AMONG US I

By exoleyxion

355 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE

3 2 0
By exoleyxion

NAPABALIKWAS AKO nang bangon dahil sa sinabi ni Neon. It’s true. France and Mia were next. As what I’ve noticed on that piece of paper, France’s and Mia’s name were both written using red ink, tas black ballpen naman ang ginamit sa iba which is obviously, not the next to be killed. What the fish!

“Explain what happened.”

Kahit gabi na ay nakipagkita pa rin kami ni Wave kay Neon sa may malapit na coffee shop. She requested it, anyway. Hindi rin ako mapakali kaya pumayag na ako. Wave, on the other hand, refused, pero wala na siyang nagawa dahil nagpumilit ako. Ayaw rin naman niyang lumabas ako mag-isa dahil baka ma-kidnap na naman daw ako.

“They’re dead!” bulalas nito. “Someone sent me a picture of them. Napaka-brutal ng ginawa sa kanila!”

“Pwede ko bang makita ‘yung litrato?” I asked.

Tumango naman ito at inabot sa’kin ang phone niya. Akmang kukunin ko na ito nang unahan ako ni Wave. Siya na ang tumingin sa litrato. Sumilip din ako pero agad naman niyang binalik ang phone kay Neon.

“That’s… inhumane,” he commented before looking at me. “It’s better if you won’t see that. It won’t make you sleep tonight, trust me.”

Kahit gusto kong makita ang picture ay tumango nalang ako at hindi na umangal dahil mukhang hindi ako makakatulog nang maayos kapag nakita ko iyon. Si Wave na mismo ang nagsabi na hindi iyon kaaya-aya kaya mas mabuting huwag nalang tignan. It’s for my own good.

Neon told us that someone sent her a box. Nang buksan daw niya iyon ay tumambad sa kanya ang putol na kamay nina Mia at France, pati may note pa raw na nakalagay sa loob. Binigay niya ito sa amin. It says, “This is an invitation for you, Neon. Meet me at Dilegens Café on the evening of July 19, 8 pm sharp. Kindly come alone.”

“A-anong gagawin ko, Zivienne?” kinakabahang tanong nito. “A-ako na ba ang s-susunod?”

I hushed her to calm her down. “H-hindi, Neon.”

Wave shrugged. “We’ll see about that on July 19. Meet that person. If we see you the next day, then you’re not the next person to die. But if we don’t…”

Hinampas ko ito kaya hindi nanahimik nalang siya sa upuan niya.

“Don’t listen to him,” I said. “Uhm, meet with that person. We’ll be right there with you, but in a distance. So, if ever things go wrong, we’ll immediately send help.”

Masunurin itong tumango kahit natatakot siya. Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid pa namin siya sa mismong bahay nila para masiguradong ligtas siyang makakauwi. Mabuti na lamang at nasa malapit lang ang bahay nila at marami-rami pang tao sa daan.

Habang naglalakad kami pauwi ay nagtaka ako nang biglang tumigil si Wave at hinarap ako. He suddenly grabbed my waist and pulled me for a hug. Nagulat ako sa inasta niya ngunit niyakap ko nalang din siya pabalik. Hinagod ko ang likod niya at hinimas-himas ang buhok niya. I closed my eyes because of the warmth that he’s giving me through this hug.

“Wave?” mahina kong tawag sa kanya. “Is there something wrong?”

Kumalas ito sa yakap at tinignan ako bago umiling. Well, hindi naman ako uto-uto para maniwalang wala siyang problema. Baka nahihiya lang siyang magsabi kaya hindi ko nalang pipilitin. Baka mamaya magtampo na naman ‘to. Pahirapan pa naman ang pagsuyo sa kanya.

“Sure kang okay ka lang ha?” paninigurado ko pa nang makarating na kami sa bahay. Tanging tango lang ang sinagot nito at dumiretso na sa higaan. Hindi ko na siya kinulit dahil baka nga may problema siya. Hindi ko rin naman siya pipiliting sabihin sa’kin, pero ipapadama ko sa kanya na nandito lang ako.

Pasado alas onse na pero hindi pa rin ako makatulog kakaisip sa nangyari kina Mia at France at maging ang ka-weirduhan ni Wave. Nakatalikod ito ng higa sa akin kaya hindi ko alam kung tulog na ba siya o gising pa. Nakaramdam ako bigla ng lungkot kaya umusog ako palapit sa kanya at niyakap siya. Nagulat ako nang gumalaw ito kaya nagkunwari akong tulog. Humarap ito sa akin at hinila ako palapit sa kanya.

“Zivienne…” Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa noo ko habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang pisnge ko. Kinikilig ako sa mga ginagawa niya and at the same time ay nagtataka kung bakit niya ginagawa ‘to. Nag-aasume tuloy akong may gusto siya sa’kin. Hindi naman kasi normal sa magkaibigan ang ganito. This is for couples!

Maya’t maya niyang dinadampian ng halik ang noo ko habang bumubulong-bulong. Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan na nga akong nakatulog dahil nahehele ako sa mga pinaggagagawa niya sa’kin. There’s something wrong with him, I can feel it.

Kinabukasan ay kalat na nga sa campus ang nangyari kina France at Mia. Nakita ni Hazel na inupload nung dummy account ang litrato ng mga ito kung saan chinopchop daw ang mga katawan nila. Hindi ko nakita dahil ayaw ni Wave na makita ko. Binangungot kasi ako kagabi dahil sa kinuwento ni Neon na nangyari kina France at Mia.

“Ang brutal talaga,” Donna commented while looking at the photos.

Bumili si Hazel ng burger at kinagatan ito. Ngunguya na sana siya nang bigla na lamang sumigaw ang isang estudyante.

“WHAT THE FUCK? YUCK! NAKAKADIRI!” tili nito sabay dura ng kinakain niyang burger. Sumuka pa siya nang sumuka kaya sinabihan ko na ang mga estudyante na tawagin ang school nurse.

Lumapit kami sa babae at tinanong kung anong problema. Maluha-luha niyang ipinakita sa’min ang burger na kanina lang ay kinakain niya. “The patty is made of human flesh!” Kita ang pandidiri sa mukha nito. “May nasama pang kuko na may nail polish!”

Nagkatinginan kami ni Wave dahil sa gulat. Bigla naman tinapon ni Hazel ang kinakain niya tiyaka dinura ang nasa bibig niya. Agad siyang dinaluhan ni Shaun at binigyan ng juice. Tumakbo ito sa malapit na trashcan at doon sumuka nang sumuka. Maging ako ay naduwal din dahil sa sinabi ng babae. G-gawa sa tao ang burger patty?

Parehong dinala sa clinic sina Hazel at ‘yung babae. Nagsuka rin ang ibang estudyante dahil sa narinig nila. May isa pa ngang estudyante na kumakain ng bola-bola ang bigla nalang sumigaw at tumili.

“YUCKKK!! MAY NIPPLE ANG BOLA-BOLA!”

Biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya mabilis akong tumakbo sa malapit na lababo at sumuka roon. Naramdaman ko namang may humawak sa buhok ko sabay hagod nito sa likod ko. patuloy lamang ako sa pagsuka hanggang sa wala na akong mailabas. Pinunasan ko ng panyo ang bibig ko at sumandal sa malapit na pader. Sobrang sakit sumuka kaya para akong nawalan ng lakas.

“Here.” Pinainom ako ni Wave ng tubig at pinunasan ng panyo niya ang pawisan kong noo. “You okay? I’ll bring you to the clinic.”

Umiling ako. Marami na ngang estudyante ang isinugod doon tapos dadagdag pa ako?

Dinagsa ng maraming tao ang school cafeteria. Mga magulang yata ‘to ng mga estudyanteng dinala sa clinic. Nagrereklamo sila dahil sa gawa sa tao ang mga pagkaing binebenta nila. May mga pulis na ring nandito at kinakausap ang mga staffs pati na rin si Ms. Pilgrim. Pinabalik naman kami sa mga classroom namin kaya wala na kaming nagawa. Mabuti na lamang at nandoon si Sir Villejo kaya makakapagtanong kami sa kanya mamaya.

Habang nasa classroom kami ay pinag-uusapan namin ang nangyari sa cafeteria. Okay naman na si Hazel kaya lang ay nandidiri pa rin siya dahil muntik na siyang makalunok ng tao. Maging ako ay nandiri rin. Parang ayaw ko na tuloy kumain sa mga karinderya. Iniisip kong baka tao ang mga niluluto at sini-serve nila sa mga costumers nila. The thought of it makes me want to throw up. So disgusting.

“Luh, may bagong post ‘yung dummy account oh,” wika ni Shaun habang nakatingin sa cellphone niya. “You just ate France and Mia’s bodies. How does it taste? Yummy?”

“Kung gano’n, sina France at Mia ‘yon? Kinatay at pinangsahog sa mga pagkain sa cafeteria?” Bakas sa mukha ni Shaun ang pandidiri habang nagsasalita siya.

“Nakakadiri naman ‘to! Wala na bang ibang maisip ang killer?” Donna asked. “Ano akala nila sa’tin, mga cannibal?”

Right, this is purely inhumane. Halang na nga siguro ang kaluluwa nila dahil nagawa nila ang napaka-brutal na bagay na ‘to. Wala silang puso. Dapat ay mahanap na sila agad para tumigil na rin ang patayang nangyayari sa’min.

Isinumbong ng mga estudyante sa mga pulis ang tungkol sa dummy account ng killer kaya agad nila itong inaksyunan. They traced the owner of the account, but unfortunately, they only saw the phone in the middle of the road. Dahil sa dismaya ay nag-conduct sila ng search operation sa school. Hinalughog lahat ng lugar sa campus at naghanap ng mga clue. Unluckily, they saw none. Masyadong matalino ang killer dahil kahit clue ay wala siyang iniiwan.

Ayon kay Sir Villejo, hindi raw sinabi ng nag-deliver ng mga karne kung saan galing ang mga ito. Nautusan lang daw siyang dalhin iyon dito sa cafeteria. Hindi niya rin namukhaan ang mga nagpadala dahil naka-mask ang mga ito.

Now, this is a hopeless case. No clue about the killer, no clue was left on the crime scenes. Hindi na ngayon alam ng mga pulis kung saan sila magsisimula sa paghahanap kaya napapag-desisyunan nalang nilang itigiil na muna ang imbestigasyon. Nagalit ang mga magulang ng mga estudyante kaya’t nagpadala ang city ng mga sundalo para magbantay sa campus. Mas mabuti na rin iyon para mapanatiling ligtas ang mga estudyante. The question now is…

Mapipigilan kaya nila ang killer?

Mag-isa akong naglalakad papunta sa faculty room para ibigay kay Sir Villejo ang mga quiz papers namin dahil natapos na naming e check ‘to ni Wave kanina. Napadaan ako sa bakanteng classroom malapit sa library at napatigil nang may marinig akong nag-uusap sa loob. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip ako. Nakita ko si Tobias kasama ang dalawa nitong kaibigan.

“Bro, napansin kong malaki talaga ang pagkakahawig niyo nung Zivienne,” wika ng lalaking cute na chubby. “Hindi kaya magkapatid kayo? O kambal?”

Umiling si Tobias. “She said that we’re twins, but I don’t believe her,” sagot ni Tobias na nagpatigil sa’kin. Narinig niyang sinabi ko iyon. So, ibig sabihin ay gising siya noong dinalaw ko siya sa private room niya sa ospital. “I don’t have a sister.”

“Baka nga coincidence lang na magkahawig sila,” sabat nung lalaking may malaking katawan na medjo gwapo. “Naalala mo ‘yung classmate natin noon na si Marie?”

Tumango ang lalaking chubby. “Oo, ‘yung kakambal ni James?”

Binatukan ito ng isa. “Baliw! Hindi sila kambal,” sagot nito. “Magkahawig lang sila, pero hindi sila kambal. May mga artista rin nga na may kahawig na ordinaryong tao.”

“Sa bagay.” Tumango-tango ito. “Pero, bro, what if kapatid mo pala siya?”

“I don’t care. I don’t want her to be my sister,” walang emosyong sagot ni Tobias. “Hindi ko rin gustong maging mama ang mama niya. Naiirita ako sa mama niya. I also don’t like, Zivienne. Masyado siyang mahinhin para maging kapatid ko. Basta, ayaw na ayaw ko sa kanya… sa kanila.”

“Wala namang mali kay Zivienne, bro,” sambit nung gwapong lalaki. “Mas maganda nga siyang maging kapatid. Alam mo, napaka-bait no’n tiyaka friendly. Sobrang yaman at talino, pero walang arte.”

“I agee,” sang-ayon nung chubby. “Swerte ko siguro kung magiging kapatid ko siya. Kaya, bakit ayaw mo sa kanya, bro?”

“I just don’t want her to be my sister,” paulit-ulit nitong sagot. “Kung sakali mang kapatid ko siya, hindi ko naman siya tatanggapin. Thankfully, she’s not my sister.”

“Pero, lagi kang sumasama sa kanila. Bakit?”

“Huh? Anong bakit?” takang tanong ng chubby na lalaki. “Nakalimutan mo na bang nakipag-pustahan ‘tong si Tobias kina Diego?”

Mas lalo pa akong lumapit sa pinto para marinig ko nang maayos ang pinag-uusapan nila. Pustahan? Anong pustahan?

“Na kapag nakuha niya ang loob ni Zivienne at nasaktan niya ito ay panalo siya,” natatawang sagot nung chubby na naging dahilan ng pagkirot ng dibdib ko. “Gusto kasing makaganti ni Diego kay Zivienne dahil binusted siya nito noong grade 8 tayo.”

“Napipilitan lang akong sumama at makisama sa kanila dahil sa Diegong iyon,” blankong saad ni Tobias.

“Ano ba ang kapalit no’n?” tanong nung gwapong lalaki. “Ano ang makukuha mo kapag nanalo ka?”

“Kapag nanalo si Tobias, makukuha niya ang magandang kapatid ni Diego,” sagot nung chubby. “Gustong-gusto niya kasi ang babaeng iyon eh.”

So, ang pagsama niya sa’min ay isa lang pustahan para makuha ang babaeng gusto niya. He took advantage of our situation to do what he has to do, and that is to get close to me and hurt me. Wow, this is crazy.

Pinunasan ko ang pisnge kong basang-basa na ng luha dahil kanina pa pala ako umiiyak nang hindi ko namamalayan. Kumikirot ang dibdib ko at nasasaktan ako sa mga nalaman ko. He insulted me and our mom. He joined our team just to get close to me so he can dump me after. How could he do this?

Aksidenteng napatingin sa gawi ko si Tobias. Rumehestro ang gulat sa mukha nito nang makita ako. I saw him mouthed my name in disbelief before I ran away. Patuloy lamang akong lumuluha habang paalis ako sa lugar na iyon. I couldn’t handle the pain anymore. Sobrang sakit niyang maging kapatid.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa faculty room. Wala si Sir Villejo kaya nilapag ko nalang sa mesa niya ang mga test papers bago ako tahimik na lumabas. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko kaya hinayaan ko nalang. Kusa naman itong tumigil nang madaanan ko sina Zhaivo at Caryl na nag-uusap sa may malapit sa tapunan ng basura. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at nagtago sa malapit na pader.

“Kuya, thank you rito,” saad ni Caryl kay Zhaivo. “Siguradong matutuwa nito si ate!”

Kuya? Tinawag niyang kuya si Zhaivo. Tiyaka, ate? Is he referring to Caroline? But Caroline’s dead.

“You’re welcome, Caryl.” Ngumiti si Zhaivo. “Paki-sabi kay Caroline na mag-iingat siya. Tiyaka, gusto ko na rin siyang makita. Miss ko na siya eh.”

What? Buhay si Caroline? Tiyaka, nagkikita sila ni Caryl? How come? I thought she’s dead. That was confirmed. Paanong—?

“Sasabihin ko sa kanya, kuya!” masiglang tugon ni Caryl. “Sige, kuya, una na po ako!”

“Take care,” huling sabi ni Zhaivo bago ko narinig ang papalayo nilang yapak. Sa ibang direksyon tumungo si Zhaivo at sa kabila naman si Caryl, patungo sa gate. Kunot-noo kong sinundan ng tingin ang papalayong pigura ni Zhaivo.

Kung related nga sina Caryl at Zhaivo sa isa’t isa, ibig sabihin ay hindi dapat namin isali si Zhaivo sa hunt na ‘to. Maaaring siya ang accomplice ng killer. Pero what if siya ‘yung killer? Isa pa, buhay si Caroline kaya posibleng ito ang killer at si Zhaivo ang accomplice niya. Ka gulo naman!

Pero teka, paanong noong pumunta kami sa barangay Pilapil ay hindi kilala ni Caryl si Zhaivo? Maging si Tito Zandro ay hindi rin kilala si Caryl. Hindi kaya’y nagpapanggap lang silang hindi nila ito kilala? What if buong pamilya pala nila ang pumapatay?

Umiling ako at tinigil na ang pag-iisip. Nahihibang na yata ako dahil sa mga nangyayari eh. Imposible namang buong pamilya nila ang pumapatay kasi sobrang busy ng mga magulang ni Caryl na kahit sunduin man lang siya sa school ay yaya pa nila ang gumagawa. Tiyaka, hindi ko rin nakikita rito si tito Zandro.

Hays, naguguluhan ako.

TOBIAS

“What the fuck did you just said?!” bulalas ni Hillary nang sabihin ko sa kanyang narinig ni Zivienne ang usapan namin ng barkada ko tungkol sa pustahan. “You’re unbelievable, Cous! Why the fuck did you do that? Bakit ka nakipag-pustahan doon sa gunggong na Diegong iyon? Para ba doon sa Dina na kapatid niya?”

Marahas itong napasabunot sa buhok niya nang tumango ako. “Napalapit na rin ako sa kanila at na-realize kong mali ang ginagawa ko kaya tinigil ko na,” I replied. “I don’t want to do it anymore, Hillary.”

“But you already did,” sagot nito. “You hurt your twin! You punk!”

“I don’t mean it,” balik ko.

“Tanga ka talaga, Tobias.” Sarkastiko itong tumawa. “You meant it because you agreed to do it.”

I looked down because of embarassment. Nakakatakot talaga si Hillary magalit. Nagiging tuta ako nang wala sa oras dahil natatakot ako sa kanya. She’s a witch. Sobrang close namin at nahihiya ako dahil may nagawa akong mali.

“And what’s this I’m hearing?” I looked back at her. “You denied your twin several times and you even said painful words to her? Doon pa sa mismong bahay nila? Gosh! You asshole.”

“Hillary, I don’t want her to get close to me,” I said. “You do know how dangerous it is if the gang finds out I have a sister. Malalagay lang sa panganib si Zivienne, and I don’t want that.”

Sobrang saya ko nang malaman kong ako nga ang kakambal ni Zivienne dahil finally, I already found my real family or should I say, they already found me. But my happiness turned to fear when those goons attacked me after the abduction of Zivienne. Binisita ko no’n si Zivienne sa ospital and to my surprise, they’ve found me there.

Wala akong utang sa kanila o kung ano mang atraso. It’s just that, they’re forcing me to get back to Yanna, my ex-girlfriend who is so obsessed with me. Pinatulan ko lang naman siya dahil naawa ako sa kanya. She’s so desperate to have me and she even attempted to kill herself. I don’t like her. What I felt is just pity.

Now, she’s after me. Inutusan niya ang gang niya na hanapin ako at ipa-bugbog hanggang sa mapilit nila akong balikan ang leader nilang baliw. That was the time when I went to the hospital to visit Zivienne. Mabuti nalang at hindi nila ako nakuha no’n dahil pinaalis sila ng guard na nagbabantay sa labas.

Noong nakaraan ay na chambahan nila ako. They saw me walking home alone kaya na-corner nila ako. So unfortunate of them and so lucky of me dahil dumating sina Zivienne at Tobias at niligtas ako. I wasn’t expecting that. I thought Zivienne’s mad at me, but she’s not. She’s truly a soft one, my twin.

Ayaw kong ituring akong kapatid ni Zivienne dahil mapapahamak lang siya. The gang will chase her at pwede rin siyang gamitin ni Yanna para takutin ako. Natatakot akong baka malagay ko lang sa panganib ang buhay ng kakambal ko kaya mas pinili kong saktan siya. Pero mas nakakatakot pala ang ginawa kong iyon.

And the bet, I did that because I like Diego’s sister so much. Naisip ko noon na okay lang namang saktan ko si Zivienne. Maiintindihan naman niya siguro. Fuck! I was so immature to think like that. And when I found out that she’s my twin, I decided to stop this shit already. Nasabihan ko na rin si Diego na umaatras na ako sa pustahan namin. He agreed, but he told me not to go near his sister. Wala naman na akong pakealam sa kapatid niya.

“Pinasok mo ‘yan, Tobias, kaya huwag na huwag mong idadahilan iyan para saktan mo si Zivienne!” singhal nito sa’kin. “Why? Hindi mo ba kayang protektahan ang kakambal mo, Tobias? Duwag ka.”

“Hindi ako duwag,” tugon ko.

“Duwag ka dahil mas pinili mong saktan siya kaysa tanggapin at protektahan.” Kinuwelyuhan ako nito at nilapit sa kanya. Galit na galit ngayon si Hillary. Nakakatakot. “Kayang-kaya mo sila, Tobias. Tiyaka, bakit ka natatakot na baka saktan nila si Zivienne? Wave’s always there beside her as well as her friends and your brother, Zievo.”

“Hindi mo ba alam?” Kumunot ang noo ko. “When you were brought to the hospital and you lost a lot of blood, sila ng mom mo ang nag-donate ng dugo para sa’yo dahil hindi kami compatible ni mom na maging donor mo.” Nagulat ako. “Kung wala sila, malamang ay nakaratay ka pa rin sa ospital ngayon.”

Zivienne and her mom… no. Zivienne, and our mom donated their blood to save me. Hindi ako makapaniwalang sinaktan ko lang ang mga taong tumulong sa’kin… ang pamilya ko. I can’t believe that I disrespected and denied them para hindi sila madamay sa gulong pinasok ko. I can’t believe that I did that where in fact, I can do everything to protect them. I didn’t know I will regret hurting Zivienne.

Binitawan ako ni Hillary sabay halukipkip sa harap ko. “This is unbelievable.” Umiling-iling ito. “Zivienne is willing to risk her life for you, but how about you?”

“Fix your mess, Tobias. Don’t make Zivienne your secret relative just like someone I know…”

|•|end of chapter 18|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

192K 496 6
'Yung story ng buhay ko araw-araw? Halos ganito. Kaya maniwala kayo sa mga kwentong kagaya nito. *u* Strictly no soft copies and plagiarism, please...
121K 654 9
ALL that is written here are just my opinion. If you didn't find your favorite author/s or story/ies here I'm very sorry 'cause these are just my OWN...
138K 4.1K 79
A series of one shot stories :-)
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...