibang pumapasok pang salita sa aking utak ngunit iyon lamang. I don't know what should I feel. Betrayal? Sadness? Anger? Selos? I don't know if I should even feel all of that. Walang kami!

"--medios! Remedios!" Nabalik ako sa katotohanan ng marinig ko ang boses ni Joven, nasa gitna na pala kami ng mga bilihan ng prutas at ang kamay niya'y nasa aking balikat. "Ayos ka lamang ba, Binibini?"

Y/n: Ayos lamang ako, Joven. Halina't pumili ka na ng mangga. Pagaaya ko sa kaniya at pilit na hindi inaalala ang mga narinig ko kanina.

Joven: Pasensya na, Remedios, kung hindi dahil sa akin ay hindi mo sana narinig ang kanilang pinag--

Y/n: Huwag na lamang nating babanggitin ang ating mga narinig. Pangtitigil ko sa kaniyang mga sasabihin at saka naglibot para pumili ng mangga.

Alam mo namang mahala pa kita...

Wala man lang natitirang pagmamahal sa iyo...

Oo, mahal kita...

Continuará...



Thank you for reading!

This is a complete work of fiction.


"Success belongs only to those who are willing to work harder than anyone else."

-Lewis Hamilton, 44


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

The Reluctant Marchioness Bởi Laura

Tiểu Thuyết Lịch Sử

1.7M 69.2K 29
After a disastrous first season in London, Rose Wilde finds herself torn between two men who love her -- but who both hide secrets that could ruin he...